Chap.32: Talent Contest (Part 2)
๑۩۞۩๑ Talent Contest ๑۩۞۩๑
(Clarissa Gutang's POV)
Di ako mapakali. Excited na natatakot, masaya pero kabang-kaba, feeling proud pero at the same time nahihiya... I have mix of emotions! Ganito pala ang feeling ng kasali sa isang contest! But I know I can do this!
"Think as if its a matter of life and death!" bulong ni Kikay sa aking isipan.
Natawa ako. Si Kikay talaga, over kung minsan!
"Okay, ganito na lang... Do this for yourself and for the people who belives in you!" dagdag ng aking elementong-kaisa.
Ngumiti ako at binaling ang paningin sa upuan ng mga parents. Hinap ang isang mukhang pamilyar na alam kung full support sa akin. Si Tay Jose.
Nakita ko siya sa di kalayuan. Dali-daling kumaway sa akin nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya. Ngiting-ngiti at kitang-kita na proud na proud siya sa akin. Nahihiya na nga ako kapag lumalabas sa aming bahay kasi buong barangay ata namin alam na kasali ako sa isang contest sa school. Lagi na lang ako ang bukang bibig ng tatay ko at pinagmamalaki sa mga kaibigan at mga regular niyang ginagamot bilang isang albularyo. Di ko naman mapigilan ang tatay ko kasi in my history of being a student, ito ang first time kong sumali sa isang contest kaya napaka-big deal nito sa tatay ko.
Tumayo ako at kumaway pabalik sa kanya.
"Anak ko yun! Tingnan mo!" yan ang nakikita kong sinasabi niya base sa galaw ng kanyang bibig sa kanyang katabi.
Halos maluha ako kasi todo talaga effort ng tatay ko, kahit ang damit na minsan lang niya gamitin para sa mga special occasions ay suot-suot niya.
"Tay, gagalingan ko para sa'yo!" bulong ko sa aking sarili. Mahal na mahal ko ang tatay ko and I'll do my best to make him proud.
"This is so amazing! I think we have a larger audience this year!" komento ng current holder ng Mr. O.A. student of the year.
"You are right!! And I bet they are soooo excited to know who's going to get the title." sagot ng ka-partner na Ms. O.A. student of the year.
Ang cute nilang tingan sa matching formal na damit nila.
"Are you all EXXXXXCITEEEED?!" sabay nilang tanong sa audience.
"YEEEEEEEEEEEEESSSSSSSSSSSS!" sagot ng karamihan. Nakakabingi ang sabay-sabay na hiyawan, sigawan at palakpakan ng audience.
"Gino and Jenny!" tawag ng adviser namin na si Sir Daniel Solis. Sila ang first contestants. Nalaman ko sa line-up na ako ang pang-last sa mga first years. Di ko alam kung matutuwa ba ako na panghuli ako o lalo akong ma-iistress kasi prolonging the agony! Imbes na tapus na ako kaagad, makikita ko muna ang lahat ng performance nila bago ako magperform. Natatakot ako na bigla ko na lang maisipan na magback-out kung makita kong wala akong laban sa kanila.
"Ayan ka na naman!" saway ni Kikay. "Don't be discouraged! Ang galing-galing mo kaya! Eto' ang isipin mo... panghuli ka kasi ikaw ang pang-GRAND FINALE! Huwag kang mag-alala, lagi lang akong nasa tabi mo."
Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa aking likuran. Alam kong naka-invisible lang ang aking elementong-kaisa at niyakap niya ako to make me feel her presence.
"Salamat, Kikay."
"This year, freshmen are highly competitive."
"I know right?! Now let's see their talents!"
"Ladies and Gentlemen, let's give it up for the first contestants from first year, section 1, Waling-Waling, Gino Ivan Lazaro and Jennifer Roque!" sabay na sigaw ng dalawang emcees.
Malakas ang palakpakan ng aming mga classmates at ibang first years. kahit ako super excited para kina Gino at Jenny. Pero I do hope na okay ang magiging performance nila kasi si Gino mismo di bilib. Sabi niya kasi di naman kagalingan si Jenny sa pagsayaw ng ballet.
But I pray for the best!
Naglakad na si Gino sa gitna ng stage at nagbow. May mga girls na naghiwayan. Nagkaroon na din siya ng sariling fans club sa school. Napangiti ako, iba talaga ang nagagawa ng exposure.
Nagplay ang theme music ng 'Swan Lake' na ballet. Napakaganda at nakakarelax sa pandinig.
