EL KANTADIA 6: ANG PAGTAKAS
Ang silid ay parang may sariling buhay. Ang mga baging na bumabalot sa bawat sulok nito ay gumagalaw na parang mga ahas na nagambala sa kanilang pagtulog.
The vines started moving when Jun-Jun cut off the huge flower beds that turned out to be huge monster heads. Huge chain-saw like teeth suddenly sprout out from its petals and tried to chew Carlos who was sleeping on one of the beds. Mabuti na lang napansin agad ito ni Kikay who alarmed Jun-Jun. Nagsigalawan naman ang iba pang kama na agad namang sinunog ni Gino gamit ang elementong apoy.
Sa paggalaw ng mga baging, bigla namang lumiit ang buong silid, limiting their movements. Gino and Magayon hastily tried to open the door, na unti-unti na ring natabunan ng mga baging.
Sina Jun-Jun at Kikay naman ay nagtulungan na putulin at pigilan ang mga baging sa pagpulupot sa kanilang lahat.
Mariella, summoned her own weapon, a spear na gawa sa purong ginto and did the same against the crawling vines. She protected Carlos na ngayon ay tulala at wala sa sarili. Unti-unting nawawala na ang bisa ng enchantment ni Paguita dito pero hindi pa rin ito makapag-isip ng maayos. Marahil sa pagkagulat na din with the unexpected attack ng kamang kanyang hinigaan or still confused if he was dreaming or just seeing things.
"Teka, sa tingin ko ,kaya ko na ito." sambit ni Gino as he saw na ang pintuan na gawa sa dahon ay nangitim at parang nalanta na dahil sa patuloy nilang pag-atake dito. "Tumabi kayo, papasabugin ko na ito." he pointed his elemental gun at the door. Using all three elements he got: fire, earth and air, he fired.
BOOOOOMMM!
Sumabog ang pintuan and turned into pieces.
"Nakakamangha!" bungad ni Paguita sa kanila. She stood outside waiting for them. Alam naman niya na di basta-basta ang mga mensahero.
"PATAYIN SILA!" Tangkai shouted at the top of his lungs.
Hindi siya sanay na matanggihan. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Prinsipe siya ng mga dalaketnong lupa, walang sino man ang makakatanggi sa kanya! He can't accept that he was rejected! Ang kinaiinis pa niya, hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng diwata! Kung hindi man niya maangkin ito, sisiguraduhin niyang walang makakalabas ng buhay sa mga kasamahan niya!
Bahagyang nataranta ang mga tikbalang pero mabilis naman silang sumugod dahil ayaw nilang magalit sa kanila si Paguita. Mas takot sila sa prinsesa kaysa sa prinsipe. Gamit ang kanilang mga elementong-armas na Panakol at espada, inatake nila sina Gino.
"Hiyaw ng Hangin!" Magayon shrieked.
Nabulabog ang ilang mga tikbalang sa malakas at matining na boses ng harpy. Sa gulat ay nabitawan ng ilan ang kanilang hawak na armas. Sabay naman ang pagsugod ni Jun-Jun who jumped out from the room and started attacking the tikbalangs with his samurai sword na mula sa elemento ng hangin. Sa bawat hampas niya ng espada, may kasamang hangin na siyang nagpapatalsik sa mga natatamaan nito.
Jun-Jun felt that he moves with the wind. Napakagaan ng kanyang pakiramdam. Matagal-tagal na din siyang gumagamit ng mga espadang hangin, ito ang kanyang elementong-armas and he knew he can use whatever sword. Isa na siyang ganap na swordsman!
Magayon fought along aside him, protecting and guiding his back. Kung hindi man sila pwedeng maging ganap na isa, in this way, they became partners.
"Ipo-Ipo!" the harpy called and swept the tikbalangs out of their way.
"Salamat, Magayon! You're the best!" Jun-Jun said.
