Chap.8: ANG TORE NG BUHAY

And here's the latest update!

Enjoy!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ANG TORE NG BUHAY๑۩۞۩

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Maraming haka-haka... Maraming sariling opinyon... Pero isa lang ang tanging nagtutugma, isa lang ang nananaig sa isip ng lahat.

Takot.

Ang tao ay takot sa mga bagay na hindi niya nauunawaan. Sa takot lalabas ang tunay na kalooban ng tao. Gagawa ba siya ng mabuti o magiging makasarili? Isa itong tagahatol ng desisyon kung tama ba ito o mali...

Pero ano ba ang tama, ano ba ang mali... kung buhay na ang kapalit?

"Ito na ang katapusan!"

"Pinaparusahan na tayo dahil sa ating mga kasalanan!"

"Mamamatay na tayo!"

"Si Crispin! Si Basilio! Ang mga anak ko! Nasaan sila?!"

"Ito na ang hatol ng Diyos!"

"PAKIUSAP HUMINAHON KAYO!" pakiusap ni Father Gilbert Quirante. Hindi na niya alam ang gagawin para pakalmahin ang mga tao. "Magtiwala sa Diyos. Lahat tayo ay manalig sa kanya!"

Nakakabingi ang iyakan at sigawan. Walang nakakarinig sa boses ng pari. Lahat sila ay bingi... bingi sa takot.

Kung tutuusin, swerte sila at nagkataong si Father Gilbert ang nagmisa para sa binyagan sa chapel ng Barangay Sta. Cruz. Ang unang mga taong nalayo sa kaguluhan sa labas ay ang mga taong pumunta sa binyagan. Ngunit ang bilang nila ay mahigit bente lamang kumpara sa lampas limang daang populasyon ng buong barangay. Pinagpala ba o swerte...

Pero hindi nila magawang magpasalamat sa pari, nabalot na ng takot ang kanilang pag-iisip...

Lahat, maliban sa isang matandang mataimtim na nagdarasal ng rosaryo. Nagkataon man, paboritong pari ng matandang ito si Father Gilbert kaya kahit hindi niya kaano-ano ang bininyagan ay dumalo siya sa misa. Kung tutuusin, malapit lang laman ang bahay niya sa chapel ng barangay.

Napansin ito ng pari. Napangiti ito.

"Maraming salamat, Lola Esme." sambit ni Father Gilbert. Si Lola Esmeralda Lazaro, ang lola ni Gino.

"Ama namin sumasalangit Ka

Sambahin ang ngalan Mo,

Mapasaamin ang kaharian Mo,

Sundin ang loob Mo,

Dito sa lupa, para nang sa langit... " pagsabay na pagbigkas ni Father Gilbert kay Lola Esme.

Lumiwanag ang likuran ng pari at mula sa liwanag may namuong anyong taong may pakpak. Ito ay nakaputing kasuotan, napakalinis at kumikinang. May hawak itong gintong espada. Si Gabielo, isang anghel at espritung-gabay ni Father Gilbert.

Natahimik ang lahat sa presensya ng anghel. Nawala ang pagkabahala at pagkabalisa, napuno ng kapanatagan ang buong chapel. Isa-isang lumuhod ang mga tao at sumabay sa pagdarasal ni Lola Esme. Naging mas maliwanag ang pag-iisip ng mga tao. Unti-unting nawala ang takot sa kani-kanilang isipan at umapaw naman sa puso nila ng pagmamahal ng Diyos.

Tanging pag-ibig at tiwala sa Diyos ang makakabura ng takot!

"Gilbert! Napakarami nila sa labas!" sigaw ni Dorina Lazaro, mabilis itong pumasok sa loob at sinara ang kahoy na pinto ng chapel.

May kasama siyang dalawang batang nagngangalang Crispin at Basilio na mabilis namang pumunta at yumakap sa kanilang ina.

