[TWO] Chap.10: Mga Unang Kaibigan
๑۩۞۩๑ Mga Unang Kaibigan ๑۩۞۩๑
Maliwanag ang buwan at halos walang ulap ang kalangitan na may mangilan-ngilan na mga bituwing kumikislap.
Inaaliw ni Abigail Roque ang sarili sa pag”connect-the-dots” sa mga bituwin.
“Ah, iyon ay Orion…” bulong niya sa sarili, “That one is the little dipper!”
“Señorita Abby, umahon na po kayo mula sa swimming pool at baka malamigan kayo.” paalala ni Manang Biday.
Tumawa si Abby. “Manang naman, oh! As if malalamigan talaga ako with this?” di siya nagdalawang isip na itaas ang kanyang buntot. Sa tama ng liwanag ng buwan, kuminang na parang puno ng malilit na dyamante ang pinkish nitong buntot na kagaya sa mga isda sa karagatan.
“Señorita!” nagulat ang matanda. “Naku, huwag po ninyong masyadong itaas ang buntot ninyo, baka may makakita!”
“Manang, relax. Hindi pinataas ni Daddy ang mga pader dito for no reason. Syempre para malaya akong makagalaw whenever I’m in my mermaid form.”
“Opo pero mahirap na Señorita.”
Nagbuntong-hininga si Abby. “Okay.”
“Tama na po ang pagligo ninyo sa pool, Señorita. Matulog na po kayo.”
“Okay.”
Lumangoy siya sa kabilang dulo ng Olympic size pool nila. Nandoon ang kanyang tuwalya at ang perlas ng kanyang ina.
Nagulat si Abby dahil nandoon na si Manang Biday at nag-aabang sa kanya. Marahil tumakbo ang matanda.
Natutuwa si Abby dahil sobrang mabait at maalaga si Manang Biday. Siya na ang nagsilbing pangalawang ina niya mula nang mawala ang kanyang Mommy Perlasina. Malaki ang kanyang utang na loob dito.
“Manang Biday?!” nawala ang ngiti sa mga labi ni Abby. Nakahanda na sa tabi ng swimming pool ang kanyang wheelchair.
“Pasensya na po Señorita, napag-utusan lang.”
“Okay.” sagot ni Abby. Umahon siya mula sa pool. Dali-dali namang binalot ni Manang Biday ang dalaga ng tuwalya.
Kinuha ni Abby ang perlas ng kanyang ina at sinama ito sa kanyang kwintas na may rose quartz na dyamante na hugis tear drop. Sa isang iglap nawala ang kanyang buntot at naging mga paa. Ang rose quartz na kwintas ay suot-suot na ni Abby simula nang pinanganak siya. Ang sabi ng kanyang ina, ito daw ay isang agimat para magamit niya ang elemento ng tubig. Pero di gaya ng mga tao na kailangan pa ng elementong-kaisa, siya na mismo ay isang diwata.
“Senorita, tayo na po sa loob.”
Tumango si Abby. “Pero hindi ako uupo sa wheelchair!”
“Sige po.” kumindat ang matanda. “Tulog na naman ang daddy mo.”
“Yan ang gusto ko sa’yo, Manang!” masayang sambit ni Abby at buong siglang tumayo gamit ang kanyang mga paa at nagpaikot-ikot papunta sa loob ng kanilang bahay.
Sa may kwarto. Nakaharap si Abby sa kanyang salamin, suot-suot ang kanyang puting dress na pantulog. May munti siyang rituwal na pagsuklay ng kanyang buhok bago matulog.
“Manang ako na.” saway ni Abby.
“Ako na po, Señorita .”
Pilit inaagaw ni Abby ang suklay sa kanyang tagapangalaga.
“Ako na po.” giit ni Manang Biday “Gusto ko talagang suklayin ang malambot at curly mong buhok. Naaalala ko sa’yo ang Mommy Perlasina mo.”
Nanahimik saglit ang matanda. Tapat na tagapaglikod ni Perlasina si Manang Biday. Matalik din silang magkaibigan.
