[TWO] Chap.5: Ang Multo sa may CR (Part 2)

Yo Yo Pips!

I'll make this chapter into a 3rd person point of view.

Okay lang? Tingnan ko lang kung mas magandang magnarrate! hehe!

Tell me what you think in the comment section below.

============================================================

๑۩۞۩๑ Ang Multo sa may CR ๑۩۞۩๑

                

Hindi maintindihan ni Jun-Jun Sta. Maria ang mga pangyayari. Paano naging malakas ang mga multo? Bakit gusto nila siyang saktan? Kahit si Magayon na kanyang elementong kaisa ay naguguluhan din. Hindi ito normal. 

"Pssst! Dito ka!" sabi ng isang estudyanteng babae.

Namukhaan siya ni Jun-Jun. Tanda niya na ito ang multo ng isang nagpakamatay na estudyante dahil sa di malamang dahilan. Ito ang gumugulo sa kanya noong nakaraang taon noong naisip niyang mag-aral sa may fire exit papuntang fourth floor.

Ang multo ay may makapal at maiksing buhok na hanggang pisngi lang. Mukhang tahimik at matalino dahil sa salamin nitong matingkad na pula.

"Hoy! Bingi ka ba?!" naiinip na sambit ng multo nang tinitigan lang siya at hindi lumapit si Jun-Jun papunta sa kanya. 

Hindi sigurado si Jun-Jun kung mapagkakatiwalaan ang multo. Ngayon pang nanakit na ang mga ito!

"Jun-Jun!" sigaw ni Magayon sa kanyang isipan. 

Naging alisto si Jun-Jun.

....TULUNGAN MO KAMI!..... bulong ng multo ng lalaking duguan na bigla na lang nagpakita sa kanyang likuran. Mabilis na lumayo si Jun-Jun at gamit ang kanyang espadang hangin, nasangga niya ang matutulis na mga kuko ng multo. 

"Huh?!" gulat na gulat si Jun-Jun nang isa-isang nagsisulputan ang mga multo na kani-kanina lang ay walang kakayahang manakit.  Ang dalawang batang gusgusin na wasak ang mga kamay ay may mga matatalas na pangil, ang matandang babae ay may sungay na gaya sa isang kalabaw at ang mga kamay ng babaeng basang-basa at puro lumot ay naging mahahabang galamay ng gaya sa isang malaking pugita.

"Ano 'to?! Naging mutant na sila?!"

Nagtawanan ang dalawang batang multo at tumalon papunta kay Jun-Jun, ang mga bunganga ay lubos na nakanganga para mas lumabas ang kani-kanilang pangil.  

....PAKINGGAN MO KAMI!...  sigaw nila.

"Lumayo kayo sa akin!" sagot ni Jun-Jun. Hinampas niya ng kanyang espadang hangin at gaya sa isang matalas na armas ay nahati sa dalawa ang multo ng mga bata.  Sandaling naglaho ang mga ito pero di rin nagtagal at namuo muli sila. 

Sumugod naman ang matandang babae na may sungay. Nakayuko ito at nakatutok ang sungay kay Jun-Jun. Naiwasan naman niya ito pero sumalubong sa kanya ang nakakapangilabot na ngiti ng babaeng may galamay. Pumulupot sa katawan ni Jun-Jun ang mga galamay ng multo.

"Ano ang nangyayar?i!" naiinis na sigaw ni Jun-Jun. Galit niyang hinati ang mga galamay.  

Plano niyang tumakbo papalayo papunta sa kabilang dulo ng fourth floor para gamitin ang isa pang hagdanan pababa pero pumalibot na sa kanya ang limang multo!

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

....PAKINGGAN MO KAMI!... 

Paulit-ulit na sambit ng mga ito.

"Oo, tutulungan ko kayo. Naririnig ko kayo." tinangka ni Jun-Jun mangatwiran. "Pero di ba usapan natin na isa-isa muna? Di ko kayang tulungan kayo ng sabay-sabay." 

Simula nang matulungan ni Jun-Jun na manahimik ang kaluluwa ni Jimpoy, ang batang multong nasagasaan at ang nawawala palang anak ni Aling Nena at kapatid ni Mikoy, pinilit niyang tulungan ang mga multong sumusunod sa kanya.  Simple lang naman ang ninanais ng ibang multo. May nag-nanais na dasalan lang sila, ang iba naman ay okay na kinakausap sila ni Jun-Jun. Ang mahirap lang para sa kanya ay ang mga multong humihingi ng hustisya. Halos lahat ng kanilang mga kaso ay nalimot na at may iba naman na wala man lang ginawang imbestigasyon para malutas ang pagkamatay nila.

