[TWO] Chap.16: Gulo sa Party
๑۩۞۩๑ Gulo sa Party ๑۩۞۩๑
Nagkagulo ang mga tao. Lahat ay nagsitakbuham papalabas ng hallroom.
"Anong nangyayari! Anong kaguluhan ito?" dismayadong sigaw ni Mayor Benjur Landicho. Naka-suot siya ng baraong tagalog at sadyang kagalang-galang ang itsura nito. "Pigilan ang mga batang nanggugulo, NGAYON DIN!" galit na utos nito.
"O-Opo." natarantang sagot ng mga guards ng mansion. Alam nila na sila ang mananagot sa kaguluhan sa party. Hindi nila malaman kung paano nakapasok ang mga batang hindi imbitado sa party.
Ang lahat ng guards ay sinugod ang mga kabataan. Ayaw nila gumamit ng dahas at akala nila masisindak nila ang mga ito ngunit nagkakamali sila!
"Tigilan nyo ito kung ayaw ninyo masaktan!" pagbabanta ng isang guard.
Mayabang na tumawa ang leader ng grupo. Nakakapangilabot sa pangit ang maskara nito. "Hahaha! Baka kayo ang masaktan! Hindi ninyo kami kaya!" inilahad ng leader ang kanyang palad. "Fuego!" sambit nito. Sa isang iglap, nabalutan ng apoy ang kanyang mga kamay.
Sandaling namangha ang mga guards pero di nila inaasahan na bigla na lang inihagis ng leader ang apoy papunta sa kanila. Natamaan ang isa at sumigaw sa init. Nasunog ang kanyang uniporme.
"Pasaway na bata! Huwag mong paglaruan ang apoy!"
Hindi ito pinansin ng leader at inihagis niya ang pangalawang bolang apoy sa mukha mismo ng nagsalitang guard. Napaso ang mukha nito. "Arrggghhh! Walang hiya kang bata ka! Wala na akong pakialam kung minor de edad ka pa lang! Patay ka sa akin!" walang pagdadalawang-isip na inilabas ng guard ang kanyang baril at itinutok sa leader ng kabataan.
Nginitian lang siya nito na lalong ikinagalit ng guard.
"Agua!" madaling sambit ng isa sa mga bata na nagju-juggle ng tubig. Bago pa makalabit ng guard ang baril, isang malakas na buhos ng tubig ang gumulat sa kanya!
"Hahahah! Akala mo hah!" pagmamayabang ng leader. "Fuego!" muling tawag nito. Plano niyang bugahan ng apoy ang kawawang guard.
"Boss, tama na." pagpigil ng isa pa nilang kasamahan na kumokontrol ng kuryente. "Voltacio!" sambit nito. Saglit na kuryente ang guard at nahimatay.
"Masyado kang pakilamero!" naiiritang sagot ng leader.
"Mga alagad ng kasamaan!" sambit ng isa sa mga guard na natitira. May ibang tumakbo, may iba namang ginawa ang lahat para mahuli at mabigilan ang mga bata.
Patuloy pa rin ang pananakot at panggugulo ng mga engkantong lumabas mula sa butas sa lupa na isa pa lang lagusan.
"Clarissa..." tawag ni Kikay sa isipan ni Clarissa Gutang.
"Kikay, anong nangyayari?!" nag-aalalang tanong nito sa kanyang elementong-kaisa. Sumilip siya mula sa pinagtataguan nila ni Ren Dela Rosa sa likod ng matatas na display cabinet ni Mayor Benjur na puno ng mga mamahaling figurine.
"Gusto ng mga batang ito ng kaguluhan! Isa itong malaking eskandalo sa paggitan ng mga tao at mga espritong pangkalikasan! Kailangan mapigilan sila!"
"Pero maraming taong makakakita, hindi pwede na basta-basta na lang na tawagin ko ang elemento mo, Kikay."
