Chap.9: ANG BAGONG KATAUHAN
Wow ha! After a week and a half... ngayon lang ako nag-update?!! This is UNACCEPTABLE!
Tsk. Kainis noh? Bakit ba ang tagal mag-update ni Author? Wala siyang dapat gawin kung hindi mag-update ng story!!!! HAHAHAHHAHAHAH...
Anyway.. Here it is! May update na! Huwag magsawang sumabaybay! Maraming salamat!
Enjoy!
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
๑۩۞۩๑ANG BAGONG KATAUHAN๑۩۞۩๑
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Naglalaban ang liwanag at kapanatagan na nagmumula sa Tore ng Buhay at ang dilim at lagim na nagmumula sa Tore ng Patay...
Naglalaban ang kabutihan at kasamaan...
Ang kaligtasaan at kapahamakan...
Kagaya din ito sa isipan ni Gino Ivan Lazaro, naglalaban ang kanyang diwa at diwa ni Gunaw.
Sino ang magwawagi?
++++GINO IVAN LAZARO'S POV++++++++++++++++++++++
"Gino, anak bangon na. Maaga pa tayong magsisimba."
Anong magsisimba?!!
Minulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang maamong mukha ng isang babaeng di pamilyar.
Si Nanay Cindy.
Teka, WALA akong ina na nagngangalang Cindy! Hindi ko kilala ang babaeng ito!
"Oh, tititigan mo na lang ba ako, Gino? Sige na, bumangon ka na at maligo!" hinila na ako papatayo ng babae mula sa aking pagkakahiga at sinamahan papunta sa isang maliit na silid.
Banyo. Ah, Oo sa banyo ng aking sariling kwarto.
Teka...
"Sige, iwan na kita dyan, maligo ka na. O baka gusto mo paliguan pa kita gaya ng dati?" natatawang sambit ng babaeng Cindy ang pangalan.
Nakaramdam ako ng matinding pagkahiya at umiling.
Lalo siyang natawa.
"Haha, big boy na si Gino! Sige. Iiwan ko na lang sa kama mo ang pang-alis na damit mo." Huli niyang sambit at sinarado ang pinto ng banyo.
Naguguluhan ako, nagtataka. Gino? Hindi ako si Gino! Isa akong datu, ako si Gunaw!
Tumingin ako sa isang bagay na may repleksyon ko. Salamin.
Kita ko pa rin ang sarili ko pero sa aking kabataan, marahil mga sampu o labing isang taong gulang.
NGUNIT may malaking pagkakaiba! Bakit ako nakangiti?!
Hinubad ko ang aking kasuotan at nilagay ito sa isang tabi. Tiwala ako na kukunin ito ng aking Nanay Cindy para labhan mamaya.
Grrrrrr! Bakit Nanay Cindy na ang aking tawag sa babae kanina!
Nakakadama ako ng saya dahil sama-sama kaming magsisimba. Kasama sina Tatay Alberto, Nanay Cindy, si Lola Esme at Tita Dorina.
Nagmadali akong naghilamos at nagsipilyo. Siguro mamaya na lang ako maliligo, malamig ang tubig!
Anong nangyayari sa akin! HINDI DAPAT GANITO! HINDI AKO SI GINO, AKO SI GUNAW!
Sinubukan kong basagin ang salamin pero ang aking mga kamay ay sinuklay ang aking magulong buhok.
"Gino? Tapos ka na bang magbihis?" tanong ng aking Nanay Cindy sa labas ng aking kwarto.
"Wait lang po, nay! Nagbibihis na!" mabilis kong sinuot ang damit na nakahanda para sa akin at lumabas ng kwarto.
"Oh, dahan-dahan lang, apo!" puna ng aking Lola Esme nang muntikan pa akong madapa pababa ng hagdanan dahil sa pagmamadali.
"Good Morning, Gino!" nakangiting bati ni Tita Dorina. Kumakain siya ng pandesal na may palamang keso.
