[TWO] Chap.4: Si Abby Roque

๑۩۞۩๑ Si Abby Roque ๑۩۞۩๑

    (Abigail 'Abby' Roque's POV)

"Señorita, gising na!"

KATOK KATOK KATOK

"Señorita?"

KATOK KATOK KATOK

"You're so noisy, old lady! I can't sleep!"

"Gising na po kayo. Mahuhuli na kayo sa school."

"NO! I don't understand you, speak in english! and DON'T call me señorita, call me your highness!"

May sandaling katahimikan sa labas ng pintuan. 

"Wakie, wakie your highness! Its morning na and baka you'll be late for school!"

"WHATEVER!" dinig na dinig ang padabog na pagbaba ni Jenny mula sa kanyang kama.

"Pagkatapos nyong maligo at mag-ayos, baba na po kayo sa kusina para mag-almusal."

 Hindi sumagot si Jenny.  

Makalipas ang halos isang oras. 

KATOK KATOK KATOK

"Señorita, late na late na po kayo! Kanina pa po kayong nag-aayos. Quarter to 7 na po! 7:30 po start ng classes nyo!"

KATOK KATOK KATOK

"Bla Bla Bla! Old lady, you are soooooooo NOISY!" inis na sambit ni Jenny at padabog niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto. "I have my morning ritual and I have to do it exactly and detailed for me to be pretty!"

"Late na po kayo. Kanina na po naghihitay ang daddy nyo sa may breakfast table."

"Oh! Daddy wants us to have breakfast together! How sweet of him! Out of my way!"

"Sorry po."

"WHATEVER!"

KATOK KATOK KATOK

 "Señorita, gising na po kayo?"

"Manang Biday, kanina pa po, pasok kayo." sagot ko. 

Nang binuksan niya ang aking pintuan, nakangiti ko siyang sinalubong.

"Señorita Abby, ano po ang suot ninyo?!" gulat na sambit ng matanda at mukhang di natuwa.

"Bakit po? Okay naman po di ba? Bagay ba?" sagot ko at umikot para makita niyang mabuti ang suot-suot kong school uniform. Ito ay maputing long-sleeves na blouse na may cute na malaking maroon na ribbon at may matching na short skirt. 

"Señorita, san nyo po nakuha iyan?!"

"Galing kay Jenny. Uniform niya last year. Bago naman lahat ng uniform niya ngayon kaya hiningi ko sa kanya ang dating uniform niya. Bagay po sa akin, di ba?"

Umiling si Manang Biday. "Hubarin nyo na po ang suot nyong uniform at baka po magalit ang daddy nyo."

"Ayaw ko." sagot ko. Hindi ko gustong magkasalungat kami ni manang pero gusto ko talagang pumasok sa school. "Pag nakita ni daddy na bagay sa akin ang uniform, siguro papayagan na niya akong pumasok sa school."

Napabuntong-hininga ang aking tagapag-alaga. Kitang-kita ang katandaan sa kanyang mukha pero bawat kulubot sa mukha ay sumasagisag ng masaya niyang kabataan. Napaka-amo din ng itsura niya. "Oh, sya sya.. sige. Malay natin baka pumayag ang daddy mo."

"Yey! Thanks, manang!" masaya kong sambit sabay yakap sa kanya. 

"Dahan-dahan po sa pagbaba ng hagdanan." paalala niya sa akin habang bumababa ako. "Teka lang po at aalalayan kita." lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. 

"Okay na ako, manang. Kaya ko pong bumaba mag-isa."

"Pero..."

"Please?"

Walang nagawa si manang kundi hayaan akong mag-isa. Dali-dali akong pumunta sa aming 'dining area.' 'Excited' ako sa magiging reaksyon ni Daddy Jethro ko.

"Good Morning, Daddy! Good Morning, Jenny!" masaya kong bungad. Patapos na silang kumain.

"ABBY, WHAT ARE YOU WEARING?!" galit na sambit ng 'daddy' ko. Nakakagitla talaga ang boses niya na dinig sa buong bahay pag siya ay nagsasalita.

Natigilan ako. Kinabahan at natakot. "Ano... ah..." Nakatitig siya sa sakin. Magkasalubong ang kanyang kilay at nakasimangot ang kanyang mukha. Palangiti siya dati pero nang mawala bigla si mommy, nagbago na siya at laging nakasimangot. Mabait ang daddy ko pero sa mga pagkakataon na ganito hindi ko ma-gets ang kanyang katwiran. Bakit ba ayaw niya akong pumasok sa school? Siguro ito na ang tamang pagkakataon para ilabas ko ang tunay kong nararamdaman.

