Chap.30: ANG MULING PAGTIBOK NG PUSO

This chapter is longer than expected! Dapat lang! Kasi this is about Ren and Clarissa! 
Balita ko may mamatay daw dito?!!! WHAHHAH! 
Basahin at alamin!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ANG MULING PAGTIBOK NG PUSO๑۩۞۩

++++NARRATOR'S POV++++++++++++++++++++++



Halos sumakit ang ulo ni Clarissa Gutang. Pakiramdam niya ay last minute siyang nagsaulo ng isang buong libro para sa isang on the spot recitation at ang matindi, it's a matter of life and death!

Mabilis ang tibok ng puso niya, sa takot, sa kaba... pero higit sa lahat, mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kakaibang excitement dahil sa tagisan ng kagalingan sa mga dasal.

Ang nakakamangha ay mabilis siyang naka-pick up lalo na sa salitang banyaga na ginamit ng mga unang misyonaryo na nag-akda ng 'Libro ng mga Dasal.'

Pero hindi siya dapat maging kampante dahil ang nasa harapan niya ay ang isang masamang mangkukulam na hindi magdadalawang-isip na gumamit ng orasyong nakakamatay.

"Ir Usted

La Criaturas de Oscuro

Sombra Usted

Siembra de Gloom" sambit ni Romano.

(Humayo kayo

Mga nilalang ng dilim

Anino ninyo

Maghasik ng lagim!) Mula sa mga bahaging di naaabutan ng apoy na nagsisilbing ilaw sa malawak na pabilog na silid, naglabasan ang ilang mga Aninong-ligaw. Ang mga di matahimik na kaluluwa na tuluyang nagpasakop sa kadiliman.

Nangilabot si Clarissa habang unti-unting gumagapang sa kanya ang mga ito. Alam niya ang kakayanan nitong humigop ng lakas habang unti-unti ka nitong pinapatulog sa kamatayan.

"Latigong-tinik!" tawag niya at mula sa kanyang magkabilang mga kamay ay tumubo ang matinik na baging puno ng dahon at kulay-lila na mga bulaklak ng bagumbilya. Mabilis niyang pinaghahampas ang mga Aninong-ligaw.

"Lo ser mi Oracion, Lo ser Escular!

La Fuerza ella ser Extrato!"

(Ito ay aking dasal, ito ay dinggin!

Ang lakas niya ay kunin!) dagdag ng mangkukulam. Isang orasyon nagpapahina.

"Yo ser Proteger en Oración de Adversario!" sagot ni Clarissa.

(Ako ay protektahan sa orayson ng kalaban!) Isang orasyon ito na nagpapawalang bisa ng isa pang orasyon. Malaki ang papasasalamat niya at ito ay automatic at animo'y matagal na niyang ginagamit dahil natural niya itong nasambit.

Napagtanto niya na kung sino man ang napili ng libro, ang mga orasyon nito ay kusa nang mapapasaiyo at walang kahirap-hirap na magagamit.

"Yo ser Atractivo. Yo ser Complacer!

Grave Angustia ser Espectáculo" sambit ni Romano.

(Ako ay sumasamo. Ako ay pagbigyan!

Matinding kasakitan ay ipamalas!) Orasyong nagbibigay ng matinding sakit ng katawan.

"Yo ser Proteger en Oración de Adversario!"

Natawa si Romano. "Ang orasyong iyan ay hindi laging epektibo lalo na sa isang sumpa!

Lo ser mi Gustos.

La mi Petición ser Espectáculo!

Una Espejismo man ser Verdadero más también.

La Enfermedad que una Pesadilla en Vista!"

(Ito ay aking kagustuhan.

Ang aking hiling ay ipamalas!

Isang ilusyon man ay totoo pa rin.

Ang sakit na isang bangungot sa paningin!)

Biglang nangati ang lalamunan ni Clarissa. Napaubo siya at laking gulat niyang nang may isang itim na insekto ang lumabas sa kanyang bunganga. Ilang ubo pa at mas maraming insekto ang lumabas.