Hustisya ang nais ng lalakig duguan na may bigla na lang may bumaril noong lasing siyang papunta sa bahay ng kanyang kabit.

Hustisya ang gusto ng matandang babaeng ginulat at namatay sa sindak.

Hustisya ang hanap ng dalawang batang pinulot ang paputok na 'Pikulo' na kala nila'y walang sindi.

Hustisya ang kailangan ng babaeng tinulak sa swimming pool habang siya ay nagsa-sun bathing at kumakain ng kalamares.

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

Naririndi na si Jun-Jun. "Ang kukulit nyo! Oo, tutulungan ko kayo. Kaya Please lang tumahimik na kayo!" 

Pero lalong nilakasan ng mga multo ang kanilang hinain. Lalo silang lumapit at halatang may intensyong manakit. 

Napakamot si Jun-Jun sa ulo. Sobrang  naiinis na siya.

"Aking tapat na elementong-kaisa,

Ang iyong kapangyarihan ay sa akin

Malakas, mabilis, hindi makita,

Ipo-Ipo!"

Tumilapon ang mga multo sa malakas at mabilis na pag-ikot ng ipo-ipo. 

Alam ni Jun-Jun na magbabalik muli ang mga multo kaya nagmadali na siyang tumakbo pero laking magkadismaya niya nang may iba pang mga multong papalapit. Ibang-iba ang itsura na lubos na pangit at nakakatakot. Naalala ni Jun-Jun na nasa purgatorya nga pala siya, lugar ng mga kaluluwag di matahik. 

"Saan na ako dadaan?" tanong ni Jun-Jun sa sarili. Nagsisimula na siyang mataranta.

"Ang kulit-kulit mo kasi! Dito sabi!" naiiritang sagot ng multo sa may CR. 

No Choice. Mukhang kukuyugin si Jun-Jun ng mga multo!! 

Pumasok si Jun-Jun  sa CR ng girls. Medyo di siya kumportble at medyo 'awkward' ang feeling. Hindi niya kailan man tinangkang pumasok sa CR ng girls. Curious pero never in his wildest dreams!

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

Nagwawalang sigaw ng mga multong di makapasok  kahit bukas na bukas ang pintuan ng comfort room. May kung anong di makitang harang na syang pumipigil sa kanila para pumasok.

"Wow!" namanghang sambit ni Jun-Jun. "Paanong..." natigilan si Jun-Jun nang may marinig siyang umuungol at mukhang nahihirapan mula sa isa sa mga toilet cubicles.

"Ughhh...Mmmm...Shhh ughhh...Mm..uggghhh..."

"Sino yan?!" tanong ni Jun-Jun at mabilis na binuksan ang dulong cubicle kung saan nagmumula ang ingay.  

Napanganga si Jun-Jun sa gulat. Hindi niya alam ang gagawin. Nataranta siya at para bang di siya makagalaw sa kinatatayuan. 

Wala siyang nagawa kundi pagmasdan ang isang babaeng estudyante na nagpupumiglas sa taling mahigpit na nakapulupot sa kanyang namumulang leeg. Umiiyak ang estudyante at ang mga mata ay nakatitig kay Jun-Jun, nagmamakaawa, humihingi ng tulong. Pero huli na ang lahat, tuluyan na siyang nawalan ng hininga, namuti ang mga mata at labas pa ang dila

"At ganyan ako namatay..." biglang may nagsalita sa may likuran ni Jun-Jun. Alistong humarap si Jun-Jun at inihanda ang kanyang espadang hangin.

"Whoaw... wait lang!" nakataas ang mga kamay ng estudyanteng multo. "Hindi ako kalaban!"

"Sino ka!" marahas na tanong ni Jun-Jun. Wala siyang tiwala sa multo. Mahirap na, baka bigla siyang atakihin.

"Grabe ka naman. Di mo ako kilala?" nalungkot ang multo. "Nagkita na tayo last year, di ba? Yung araw bago ka mag-periodical test. Dun ka sa may fire exit nag-aaral di ba?"

"Ang alam ko lang, ikaw ang estudyanteng nagpakamatay dito sa CR ng girls."

"Hayyyy... yun lang? Wala man lang name? Grabe na man. Sikat kaya ako dati.. Di mo natanong I was the reigning O.A. student of the year noong buhay pa ako. Nakakainis nga, sana pala mas nag-isip pa ako ng ibang method ng pagpapakamatay na maganda pa rin akong tingnan..." tumingin siya sa isa pa niyang sarili na nakabitin. Umiling siya. "Ang pangit! Bakit kasi nakalabas ang aking dila?! Ganyan ang itsura ko noong nakita nila ako! Nakakainis naman!"  Nagdabog ang multo na parang isang bata. 