"Daddy, bakit  po ba ayaw ninyo akong pumasok sa school?"  tanong ko.

"Hindi mo na kailangang pumasok sa isang eskwelahan. Nandito na si Manang Biday para i-home school ka. Siya ang magtuturo sa iyo ng kung anong dapat mong malaman."  

"Pero, nasa home school na ako ever since gradeschool, daddy. Gusto ko naman pong lumabas ng bahay. Gusto ko pong makakilala ng ibang mga batang ka-edad ko at makipagkaibigan."

"Hindi mo na kailangan ng ibang tao, you got manang, ako and your sister. Kambal kayo ni Jenny, ka-edad mo siya so okay na siya lang ang kaibigan mo."

"Pero, iba pa rin..."

"Abby! Huwag mong ubusin ang aking pasensya!" naiinis nang sambit ng daddy ko. Nakita kong nakangisi si Jenny. "Palitan mo na ang damit mo! Tingnan mo ang iyong hita, masyadong maiksi ang palda mo! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung makitang may kaliskis ang mga hita mo!"

"EEEWWWW. Fish scales" pangungutya ni Jenny.

Natahimik ako saglit. "P-Pwede na-naman pong magsu-suot ako ng mahabang med-dyas di ba?" nanginginig na ang aking mga labi. Di ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Alam kong iba ako. Alam kong hindi ako normal na tao. Pero masakit pa rin kung manggaling mismo sa mga taong mahal mo ang katotohanan. Kitang-kita ko ang pandidiri sa mukha ni Jenny. 

"Abby, anak... Sorry..." marahang sambit ng aking daddy. Tumayo siya at hinarap sa kanya, puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata. "I'm doing this for your own good. Ayaw ko lang na ikaw ay mapahamak. You're different...You're special..."

"You're a freak! Hahaha!" sabat ni Jenny.

"Jenny!" saway ni Daddy Jethro.

"Sorry. Just joking." 

"Abby." seryoso ang mukha ng daddy ko. "Sana maintindihan mo na this is for your safety."

"Alam ko pa iyon. Na baka hindi maintindihan ng ibang tao kung ano ako, Na baka kunin nila ako at pag-aralan... Pero po..."

"And you're weak." dagdag niya. "You just got your legs recently. I know you're not good at it yet."

Umiling ako. "Hindi po. Isang taon na din po akong may mga paa." nag-iba ang mood ko at naging excited. Excited na ipakita na lubos na akong marunong gumalaw gamit ang mga paa. "Tingnan nyo po." Lumayo ako at pinakita na nakakapaglakad ako ng maayos. Nagpaikot-ikot ako at sumayaw. "Marunong din po akong mag-ballet."

"Mag-ballet?!" 

"Sir. Ako po ang nagturo." pag-amin ni Manang Biday. 

"Hah?"

"Daddy, magaling po siya."

"Nag-baballet din po ako noong kabataan ko. Itong si Abby ay pinilit akong turuan siya. Natural sa bata ang pag-baballet." may pagmamalaking sambit ng aking tagapag-alaga.

Napangiti ko saglit ang Daddy Jethro ko pero di ko na pansin, may kung anong tumakid sa akin at natumba ako. Malakas ang pagtawa ni Jenny. 

"Abby!" gulat na sambit ng aking daddy.

"Señorita!" tinulungan akong tumayo ni Manang Biday.

"Okay lang po, ako." sambit ko sabay tawa. "Medyo clumsy lang pero kaya ko."

Umiling ang daddy ko at sumimangot muli. "Manang, ang wheel chair!" utos niya.

Nanlaki ang aking mga mata.  "Pero daddy, kaya ko na po talaga. Ayaw ko pong gumamit ng wheel chair

"NO! Like I said, you are weak. Hindi mo pa kaya. Nakalimutan mo na sakitin ka? Dahil iba ka, hindi kaya ng katawan mo ang mga sakit pang-tao. Simpleng lagnat lang, ikakamatay mo na!"

Hindi makalimutan ni daddy noong 3 years old pa lang ako na tumirik na ang aking mga mata sa sobrang taas ng aking lagnat. Mabuti na lang nandyun pa si mommy at sa kung anong paraan ay naligtas niya ako. Nasaan na kaya siya?

Kinuha ni manang ang wheel chair ko.

Lumayo ako. "NO. Please, daddy. Ayaw kong umupo sa wheel chair. Kaya ko na po. Please..."