Bigla akong nakadama ng gutom. Pupunta sana ako sa kusina kung saan ang tita ko para humingi ng tinapay pero nagsimula nang bumusina ang kotse ni Tatay Alberto.
"Alis na tayo!" sigaw niya mula sa labas ng bahay.
"Opppsss! Tara na!" sambit ni Tita Dorina at naglakad na papalabas. Sumunod na din si Lola Esme.
"Gino, gutom ka na ba? Ang tagal mo kasing lumabas ng kwarto mo. Di bale, pagkatapos ng misa, kakain tayo sa labas!" sabi ni Nanay Cindy. Nilahad niya ang kanyang kamay na mabilis ko namang hinawakan. "Halika na, alis na tayo." ngumiti siya.
Tumango ako at hawak kamay kaming lumabas ng bahay.
"Oh, sa wakas lumabas na din ang dalawang mahal ko sa buhay!" pagbati ng aking tatay.
"Pasensya na, Alberto. Kanina pa kayo?"
"Di na bale, tara na." kumindat sa akin ang aking ama at ginulo ang buhok ko.
Hinawakan naman ni Tatay Alberto ang isa ko pang kamay at masaya kaming tatlong nagtungo sa kotse kung saan nakaupo na sina Lola Esme at Tita Dorina.
"Wow. One happy family!" komento ng tita ko.
Grrrrrrrrrrrr! Kahit anong gawin ko, taliwas ang ikinikilos ng aking katawan!
Pero di ko maikakaila, isa itong pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman...
Ang saya ng kasama ang pamilya. May kakaibang init akong nararamdaman. Masarap sa pakiramdam. Di pa ako nakaramdam ng kasiyahan na kagaya nito dati. Punong-puno ako ng magmamahal...
Pag-ibig...
ARRRRRRGGHHHHH! AAAAAHHHHH! Sumisigaw na ako. Gusto ko nang matapos ang kalokohang ito.
Sa wakas, napagtanto ko na nasa alaala ako ni Gino, ang batang aking napili para saniban. Siya ang itinakda para sa akin!
Ngunit ano itong nangyayari?!
Nagpatuloy pa ang alaala nang bigyan ako ng tinapay na lihim palang dinala ni Tita Dorina. Labis ang pasasalamat ko dahil nagugutom na ako. Nagtawanan kami nang pagalitan siya ni Lola Esme.
Tama, isa ngang masayang pamilya...
Di ito nakakatuwa! Di ako makapaniwala na inaangkin ko na ang mga alaalang ito! Hindi ito ang aking kabataan! Hindi kailanman nangyari iyo sa akin!
Sa isang iglap ay nagbago ang senario. Napunta ako sa isang bakanteng lote na di kalayuan sa bahay namin. Naging mas bata ang edad ko, marahil mga siyam na taong gulang. Nakikipaglaro ako sa isa pang batang ka-edad ko. Ang aking kababatang si Ryan Jacinto.
"Kunwari ako ang superhero, ikaw kalaban." sambit ni Ryan.
"Hmp! Bakit ako ang kalaban, gusto ko, ako ang superhero!" pagtutol ko.
"Eh, ako ang nauna sa 'yo! Patay ka sa akin, kalaban ka!" itinaas ni Ryan ang kanyang mga kamay at kunwari hirap na hirap na nagiipon ng malakas na enerhiya.
Natatawa ako sa itsura ng aking kababata. Seryosong-seryo siya. Pero... kalaban pala, ah! Sige kalaban na ako!
Pinulot ko ang isang putol na sanga mula sa lupa at mahinang itinutok sa dibdib ni Ryan.
"BOOM! PATAY KA NA! HAHAHHAHAH!"
"Ang daya mo! Di pa game!!" galit niyang sambit.
Ako naman ay utas na sa kakatawa. Nagbelat ako pa ako.
Lalong napikon si Ryan at hinabol ako.
"HAHHAHA! Habulin mo ako! Ikaw na ang taya!"
Napakasaya ko noong mga panahon na iyon. Nagbati din naman kami ni Ryan sa huli.