"HAHAHAHHAAHHA!" malakas na tawa ni Romano.

Napatunganga saglit si Clarissa. Di niya inaasahan ang sumpang ginawa ng mangkukulam laban sa kanya. Nandiri siya sa nangyayari. Umuubo siya ng insekto!

"Ano na? Kaya mo bang tapatan ang sumpa ko? Nasa iyo na ang Aklat ng mga Dasal pero marami ka pang hindi alam!"

"UGHH HUGGHH!" malakas ang pag-ubo ni Clarissa halos hindi na niya naintindihan ang sinabi ni Romano. Hindi na rin siya nakalipad pa sa ere. Para bang nawalan siya ng lakas.

Ano na ang gagawin ko?!

Clarissa, relax! bulong ng kanyang elementong-kaisa na si Kikay. Pinaglalaruan lang ng mangkukulam ang isip mo!

Anong ibig mong sabihin?

Pero hindi narinig ni Clarissa ang sagot ng diwata ng muli siyang umubo ng malakas.

"AAAAHHHHH!" Napasigaw siya ng malakas at halos na mahimatay dahil may kung anong mahaba at madulas ang lumabas naman sa kanyang bunganga. Isang itim na ahas!

"HAHAHAHAHAHAH!" sobra-sobrang natawa si Romano. Lubos siyang nasisiyahan sa pinaghalong takot, gulat at pandidiri na reaksyon ni Clarissa.

CLARISSA! HUMINAHON KA! KAYA MO 'TO! sumisigaw na si Kikay sa kanyang isipan. ISANG ILUSYON LANG ANG NAKIKITA MO! giit ng diwita. Alam niyang hindi totoo ang nararamdaman at nakikita ng kanyang taong-kaisa dahil wala naman talagang lumalabas na insekto o ahas sa bawat pag-ubo nito. Hindi sumpa ang sinambit ng mangkukulam, isang dasal ng panlilinlang!

P-Pero... nanginginig na si Clarissa. Naiinis siya. Hindi dapat ganito. She's better than this! Kung ilusyon nga ito, kailangan niyang makaisip ng orasyong pangontra dito!

"WAAAAHHHHHHHH!" muling napasigaw si Clarissa nang makita niya ang kanyang balat ay unti-unting namumula at nagkakabukal! Nakaramdam siya ng sobrang pangangati sa buong katawan! Wala na siyang naisip kundi ang magkamot.

"Para sa mga mangkukulam at pati na rin sa mga albularyo, mahalaga ang lakas ng pag-iisip. Kung ano man ang nilalaman ng iyong isip, ito ay may kakayanan na ikagaling mo o ikabaliw mo! HAHAHHAHA!"

Biglang may malakas na pagguho mula sa isang parte ng silid na kinaroroonan nila.

"CLARISSSSSAAA!" sigaw ni Ren Dela Rosa. Tumalon siya mula sa butas ng dalawang silid mula sa pagguho ng isa sa mga poste.

"Hmp, isa pang asungot! Kayo na ang bahala!" muli siyang tumawag ng mga Aninong-ligaw upang pigilan si Ren sa paglapit.

"ULAN NG KIDLAT!" handang pagsugod ni Ren. Dahil ang kidlat ay natural na pinagmumulan ng liwanag na siyang pinakaayaw ng mga ito. Walang kahirap-hirap na nalusaw ang mga ito.

Mabilis na tinungo niya kung nasaan si Clarissa.

"Clarissa, nandito na ako. Tutulungan kita." bungad niya pero hindi ito tumugon. Nagpatuloy lang ito sa pagkamot sa kanyang makinis na balat na namumula! Ubo din ito ng ubo. "Anong nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Ren pero hindi pa rin sumagot si Clarissa. Tulala lang ito at nakatingin sa kawalan. Sigaw pa ito ng sigaw!