"Huwag matigas ang ulo!" sumigaw na ang daddy ko. "UMUPO KA SA WHEEL CHAIR MO!"

"Opo..." nakayuko akong umupo sa wheel chair ko. 

"You change your clothes. And promise me na hindi na mauulit ito. Promise me, Abby!"

"Pro-Promise." umiiyak na ako. 

Lumapit sa akin si Jenny. "Don't worry dear sister, I'll tell you everything I see, OUTSIDE! Hahaha!" 

Di ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-iyak. 

"Señorita, oras na po para sa home school ninyo. Huwag po kayong mag-alala, kumpleto ang modules natin for second year highschool kaya hindi po kayo mapag-iiwanan sa kaalaman." sabi ni Manang Biday. Tinulak niya ang aking wheel chair papunta sa mini library sa bahay.

Siguro nga it is for my own good. Siguro nga tama ang Daddy Jethro ko na di ko pa kaya, na hindi pa ako handang lumabas sa mundo...

Dito lang ako sa bahay... panghabang-buhay... 

Bakit ba kasi ganito ako? Bakit na kasi hindi na lang ako naging normal na tao? 

Ang Mommy Perlasina ko ay isang serena. Nagkakilala sila ng Daddy Jethro sa isang dalampasigan. Nagkagustuhan sila at nagdesisyong magpakasal. Ang problema lang, magkaiba sila at impossible silang magsama. Pero dahil isang makapangyarihang serena ang nanay ko at dahil din sa biyaya ng dyosa ng tubig na si Lidagat, nagkaroon ng mga paa ang aking ina sa pamamagitan ng isang mahiwagang perlas. Nagpakasal sila at nagsama ng masaya. Di rin nagtagal ay pinanganak kami ni Jenny. Si Jenny ay isang tao at may normal na mga hita at paa ngunit ako naman ay may buntot ng kagaya sa isang isda. Inaasahan na nila na hindi ako mabubuhay kasi maliit lang ang tyansya na ang mga kagaya kong hindi purong tao na buhay ng matagal.  Pero himala at nabuhay ako, naging sobrang sakitin nga lang. 

Napakabait ng Mommy Perlasina ko, kahit si Daddy Jethro ay lagi ding nakangiti. Lubos-lubos ang pagmamahal na binigigay nila sa amin. 

Pero noon pa man, naiingit na ako kay Jenny. 

Si Jenny ay malayang nakakapaglakad at nakakatakbo. Lagi din siyang kasama nina mommy at daddy paglumalabas sila para mamili o mamasyal habang ako ay nasa bahay lang. Hindi naman nila ako kinakalimutan dahil lagi silang may pasalubong para sa akin. 

Masaya ako... pero iba pa rin. Gusto kong maglakad, tumakbo, tumalon at sumayaw... Gusto kong magkapaa.

Sa kung anong dahilan ay bigla kaming umalis ng Pilipinas at tumira sa Amerika. Pero walang pinagbago, si Jenny ay nakakalabas at pumapasok sa school kaya mas ninanais niyang mag-english habang ako pa rin ay nasa bahay kasama si Manang Biday na nagtuturo sa akin. 

Tumagal din kami sa Amerika ng ilang taon pero noong bigla na lang nawala ang Mommy Perlasina ko, bigla din ang pag-uwi namin sa Pilipinas. Hanggang ngayon, hindi pa rin sinasabi ni Daddy Jethro kung nasaan na si mommy o kung anong nangyari sa kanya. Basta ang sabi lang niya ay nawala siya.  

Noong nagbirthday kami last year, tinanong ni Daddy Jethro kung ano ang gusto ko. Hindi gaya ni Jenny na puro mga damit at alahas lang, ang hiniling ko ay ang perlas ni Mommy Perlasina. Binigay naman sa akin ng daddy ko at laking tuwa ko nang sa wakas ay nagkapaa na ako! Pero lubos na naging strikto si Daddy Jethro kaya hindi ko rin na-enjoy ang aking mga paa. Lagi pa niya ako pinapaupo sa wheel chair kasi baka daw ako ay mapagod o kaya di kayanin ng katawan ko. 

Lumipas ang buong araw na pinagmamasdan ko lang ang labas mula sa may bintana. Nasa trabaho ang Daddy Jethro ko kaya, malaya akong nakaupo sa sofa at nakadungaw.

Dumating na ang kotse, sakay-sakay si Jenny. Na-excite ako bigla. Binuksan ng drayber namin ang pintuan ng kotse at bumaba na siya. Inabangan ko siya sa may pintuan.

