EL KANTADIA 20: SI ANINO, ANG DYOS NG POOT AT DILIM


"Gino... Gino! GINO! GINO!" paulit-ulit na tawag ni Abby habang yakap-yakap niya ito. 

Tinago niya ang kanyang pananabik na makita ang lalaking may espesyal na lugar sa kanyang puso. Habang nakasakay siya sa tambuhalang taong-bato na pinahiram ng dyos ng Gubat at Lupa na si BUhano, ang kanyang mata ay nakatuon sa iisang tao lang at iyon ay si Gino!

Laking tuwa niya nang sabihin ni Kikay na nasa El Kantadia sina Jun-Jun. Si Gino agad naisip niya at kinilig when the flower fairy told her that Gino was anxious to see her. 

She imagined his reaction when he sees her as a goddess at hindi naman siya nabigo dahil halos matunaw siya sa titig nito na puno ng paghanga!

Kunwari hindi niya ito napansin at unang sinalubong sina Jun-Jun at Clarissa. Syempre, she excited to finally see in person ang kapatid ni Sibol na si Luna, ang dyosa ng Buwan at mga Bituwin. Bilang siya na ngayon ang dyosa ng Buhay at Pagkalinga, ito ay kanyang nakakatandang kapatid. 

Hindi din niya lubos akalain na si Ms Mariella pala mismo ang kapatid niya. Kaya pala kung minsan na nakakasalubong niya ang secretary ng school director sa Owkward Academy, there was a feeling of familiarity.

Ayon sa huling alaala ni Sibol, dyosa pa ang kanyang kapatid. Marahil may nangyari dito noong mga panahong namatay na si Sibol kaya nawala ang pagkadyosa nito at namalagi na lang sa mundo ng mga tao. Nais din niya malaman ang nangyari dito but her responsibility as a goddess must come first kaya she has to heal and save all the elementals na apektado ng misteryosong sakit.

Pero sa ngayon, all of it means nothing! Hindi niya kayang mawala si Gino. Ang totoo, mahal na mahal niya ito gaya ng lubos na pagmamahal ni Sibol kay Gunaw. Hindi niya nais na maging isang trahedya din ang kanilang magiging istorya. She won't let it! When she saw na bigla na lang natumba si Gino, she hastily ran for him.

"GINO! PLEASE, BUKSAN MO ANG IYONG MGA MATA! HINDI PWEDE NA MAMAMATAY KA! HINDI PWEDE!" pleaded Abby.

Ginamit na ni Abby ang kanyang buong kakayahan sa pagpapagaling. She held Gino into her arms tightly, wala siyang pakialam kung mabasa man siya ng dugo na patuloy na lumalabas sa likod nito kung saan siya sinaksak. She closed her eyes at mataimtim na ninais ang paghilom at paggaling ng sugat ni Gino. Lumiwanag ang buong katawan ni Abby, sparkling like gold and diamonds. In an instant, naging berde sa malusog na damo ang dating tigang na lupa na nakapalibot sa kanila. Flowers started to grow and bloom in full beauty. Isang kapirasong paraiso sa pagitan ng terirotyo ng Kidlat at Apoy!

Lahat ng saksi ay namangha and realized the extent of Abby's power. Indeed, she's a goddess that brings life!

Pero wala pa rin itong bisa! The wound at Gino's back still oozed with blood at parang lalong lumalalim at lumalaki pa ito!

"Bakit?! Paanong hindi pa gumagaling ang sugat?" nagtatakang tanong ni Abby sa sarili. 

Then she remembered at napasigaw sa hinagpis. "HINDEEEE!" tuluyan nang nanghina si Abby at nawalan ng pag-asa when she saw the deadly knife na isinaksak kay Gino. Alam niya na ito din ang eksaktong punyal na pumatay sa orihinal na Sibol, na kahit ang dyosa mismo ay hindi magawang iligtas ang sarili!

"Wala na! Wala na akong magagawa! Ang ginamit kay Gino ay ang pumatay sa naunang Sibol..." Abby told everyone, crying hard.

"Hindi maaari!" dismayadong sambit ni Clarissa na kanina pa ding umiiyak dahil sa pag-aalala kay Gino.

"IKAW!" sinugod ni Jun-Jun si Buhano, "ANONG GINAWA MO!" he was about to use his samurai sword pero Clarissa was in time to stop him.

"Hindi pwedeng mamatay si Gino! Hindi pwede!" nagwala si Jun-Jun at pinagtataga ng isang kalapit na bato dahil hindi niyang magawang saktan ang duwende.