"Kausap mo ang elementong-kaisa mo?" tanong ni Ren na napansin na bumubulong si Clarissa. Tumango ito. "Tanda ko dati Clarissa na may orasyon si Mang Jose na nakakapagtanggal ng alaala. Baka pwede nating gamitin iyon?"
Umiling si Clarissa.
"Hindi pa iyon tinuturo sa akin ni tatay, eh." nag-isip saglit siya at umaliwalas ang mukha. "Ah, Oo! Buti na lang palihim ako nag-advance reading sa Aklat ng mga Dasal! May paraan pa tayo upang hindi nila tayo makita."
"Paano?"
"Magiging invisible tayo!" masayang sambit ni Clarissa.
"Magaling!" pagsang-ayon ni Kikay sa kanyang isipan.
"Pwede tayong maging invisible?"
Tumango si Clarissa. "Akin na ang iyong mga kamay."
Hindi nagdalawang-isip si Ren at inilahad ang kanyang mga kamay.
"So, dapat nakapikit ang iyong mga mata, tapos sundan mo lang sa orasyong sasabihin ko..."
"Oo..." naging malambing ang boses ni Ren. "Susundin ko ang lahat ng sasabihin mo." naging mahigpit ang pagkakahawak ni Ren sa mga kamay ni Clarissa.
Tumingala si Clarissa at sila ay nagkatitigan. Puno ng emosyon ang mga mata ni Ren, nakangiti.
"Matagal ko nang pinapangarap ang tagpong ito... Tayong dalawa, magkasama, magkatulong na nakikipaglaban. Makakaasa kang hinding-hindi ka mapapahamak pag ako ang kasama mo. Ako muna ang masasaktan bago ikaw. Pero Syempre hindi ko iyon hahayaan..."
Di makaimik si Clarissa. Lubos ang tiwala niya sa mga sinasabi nito. Alam niyang seryoso si Ren sa kanya. Alam niyang mahal na siya nito. Pero...
Pero bakit wala po rin? Bakit kulang pa rin? Hindi pa rin tumitibok ng puso niya gaya ng dati para dito. Wala siyang nararamdaman sa mga oras na ito. Wala.
"Ren, focus." seryosong sagot ni Clarissa at pinisil din niya ng kamay ni Ren. "Kailangan nating pigilan ang kaguluhang ito!"
Nalungkot si Ren, sumimangot. "Kulang pa rin ba? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para bumalik ang nararamdaman mo para sa akin?"
"Ren, please. Huwag ngayon." pagmamakaawa ni Clarissa.
Nagbuntong-hininga si Ren. "Okay. Sorry. Sige na. Game."
"Este ser Conocimiento pedir prestado mina.
Me ser Atractivo, me ser Escuchar.
La mga Ojo ser Enganar
La ser aqui pero nada a Vista!"
(Ito ay kaalamang pinahiram akin.
Ako ay sumasamo, ako ay dinggin.
Ang mga mata ay linlangin,
Ako ay nandito pero wala sa paningin!)
Ginaya ni Ren ang pagkakasambit ni Clarissa. Minulat niya ang kanyang mga mata. Kitang-kita pa rin niya ang magandang mukha ni Clarissa na nakaharap sa kanya.
Nahuli ni Clarissa na nakatitig si Ren sa kanya. Dali-dali niyang binitawan ang mga kamay nito.
"Okay?" tanong ni Ren.
"Um, siguro." di siguradong sagot ni Clarissa. "Pero nakikita pa rin natin ang isa't-isa."
"Huwag kang mag-alala, Clarissa, i-try ko." sabi ni Ren. Ayaw niyang nalulungkot ito.
Bago pa man siya mapigilan ni Clarissa, lumabas na si Ren mula sa pinagtataguan nila.
"Hi, mga fans!" lakas loob na sambit nito.
May isang tiyanak na nakarinig sa kanya. Mukhang itong batang bangkay na may halimaw na itsura. Nagtaka ang laman-lupa dahil wala siyang makita. Ginamit nito ang kanyang pang-amoy at nalaman nito ang presensya ni Ren.
