EL KANTADIA 9: ANG DALAKETNONG TUBIG


Ang katahimikan at kaayusan ng Templo ng Dyosa ng Karagatan at Tubig ay nabulabog. Kasama ng misteryosong sirena ay grupo ng mga itim na engkanto at diwatang tubig na karamihan ay nagpanggap bilang mga taga-samba ni Daloy. Ang biglaang pag-atake ng sirena ang hudyat ng simula ng kanilang panggugulo.

Their mission was clear and simple, ang sirain ang templo ng dyosa! Gamit ang kani-kanilang elementong armas, they attacked, destroying everything in sight, from the mere statues of Daloy up to the simple temple decorations. They wanted to make the whole place into ruins!

"MGA LAPASTANGAN!" galit na sigaw ng isa sa mga tsokoy na tagapagbantay ng templo. "WALA KAYONG KARAPATANG SIRAIN ANG TEMPLO NI DALOY!"

Buong pwersa at walang takot na nilabas ng mga tsokoy ang kani-kanilang elementong armas, mostly of spears, shields and tridents. They will fight until the end, handang ialay ang buhay para sa dyosang iniidolo nila at sinasamba.

Sa unang pagkakataon, naging isang battle ground ang templo. Isang giyera para sa paniniwala! Sa bawat sulok ng templo, sa loob man o sa labas ay may tagisan ng kapangyarihan ng elementong tubig.

"Isa kang traydor sa dyosa!" sambit ng isang tsokoy na balot sa makinang na asul na baluti nagawa sa mga kabibe. Kumpara sa ibang tsokoy, mas matikas ang pangangatawan nito at naglalakihan ang palikpik mula sa leeg hanggang sa likod. Purong itim ang kanyang mga mata sa mala-taong mukha nito ngunit walang ilong. Siya ang kapitan ng mga tsokoy na tagapagbantay ng templo.

Hinarap niya ang sirenang nagsimula ng kaguluhan, stopping her from entering the temple's main hall.

"Umalis ka sa harapan ko! Hindi mo ba ako kilala?" tanong ng sirena na may halong pangungutya.

She slashed her trident into the water surrounding them, making waves of strong current. Then swiftly using his shield, mabilis namang napigilan ng kapitan ang atakeng ito.

"Wala akong pakialam kung sino ka, ang alam ko lang hindi kita papayagang sirain ang sagradong templo ni Daloy!" sagot ng kapitan.

He made his counter-attack, throwing his spear which suddenly multiplied into four. Ngayon, apat na elementong armas ng kapitan ang sumugod papunta sa sirena.

But with just a wave of the mermaid's trident, another strong current just blocked the attack.

"Hahahhaha! Walang kwenta! Mahina!" pagmamaliit ng sirena then finally introduced herself. "Ako si Lyllia Shysuel, isang maharlika, galing sa lahi ng dalaketnong tubig! Ako ang papalit kay Daloy bilang pinakamakapangyarihan sa paggamit ng elementong tubig! Kayong lahat na mga mahihinang engkanto at diwata ay luluhod sa aking harapan upang sambahin nyo!"

Natawa ang kapitan.

"Ikaw ay nahihibang! Walang sino mang makakahigit kay Daloy dahil siya ay pinagpala mismo ng Kalikasan. Tanging siya ang karapat-dapat na dyosa!"

Saglit na pinigilan ni Lyllia Shysuel ang tuluyang magaliit. Kailangang niyang ipamukha sa tsokoy na nagkakamali siya

"Mangmang! Wala kang alam! May hangganan ang pamumuno ng isang dyos o dyosa. Darating din ang panahon na kailangan na nilang ipasa ang kanilang pagkadyos o dyosa sa isang engkanto o diwata. Hindi mo alam na may mga hinirang sila upang humalili at maging mga bagong dyos at dyosa." tumawa ng malakas si Lyllia Shysuel.

Inayos niya saglit ang palamuti na gawa sa mga kabibe, perlas at mga bulaklak-pangtubig sa kanyang mahaba at purong itim na buhok.

