[TWO] Chap.24: Nagkatotoong Pangitain

۩۞۩๑ Nagkatotong Pangitain ๑۩۞۩๑




Mataas ang sikat ng araw at maaliwalas ang kalangitan. Isang magandang araw. Isang magandang simula, magandang simula para ibuhos ang sama ng loob sa walang kalaban-labang 'punching dummy' na halos ma-deformed na ang rubber na mukha sa sunod-sunod na suntok ng kamao ni Ren Dela Rosa.

"NAKAKAINIS!" sabi niya sabay suntok. "NAASAR AKO!" nagpatuloy siya hanggang mapagod.

Umupo siya sa kanyang kama na malapit lang sa 'punching dummy' na kakabili lang noong isang linggo pero mukhang gamit na gamit na at maaaring di rin magtatagal ay kailangan nang palitan ng bago.

Nang makapagpahinga ng ilang saglit ay tumayo siya at ginamit ang 'treadmil.' Pinagpatuloy niya ang paglabas ng inis sa pamamagitan ng pagtakbo.

"NAKAKAINIS TALAGA! HAAAAAYYYYY NAKUUUU!" reklamo niya.

Halos magmukha ng fitness gym ang kwarto ni Ren dahil sa dami ng gym equipments niya. Ginagamit niya ang pagwo-work out para mailabas ang kanyang pagkainip at pagkadismaya. Hindi niya pinapahalata kay Clarissa Gutanh pero sobrang natatagalan na siya sa desisyon nito. Gusto na niyang malaman kung may pag-asa pa ba siya sa puso nito.

"Kidlaon, bakit ganun?" tanong ni Ren sa kanyang elementong-kaisa na binabantayan siya sa kanyang pagwo-workout. Si Kidlaon mismo ang nag-udyok kay Ren na magpalaki at magpalakas ng katawan. Isa daw itong pag-eensayo para sa hinaharap kung magkaroon man ng malaking kaguluhan. Malakas ang kutob niya na malapit na ito. "Hindi ko maintindihan si Clarissa. Ano pa ba ang gusto niya? Hindi pa ba sapat ang mga efforts ko? Hindi pa ba sapat?!"

"Susuko ka na?" tanong ng sentuaro.

"Hindi." umiling si Ren pero halata sa kanyang mukha ang di kasiguraduhan."Pero.. Bakit ba ganun?" pinatay niya ang treadmil at umupo muli sa kanyang kama. Hinanap niya ang kanyang tuwalya pero di niya makita ito sa nagkalat niyang mga damit. Kinuha na lang niya ang damit na sinuot kahapon at pinunas sa katawang basang-basa ng pawis.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan?"

Nagbuntong-hininga si Ren "Di ba sabi mo magpakatotoo ako sa nararamdaman ko sa kanya? Di ba sabi mo sabihin at ipakita ang totoong nararamdaman ng aking puso? Pero bakit kulang pa rin? Hindi ko na maintindihan si Clarissa."

"Aking napagtanto na sadyang mahirap intindihin ang damdamin ninyong mga tao. Maraming pwedeng maging dahilan, pwedeng makaapekto sa kung ano ang iniisip ninyo. Napakagulo, napakakumplikado."

"So ano na?" naiinip na sambit ni Ren.

Umiling si Kidlaon pero di niya maitago ang naaaliw siya sa itsura ni Ren na problemadong-problemado.

"Susuko ka na?" muling tanong nito.

"KIDLAON NAMAN, EH!" galit na sagot ni Ren. Naubos na kanyang pasensya. Tumayo siya at malakas na sinuntok ang punching dummy.

Ngumiti si Kidlaon. "Huminahon ka. Sagutin mo ang aking mga katanungan. Ren, sino ba ang magpapasaya sa'yo?"

"Tinatanong pa ba yan, syempre si Clarissa." sagot ni Ren.

"Mahal mo na ba?"

"Oo, mahal na mahal ko na siya." walang pag-aalinlangang sagot nito.

"Kung siya ang nagpapasaya sa'yo at mahal na mahal mo siya, ano ba ang nagpapagulo ng isipan mo?

Natigilan si Ren. "Kasi... Ang tagal kasi... Naiinip ako sa kanya..."