"Opps, sorry!" hindi na hinayaan ni Ren na makalapit ang tiyanak, sinipa niya ito. Dahil invisible si Ren, hindi maintindihan ng ibang mga halimaw kung bakit may isang kauri nila na bigla na lang tumilapon.
"Clarissa, gumana! Invisible ako!" nagthumbs-up si Ren.
"Ahhhhhhh! Tulong!" sigaw ng isang matandang businesswoman. Hinahabol siya ng isang diwatang mukhang paniki.
"Aking tapat na elementong-kaisa
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Matibay, matalas, nakakatinik,
Latigong tinik!” hinampas ni Clarissa ang diwata. Umungol sa sakit ito, nagtataka kung saan nanggaling ang umatake sa kanya.
"Tumakbo na po kayo."
"Huh?" gulat na sambit ng matanda. Imbes na matuwa para magpasalamat, lalo itong nanginig sa takot. "What's happening?! First mga kakaibang nilalang then mga multo naman! HINDING-HINDI NA AKO PUPUNTA SA SAN NICOLAS!"takot na sambit nito sabay takbo at nakipagsiksikan sa iba pang bisita na papalabas.
Umiling si Clarissa. Nakalimutan niya na hindi nga pala siya nakikita.
"Mga kampon ng kasamaan!" sigaw ng isang guard na kahit matapang na hawak-hawak ang kanyang baril ay nanginginig sa takot. Ngayon lang nangyari sa talambuhay niya ang makakita ng napakaraming lamang-lupa! Itinutok niya ang baril sa batang babaeng nakakalutang sa ere. Ayaw niyang manakit ng bata pero kung ito naman ay kasama sa nagpasimuno ng kaguluhan at nakamaska ng mukha ng isang matandang bruha, hindi siya magsisiing barilin ito.
BANG!
Mabilis na iniwasan ng bata ng bala ang baril. "Viento!" sigaw nito at bigla na lang naramdamn ng guard na lumulutang siya.
"WHOAAAHH, anong ginagawa mo! Pababain mo ako!"
Nagbingi-gingihan ang bata ay patuloy na iniangat ang guard hanggang sa mauntog ito sa kisame.
"Pababain mo ako!"
"Okay..." sagot ng batang babae na may malisyosong ngiti.
Napagtanto ng guard na ihuhulog siya ng bata. Napakataas ng kisame ng hallroom, batid niyang hindi lang bali sa buto ang kahihinantnan niya kung mahulog siya.
"Huwag! Maawa ka! May pamilya pa ako!"
"Hahaha!" tumawa lang ang bata.
Sa isang saglit ay nahulog ang guard. Napapikit ito sa takot.
"AHHHHHHH!"
THUG!
Naramdaman na lang ng guard na may kung anong mabango at malambot na sumalo sa kanya. Amoy bulaklak! Pero bakit wala siyang makita?
"Huh?! Anong nangyari?" nagtatakang tanong ng batang babae sa ere. "WHOHHHAHHH!" naramdaman na lang niya na may pumulupot sa kanyang mga paa at hinila siya pababa sa sahig. "Arrrgg! Ano ito!"
"Suelo!" sigaw ng kasaman nito. Mula sa butas sa sahig, ang lupa ay umangat na buo na parang malaking kamay at sinalo ang batang may kapangyarihan ng hangin. "Jess..." natigilan siya na sabihin ang pangalan ng kasama. "Um... Anong nangyayari sa iyo?" tanong nito. Siya ay isa sa mga batang nanggugulo na shindi masyadong gumagalaw at iilan lang ang mga taong ginugulo. Siya ang nagbukas ng lagusan sa lupa.
"Aba hindi ko ALAM! Tulungan mo nga ako dito!" dismayadong sagot nito. Hindi siya makagalaw, may kung anong pumupulopot sa kanya.