Di rin lingid sa kaalaman ni Abby na isang diwata din ang matanda. Isa siyang kataw na di tulad ng mga sirena, may pares ng mga paa. Matagal nang namamalagi si Mang Biday sa mundo ng mga tao dahil tuluyan na niyang ginusto ang anyong tao.
Hindi na tumutol si Abby at hinayaan na lang ang matanda sa pagsuklay ng kanyang buhok.
“You’re finally in your room, fish brain!” sabi ni Jennifer Roque. Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto ni Abby.
“Gising pa kayo, Señorita Jenny?” sabi ni Manang Biday.
“Obviously?! What a dumb question!”
“Jenny, huwag kang ganyan kay Manang Biday!” saway ni Abby.
“Whatever. Anyway, I just came here to remind you about the group project tomorrow!”
“Yes. I remember.” sagot ni Abby. Sa totoo lang, hindi na kailangan pang ipaalala ni Jenny ang group project dahil buong linggo nang inaabangan ito ni Abby. Excited na siya pero hindi niya pinapahalata.
“You have to pretend to be me.” paalala ni Jenny. Lumapit ito sa kakambal at hinawakan ang buhok nito. Naiinis siya dahil sobrang ganda ng buhok ng kakambal. Di tulad niya na kailangan pang maglagay ng kung anu-ano para lang gumanda. “You have to make your hair straight!”
“No.” tutol ni Abby. Hindi niya lubos maisip na ituwid ang kanyang buhok.
“I thought so, you vain. Here.” galit na inahagis ni Jenny ang isang wig. “Wear that tomorrow!”
Hindi magawang magalit ni Abby sa kapatid. Sa pambihirang pagkakataon, sumang-ayon siya sa naisip nitong gumamit ng wig para maging pareho sila ng hair style.
“Hindi iyan susuotin ni Señorita Abby!” pagtutol ni Manang Biday.
“Manang, okay lang. Hindi nila mahahalata na hindi ako si Jenny kasi pareho na kami ng buhok.”
“Pero matatakloban ang maganda ninyong buhok.” giit ng matanda.
“You shut up, old lady!” galit na sabat ni Jenny.
“Tama na, Jenny.” tumayo si Abby at pumagitna sa dalawa. Sinuot ni Abby ang wig. “Susuotin ko ang wig bukas, manang. Okay lang po.”
Di nakapagsalita si Manang Biday at na panganga lang dahil sa harapan niya ay may dalawang Jenny. Lubos talaga ang pagtutol niya sa planong gawin ng magkapatid pero alam niyang masaya si Abby. Gustong-gusto na ng batang makalabas kahit sandali lang.
Huminga ng malalim ang matanda. Talo siya. Wala na siyang magagawa.
“Good.” sabi ni Jenny. Nakagiti siya saglit pero sumimangot din nang makita niya ang isang starfish hairclip sa buhok ni Abby nang tinanggal nito ang wig. “I know this.” madali niyang hinablot ang hairclip. “I know this.” pag-ulit niya. Natatandaan niya na may hinahanap ang kanyang self-proclaimed boyfriend na si Gino Ivan Lazaro ng isang hairclip na ibinigay daw niya sa kanya. Malakas ang kanyang kutob na ito ang sinasabi ni Gino. Di siya nagdalawang isip na itapon sa sahig at tapak-tapakan ito hanggang masira.
“Huwag!” gulat na sigaw ni Abby. Hindi niya inaasahan ang ginawa ng kakambal. “Bigay pa yan sa akin ni…”
“ni… Gino.” Mataray na pagtapos ni Jenny. “I knew it. Gino gave that to you!”
Hindi makatanggi si Abby.
“I’m warning you, Abby.” seryosong sambit ni Jenny. “Gino is mine!” at namaywang pa.
“Pero…”
“Pero? Your objecting?” galit na sambit ni Jenny.
“N-No.” nataranta si Abby at di makapagsalita ng maayos.
“Gino is mine and don’t ever dare to fall for him. The main reason why I want you to pretend to be me tomorrow is I want you to spy on Gino and make sure that no other girl will try to go near him!”