"Salamat!" sambit ng ina at nagpatuloy sa pagdarasal na may ngiti sa mga labi.

Habang liwanag at pagkakaisa sa ngalan ng Diyos ang nasa loob ng chapel, kadiliman at takot pa rin ang namamayani sa labas nito na unti-unting lumalaganap sa buong barangay ng Sta. Cruz. Pilit binubuksan at sinisira ng mga ligaw na kaluluwa at di matahimik na espiritu ang pintuan at mga bintana ng chapel, nagnanais na ipalaganap ang kadiliman!

Pero di pa rin maiwaksi ng mga taong ligtas sa loob ng chapel ang pagkabahala, ito ay bumubulong sa kanilang mga isip. Naririnig nila. Kasing kalas ng bawat pagbigkas nila ng dasal!

Nakahalo sa mga iyak at ungol ng mga ito ang paghingi ng tulong ng ibang mga walang kalaban-laban at inosenteng tao!

"Nanghihina na ako, Gilbert." Pag-amin ni Dorina. Pero kahit hindi na niya sabahin, kitang-kita naman ang pagod sa kanyang mukha, magulo na din ang dating tuwid na buhok nito. "Di ko akalain na ganito. Gustong-gusto kong makapasok sa Purgatoryo para sundan ang aking pamangkin na si Gino at iligtas ang bayaw kong si Cindy. Pero di ko akalain na ang Purgatoryo na mismo ang lalapit sa akin at kusang magbubukas! Impossibleng matalo ang mga patay na, magpabalik-balik lang sila! Kung ako pa lang nahihirapan na, paano pa kaya si Gino?! Wala pa naman siyang elementong-kaisa!" lubos na ang pag-aalala ni Dorina. Napaupo ito sa sahig.

"Tulong po!" may mahinang boses ng bata ang nasa labas ng chapel. "Papasukin nyo po ako!"

"May bata pa sa labas!" naalarmang sabi ni Dorina. Napatayo siya at sa isang iglap sa kanyang magkabilang mga kamay may namuong nagbabagang patalim, ang kanyang mga elementong-armas mula sa kanyang elementong-kaisa.

Isang maliit na diwatang apoy ang nagpakita at umupo sa may balikat ni Dorina.

"Firr Ena, muli mong pahiramin ang elemento mo sa akin."

Tumango ang diwata.

"Teka, Dorina." pinigilan siya ni Father Gilbert. "Paparating na ang iba. May tutulong na sa atin. Kailangan mong magpahinga. Hindi mo makakaila sa akin na pagod na pagod ka na."

"Pero di ko kayang magpahinga habang may mga kabarangay pa rin ako sa labas na humihingi ng tulong!" binuksan niya ang pintuan ng chapel.

Bumungad sa kanya ang isang gusgusin na batang babae. Umiiyak at nanginginig sa takot.

"Huwag ka nang matakot, ligtas ka na." pagpapakalma ni Dorina. Hahawakan niya sana ang bata pero natigilan siya bigla nang tinaas nito ang kanyang mukha...

Walang mga mata ito at ngiti niyo ay nakakapangilabot!

GGGRRRRRRRRRRRR!

Sa isang kisap mata, lumaki ang bata at naging halimaw! Tuluyang nawala ang mukha nito at naging isang malaking bunganga na may matatalas na ngipin. Ang dating mga kamay at paa nito ay naging mga galamay ng isang pugita!

Sa gulat, di nagawang pumalag ni Dorina nang pumulupot ang ilang galamay ng halimaw sa kanya at tinaas siya sa ere papunta sa naglalaway na bunganga nito!"

"Ayon sa Aklat ni JUAN!

Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya

Ay hindi na muling mauuhaw kailanman.

Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya

At patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan!" dasal ni Father Gilbert at sinabuyan ng Holy water ang halimaw.

Ang banal na tubig ay animo'y isang asido na unti-unting tumutunaw sa katawan ng halimaw. Nabitawan nito si Dorina na mabilis namang sinalo ng pari.

