Chap.4: ISANG OBLIGASYON

The wait is over, check out this latest chapter!

Kay Ren naman tayo!

Thank you for Reading!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ISANG OBLIGASYON๑۩۞۩


++++REN DELA ROSA'S POV++++++++++++++++++++++

Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko. Ang mindset ko kanina ay puntahan si Gino sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, San Nicolas para personal na tanungin ang knaroroonan ni Dahongo na nakakaalam kung nasaan si Buhano, ang elementong-kaisa ni Mang Jose. Alam ko ang duwende ang makatutulong sa akin para patunayan na wala akong kasalanan sa pagkaaksidente ng tatay ni Clarissa. Pero walang tao sa bahay nila, may pinuntahan yata.

He'to ako ngayon, sinusundan ang mga kabataang di ko kilala. Tatlo ang nangunguna at may dalawa pa sa aking likuran. Pumasok kami sa isang lagusang lupa mula sa basketball court na pinaggalingan namin.

Na-curious lang kasi ako. Binibida kasi ng tatlong nasa unahan na may kapangyarihan daw sila at hindi ito dahil nakiisa ang diwata o engkanto sa kanila. Sila daw ang kumo-control at ang masusunod. Pinagyayabang din nila na kayang-kaya daw nila kami bigyan ng kapangyarihan at kami pa ang makakapili kung anong elemento ang gusto namin. Ang dalawa sa likod ko ay naengganyo at di na makapaghintay magkaroon nito!

"Di ba impossible yun, Kidlaon?" tanong ko sa aking elementong-kaisa na isang Sentauro, isang engkantong kalahating tao at kalahating kabayo ang katawan. Nag-uusap kami gamit ang isip.

"Ako man ay di makapaniwala." sagot ni to. "Maarahil tama lang na alamin natin kung paano nila ito nagagawa. Malakas ang kutob ko na hindi kanais-nais."

"Oh, tahimik ka masyado. Huwag kang matakot. Tiyak kong magugustuhan mo kapag nagkaroon ka na ng kapangyarihan!" puna ng pinakamatangkad sa tatlo na may tattoo na bull sa kanang braso. "Tingnan mo..." nilahad niya ang kanyang palad. "VOLTACIO!" sambit niya at sa isang iglap ay napuno ng enerhiyang elektrisidad ang kanyang palad at nilaro-laro niya ito gamit na ngayon ang dalawang kamay at binuo niya ito na hugis bilog. "Astig di ba?"

Sumang -ayon ang dalawang bata sa likuran ko, hangang-hanga. Ang kuryenteng-bola na ginawa niya ay nagpaliwanag lalo sa mahabang lagusang dinadaanan namin na tanging maliliit na lampara ang ilaw.

Pinilit ko ang sarili na magmukang nagulat at impressed.

"Ulysses, tama na yan!" saway ng nasando at nakasemikalbong gupit. Kapansin-pansin ang leon na tattoo sa kanyang dibdib.

"Mayabang lang naman yan!" komento ng isa pa. Nakacheckered na short-sleeved na damit ito pero kitang-kita pa rin ang tattoo na sea serpent sa kaliwang braso.

"Anong sabi mo, Zyren?!" galit na sagot ni Ulysses.

Nasa akto na siyang ihagis ang kuryenteng bola sa kasama, nang mabilis namang pinigilan ng nakasemikalbo. "Ulysses! Tama na ang kalokohan!" mahigpit niyang hinawakan ng braso nito. Unti-unting nawala ang kuryenteng-bola. "Bilisan na natin at baka bigla na namang dumating ang Supremo."

"S-Sige Boss..."

Mang-aasar pa sana si Zyren pero hindi na tinuloy dahil masama na ang tingin sa kanya ng nakasemikalbo.

"Chill. Isa ka pa Ryan, mainitin din ang ulo."

Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa wakas, lumabas kami sa isang gubat. Inabot na pala kami ng gabi.

Nanginig ako sa lamig ng hangin. Medyo pinagpawisan na ako sa paglalakad. Buti na lang at iniwan ko muna sa labas ng bahay nina Gino ang bag ko. Mabigat din yun! Parang naghiking na din ako. Basa na ang t-shirt na suot ko. Medyo nawawala na rin ang gel sa buhok ko.

WWWHHHHHOOOOOOOOOSSSSSSHHHHHHHH!