Dito nanlaki ang mga mata ni Abby. It was then she realized na pamilyar ang palamuti at ayos ng dalaketnon. Tanda niya ang pinaghalo at makinang na asul at dilaw na kalikiskis at pakilpik nito adorned with more gems and pearls. Ito ay sa kanyang ina na si Perlasina!

Silang dalawa ni Daloy ay hindi makita o mapansin ng dalaketnon at kapitan dahil sa espesyal na pader na tubig na nakapalibot sa kanila na gawa ng dyosa. Dito sila tahimik na nagtatago at nagmamasid.

"Mommy Perlasina..." mahinang bulong ni Abby dahil hindi siya sigurado sa nakikita.

Indeed, the dalaketnon has her mother's features pero ibang-iba naman ang mukha. Her mother has a kind smiling face while has permanent frown.

"Perlasina." pag-ulit ni Daloy.

Tumingin si Abby sa dyosa. Tears starting to build up in her eyes. Ramdam ni Daloy ang pangungulila nito.

"Nabihag namin ang isang sirena na hinirang ni Daloy." Lyllia Shysuel continued still unaware of the presence of Abby and Daloy. "Ang sirenang ito ay may kahawig nang kapangyarihan gaya ng kay Daloy, Perlasina ang pangalan nito..."

Halos mapasigaw si Abby nang marinig ang pangalan ng ina pero mabilis namang natakpan ni Daloy ang bibig nito.

"Shhhh. Abby paki-usap huwag kang padalos-dalos." pagpapakalma ni Daloy kahit siya mismo ay di maitago ang galit sa mukha.

Pinilit ni Abby na hindi magwala pero ang luha ay tuluyan nang tumulo.

"Patawarin mo ako, Abby. Sasabihin ko sana ang tungkol sa iyong ina sa tamang panahon pero ito na siguro ang oras na malaman mo. Ngayon pang nalaman ko na kung sino ang may kagagawan nang biglaang pagkawala niya." Daloy said as she glared at the dalaketnon.

She looked back at Abby and wiped the tears from her cheeks.

"Si Perlasina, ang iyong ina ang aking napili upang humalili sa akin. "Siya, gaya mo ay hinirang ng dyosa. Hinihintay ko na lang ang tamang panahon na tuluyan nang magliwanag ang kanyang Sagradong Brilyante ngunit sa isang iglap ay nawala siya nang parang bula. Ito ang panahon na bata ka pa. Pinilit kong hanapin siya pero sa kung anong dahilan hindi ko maramdaman ang kanyang presensya. Alam kong may mga bumihag sa kanya pero di ko alam na ang mga dalaketnon pa ito!"

"May mga dalaketnon na nagtatangkang bumihag din sa akin." Abby added.

Daloy shooked her head in dismay.

"Hindi ko lubos akalain na may ganito palang gawain ang mga dalaketnon! Ang mga nilalang na mapagmataas! Kailangan malaman ito ni Arao at iba pang mga dyos at dyosa!" hindi na maitago ang galit sa mukha ni Daloy. Ramdam niyang nanginginig na ang kanyang buong katawan sa pagnanais na sugurin ang dalaketnon.

Napansin ito ni Abby at ito rin ang nais niya.

"Daloy, magtulungan tayo na talunin siya!" Abby insisted. "Kailangan kong malaman kung nasaan ang aking ina!"

Daloy closed her eyes and tried to calm herself.

"H-Hindi..."

"Bakit hindi!" gulat na sagot ni Abby, saglit na nakalimutan na dyosa ang kausap niya. "Bakit hindi? Ayaw mo bang malaman kung anong nangyari sa iyong hinirang, kung anong nangyari sa aking ina?!"

"Abby, alam ng Inang Kalikasan na gustong-gusto ko din malaman. Walang kapantay ang namumuong galit sa akin." ang mga mata naman ni Daloy ang may namunuong luha. She's feeling so much emotion. "Pero, hindi dito at hindi ito ang oras upang magparamdam ng galit ang mga dyos at dyosa. Kailangan itong pag-isipang mabuti. Kailangan munang malaman nina Arao ang sitwasyon bago tayo pwedeng gumawa ng hakbang."

