Chap.35: El Kantadia (Part 1)
๑۩۞۩๑ El Kantadia ๑۩۞۩๑
(Ren Dela Rosa's POV)
Naiinis ako! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?!
Sinuntok ko ng paulit-ulit ang pader. Nagagalit ako. Sobrang galit ang nararamdaman ko sa aking sarili. Ayaw ko mang aminin at kailanman di ko maintindihan kung bakit... kung bakit siya pa... si Clarissa Gutang.
Napikit ako sa sakit. May luhang namuo sa aking mga mata. Nagsisi ako kung bakit sa pader ko pa nailabas ang galit. Ngayon, nagmamanhid na ang aking mga daliri sa kanang kamao at nagdugo na din ang mga gasgas nito.
Napamura ako.
Minura ko ang aking sarili. Mali ito. Hindi dapat ganito ang aking nararamdaman... Wala dapat akong nararamdman para sa kanya. Hindi kami bagay. Hindi siya ang para sa akin...
Kasi... mahirap lang siya...
Umiling ako. Bakit ba ganito na akong kasama? Bakit ba naging matapobre na ako? Hindi naman kami tinuruan nina mom and dad ng ganito pero I can't help it. Ayaw ko kasing maging katulad niya, ayaw kong makaranas muli ng kahirapan. Tumatak na sa akin ang naranasang kahirapan ng aming pamilya. Alam kong mababaw at makasarili pero para itong traumatic experience na kailanman ayaw ko nang maulit.
Masisisi ba nila ako? Ako na pinanganak pa lang ay sunod na ang layaw? Sabihin nilang spoiled ako. Oo, di ko tinatanggi na spoiled talaga ako. Lahat ng gusto ko ay mapapasaakin ng walang effort. I'm living a perfect life with rich and loving parents. Wala na akong ibang gugustuhin pa.
Pero nang biglang malugi ang real estate business ni dad at napilitan kaming lumuwas ng Manila para lang damayan siya. Grabeng pag-aadjust ang nangyari sa amin ni Katherine. Kahit nga si mom, nahirapan din sa sudden change ng life style namin. Naranasan kong magutom ng sobra kasi ayaw ko ng ulam namin. Nagmamaktol pa ako dati nung di na ako makabili ng mga laruang gusto. Di na nila mabigay ang lahat ng gusto ko. That was the worst experience for me noong bata pa ako.
Then finally, my dad was invited sa isang business function at nakilala niya ang dad ni Regina Co. At that moment nakakita ng opportunity ang dad ko para makabangon muli ang business niya. May ginawang proposal ang dad ko na nagustuhan naman ni Mr. Co at pumayag itong mag-invest ng malaking halaga sa family company namin.
I was always with my dad sa mga business meetings niya. Pinakilala niya ako as the next owner ng company namin. I was so proud at naramdaman ko kung saan talaga ako nababagay. Na-imagine ko na ang aking sarili sitting on a big chair, inside my own office as I manage my very own company. Nakaka-excite. Alam kong kayang-kaya ko ang napakalaking responsibilidad.
One time, narinig kong nag-uusap ang dad ko at dad ni Regina. "Business is everything and everything is business." iyan ang tumatak sa aking isipan na sinabi ni Mr. Co. In my own understanding, sa isang material world na halos pera lang ang nagpapagalaw, kung gusto mong umangat sa iba, you have to think everything as a business investment na maaari mong pakinabangan in the future, lupa man iyan, negosyo o kahit tao man.
I took it seriously. Kahit bata pa ako, naisip ko na agad mag-invest sa mga taong nakikilala ko na maaaring tumulong sa aking success sa future at alam kong di ako mahihirapan kung sakali mang mangailangan ako. Number one candidate ay ang anak ni Mr. Co na si Regina. Naiisip kong ligawan siya dahil kung maging kami at kung mapangasawa ko man siya, di na ako mamomroblema para sa family business namin. I really don't like her and I only see her as an opportunity.
Oo, kahit noon pa, napapansin ko na ang espesyal na pagtingin sa akin ni Clarissa at aaminin ko na may kaunting pagkagusto na rin ako sa kanya kahit pa noong maliliit pa kami. Pero pinigilan ko ang aking sarili at kahit siya man pinigilan ko na siya. Sinabi ko na ayaw ko sa kanya dahil mahirap lang siya at dahil anak lang siya ng isang albularyo. I can't do any business with her.