May malakas na hangin ang biglang dumaan sa mga puno. Nagsigalawan ang mga sanga at nagsibagsakan ang mga patay na dahon. At dahil din sa liwanag ng bilog buwan, ang mga sanga ay animo'y naging mga aninong kamay na gumagalaw sa pagdaloy ng hangin.

Aaminin ko na kinilanutan din ako. May naririnig na din akong mga tunog - mga bulungan, tawanan, i yakan at mga paghingi ng tulong.

"Ano pang hinihintay nyo?!" naiinis na tawag ni Ryan.

Ang dalawa sa likuran ko ay nakatayo lang at halatang nagdadalawang isip na.

"Mga pre, HUWAG matakot!" inakbayan sila ni Zyren.

"Tingnan nyo nga ang isa pang kasama nyo..." aakbayan din sana ako ni Ulysses pero lumayo ako at nag-thumbs up na lang. Walang nagawa si Ulysses kundi tumawa na lang. "...Di siya natatakot, oh!"

Pinilit ko naman ang sarili na di ipakita ang inis. Alam kong may di magandang ginagawa ang mga ito para magkaroon ng kapangyarihang elemento. At TSAKA, muntikan na din kasi masagi ni Ulysses ang buhok ko!

Lahat kami ay sabay-sabay na napalingon nang may isang grupo ng mga taong nakasuot na itim na kapa na may hood. Bigla na lang silang sumulpot mula sa kung saan. Dahan-dahan silang naglalakad habang nagdadasal gamit ang salitang banyaga na parang Latin o Espanyol.

"Sino Si-Sila??" nanginginig na tanong ng isa sa mga sumama.

"Relax, pre. Di nila tayo sasaktan. Mababait sila." sagot ni Zyren na pinipigilan ang dalawa sa pagtakbo pabalik sa lagusang dinaanan namin. Humarang na rin si Ulysses sa pinto ng lagusan.

Ako naman ay hindi natatakot, lalo pa nga akong na-curious sa kung anong ginagawa nila. Para silang isang grupo na mga taong may masasamang hangarin gamit ang kababalaghan at pagsamba sa kadiliman.

Hindi naman nila kami pinansin. Kumanan sila patungo sa isang maluwag na parte ng gubat na walang mga puno. Sa gitna nito ay may malaking siga ng apoy na kanilang pinalibutan habang patuloy na nagdadasal.

"Tara!" naiinip na sambit ni Ryan.

Tinulak ni Zyren ang dalawa na kanyang inakbayan para magpatuloy sa paglalakad. Hindi na ako kailangang pilitin ni Ulysses dahil ako na mismo ang kusang naglakad. Sumabay ako kay Ryan.

"Tol, ako nga pala si Ren." nagpakilala ako, kunwari feeling close. "Ryan ang pangalan mo, di ba? Ikaw ang boss nila?"

Tumungo si Ryan at napangiti nang sinabi kong siya ang boss. Mukhang madaling bolahin ito!

"Nga pala...BOSS." dagdag ko. Abot langit ang ngiti nito. "Ano ba ang ginagawa nila, para bang isang rituwal?"

"Oo. Sa totoo, wala akong pakialam sa kanila. Grupo sila ng mga sira ulo. Mga tagasunod sila ng Supremo. Ang Supremo ang boss nila. Ang sabi sa akin ni Romano, gusto yata ng Supremo ay tuluyang buksan ang Purgatoryo sa mundo ng mga buhay..."

Itatanong ko sana kung sino ang tinatawag niyang Supremo at Romano pero nagulat ako sa narinig ko...

Buksan ang Purgatoryo?!

Pero bakit parang wala lang kay Ryan ito? Hindi ba niya naisip ang mangyayari? Nalaman ko ang Purgatoryo dahil sa kapatid kong si Katherine na dati'y napunta doon. Puno ito ng mga masasamang kaluluwang di matahimik. Isa itong espirituwal na dimensyon gaya ng El Kantadia na napuntahan ko na din noong nais ko iligtas si Clarissa sa isang engkanto. Parehong mapanganib sa mga tao ang mga lugar na ito.

"Di kayo natatakot? Ang alam ko puno ng mga kaluluwang masasama doon. Dadami ang multo sa mundo natin!" giit ko pero hindi ito sineryoso ni Ryan. Natawa pa nga ito.