Pumasok na si Jenny. Ang spotlight ay naka-focus sa kanya na syang nagpakinag sa kanyang napaka-glittery na damit. Napakaganda ni Jenny . Kahit ako ay napapigil-hininga sa mangha. Lalo pa akong namangha nang nag-tiptoe na siya at nagsimulang sumayaw.
Paano kaya nasabi ni Gino na walang talent si Jenny?! Ang galing ng mga galaw niya, napaka-graceful at flowy na para bang ma-iimagine mo na instead of lake, sa dagat siya sumasayaw! Maiisip mo na isa siyang profesional balerina!
Well... kahit si Gino ay speechless. Ang nakakatawa, para lang siyang nanunuod sa sayaw ni Jenny. Maraming pagkakataon na wala sa sarili si Gino at kailangan pa siyang senyasan ni Jenny kung anong next nagagawin.
"HAHA! Epic Fail itong si Gino!" natutuwang komento ni Kikay. "For a moment kala ko wala ka nang laban sa kanila!"
"Kikay!" saway ko.
Natapus na sila. Medyo na hihiyang nagbow si Gino kasama si Jenny kasi na realize niya na wala naman talaga siyang ginawa sa stage. Pero kahit papano, malakas ang mga palakpakan ng mga tao.
Ang next ay si Hero Salvanera na taga section 3, Sampaguita. Ang bihis niya ay pang-rapper. Pero infairness naman sa kanya, napaka-astig niyang tingnan.
"I dedicate this song sa mahal na reyna, kay Queen Regina..." lakas loob niyang sinabi bago siya nagstart. Marami ang naghiyawan at nakatingin kay Regina Co na nag-aacting na nasusuka at diring-diri.
"Yo! Yo! Check this out YO!" panimula niya. Natapus ang kanta na halos panay "Yo" ang kanyang binabanggit.
"Mga 50 times siya nagsabi ng YO!" natatawang sambit ni KIkay.
"Kikay, ano ka ba!" sabi ko.
Sumunod naman sina Katherine at Jun-Jun. Nagballroom dance sila at ang galing-galing nila! Well rehearsed ang mga steps kahit simple. Marami ang nagpalakpakan at nagandahan sa performance nila.
"Nervous?" biglang may nagsalita sa aking likuran. Nagulat ako. Si Regina pala.
"Huh? H-Hindi naman." sagot ko.
"Get ready to lose!" sabi niya. "You better back-out to avoid getting embarrassed because I know you will!"
Simula nang naging magkaibigan muli kami ng Katherine naging worst ang pag-uugali niya. Kung may skills siya ng panghihiya at panlalait, para bang naglevel-up ito at naka-focus lang sa akin. Bakit ba ang laki ng galit sa akin ni Regina?
Pero I'm trying hard to change. Di na ako ang dating Clarissa.
"Hindi. Hindi ako magpapatalo sa'yo Regina." sagot ko at tiningan siya ng masama.
Medyo natigilan si Regina. Di niya ata ine-expect na sasagot ako.
"Let's see... Let's see..." sabi niya sabay tawa.
"Sorry. Pagpasensyahan mo na siya" bulong ni Diane Alonzo sa akin at sinundan sina Regina at Jessa Lopez. Sila na ang next after kay Elvin Manggubat.
Di ako maintindihan kung bakit sunod-sunuran na ngayon si Diane kay Regina.
"Maldita talaga ang batang iyon!" naiinis na komento ni Kikay.
"Hayaan mo na siya. Basta di ako papatalo sa kanya."
"Tama!" sang-ayon ni Kikay.
Di ko na pinansin si Regina at binaling ang atensyon sa performance ni Elvin este Elvina. Tama naman siya sa sinabi niya na kakabogin niya ang lahat kasi kung effort ang pag-uusapan ay panalo na siya. Nakapang-katutubo ang get-up niya at may malaking headdress na puno ng mga makukulay na pakpak. Todo bigay siya sa kanyang mga galaw habang sumasayaw at umiindak sa tunog ng dalawang tambol na pinapatugtug ng dalawa naming classmates. Natuwa naman ako sa last part dahil nag-roar siya na parang leon. Feel na feel talaga. Marami ang nasiyahan at nagpalakpakan.
Turn na nina Regina. Naglakad muna siya sa stage na para bang nag-fafashion show. Aaminin ko di naman talaga siya magpapahuli. Nagsimula nang tumunog ang isang pop music. Sumayaw siya kasabay nina Jessa at Diane as back up dancers. Malambot ang katawan ni Regina at sadyang mapang-akit. Maraming mga boys ang nagsipulan at nagpalakpakan sa bawat galaw niya. Okay na sana kung hindi lang kay Jessa na parang robot kung sumayaw at kay Diane na di makasabay sa mga steps. Nang matapus, di na nagawang magwave paalis ni Regina, dali-dali niyang tinulak ang dalawa sa back stage para sigawan.
