[TWO] Chap.2: Second Chance

๑۩۞۩๑ Second Chance ๑۩۞۩๑

       (Clarissa Gutang's POV)

"Clarissa, bilisan mo!" tawag sa akin ni Kikay na aking elementong-kaisa. Lumipad siya at nauna sa akin sa main gate ng Owkward Academy. Masayang nagpaikot-ikot siya sa ere, sumasayaw. Ang 'cute-cute' talaga tingnan ni Kikay. Para siyang isang batang mukhang manika! Ang sarap pisilin ang matataba niyang 'cheeks!' 

Bahagyang humangin at inayos ko ang aking napakahabang buhok na umabot na sa aking tuhod. Simula nang ganap na maging isa kami ni Kikay, ang buhok ko ay mabilis humaba at sa tuwing gugupitan ko, hahaba ito agad kinabukasan. Pero okay lang, bagay na bagay naman daw sa akin sabi ng Tay Jose ko. Tinerentasan naman ni Kikay yung kanang parte ng buhok ko para daw mas kita ang 'amethyst' na hikaw na bigay niya sa akin.

"Wow!"

"Ang ganda talaga niya!"

"Walang kupas!"

Di ko napansin pero ang lahat pala ng mga estudyante ay nakatingin sa akin.

"Ang ganda ng hair mo, napaka haba pero sobrang smooth tingan!"

"Nakakainggit!"

Pinalibutan ako ng mga babaeng estudyante, nagtatanong ng tips sa magandang kutis at buhok. Ang mga lalaki naman ay panay papuri sa akin.

Namula ako sa hiya. Hindi agad nakapagsalita.

Totoo ba talaga ito? Ang dating di pinapansin at nilalait simula noong gradeschool ay ginugusto na ngayon!

Sobrang laki talaga ng iniangat ng pagtingin sa akin ng mga guro at estudyante sa O.A. matapos ng pagkapanalo ko sa Miss Owkward Academy Student of the Year. Marami ang humanga at nais nang makipagkaibigan sa akin. Pero hindi pa rin ako sanay sa ganitong atensyon kahit buong first year ko, ang mga mata ay sa akin. Marahil ako mismo sa sarili ko ay di pa rin makapaniwala na makakamit ko ang ganitong estado sa school. 

"Clarissa, ano ka ba?!" saway ni Kikay, nakapawaywang.

Napangiti ako. Kung isa akong artista, si Kikay ang aking manager, beautician, coach... lahat! Sisiguraduhin niyang buo ang tiwala ko sa aking sarili. Siya naman talaga ang simula ng lahat ng pagbabago sa akin. Laking pasasalamat ko at nakilala ko siya.

Nginitian ko na ang mga nakapalibot sa akin at nakipagkaibigan. Sa totoo lang, ang sarap sa feeling. Nakataas talaga ng 'self-worth' kung may 'recognition.' Pero syempre, kailangan din na totoo ako sa aking sarili at laging mapagkumbaba. Iyan ang laging paalala sa akin ng aking Tay Jose. 

"Excuse me!" may nagsalita at dumaan sa harapan ko.

Si Regina Co.

"You are causing traffic here!" matararay niyang sabi. 

"Papansin talaga."

"KSP."

"Nagtatantrum na naman ang reyna!"

"Haha... Tantrum Queen!"

Malakas na bulungan ng ilang estudyante. 

Nagulat si Regina sa reaksyon nila. Siguro ang inaasahan niya ay susunod ang mga estudyante at matatakot sa kanya.  Napatunganga lang siya. 

"Sorry, Regina. Tama ka naman, nakakaharang kami sa daan." sabi ko 'to save her' at para hindi pa siya lalong mapahiya. Napapansin ko na ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Hmp!" taas noong sagot niya sa akin. "I know you're doing this just to make yourself look better!"