"Naku HINDI! Kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko! May kapangyarihan na kaya ako! FUEGO!" ipinagyabang niya ang kakayahang makagamit ng elementong apoy.

Akala siguro ni Ryan laro lang ang lahat. Nadismaya ako.

WWWHHHHHOOOOOOOOOSSSSSSHHHHHHHH!

Muling humangin ng malakas pero ngayon mas malamig at damang-dama ko ang mga nagmamasid sa amin. Ang kanilang mapupulang mga mata ay kumikinang sa liwanag ng buwan. May mga aninong gumagalaw din sa dilim na nagpapaingay sa mga sanga at damuhan.

Malakas ang presensya ng mga lamang-lupa. Sa bigat at kilabot na aking nararamdaman, alam kong mga itim na engkanto at diwata silang lahat. Mayroon ding mga aswang at tiyanak na handang sumugod kahit anong sandali!

Hinanda ko na ang aking sarili kung sakaling sumalakay ang mga ito.

Ang nakakamangha pa, hindi man lang naapektuhan sina Ryan, Zyren at Ulysses. Di ko alam kung di nila ito nararamdaman o sadyang wala silang pakialam. Amazing!

At gaya ng inaasahan, nanginginig sa takot ang dalawang inaakbayan ni Zyren. Ang isa pa nga ay naihi sa basketball shorts nito! Manhid lang ang di makakaramdam ng kilabot sa paligid kahit walang 3rd-eye!

Ilang hakbang pa ay pumasok kami sa isang kampo na may bakod na malalaking troso. Yes, bye-bye gubat ng lagim! Subalit nanlumo naman ako sa aking nasilayan!

Ang kampo na ito sa gitna ng gubat ay isa palang kulungan ng mga puting engkanto at diwata! Nakakulong sila sa di pangkaraniwang kahoy na kulungan. Kahit anong gawin nila, kahit gamitin nila ang kani-kanilang elementong kapangyarihan, matibay at di nasisira ng mga ito!

Grrrrrrrrr!

Gusto ko nang magwala at pakawalan ang mga kawawang espiritung gabay ng kalikasan pero pinigilan ako ni Kidlaon sa aking isipan.

"Huminahon ka, Ren!"

"Pero..." huminga ako ng malalim. Di ko mapigilan ang galit sa aking mukha.

"Okay ka lang, tol?' tanong ni Ulysses. Tumingin lang ako ng masama sa kanya. Napaatras siya.

"Wa-Wala..." pinilit kong ngumiti.

"Tandaan mo, nag-iisa ka lang. Nasa tabi-tabi lang din ang napakaraming itim na engkanto at diwata. May kasama pa silang mga aswang at tiyanak... Hindi mo sila kayang lahat..." paalala ng aking elementong-kaisa.

Nagkibit-balikat lang si Ulysses. Nauna na siya sa paglalakad patungo sa isang kasiyahan sa di kalayuan. May mahabang lamesa na puno ng mga inumin, prutas at pagkain. Ang nakapalibot dito ay mga teenagers na di nalalayo sa aking edad. Pawang lahat ay sa Highschool.

"There Oh! PARTY-PARTY!" sigaw ni Zyren.

Nawala bigla ang takot ng dalawang kasama niya at nagsiunahan pa sa pagkuha ng pagkain.

"Ren, makisaya ka sa amin!" tawag ni Ryan.

"Teka..." di ko mapigilang magtanong. "Bakit may mga engkanto at diwatang nakakulong dito?"

Nagulat si Ryan pero napatungo ito at ngumiti.

"WOW! Nakikita mo na agad sila? Bukas na pala ang third eye mo. Di pa nga sila nakikita ng dalawang kasama mo. Malimit kasi na nabubuksan lang ang third eye ng mga sinama namin dito kapag nakakuha na sila ng kani-kanilang elementong kapangyarihan."

"Paano kayo nakakakuha ng elementong kapangyarihan?"

"Halimbawa, gusto mo ang kapangyarihan makapag-control ng lupa, pipili si Romano ng isa sa mga bihag niyang duwende o kapre na may ganoong elemento tapos gamit ang kanyang orasyon, magagawa niyang ipagamit sa'yo ang kapangyarihan kahit labag sa loob ng engkanto. Kita mo 'to?" tinuro ni Ryan ang kanyang leon na tattoo sa dibdib. "Nagagawa din ni Romano na ikulong ang engkanto o diwata sa isang tattoo para mas madali mong magamit ang kapangyarihan. Ang astig pa, pwede kang pumili ng disenyo! May tattoo din sina Zyren, Ulysses at lahat ng mga kasama ko dito."