After ng isa pang pares ng first years ay ako na. Mabagal ang paglakad ko patungo sa backstage kasi nanginginig ako sa kaba.
"Go, Clarissa!" cheer sa akin nina Katherine at Jun-Jun. Sinalubong nila ako.
"Galingan mo, ha" sabi ni Gino.
Nginitian ako ni Jenny na nakapagtatakang di na madikit kay Gino.
"Sa-Salamat." sabi ko.
Napansin ko ang kuya ni Katherine na nakaupo sa sulok at tinotono ang kanyang gitara. Umangat ang ulo niya at nagtama ang tingin namin.
Si Ren Dela Rosa.
Nag-iba bigla ang bilis ng tibok ng puso ko.
THUG... THUG... THUG.. THUG... THUG..
Napapikit ako at huminga ng malalim. Nang minulat ko muli ang mga mata ko, di na siya nakatingin at busy sa kanyang ginagawa.
Siya pala ang first contestant sa mga second years.
"EXCUSE ME!" sabi ni Regina at tinulak ako papalyo sa kanyang dadaanan. Muntikan na ako matumba patungo sa sahig pero may nakasalo naman sa akin.
"Regina, what are you?!" inis na sambit Katherine habang tinulungan akong makatayo ng maayos.
Tinaasan ni Regina ng kilay ang dating kasama at nawaywang.
"Oppss, sorry." sagot niya. Tumalikod siya para lumabas ng backstage pero lumingon saglit. "Oh, I'm so excited to see you performance, Clarissa." sabi niya tapus tumawa na parabang pang-evil laugh ng isang witch. Sumunod si Jessa na napapangisi. Si Diane naman ay may gusto sanang sabihin pero pinigilan ni Jessa at hinila papalabas.
"Kulang talaga sa pansin!" sabi ni Kikay sa isip ko.
"And now to mesmerize us with her voice, let's welcome Clarissa Gutang from 1st year, section 1, Waling-waling!"
This is it!
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa center stage. Halos di na ako makahinga sa sobrang kaba. Nakakahilo ang dami ng mga mukhang nakatingin sa akin.
Kaya ko ba 'to? Paano kung magkamali ako? Paano kung di nila magustuhan? Paaano kung mapahiya ako?
"Clarissa, Focus!.. Focus!" cheer ni Kikay. "Kaya mo 'to!"
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
"I can do this" sabi ko sa aking sarili.
Lumipas ng ilang segundo, isang minuto... pero bakit di pa rin nagsisimula ng kakantahin ko?
Nagsimula nang magbulungan ang mga audience.
Lumapit sa akin ang isa sa mga emcees. "Clarissa, may problema tayo, nawawala ang CD ng kakantahin mo."
Halos manghina ako sa narinig ko. Di ako nakaimik agad at napatitig lang sa kanya.
"Clarissa, okay ka lang?" tanong nito.
"A-Anong ga-gawin ko...?" nangingig ang aking mga labi.
"No choice ka. Kakanta ka ng walang tunog." sagot nito na para bang natutuwa sa katalinuhan niya.
"Wa-Walang tunog...?"
"Clarissa! Focus!" sumisigaw na si Kikay sa aking isipan. "Walang problema, eh di kumanta ka ng walang tunog! Mas okay nga kasi mas rinig nila ang ganda ng boses mo! CLARISSA, RELAX!"
Huminga muli ako ng malamin. Kailangan kong magrelax. Tama si Kikay mas maririnig nga nila boses ko kung walang tunog.
"Okay lang kakanta pa rin ako." sabi ko. Tumungo ang emcee at nag-thumbs up sa mga nagkakagulong mga estudyanteng nakatoka sa sounds ng program. Alam nilang masasabon sila ng di oras dahil nawala nila ang CD ng isang contestant.
Napalingon ako sa side ng stage. Kitang-kita ko ang pag-aalala ni Katherine at ang pagkadismaya nina Gino at Jun-Jun. Tumungo at ngumiti ako sa aking mga kaibigan para iparating na okay lang ako.
Si Regina? Halos maluha sa kakatawa. Siya kaya may kumuha ng CD ko?! Pero di ko muna iyon iisipin ngayon. Focus muna.
"Due to some technical problems, Clarissa will sing a capella." sabi ng emcee sa lahat.
Okay lang naman ito pero may mga estudyante ding di natuwa.
"Boooooo!"
"May nagsabotahe sa mga first years! Baka ang mga second years!" sigaw ng isang first year.
"Anong sabi mo?!" maay nag-react na isang second year.