Tumango na lang si Abby para wala nang away.
“And you have to report to me everything and give me anything that Gino will give you. Is that clear?”
Tumango muli si Abby.
“Good.” sabi ni Jenny at lumabas na sa kwarto.
Dali-daling lumuhod si Abby sa sahig at pinulot ang sirang starfish hairclip na ibinigay ni Gino sa kanya. Paborito niya ang hairclip at di niya ipagkakaila na espesyal ito dahil bigay ito sa kanya ni Gino.
“Señorita Abby?” nag-aalalang sambit ni Manang Biday. “Huwag nyo na lang ituloy ang plano nyo bukas.”
Umiling si Abby. Gusto niya talagang lumabas. “Manang Biday, magtiwala kayo sa akin.”
“Sige pero ipangako nyo na mag-iingat kayo.”
“Pinapangako ko.” saad ni Abby.
“Matulog na po kayo.” ngumiti ang matanda at umalis na din sa kwarto ng kanyang alaga.
Lumipas ang gabi at patuloy na lumalim. Hindi alam ni Abby ang oras pero para bang napakabagal nito. Hindi siya makatulog. Pinaghalong kaba at excitement ang kanyang nadarama. Alam niyang susuwayin na naman niya ang kanyang Daddy Jethro pero gusto talaga niyang lumabas mula sa nakakabagot na bahay nila.
Gusto niyang makita si Gino.
Sa di malamang dahilan para bang may kung ano kay Gino na kinakatakot niya pero di naman niyang mapigilang lumapit sa kanya. Kinakabahan siya kapag malapit siya sa kanya. Di niya maintindihan at para bang nasapanganib siya pero para ding proprotektahan naman siya nito. Naguguluhan siya sa nararamdaman.
Di rin niya mapigilang mainis sa kakambal. Nagrereklamo si Jenny na boring daw si Gino at hindi siya tinuturing nitong girlfriend kaya makikipagkilala siya sa ibang lalaki pero ayaw naman niyang pakawalan ito. Si Gino daw ang nagligtas sa kanya noong nasa panganib siya. Kinuwento ni Jenny ang nangyari sa kanya sa sementeryo ng San Nicolas. May mataba daw na halimaw na nagco-control sa kanya tapos may labanan daw ng mga aswang at mga taong gumagamit ng elemento. Hindi naniwala si Daddy Jethro pero nang nag-usap sila ng masinsinan ng paring kasama nina Gino at Jenny, di rin nagtagal at naniwala ito. Naalala ni Abby na Father Gilbert Quirante ang pangalan ng pari.
Nagtataka si Abby kasi halos kahawig nito ang panaginip niya noong gabi ding iyon. Parang totoo pero sigurado si Abby na panaginip lang ang lahat dahil nang dumating sina Jenny, siya ay ginising lang ni Manang Biday. May nagpakita sa kanyang napakagandang babae na nagpakilala bilang isang dyosa na Sibol ang pangalan. Sinabi nito na kunin ang isang mahiwagang banga. Nagulat siya dahil nasa loob ng banga ang kaluluwa ni Gino. Nagawa nitong iligtas si Gino. Sa pagkakaalala niya, tinakas niya ang banga at itinago sa kung saan pero hindi na niya ito matandaan. Nagising na lang siya nang tinawag siya ng kanyang tagapangalaga na dumating na si Jenny.
Sabado ng umaga.
May trabaho pa rin ang ama nina Jenny at Abby, kailangan niyang bisitahin ang kanilang negosyo sa kabilang bayan.
“Bye mga anak, una na ako.”
“Pero Daddy Jethro, di pa ubos ang pagkain sa plato ninyo.” puna ni Abby.
“Okay lang yan, Abby.”
“You’re leaving, daddy?” sabi ni Jenny. Niliitan niya ang kanyang boses na parang batang nagpapa-cute.
“Oo, anak.”
“By the way, dad. I’ll be at my classmate’s place the whole day today. We’ll work on group project.”