So iyon pala ang dahilan kaya sila nakakagamit ng elementong kapangyarihan.

"Sino si Romano?"

"Isa siyang mangkukulam. Mamaya makikilala mo din siya. Inaasahan din niya kasi na may bago akong kasama. Kasali siya doon sa nakita mong grupo na nagdadasal."

"Sige, salamat! Excited na ako magkaroon ng powers! Parang super heroes lang tayo!" sambit ko at nagtry magmukhang nasasabik. Pero ang totoo nanlulumo ako! Gusto ko nang suntukin sa mukha itong gagong ito! Hindi niya alam kung gaaanong kadelikado ang pinasok niya. Hindi din niya naiisip na nasa panganib ang lahat ng tao sa nais mangyari ng tinatawag niyang Supremo!

"Ryan, FINALLY! I've been looking for you everywhere. You've been gone for ages!"

Nanlaki ang mata ko. May babaeng lumapit kat Ryan at marahan itong pinagpapalo. Kilala ko kung sino ito -

"Abby?"

Napatingin siya sa akin. Nagulat din pero umiling siya.

"No! I am NOT Abigail!"

Ah okay, kilala ko na. Siya ang kakambal ni Abby na si Jennifer Roque, classmate ng kapatid ko.

"That WEIRD GIRL at this moment should have arrived United States already. Good thing she left!"

"Well, too BAD. No one will do homework for you anymore OR even pretend to be you during examinations!" di ko napigilan sumagot. Di ko man nakakausap si Abby, na-kwento na sakin ni Katherine ang pagpapanggap na ginagawa niya para kay Jenny. Alam kong napakabait ni Abby.

Di ko na maitago ang inis ko na pilit kong kinikimkim kanina pa. Malas lang ni Jenny at siya ang napagbuntungan ko.

"How RUDE of you! " galit ni sambit ni Jenny.

"Teka Jenny, magkakilala kayo ni Ren?" nagtatakang tanong ni Ryan.

Bago pa makasagot si Jenny ay naglakad na ako papalayo at dumiretsyo sa lamesa na may pagkain. Ayaw ko marinig ang tantrums niya. At wala na din ako pakialam kung papaano sila nagkakilala ni Ryan.

Kunwari makikikain ako habang hinihintay si Romano. Ang totoo kailangan namin ni Kidlaon na makaisip ng paraan paano ililigtas ang mga bihag na engkanto at diwata.

"OMG! Ren?! Nandito ka!"

Napalingon ako. Nagulat na naman ako. May dalawa pang classmates ang kapatid ko dito! Si Jessa Lopez na dating kaibigan ni katherine at si Diane Alonzo.

Nang nakita ko ang isang tattoo ng agila kay Jessa at isang kuneho na tattoo kay Diane sa kani-kanilang kanang kamay, alam ko na may kapangyarihang elemento na din sila mula sa mga walang kalaban-laban na mga engkanto at diwata.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala silang alam sa kasamaang ginagawa nila. Nahalata naman nila na ayaw kong makipag-usap sa kanila.

"HMP! Gwapo nga suplado naman!" narinig kong sambit ni Jessa kay Diane nang bumalik sila sa kanilang inupuan.

Nagmasid ako sa buong kampo. Nagkalat ang mga engkanto at diwatang itim, nagbabantay at nag-aabang. Nakakamangha naman na hindi nila sinasaktan o sinusugod ang mga kabataang busy magkwentuhan at magtawanan. At pambihira din na hindi man lang natatakot ang mga kabataang ito sa presensya ng mga lamang-lupa.

Naalala ko bigla ang dahilan kaya pumunta ako sa bahay nina Gino. Ano ba itong napasok ko? Napasubo ata ako.

Clarissa, maghintay ka lang. Mapapatunayan kong inosente ako...

Pero hindi ko din papalampasin ang aking natuklasan ngayon. Mahalaga at sobrang seryoso nito. Iniisip ko pa lang natatakot na ako sa nakaambang panganib sa sangkatauhan!

Wala mang nag-utos na gawin ko ito subalit resposibilidad ko na ito. Kailangan kong malaman pa ang mga pinaplano nila para mapaalam ko ito sa iba at mapigilan...