Buhano just stood silent, tulala at animo'y hindi alam ang nangyayari. Kasabay ng pagkawala ng malay niya, nawala din na parang bula ang punyal na ginamit niya sa pagsaksak.

"Ano na ang dapat nating gawin?" desperadong tanong ni Jun-Jun.

Abby shook her head, kahit siya hindi niya alam.

"Pare, gising na! Huwag ka nang magtulog-tulugan! Gumising ka na!" pagmamakaawa ni Jun-Jun, as he kneeled beside Abby.

Clarissa joined and they cried for their friend.

"Ayaw ko ng ganito!" Kikay said crying as well. Magayon was there to comfort her.

Wala din magawa si Mariella to help them. She felt so useless para sa nakakabatang kapatid. Wala siyang maisip na paraan upang makatulong!

Then a huge white dragon came flying down from the sky! 

Nagulat ang lahat.

Napakalaki nito at may matatalas na pangil pero instead of hard dargon scales, puti at makakapal na balahibo ang nakapalibot sabuong nitong katawan at instead of huge dragon wings, it has giant feathers!

"Ano na ang nangyayari?" tanong ng isang malambing na boses na para bang nanghehele. The voice can make you feel relaxed and sleppy in an instant.

From the back of the white dragon, isang dyosa ang bumaba, si Simoy! Ang dyosa ng Katahimikan at Hangin!

She moved gracefully as if bouncing gently as her long brown hair ay animo'y patuloy na hinahanginan dahgil it kept on moving in one flowing direction.

Nilibot niya ang paningin and realized na wala na ang nangyayring kaguluhan sa labas ng teritoryo ng Kidlat. Tanging mga engkanto at diwatang tulala dahil hindi sila makapaniwala na personal nilang nasisilayan ang mga dyosa na mula sa Puso ng Kalikasan!

"Simoy." tawag ni Mariella.

Nagulat si Simoy, she recognized her.

"Luna?!" natutuwang salubong nito at niyakap ang kapwa dyosa.

"Hindi ko inaasahan na makikita kita, ngayon. Saan ka namalagi sa mga nakalipas na taon?"

"Nais kong sagutin ang katanungan mo pero may suliranin tayo. Kailangan namin ang tulong mo." itinuro niya ang kinaroroonan nina Abby at Gino.

Simoy saw the scattered flowers and plants everywhere. She then knew na ang bagong dyosa ang pumigil sa naganap na kaguluhan. She was impressed.

Pero the smile went out when she saw the young goddess crying. 

"Anong nangyari sa kanya?"

"Simoy, tulungan mo ako. Hindi ko magawang pagalingin ang sugat niya." Abby desperately said. 

Tiningnan ni Simoy ang sugat sa likod ni Gino, she was shocked and moved a few steps back.

"May masamang presensya ang sugat at ito ay may matinding lasong hindi nagpapagaling." naalala niya ang ikinamatay ng unang Sibol. She asked about it and Abby sadly confirmed. "Kung ga'yon, wala pang alam na lunas para sa sugat na ito."

Lalong nawalan ng pag-asa si Abby and cried even more. Ito na ba ang kamatayan ni Gino? 

"Wala bang ibang tumulong sa inyo? Nasaan ang mga tauhan ng teritoryo ng Kidlat?" Simoy asked.

Walang nakasagot.

Saglit siyang na napapikit, trying to calm herself but she can't. Nawawala talaga ang kanyang pagkamahinahon whenever it's about the annoying god!

"LAKAN-LANGIT!" malakas na sigaw ni Simoy. Nawala ang lambing nng boses nito at reamdam ng lahat ng inis sa kanyang boses.

Biglang may malakas na dagundong ng kulog then a strong powerful strike of lightning came from the dark clouds sa ibabaw ng Tore ng Kidlat.

"SIMOY!" bungad ng isang makisig na dyos with a striking smiling face. Ito si Lakan-Langit, ang dyos ng Kulog at Kidlat!

He embraced the goddess tightly. 

"Sinabi ko na nga, hindi mo ako matitiis! Tama ang hinala ko na may gusto ko sa akin!"

Simoy pushed him away and slapped him on the face.

"Napilitan lang ako! Makulit at pabalik-balik ang iyong mensahero! AT LALONG WALA AKONG GUSTO SA IYO! INIS AT PAGKAASAR ANG MAYROON AKO PARA SA IYO!"galit na sagot ng dyosa.