"Para sa prinsesa at prinsipe!" sigaw ng isang tapat na tikbalang sa mga dalaketnon. He swiftly moved pass Magayon na biglang sinugod ng isa pang tikbalang. He aimed his axe to Jun-Jun, eager to chop of his head off!
"Jun-Jun!" Gino shouted and with no hesitation, shot the tikbalang's head.
Nanigas ang engkanto, crystalized and turned into pieces of sparkling green gems.
"Mag-ingat ka!" Gino reminded. "Kung hindi tayo magseseryoso dito, tayo ang mamamatay!"
As much as possible, pinipilit ni Jun-Jun na minor lang ang nagagawa niyang pinasala sa kanyang mga inaatakeng tikbalang. Ayaw niyang makapatay ng engkanto. Tutol din dito ang kanyang elementong-kaisa.
Pero do they have a choice?!
Jun-Jun looked at Magayon.
With a gloomy face, the harpy nodded. She cared for the other elementals but she won't allow na ang kanyang taong-kaisa naman ang mapahamak!
"Okay. Let's get it ON!" Jun-Jun said with new gained enthusiasm. Inayos niya ang kanyang salamin na lagi na lang dumudulas sa kanyang ilong.
Nagkalat ngayon ang napakaraming dyamante sa sahig. Mula ito sa mga di pinalad na mga tikbalang as Jun-Jun and Gino attacked.
Kikay flew infront of Mariella and Carlos, ready to protect them for any sudden danger. Pero buti na lang, hindi na niya kailangang pang lumaban dahil most of the attacking tikbalangs were taken cared of Jun-Jun and Gino. They moved in ease.
Ang kwartong pinagkulungan nila ay nasa dulo ng isang malawak na hallway. Now, they moved fast towards the exit where more tikbalangs were waiting. Nandoon sina Paguita at Tangkai.
The princess was impressed sa pinakitang galing nina Gino sa pakikipaglaban. Tama ang kanyang desisyon na magmasid muna at hindi agad umatake.
"Kapatid! Di magtatagal ay mauubos na nila ang ating mga kawal na tikbalang! PATAYIN NA NATIN SILA!" Tangkai impatiently said.
Akala niya ay aatake na sila pagkabukas ng pintuan ng silid kung saan nakakulong ang mga mensahero, pero hindi! Hinayaan pa muna ng kanyang kakambal na sumugod ang mga walang kwentang tikbalang!
Paguita sighed. Napakaulit talaga ng kanyang kapatid!
"Kung nais mo na silang patayin, sige umatake ka na mag-isa!" hamon ng prinsesa ng mga dalaketnon.
Natigilan at natahimik si Tangkai. Tinitigan niya ang kapatid.
"Hindi mo kaya, di ba?"
Mabilis na yumuko ang prinsipe pero nais niya talagang makaganti kaya muli siyang nagsalita.
"Pagbigyan mo na ako, Paguita! Bakit pa ba nating pinapatagal ang kanilang buhay? Malinaw ang utos ni inang reyna na pigilan natin ang mga mensahero sa kanilang misyon!"
"Gusto ko munang kilalanin ang lakas nila bago natin sila patayin!" sagot ni Paguita. Naiinis siya dahil wala talagang alam ang kanyang kapatid sa pakikipaglaban!
"Bulaklak na Pananggalang!" mabilis na tawag ni Paguita nang may isang nagliliyab na batong bala ang muntikan nang tumama sa kanyang mukha. Naprotektahan man ang prinsesa, mabilis namang nasunog at naging apoy ang malaking bulaklak na tinawag niya.
"HINDI MO AKO MASISINDAK!" sigaw ng prinsesa, nagkulay ube ito sa galit. "ANG LAKAS ANG LOOB MONG SUGURIN AKO NG HARAPAN!"
Napangiti na lang si Gino.