Umiyak siya. Ang ayaw ko sa lahat ay may makitang umiiyak pero pinaiyak ko siya for the first time. Sobrang na-guilty ako. I felt so bad pero that time inisip ko na lang na I have to make certain sacrifices to reach my goals. Pinatay ko na agad ang namumuong pagkagusto ko sa kanya. She is my sacrifice. Di ko na siya pinapansin at kinalimutan ko na ang pagkakaibigan namin. I need to focus on getting Regina kahit ayaw niya sa akin.
Then I learned how Regina treated my younger sister. I know its all my fault. Sinabi ko kasi sa kanya ang planong pangliligaw ko kay Regina at ang aking reason behind it. Sinabi ko na secured na ang aming future kung maging kami ng classmate niya. As I expected, Katherine agreed sa aking plano kasi ayaw din niyang maranasan muli ng maghirap. All I know, bestfriends talaga sila ni Regina then malaman-laman ko lang na itong si Regina ay binablack-mail lang ng kapatid ko para maging sunod-sunuran. Sadyang maldita itong si Regina. Nawalan na ako ng ganang ligawan siya.
Masasabi ko na, I am a very selfish person. Sa sobrang makasarili, nagugulat na ako sa sarili ko. Feeling ko I'm so lucky at natutuwa ako na kahit sinabi ko na ayaw ko na sa kanya, pinapakita pa rin ni Clarissa ang sobrang pagkagusto niya sa akin. I felt secured na akin lang ang pagtingin niya as I look for my next prospect after Regina.
Akin lang siya...
Then Romnick Andrada entered the scene. Siya ang mortal enemy ko sa school, be it sa academics o sa sports man. Di ko ine-expect, biglang nagpakita siya ng interest kay Clarissa. Nilapitan at nagpakilala pa sa kanya. Naalarma ako. Hindi pwede na may ibang magkagusto sa kanya. Ako lang dapat ang gustuhin ni Clarissa! With one desperate move, sinabihan kong di mapagkakatiwalaan si Romnick. Pero I need to make sure na di siya magkakaroon ng impression na I like her so for the second time, pinaiyak ko na naman siya.
Napakasama kong tao. Bakit ko ba ginaganito si Clarissa? She is thoughtful, smart at sadyang may mabuting kalooban. Okay na sana, kung hindi lang siya mahirap...
Mali man sa aking high standards pero di ko mapigilang gustuhin siya. Ayaw kong aminin at in denial pa rin ako tungkol sa aking nararamdaman para sa kanya. Pero each time na makita ko siya, ang puso ko ay nagwawala. Para bang gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin lang siya ng napakahigpit. Gusto kong ipagsigawan ang aking nararamdaman! Kung minsan di ko na mapigilan ang aking sarili. Di ko mapigilang tulungan siya sa talent contest at sumabay sa kanta niya. Ang puso ko na sana ang magwawagi but then ang makasariling kong utak ay di nagpatalo at for the third time pinaiyak ko naman siya kahit pilit niyang itago sa akin.
Then Romnick made his move again and asked to be her date. Malakas na sampal sa akin nang pumayag siya. Tapus ngayon sila pa ang nanalong Mr. and Ms. O.A. student of the year! Wala na ako. Talo ako. Kumukulo ang aking dugo nang makita ko na silang magsayaw. Nakaramdam ako ng di pamilyar na emosyon sa aking puso. Sa sobrang sakit ay di ko kinaya at nagwalk-out ako. Noong una akala ko nasaktan lang ang aking pride at aking ego pero ngayon... habang ininda ko ang sakit ng aking kamao sa pagsuntok sa pader, I finally realized na I'm so jealous. Nagseselos ako!
Ito ang araw na kinakatakutan ko. Ang araw na may iba nang gusto si Clarissa. Pero sino ba naman ako? Ako lang naman ang laging nagpapaiyak sa kanya.
At ngayong gabi habang nakaupo ako sa madilim na corner ng bleachers ng school open field at nakatitig sa tent kung saan ginaganap ang grand ball, habang naririnig ko ang tunog at kasiyahan sa loob, for the first time, I felt ashamed and mad to myself. Nagsimula na akong i-question ang aking sarili kung tama ba ang mindset ko of being selfish at business minded.
Pero nasa huli ang pagsisisi. Its too late now...
I don't deserve her.
May biglang kaguluhan sa grand ball. Nagsisigawan ang lahat sa takot at naglalabasan mula sa tent. May kakaiba at nakapangingilabot na tawanan ng mga bata.
"TIYANAK!" sigaw ng isang estudyante.
Nagulat ako. Di ko alam ang gagawin ko at para bang na-paste ang pwetan ko sa kinauupuan ko.