"ANONG GINAWA MO KAY CLARISSA!" galit na sambit ni Ren. Humarap ito sa mangkukulam. Nababalutan na ng kuryente ang kanyang mga kamay at muling binuo ang kanyang palasong kidlat. Hindi siya magdadalawang-isip na patamaan ang mangkukulam.

"Hindi mo ako masisindak, bata!" natatawang sagot ni Romano. "Oo nga may elementong-kaisa kayo pero mahihina pa rin kayo para sa akin!

Lo ser mi Oracion, Lo ser Escular! La Fuerza ella ser Extrato!"

Biglang nakaramdam ng matinding panghihina si Ren.

"Ugh! Anong ginawa mo sa akin?!" pinilit niyang tumayo pero animo'y lantang-gulay ang kanyang mga braso at mga hiya!

"HAHAHHAHAHA!" natutuwa na naman si Romano dahil may bago siyang laruan. "Yo ser Atractivo. Yo ser Complacer! Grave Angustia ser Espectáculo" sinambit niya ang orasyong nagbibigay ng matinding sakit ng katawan.

"ARRRRRGGGGGHHHHH!" sigaw ni Ren sa sobrang sakit. Pakiramdam niya ay nilalamog ang kanyang mga lamang loob.

"Di gaya sa dalaga na isang ilusyon lang, ang sa iyo ay totoong sakit! Isang matinding pagdurusa ang mararanasan mo bago ka tuluyang mamatay!"

HIN-HIINNDDEEE! ARGHH! HINDI... H-HINDI PWEDE!" galit na galit na sigaw ni Ren. Namimilipit man sa sakit ay tiniis niya. Pinilit niyang tumayo. "PINAPANGAKO KO NA IPAGTATANGGOL KO SI CLARISSA, KAHIT BUHAY KO MAN ANG KAPALIT!"

"Kahanga-hanga." napangiti lang ang mangkukulam. "Hahaha, ang mga kabataan nga ngayon! GUSTO MONG MAPABILIS ANG IYONG KAMATAYAN?! PWES, SIGE SUBUKAN MONG LUMAPIT SA AKIN!

Lo ser más que Poder!

La mi Desear ser Complaser!

En Paso, Sufrimiento la Reemplazo!

En Movimiento, Angustia y Enfermedad!"

(Ito ay higit na kapangyarihan!

Ang aking nais ay pagbigyan!

Sa hakbang, pagdurusa ang kapalit!

Sa galaw, pighati at sakit!) Sa bawat paggalaw ni Ren, bigla na lang siyang nagkakasugat. Animo'y may invisible na mga kutsilyo na humihiwa sa kanya!

"AAARRGGHHHH!" Hindi rin nagtagal ay duguan na siyang nakatayo. Ang hakbang niya ay parang sa isang sanggol sa unang pagkakataon sa paglalakad, maliliit at mababagal na hakbang. Katakot-takot na sakit ang nararamdaman niya na kahit anong minuto ay maaari na siyang bumigay!

CLARISSSSSSAAAAA! TINGNAN MO SI REN! SI REN! CLARISSA! halos magwala na si Kikay sa kanyang isipan. Nais na niyang kumawala saglit sa kanilang pagiging isa at sampalin ang taong-kaisa niya para matauhan! Pero hindi niya magawa dahil ito ay mas ikakahina ng katawan ni Clarissa at baka tuluyan niyang ikabaliw! Alam niya na kahit ang elementong-kaisa ni Ren na si Kidlaon ay di magawang iwanan ito dahil kung magkaganoon man, kanina pa dapat patay ang binata.

R-Ren?

OO, SI REN! PAKIUSAP CLARISSA, SANA MATAUHAN KA NA! KAILANGAN KA NYA!

Ren? lumingon si Clarissa. Ilang hakbang lang na nasa harapan niya ito.