"Sino kayo? Bakit kayo nanggulo?" di mapigilan ni Clarissa na magtanong.
"S-Sino yan?" nagulat na tanong ng batang may kapangyarihan ng lupa. Lumingon ito pero wala naman siyang nakikitang ibang tao.
"Bakit nyo ito ginawaaga? May nag-utos ba sa inyo?"
"Hindi namin sasagutin ang mga tanong mo! PAGPAKITA KA!" naiinis na sagot ng batang may kapangyarihan ng hangin. Lalong hinigpitan ni Clarissa ang kakapulupot ng kanyang latigo, tinanggal niya muna ang tinik. "TIGILAN MO ITO! AHHHRRRGGGH!"
"Ano bang nangyayari?" natataranta na ang kasahan nito.
"Ikaw, sagutin mo ang tanong ko kung gusto mong pakawalan ko ang iyong kasama." sabi ni Clarissa. Mukhang mabait ang isang ito.
"Inutusan lang po kami na manggulo..."
"Dia...!" galit na saway ng may kapangyarihan ng hangin. "Huwag kang magsalita! Viento! Viento!" bigla na lang may malakas na hanging tumulak sa batang may kapangyarihan ng lupa. "TUMIGIL KA! GUSTO MO NA TAYO NAMAN ANG MAPAHAMAK?!"
Natahimik ang ito at umiyak sa ilalim ng maskarang nakakatakot.
"Sarili mong kasamahan, sinaktan mo!" galit na sinabi ni Clarissa. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakapulopot ng kanyang latigo.
"Pakawalan mo ako!" hindi na siya makahinga ng mabuti. Nauubusan na siya ng hangin. "Viento!" muli nitong pagtawag sa hangin pero sablay at hindi niya matamaan ang hindi nakikita.
"Sino ng nag-utos sa inyo?" muling tanong ni Clarissa. Nauubos na ang kanyang pasensya.
"HINDI! ARRHHHHGGG!" ang tigas ng ulo nito.
Kitang-kita ni Clarissa ang paghihirap ng batang may kapangyarihan ng hangin. Ayaw niyang may nasasaktan, lalo na kung kapwa tao niya. Ayaw niyang manakit pero kailangan niyang malaman ang nagpasimuno ng gulo na ito. "Isa ka ring taong-kaisa? Isang diwata ba ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang elemento?" iniba ni Clarissa ang tanong. Siguro kailangan niya munang kaibiganin ito.
Natawa ang bata na mukhang magka-edad lang sila at parang kilala niya ito.
"Anong pinagsasabi mo? Taong-kaisa? Diwata? HAHAHAHA! Ang kapangyrihan na ito ay sa akin!"
Naiinis na si Clarissa. "Kung gusto mong pakawalan kita, SAGUTIN MO ANG MGA TANONG KO!"
"HINDI!"
"Me ser Atractivo
Me ser Complaser
Solicitud me
No Movimiento la Fente A a Mina!"
(Ako ay sumasamo,
ako ay pagbigyan,
Hiling ko
Hindi makagalaw ang nakaharap sa akin!) sumuko na si Clarissa, mukhang wala siyang makukuhang sagot mula dito. Pero syempre, hindi niyang hahayaang makapanggulo pa ito at manakit.
Lumingon si Clarissa kung nasaan ang isa pang bata na may kapangyarihan ng lupa pero nawala na ito sa kanyang paningin.
Sa gitna ng kaguluhan, hinanap ni Ren ang kanyang mga magulang. Sila ay kasama ng iba pang guests na binabantayan ng mga natitira pang guards. Bakas sa mukha ng kanyang ina na si Ginang Violy ang pagkabahala. Siya ay nag-aalalang nagmamasid, hinahanap ang anak. Gusto sanang lapitan ni Ren ang ina para sabihing okay lang siya pero tuluyan nang pinalabas ito ng mga guards kasama ng iba pa.