Napakamot sa ulo si Jun-Jun. Hindi niya alam kung paano siya mag-rereact. Sino ba itong multong ito? Bakit naibaba siya sa mga multong nanggugulo sa kanya?

"Ang cute mong tingnan pagnaguguluhan ka at napapakamot sa ulo!" komento ng multo na laking gulat ni Jun-Jun ay nasa harapan na niya, face-to-face.

Napagmasdan niya ang itsura ng multo. Maganda din naman ang multo at halatang di purong pinoy dahil sa mga pekas sa mukha na lalong nagpa-cute sa kanya.

"Nagagandahan ka sa akin, noh?" pangangatyaw ng multo. Di napigilan ni Jun-Jun na mamula.

"Hi-Hindi, ah!" pagtanggi ni Jun-Jun.

Tumawa ang multo. "Hayyy.. sana buhay pa ako kasi I'll make you my boyfriend!" natatawang sambit ng multo.

Umiling si Jun-Jun at di pinansin ang multong makulit. Kailangan niyang mag-focus. Kailangan niyang mag-isip. Madaming kaganapan ang hindi niya maintindihan. At tsaka, malakas ang pakiramdam niyang hinahanap na siya. Matagal nang nakalipas ang lunch break. Kailangan niyang makaisip ng paraan para nakalabas sa purgatoryo at makapalik sa mundo ng mga buhay.

At bakit nga ba siya napunta sa purgatoryo in the first place?!

"Grabe... napakaserious mo naman! Ang cute-cute mo talaga!" sabi ng multo. "I really like you!"

 Nagbuntong-hininga si Jun-Jun. "Sino ka?"

Ngumiti ang multo. Umupo siya sa toilet kung saan nakabitin ang isa pa niyang sarili. Nag-snap lang siya ng fingers at nawala ang kanyang imaheng nagpakamatay. Ang taling ginamit niya para magbigti ay nagsilbi niyang accessory sa leeg. "Ako si Marian Mirasol. Third year student...Well noong buhay pa ako. Jun-Jun ang pangalan mo di ba?"

Di sumagot si Jun-Jun. Mas interesado siyang malaman ang mga kasagutan sa kanyang mga katanungan. "Paanong..." tinigilan ni Marian si Jun-Jun sa pagsasalita. Tinapat ni Marian ang kanyang maputlang daliri sa labi ni Jun-Jun. "Shhhh... ako muna ang magsasalita." Kapansin-pansin ang mga kuko ni Marian na may red na nail polish.

"I know you want to know kung anong nangyayari. Well, pareho tayo noong nabubuhay pa ako." biglang naging malungkot ang mukha ni Marian. "Pareho tayo. Nakakakita, nakaririnig at nakakausap ko rin ang mga multo. Sanay na ako pero suddenly things went out of hand at naging bayolente ang mga multo. Gaya mo, nagsimula silang atakihin ako at gusto na nila akong saktan. My mistake,  I told them promises that I could not keep. Na sinasabi mo rin ngayon sa kanila."

"Hah? Ano na man ang pina-promise ko? Wala akong pinapangako." pagtanggi ni Jun-Jun.

Umiling si Marian. "Ang sabi mo tutulungan mo sila."

"Oo, tutulungan ko sila."

"Do you mean it?"

"Oo naman. Gagawin ko iyon."

"Sa tingin mo ba kaya mo? Magagawa mo? Ano na ba ang gingawa mo para tulungan sila?"

"Ah... um..." natigilan si Jun-Jun. Gustong-gusto niyang tulungan ang mga multo pero hindi niya alam kung paano. Sobrang daling tulungan ang mga multong nais lang madasalan o maibigay lang ang kanilang mensahe sa kanilang mga mahal sa buhay. Nagsisilbi siyang medium, isang tulay ng mga patay sa mga buhay. Pero ang mga multong nagnanais ng paghihiganti o hustisya, hindi niya alam kung paano tulungan. Syempre hindi siya ang mahihiganti para sa kanila. HIndi siya mananakit ng buhay para lang sa isang patay.

"Jun-Jun, ang mga multong lubos-lubos ang galit ay ang mga multong nananakit. Sila ang nanggugulo para lang mapansin. Mga KSP sila!"

....TULUNGAN MO KAMI!..... 