Parang walang narinig ang dyos at tinawanan lang niya ito.

"Huwag ka nang mahiya, aminin mo na kasi!" Lakan-Langit insisted and smiled, showing his pearly white teeth sabay kindat.

Saglit na natulala si Simoy at namula ang mukha.

"HINDI NGAYON ANG TAMANG PANAHON SA MGA KALOKOHAN MO!" she shoued in dismay.

Ayaw man niya aminin pero may nararamdaman nga siya para sa dyos and she really likes whenever the he smiles at her. Pero it's not the right time for such thoughts. She has to focus!

"Pakiusap makinig ka naman." her face turned serious.

Lakan-Langit stopped teasing and listened. Sinabi ni Simoy na si Abby ang pumigil sa kaguluhan at ang nagpagaling sa lahat ng may misteryosong sakit.

"Pagpasensyahan nyo kung sa tingin nyo nagpabaya ako." he said, humbly. "Marami din kasi ang nagkasakit sa loob ng Tore ng Kidlat. Lahat sila ay nasa templo ko at bilang dyos nila, masakit sa akin na makita silang nagdurusa at wala man lang akong magawa." he then kneeled in front Abby. "Salamat sa iyo, Sibol dahil sa iyo nawala ang sakit ng lahat ng engkanto at diwata. Malaki ang utang na loob ko sa iyo."

Napansin niya si Gino sa yakap-yakap ni Abby. Simoy told him what happened. The god said he don't know any cure as well pero may paraan naman siya na sa tingin niya ay makakapigil ng pagdurugo.

Sa isang kisap mata ay nasa loob na sila ng templo ng dyos.

Its the usual and the same architectural design kagaya sa lahat ng mga templo pero mas kakaunti ang desenyo at pawang mga kakaiba at abstract-shaped figures and statues ang naka-display.

Simoy was not a fan of these hugis at mga estatuwa but whenever she comments about it, tinatawanan lang siya ni Lakan-Langit then will start teasing her na dapat umamin muna siya sa tunay nitong nararamdaman. Then it will be the time na he'll think of redecorating.

Syempre, hindi aamin si Simoy!

The god led them to a room with nothing but a rectangular-shaped pool.

"Ang tubig dito ay kahalintulad ng sa Bukal ng Buhay sa Puso ng Kalikasan pero hindi ito puro dahil may halo na itong normal na tubig. Pero kahit papano, sa tingin ko may bisa pa rin ito sa pagpigil sa pagdurugo."

"Salamat." Abby said then summoned for her huge bubbles to carry Gino inyo the pool.

Mabilis na naging pula ang tubig dahil sa dugo pero as Abby joined Gino and embraced him once more into her arms, naging malinis at makinang muli ang tubig. 

Tumigil nga sa pagdurugo ang sugat ngunit nanatili itong bukas at sariwa. Ans as they feared, patuloy pa rin ito sa paglaki at paglalim.

Wala pa ring magawa si Abby kundi umiyal. Jun-Jun and Clarissa sat by the pool to comfort her and pray for Gino.

"Teka, bakit may tubig ka galing sa Bukal ng Buhay?" Simoy asked, suspiciously.

"Dito kasi ako naliligo para lagi akong mabango sa tuwing nagkikita tayo." sabay ngiti at kindat. "Minsan sabayan mo din akong maligo..."

Namula si Simoy at tumalikod.

"Simoy, Lakan-Langit at Sibol." Mariella called out the god and the goddesses. Malinaw ang kanyang boses para marinig din siya ni Abby. "Sa mga nangyayari ngayon, hindi na ako sigurado kung magpapatuloy pa ang aming paglalakbay patungo sa Puso ng Kalikasan." she was referring to Gino, ang dapat na mangunguna sa kanilang paglalakbay. Considering his current state, imposible na makarating pa sila dito. "Batid ko na hindi rin naman ako tuluyang makakapasok dito dahil matagal nang nawala ang aking karapatan... Matagal nang nawala ang aking pagkadyosa. ipinagpalit ko ito para -" natigilan si Mariella at malapit nang maluha. "- sa isang tao." lumingon siya sa kinaroroonan ni Carlos na nasa isang sulok ng silid na kataka-takang up until now, though he no longer show signs na may sakit ay di pa rin ito gumigising. "Kaya ngayon, dahil sa tatlo sa mga dyos at dyosa ay nasa aking harapan na, ito na ang tamang panahon upang ihayag na ang aming pakay bilang mga mensahero."

