Chap.43: Matakot sa Diyos

๑۩۞۩๑ Matakot sa Diyos ๑۩۞۩๑

       (Gino Ivan Lazaro's POV)

"MGA ASWANG SUGUDIN SIYA!" utos ni Romano. 

Natigilan saglit ang mga aswang dahil natatakot sila sa sugo ng Diyos na si Gabielo. Isa kasi itong anghel. 

Ehhh Ehhh Waka Waka Ehhh Ehhh??

Hik Hik Hik Ehek Hek Hek Hek??

Ehhh Ehhh Waka Waka Ehhh Ehh??

"MGA DUWAG! MAS MARAMI KAYO, MAS MARAMI MAS MALAKAS!" giit ng mangkukulam. 

Hindi kumbensido ang mga dating tao na naging halimaw pero dahil sila ay mga alipin na lamang, wala silang magawa kundi sumunod sa kanilang amo. Sinugod nila ng sabay-sabay si Father Gilber Quirante.

"Ama namin sumasalagit Ka,

Sambahin ang ngalan Mo

Mapasaamin ang kaharian Mo,

Sundin ang loob Mo,

Dito sa lupa, para nang sa langit!" dasal ni Gabielo. Lalo siyang tumingkad. Nasilaw ang mga aswang. Ang iba ay tuluyang napasubsob sa lupa.

"Ayon sa aklat ni ISAIAS!

Gayunman, ako ang Diyos

Na nagpatawad sa iyong mga kasalanan,

Hindi ko na aalalahanin pa ang iyong mga kasalanan.

Magharap tayo sa hukuman,

Patunayan mong ikaw ay may katuwiran!" sambit ng pari habang binubuhusan niya ng 'holy water' ang mga aswang na malapit sa kanya.

"WAAHHHHHHH.... AHHHHHHHH..." nagsisigawan ang mga aswang at unti-unti silang nagsibalikan sa anyong tao nila. Nabalutan sila ng puting liwanag at bigla na lang naglaho. 

"KAYO AY PINAPATAWAD NA NG DIYOS!" sigaw ng pari sa iba pang mga natitiranng aswang na naguguluhan. Halata sa mga nakakatakot nilang muhka ang pagnanais na makalaya sa panghabang-buhay na sumpa na kinalalagyan nila. 

"ANO PANG HINIHINTAY NINYO? PATAYIN ANG PARI!" utos ni Romano, bulag sa tunay na nais ng mga alagad niya.

Isa-isang ngang lumapit ang mga aswang pero hindi para sumugod kundi para lumuhod sa pari. Ngumiti si Father Gilbert, animo'y kumikinang ang kanyag mapuputing ngipin. 

"Tama ang desisyon ninyo. Alam kong magkakaroon na ng katahimikan ang inyong mga kaluluwa. Kayo ay pinapatawad na ng Diyos." sabi ng pari at isa-isang binuhusan ang mga aswang ng 'holy water.' Nagsitawanan sa tuwa ang mga dating aswang na bumalik sa kanilang anyong tao, nabalutan ng liwanag at naglaho patungo sa walang hanggang kapayapaan.

"HINDI! ANO ITONG GINAWA MO?!" galit na sambit ng mangkukulam na gulat na gulat sa mga pangyayari. Hindi niya iyon inaasahan at mas lalo niyang hindi inaasahan na mawawalan siya ng mga alagad! May mga natitira pang mga wakwak, manananggal at tiyanak pero dali-dali niyang inutusang umalis.

"Ikaw, papatawarin ka rin ng Diyos." lumapit ang pari sa mangkukulam.

"Hindi! Lumayo ka sa akin! Mas gugustuhin ko pang masunog sa apoy ng impyerno kaysa maging mahina!"

Nagsimula siyang magsambit ng orasyon. "Ir Usted

La Criaturas de  Oscuro

Sombra Usted

Siembra de Gloom"

(Humayo kayo

Mga nilalang ng dilim

Anino ninyo

Maghasik ng lagim!)

May mga umungol sa kadiliman, ang mga anino ay naghugis tao na para bang nais kumawala. Mga aninong-ligaw.

May sumigaw na isang babae. 

Lumingon ako sa kinatatayuan ko. Si Jenny Roque?! 

Nagkamalay na muli siya at nagulat dahil napapalibutan siya ng mga aninong-ligaw.

"Jenny!" tumakbo ako patungo sa kanya.

"Gino, what are those?! They are so scary!" natatakot niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit. 

Bigla akong nakakaramdam ng panghihina at pagkaantok.