Malapit na sila nina Jun-Jun sa dulo ng hallway at kung naisin ni Gino, pwedeng-pwede na niyang pasabugin ang mga bumihag sa kanila.
"Tangkai!" Paguita called her twin.
With a big smile on his face, Tangkai followed.
Naglakad sa harapan ang magkapatid. Hinarap ang isa't-isa at naghawak kamay as if they were about to dance.
Nagulat sina Gino nang biglang naging mga baging ang kanilang mga kamay at paa. The vines started to crawl all over them, pinning them closer to each other. Sa isang iglap ay nagsama ang mukha ng dalawa at naging isa! Nagpatuloy ang mga baging sa pagbalot sa kanila. They became wider and taller hanggang sa naging ganap na silang isa at bumuo ng isang tambuhalang halimaw! Mukha silang higante na gawa sa mga baging na patuloy na gumagalaw at tumitibok-tibok pa!
"Yuck! Mukha silang human intestines!" komento ni Kikay, feeling disgusted.
"Sinabi mo pa!" Clarissa agreed who suddenly appeared beside the fairy. Nawala na ang bisa ng kanyang orasyon.
"Clarissa! Sa wakas at nandito ka na!" masayang sambit ni Kikay. She hugged her taong-kaisa.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Jun-Jun.
"Naku, later, ikukwento ko pero ngayon-"
Pagkakita ng baging na halimaw kay Clarissa, umatake agad ito at inihampas ang tambuhalang mga kamay nito.
Jun-Jun slashed the giant arms into two pero in an instant it grew back!
"Hindi nyo kami matatalo!" sambit ni Paguita. Ang kanyang mukha ay lumabas sa kaliwang bahagi ng ulo ng halimaw.
"Pagsisisihan mo, diwata ang pagtanggi mo sa akin!" sambit naman ni Tangkai when his face sprouted out the right side of monster's head.
"Iba talaga ang appeal mo, Clarissa!" Kikay teased.
Hindi siya pinansin ni Clarissa, instead she ran ahead and used her elemental whip to cut the growing vines of the monster.
Gino aimed to the stomach ng halimaw and fired. Pero hindi niya inaasahan na bigla na lang nagkabutus na bilog ang tiyan ng halimaw at dumaan lang sa gitna nito ang kanyang nagliliyab na bala!
Sabay na tumawa ang mukha ng magkapatid.
Nainis si Gino and fired towards the monster's head but like it did before, the vines formed according to Gino's fire and missed the hit.
Clarissa realized na kahit anong atake ang gawin nila, muli lang tutubo ang mga parte ng katawan ng halimaw. Its body can even change form as well kaya mahirap tamaan!
"Kikay, makakatulong ka!" Clarissa said to the fairy. If its about vines and earth element, si Kikay ang makakasabay dito!
Dahil elementong-kaisa ni Clarissa si Kikay, she knew already what to do.
"Kadena de Amor!" Kikay called.
Her vines with flowers crawled around the monster pero mabilis namang nakawala ito! Its own giant vines ate up the flowered vines.
"Tinik ng Bulaklak!" Kikay added.
Mga baging naman na may malalaking talulot ang humalo sa katawan ng halimaw. Nagsibukahan ang mga bulaklak gave an explosion of thorns, one after another.
Mukhang mabisa ito dahil sa naglalakihang tinik ay hindi makagalaw ang halimaw.
Gino took this opportunity and fired the monster. Natamaan naman niya ito at sa butas na nagawa sa katawan, naglingas ito at nagsimulang magkaapoy!
"AAAAAHHHHHHHHHHH!" sabay na sigaw nina Paguita at Tangkai.
"Gino, umalis na tayo dito!" finally Mariella said something.
Jun-Jun and Clarissa agreed.
"Okay. Madali naman ako kausap."
They started to ran towards the opening of the hallway.
Walang nagtangka sa mga natitirang tikbalang ang sumugod. Lahat ng kawal ay natatakot. Sa kanilang nasaksihan, alam nilang hindi nila matatalo ang mga ito. They moved away as Gino's group ran passed them.