Abby was not convinced. For her, ito na ang tamang oras upang malaman ang katotohanan!

She forced herself out from the invisible barrier Daloy created and charged against the dalaketnon.

"SABIHIN MO! NASAAN SI PERLASINA! SAAN MO SIYA DINALA!" sigaw ni Abby.

Nagulat si Lyllia Shysuel. Hindi niya inaasahan na may magtatangkang umatake sa kanyang maliit na diwata.

"MAPANGANIB DITO! PAKIUSAP, LUMAYO KA DITO!" sambit ng kapitan ng mga tsokoy.

Nakalimutan ni Abby na nasa ibang anyo pa rin siya bilang isang sea nymph.

Hindi niya inaasahan na mahihinang atake lang ng bula ang nagawa niya.

Natawa lang ang dalaketnon at animo'y nakiliti lang sa atake ni Abby.

"Hindi ko alam kung anong relasyon mo sa dating hinirang ng dyosa pero ito lang ang masasabi! WALA NA SIYA! HAHAHAHAH!"

"HIINNNDDDIII!" sigaw ni Abby. "Ano ang ginawa mo sa aking ina?!" Abby was enraged.

Sinubukan muling sumugod ni Abby pero mabilis naman siyang napigilan ng kapitan at hinila ito papalayo.

"Anong bang nangyayari sa iyo!" saway ng kapitan. "Lubhang mapanagnib dito!"

Hindi nakinig si Abby at dahil ang anyo niya ay isang maliit na diwata, she swam through the captain's grip and faced the dalaketnon once more.

"Masyado kang makulit. Hahahah!" sambit ni Lyllia Shysuel, amused. She decided to tell. "Ang kailangan lang namin kay Perlasina ay ang kanyang elementong tubig. Ito ang tiyak na paraan upang makuha namin ang kanyang kapangyarihan bilang dyosa. Bawat dyos at dyosa ay may natatanging regalo mula sa Kalikasan. Ang pinakagusto ko ay ang kay Daloy, ang kapangyarihang sumalamin ng kakayahan! Ang gumaya ng kahit anong elemento, atake o armas ng kalaban! Ito sa tingin ko ang pinakamalakas sa lahat! HAHAHAHAHHAHA! AT NGAYON AY NASA AKIN NA! Gusto mong makita?"

Tinaas ni Lyllia Shysuel ang kanyang elementong armas. Siya ay saglit na nagliwanag at sa isang iglap ay nagbago ang kanyang anyo, ang anyo bilang isang dyosa! From mermaid tail, she got legs and now got the same glittering white dress like Daloy pero without the crown.

Gulat na gulat si Abby. Kahit si Daloy who still stayed inside her barrier ay di makapaniwala. She realized things got too serious. Lubos na siyang nababahala.

Sobrang takot na si Abby, alam niyang wala siyang laban dito. Sana ay nakinig na lang siya kay Daloy. Dahil siya ay padalos-dalos, nasa harap ngayon siya ng pananganib! She even made it worst sa kapitan na natulala na lang at di makagalaw.

But she needs to know! Kailangan malaman ni Abby kung anong nangyari sa kanyang ina. Ito na ang kanyang pagkakataon.

"Na-Nakuha mo na ang gusto mo, nasaan na ngayon si Perlasina?" Abby shakingly asked but tried so hard to look calm.

"Nakakamangha ang lakas ng loob mo. Di ka man lang na sindak?" sobrang natawa ang dalaketnon. "Hindi ka man lang nainggit sa anyo ko? Ako'y nasa anyong dyosa!"

"Pakiusap, sabihin nyo lang po kung nasaan ang aking ina..." pagmamakaawa na ni Abby.

"Dahil wala na siyang silbi, hindi ko na inalam kung anong nangyari sa kanya o kung saan na siya. Sa malamang ay patay na! HAHAHAHAH! Isa na siyang inutil na diwata na walang kapangyarihan! HAHAHAHA!"