Biglang nagliwanag ang lalamunan ni Mariella. Nagulat sina Jun-Jun at Clarissa dahil ang kanilang mga sariling lalamunan ay nagsiliwanagan din at kuminang na para bang may dyamante sa loob nito.

Dahil sina Gino at Carlos din ay sumumpa bilang mensahero, their throats shined as well kahit parehong walang malay. 

Hindi ito inaasahan ni Jun-Jun at sa gulat ay napanganga siya. Mula sa kanyang lalamunan ay lumabas ang liwanag just to join the other shining round orbs of light na nagmula din sa ibang mensahero.

Naging isang bola ng liwanag ang orbs at mula dito nagsimula ang isang awitin with the voices of Mariella, Jun-Jun, Clarissa, Gino at Carlos, singing together.

Humanga si Jun-Jun. Alam niya sa sarili na sintunado siya sa pagkanta pero maganda ang pagkakahalo ng boses niya sa lahat.

"Mensahe para sa mga dyos at dyosa!

Oh, Pakinggan ang aming awitin!

Tiyak na kaguluhan at pagdurusa

Isang masamang plano at mithiin!


Ang mga pinagkatiwalaang mga dalaketnon,

Sila ay nagsama-sama sa isang misyon

Ang mga hinirang ng Inang Kalikasan ay pabagsakin

Ang pinakaiingatan na katahimikan ay guguluhgin!"


Isang malawakang rebelyon at pag-aaklas

Malapit nang maganap at ipabatid

Gamit ang isang pinagbabawal na lakas

Pagkatalo ng mga dyos at dyosa ang hatid!


Maging handa at maging alerto!

Kahit anong oras ay maaaring maganap ito!

Ang katapusan ng aming mensahe ay ito na,

Ang aming pagkamensahero ay magwawakas na!"


Nawala bigla ang liwanag at kasabay nito ay ang gaan ng pakiramdam nina Jun-Jun at Clarissa. Tuluyan nang nawala ang bigat at bisa ng kanilang sinumpaan bilang mga mensahero.

"Salamat sa iyong mensahe, Luna." sambit ni Simoy. She then blew a strong wind from her mouth. "Ang iyong mensahe ay makakarating sa iba pang mga dyos at dyosa. " the wind went out of the room, spreading into the atmosphere. Ito ang magdadala ng mensahe sa iba pang mga hinirang ng Kalikasan.

"Ang tanong ngayon, ano itong pinagbabawal na lakas?" Lakan-Langit asked.

Walang maisagot si Mariella.

"Paano, kanino o saan mo nakuha ang impormasyong ito?" he said instead.

"Mula ito sa Supremo."

"Ang Supremo?!" sabay na sigaw nina Jun-Jun at Clarissa.

"Iyong baliw na'yon! Hindi pa rin titigil sa panggugulo! Siya ang nagpasimuno ng pagbukas ng Purgatoryo sa mundo ng mga buhay tapos ngayon, nakikipagtulungan siya sa mga dalaketnon upang manggulo sa El Kantadia!" galit na sambit ni Jun-Jun.

"Sino ang Supremong ito?" the god of thunder and lightning asked.

"Isang tao na tuluyan nang kumampi sa kasamaan at pumasailalim sa kadiliman." sagot ni Clarissa. "Walang nakakaalam ng kanyang totoong pangalan at pagkatao." tumingin siya kay  Mariella. "Kilala mo ba ng Supremo?"

"Hindi." Mariella denied and started her story. "Gabi na at sarado na ang Owkward Academy. May nakalimutan lang ako sa office ni Carlos kaya binalikan ko ito. Sa Aking paglabas may narinig akong mga boses. Nagtago ako at pinakinggan ang usapan ng isang lalaki at dalawang nilalang na alam ko ay  mga dalaketnon. Nalaman ko na Supremo ang pangalan ng lalaki dahil ito ang tawag ng dalawa sa kanya. Sandali lang ang pagkikita nila pero malinaw sa akin ang usapan at ito ang tiyak na planong pagrerebelde laban sa mga dyos at dyosa. Dito ko napagdesisyon na bumalik sa El Kantadia upang mabigay ng babala."

"Grabe talaga! Wala nang ginawang matino ang lalaking iyon!" inis na sambit ni Jun-Jun. 

"HA HA HA HA HA!" biglang naging si Buhano at tumayo. "HA HA HA HA! Buti nga! Buti nga! Nararapat lang na siya ay mamatay!" sigaw niya, looking at Gino.

Jun-Jun was about to answer back pero bigla na lang umiyak ng duwende.

