Chap.8: Ang Unang Laban

 ๑۩۞۩๑  Ang Unang Laban  ๑۩۞۩๑

Sa isang iglap, bumalik sa dati ang kapaligiran. Di na blurred. Maliwanag ang bilog na buwan sa langit pero ang mas nagbibigay liwanag ay si Popoy.

Nakikita ko na si Itim na kapansin-pansin na suot-suot niya sa may kanang hita ang singsing na agimat ni tatay Alberto.

Nakikita ko na rin si Dahongo sa di kalayuan na nakatunganga. Malamang di makapaniwala na may elemento na ako.

"Nagawa mo rin, Gino!" masayang sambit ni Itim.

Kakaiba na ang pakiramdam ko. Feeling ko mas lumakas ang mga senses ko. Nararamdaman ko ang pinong-pinong haplos ng malamig na hangin.  Naririnig ko ang mahinang huni ng mga ibong tulog pati na rin ang kahol ng aso sa napakalayong bahay. Sa sobrang lakas, may nakikita, naririnig at nararamdaman akong di normal para sa akin. 

Tumingin ako sa paligid. May mga kinang ng mata akong nakikita. Mga engkanto! Mabuti na lang nagtatago sila sa kadiliman ng mga anino. Naririnig ko ang kanilang mga bulungan. Nararamdaman ko ang kanilang presensya. Di sila karamihan. Sa aking pakiramdam, may dalawa pang duwende kagaya ni Dahongo na nagtatago sa likod ng naglalakihang bato. May isang kapre na nakatayo sa likod ng puno ng mangga. Naaamoy ko ang usok ng tabako nito. May malakas ding amoy ng isang tikbalang. Naririnig ko ang ugol nito na kagaya sa isang kabayo. 

"Nakakapagbukas ba ng third-eye ang agimat mo Popoy?" tanong ko sa santelmo habang napansin ko na may tatlong maliit na maliliwanag na batang babae na naghahabulan sa di kalayuan. Mga multo o diwata?

"Di mo man nais pero oo. Mas lalakas ang iyong espiritwal na pandama."

"Kailangan mo kasi ito lalo na kung may papalapit na kalaban." dagdag ni Itim.

"Okay game na!" biglang sabi ko. Excited na akong gamitin ang elemento ng apoy. Pinagdikit ko ang aking dalawang palad at pinagpatong ang mga daliri upang makagawa ng isang baril. "Bang! Bang!" seryoso kong sigaw.

"WHAHHAHAHAAHHAH! Baliw na, bata!" tawa ng tawa si Dahongo. 

"Sorry naman!" naaasar kong sambit, "Paano ba?"

Magaling na lang di pinansin nina Popoy at Itim ang ginawa ko.

"Gino, Kailangan mo munang tawagin ako at damhin ang aking presensya." sagot ni Popoy."

"Di ko alam kung paano sabihin."

"Bawat tao ay may kanya-kanyang paraan ng pagtawag ng kani-kanilang engkanto at may kani-kanilang pamamaraan ng paggamit ng elemento. Ikaw lang ang makakasagot ng iyong tanong."

Unting-unting naglaho si Popoy at bahagyang dumilim. "Nasaan ka na Popoy?" natataranta kong sambit.

"Nandito lang ako, Gino. E'to na ang pagkakataon upang madama mo ang aking presensya. Ako'y nasa sa iyo na."

Napakamot ako ng ulo. Di ko talaga alam kung ano ang gagawin. 

"Iho, ipikit mo ang iyong mga mata at hanapin mo sa loob mo si Popoy. Tawagin mo siya. Maging isa kayo." marahang sabi ni Itim.

Pinikit ko ang aking mga mata.

"Gino..."

"Popoy? Nasaan ka?"

"Doon sa pinagmumulan ng iyong emosyon...ng iyong galit...ng iyong pagmamahal..."