Umungol ang halimaw hanggang sa naging boses batang babae. Bumalik na ito sa anyong tao. Naging malinis na ang dating gusgusin na bata. Naging maayos na ang kanyang itsura. Isang magandang batang babae ang ngumiti sa kanila.

"Salamat po." Ang huli nitong sambit bago ito nawala ng parang bula.

Lahat ng tao ay natigilan at napamangha sa nasaksihan.

"Makinig kayo, huwag kayong matakot. May magagawa pa tayo. Lahat ng mga kaluluwa sa labas ng chapel na ito ay nangangailangan ng ating dasal para sa kanila. Ito ang kanilang kailangan upang makatawid na sila mula sa Purgatoryo patungo sa kabilang buhay kapiling ng Diyos. Mag-kaisa tayo, isapuso natin ang pagdarasal para sa kanila. Kailangan nila tayo!" sambit ni Father Gilbert.

Nabuhayan ng loob ang lahat at naging mas mataimtim ang kanilang pagdarasal. Lalong lumiwanag ang mga ilaw sa loob at labas ng chapel. Mas naging malawak ang sakop ng liwanag. Nawala bigla ang mga di matahimik na kaluluwa sa paligid. Hindi na sila makalapit.

"Okay ka lang Dorina?" tanong ni Father Gilbert.

Nagkatitigan ang dalawa sandali. Namula si Dorina, may isang alaala ang muling nagbalik pero siya na mismo ang lumingon papalayo.

"O-Okay na ako. Pwede mo na ako ibaba. Sa-Salamat."

Ngumiti ang pari. "Salamat sa Diyos at okay ka lang. Tinakot mo ako dun kanina." binaba na niya si Doria mula sa kanyang mga bisig.

Biglang may mahinang ungol muling nagmula sa labas ng chapel, may kalansay na mga kamay ang nagtangkang pumasok sa loob.

"Firr Ena, aking tapat na elementong-kaisa

Ang iyong kapangyarihan ay sa akin,

Mainit, Maliwanag, Nakapapaso,

Lumiliyab na Patalim!" inihagis niya ang dalawang patalim na apoy na namuo sa kanyang mga kamay patungo sa kalansay na kaluluwa na unti-unti nang nagiging halimaw. Napasigaw ang halimaw sa pagbaon ng apoy sa katawan nito. Sinabayan pa ito ng pagbuhos ni Father Gilbert ng Holy water habang nagdarasal. Nanghina ang halimaw at di rin nagtagal, nag-anyong lalaki ito, nagpasalamat at nawala.

Mabilis namang sinarado ni Gabielo ang pintuan. Siya na ang nagsilbing bantay dito.

Nagkaroon ng sandaling paglindol pero ngayon mas panatag ang lahat na nasa loob ng chapel. Sa halip na matakot, nanatiling malakas ang kanilang pananampalataya.

"Gilbert, tingnan mo!" sambit ni Dorina habang nakadungaw sa bintana.

Itinuro niya ang paglaki ng butas na nasa langit at para bang kada-minuto mas lumalawak pa ito! Ang butas ay sumasalamin sa mundo ng Purgatoryo na tuluyan nang nagbukas sa Barangay Sta. Cruz.

"HINDI MAAARI!" sigaw ni Father Gilbert. Mabilis na lumabas ng chapel ang pari upang mas makita pa ang kanyang napansin sa may bintana.

Napanganga siya at natulala.

"Ano bang nakita mo?" tanong ni Dorina. Tumingala at dinako niya ang kanyang paningin sa kung saan nakatingin ang pari. Natulala din siya.

Kahit may kalayuan at nakatayo sa kabilang dulo ng barangay, kitang-kita nila ang isang napakataas na tore na nabuo mula sa kalansay at buto ng mga patay na tao. Nababalot ito ng purong kadiliman. Naaaninag din nila ang pagpalibot dito ng mga nilalang na animo'y mga tambuhalang paniki, mga aswang!