Isang Obligasyon.


++++KATHERINE DELA ROSA'S POV++++++++++++++++++++++

And I got my own guardian angel! Hindi siya elementong-kaisa but MUCH better!

I started to get emotional. Parang I don't deserve this. Like I said I am NOT that religious. I've been bad and made mistakes pero... Thank You, Lord!

Napangiti si Micaelo. Nababasa kaya niya ang iniisip ko? Di ko mapigilang magblush at mahiya.

"Huwag kang magduda sa iyong sarili, Katherine. Lahat ng tao, masama man o mabuti, lahat ay may pinaplano ang Diyos. Magtiwala ka sa Kanya."

"I just feel so blessed that I can see you and that nasa harapan kita ngayon."

"Pinagpapala ng Diyos ang sino mang nananalig sa kanya."

I felt so happy.

"He'to at tanggapin mo ang handog ko para sa iyo." nilahad niya ang kanyang kanang kamay at sa kanyang palad may liwanag na unti-unting naging isang bagay. Lumutang ito patungo sa akin na tinanggap ko naman.

Isang gintong rosaryo.

"Ang rosaryo ang siyang mag-uugnay sa atin at patunay na ako ay iyong espiritung-gabay."

"It is like the agimat na binibigay ng elementong-kaisa sa kanyang taong-kaisa." aking nasabi, remembering the bracelet Jun-Jun got from Magayon, the earcuff of Clarissa from Kikay and the necklace with lightning pendant my big brother got from Kidlaon.

"Masasabi nga nating may kahalintulad nga ito." sagot ni Micaelo.

"Thank you!" sinuot ko ito. Naalala ko bigla ang kwintas na may cross na pendant na suot-suot ko pa rin. "Micaelo, kanino ang kwintas na ito? I feel so safe and protected while wearing this. Ang sarap sa pakiramdam. This makes me remember my mommy."

"Katherine,may nais ang langit kaya nasa iyo ang kwintas na iyan. Napakahalaga niyan sa isa sa mga kaibigan mo."

"Sino?"

"Iyan ay nagmula sa ina ni Gino, ang kanyang Nanay Cindy. Hindi man nais ng langit ang makamundong orasyon na ginagawa ng tao sa isang bagay para gawing anting-anting pero ang kwintas na iyan ay anting-anting ng proteksyon mula sa wagas na pagmamahal ng isang ina. Ang pag-ibig ay kailanman kanais-nais sa Diyos. Katherine, sana'y iyong tanggapin. Ikaw ang naatasang maghatid ng kwintas kay Gino. Nasa panganib ang kanyang ina at tanging kwintas na iyan ang siyang makakapaglitas sa kanya."

Wait, what?

"Si Gino, together with Jun-Jun ay nasa loob ng Purgatoryo. You mean, kailangan kong pumunta doon and give the necklace personally?"

Tumungo si Micaelo. He felt perhaps that I doubted myself. Lumapit si Micaelo sa akin at hinawakan ang aking noo. Sa isang iglap, I felt peace.

"Kasama mo ako at nasa iyo ang Diyos. Huwag kang matakot. Pinagpala ka. Ang langit ay nasa likod mo. Pero..." tumahimik siya saglit at tumingin ng diretsyo sa aking mga mata. "Nasa iyo pa rin kung tatanggapin mo ito o hindi..."

Hindi pa rin mawawala ang free will. Humans got a free will to follow God or not. Pero not me. I realized that I need to be selfless. Kailangan ko din isipin ang iba. Ako lang ang makakatulong kay Gino. He needs my help."

Isang Obligasyon.

I am chosen to do this. it is NOW my obligation.

"Yes! I accept!"

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 01/20/2016

Ito ang pinakamahaba kong chapter so far! Sana nagustuhan nyo!

Refresher lang, about the kwintas na may cross pendant, kung natatandaan nyo bigay ito ni Lola Esme kay Gino to protect himself sa mga Aninong-ligaw. Galing ito sa Nanay niya. Nawala ang kwintas noong nasa sementeryo si Gino. (Dun sa new readers who haven't read ELEMENTO, try to read it if you have time.)

So there! Hope you enjoyed reading!

Abangan ang mga MAS EXCITING na mangyayari!

Oo nga pala, paki-comment ng inyong thoughts about this chapter at Please Vote na din!

Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top