Sandaling sumikip ang aking dibdib. Nang huminga ako ng malalim may kakaibang init akong nararamdaman sa dibdib ko. Sobrang init pero hindi nakakapaso. Masarap sa pakiramdam. Bumilis ang tibok ng aking puso. Napakabilis yung pakiramdam na parang gusto nitong kumawala. Pinatong ko ang aking kanang kamay sa dibdib ko. Lumiwanag ang dyamanteng ruby sa aking agimat na singsing.

"Ngayon na!" udyok ni Popoy.

"Santelmo, aking tapat na elementong-kaisa

Ang iyong kapangyarihan ay sa akin

Mainit, maliwanag, nakakapaso,

Apoy!"

Uminit ang hangin sa paligid ko. Tinaas ko ang aking kanang kamay. May mahinang singaw ng usok na lumabas sa aking palad. Di rin nagtagal may maliit na ningas ng apoy na lumutang sa tapat ng aking palad na unting-unting lumalaki. 

"Magaling, Gino!" puri ni Itim.

Minulat ko ang aking mga mata. Nagulat ako at namangha sa aking nagawa. Parang nasa magic show lang. Astig!

Ginalaw ko ang aking palad at sumunod ang apoy. Ginalaw ko rin ang aking mga daliri, ang bolang apoy ay animo'y nahati at sumunod sa galaw ng mga daliri, parang sumasayaw ang apoy.

Tumawa ako.

"Masyadong natutuwa ang bata." sabi ni Dahango.

Tiningnan ko ng masama ang duwende at tinuro ko ang aking hintuturo sa kanya. May maliit na apoy na tumalsik. Naka-ilag naman si Dahongo.

"Aba, aba... hinahamon mo ako bata!"

"Hindi, ah." pa-inosente kong sagot.

"Gino, ang apoy mo!" sigaw ni Itim.

Di ko napansin. Nagulat din ako. Palaki ng palaki ang bolang apoy sa ibabaw ko..

"H-Hindi ko alam kung paano papaliitin...kung paano titigilan!" natataranta kong sabi.

"Huminahon ka, Gino." sabi ng boses ni Popoy sa aking isipan.

Pero huli na at biglang sumabog ang bolang apoy na kasing laki na ng isang malapad na gulong ng trak. 

Natumba ako sa lakas ng pagsabog. Nagitim ang aking mukha sa uling. Nasunog ang mga nakapalibot na halaman at puno. Mabuti na lang at tumulong ang mga engkantong nagmamasid para di na tuluyang lumalala ang apoy.

Tumawa ng pang-asar si Dahongo. "Palpak ka pala, eh."

"Mag-ingat ka, Gino. Ang apoy ang pinakamalakas na elemento." paalala ni Itim.

"Oo, Pasensya na..." nahihiya kong sabi. Medyo nagyabang ako kanina. 

"Hindi laruan ang apoy." sambit ni Popoy na nagpakita na sa harap ko. "Dapat matuto kang gamitin ito kung kinakailangan. Matuto kang kontrolin ito na naaayon sa iyong kagustuhan."

"Marami ka pang dapat matutunan." dagdag ni Itim.

Tsk. Grabe. Dalawa ang nagsesermon sa akin. 

Si Dahongo ay abot langit ang ngiti. Natutuwa na pinapagalitan ako. Naaasar na talaga ako doon sa bansot na yun!

"Kailangan ko ng training." sabi ko.

"Huwag kang mag-alala. Sa totoo lang ang lahat na dapat mong malaman ay alam mo na. Sabi  nga ni Popoy ang apoy mo ay maari mong gamitin na naaayon sa iyong kagustuhan. Ang payo ko lang sa'yo ay pag-isipang mabuti ang paggamit ng apoy." sabi ni Itim, "At mag-ingat ka na rin."

"Ito lang ang lagi mong tandaan." paalala ni Popoy, "Mas malakas nga ang apoy ng galit pero ito ay siyang nakakasakit din sa gumagamit nito. Laging isipin ang pagmamahal."

Tumango ako.