"Babalik tayo sa una kong tanong, susuko ka na?"

"HINDI!" mariin na sagot ni Ren.

"Iyon naman pala. Malinaw naman siguro sa'yo na si Clarissa ang nagpapasaya sa'yo at hindi mo din kinakaila na mahal mo siya, bakit ba nagdadalawang-isip ka pa rin? Di ba gusto mong magpakatotoo ka sa iyong sarili, sa iyong nararamdaman?

"Kidlaon, natatakot kasi ako. Natatakot na mabalewala ang lahat ng ginagawa ko at masayang ang oras na ginugol ko sa kanya."

Umiling si Kidlaon. "Ano ba ang mas gusto mo, ang ginawa mo ang lahat pero sa huli ay nabigo ka o ang sumuko ka agad kaya ka nabigo?"

Napasimangot si Ren. "Pareho naman nabigo ang ending!"

"Pumili ka."

Nag-isip ng mabuti si Ren. "Masaklap man, mas gugustuhin ko na ginawa ko ang lahat kahit nabigo sa huli.kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang. Oo, di ako nagtagumpay pero at least, I did my best at sinubukan ko. Mas okay iyon kaysa sa sumuko agad na walang pinatunayan."

Tumango si Kidlaon. "Susuko ka na?"

"Hindi! Hindi ako mapapagod, gagawin ko ang lahat para maibalik muli ang dating pagtibok ng puso ni Clarissa para sa akin!" muling nabuhayan ng loob si Ren. "Salamat, Kidlaon!"

Masayang ngumiti ang sentauro.

"EEEEEEWWWWW! Ang bantot naman dito!" reklamo ni Katherine Dela Rosa.

"Pwedeng kumatok!" saway ni Ren sa kapatid.

"Eh, kanina ka pang tinatawag ni mommy, handa na ang almusal! Ang bingi-bingi mo kasi!" inis na sambit ni Katherine. "At tsaka kuya, maligo ka! Nakakahiya sa.mga bisita mamaya!"

"Sinong mga bisita?" interesadong tanong ni Ren.

"Sina Regina at..."

"Si Regina Co? Kala ko ba di na kayo friends nun?" biglang singit ni Ren. Medyo nahihiya pa siyang makita ito dahil niligawan lang niya ang dalaga last year para sa pera.

"I've forgiven her na kuya. And its nice to have friends not enemies."

"Ah, okay... Eh yung isa pa... Si ummmm..."

Tumawa si Katherine at tumango. "Oo kuya, pupunta din dito ang love of your life!"

"Wow, talaga?! YES!" masayang sambit ni Ren. "Sabihin mo kay mommy, mamaya na lang ako baba pagdumating na si Clarissa."

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ng kapatid.

Nag-flex ng muscles si Ren na parang isang body builder."Baba ako kunwari na kaka-shower ko pa lang para makita niya ang aking SEXY BODY!"

"Kuya, KADIRI ka! Akala mo ba gusto ni Clarissa ng ganun? You're totally wrong kuya!"

Tumawa si Ren at nagpaawa kay Katherine. "Desperado na kasi ako, gagawin ko ang lahat para muli niya akong  magustuhan! She cannot resist my SEXY BODY!" nag-flex muli ng muscles si Ren.

"Naku kuya, YOU'LL FAIL! Hahahaha!"

"Di mo naman ako tinutulungan sa best friend mo eh! Sige ka, yayakapin kita ngayon paghindi mo ako tinulungan kay Clarissa!"

Nanlaki ang mga mata ni Katherine. Nandiri. "EWWW! Basang-basa ka ng PAWIS! YUCK!" dali-daling siyang lumabas ng kwarto at sinarado ang pinto. "Mommy, ayaw bumaba ni kuya!" sumbong nito.

"REN-REN DI KA BABA DITO?!" sigaw ni Ginang Violy Dela Rosa.

"Opo, baba na po!" natarantang sagot ni Ren. "Maliligo lang po!"

Si Kidlaon ay palihim na tumatawa. "Nakakaaliw talaga ang mga tao." bulong niya sa sarili.