“It’s okay, Jenny. Just promise me that you’ll get home before dark.”
“Yes, daddy! Okay, off you go!” sabi ni Jenny sabay kindat kay Abby. Gusto na niyang umalis ang ama para makatakas na sila ni Abby.
“Manang Biday, ang mga bilin ko.” paalala ni Jethro.
“Opo.” Tumango ang matanda sabay tingin kay Abby.
Di mapigilang ma-guilty ni Abby dahil nadadamay ang kanyang tagapangalaga sa pagsisinungaling sa ama.
“Bye, Jenny. And Abby, you stay here.”
“Opo, daddy.” sagot ni Abby.
“Game!” malakas na sigaw ni Jenny nang nakaalis na ang kotse ng ama. Dali-dali itong umakyat sa kanyang kwarto at nagpalit ng magarang dress para sa kanyang date.
Tumayo na si Abby mula sa wheelchair na inuupuan. Handa na rin siya. Super excited. Isang simpleng pink dress ang suot niya.
“What are you wearing?!” puna ni Jenny. “It’s not my color. Here, where this!” binigay niya sa kakambal ang isang dark blue na dress. “Alright, got to go!” sambit nito, di man lang nagpaalam at umalis.
“Huwag ka nang magpalit. Hindi naman malalaman ng kapatid mo na hindi mo susuotin ang damit nya.” sabi ni Manang Biday.
Tumango si Jenny. Ayaw niyang suotin ang damit na ibinigay ni Jenny dahil masyadong maiksi ito para sa kanya.
Sa bahay nina Katherine Dela Rosa sila gagawa ng group project.
Mabilis ang tibok ng puso ni Abby. Huminga siya ng malalim. Maraming beses na niya ito nagawa last year noong mga freshmen palang sina Gino. Kaya niyang magpanggap muli.
“Bakit ang tagal-tagal mo?” tanong ni Gino na sumalubong kay Abby sa may gate nina Katherine. “Nagsimula na kami sa project.”
“Umm… Well, of course, you know me. I need to get pretty.” sagot ni Abby, pilit ginagaya ang maarteng pananalita ni Jenny.
May sandaling hangin ang dumaloy. Inayos ni Abby ang wig na buhok sa takot na lumipad ito.
Napapikit si Gino nang maamoy niya ang kakaibang bango ni Abby. Abot langit ang kanyang ngiti.
“Sa wakas…” bulong niya sa sarili.
“What? You’re saying something?” tanong ni Abby. Hindi niya narinig ng mabuti ang sinabi ni Gino.
“Nothing.” hindi pa rin mawala ang ngiti ni Gino. “Tara...” alok nito sabay hawak sa kamay ni Abby.
Nagulat si Abby. Hindi niya inaasahan ang paghawak ni Gino sa kamay niya.
“Ba-Bakit…Ummm… Why you’re holding my hand?” nataranta si Abby. Pinilit niyang hilain ang kamay mula sa pagkakahawak ni Gino pero bigo siya. Sa pagkakaalam niya, hindi hinawakan ni Gino ang mga kamay ni Jenny.
“Why? Di ko pa pwedeng hawakan ang kamay ng girlfriend ko?” sabi ni Gino sabay kindat sa kanya. “Baka nakakalimutan mo ang sinabi mo na tayo na.”
Lalong naguluhan si Abby. Ang alam din niya, hindi kailanman sinasabi ni Gino na girlfriend niya si Jenny.
“Let’s go.” sabi muli ni Gino at hinila niya si Abby papasok sa loob ng bahay. Wala namang nagawa si Abby kundi sumunod.
Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. May kakaibang pakiramdam siyang nadarama sa dibdib. Umiling si Abby at pinigilan ang sarili sa kung ano mang nararamdaman alang-alang sa kakambal.
Dinala ni Gino si Abby sa may living room. Nandoon na sina Katherine at Clarissa Gutang, naggugupit-gupit ng mga makukulay na papel. Kailangan nilang gumawa ng isang mini jungle para sa kanilang Biology class. Gumagawa sila ng maliit na puno at mga halaman. Nakahanda na rin ang mga maliit na hayop na gawa sa plastic.