MALI. MALI ITO!
Bigla na lang nagdilim. Muli kong inimulat ang aking mga mata.
"HINDING-HINDI KO IBIBIGAY ANG AKING ANAK KAHIT IKAMATAY KO PA!" giit ni Tatay Alberto. Hinang-hina na siya at puno ng sugat ang kanyang katawan.
Mahigpit naman akong yakap-yakap ng aking ina. Umiiyak.
Ako, di maintindihan ang nangyayari at takot na takot.
Kanina lang ay masaya kaming namili ng gamit galing sa bayan nang biglang may mga taong naka-suot na damit na itim na may hood na biglang humarang sa kotse ng aking ama.
Hindi na malinaw ang mga sunod na pangyayari. Ang huli ko na lang nakita ay may laban ng mga apoy, isang malaking apoy na ibon at apoy na bola.
Sobra din ang nararamdaman kong panghihina at takot. Nakakaramdam ako na may mga kamay na pilit na hinihila ako papalayo sa aking Nanay Cindy. Nanlaban ang aking ina at pinilit na tumakbo papalayo.
"Anak, mahal na mahal ka namin ng tatay mo..." ang huli kong narinig na sambit ng aking ina bago ako mahimatay.
Nagising na lang ako isang araw na wala na ang aking ama at nawala naman ang pag-iisip ng aking ina.
Sobrang kalungkutan ang aking naranasan. Pakiramdam ko, ako na lang ang nag-iisa sa mundo...
Ito, ito ang gusto ko... Ang kalungkutan, ang kawalan ng pag-asa, ang pag-iisa, ang galit sa mundo at pagkamuhi sa buhay! Iyan ang buhay ni Gunaw! HAHAHAH!
Natigilan ang aking pagtawa nang makaramdam na naman ako ng saya sa kalooban ko.
Mabilis na dumaan ang mga alaala na kasama ko na ang mga una kong naging kaibigan sa Owkward Academy! Si Jun-Jun Sta. Maria... Si Clarissa Gutang...
Hindi rin nagsawa sina Lola Esme at Tita Dorina na ipadama na hindi ako nag-iisa, na may mga bagay pa rin na dapat ipagpasalamat sa mundo!
Mas naging masaya pa ako nang nagkaroon ako ng elementong-kaisa na si Popoy!
Si Itim na pusa na ang sariling ama ko pala!
GGRRRRRRR! ARRRGGHHHH! HIIINNDDEEEE! AKO SI GUNNNAAAAWWWW!
AAAAAKKKKOOOOO SI GINNNOOO!
Nakakalito... Nababaliw na yata ako... hindi... kami... Ako si Gino... Ako si Gunaw...
Naalala ko bigla si Dahongo. Ang duwendeng ninakawan ko ng kapangyarihang elemento...
HAHAHHAHAHAHAH! AKO SI GUNAW! Sakim ako. Makasarili! Uhaw ako sa kapangyarihan! Hindi ako titigil hanggang sa mapantayan ko ang lakas ng mga elementong dyos at dyosa! Magiging mas makapangyarihan ako sa kanilang lahat! Isasakatuparan ko ang aking mithiin ng kaguluhan at kakatakutan. Ako ang mamumuno sa mundo ng mga tao at sa buong El Kantadia!
HINDI. Hindi ko nais ang kagustuhan mo... Ang gusto ko lang ay maging masaya... Gusto kong iligtas ang aking Nanay Cindy... Gusto kong mamuhay ng normal! AKO SI GINO!
Biglang lumiwanag ng sobra-sobra. Nakakasilaw. Pumikit ako. Di rin nagtagal ay minulat ko ang aking mga mata.
Sa wakas! Tiningnan ko ang aking mga kamay, ang aking kasuotan, bumalik na ako sa aking sariling katawan! Ako na muli si Gino!
May tumawa sa harapan ko.
Napaatras ako ng ilang hakbang.
Si Gunaw. Nasa harapan ko siya.