Tsk! Wala nga pala sa akin ang kwintas ng aking Nanay Cindy!

"Jenny, where's my necklace?" tanong ko.

"What necklace?" sagot ni Jenny pero sa wakas naalala niya. "Sorry, I left it at the grand ball. I don't even know how I got here."

Tsk! Nakakainis! Pero di ko masisi si Jenny dahil siya ay biktima din dito. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang takot.

"Gino, I'm so scared. Please stay with me..." hinigpitan niya ang pagkayap sa akin.

"Umm... Oo... I'll stay. I'll never leave you." sagot ko.

Nararamdaman ko na ang pagpulupot ng mga kamay ng mga aninong-ligaw sa aming mga binti.

"Gi-Gino!" sigaw ni Jenny pero hindi na makagalaw. "They're getting us! Are we going to die now?!"

"Jenny, gawin mo ulit ang ginawa mo kanina!" sabi ko. "Gawin mo ulit ang pagtawag ng tubig!"

"Huh? I don't know what are you talking about..."

Natigilan ako. Naguluhan. 

Napansin ko na lang na lumulutang na kami papalayo sa mga aninong-ligaw. Nasa loob kami ng isang malaki at matibay na bula!

"Oh, See you can do it!" natutuwa kong sambit pero bakas sa mukha ni Jenny ang pagkagulat at pagkamangha rin.

"This is so exciting!" sabi niya.

Hindi ko maintindihan. Bakit walang alam si Jenny sa kanyang kakayanan? 

Naalala ko bigla. Kanina kitang-kita ko na ang suot na damit ni Jenny ay puting dress na pangpatulog pero ngayon, suot-suot pa rin niya ang punit-punit niyang dark blue gown. 

Kung hindi si Jenny ang tumulong sa akin... Sino?

Unti-unti kaming binaba ng bula sa malayong parte ng sementeryo. Bigla na lang itong pumutok at nawala. Ligtas kaming nakatapak sa lupa.

"Gino! Gino!" nag-aalalang sigaw ni Itim. Nakasakay sa kanyang likuran ang duwendeng si Dahongo. 

"Wow! A talking cat!" sabi ni Jenny. "... and a small man." 

"Hindi ko gusto ang diring-diring itsura ng kasama mo sa akin, Gino." puna ng duwende. 

Hindi ko siya pinansin.

"Itim, muntikan na akong makuha ni Gunaw!"

"Patawarin mo ako kung huli ako sa pagtulong sa'yo. Pero salamat naman at nakaligtas ka. Tinulungan ka ni Popoy di ba?" sagot ng pusa.

Nalungkot ako. Hindi ako makatingin sa mga pusang mata ni Itim.

"Wa-Wala na siya. Wala na akong elementong-kaisa." naluluha na ako.

"Anong ibig mong sabihin!" gulat na sambit ni Itim.

"Kinain siya ng isang 'pheonix.'  Wala na siya! Wala man lang akong nagawa."

Natahimik saglit si Itim. Tiningnan ang lumang agimat na singisng na suot-suot niya na galing din kay Popoy para sa aking Tatay Alberto. Wala nang kulay ang dating pulang-pulang ruby na dyamante. Napatingin din ako sa sarili kong singsing. Wala na rin itong kulay, naging 'dull-white' na lang.

Hindi pa ako nakakakita ng pusang umiiyak pero ngayon nakikita kong umiiyak si Itim. Tahimik siyang humihikbi.

"Itim. Kasalanan ko. Wala akong nagawa. Wala akong kwenta, masyado akong mahina." pag-amin ko.

Umuling ang pusa. "Hindi. Sa simula pa lang, ikaw ang dapat protektahan ni Popoy. Wala kang kasalanan. Ginawa lang niya ang nararapat bilang elementong-kaisa mo.... Si" hindi maituloy ng pusa. "...Si Popoy ang... ang .... ma-mahina." Hindi niya matanggap ang sariling salita.

"Hindi!" pagtutol ko. "Malakas si Popoy, ako lang ang hindi pa handa para sa kanyang kapangyarihan. Siguro... Siguro naman babalik siya ulit di ba? Isa siyang engkanto di ba? Hindi kayo nawawala sa kalikasan di ba?"

"Bata tama ka, hindi kailan man kami mawawala. Kung anong nanggaling sa kalikasan ay siya ding babalik sa kalikasan. Kaming mga engkanto at diwata ay pinanganak sa pamamagitan ng kalikasan at kung kami ay yumao, maari kaming ipanganak muli at mabuhay. Kaya lang ang aming mga alala noong nabubuhay pa kami ay makakalimutan. Mabuhay man muli si Popoy, hindi na niya tayo matatandaan." paliwanag ni Dahongo. 