Biglang may mga yanig sa lupa. May mabibigat na yabag ng paa. May malalim na halakhak ng isang tambuhalang tao. Isang kapre!

"Isang alagad ni Gunaw!" sigaw ni Dahongo.

Nagkagulo ang mga nagmamasid na puting engkanto at sa isang iglap nawala ang kanilang presensya.

"Kalaban?!" natataranta kong sambit, "Pero bakit umalis ang ibang engkanto?"

"Maraming takot at ayaw masangkot sa gulo." sabi ni Itim.

"Naku ano na ang gagawin natin!"

"Ilag!" sigaw ni Itim.

May malaking troso ng kahoy ang humampas galing sa itaas.

"Sino ang batang-alay?!" pasigaw na tanong ng kapre. Napakatangakad nito na may taas na marahil umaabot sa siyam o sampung talampakan. Maitim at maraming buhok sa mukha at katawan at nakasuot lang ng bahag. Mayroon din itong napakalaking mata.

"Umalis ka dito kampon ni Gunaw! Masasaktan ka sa akin!" galit na banta ni Dahongo. "Isa kang taksil sa mga engkanto!"

Lakas din ng loob ng bansot. Tsk.

"Lupa, Lupa...

Ako ay  iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Ulan ng mga Bato!" sambit ni Dahongo

Ang lahat ng  bato sa paligid ay  nagsitalsikan at tumama sa kapre.

"Kinikiliti mo ba ako, duwende?" pang-aasar na sambit ng kalaban at tumawa ng malakas.

"Wag na wag mong  minamaliit si Dahongo!" sigaw ng duwende.

"Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Taong Bato!"

Ang mga bato ay nagsilutangan at nagsama-sama upang makabuo ng isang anyong hugis tao. Ang taas nito ay hanggang baywang ng kapre.

"Wow, astig!" manghang sabi ko. Siguro nga may ibubuga ang duwende.

Sumugod ang taong bato pero sa isang hampas lang ng trosong dala-dala ng kapre, nawasak ang taong bato!

Epic fail!

Muling tumawa ng malakas ang kapre. 

Napansin na ako ng kapre. "Ikaw ang batang-alay!" walang hinintay na sandali ang engkanto at inabot ako gamit ang kanyang malaki at malapad na kamay.

Nakatakbo ako at nakaiwas.

"Tawagin mo na si Popoy!" paalala ni Itim.

"Santelmo, aking tapat na elementong-kaisa

Ang iyong kapangyarihan ay sa akin

Mainit, maliwanag, nakakapaso,

Apoy!"

Lumiwanag ang dyamante ng aking singsing. May lingas ng apoy na lumabas sa aking kanang kamay.

"Ano na? Paano ko ito gagamitin!" natataranta kong tanong sa sarili ko kasi di ko makita si Popoy. Tumatakbo na ako papalayo. 

Di naman na hihirapan ang kapre sa pagsunod dahil sa di maipaliwanag na pangyayari, tumatabi ang mga puno, para bang sumusunod sila sa kagustuhan ng kapre.

"Ang daya naman, bakit tumatabi ang mga puno?!" 

"Pagmanipula sa mga puno ang pangunahing kapangyarihan ng kapreng sumusunod sa atin." sagot ni Itim na halatang nahihirapan makasunod sa aking pagtakbo.

"Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Pader ng mga puno!" dasal ng kapre.

Sa kamalas-malasan, ang mga punong nasa harapan namin ni Itim ay gumalaw at nagkumpulan at nagtabi-tabi para makagawa ng isang harang, isang pader ng mga puno.

Tsk. Dead end!

"Wala ka nang kawala, batang-alay. Sumama ka na sa akin. Gusto ka nang makita ng panginoon." sabay dakma sa akin.

Magaling hinagis ko ang apoy sa aking kamay at ito ang kanyang nahawakan. Napaso ang kapre.

"Arrrrgggghhhhhhh!" 

"Gino..." nagsalita si Popoy sa aking isipan.

"Popoy nasaan ka?!"