....TULUNGAN MO KAMI!..... galit na galit na sigaw ng mga multo sa labas ng CR.

"Kaya sila nagkakaganyan, naiinip na sila. At alam mo ba ang nangyayari sa mga multong naiinip?"

Umiling si Jun-Jun.

"Tingnan mo ang mga multo sa labas, pumapangit sila! Nagiging halimaw! Pinangako mong tutulungan mo sila pero hanggang ngayon hindi mo magawa. Pagod na pagod na sila. Gusto na nilang mamahinga at ikaw na lang ang tanging pag-asa nila para mamayapa na sila. Pero huli na..." naging seryoso ang mukha ni Marian. "Hindi magtatagal,  lubos nang makakalimutan ng mga multong iyan ang dahilan kaya sila naiinip, ang mga natitirang alaala nila noong nabubuhay pa sila ay mawawala at unti-unting lalamunin ng poot at galit... Sila ang nagiging masasamang espirito... Ang mga 'Espirito ng Kadiliman."

Nangilabot bigla si Jun-Jun sa mga marinig.

"A-Anong gagawin ko?" ayaw mang aminin ni Jun-Jun pero natatakot na siya. Alam niyang hindi niya ito kakayanin mag-isa. Alam niyang maaaring masaktan ang kanyang mga kaibigan... ang kanyang Tito Derek... si Katherine Dela Rosa...

"Hindi ko alam." malungkot na sambit ni Marian. "Kaya nga, he'to ako... Di ko kinaya... Di ba may kasabihan, If you can't beat them, join them! Kaya ayun! Nagpakatay na lang ako. Kala ko matatakasan ko sila... pero malubhang kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay... Kaya yun, I'm stuck here for all eternity! "

Huminga ng malalim si Marian pero wala siyang hanging maramdaman sa loob ng kanyang katawan... Wala din naman siyang katawan. Isa lang siyang kaluluwa.

Nanahimik lang si Jun-Jun habang umiiyak ng walang luha ang estudyanteng multo.

"Anyway!" biglang ngumiti si Marian. "I'm curious kung bakit at paano nabuksan ang purgatoryo sa school."

"Hindi mo ba alam? Hindi ba ikaw ang may gawa nito?"

Umiling si Marian. "No."

"Ang mga multo kaya?"

"I doubt that. Sa tingin ko may mas malalim pang dahilan kung bakit nagbukas ang purgatoryo."

May mga babaeng nagtawanan sa labas ng CR.

Laking gulat ni Jun-Jun. 

Wala na ang mga nagwawalang multo. Bumalik na sa dati ang lahat. Bumalik na siya sa mundo ng mga buhay!

May mga estudyanteng babaeng papasok sa loob ng CR.

"Naku, lagot!" natatarantang sambit ni Jun-Jun. "Marian, anong gagawin ko?" pero wala na ang multo.

"AHHHHHH! MAY LALAKI SA CR!"

"BASTOS!"

"MANYAKIS!"

"PERVERT!"

"LEWD FOUR EYES!"

Pinagpapalo ng mga girls si Jun-Jun. "Sorry! Sorry! Sorry!" sabi niya habang tumatakbo papalayo. Dali-dali siyang bumaba ng hagdanan papuntang 3rd floor.

"HAHAHAHHHAHAH! PERVERT DAW! HAHAHAH!" utas na sa kakatawa si Marian na lumulutang sa ere. "So may bago kang nickname... HAHAHAHHAH! LEWD FOUR EYES! HAHAHAHHAHA!"

"Sinong Lewd four eyes?! Hindi ako ganun!" galit na sambit ni Jun-Jun. 

"HAHAHHAHAHA!" lalong pang-aasar ni Marian. "Lewd four eyes! Lewd four eyes!" 

"Kung hindi ka lang multo nasaktan na kita!" inis na inis na si Jun-Jun.

"Hahaha! Ang cute-cute mo talaga!" sabi ni Marian at pinisil niya ang pisngi ni Jun-Jun.

"Whoaw!" nagulat si Jun-Jun dahil naramdaman niya ang pagpisil ni Marian sa kanyang pisngi. "Paanong...?"

"Haha.. Gulat ka, noh? And the best thing is... I can kiss you on the lips and you can actually feel it!" malanding sambit ni Marian at hinalikan si Jun-Jun.

Nanlaki ang mga mata ni Jun-Jun. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Marian.

"Jun-Jun?" may biglang nagsalita.

"Ka-Katherine?" gulat na sambit ni Jun-Jun. 

____________________________01/17/2015

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top