Somewhat there was a ray of hope. Hindi sigurado ang dalaketnon kung anong nangyari kay Perlasina. Abby felt a tiny possibility, kahit sobrang liit man ito ang paghahawakan niya na makikita muli niya ang ina.

Abby hastily turned to escape. She's aware that she was no match for the dalaketnon. Sapat na ang kanyang nalaman.

"AT SAAN KA PUPUNTA? SA TINGIN MO BASTA-BASTA KITANG PAPAALISIN! NAGKAKAMALI KA!!"

Lyllia Shysuel waved her trident then a strong gush of bubbles came out of it. The same attack made by Abby earlier!

Nakulong si Abby sa isa sa mga naglalakihang bula at unti-unting naubusan ng hininga.

Mabilis namang inihagis ng kapitan ang kanyang spear na muling naging apat, popping the bubbles.

Nakawala si Abby.

"Umalis ka na dito!" giit ng kapitan.

"WALANG MAKAKAALIS!" Lyllia Shysuel shouted.

Inihagis din niya ang kanyang elementong armas na nag-iba ng hugis katulad sa armas ng kapitan at naging apat din ito!

Buti na lang may kasalag ang kapitan that somehow saved them from the direct hit.

The captain decided to use his elemental power. He held his palm and a small whirlpool started to form.

"Huwag!" Daloy in sea nymph form finally appeared. "Huwag kang gumamit ng bagong kapangyarihan, gagayahin lang ito ng dalaketnon." sambit niya, knowing her own power.

Abby agreed.

Napagtanto din ito ng kapitan kaya hindi na niya ito itinuloy.

"Ano na ang gagawin natin? Hindi pa rin malinaw sa akin kung paano nagkaroon ng kapangyarihang pang dyosa ang dalaketnon!" nasa tono ng boses ng kapitan ang pagkadesperado. "Oh Daloy, mahal naming dyosa ng karagatan at tubig, tulungan mo kami!"

Napangiti si Daloy. Lubos ang paniniwala ng kapitan sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, narinig ng dyosa ang iyong paghingi ng tulong." she said. "At ang paniniwala nyo sa kanya ang siyang magiging daan upang ma-protektahan nyo ang kanyang templo."

She told them that they got to go to the temple's main hall.

"Hindi kayo makakatakas sa sa akin!" babala ni Lyllia Shysuel, attacking with the spears.

Then suddenly, nawala ang kanyang inaatake.

"NASAAN NA KAYO!!!" galit na galit na sigaw ng dalaketnon. Hindi niya matanggap na natakasan siya.

She drew her frustration towards another statue of Daloy, cutting it into half! In the first place, ang pagsira sa templo ang kanyang layunin kaya siya sumugod. Sisiguraduhin niyang wala nang makakasamba kay Daloy sa templo!

Nagsimula muli siyang magpasabog ng kung ano mang makita niya sa templo gamit ang isang kapangyarihan ng elementong-apoy na ginaya niya mula sa kapanalig niyang dalaketnong apoy. She felt so powerful, so unstoppable!

Ginamit ni Daloy ang kanyang invisible barrier para makatakas sila.

Mabilis nilang pinuntahan ang pinakatrono sa dulo ng main hall kung saan nakaupo sa gintong upuan ang eksaktong imahe ng dyosa.

Saglit na lumuhod ang kapitan sa harapan ng imahe ni Daloy.

"Ang buhay ko ay iaalay ko lamang sa inyo mahal na dyosa."

Maliit pa lang siya ay pinangarap na niyang maglingkod sa templo ng dyosa. Sobra siyang nabighani sa kagandahan ng dyosa at labis na namangha sa mga kwento tungkol dito.

"Lubos ang aking kasiyahan sa iyong katapatan at wagas na pagnanais na maglingkod sa akin..."

Agad napatingala ang kapitan ng makarinig ng malambing na boses. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkamangha. Nasa harapan niya ang dyosa ng karagatan at tubig, si Daloy!

"D-Daloy?"

Tumango ang dyosa.

"At he'to nga pala ang hinirang ng dyosang si Sibol." itinuro ni Daloy si Abby na ngumiti sa kapitan.