"H-Hindi... Hindi ko dapat ginawa... Hindi ko sinasadya! Hindi ko nais pumatay. Patawarin nyo ako! PATAWAD...! HA HA HA HA HA! HU HU HU HU HU! HA HA HA HA!"

"Buhano." tawag ni Clarissa and approached the dwarf.

Inisip niya na marahil naguguluhan pa ito. Marahil sa pagkagulat at sakit ng katotohanan kaya ito nagkakaganito. She wanted to calm him pero natigilan siya when she felt a sickening feeling. Biglang sumama ang kanyang pakiramdam kasabay ng matinding pangingilabot!

"HUMANDA KAYO!" Lakan-Langit shouted. Nakaramdam siya ng masamang presensya. Lightning rods with high voltage electricity appeared instantly sa magkabila niyang mga kamay.

Simoy felt the threatening presence as well. She summoned an unusual harp with blades as strings.

Abby knew this presence. Ang masamang presensya na matagal nang sumusunod sa kanya. The exact presence she felt when the original Sibol was killed! She was alarmed. Umahon siya mula sa pool at nilabas ang kanyang gintong espada.

Mariella called for her golden spear while Jun-Jun at Clarissa ay ganap na naging isa sa kani-kanilang elementong-kaisa. Jun-Jun held his samurai sword at si Clarissa naman ay hawak ang kanyang latigo.

Humanda sila as a dark figure formed sa likod ni Buhano. Patuloy sa pag-iyak at pagtawa ang duwende until he fainted once more.

After a few more seconds, a tall thin man materialized mula sa itim na usok na lumabas mula kay Buhano. He was pale white in great contrast sa napaka-itim niyang buhok na umabot hanggang sa sahig. He wore a flowing black long robe na kasing itim ng gabing madilim. He smiled maliciously with fanged teeth at ang kanyang mga mata ay walang kinang at purong itim lamang. He gave out an aura of threat, fear and pure evil!

"Ako ang dyos na pilit kinakalimutan, ang dyos na pilit kinukubli, ang dyos na itinakwil mismo ng Isang Kalikasan! Ako, ang dyos ng Poot at Dilim. Ako si Anino!" he introduced with a deep booming voice. 

"ANINO?!" gulat na gulat sina Lakan-Langit at Simoy. Matagal na nilang hindi nararamdaman ang presensya ng dyos na ito.

Natawa si Anino.

"Ilang libong taon na ako hindi nagpapakita. PInalayas man ako sa Puso ng Kalikasan, hindi ako nawala. Ako ay nasa paligid lamang, nagmamasid at naghihintay ng tamang panahon na lahat ng aking pinaplano ay matutupad at magkakatotoo!"

"Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?" tanong ni Simoy. "Ang pagkalat ng misteryosong sakit? Ang kaguluhan? Ang planong pagrebelyon ng mga dalaketnon?"

"Hindi ko na kailangan pang sagutin ang mga tanong mo pero ang masasabi ko lang ay aliw na aliw ako sa mga nagaganap ngayon. Isa itong magandang palabas. Isang trahedya!" 

Nakakabingi at nakakapangilabot ang malalim nitong pagtawa.

"Batid nyo naman ang aking espesyal na kakayahan, di ba? Simple lang ito pero lubhang mapanganib! Ang pagmanipula ng masasamang intensyon sa isipan, ang pagpapalalim nito upang mabuo ang wagas na galit at poot!" he looked at Abby at Mariella. "Nakakatutuwa ang nagagawa nito upang maging miserable ang buhay ng isang nilalang! Para akong isang maestro na siyang lumilikha ng isang napakagandang kwento ng pagdurusa at pasakit sa buhay! HA HA HA HA!"

Alam ni Abby ang tinutukoy ng dyos. Hindi mapagkakaila na ang dyos ang nag-udyok na maging masama at sakim si Gunaw. Ito ang bumulong sa sinumang pumatay sa orihinal na si Sibol at ngayon, kay Buhano upang saksakin si Gino!

Siya din kaya ang dahilan ng pagkagulo ng buhay ni Mariella?

"HA HA HA HA!" biglang nang-agaw pansin si Carlos. He woke up with an evil grin on his face. Nababalutan siya ng itom na usok.

"Isa ako sa kasangkapan ng aking panginoon na si Anino!" Carlos said.

"Carlos, anong pinagsasabi mo?" tanong ni Mariella. 

Ngumiti lang si Carlos then out of nowhere black chains suddenly pulled Mariella papaunta sa kanya. He then held her close to him, her hands and feet chained!