"Nasa loob mo lang ako. Gamitin mo na ang apoy ayon sa kagustuhan mo. Di tulad naming mga engkanto na kailangan pang sumamo sa kalikasan para pagbigyan ang aming hiling, kayong mga taong pinagkalooban ng agimat ay pwedeng gamitin ang kapangyarihang elemento sa kahit anong paraan."

"Hmmm.. so if gusto kong gamitin ang apoy na parang 'ray gun' ni Eugene ay magagawa ko?"

"Di ko alam kung sino si Eugene na binanggit mo o yung 'ray gun' pero oo, kung ano ang iyong nais, masusunod."

Ngumiti ako. Patay ka ngayong tambuhalang kapre ka! heheh..

"Santelmo, aking tapat na engkanto

Ang iyong kapangyarihan ay sa akin

Mainit, maliwanag, nakakapaso,

Apoy!"

Humarap ako sa kapreng sumisigaw sa paso. Pinagpatong ko ang aking dalawang palad at pinagdikit ang mga daliri para makagawa ng isang baril. Nag-concentrate ako at habang kumikinang ang singsing ko, may ningas ng apoy na lumabas sa dulo ng aking mga hintuturo.

"Ray gun!" sigaw ko. Parang isang baril, may apoy na bala ang tumalsik patungo sa kapre. Tumama ito sa may tiyan ng engkanto.

"Grrrrrrrr! Aray!" reklamo ng kapre.

Di na ako nag-aksya ng pagkakataon at sunod-sunod akong nagpakawala ng mga 'ray gun.'

Humiyaw sa sakit ang kapre sa pagkakatama ng apoy sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. 

"Hindi ka na nakakatuwa, batang-alay. Ayaw man ni panginoon, mapipilitan akong saktan ka!" pagbabanta ng kapre.

"Bring it on!" mayabang kong hamon.

Hindi nagdalawang isip ang kapre na bumunot ng mga puno sa kanyang paligid at pinagbabato ito sa aking direksyon.

"Lagot!" na-alarma kong sigaw. Alam kong sobrang bigat ng mga puno. Madaganan lang ako, patay na agad ako.

Mahahaba ang mga punong pinaghahagis ng kapre na mayroon din mayayabong na sanga. Naiilagan ko man ang mga puno pero biglang nasabit ang aking paa sa isa sa mga sanga. Tumawa ang kapre at pumulot ng isang malaking troso para ihampas sa akin.

Napapikit ako sa takot. Ganito na ba ako mamatay?

"Hoy, bata! Huwag ka lang patayo-tayo dyan! Tamaan mo na siya ng iyong apoy!" sigaw ni Dahongo.

Laking gulat at laking pasasalamat ko sa duwende. May isang malaking bato na nagprotekta sa akin. Ang taong-bato naman ni Dahongo ay sinalo ang trosong inihampas ng kapre.

"Salamat, Dahongo!"

Nagseryoso muli ako at tinawag ang apoy ni Popoy. 

Di ko lubos akalain na swak na swak ang tandem namin ng duwende. Siya ang taga-salo ng mga atake ng kapre, habang ako naman ang tumitira ng apoy dito.

Sa huli ay sumuko ang kapre at bigla na lang nawala.

"Grabe! Astig talaga! Ayos na ayos!" sinabi ko sa tuwa kahit pagod na pagod. Masarap ang pakiramdam na natalo namin ang alagad ni Gunaw.

"Magaling at nagtulungan kayo." puri ni Itim.

"Hmmp! Pinagod mo akong bata ka. Hinding-hindi na kitang tutulungan." sabi ni Dahongo pero halata naman na natutuwa din siya.

Feeling Awesome talaga! hmmm..i-try ko naman next time ang kamehameha wave ni Guko, hihi.. sabi ko sarili ko.

________________________________________________________

So How's the story so far?

Oi vote na!

Salamat! Salamat!

NEXT CHAPTER:                              

ANAK NG ALBULARYO (Clarissa Gutang's Point of View)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top