Natahimik naman ako sa sagot niya. Ang laki din ng 'pride' nito. Pero nasanay na ako sa di magandang pakikitungo niya sa akin. Kung dati masama na siya sa akin, 'after the contest' naging 'worst' pa siya. 'Big deal' talaga kay Regina ang pagkapanalo ko sa O.A. Student of the Year. Hindi daw ako dapat nanalo. Naawa lang daw ang mga judges sa akin kais mahirap lang daw ako. Nagpasimuno pa nga siya ng 'petition' na i-review ang 'scores' kasi siya daw ang dapat manalo. Pero dahil sa ginawa niya, pinagtawanan lang siya ng mga estudyante at ng mga 'teachers.' Nag-iba na ang pagtingin nila sa kanya at binansagan siyang, 'Tantrum Queen' sa school. Pero syempre, hindi ito pinansin ni Regina.

"Clarissa!" masayang tawag sa akin ng 'bestfriend' ko na si Katherine Dela Rosa.  Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. "Miss na miss kita, bestfriend!" Masasabi kong puno ng 'positive vibes' itong si Katherine dahil lagi siyang nakangiti. Ang cute din niyang tingnan sa 'bouncy' niyang 'ponytails.'

"Haha, Katherine parang hindi tayo magkasama noong isang araw ah!" natatawa kong sambit. Kahit nagbakasyon na kami, lagi kaming nagkikita.

"K-Katherine..." mahinang bulong ni Regina.

Hindi pinansin ni Katherine ang dating kaibigan at hinila niya ako papasok ng gate. Lumingon ako. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Regina. Mag-isa siyang pumasok. 'For some reason' hindi na sumasama sa kanya sina Jessa Lopez at si Diane Alonzo. Naaawa ako sa kanya. Alam kong kailangan niya ng kaibigan.

"Behlat! Buti nga sa kanya! Ang sama-sama kasi ng ugali kaya wala nang friends!" sabi ni Kikay.

"Katherine, kinausap mo na ba si Regina?" tanong ko.

"Bakit naman? I have no reason to talk to her."

"Well... kasi.. Parang nag-iisa na lang siya."

Nawala ang ngiti ni Katherine at binaling din ang tingin kay Regina. Napansin niya na nakatingin kami sa kanya. Pero sumimangot lang si Regina, nag-flip ng hair at binilisan ang paglalakad.

"I think, okay naman siya." sabi ni Katherine. "Anyway..." bumalik ang masayahing mukha niya at hinawakan ang aking mga kamay. "I would like you to meet someone!"

Bago pa naman ako makaprotesta, hinila niya ako sa may mini park ng school.  May isang lalaking nakatayo doon at may dalang tatlong 'red roses.' Kilala ko siya. Ang lalaking 'super crush' ko dati. Ang tinitibok ng aking puso... dati.

Si Ren Dela Rosa.

"Katherine!" sumimangot ako.

"Sorry na Clarissa!" nag-peace sign si Katherine. "Alam ko naman na ayaw mong kausapin si kuya pero ang kulit-kulit niya sa bahay! Sige na please, kahit ngayon lang!"

Tinulak ako ni Katherine  papunta sa kanyang kuya. Ayaw kong lumapit kaya di ako gumalaw pero dahil tinulak niya ako, muntikan na ako mapasubsob sa lupa buti na lang may malakas na mga bisig na sumalo sa akin.

"Naku, SORRY, Clarissa!" natarantang sambit ni Katherine. Hindi niya sinasadya.

"Clarissa, okay ka lang?" tanong ni Ren. Siya ang sumalo sa akin.

Tiningala ko ang aking mukha. Nanlaki ang aking mga mata, 'face to face'  kami! Kunti na lang at magdidikit na ang aming mga ilong!  Nasa dibdib niya ang aking mga kamay at damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ilang saglit ang lumipas pero sapat na iyon para matitigan ko ang kanyang gwapong mukha. Nakatirik pa rin at puno ng gel ang kanyang buhok. Medyo nag-mature din ang kanyang mukha dahil sa 'stubble' pero manipis lang naman at halata lang sa malapitan. 

"Ren-Ren..." bulong ko. 