"Bitawan mo ako!" sigaw ng isang pamilyar na boses. "TULONG! TULUNGAN NYO AKO!" sigaw ni Clarissa.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino... hindi... kung anong halimaw ang may hawak sa kanya! Nakakatakot ang itsura. Hindi ito tao! Hinila ng halimaw si Clarissa papalabas ng tent. Ang mga guro at mga estudyante ay di man lang nangahas na tumulong at nagsitakbuhan lang papalayo.
"PAKAWALAN MO ANG AKING ANAK!" sigaw ng tatay ni Clarissa, si Mang Jose.
"Buhano! Aking tapat na elementong-kaisa
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Pino, madulas, nakakapuwing,
Taong buhangin!" May kulay na green na ilaw na biglang lumiwanag sa kanyang suot-suot na singsing and out of no where, may mga buhanging naipon at unti-unting nabuo na hugis tao.
Kagaya nina Gino, Jun-Jun at Clarissa, si Mang Jose din pala ay may elementong-kaisa!
Tumawa lang ang halimaw na may hawak kay Clarissa. "AKIN LANG ANG ANAK MO!" sabi nito. "Mga tiyanak!"
Isa-isang naglabasan ang mga maliit na batang halimaw. Pinalibutan si Mang Jose at ang kanyang taong buhangin. Sumugod sila ng sabay-sabay pero mabilis ang taong buhangin at naghugis cone ito para protektahan si Mang Jose. May mga buhanging kamay na lumabas mula sa cone at pinagsusuntok ang bawat tiyanak na nagtatangkang lumapit. Pero parang di nauubos ang mga tiyanak at lalo pang dumarami. Di rin nagtagal, nagkumpulan ang mga batang halimaw at tuluyang natabunan ang cone-barrier ni Mang Jose.
"Mang Jose!" sigaw ni Gino Lazaro na lumabas din mula sa tent. Kasunod niya si Jun-Jun Sta. Maria.
"Aking tapat na elementong-kaisa
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Mainit, maliwanag, nakakapaso,
Lumiliyab na baril!" sigaw ni Gino. May pulang liwanang ang nagmula sa kanyang singsing at biglang nagliyab ang kanyang kanang kamay, di rin nagtagal may baril na umaapoy na siyang hinahawakan.
"Aking tapat na elementong-kaisa,
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Malakas, mabilis, hindi makita,
Espadang hangin!" sambit naman ni Jun-Jun. May bluish na lumiwanag mula sa kanyang bracelet at biglang may malakas na hangin ang dumaloy patungo sa kanya. Sa Isang iglap may hawak-hawak na siyang espadang hangin.
Sumugod ang dalawa at tinulungan si Mang Jose.
"Gino! Jun-Jun!" tawag ni Clarissa. Di na nag-aksya pa ng panahon ang halimaw na may hawak kay Clarissa at nagtawag bigla ng isang lagusan mula sa lupa.
"MAGPAALAM NA KAYO KAY CLARISSA! HINDING-HINDI NA SIYA MAKAKABALIK DITO!" sambit nito. Di na makasigaw si Clarissa, may mga baging nang pumulupot na kanyang bibig at patuloy pang pumupulupot sa kanyang buong katawan.
"Hindi!" sigaw ni Gino at binaril ang halimaw ng balang apoy pero biglang may sumangga nito.
Isa pang halimaw! Lumamig bigla ang kapaligiran. Umungol ito at ginawang yelo ang bala ni Gino. Para itong napakalaking saber-toothed na tiger na may napakahaba at napakatalas na pangil. Ang naiba lang ay ang purong puti ang balahibo nito.
Natigilan si Gino. Kahit sina Mang Jose at Jun-Jun ay nagulat.
"GRRRRRRRRRRRRRRR!" sigaw nito at sumugod kay Gino. Buti na lang, nagawang harangan ng taong buhangin ni Mang Jose ang halimaw. Pero dahil sa gawa lang sa buhangin, madali itong nahati ng naglalakihang kuko nito.
Pumasok na sa loob ng lagusan ang halimaw na kumuha kay Clarissa. Dali-daling iniwasan ni Gino ang hayop na halimaw habang unti-unting namumuo ang buhangin sa mga paa nito. Sumunod si Jun-Jun. Sabay silang pumasok sa loob ng lagusan.
"Clarissa ililigtas ka namin!" sigaw ni Gino.
"Gino, Jun-Jun!" tawag ni Mang Jose na dali-dali ding tumakbo para sumunod pero may mga tiyanak pa ring sumusugod sa kanya. Nahuli na siya at tuluyang sumarado ang lagusan.
