Chap.38: Ang Dalaketnon
๑۩۞۩๑ Ang Dalaketnon ๑۩۞۩๑
(Clarissa Gutang's POV)
Hindi ako magpapaloko! Hindi siya si Ren Dela Rosa! Kahit gustuhin ko man hinding-hindi niya ako ngingitian ng ganito!
"Lumayo ka sa akin, Malanti-Aw!" sigaw ko at tinulak ko siya papalayo.
"Anong pinagsasabi mo, Clarissa? Ako si Ren." marahan niyang sagot.
"HINDI!" aking pagtutol. Ginamit ko ulit ang nag-iisang orasyong alam ko sa kanya. Pinatigil ko siya.
"ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO SA AKIN CLARISSA!" galit na sigaw ni Malanti-Aw at bumalik na siya sa kanyang tunay na anyo. "MGA TIYANAK!" tawag niya pero di na rin makagalaw ang mga halimaw sa kani-kanilang kinatatayuan!
Grabe, napaka-handy naman ng orasyong ito!
"Bye-Bye!" muli kong pagpapaalam.
"Clarissa..." tinawag ako ni Lily.
Lumingon ako sa kanyang kinauupuan. Nakaupo pa rin sa gintong upuan ang kanyang kalansay suot-suot ang magandang pulang gown.
"Tulungan mo kami..." pagmamakaawa nito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses niya.
"Paano?" tanong ko.
Biglang nagkalaman muli ang kalansay na katawan ni Lily. Bumalik ang kanyang magandang mukha at katawan. Iniabot niya ang kanyang kamay at humingi ng tulong na itayo siya. May pumipigil sa kanya para makaalis sa gintong upuan.
"HINDEEEEEEE!" pagprotesta ni Malanti-Aw, galit na galit at pinipilit paring makagalaw.
Nilapitan ko si Lily at hinila siya papatayo. Nakatayo naman siya pero ang kanyang mga paa ay hindi lumapat sa sahig. Siya ay isang kaluluwa na lamang na lumulutang.
Gaano na katagal kaya siyang bihag ng engkanto?
"Salamat, Clarissa." ngumiti si Lily.
"Paano ko kayo matutulungan?"
"Sa kweba ni Malanti-Aw ay may kristal na hugis puso. Ito ang bumibihag sa amin sa kanilang mundo. Di pa rin kami makaalis dito kahit matagal nang namatay ang aming mortal na katawan." paliwanag ni Lily. "Kailangan mong mabasag ang pusong kristal na ito bago ka rin gawin nitong isang buhay na manika."
"Sige pero paano tayo makakapunta sa kweba ni Malanti-Aw?"
"Huwag kang mag-alala, ituturo ko sa'yo. Kailangan mo munang makaalis sa palasyong ito. Sundan mo ako." Lumutang siya papalabas at dali-dali ko namang sinundan.
"PIGILAN SILA!" sigaw ni Malanti-Aw nang sa wakas ay nawala na ang bisa ng orasyon. Ang mga tiyanak ay nagsitakbuhan at sumunod sa amin.
Binilisan ko ang takbo ko sa mahabang hall way ng palasyo pero mabilis din ang makalapit ang mga tiyanak na tumatalon na rin para lang maabutan ako.
"Lily?!" natataranta na ako.
"Dito." sagot ng kaluluwa at tinuro ang isa na namang pintuan na naka-camouflage sa pader. Bago ako pumasok ay napalingon ako sa likod ko dahil biglang nagsigawan ang mga batang halimaw at nagkagulo. For some reason ay biglang nadulas sila sa sahig at nagkapatong-patong. Kahit si Malanti-Aw ay nadulas din. Sumigaw ito sa inis.
May tumulong kaya sa akin?
Bumaba ako sa isang pa-spiral na hagdanan. Nakakapagod pero kailangan kong bilisan bago pa ako maabutan ni Malanti-Aw.