Sa ganitong tagpo dapat nagwawala na ang aking puso. Dapat kikiligin na ako. Dapat umaapaw na ng aking emosyon. Dapat... pero hindi. Walang nangyayari. Wala na ang 'THUG THUG THUG' sa aking puso. Kahit ako ay nagtataka kung paano nawala ito. Oo, napagod na ang puso ko. Pero pwedeng bang mapagod ang puso sa pagtibok para sa isang tao ng basta-basta na lang? Siguro possible kasi nangyari iyon sa akin. Nakakapanghinayang. Naisip ko na sayang ang mga luha ko para sa kanya na siya din naman ang may dahilan. Matagal-tagal din naman niyang binalewala ang pagtingin ko sa kanya. Siguro nagproprotesta ang aking puso. Siguro dahil ngayon, sa wakas inamin na niya at hindi na niya kinakahiya ang nararamdaman niya para sa akin, ito naman ang paraan ng aking puso para siya naman ang aking balewalain at hindi pansinin. Pero mali iyon. Hindi ako ganun. Hindi ako ang taong nagtatanim ng sama ng loob. Pero wala na talaga...

Kumawala ako sa kanyang mga bisig. 

"Sorry, Ren," sabi ko at tumalikod sa kanya. 

"Clarissa, teka lang." dali-dali niyang hinarang ang aking dadaanan. "Sana tanggapin mo ang alay kong mga rosas." Inilahad niya ang hawak-hawak na mga bulaklak. 

"Ren..." tiningnan ko ang kanyang mga mata. Mapupungay at puno ng emosyon. 

"Clarissa nakikiusap ako, tanggapin mo ang mga rosas ko... tanggapin mo ako..."

Tinapat ko ang aking kanang kamay sa aking dibdib at dinama kung may kaunting pagbabago, kung may kaunting pagtibok sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Wala.

Tatanggapin ko ba o hindi? tanong ko sa aking isipan.

"Ikaw ano ba ang gusto mong gawin? Nasa iyo ang desisyon." bulong sa akin ni Kikay.

Naguguluhan pa rin ako. Naaawa ako kay Ren pero ayaw ko naman siyang bigyan ng pagkakataon dahil lang sa awa. 

Umiling ako.

Nalungkot si Ren. Kahit hindi na ako magsalita, alam na niya ang ibig kong sabihin.

"HAHAHAHA!" may tumawa.

Si Romnick Andrada.

"Clarissa, na-miss kita!" sabi niya at binigay niya sa akin ang isang malaking 'bouquet' ng rosas. "This is my welcmong gift for you sa iyong first day as sophomore!"

"Wow, ang sweet!"

"Bagay talaga sila!"

"They deserve to be the Mr. and Ms. O.A. Student of the Year!"

"Sana magkatuluyan sila!"

Abot langit ang ngiti ni Romnick, sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri at nag-pogi sign. Marami ang mga nagtiliang mga estudyante na kanina pang nagmamasid. Lubos din ang naging pagsikat ni Romnick nang manalo siya bilang Mr. O.A. Studet of the Year.

"Clarissa, ihatid na kita sa classroom mo." alok sa akin ni Romnick.

"Hindi, may kasama na siya, BYE!" nakasimangot na sagot ni Katherine at hinila niya ako papalayo. Hindi naman nakasunod si Rominick dahil pinalibutan na siya ng mga babaeng estudyante.

"Ayaw ko sa mayabang na yon!" komento ni Katherine.

"Weh, sinasabi mo lang yan dahil bias ka!' akusa ni Kikay.

"Hindi ah!" pagtanggi ng bestfriend ko. Natawa naman ako. Ang saya ko dahil ang dawalang bestfriends ko ay nakakapag-usap din at malapit sa isa't-isa. Nakakakita na si Katherine ng mga espirito at elemento pagkatapos namin siyang iligtas nina Gino Lazaro at Jun-Jun Sta. Maria mula sa isang di matahimik ng kaluluwa.  

"Bias ka! Syempre mas kakampihan mo ang kuya mo! TEAM CLA-REN ka!" dagdag ni diwata.

"Natural naman because he's my brother!"

"Basta ako, TEAM CLA-ROM!"

"Hahaha... ang pangit ng name combination nila!" pang-aasar ni Katherine. 

"Guys, tama na yan. At ikaw Katherine, pinagtitinginan ka na ng mga tao.Tandaan mo tayo lang ang nakakakita kay Kikay dito, so sa tingin nila, kinakausap mo ang iyong sarili." paalala ko.