"Ang Tore ng Patay!" dismayadong sambit ni Father Gilbert.

"Sino ang may kagagawan ng toreng iyon? At para saan?!"

"Malakas ang kutob ko na ang Supremo ang may kagagawan nito. Walang ibang iniisip ang taong iyon kundi kaguluhan at kasamaan. Inialay na niya ang kanyang kaluluwa sa kadiliman!" hindi na maitago ng pari ang pagkabahala sa kanyang mukha. "Kailangan na nating kumilos, ang Tore ng Patay ay syang mas magpapabilis ng paglaganap ng Purgatoryo sa mundo ng mga buhay! Kailangan nating kontrahin ito!"


++++KATHERINE DELA ROSA'S POV++++++++++++++++++++++

We are excited and at the same time scared sa kung anong nakaabang sa amin pagdating namin sa Barangay Sta. Cruz.

Hindi ko mapigilan ang panginginig sa takot. Pero I'm with the girls! Their presence somehow makes me feel better.

And syempre, I got God with our side. Nothing can harm us. Hinawakan ko ng mahigpit ang rosaryong ibinigay sa akin ng aking espiritung-gabay na si Micaelo. I can also feel the calmness and warmth ng kwintas ni Gino na kailangan ko pang ibigay sa kanya.

Isang malaking obligasyon ang nasa aming mga balikat.

Pero no worries, I know we can make it basta we are together!

As we draw nearer papasok sa barangay. Lumamig ang simoy ng hangin. Kitang-kita din ang malaking pagkakaiba sa langit ng barangay kumpara sa katabi nitong mga barangay. Ang langit ay pinaghalong orange at pula, showing the beautiful colors of sunset pero ang langit sa Barangay Sta. Cruz, ay the darkest, starless night na! Nakakapangilabot din ang ungol at sigawan na nagmumula dito.

"Humanda kayo!" shouted Clarissa's dad na si Mang Jose Gutang.

May sumalubong sa aming mga kaluluwang lumilipad! And in an instant naging mga flying monsters sila! Scary!

"Agilus, aking tapat na elementong kaisa,

Ang iyong kapangyarihan ay sa akin,

Malakas, Mabilis, Hindi makita,

Kuko ng kamatayan!" Sir Daniel Solis chanted and his dark blue pendant shined majestically then a small ipo-ipo spinned around his right arm, from there isang armas na may mahabang hawakan at pa-curve na talim appeared. Isang sickle. Then suddenly his wings that are made from wind, grew strong brown feathers like of a giant eagle.

It somehow relived my small crush on him at school. Our teacher is so hot! His muscles compliments the wings! Of course, minus his eye-glasses... wait Jun-Jun has eye-glasses and I find him cute. I suddenly blushed. Teka in times like this, ito pa iniisip ko!? Boys?!

Focus, Katherine. Focus!

"Danaya, aking tapat na elementong-kaisa,

Ang kapangyarihan mo ay sa akin,

Matibay, Nagyeyelo, Malamig,

Setro ng Nyebe!" dasal ni Nurse Ruby Javier. Her diamond-studded cuff bracelet sparkled then snow flakes fell from the sky. She held her hands to gather the snow. It froze her hands, moving to her elbows then turned into white furry gloves. Then in an instant she was already holding an impressive scepter with a huge crystal snow flake on top. Ang kanyang elementong-kaisa na nag-anyong ferret ay pumulupot sa kanyang leeg na nagmukhang isang white fur na scarf.

Our school nurse is so stylish!

"Alona, aking tapat na elementong kaisa,

Ang kapangyarihan mo ay sa akin,

Panatag, Umaagos, Dumadaloy,

Espada ng Alon!" my Mommy Violy shouted. Her pearl earrings glowed then water from the air formed a swirling water turnado. She drew her hand in and pull out a shiny sword with wavy blades like the waves of the sea with a handle made from shells and pearls.