Pero curious talaga ako at di napigilang tanungin si Lily habang nagalalakad ako pababa. "Lily, paanong ikaw lang ang bukod tanging hindi nabibilog ni Malanti-Aw? Hindi gaya ng ibang babae na sobrang in love na in love sa kanya."
Lumingon sa akin ang kaluluwa, may kalungkutan sa kanyang mukha. "Noong nabubuhay pa ako, may isang lalaking kababata ko na sobrang gustong-gusto ko pero kaibigan lang ang turing niya sa akin. Matigas ang aking ulo at patuloy na umiibig sa kanya. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang nararamdaman ko up to the point na masasabi kong mahal ko na siya. Makulit at bulag ang aking puso. Ilang beses na niya akong pinapaiyak pero siya pa rin ang gusto ko. Then finally, napagtanto ko na di ko na pinapahalagahan ang aking sarili. Mali at hindi tama. Hindi ako pinanganak sa mundo para maghabol lang sa isang lalaking hindi ako mahal..."
Tahimik akong nakikinig habang patuloy na naglalakad pababa. Nakaka-realate ako. Pareho kami.
"Napagdesisyonan ko na mag-move on. Hindi lang dapat sa kanya umiikot ang buhay ko. Hindi ko dapat sayangin ito sa kanya. Pero nasayang din... dahil sa sandaling pag-iilusyon. Isang gabi bigla na lang niya ako niyayang mag-date. Hindi ako makapaniwala, inisip ko pa nga naniloloko lang niya ako. Pero ako naman ay nagpadala. Decided na ako na kalimutan siya ngunit wala naman sigurong masama kung kahit isang beses ay maranasan kong mag-date kami. Alam kong hindi siya ang kababata ko dahil kahit kuhang-kuha niya ang itsura at pananalita, masyado siyang sweet at gentleman, na never ko naranasan. Kung sana..." nagsimulang umiyak ng walang luha si Lily. "Kung sana tinanggihan ko na lang siya... Hindi ako mabibihag ng isang pangit na halimaw! Hindi ako lubusang mapaglaruan ni Malanti-Aw kasi alam kong hindi siya totoo. Hindi siya ang kababatang minamahal ko."
Di ko napansin na umiiyak na rin ako.
Tama si Lily, move on - move on din pag may time, hangga't di pa huli ang lahat... Kailangan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para kay Ren. Hindi siya deserving sa pagmamahal ko... Masakit, mahirap at matagal pero kailangan kong kayanin para sa aking sarili. Kala ko noong una kaya mababa ng self-esteem ko ay dahil sa pangliliit at panglalait ni Regino Co sa akin... pero hindi pala.
Si Ren ang dahilan!
Ginagawa ko na ang lahat para mapansin niya, para mapakita ko na mahal ko siya pero bale wala lang sa kanya. Para sa kanya hindi ako mahalaga, walang worth para sa kanya. Ito ang dahilan kaya feeling ko I'm not good enough. Siya ang dahilan kaya wala akong confidence sa sarili!
This has to STOP!
Huminga ako ng malalim at for the first time, nagliwanag ang aking pag-iisip. I'm now decided. I swear, pagnakaalis na ako dito sa mundong ito, I'LL FORGET MY FEELINGS FOR HIM!
Sa wakas naapakan ko na ang last step ng hagdanan. Sa dulo ng hagdanan ay may isang malawak na bulwagan na naman. Sobrang laki ng palasyong ito!
Natigilan ako bigla. Dahil sa ingay ng aking sapatos, may mga naglalaking mata ang tumingin sa akin. May apat na kakaibang nilalang ang nakatayo at nakabantay sa isang malaking pintuan. Napakatangkad nila mga 7 feet na; mabalahibo ang kanilang katawan na may malakig tiyan; sobrang haba din ng kanilang mga kamay na umaabot hanggang sa sahig! Kung anong laki ng kanilang katawan ay liit naman ng kanilang ulo na walang leeg. Ang kanilang mukha ay gaya sa isang breed ng aso na 'Pug' na may dalawang bilog na bilog na mga mata na laging magkaiba ang direksyon ng tingin, flat at itim ang kanilang maliit na ilong at mga labing simula't sapul ay nakasimangot.