Kahit papano nakahinga ng maluwag si Ren dahil wala na sa panganib ang kanyang mga magulang. Siya na ang bahala para pigilan ang panggugulo ng mga lamang-lupa at ang mga nakamaskarang mga kabataan.
Nakita niya ang lalaking bumubuga ng apoy. Ang leader na grupong nanggugulo.
"Aking tapat na elementong-kaisa
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Nakakasilaw, dumadaloy, nakakakuryente,
Palasong Kidlat!" kung pwede lang na patamaan ang palasong kidlat ang leader, tapos ang problema! Pero alam ni Ren na lubos na pinagbabawal ang paggamit ng elemento sa ibang tao. Pero bakit ang mga batang ito, pwede? Madaya.
"Ren, alam ko ang inisip mo." nagsalita si Kidlaon sa kanyang isipan.
"Ang daya naman. Sila pwedeng manakit tapos ako hindi pwede?!"
"Tandaan mo na ang kapangyarihang elemento ay isang resposibilidad. Hindi ito maaaring gamitin sa pansariling kadahilanan."
"Hindi ba pansarili ang ginagawa nila?"
"May kakaiba sa mga elementong ginagamit nila." puna ni Kidlaon. "Animo'y pilit lang ang kapangyarihang ginagamit nila. Hindi ito lubos na naging kaisa nila."
"So ang ibig mong hindi sila talaga mga taong-kaisa? Walang engkanto o diwata ang naging elementong-kaisa nila?"
"Ganon na nga. Hindi ko maintindihan kung paano ito nangyayari."
"Interesting!" itinutok ni Ren ang kanyang kidlat na palaso sa leader na abalang pinaglalaruan ang mga takot na takot at walang kalaban-laban na guards. Kung hindi lang invisible si Ren, kitang-kita sana ang unti-unting pagliit ng palasong kidlat hanggang sa naging kasing-liit ng isang karayom ito na tumama sa may batok ng leader.
Saglit na naramdaman ng leader ang mahinang boltahe ng kuryente.
"Huh?" lumingon ito sa kanyang likuran. Wala siyang nakita.
Nagpatama ng isa pa si Ren. Lumingon muli ang leader,nagtataka.
Isa pa. Lingon, dismayado na ang kanyang mukha.
Isa pa. Lingon, galit na galit na!
"HUWAG MO AKONG PINAGLOLOKO!" sigaw ng leader sa batang nakakapag-control ng kuryente.
"Hah? Ang pinagsasabi mo, boss? Hindi ako yun, boss."
Nagpakawala si Ren ng sunod-sunod na maliit na palasong kidlat na tumama sa iba't-ibang parte ng katawan ng leader.
"GRRRRRR!" pikon na pikon na ito. "Fuego!" bumuga siya ng apoy.
Di napigilan ni Ren na tumawa. Wrong move.
"SINO YAN?! Magpakita ka kung ayaw mong masunog!" banta ng leader.
"AaaahhhWooohhhhh..." lalong pang-aasar ni Ren.
"Fuego!" tawag ni leader. Namuo ang isang bolang apoy sa kanyang kanang palad at inihagis sa direksyon ni Ren. Buti na lang nakaiwas siya kaagad.
"Akong bahala." lumapit na rin ng batang may kapangyarihan ng tubig. "Agua." Bigla na lang may sumirit na tubig sa sahig na para bang may tubong sumabog. Nagkabaha ang sahig.
Hindi na intindihan ni Ren kung para saan yung tubig. Hindi niya napansin na naabutan na siya ng tubig at nabasa ang kanyang sapatos. Dali-dali siyang umiwas sa baha pero dahil na basa na ang kanyang sapatos, kitang-kita ang naiwang mga basang bakas nito sa sahig.
"Boss, nandoon siya!" turo ng may kapangyarihan sa kuryente.
"Huli ka ngayon!" natutuwang sambit ng leader. "Fuego!" siya ay bumuga ng apoy.