It was a pretty sight. Go mom!

Since Clarissa's dad doesn't have enough energy yet and for some reason his elementong-kaisa na si Buhano ay di pa nagpapakita, Mang Jose backed off and flew along side with our bubble ride.

"Tay, gusto kong tumulong!" Clarissa insisted.

"Sige, anak. Mag-ingat ka."

"Abby, pwede mo bang buksan ang bulang ito?"

"Oh No! The bubble might pop!" Regina said.

Napangiti si Abby then said na hindi.

"And how on earth are you going to float on air! You may fall out of this bubble!"

"Ano ka ba, Regina. Have you already forgotten her elementong-kaisa?" sagot ko na natatawa.

"Huwag kang mag-alala." Clarissa said and in a pop, she went out of the bubble.

One... Two... Three...

Clarissa grew out from her back a pair of beautiful huge purple butterfly wings!

Regina clapped her hands. "So Fabulous, friend!"

Si Rosabilya or Kikay na elementong-kaisa ni Clarissa ay isang diwatang paru-paru kaya no wonder na magkakaroon siya ng wings like hers.

"Rosabilya, aking tapat na elementong-kaisa,

Ang iyong kapangarihan ay akin,

Matibay, Matalas, Nakakatinik,

Latigong Tinik!" Clarissa's amethyst ear cuff ay kuminang at sa dalawang mga palad niya, may baging punong-puno ng bulaklak at tinik ang tumubo.

She joined Sir Daniel and the others on clearing our way.

"There they are!" Regina pointed.

Nakita ko na sina Father Gilbert at ang tita ni Gino na si Dorina. Nasa labas sila ng chapel na nagmumukod tanging may liwanag sa malawak na kadiliman. Ang liwanag ay nagmumula sa Krus na nakatayo sa bubong ng chapel. Malakas din ang nagmumula sa espiritung gabay ni Father Gilbert na si Gabielo. Nakalutang ito sa ibabaw ng dalawa para di makalapit ang ibang kaluluwang nais sumugod para manakit.

Kitang-kita ko ang mga aninong gumagalaw sa dilim. Nakakabingi ang kanilang pag-iyak at paghingi ng tulong. They are filled with so much misery and sufferings. Nararamdaman ko din na may iba pang tao na di makaalis at nasa panganib.

Di ko namalan na umiiyak na pala ako.

"Naaawa ka?" narinig ko ang malambing na boses ng aking espiritung gabay na si Micaelo.

"Yes."

"Huwag kang mag-alala. Kasama mo ang Diyos kung nais mo silang tulungan. Ako ay iyong kasangkapan para maisagawa ito. Magtiwala ka lang sa sarili mo."

Lumiwanag ang aking rosaryo. Napakasarap sa pakiramdam, so relaxing and calming. I felt the grace of God.

Nakakamangha at di ako makapaniwala na napuno ang aking pag-iisip ng mga bible verses.

I felt that I can do anything as long that I have faith to God!

"Friend, you're shining bright like a diamond!" Regina said in awe.

Namangha din ako sa nangyari sa akin.

Ang liwanag na nagmula sa akin ang syang nagpalayo sa ibang flying monsters at restless ghosts na gustong lumapit sa amin. Matiwasay kaming nakababa sa lupa.

"Salamat sa Diyos at nandito na kayo!" bungad ni Father Gilbert. Saglit na tumingin sa akin ang pari at ngumiti.

Kinamusta naman nina Mommy Violy at Nurse Ruby ang tita ni Gino na si Dorina.

"Guys, okay lang ako. Salamat at nakarating kayo!" sagot niya.

"May magagawa pa ba tayo para pigilan ang nangyayari?" tanong ni Mang Jose.