Mas matangkad siya sa akin at mas matanda ng ilang taon, marahil sa kanyang early twenties. Puno ng tattoo ang kanyang katawan na budbod din ng mga alahas na palamuti. Mahaba ang kanyang buhok pero hindi ko makakaila na kamukhang-kamukha ko siya.
"Bata, huwag ka nang magmatigas." simula ni Gunaw. "Hindi ba't napakita ko na sa 'yo ang nais ko? Hindi ba't nagustuhan mo din ito? Kaya nga sa sandaling panahon ay naranasan kong mabuhay muli. Pagbigyan mo na ako!"
"Hindi! Mahina lang ako ng mga panahon na iyon. Sinamantala mo ang aking nagawang kasalanan kay Dahongo!"
"Mahina?" natawa si Gunaw. " At ngayon malakas ka na? Alam natin na hindi ka, kailan man lalakas hangga't hindi ako sumasanib sa iyo! Ito ang iyong tadhana, huwag mong pigilan ang itinakda!"
Tsk. Nakakainis! Pano ba ako makakatakas sa ganitong sitwasyon!
May biglang umagaw ng aking pansin. Hindi ko namalayan na nasa Purgatoryo na kami. Akala ko nasa isipan ko lang itong nagaganap ngayon.
Nakapalibot sa amin ang mga sira-sirang bahay. Madilim. Malamig.
Teka. Nasaan na sina Jun-Jun at Itim?
Pero... marahil nasa isipan ko pa rin ito. Papaano naman di Gunaw ngayon ay nasa harapan ko? Espiritu lang siya, wala siyang mortal na katawan.
Natigilan ako. Bakit parang... mabilis kong kinapa ang dibdib ko... Teka, bakit hindi tumitibok ang puso ko!
Muling natawa si Gunaw.
"Tumingin ka sa likuran mo, bata." sambit niya.
Lumingon nga ako at nagulat! Ayun, nakita ko ang aking sarili na nakaupo sa lupa at nakasandal sa isang malaking batong konkreto.
"Sa tingin ko, paunahan kung sinong makakasanib sa katawang lupa mo!" itinulak ako ni Gunaw papalayo at mabilis siyang tumakbo patungo sa katawan kong walang malay.
BOOOMM!
Tumalsik si Gunaw papalayo.
Natawa ako. Buti nga!
BOOOMM!
Pagdampi lang ng aking kamay sa aking balikat ay nakaramdam ako ng malakas na kuryente at pwersang tumulak sa akin papalayo!
Hindi ko maintindihan! Katawan ko iyon, pero bakit hindi na ako makabalik?!
"Marahil kailangan nating patunayan kung sino talaga ang karapat-dapat sa katawan mong mortal!
Apoy, Apoy,
Ako ay iyong diggin.
Ang nais ko' y huwag suwayin,
Bolang Apoy!"
Mabilis akong umilag. Nakakaramdam ako ng init sa aking katawan papunta sa aking singsing na agimat! Kahit wala akong elementong-kaisa, nakakapagtaka man, alam kong makakatawag ako ng elementong apoy!
"Apoy, Apoy
Ako ay iyong diggin.
Ang nais ko' y huwag suwayin,
Bolang Apoy!" aking sambit. Hindi ko alam kung bakit ginaya ko ang pagbigkas ni Gunaw. Ang mahalaga ay gumana ito at inihagis ko ang nabuong bolang apoy sa aking mga palad sa kanyang direksyon.
"Tuso ka ding bata ka!" tumawa si Gunaw. "Hindi mo natatanong, ang kapangyarihan ng apoy na ginagamit mo ngayon ay galing sa akin. Ninakaw ko yan sa dyosa ng apoy, mahabang panahon na ang nakalipas. Isang hangal na dyosa! Hahahaha!"
Wala akong pakialam sa sinabi nya pero parang kilala ko ang sinasabi niyang dyosa. Isang magandang dyosa na may pulang buhok na parang nagliliyab.
Umiling ako. Sa tingin ko naghalo na ang aming mga alaala. Tsk!