Hinintay ni Ren ang pagdating nina Clarissa. Nang mag-ring ang doorbell nila. Inunahan niya ang kapatid sa pagbukas ng pinto. Bago siyang ligo at sinadya niyang nakasando lang para mas obvious ang kanyang muscles sa braso.

"Oh kayo pala!" bungad ni Ren. Sumandal siya sa may pintuan. "Kamusta na kayo mga ladies?." nagpa-cute ito at sabay kindat kay Clarissa.

"Pasok kayo!" tinulak ni Katherine ang kanyang kuya.

"Katherine, I miss going here!" sabi ni Regina at nakipagbeso-beso sa kaibigan.

"Ang saya kasi nandito na ang dalawang bestfriends ko!" masayang sambit ni Katherine. "Tara, dun tayo sa kwarto ko para walang asungot!" tumingin siya ng masama sa nakakatandang kapatid.

"Girls, if you need help, I'm here!" pagpresenta ni Ren.

"Naku, wag nyo lang pansin yun!" sabi ni Katherine at itinuro ang daan papunta sa kwarto niya.

Sinarado niya kaagad ang kanyang pintuan nang makitang susunpd ang kanyang kuya para mangulit.

"I miss you, girl!" panimula ni Regina at niyakap ng mahigpit si Katherine. "I never thought that you'll forgive me after I've done. I owe this to Clarissa!" hinila din niya si Clarissa at niyakap din

"Clarissa okay ka lang?" puna ni Katherine. Namumutla ang kanyang kaibigan at kanina pang tahimik.

"Yeah, are you okay?"

Umiling si Clarissa at pinilit ngumiti. "Okay lang ako!"

"Sigurado ka?" paniniguro ni Katherine.

"Oo, okay lang ako. Siguro pagod at puyat lang ito."

"Huwag mong pabayaan ang sarili mo, hah?" paalala ni Katherine. Alam niya na gabi-gabi itong umiikot kasama ng kuya niya at ni Jun-Jun Sta. Maria para bantayan ang buong bayan ng San Nicolas. Hindi niya pinapahalata pero gusto din niyang sumama sana pero wala siyang magagawa; magiging pabigat lang siya sa kanila.

Minsan nakakaramdam siya ng inggit sa mga kaibigang may elementong-kaisa. Magkakaroon din kaya siya?

"Oo naman, Katherine. Salamat!" sagot ni Clarissa. Napagdesisyunan niya na huwag munang isipin ang nakitang pangitain sa ama. Nananalig siya na isa lang babala ang nakita niya at magagawa niyang pigilan ito na mangyari. "Sige, review na tayo."

Ang tatlo ay masayang nagreview para sa mga subjects nila sa school. Si Katherine ay masayang-masaya dahi mabilis na nagkasundo sina Clarissa at Regina. Nai-kwento ni Clarissa ang tungkol kay Regina at sa kanyang pamilya. Ngayon ay mas naintindihan niya si Regina. Malaki na din ang pinagbago nito, malayong-malayo na ito sa dati.

"Regina, bakit ang blooming mo ngayon?" biglang naitanong ni Katherine.

"Oo nga, bakit ang saya-saya mo ngayon?" dagdag ni Clarissa.

"Its because I'm with you, girls!"

Umiling si Katherine. " Hindi eh... Mukha ka ngang inspired eh!"

"Oyyy! Nagblu-blush sya oh!" kantyaw ni Clarissa.

"Who's the guy?!" usisa ni Katherine.

"NO!" pagtanggi ni Regina.

"Regina, I know when you're lying!' paalala ni Katherine. "Merun yan!"

Feeling nasa hot seat si Regina. Nag-promise siya kay Hero Salvanera na walang makakaalam sa kanila.

Pero bestfriends niya ang dalawa. She don't want to lie to them, ngayon pang tinanggap na nila na siya'y maging kaibigan.

"Um...Um..." namumula na si Regina.

"OMG! Kinikilig siya!" sabi ni Katherine.

"You can trust us." sabi ni Clarissa.

"Um... Promise you won't tell anybody, promise?"

"Promise!' sabay sagot nina Katherine at Clarissa na parehong excited sa sasabihin ni Regina.

"Um... There's this boy..."