"Hindi!" tuluyan na akong lumuha. 

"Gino, why are you crying?" tanong ni Jenny, nag-aalala.

"Paano na yan? Ano na ang gagawin ko? Nawala si Gunaw pero malakas ang pakiramdam ko na magbabalik siya para kunin ako. Anong magagawa ko? Wala akong panglaban!" sabi ko.

"Nandito ka lang pa, bata!" Biglang sumulpot sa kung saan ang Supremo. "Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari pero hindi ko naman hahayaang makatakas ka! Ikaw pa rin ang kailangan ni Gunaw para tuluyang mabuhay. Sumama ka sa akin!"

"Hindi, lubayan mo na ang batang!" tutol ni Itim.

"Isang pusa? HAHAHHAHAHA!" natawa ang Supremo.

"Lupa, Lupa...

Ako ay  iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Ulan ng mga Bato!" sambit ni Dahongo. Nagsitalsikan ang mga bato patungo sa Supremo.

"MGA ITIM NA ENGKANTO!" sigaw niya. 

"Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Pader ng mga puno!" dasal ng isang kapre. Bigla na lang nagsigalawan ang mga punong di kalayuan at naging sangga para sa Supremo.

May hawak-hawak na malaking troso ang kapre at hinampas sa aming direksyon.

 "Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Taong Bato!" tawag ni Dahongo. Ang kanyang taong-bato ay sinalo ang troso. 

"Mga bata, takbo!" sigaw ni Itim. Tumakbo kami ni Jenny at sumunod sa kanya.

Tsk! Naasar ako! Gusto ko ding lumaban! Ayaw kong maging mahina na tatakbo-takbp lang! Kung nandito lang si Popoy!

"At saan kayo pupunta?" tanong ng isang tikbalang.

"Lupa, Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Bunganga ng lupa!"  Pinadyak niya ang dalawang kabayong mga paa. Lumindol at bumukas ang lupang dadaanan sana namin.

"Gino!" nadulas si Jenny. Mabuti na lang mabilis ang aking kamay ay nahawakan ko siya bago pa siya mahulog sa bangin.

"Jenny! Kumapit ka ng mabuti!"

"Gino, I don't want to die! You promised me that you'll never leave me!"

"Yes, I won't." sagot ko pero sa totoo lang di ko na kaya, dumudulas na ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko!

Hindi ko na kaya... 

"GGGGGGIIIIIINNNNNOOOOOOOOO!" sigaw ni Jenny.

"JJJJJJEEEEEEEENNNNNYYYYYYY!" 

"Tubig, Tubig

Ako ay iyong kasangkapan, iyong katiwala.

Pagbigyan ang aking ninanais,

Bula ng tubig!" dasal ng isang boses babae. Malakas na pag-agos ng tubig ang maririnig at mula sa bangin ay may nagsilabasang napakaraming bula! Iba't-ibang hugis.

May sumalo na napakalaking bula kay Jenny at ligtas na siyang nasa loon nito. Ako din, napansin ko na lang na nasa loob na ako ng isa sa mga bula at lumutang papalayo. Kanya-kanya ding bula sina Itim at Dahongo.

"Teka... teka! Di pa tapos makipaglaban si Dahongo" protesta ng duwende.  Ginamit niya ang kanyang matulis na kuko para paputukin ang bula. Pumutok nga at nahulog ang duwende.

"AHHHHHH! HINDI NA PALA! TAPOS NA MAKIPAGLABAN SI DAHONGO!" pagbago ng isip niya. Buti na lang may isa pang bulang sumalo sa kanya.

Di ko na pigilang tumawa.

"Anong Tinatawa-tawa mo dyan, bata?!" galit na sigaw ni Dahongo.

"Gino!" tawag ni Father Gilbert nang makita niya ako sa himpapawid. Nakikipaglaban siya sa isang kakaibang nilalang na may apat na pakpak. Marahil isang diwata ng hangin.

Pero nasaan na si Romano?

"Father, okay lang ako!" sigaw ko. 

"Gilbert, tayo nang umalis. Ligtas na si Gino!" tawag ni Itim.

"Sige." tumungo ang pari. Tumakbo siya at sinalubong ang isang bula at lumutang na rin kasama namin.

"Ayos, itong bulang ito, Napakatibay." manghang sambit ni Father Gilbert.