"ARRRRGGRRRRRRRRRR!" sabay-sabay na sigaw ng apat na halimaw. Tinaas nila ang kanilang mga kamay at sa bawat palad ay may namuo na bolang nyebe na kasing-laki ng bola ng basketball. Isa-isa nilang pinagbabato ang mga 'snow balls' sa akin!
Tumakbo ako papalayo at pilit na inilagan ang mga binabato nila sa akin. Sunod-sunod at ang bilis, hindi ako makakuha ng tyempo para banggitin ng malinaw ang orasyon. Si Lily naman ay hindi rin alam ang gagawin at hindi ako matulungan dahil isang kaluluwa na lang siya.
"UGHH!" Boom sapul ang aking tiyan. Napa-upo ako sa sakit. "AHHHHHHHHH!" sigaw ko nang may dalawa pang paparating para tamaan ako.
"RAAAWWWWWWRRRR!" sigaw ng isa pang hayop na biglang sumalo sa mga bolang nyebe para di ako tamaan. Tumigil ang apat na kakaibang halimaw at lumuhod sa harapan nito.
Thankful ako pero nagtataka na rin kung anong klaseng hayop ang nagligtas sa akin. Pinilt kong maging polite at pinigilan ang sarili na sumigaw muli sa takot. Isa na namang napakalaking halimaw ito na anyong-pusa. May dalawang naglalakihan itong pangil at ang kuko sa kanyag apat na paa ay sobrang talas at mahahaba!
"Okay ka lang?" tanong nito.
Di ako agad nakasagot. Nakapagsasalita ang halimaw!
"Ah, sorry..."
Napanganga ako sa gulat. Unting-unting nag-anyong tao ang halimaw na pusa.
Si Hero Salvanera!
Ibang-iba ang kanyang anyo. Puting-puti ang kanyang buhok at kilay, ang kanyang mata ay crystal-blue at ang kanyang balat ay animo'y porcelain sa kinis at putla. Ang kanyang damit ay mukhang sobrang bigat dahil parang bloke ng yelo ito na inukit para maging armor niya, ang maliliit na 'snow balls' ang nagsibilbing design dito. Mayroon din siyang mahabang kapa na purong balahibong puti.
Speechless ako.
May awkward na silence muna pero pareho kaming naalarma nang marinig na namin ang papalapit na pagbababa ng grupo ni Malanti-Aw.
"Bilis dito!" sabi ni Hero at hinawakan ako. Nanginig ako sa lamig! Parang hinawakan ako ng isang yelo!
"Opppss, sorry.. sundan mo ako!" sabi niya at lumayo sa akin.
Di ako sure kung susundan ko siya. Di ko siya masyadong kilala sa school. Hindi nama siya namamansin at ubod din ng yabang. Wala akong tiwala sa kanya. At ngayon pang nalaman kong isa pala siyang engkanto!
"Ayaw ko." mariin kong sambit. "Ituro mo na lang sa akin kung paano ako makakaalis dito."
"Oo, ituturo ko sa'yo, Clarissa. Halika na at baka makita pa ako ng aking taga-bantay!"
No choice. Sinundan ko siya. Napansin ko na ang apat na halimaw ay takot na takot kay Hero.
Lumabas kami sa isang balkonahe. Isang dead end! Sobrang taas nito at obvious na ikamamatay ko kung tumalon ako mula dito!
"BAKIT DITO MO AKO DINALA!" galit kong sambit. "SABI KO NA NGA BA KASAMAHAN KA NI MALANTI-AW! ISA KANG MASAMANG ENGKANTO!"