Natigilan si Katherine. "Ganun! Nakakahiya!"

"Behlat!" natatawang sambit ni Kikay.

Pinagpatuloy ni Kikay ang pang-aasar kay Katherine pero pilit naman na hindi siya pinapansin ng bestfriend ko. Nakakatawa talaga silang tingan!

"Um, Clarissa." biglang nagsalita si Katherine. 

"Bakit?" tanong ko.

"Talaga bang wala nang pag-asa si Kuya Ren?"

"Nakwento ko na sa'yo ang lahat, Katherine."

"Oo. Pero... Pero na-realize na ni kuya na mali siya. Na-realize na nya na mahal ka din nya. Bakit hindi mo na siya mahal? Nagbago na ang kuya ko."

"Katherine, nagbago na din ako... Nagbago na ang puso ko."

"Wala bang second chance?"

Umiling ako. "Di ko alam. Hindi ko masasagot ang tanong mo."

Tumahimik na si Katherine. Hindi na rin nanggulo si Kikay.

May narinig kaming sigawan. May mga estudyanteng nagkumpulan. May nag-aaway.

"HAHAHAHA! KALA MO, HINDING-HINDI KA PAPANSIN NI CLARISSA!" sigaw ni Romnick. "NAPAKALOSER MO NAMAN, TATLONG PIRASONG ROSAS? HOW LAME! CLARISSA IS WORTH A MILLION  ROSES!" inagaw niya ang hawak-hawak na rosas ni Ren at pinagtatapakan. Pero bago pa naman matapakan ni Rominick ang natitirang rosas ay tinulak siya ni Ren at pinagsususuntok sa mukha!

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG TAPAK-TAPAKAN ANG ROSAS KO PARA KAY CLARISSA, WALA LANG KARAPATAN!" galit na galit si Ren.

"TAMA NA YAN!" sigaw ko at pumagitna sa dalawa.  Galit na galit na din ako. Mga isip bata! "Sa tingin nyo ba sa pinaggagawa ninyo magugustuhan ko kayo?! Nagkakamali kayo. Itigil nyo na ang kaguluhang ito!"

"ANG PRINCIPAL PAPARATING!" may sumigaw.

Nataranta ang mga estudyante at nagsi-alisan. Sino ba naman ang may gustong ma-principal's office sa first day of school?!

"Tara na, Clarissa!" sabi ni Katherine.

"Clarissa. Teka lang." tinawag ako ni Ren. Lumapit siya sa akin. "Pagpasensyahan mo ako kanina. Si Romnick ang nagsimula."

"Kahit na sana di mo na pinatulan." giit ko. Napansin ko na pumutok pala ang kanyang labi dahil sa suntukan nila ni Romnick. Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ko ang namumuong dugo. "Yan kasi! May sugat ka tuloy!"

"Sabi ko na nga, you care for me..." malambing na sabi ni Ren.

"Huh?!" nagulat naman ako. "Hi-Hindi ah!" pagtanggi ko. "He'to ipapahiram ko muna panyo ko sa'yo." siya na ang pinahawak ko sa panyo.

Tumawa saglit si Ren at bigla din naging seryoso ang kanyang mukha. "Clarissa, alam kong gago ako dati. Di ko pinahalagahan ang nararamdam mo para sa akin. Ilang beses din kitang pinaiyak. Ito na yata ang kaparusahan ko dahil kung kailan ko napagtanto na gusto din kita, ikaw naman ang nawalan ng pagtingin sa akin. Naiinis ako. Nasayang ko ang pagkakataon. Pero Clarissa, ipinapangako ko...  " Inayos niya ang aking buhok at nilagay niya ang natitira niyang rosas sa aking teynga. Nilapit niya ang kanyang mukha at saglit na dinampi ang kanyang labi sa aking noo. "... gagawin ko ang lahat para ang puso mo ay tumibok muli para sa akin..."

THUG THUG THUG

Nabitawan ko ang bouquet na binigay sa akin ni Romnick. 

____________________________01/04/2015

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top