"Lupa, Lupa,
Ako ay iyong diggin.
Ang nais ko' y huwag suwayin,
Ulan ng mga bato!"
Natigilan ako. Ginamit niya ang elemento ni Dahongo! Saglit na naman akong nanghinayang at nahiya sa sarili... Kung sana...
"Hahahaha! Nasa gitna ka ng laban pero nagawa mo pang magmuni-muni! Maging Alerto ka!"
"Lupa, Lupa,
Ako ay iyong sundin,
Batong Kanyon!" mabilis na naipon ang mga bato sa aking kanang braso hanggang balikat at bumuo ng isang kanyong gawa sa bato. Sunod-Sunod akong nagpakawala ng mga bolang bato.
Mabilis na tumawag ng lupang pader si Gunaw at ginamit niya itong pananggalang laban sa atake ko.
Nakailang palitan din kami ng atake at halos magkasing lakas lang kami.
"Huwag mong isipin na magkapantay tayo ng lakas, bata!" sagot ni Gunaw sa aking iniisip.
Teka... Nababasa na niya ang iniisip ko?! Asar. Tsk!
"Ito, alam kong di mo pa ito nakikita sa akin...
Hangin, Hangin,
Ako ay iyong diggin.
Ang nais ko' y huwag suwayin,
Pakpak ng Dragon!"
Nanlaki ang aking mga mata, may malakas na hangin na pumalibot kay Gunaw at sa isang iglap, may pares na siya ng pakpak na kahalintulad sa paniki pero mas higit na malapad at malaki. Lumipad siya sa himpapawid at humarap sa akin.
"Hangin, Hangin,
Ako ay iyong dinggin!
Ang nais ko'y huwag suwayin,
Ulan ng Kutsilyong Hangin!"
"Hindi gaya mo! Di ko na kailangan pa ng elementong-armas, ang elemento mismo ang aking sandata!"
Tsk. May elementong hangin din siya. Ilang elemento kaya ang nanakaw na niya!?
"Ito namang hangin ay galing sa isang dragon na aking nakalaban noong bata pa ako."
Hindi na niya kailangang sabihin na ang dragon na binanggit niya ay ang dating elementong-kaisa niya.
At nangyari na naman! Bakit alam ko ang mga ganitong detalye sa buhay ng datung ito! Di na ako natutuwa! Kinakabahan na ako. Hindi kaya tuluyan na kaming naging isa?
"Bakit di mo subukan?" bulong ni Gunaw sa aking teynga. Di ko namalayan na nasa likuran ko na siya. Dahil sa hangin naging mas mabilis ang kanyang galaw!
"Huh?!" nagulat ako. Tumakbo ako papalayo.
"Lupa, Lupa,
Ako ay iyong sundin,
Lumiliyab na Pagsabog!" nagpakawala ng isang bolang bato na lumiliyab ang aking kanyon.
Madali lang na nailagan ni Gunaw ang aking atake.
"Bakit di mo subukan?" muli niyang sambit.
Tsk! Pinaglalaruan ako ng gagong ito! Hindi ko gagawin ang sinasabi niya!
Pero...
Bakit di ko subukan?
Ngumiti si Gunaw, tumango na para bang nag-uudyok na gawin ko.
Huh? May Morale Support?!
"Ha-Hangin... Hangin..." natigilan ako. Ano ba itong ginagawa ko?! "Apoy... Apoy..." hindi ko lubos maisip na ang mga kapangyarihan ko ngayon ay galing sa kanya! "Lupa..." Dahongo kahit wala mong pahintulot, muli kong hihiramin ang elemento mo. " Lupa... Lupa,
Ako ay iyong sundin..."
Nabalutan ng parang ipo-ipo ang kanyon ko, nagsimula din itong magliyab. Humalo sa hanging umiikot ang usok na nagmumula dito! Nakaramdam ako ng napakalakas na pwersa na namumuo at nais kumawala at sumabog! Hindi ko maintindihan, siguro dahil ito sa hindi ako makapagdesisyon kung ano ang gagamitin kong elemento.