"Teka, Clarissa, relax!" natatawang sambit ni Hero. "See this..." mayabang niyang sambit. Pinitik lang niya ang kanyang daliri at biglang may yelong daan na unting-unting nabuo at patuloy na humaba hanggang sa parte kung nasaan ang naglalakihang halaman at bulaklak. May isang 'snow sleigh' din ang nabuo na gawa sa yelo. "Pwede kang magslide hanggang sa Silangang El Kantadia ng walang kahirap-hirap."
"Umm.. Salamat." nahihiya kong sinabi. Tumungo sa akin si Lily at nagsenyas na umupo na ako sa sleigh.
"Wait lang!" biglang hinarangan ni Hero ang aking dadaanan. "I'll let you go sa isang kundisyon."
Napasimangot ako. "Ano?"
"Huwag na huwag mong sasabihin sa school kung ano ako."
"Kung ano ikaw? Na isa kang engkanto!" hindi ko mapigilan ang aking sarili, wala pa rin akong tiwala sa kanya. May something sa kanya na hindi katiwa-tiwala.
Umiling si Hero at natawa. "Huwag mo nga akong tawaging engkanto. Hindi ako mula sa mababang-lahi ng mga espiritung pangkalikasan, isa akong Dalaketnon."
''Anong Dalaketnon?"
"Kami ay may mga lahing maharlika. We rule over sa mga mabababang engkanto at diwata."
Di ako naniniwala. Wala namang nabanggit si Kikay sa akin na may namumuno sa kanila. Ang alam ko lang ay may mas nakakataas sa kanila na mga dyos at dyosa pero hindi mga hari o reyna.
Nakita ni Hero ang doubt sa aking mukha. "Sige, okay lang kung hindi ka maniwala sa akin. Pero please just do me a favor na wala kang pangsasabihang iba... lalo na kay... Regina..."
Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Mukha naman siyang sincere.
"Sige, pero sagutin mo rin muna ang mga katanungan ko..."
Tumungo si Hero.
"Anong koneksyon mo kay Malanti-Aw?"
"Si Malanti-Aw ay engkantong inatasan lang ng aking ama para bantayan ako."
"So alam mo na kinidnap niya ako?! Bakit mo siya hinayaan." galit kong sambit. "Kasabwat ka niya?"
"Syempre hindi! Nagulat nga ako na ikaw pala yung gusto niya" pagtanggi ni Hero. "Wala din naman akong pakialam sa pinaggagawa niya. Bago ko pa siya naging tagabantay ay matagal na niyang gawain ang pagkolekta ng mga girls." Natatawa siya. "Iba din ang trip ng pangit na yun!"
"So pinagtatawan mo lang? So hinahayaan mo lang siyang pumatay ng mga tao? Tingnan mo si Lily! Isa siya sa mga babaeng binihag niya at kahit kaluluwa ay bilanggo pa rin! ANG SASAMA NINYO!"
"Shhhhhh!" saway ni Hero. "Huwag kang masyadong maingay, sige ka baka marinig tayo ni Malanti-Aw!"
Tiningnan ko siya ng masama. "No Thanks na lang sa offer pero sa tingin kong mas mabuting malaman ng lahat sa school kung ano ka talaga. ISANG HALIMAW!"
"RRRRAAAAAAAAAAWWWWWRRRRR" galit na sigaw ni Hero. May apat na matatalas na patalim bigla ang lumabas sa kanyang kaliwang kamao. "Kung hindi mo kayang tumahimik ay mabuting ako na mismo ang pumatay sa'yo!" banta niya.
Pero hindi na siya makagalaw. Naunahan ko siya ng paborito kong orasyon!
Ngumiti ako at nagwave ng good-bye sa kanya habang sumakay na ako sa sleigh papunta sa kweba ni Malanti-Aw.
__________________________11/30/2014
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support!
WAIT FOR THE NEXT CHAPTER COMING SOON!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top