"ANG ANAK KO!" umiiyak na ang tatay ni Clarissa. Medyo na out of focus si Mang Jose at muntikan na siyang masaktan ng mga tiyanak nang biglang dumating si Sir Daniel Solis, ang adviser ng first year section 1
"Aking tapat na elementong-kaisa,
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Malakas, mabilis, hindi makita,
Kuko ng Kamatayan!" sambit niya. Kuminang ang dark blue na pendant ng kwintas ni Sir Daniel. May maliit na ipo-ipo ang biglang sumulpot. Tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at bukas palad na hinawakan ang ipo-ipo. In an instant, ang munting ipo-ipo at naging isang talim na pa-curve at may mahabang hawakan. Isang sickle.
Sa isang hampas ni Sir Daniel sa kanyang elementong-armas, may animo'y malaking slash ng hangin na naghati sa mga tiyanak into half.
Ang saber-toothed na halimaw ay nagwala at pinilit makaalis sa taong buhangin ni Mang Jose na naging isang quick sand. Unti-unti itong lumulubog sa ilallim ng lupa.
"ARRRGGGGGGHHHHHGGGGG!" ungol nito ng napakalakas at sa di malamang dahilan nawala ito ng parang bula.
"Huh?! Nasaan na yun?" gulat na tanong Sir Daniel.
At since nakaalis na ang halimaw na kumidnap kay Clarissa at ang hayop na halimaw, as if in queue, nagsilaho na ang mga tiyanak.
"ANG ANAK KONG SI CLARISSA! WALA NA SIYA! WALA NA!" paghagulgol ni Mang Jose.
"Jose, maghunos-dili ka!" saway ni Sir Daniel.
"Jose! Daniel!" tawag ni Nurse Ruby Javier na may hawak-hawak na isang mahabang scepter na may malaking hugis snow flake na dyamante sa dulo. "Nawala na ang mga tiyanak!"
"Nasaan na ang mga bata? Sina Jun-Jun at si Gino?" tanong naman ng Mom Violy ko. Nakayakap sa kanya ang younger sister ko na si Katherine. "Ang anak ko na si Ren?!" Nag-aalala siya. May hawak siyang trident na armas.
"Sumunod ang dalawa sa halimaw na kumuha kay Clarissa." sabi ni Mang Jose na umiiyak pa rin.
"Ang mga bata ay nasa Espiritwal na dimensyon na naman!" sambit ni Nurse Ruby. "Kagagaling lang nila sa purgatoryo!"
"Huwag po kayong mag-alala. Magagaling po sina Jun-Jun at Gino. " tiwalang sinabi ni Katherine. "Sila po ang nagligtas sa akin di ba? At kahit si Clarissa, alam kong di niya hahayaang saktan siya ng halimaw na kumuha sa kanya."
"Tama, si Katherine. Ang magagawa na lang natin ay magtiwala sa dalawang batang iyon para iligtas si Clarissa." pagsang-ayon ni Sir Daniel.
"HINDI! GUSTO KO, AKO MISMO ANG MAGLILIGTAS SA AKING ANAK!" pagmamatigas ni Mang Jose. "Buhano!" tawag niya sa kanyang elementong-kaisa. "Buksan mo ang lagusan papunta sa inyong mundo, sa El Kantadia! Alam kong isang engkanto ang kumuha sa aking anak. Di ako titigil hangga't di ko siya naliligtas."
Sa isang iglap may isang duwendeng maliit na may suot na dilaw na damit ang nagpakita. "Jose! Paki-usap di ngayon ang tamang oras para magpadalos-dalos sa desisyon." pagtanggi ni Buhano.
"Pero..."
"Jose, bilang isang albularyo at punong kasapi ng SKKKS kailangan namin ang iyong orasyon para maitama ang gulong nagawa ng engkanto at mga tiyanak." marahang paalala ni Nurse Ruby.
"Isang malaking eskandalo ito kung kumalat sa buong bayan ng San Nicolas!" sabi ni Mom Violy. "Magagawa mo bang burahin ang ala-ala ng lahat ng tao dito? Kailangan nilang makalimutan ang gulo ngayong gabi."
Huminga ng malalim si Mang Jose at tumungo. "Pagpasensyahan nyo na ako. Oo, bilang punong kasapi ng SKKKS, kailangan kong panatilihin ang kaayusan sa pagitan ng mga tao at mga espiritwal na nilalang."
_____________________________11/19/2014
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support!
NEXT CHAPTER:
EL KANTADIA (Part 2) (Ren Dela Rosa's POV)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top