Umirit ang diwatang hanging kalaban ng pari at lumipad para sugurin ang mga bula. Sa malapitan, ang diwata ay may mukha ng isang ibon! Gamit ang kanyang matalas na bibig, nagawa niyang paputukin ang ilang mga bula. 

Dali-dali namang sumugod si Gabielo at gamit ang kanyang gintong espada, sinaksak niya ang diwata.

"HINDI KAYO MAKAKATAKAS!" galit na sigaw ng Supremo.

"Aking tapat na elementong-kaisa

Ang iyong kapangyarihan ay sa akin

Mainit, maliwanag, nakakapaso,

Hinga ng Bulkan!" biglang lumabas muli ang 'pheonix' na elementong-kaisa ng Supremo at sumigaw ng napakalakas. Mula sa bunganga nito ay lumabas ang napakainit na pagsabog ng gaya sa isang bulkan!

"Ayon sa aklat ng mga AWIT!

Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!

Dapat katakutan ng buong nilikha!

Ang buong daigdig, kanyang nilikha.

Sa kanyang salita, lumitaw na kusa!" dasal ni Father Gilbert.

Tinaas ni Gabielo ang kanyang gintong espada. Animo'y nagbukas ang langit at isang napakalakas na pagsabog ng liwanag ang naganap. Nakakasilaw.

"MATAKOT KA SA DIYOS!" sambit ng pari pero wala na ang Supremo, walang bakas na iniwan.

"San tayo dadalhin ng mga bulang ito?" tanong ni Dahongo na may takot pala sa matataas na lugar. 

"That's our house!" natutuwang sambit ni Jenny. Tinuro niya ang isang napakalaking bahay na may malawak na swimming pool sa likod.

Parang doon nga kami papunta dahil nagsibabaan ang mga bula sa harapan ng bahay nila. Nakapunta na naman ako sa kanilang bahay pero hanggang sa 'living room' lang nila. Maraming bawal. Hindi ko pa sila nakikita pero sa tingnin ko 'strict' ang mga magulang niya.

Nagdoorbell si Jenny. May dali-daling nagbukas ng pintuan, isang gwapong lalaki na nasa late-thirties.

"JENNY! WHERE HAVE YOU BEEN! IT'S PASSED YOUR CURFEW ALREADY!" galit na sambit nito pero natigilan nang mapansin niya ako at si Father Gilbert. Nagtago sa dilim sina Itim at Dahongo.  

"Gilbert, anong ginagaw nyo dito?" tanong ng tatay ni Jenny.

"Jethro, ikaw pala ang tatay ni Jenny. Hinatid ko lang ang mga bata." sagot ng pari. Magkakilala pala sila.

Napatingin ako kay Father Gilbert. Kumindat siya. Siguro kahit pari siya wala siyang magawa kundi pagpalusot.

"Okay. Salamat." pero nanlaki ang mga mata niya. "JENNY, WHAT HAPPENED TO YOUR GOWN?!"

"Daddy, its a long story!" pa-cute na sambit ni Jenny sa ama. "It doesn't matter. But since you are here, I would like you to meet my boyfriend! His name is Gino Lazaro."

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan.

Niyakap niya ang aking braso. "We are now official." sabi niya nang makita niya ang gulat kong reaksyon. "No more magic, No more influence of a fat ugly monster lady... I really like you now!" tumingin siya sa kanyang ama para kumbinsihin. "He's my hero daddy!" kinikilig na sambit ni Jenny. "And he even promised that he'll won't leave me!"

"Sir, nandyan na po ba si Jenny?" tanong ng isang matandang babae. May tulaklak siyang wheel-chair.

Napanganga ako. Natulala. Parang tumigil ang mundo, tumigil ang oras...

Tumingin sa akin ang babaeng nakaupo sa may wheel chair. Naka-suot siya ng puting night-gown at isang pamilyar na pink na starfish na hair clip sa kanyang mahaba at 'wavy' na buhok. Napapikit ako. Nilanghap ko ang sobrang bangong halimuyak. Alam kong ito ay nangagaling sa kanya.

"Sino siya?" tanong ko.

"Oh... She?" nakasimangot na sagot ni Jenny. "She's just my twin sister, Abby."

"Abby..." bulong ko sa aking sarili.

____________________________12/21/2014

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

 

AND THAT'S IT!

TAPOS NA! 

THE END!

This is the last chapter of ELEMENTO PART ONE.        

Pero huwag mag-alala.. May sunod pa yan.. HANGGANG PART FOUR KAYA 'TO!

READ ON TO THE NEXT, 
ELEMENTO PART TWO!

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top