"Hello! Jenny!" masaya kong bati.

Tinaas ni Jenny ang kilay niya at nawaywang. "And what are you doing, blocking my way?"

"Ah, sorry." tumabi ako.  

"And don't call me only Jenny... Have respect to your OLDER sister." Tama naman siya, siya ang naunang pinanganak kaya technically, siya ang panganay. Ate ko siya. 

"Sige. Sorry. Umm... How's your day Ate Jenny?" nahihiya kong sambit at pinupulupot-lupot ko ang aking kulot na buhok sa aking daliri. 

"Oh, its so BORING!" madrama niyang sambit. Pero ngumiti din at nag-flip pa ng tuwid niyang buhok. "But I got my grand entrance. It's okay to be late because I'm sure once I step inside the classroom, their eyes are on me. Hahaha!" 

"Okay. Um, so how's the class? Do you have new teachers? New classmates?" interesadong kong tanong. 

"Same old boring classmates. That's the trouble with first section, you'll have the same boring nerds around!" umupo siya sa sofa. "Oh, gosh. I'm so tired and thirsty! Manang, give me cold orange juice!"

"Sige po. Wait lang po!" sagot ni Manang Biday mula sa kusina. 

"Well, we do have a new adviser, Ms. Mariella Luna. The pretty secretary of Owkward Academy's school director, Mr. Carlos Mendoza."

Napaisip ako. Nakita ko na kaya si Ms. Luna?

"Anyway. Enough with the boring people!" na-excited si Jenny. "Let's talk about the boys I met outside the school awhile ago! They are so hot!"

"Boys? Outside the school?"

"Yes, they actually approached me and introduced themselves..."

"....Teka!" 

"Don't cut me off when I'm speaking!"

"Umm.. sorry, Jenny..."

"That's Ate Jenny for you!"

"Ah.. Sorry. Ate Jenny. Pero daddy told us not to talk with strangers..."

"Whatever! They are hot and I think they won't bite! Hahaha! Let me continue... So they approached me and gave me their names... Um... Let me think.. Ah, There's Ryan Jacinto... and oh.. Zyren Vijandre at si Ulysses Cedeño!" kinikilig si Jenny. 

Umiling ako. Kung nakikipagkilala na si Jenny sa ibang lalaki... pano si... pano si Gino Lazaro? 

"Umm.." di ko alam kung bakit nahihiya ako. Hindi ko tuloy mapigilang paglaruan ang buhok ko. Pinupulupot-lupot ko muli ito sa aking daliri. "Kamusta kayo ni G-Gino? Di ba sabi mo kayo na? Na Ginawa mo siyang boyfriend?"

"Gino?! Oh, one word... He's soooooo B-O-R-I-N-G! Boring! Boring! Boring!" pagdadamog niya. "I don't know what were I thinking when I said that I want to be his girlfriend and even broadcasted it in school. There's a lot that had happened and it makes mind go crazy. Everything is just so weird like you! I want to forget but its always on my mind and gives me nightmares at night! There I was, being controlled by an ugly fat monster, then there are weirdos wearing cloaks worshipping a dead man and there are.... ughhh! Alot! I hate to get involved in such mess!"

"So you don't really like Gino?" curious kong tanong. 

Natigilan siya. Napaisip. "I don't know... He did saved my life and even promised that he won't leave me... I just wished he changes the way he treats me... He does not reply with my text messages nor answer my calls. He's always serious and most of the times, whenever I talk to him, he answers senselessly! Bottom line... HE IS BORING!"

May nagtext sa kanya. Binasa niya ang text at ang kanyang ngiti ay abot langit.

"Sino yan? Si Gino?"

"Ughh! It will be the end of the world if he texted me! Its Ryan! He's asking me to go out this Saturday!"

"What? Pero..."

"Enough!" kinuha niya ang isang maliit na notebook na tanging laman ng kanyang maliit na bag. "Here. That's my assignment!" sabi niya. "And by the way, we have a group meeting with Gino's freak friends this coming saturday."

"Saturday din? "

"Yup. So you know the drill, dear sister." ngumiti siya at nag-wink. "It will be our secret..."

"Here's your ice cold juice.... ?" nagulat si Manang Biday kasi wala na si Jenny. Nakita niya ang notebook na hawak-hawak ko. Umiling siya. "Huwag mong sabihin sa'yo niya pinapagawa ang assigment nya?" 

"Okay lang po. Akin na lang ang juice!" masaya kong sambit.

Excited na ako sa sabado!

____________________________01/11/2015

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top