"Whoa?!" natamanan ang vest ni Ren. Nagliyab ito! Dali-dali namang inihubad ni Ren at inihagis sa malayo ang vest na suot-suot. Tuluyan itong nasunog pero dahil may epekto pa rin ang orasyong ginawa ni Clarissa, tanging ang apoy at usok lang ang nakikita.
"Fuego!" sigaw muli ng leader, sunod-sunod siyang nagtapon ng mga bolang apoy.
Buti na lang nakatakbo si Ren sa isang poste at ito ang ginamit na panangga.
"Voltacio!" sigaw ng batang may kapangyarihan ng kuryente.
Laking gulat ni Ren na bigla na lang pumutok ang bumbilya ng ilaw sa may poste. Tumakbo siya papunta sa kabilang poste pero animo'y sinusundan siya ng kuryente at nagsisiputukan ang mga ilaw na malapitan niya.
"Sobrang delekado ang pinaggagawa ninyo! Gusto nyo bang mamatay dito? Ako hindi!" inis na sigaw ni Ren. Hinubad niya ng kanyang sapatos at binato, sapol ang mukha ng kumo-control sa kuryente. "Arrggghh!" gulat na sigaw nito.Nagdugo ang ilong nito.
Binato din ni Ren ang kabiyak na sapatos niya sa batang may kapangyarihan ng tubig. Sablay ito pero rinig ang pagkahulog ng sapatos ni Ren.
"Gago ka, kung sino ka man! Agua!" inis na tawag nito.
"Palasong kidlat!" sabay na pagtawag ni Ren at itinama ito sa bolang tubig na namumuo sa palad ng kalaban. Bahagyang nakuryente ito at natumba sa sahig.
"HAHAHAHHA!" pang-aasar na tawa ni Ren.
"Kala mo kayo mo kami? Magpakita kang duwag ka!" hamon ng leader.
"Sinong duwag? Ikaw itong may suot na maskara! Ikaw ang duwag!" sagot ni Ren.
"Fuego!" muling bumuga ng apoy ang leader.
"Ohhhh!" nagulat si Ren dahil nataman siya ng apoy. Nasunog ng kaliwang sleeves ng kanyang damit. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil parang naaaninag na niya ang sarili sa repleksyon ng baha sa sahig.
"Mukhang nawawala na ang kung anong mahikang ginamit mo!" sambit ni leader.
"Naku, lagot." sabi ni Ren sa sarili. Hindi pwedeng may makakita sa kanya. Bago pa tuluyang mawala ang bisa ang orasyon ni Clarissa, tumakbo siya muli sa pinagtaguan nila ni Clarissa sa likod ng cabinet ng mga figurine. Pero syempre hindi niyang hahayaang manggulo pa ang mayabang na leader.
"Palasong Kidlat!" tawag niya at tinama ang palaso sa dibdib ng leader. Sa isang iglap nahimatay ito.
"Ren..." nagsalita si Kidlaon sa isipan ni Ren.
"Kidlaon naman,huwag kang mag-alala, hindi ko pinatay ang mayabang na yun, pinatulog ko lang...hehehe."
Natahimik bigla si Ren nang makita niya si Romnick na hinahabol ng isang tikbalang. Nagdalawang isip siya kung tutulungan niya ang epal sa buhay nila ni Clarissa.
"Lumayo ka sa akin,pangit ka!" sabi ni Romnick.
Kahit labag sa loob ni Ren, papataman na sana niya ng palasong kidlat ang tikbalang nang biglang may bananggit si Romnick na hindi niya inaasahan.
"Este ser mi Preferencia.
La mi Solicitud ser Demonstrar
Ako ser Proteger,
Fuerzas nucleo de Fuerza! "
(Ito ay aking kagustuhan.
Ang aking hiling'y ipamalas,
Ako ay protektahan,
Pwersang ubod ng lakas!)
Tumalsik papalayo ang tikbalang. Si Romnick ay marunong gumamit ng orasyon?!.
____________________________03/29/2015
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top