Bumalik na sila kanilang totoong anyo.

Naranta naman ang kapitan at mas luhod pa na halos sumayad na sa sahig ang kanyang mukha.

"Patawarin nyo po ako! Hindi po ako karapat-dapat sa inyong presensya!"

Napangiti si Daloy.

"Tumayo ka. Ang iyong paniniwala sa akin ang siyang nagbigay sa iyo ng pagkakataong makita ako ng personal."

Nanginginig pang tumayo ang kapitan at maluha-luha na.

"Salamat! Oh, mahal na dyosa! Salamat!" he said with so much adoration.

"Anong pangalan mo kapitan?"

"Ako po si Neptsuno."

"Neptsuno, may banta ngayon sa aking templo na banta na rin sa aming mga dyos at dyosa. Ayaw ko man isipin pero alam kong may malawakang kaguluhang mangyayari sa buong El Kantadia at nagsisimula na ngayon ito. Makakaasa ba kami sa iyong suporta?"

The captain nodded without second thoughts.

"Makakaasa po kayo. Ako at ang aking mga kasamahan ay buong lakas at kagalingang maglilikod sa inyo hanggang sa huli." Neptsuno promised.

"Daloy, pano na natin mapipigilan ang dalaketnon?" tanong ni Abby.

"Simple lang. Tutulungan tayo ng aking mga alaga." Daloy answered.

She walked to her throne. Sa tabi ng gintong upuan ay may isang maliit na mesa na gawa din sa purong ginto. On top of it was a crystal shell horn made from pure blue gem stones. She took it.

"Tinatawag ko ang mga tapat kong elementong hayop. Nasa kaguluhan ang aking templo, pahiramin nyo ako ng inyong lakas!!" sambit ni Daloy sabay hipan sa kabibeng kristal.

Walang tunog na lumabas mula sa kabibe pero ang paghingi ng tulong ng dyosa ay mabilis at malinaw na nakarating sa mga elementong hayop. The crystal shell horn actually produced invisible sound waves carried by the water current na tanging mga hayop lang ang nakakarinig.

Sabay-sabay na sumugod ang mga elementong hayop gaya ng mga sea dragons and giant fishes at tinulungan ang hukbo ng mga tsokoy sa pakikipaglaban sa mga itim na engkanto at diwata. Naglabasan din ang ilang mga tambuhalang sea serpants at nakisali.

"SAAN NANGGALING ANG MGA HAYOP NA ITO!??" gulat na sambit ni Lyllia Shysuel.

Hindi niya namalayan na there was already a giant and slimy tentacle wrapping around her body! Huli na ang lahat nang mapagtanto niya na isang napakalaking pugita na pala ang nakapulupot sa kanya , dragging her down into its deep cave.

"HINDEEEEEEEEEEEE! BITAWAN MO AKOOOOOOOOOO!" sigaw niya.

The giant octopus will bring her to the further depths of Karagatan ng Tubig kaya matatagalan pa itong makapabalik.

Ang mga itim na engkanto at diwata ay kanya-kanyang nagsi-alisan, realizing that their master was no where to be found!

Di rin nagtagal ay tuluyan nang umalis ang mga nanggulo at bumalik na muli ang katahimikan.

"Ang galing!" Abby exclaimed.

Nagtatatalon din sa saya si Neptsuno na biglang nahiya dahil naalala niya na he's with two goddesses.

"Paano na ang templo mo, Daloy? Sira-sira na ito." tanong ni Abby as she sadly looked at the damages.

"Walang problema." Daloy said smiling.

She walked towards her throne. Umupo siya kung saan nakaupo ang kanyang ekasaktong replika and became one.

Nagliwanag ang buong paligid at sa isang iglap ay bumalik sa dating ganda ang templo!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 10/24/2016

So how was it?! 

Makikita pa kaya  ni Abby ang Mommy Perlasina niya?

Abangan ang next update! Maging ganap na dyosa na kaya si Abby? Yey!

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

P.S.

Check nyo na rin ang Book 2 ng ELEMENTO! ELEMENTO II: SAGRADO!

New update soon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top