"Ren? REN!!" sigaw ni Clarissa. Nagliwanag ang kanyang isip at nawalan ng bisa ang orasyon ni Romano sa kanya. "REN!!" nagmadali siyang tumakbo papunta dito. Nangilabot siya sa itsura nitong puno ng sugat at duguan. Animo'y galing ito sa isang giyera at nakipaglaban hanggang sa kamatayan.

Kamatayan.

Nanlaki ang mga mata ni Clarissa, punong-puno ng luha.

Hindi. Hindi pwedeng mamatay si Ren!

"REN! REN! REN!" tawag ni Clarissa. Kung kanina siya ang tulala. Si Ren naman ngayon pero purong puti na lang ng mata ang nakikita ni Clarissa. "HINDI, PLEASE! REN, HUWAG! REN! HUWAG MO AKONG IWAN!" sa kanyang pagyakap dito ay mabilis na bumigay si Ren. Sinalo ni Clarissa ang bigat nito at dahan-dahang inihiga ito. Pero kahit sa simpleng paggalaw ay patuloy pa ring nagkakasugat ito. Kahit si Clarissa ay basang-basa na ng dugo. "Ren!" humagulgol na si Clarissa sa pag-iyak. Hindi niya kayang mawala si Ren sa kanya!

"Cla-Clarissssssaaa..." mahinang pagtawag ni Ren.

"Ren, oo. Nandito ako. Magpakatatag ka. PLEASE!"

Sa simpleng pagngiti ni Ren, ay nagkasugat-sugat ang kanyang mukha na halos ang mga luha niya ay animo'y dugo na rin. Kalunos-lunos talaga ang kanyang itsura.

"M-Mahal na mahal kitaaaaaa..."

Nadurog ang puso ni Clarissa sa sinambit ni Ren. Oo, alam niyang mahal na mahal siya nito. Ilang beses na ba niyang pinatunayan ito sa kanya? Halos sa araw-araw na lang ay nag-eeffort ito na ipadama ang kanyang pagmamahal. Pero siya, ano ang ginagawa niya para suklian ito? Wala. Madalas ay di niya ito pinahahalagahan at malimit ay iniiwasan pa ito. Ito ay dahil sa simple at mababaw na dahilan na hindi na tumitibok ang puso niya para dito! Ang pagtibok na pinaghalong kaba, kasiyahan at pagtatangi. Ang pagtibok na gaya noong simula at sapul na pagkagusto niya para dito. Ang patibok na bigla na lang nawala sa pagkakataon pa nang nagtapat na ang pag-ibig sa kanya si Ren!

Malakas ang kanyang kutob na isinumpa siya ni Romnick Andreda. Hindi niya alam kung kailan o paano pero ito lang naman ang simpleng dahilan para mawala ang espesyal na pagtibok ng puso niya para dito. Alam niya sa kanyang isipan ang wagas na magmamahal niya para dito, ang puso lang ang di sumusunod. Kung malimit, nagtatalo ang puso at isipin, ang puso niya ang makulit at nagmamatigas sa tunay niyang nararamdaman para kay Ren!

"La Corazón Puesto ser de nuevo Reintroducir.

La Corazón Cansado ser de nuevo Estimular!"

(Ang pusong nahimlay ay muling buhayin.

Ang pusong napagod ay muling pasiglahin!) Sana matagal na niyang binanggit ang orasyong ito. Ang orasyong muling nagpapatibok ng puso sa minamahal. Matagal na niyang napansin ito sa Aklat ng mga Dasal. Sana ay noon pa niyang ginawa ito. Para sa kanya at lalo na para kay Ren!

Wala.

Wala pa ring nararamdaman ang kanyang puso. Walang pagtatangi, walang pagkagusto... Walang pagmamahal!

"Ren, sorry. Sorry kung naging manhid ako. Sorry kung binabale-wala ko ang lahat ng ginagawa mo para sa akin. Sorry."

Wala nang reaksyon si Ren. Nakatitig lang ito sa kanya, nakangiti.

THUG...