“Gusto ko may pond banda dito.” sabi ni Katherine.
“Teka, Jun-Jun. Parang masyadong maliit ang puno na yan sa unggoy na laruan.” puna ni Clarissa. Nandoon din si Junior Sta. Maria para tumulong.
“Clarissa, gusto mo tulungan kita sa paggawa ng bulkan? It’s my specialty.” alok ni Ren Dela Rosa, ang kuya ni Katherine.
“Hindi, kaya ko na ‘to.” pagtanggi ni Clarissa. Hindi pa rin siya kumportable sa atensyon ni Ren. Akala niya noong first day ng school bumalik na ang kanyang nararadaman para dito pero isang beses lang tumibok ng gaya ng dati ang kanyang puso at hindi na muli na ulit kahit ano pang ginagawang effort ni Ren para sa kanya.
Pero hindi kailan man susuko si Ren. Desidido siya na maibalik muli ang nararamdam ni Clarissa para sa kanya.
“Guys, nandito na si…” natigilan si Gino. Nagtaka si Abby nang tinipon niya ang mga kaibigan. “Teka lang may sasabihin lang ako sa kanila… Dyan ka lang.”
Nakatayo lang si Abby sa may pintuan ng living room.
“Di ka kasali dito.” sambit ni Gino. Masama ang tingin nito kay Ren na na-curious din. Lalong nayabangan si Gino kay Ren nang magkaroon na ito ng elementong-kaisa. Lagi na rin itong sumasama sa kanila dahil kay Clarissa.
“Gino, bati na kayo ni kuya, please?” hiling ni Katherine.
Umiling si Gino. Sumang-ayon si Jun-Jun.
“Ikaw din, Jun-Jun?” dismayadong sambit ni Katherine. Hindi niya maintindihn kung bakit ayaw pa rin nina Gino at Jun-Jun makipagkaibigan sa kanyng kuya.
“Fine. Lalayo muna ako sa tsimisan nyong mga girls.” pang-aasar ni Ren.
“Anong sabi mo?!” galit na tanong ni Gino.
“Ano ba kayo!” saway ni Clarissa. “Mga isip bata!”
Medyo nataranta si Ren. Ayaw niyang magalit si Clarissa sa kanya. “Okay, okay. Dun muna ako sa kusina. Do you want something, Clarissa?”
Umiling si Clarissa.
“Dalhan mo na lang kami ng juice at tinapay, kuya.” si Katherine ang sumagot.
Umalis na si Ren. Seryoso ang usapan ng grupo nina Gino. Na-iintriga din si Abby kung ano ang pinag-uusapan ng apat. Malakas ang kanyang kutob na siya ang kanilang pinag-uusapan, panay ng lingon nila sa kanya. Malakas ang bulungan nila. Kinabahan si Abby, alam na kaya nila na hindi siya si Jenny?
“Tara, tulungan mo na kami sa project.” mabait na sambit ni Clarissa.
“Ang saya, one more girl sa group!” sabi ni Katherine.
Hinila ng dalawa si Abby papasok sa living room.
Feeling awkward lang si Abby. Hindi siya makagawa ng maayos. Panay ang tingin sa kanya ng mga ito. Lalo na si Gino, ang mga mata niya ay nakatutok lang sa kanya.
“Anong sa tingin mo, okay na kaya ito?” tanong ni Clarissa sa kanya.
“Umm…Sa tingin ko mas okay kung ang pond ay mas malaki. Gawin natin itong lawa na lang para balance ang lupa at tubig. Sayang naman ang ibang plastic na isda kung hindi magagamit.”
Hindi inaasahan ni Abby ang sunod ng mga reaksyon ng grupo.
“Wow!” pumalakpak si Katherine.
“Straight Tagalog. hindi nagtatagalog si Jenny pagkinakausap ko siya.” sabi ni Clarissa.
“Tama ka, Gino.” nagthumbs-up si Jun-Jun.
“Wh-What are you talking about?” nagsalita si Abby.