"MGA WALANG KWENTA, HULIHIN NYO SILA!" galit na galit na utos ni Paguita. Nakadapa siya sa sahig at walang lakas na makatayo.
Si Tangkai naman ay nasa hindi kalayuan at sumisigaw sa sakit.
Para hindi sila tuluyang masunog na magkapatid, napilitan silang kumawala sa kanilang anyong halimaw. At dahil sa parehong napuruhan ang kanilang tiyan, nagdusa sila sa sakit at hapdi ng dulot ng apoy.
"MAGBABAYAD KAYO!" pangako ni Paguita sa sarili.
"APOY! APOY! APOY!" natarantang sigaw ng isang tikbalang nang makita na nagsimula nang kumalat ang apoy mula sa may lingas pa rin na mga balang bato mula sa elementong-armas ni Gino.
Nagkagulo ang mga tikbalang.
"BILISAN NYO, PATAYIN ANG APOY!" nagsimula na ding mataranta si Paguita.
Ginamit niya ang buong lakas upang makatayo. She has to or she'll be burnt alive!
Kahit na ang kanilang palasyo ay gawa sa bato, halos buong loob nito ay mula sa mga halaman at mga puno. Kung hindi nila maagapan ito agad ay mabilis kakalat ang apoy sa buong palasyo!
"Ang inang reyna!" naalarmang sigaw ni Tangkai who stood weakly.
They both ran out from the blazing hallway at nagmadaling tumakbo patungo sa pinakasilid ng kanilang inang reyna. Ininda nila ang sakit sa mga sugat mula sa mga tinik at sunog na natamo, masigurado lang nila na nasa ayos ang kanilang ina.
Ang silid ng kanilang ina ay nasa pinakailalim ng buong palasyong bato. They walked down the spiral stairs of huge leaves going to a detailed and majestic tall door. They hastily went inside.
"Ina!" bungad ni Paguita.
"Mahal na ina!" sambit ni Tangkai.
Sa loob ng malawak na silid, may anim na maliit na diwatang may pakpak ng tutubi, sila ang mga tagapangalaga ng reyna.
They were startled with the sudden entrance of the twin dalaketnon. They were unaware of the chaos outside.
Nagbigay pugay sila and without any question, went outside the room to give privacy.
Pagkaalis ng mga diwata ay agad namang niyakap ng magkapatid ang isang higanteng bulaklak ng gumamela. Ito ang kanilang inang reyna.
Umiyak sila na parang mga bata at nagsumbong sa mga umapi sa kanila.
Pagkalipas ng ilang saglit ay may kumatok na tikbalang at ibinalita na na naagapan na ang apoy.
"At ang mga mensahero?" tanong ni Paguita.
Umatras malapit sa may pintuan ang tikbalang.
"Wala na po. Nakatakas na po sila."
Sumigaw sa galit si Paguita.
Mabilis namang lumabas ang tikbalang upang hindi mapagbuntungan ng galit ng prinsesa.
"MGA INUTIL! MGA WALANG KWENTA! MGA WALANG SILBI!" the shouts of the angry princess was heard all over the Palasyong bato.
Si Tangkai naman ay tahimik at nakayakap pa rin sa kanyang ina.
"May nakilala akong napakagandang diwata. Sayang at hindi ko siya sa inyo napakilala, nakatakas siya. Ngunit pinapangako, hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahuhuli!" Tangkai opened his fist, showing on his rough green palm, a wrinkled purple flower. "Clarissa. Clarissa ang kanyang pangalan."
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 10/03/2016
Thank you sa paghihintay!
A new adventure awaits sa diserto! Abangan!
Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.
Thanks!
P.S.
Check nyo na rin ang Book 2 ng ELEMENTO! ELEMENTO II: SAGRADO!
New update soon
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top