"AAAYYIIIIEEEE!" kantayw ng dalawa.

"Sa school ba natin?" tanong ni Katherine.

Umiling si Regina. "No... He is not from our school."

"Anong name?" dagdag ni Clarissa.

Nagdalawang isip si Regina kung sasagutin niya ang tanong. "Well... Um... His name is... Heee... Um... N-Neerrro... Yeah... Um His name is Nero."

"Nero? Its an unusual name." sabi ni Katherine.

"Wow! Si Regina pumapag-ibig na!" masayang sambit ni Clarissa.

Umiling si Ren. Di magangdang ideya ang makinig ng usapan ng mga babae. Umakyat pa siya sa puno na malapit sa kwarto ng kapatid para makinig kung ano ang pinagtsitsismisan nila. Umasa siya na nagkwe-kwento si Clarissa at sinasabi niya kung gaanong siya kamahal nito at sobrang miss na miss na siya nito. Pero ang mystery boy lang ni Regina ang pinag-usapan nila. Hindi siya interesado dito!

"Anak anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Ginang Violy.

"KUYA?!" nahuli siya nina Katherine. " You're the worst!" sabay sarado ng bukas na bintana.

Tumawa ng malakas ang mommy nila. "Kawawa naman ang Ren-Ren ko!"

Sumimangot si Ren. "Oh, well..."

Maghapon na nasa kwarto lang ang tatlong magkakaibigan. Naiinip na si Ren. Inisip niyang katukin ang kwarto ng kapatid para mag-alok ng miryenda pero nauunahan siya ni Katherine at ito na mismo ang lumalabas mula sa kwarto niya para kumuha ng pagkain.

"HAHA." pang-aasar ni Katherine sa kapatid.

Di rin nagtagal ay umuwi na sina Regina at di man lang nakausap ni Ren si Clarissa. Pero hindi naman siya napaghinaan ng loob dahil mamayang gabi din naman ay magkakasama sila para magpatrolya sa bayan ng San Nicolas.

"Tao po?" wala pang dilim ay pumunta na agad si Ren sa bahay nina Clarissa. "Tao po? Clarissa? Mang Jose?" tawag niya.

"RRR-RReeennn!" mahinang tawag ni Mang Jose sa kanya. Nagmula ito sa likod bahay.

"Mang Jose?!" dali-daling tumakbo si Ren. "Mang Jose, okay lang kayo?" Natigilan siya nang may makitang ibang tao. "HOY!" sigaw ni Ren. "Bitawan mo siya!" Nakasuot ng jacket na may hoodie ito at natatakloban ng panyo ang mukha mula ilong, pababa. Hawak-hawak nito si Mang Jose na kataka-takang di makagalaw.

Saglit na nagulat ang lalaking naka-hoodie sa pagdating ni Ren pero mabilis na bumulong ito na para bang nagdarasal. At hindi inaasahan ni Ren na bigla na lang humakbang ang kanyang mga paa at naglakad siya papalapit kay Mang Jose.

"A-Anong nangyayari?!" gulat na sambit ni Ren.

Mahinang tumawa ang lalaki. Kusa nitong ibinigay sa Mang Jose na parang estatwa sa tigas.

"HUH???!!! Ano ito?! HINDI..." Hindi siya makapaniwala! Gumagalaw ng kusa ang kanyang katawan. Hindi niya mapigilan ang sarili. Naramdaman na lang niya na hinihila niya si Mang Jose patungo sa daan.

"Ren, anong ginagawa mo kay tatay?" tanong ni Clarissa na kakagaling lang sa kanyang kwarto. "REN???!!" Nanlaki ang mga mata niya at napanganga sa gulat. Hindi niya lubos maisip na magagawa ito ni Ren sa ama. "HUWAG!!!!!!!!! TATAY!" tumulo ang luha niya. Tumakbo siya pero huli na ang lahat. Tinulak ni Ren ang kanyang ama sa daan para masagasaan ng rumaragasang kotse!

Nagkatotoo ang kanyang pangitain! Ngayon, kitang-kita ng kanyang dalawang mga mata ang duguang katawan ng ama!




___________________________06/21/2015

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support !

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top