"Carlos! Ano ito?! Pakawalan mo ako!"

"HA HA HA HA! Ang kawawang Luna, ang dyosang umibig sa isang walang kwentang mortal. Hindi mo ba tanda ang iyong espesyal na kapangyarihan? Bilang dyosa ng Buwan at mga Bituwin, sa kabilugan ng buwan, ikaw ay may kakayahang magpatotoo sa isang kahilingan. Kahit gaano pa itong ka-imposible, ito ay mangyayari! Ganyan kalakas ang iyong kapangyarihan." He licked her cheeks.

Labis na nandiri si Mariella. pinilit niyang makatakas pero lubhang matibay at mahigpit ang pagkakapulupot ng itim na kadena sa kanya.

"Dahil sa pagmamahal, hinayaan mong humiling ang taong mortal na makasama ka sa piling niya. Buo na ang iyong desisyon na iwaksi ang iyong pagkadyosa para lamang dito. HA HA HA HA! Pero huli na nang iyong mapagtanto na hindi ang mahal mo ang humiling kundi ako! HA HA HA HA! Tandang-tanda ko mpa ang itsura mo na puno ng pagsisisi. Tinangka mong itama at nilagyan ng kondisyon na mawawala ang bisa ng hiling kung ang mortal na lalaking mahal mo ay hahalikan ka sa labi at habang sinasambit  na mahal na mahal ka niya." Carlos dared to kiss Mariella pero kinagat naman ng dyosa ang labi ng school director. His upper lip bled. 

"Walang hiya ka! Napakasama mo!" galit na galit na sigaw ni Mariella.

Carlos continued laughing and looked mockingly at her.

"Simple at napakadali man ng iyong kondisyon upang mabalik sa dati ang lahat pero wala din itong kwenta dahil sa bisa ng hiling, nakalimutan mo ang itsura ng lalaking mahal mo, nakalimutan mo ang nararamdaman mo para sa kanya at natuon ito sa akin! Ako na ngayon ang mahal mo! HA HA HA HA! Hindi ka na din matandaan ng lalaki! Napakamalas mo! HA HA HA HA!"

"Hayop ka! Napakasama mo! Bakit mo ba itong ginawa?"

"Simpleng lang, dahil galit ako sa lalaking minamahal mo! Naiingit ako! Ako dapat ang mahal mo! Ako dapat!" He pulled Mariella closer, determined to kiss her.

"Bitawan mo aking aking kapatid!" Abby shouted.  

She ran and charged against Carlos. Jun-Jun and Clarissa joined her. 

"TEKA! NAKAKALIMUTAN NYO YATA AKO!" sambit ni Anino.

Nagpakwala ng malakas na pwersa ang dyos. Tumalsik papalayo ang tatlong magkakaibigan.

"Lubos ang kasamaan mo, Anino! Ikaw ang puno't dulo ng lahat!" galit na sigaw ni Lakan-Langit and prepared to attack.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon ng pakikipaglaban." he said and once more brought out a strong force pushing everyone back. "Darating din tayo dyan pero ngayon -" he got his eye on Gino na mag-isa ngayon at walang malay na nakalutang sa tubig. "Kukunin ko muna ang pakay ko dito."

"Si Gino? HINDDDEEE!" Abby was alarmed.

Pinalibutan bigla ng itim na usok ang buong katawan ni Gino.

"Siya ang napili ko bilang aking hinirang..." Anina revealed. "Siya ang aking gagawing kasangkapan para maghasik ng lagim at kaguluhan dito sa buong El Kantadia! HA HA HA HA!"

But then, bigla na lang kumulo ang tubig at sa mainit na singaw nito, nawala ang itim na usok. Fire started to ignite around the pool.

"Sinong hinirang mo? WALA KANG KARAPATAN MAGKAROON NG HINIRANG!" another strong voice said.

At mula sa apoy, biglang lumabas ang dyos ng Init at Apoy!

Anino smiled and welcomed the god. "Kamusta, Arao. Aking mahal na kakambal..."

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 01/24/2017

OH YAN! MAY UPDATE NA! Sorry sa delay! 

Naku, haba ng chapter na 'to! I manually typed it! 3600+ words!

Ang daming naganap sa chapter na ito! New characters were also introduced! 

So Kamusta naman ang pairing nina Simoy at Lakan-Langit? Sino kaya ang true love ni Mariella and.... twins sina Arao at Anino? Abangan ang next update!

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top