“It’s too late. Huli ka na.” nakangiting sambit ni Gino. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit simula pa kanina, I’m not calling you Jenny?”
Napaisip si Abby. Oo nga, hindi pa siya tinatawag ni Gino na Jenny.
“Oh no…” mahinang bulong ni Abby sa sarili.
“Oh yes… Ikaw ang kakambal ni Jenny di ba?” malambing na sambit ni Gino.
“N-No. W-What are you talking about. I am Jenny. Are you going nuts?”
Tumawa si Gino.
“Talaga bang ikaw ay kakambal ni Jenny?” tanong ni Katherine at lumapit ito kay Abby.
“So tama ang hinala ko na ibang tao ang kumukuha ng exams ni Jenny. Ikaw iyon.” sabi ni Clarissa.
“Galing! Magkamukhang-magkamukha talaga kayo!” komento ni Jun-Jun.
“NO. This is all wrong.” Di na alam ni Abby ang gagawin. Nabuko na siya. “I-I have to go.”
“Teka.” hinawakan ni Gino ang braso niya. “Dito ka lang, please?”
“We want to know you better.” sabi ni Clarissa.
“Gusto naming gawin kang kaibigan.” masayang sambit ni Katherine.
“Kaibigan?” natigilan si Abby.
Simula pagkabata niya, wala pa siyang nagiging kaibigan bukod kay Manang Biday. Hindi siya sigurado sa kakambal kung tinuturing siya nitong kaibigan.
Ngayong alam na nila na hindi siya si Jenny. Kailangn na niyang umalis.
Pero…
Matagal na niyang gustong magkaroon ng mga kaibigan. Alam niyang mabubuting mga kaibigan ang grupo ni Gino. Ito na ang kanyang pagkakataon.
“Let’s be friends?” tanong ni Clarissa. Nilahad nito ang kanyang palad para kay Abby.
Nanginginig ang mga kamay ni Abby. Naglalaban ang kanyang puso at utak.
“Please?” nagpacute si Katherine.
“Sige na!” udyok ni Jun-Jun.
Ngumiti si Abby. Tumango siya. “Oo naman!” sagot niya at buong galak na nakipagkamay kay Clarissa.
“Yehey!” excited na sambit ni Katherine at niyakap si Abby.
“Ako si Abigail Roque but you can call me, Abby.” pagpapakilala niya.
Masayang-masaya si Abby. Sa wakas magkakaroon na siya ng mga totoong kaibigan!
Mga unang kaibigan.
“Hindi mo na rin kailangan ito.” marahang tinanggal ni Gino ang suot-suot na wig ni Abby.
“OMG! I love your hair!” sabi ni Katherine.
Minadali nilang tinapos ang group project at ginamit ang buong araw sa kwentuhan at tawanan.
“At nasolo na rin kita.” sabi ni Gino.
Nagulat si Abby at humarap. Nasa garden siya at pinagmamasdan ang mga alagang koi fish nina Katherine.
“Abby.” tawag ni Gino.
“Ba-Bakit?” kinabahan si Abby sa malagkit na pagtitig ni Gino.
“Di ba masarap sa pakiramdam na tawagin ka sa sarili mong pangalan?”
Tumango si Abby. Tama si Gino. Mas nais niyang tawagin sa kanyang pangalan. Hindi na niya kailangang magpanggap. Malaya na siya.
“Nasan ang starfish hairclip na ibinigay ko sa’yo? Alam kong sa’yo ko naibigay iyon at hindi kay Jenny.”
Natahimik saglit si Abby. “Um… Wa-Wala na.”
Nalungkot si Gino. “Ganun ba.” di rin nagtagal ay ngumiti siya. “Maraming akong tanong. Pwede bang magkita tayo bukas?”
“Hah? Hindi pwede.”
“Sige na. Huwag mong sabihin kay Jenny. It will be our secret. Gustong-gusto kitang makausap. Please?”
Kitang-kita ni Abby ang lubos na kagustuhan ni Gino.
Bahala na. Tumango siya.
____________________________02/15/2015
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top