"REN! NARIRINIG MO BA AKO?! REN!"

THUG... THUG...

"REENNNN!!"

THUG... THUG... THUG...

Naalala niya ang tagpong nakatalikod si Ren, naglalakad papalayo sa kanya. Nanghina si Clarissa sa katotoohanang maari na siyang iwan ni Ren at hindi na kailan man babalik pa. Aalis at iiwanan na siya... habang buhay. Wala na! Mawawala na sa kanya si Ren na mayabang, makulit, pacute, malambing at...

THUG... THUG... THUG...

... Mahal na mahal niya!

"REN! HUWAG MO AKONG IWAN! MAHAL NA MAHAL KITA! DI KO KAYA NA MAWALA KA SA AKIN! REENNNN!" sigaw ni Clarissa. Ngayon ay halos pumutok na ang kanyang dibdib sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Nag-uumapaw ang kanyang damdamin para kay Ren. Naipon ito at ngayon ay sumabog na at hindi niya kayang pigilan! "MAHAL NA MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA!" paulit-ulit na sambit niya.

Pero.

Wala nang reaksyon si Ren. Nakatitig lang ito sa kanya. Blangko.

"REEENNNNNN!!! Alam kong BUHAY KA PA! REEEENNNN! SUMAGOT KA!" iyak ng iyak si Clarissa. Hindi siya papayag na mawawala sa kanya ang kanyang pinakamamahal!

Tinapat ni Clarissa ang kanyang teyna sa dibdib ni Ren. Naririnig niya ang napakahinang patibok nito.

May pag-asa pa! Hindi siya bibitiw!

"La su Sensible Enfermedad ser Desaparecer.

La su la Herida ser Desaparecer!"

(Ang iyong nararamdamang sakit ay mawawala.

Ang iyong mga sugat ay maglalaho!) Isang orasyong nagpapagaling ng sugat.

Mabilis na naghilom ang mga sugat ni Ren.

"Ren?" tawag ni Clarissa.

"Clarisssssaaaa..." mahina ang boses nito. Umubo ito bigla ng dugo.

"REN! Hindi ko maintindihan, bakit hindi ka pa gumagaling?"

"HAHAHHHAHAAH! Wala ka nang magagawa. Mas matindi ang orasyon ko sa iyo. Oo, nahilom mo nga ang mga sugat niya pero hindi ang nasa loob. Unti-unti nang nasisira ang kanyang mga lamang-loob! WALA KA NANG MAGAGAWA!" giit ni Romano.

"HINDI!" hindi matanggap ni Clarissa ang narinig.

May pag-asa pa. bulong ni Kikay na sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataong magsalita. Kailangan mo lang matalo ang mangkukulam para mawalang bisa ang kanyang orasyon. Nagawa mo na kanina sa kanyang ilusyon, magagawa mo siyang matalo. Magkaroon ka lakas ng loob at pag-iisip.

Tumango si Clarissa.

"Maglaro muli tayo! Lo ser mi Gustos. La mi Petición ser Espectáculo! Una Espejismo man ser Verdadero más también. La Enfermedad que una Pesadilla en Vista!" sambit ni Romano.

"Yo ser Proteger, Fuerzas Nucleo de Fuerza!"

(Ako ay protektahan, Pwersang ubod ng lakas!) Naglabas ng isang malakas na pwersa si Clarissa at hindi man kita pero ang epekto ng orasyon ay hindi dumapo sa kanya. Ikinagulat ito ni Romano.

"Magaling. Alam mo na ngayon gumamit ng pwersa sa kapaligiran...

Yo ser Proteger, Fuerzas Nucleo de Fuerza!" naglabas din ng pwersa si Romano.

Mabilis naman itong sinalubong ni Clarissa.