Di rin nagtagal nagsisihan ang mga first years at second years.
Ang mga faculty members ay kinalma ang mga estudyante. Nakasimangot si Principal Gilliam Zaide. Kahit ang mga judges ay dismayado din.
Parang gusto kong umiyak on the spot. Bakit ba kailangan mangyari ito?
"Clarissa, anak!" sigaw at kaway ng aking Tay Jose. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Huminga ako ng isang napakalalim na hininga. Kinalma ang sarili. Nagrelax. Pumikit. Nagfocus.
Hinawakan ko ng mahigpit ang aking microphone at binuksan ang bibig.
If you love me like you tell me
Please be careful with my heart
You can take it, just don't break it
Or my world will fall apart
Natahimik ang lahat at nakinig.
You are my first romance
And I'm willing to take a chance
That 'til life is through
I'd still be loving you
I will be true to you
Just a promise from you will do
From the very start please be careful with my heart...
Di ko inaasahan. Ang plano ko i-sosolo ko ang kantang ito. Pero ako ay natigilan nang out of the blue may kumantang lalaki.
I love you and you know I do
There'll be no one else for me
I promise I be always true
For the world and all to see
Napalingon ako sa likuran ko. Feeling ko sasabog na aking dibdib. Nagwawala ang aking puso.
THUG... THUG... THUG.. THUG... THUG..
Ang lalaking crush na crush ko... Ang lalaking gustong-gusto ko... Ang lalaking pinapangarap ko... Ang lalaking ilang beses nagpaiyak sa akin...Ayaw ko mang aminin pero siya... Ang lalaking pinakamamahal ko...
Dala-dala ang gitarang nakadikit sa isang amplifier, lumapit siya aking tabihan. Ang emcee ang nag-ayos ng microphone at nilagay sa isang stand habang nagpatuloy siya sa pagkanta.
Love has hurt, some lies softly spoken
And I have had my heart badly broken
I've been burned and I've been hurt before
So I know just how you feel
Trust my love is real for you
I'll be gentle with your heart, I'll caress it like the morning dew
I'll be right beside you forever,
I won't let our world fall apart
From the very start, I'll be careful with your heart
Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Sa isang iglap, para bang kami lang ang nasa mundo, magkasama at kumakanta. Para akong nasa isang panaginip. Oh, kung panaginip lang ito, ayaw ko nang magising.
Sana mas mahaba pa ang kanta... Sana totoo ang lahat ng ito...
Nagulat na lang kami at nawala ang aming munting mundo na para lang sa amin nang nagpapalpakan ang lahat ng audience, may mga nag-standing ovation pa. Kasabay ng sigawan ay kantyawan. Marami ang natuwa, marami ang kinilig, marami ang naingiit.
Tulala pa rin ako. Di ako makausap ng matino. Nanghihina ako at halos di ako makatayo. Nanginginig aking buong katawan. At ang pinakamalala sa lahat ay ang aking puso na di na tumitibok, kundi tumatalon sa galak, sa kilig!
Nangyari ba ang nangyari?!
"Oo!" sigaw ni Kikay sa aking isipan. Tuwang-tuwa.
Nag-peperform na ang mga contestants ng second years. Di ko malaman kung paano ako napunta pabalik sa upuan ng mga contestants sa tabi ng stage. Ang tanging natatandaan ko ay ang pagkanta namin ni Ren.
"Nahimatay ka sa sobrang kilig at binuhat ka ni Ren dito." sabi ni Kikay.
"Nahimatay ako sa kilig?!" gulat kong sambit, namumula. Nakakahiya!
"Grabe, nakakakilig kayo ni kuya!" biglang sabat ni Katherine. Akala niya kinakausap ko ang sarili.
"Asar man ako dun, pero he did a good job. Para tuloy siyang knight in shining armor mo!" komento ni Gino.
Tumungo naman pareho sina Jun-Jun at Katherine.
Namumula pa rin ang aking mga pisngi. Di ko napigilang hanapin si Ren sa mga contestants na nakaupo. Nakita ko siya sa part ng mga second years. For some reason, naramdaman niya na ako ay nakatingin sa kanya at lumingon siya sa aking direksyon. Ngumiti ako sa kanya pero napawi ang aking ngiti nang hindi man lang nagbago ang blankong ekspresyon ng kanyang mukha. Isang saglit pa ay binaling muli niya ang paningin sa may stage.
He'to na naman.
He'to na naman ako sa paniniwalang ang isang pangarap ay pwedeng makamit...
_____________________________11/11/2014
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support!
NEXT CHAPTER:
DOLL EXHIBIT (Clarissa Gutang's POV)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top