"Tutulong kami at hindi titigil hangga't hindi pa nababalik sa kapayapaan ang barangay na ito." dagdag ni Sir Daniel.

"May magagawa pa tayo. At makakatulong din ang mga kabataang ito." sambit ni Father Gilbert at tumango sa amin.

Magkakatabi na kami nina Clarissa, Regina at Abby.

"Kita ninyo ang Tore ng Patay ng kalaban?" sabi ng pari. Lahat kami ay napalingon sa napakataas na tore na kahit tingnan mo lang ay mapupuno ka na ng takot. "Magagawa ko itong kontrahin upang di na tuluyang lumawak pa ang sakop ng Purgatoryo. Jose, hatiin mo ang grupo. Kailangan ko ang grupo na magproprotekta sa chapel at grupo na maghahanap sa iba pang taga-barangay para dalhin dito ng ligtas kasama ng iba. Pagdami ng tao, paglakas ng dasal laban sa kasamaan."

"Magandang ang plano mo, Gilbert." Pagsang-ayon ni Mang Jose.

"Pero paano ang Tore ng Patay? Sino ang sisira nito! Di ba mas mabilis kung wasakin na natin agad ang puno't dulo ng kaguluhang ito. Ako na ang susugod!" giit ni Sir Daniel.

"Daniel, ano ka ba!" saway ni Nurse Ruby.

"Hindi mo sila kaya na nag-iisa lamang." dagdag ni Mommy Violy.

"May punto ka nga, Daniel pero huwag tayong magpadalos-dalos." saad ni Man Jose. "Alam ko na alam mo na malalakas din ang alagad ng Supremo, isama pa natin na may mga engkanto, diwata at iba pang lamang lupa ang nasa kanyang panig. Ikamamatay mo lang ito."

"Hindi mo kailangan mag-isa. Sama-sama tayong lalaban sa kanila. Pero sana isaalang-alang mo din ang mga inosente at walang kalaban laban na mga tao. Mas kailangan nila tayo ngayon. Kita mo naman na hindi na pangkaraniwang mga kaluluwa ang gumagala ngayon, lahat ay nagiging halimaw na! Kailangan natin silang iligtas!" sambit ni Father Gilbert.

"Malinaw sa akin ang plano ni Gilbert, Daniel. Siguraduhin muna nating ligtas ang lahat ng tao bago nating sama-samang sugurin ang tore at pabagsakin ito."

Napabuntong hininga si Sir Daniel at ngumiti. "Okay, no problem."

Lumayo ng ilang hakbang si Father Gilbert. Lumapit sa kanya si Gabielo at inabot sa kanya ang espadang ginto na hawak-hawak nito. Tinaas ng pari ang espada sabay nagdasal.

"Ayon sa aklat ni SAMUEL,

Ang Diyos ang bato na aking kanlungan,

Aking kalasag at tanging kaligtasan.

Siya ang aking pananggalang,

Sa mga marahas ay siya kong tanggulan!" madiin niyang ibinaon sa lupa ang espada. Nagliwanag ito at naghugis Krus. Biglang lumindol at lahat ay mangha sa unti-unting pag-angat ng lupa na kung saan nakatayo si Father Gilbert at ang espadang naging Krus. Nagpatuloy sa pagdarasal ang pari na sinabayan ng ibang mga tao na nasa loob ng chapel.

Sa pagtaas ng lupa ay napasama na ang chapel at mula dito nagpatuloy na nabuo ang toreng pataas ng pataas na gawa sa lupa at marmol!

Sa wakas, unti-unti nang tumataas ang tore sa liwanag at pagpapala ng Diyos...

Ang Tore ng Buhay!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 03/02/2016

At may Tore ng Buhay na! Syempre di patatalo ang kabutihan laban sa kasamaan!

Maraming salamat sa pagbasa! Teka... Miss nyo na ba sina Gino at Jun-Jun? Ano nakaya ang nangyayari sa kanila?! Abangan!

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top