"... Lumiliyab na Pagsabog!" kung dati ay pinaghalong bolang bato at apoy ang lumabas mula sa kanyon, ngayon pinaikot-ikot ito ng pwersa ng hangin at animo'y isang bulalakaw nagpupumiglas para sumabog!
"Magaling! Isang pinagsama-samang elementong atake!" imbes na matakot ay natutuwa pa si Gunaw sa nasaksihan.
"Apoy, Hangin, Lupa,
Ako ay inyong dinggin.
Ang nais ko'y huwag suwayin,
Sigaw ng Nagliliyab na Dragon!" ganti ng datu. Sumigaw siya ng hangin na walang humpay na lumabas mula sa kanyang bunganga at hinaluan ito ng apoy na nagmumula sa kanyang kanang kamay at mga bato na nagmumula sa kanyang kaliwang kamay! Isang napakalakas na atake na pinaghalong tatlong elemento!
Nagkasalubong ang aking Lumiliyab na Pagsabog at ang kanyang Sigaw ng Nagliliyab na Dragon. Isang napakalakas na pagsabog ang naganap. Sa sobrang lakas kahit kaming dalawa ay naapektuhan. Nawalan ako ng malay saglit at sa aking paggising, animo'y tinamaan ng nuclear bomb ang kinatatayuan namin kanina! Nakagawa kami ng napakalalim na butas sa lupa. Lalong nagkasira-sira ang mga bahay na binulok na ng panahon sa Purgatoryo.
Hinanap ng paningin ko si Gunaw. Natalo ko na kaya siya?
"Asa ka pa, bata..." may bumulong sa aking likuran.
Nadismaya ako. Tsk. Si Gunaw.
Tumayo ako at hinarap ko siya. Sa saglit na nagtama ang aming paningin, biglang pumuti ang kapaligiran! Nawala ang Purgatoryo at bakas ng aming labanan kanina. Parang nasa isa kaming silid na purong puting pintura lang ang ginamit at para bang habang tumatagal, mas lumalawak pa ito hanggang sa hindi ko na makita ang apat na sulok nito.
Nasaan na kami?!
May pumalakpak. "Hahaha! Magaling, magaling, magaling!"
Sabay namin nilingon ang pinaggalingan ng boses.
Pareho kaming natigilan at nagulat. Namangha! Ang katawan kong mortal ay biglang tumayo at ngumiti sa amin.
"Magaling, magaling, magaling!"
"Paanong...!" di makapaniwalang sambit ni Gunaw.
Ako naman ay napanganga sa gulat. Paanong nakakagalaw ang katawan ko?! Ako ang kanyang diwa, ang kanyang isip! Hindi ito maaaring gumalaw mag-isa!
"Relax. Masyado kayong nag-iisip. Masyado kayong seryoso. Hahahaha!" tumawa siya na para bang may nagpapatawa.
Tsk! Ano naman ba ang nangyayari!
"Oh, tingnan nyo nga ang sarili nyo! Parehong-pareho ang reaksyon nyo! Hahahhaha!"
"Sino ka?" tanong ni Gunaw.
Biglang naging seryoso ang itsura niya, parang ako lang pag may mahalaga akong sasabihin.
Kung titingnan ko siyang mabuti, ako nga siya. Suot niya ang dating maputing t-shirt na naging madumi at sleeves-less na, ang gula-gulanit kong shorts at ang manipis nang tsinelas. Kung tutuusin mukha akong kawawa.
Pero kapansin-pansin ang mga tattoong kagaya ng kay Gunaw sa kanyang magkabilang braso at mas mahaba ng kaunti ang buhok niya kaysa sa akin. At naging mas mature ang itsura niya kaysa sa aking orihinal edad.
"Sino ako?" muli siyang natawa. "Tinatanong pa ba yan? Ako Kayo, Kayo Ako... Sino ako? Si Gunaw? Si Gino? Ang masama na datung si Gunaw? Ang iyaking si Gino? Ang malakas na si Gunaw? Ang mahinang si Gino? Ang nag-iisang si Gunaw? Ang masayahing si Gino? Ang nagdurusang si Gunaw? Ang miserableng si Gino? Ang mayabang na Gunaw? Ang takot na si Gino? Ang kampanteng si Gunaw? Ang mainiting-ulo na si Gino? HAHAHAHAHAH! Walang katapusan, walang hangganan PERO isa lang ang patutunguhan... Ako Kayo, Kayo Ako... Iisa tayo. Tama nga. Si Gino nga ang itinakda para sa'yo Gunaw dahil simula pa sa pagkapanganak ni Gino, siya ay ikaw... Siya ang pangalawa mong buhay... ikaw ay siya. Hindi na kailangang pang pag-agawan ang katawang mortal na ito kasi simula pa lang ay sa inyo na ito. HAHAHAHAHA! Natatawa ako sa kaguluhang ito. Di nagtutugma ang kasalukuyan at ang nakalipas. Iba ang nais ng isa, iba din ang nais ng isa... Magulo ba? HAHAHAHHA! Huwag mag-alala, darating din ang panahon na magiging ganap na isa ang kagustuhan ninyo. Magkasalungat man ngayon, di rin magtatagal pareho kayong sasang-ayon sa iisang mithiin. Kayo Ako, Ako Kayo. Iisa tayo. Sino ako? Ako si Gino. Ako si Gunaw. Ako ang pinagsama ninyong katauhan. Nasa akin ang pinagsama ninyong alaala. Ang pinagsamang kayo ay ako... Nagiisa lang tayo. Wala ako kung wala kayo... Sino ako? Ako si Gino Ivan Lazaro... Ako si Datu Gunaw ng Tribung Pangil Dragon... Sino ako? Ano ang aking pangalan? Tawagin nyo na lang akong.... GINN."
At sa isang iglap nawala sa harapan ko sina Gino at Gunaw. Naiwan ako mag-isa sa kwartong puti... Sa kwarto ng aking pag-iisip, sa kwarto ng aking mga alaala. Sa bawat hakbang ko, napupuno ng mga makukulay na memorya ang kwarto. Mga memorya ng dalawang taong naging isa!
"Gino! Gino!" tinatawag na ako ng aking kaibigang si Jun-Jun. Lagi ko na lang pinag-aalala ang aking best friend. Masyado na akong pabigat.
At matagal na din kaming nanatili sa Purgatoryo. Totoong nakakabaliw dito. Alam ko na kung magtagal pa kami dito, ikakamatay na namin.
Tsk. Kailangan ko nang iligtas si Nanay Cindy sa lalong madaling panahon!
"Gino! Gino!" tawag ni Jun-Jun.
Minulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang madungis na mukha ng aking matalik na kaibigan. Nanlalabo na din sa dumi ang kanyang salamin.
Tsk. Kawawa talaga sya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sinamahan niya akp dito para lang sa aking ina. Isa siyang tunay na kaibigan!
Ngumiti ako.
Ngumiti si Jun-Jun.
"Ikaw Gino, lagi ka na lang bigla-biglang nahihimatay!" sermon niya.
"Opo Sorry na po. Pero promise, pare. Okay na ako. May request lang ako."
"Hah? Ano yun, pre?"
"Simula ngayon, tawagin mo na akong Ginn."
"Ginn?"
"Oo, Ginn!"
"Bakit?"
"Wala lang. Trip lang."
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 03/16/2016
Huh? Ano daw?!!! Ito ba ang epekto ng matagal na walang update?! Ano ang naiisip ni Author at may dinagdag na GINN???? Sino ba sya? Paano na si Gino? Wala na siya?!!! WHUUAAAATTTT???!!!!
Hahahahha... OA! Relax lang guys, everything has a reason... kahit ako nga di ko alam.. sabi nga ni Ginn...
"Wala lang. Trip lang."
Check out may latest drawing!
OI.. Wait nyo na ang next update! Thanks!
Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top