Ngayon ay tagisan na ng purong pwersang lakas ang nangyayari sa isang mangkukulam at isang albularyo. Pwersa sa masama at pwersa sa mabuti. Di gaya ng mga elemento na nagmumula sa kalikasan, ang kapangyarihan na ginagamit ng mga orasyon ay ang mga pwersang nagmumula sa kapaligiran at kahit sa mga emosyong nanggagaling sa tao. Ang pwersang ito ang siyang nagpapatotoo sa kahit ano mang orasyong sambitin. Paglakas ng pwersa, paglakas at pag-epektibo ano mang dasal. Kahalintulad din ito sa matinding pananampalataya sa Diyos.

Matagal at matindi ang laban. Parehong hindi nagpapatalo ang dalawa. Alam ni Clarissa, saglit lang na mawala siya sa focus ay matatalo siya ni Romano.

"Alam kong pagod ka na, iha." sambit ng mangkukulam. Kanina pa siyang nagsasilita upang galitin o sirain ng konsentrasyon ni Clarissa. "Magpahinga ka na! Tingnan mo ang kasama mong binatilyo. Ren ang pangalan niya, tama? Wala ka nang magagawa. Kanina pang may bisa ang orasyon ko sa kanya, sa malamang patay na siya!"

Napalingon saglit si Clarissa. Lubos-lubos ang pag-aalala niya para dito.

KAABBOOOOOOM! Nagkaroon ng pagsabog ng pwersa at tumalsik si Clarissa.

"HAHAHAHHAHA! Talo ka na!"

"HINDI!" mabilis namang tumayo si Clarissa at nagpakawala ng higit na malakas na pwersa.

Hindi nagpahuli si Romano at kinalaban ito.

"Alam kong nag-aalala ka kay Ren, bakit ka pa nagpapakahirap? Wala-"

"TUMAHIMIK KA!" naiinis na si Clarissa. Wala nga siyang panahon, kailangan matapos na ito! Binigay na niya ang kanyang buong lakas.

"Rosabilya, aking elementong-kaisa.

Ang kapangyarihan mo ay sa akin.

Ang nais ko ay pagbigyan.

Ang elemento mo at pwersa ko ay pag-isahin!" pagtawag ni Clarissa.

But of couse, my dear! No need to ask! sagot ni Kikay.

Napangiti si Clarissa. Kailangan niyang banggitin ang orasyong iyon para mas maging epektibo.

Lumiwanag ng kulay lila ang pwersang pinapakawala ni Clarissa. Umangat siya sa ere gamit ang kanyang mga pakpak. Pinaghalong kapangyarihan ng elemento ng kalikasan at pwersa ng kapaligiran!

Kahit si Romano ay napanganga at namangha sa pinapamalas na kapangyarigan ni Clarissa.

"HINDI MAARI!" ang tanging na sambit ng mangkukulam bago siya matabunan ng napakalakas na pwersa! Lubos siyang nanghina at unti-unting nawalan ng malay.

Talo siya. Natalo siya ng isang batang albularyo!

May isa na namang malakas na pagsabog ang naganap.

Hindi nag-aksya ng panahon si Clarissa at sinagip si Ren bago tuluyang gumuho ang buong silid. Lumipad siya papasok sa isang pintuan na biglang na lang nagpakita. Hindi na siya nagdalawang-isip dahil mapanganib ang manatili sa gumuguhong silid.

Hindi naman niya pinabayaan si Romano. Niligtas ito ng isang malaking nakasaradong bulaklak. Pero hindi makakalabas ang mangkukulam hangga't hindi niya ginusto.

"La su Enfermedad que Sensible ser Finalmente cuando Disipar!

Lo la mi Desear, Ahora también!"

(Ang kanyang sakit na nararamdaman ay tuluyang nang iwaksi!

Ito ang aking nais, ngayon din!)

Makalipas ng ilang minuto ay muling bumalik ang kulay sa namumutlang balat ni Ren. Nasa normal na anyo na ito bilang tao.

Si Kidlaon ay nasa di kalayuan at nagpapahinga. Matindi din ang paghihirap na naranasan ng sentauro upang mapanatiling buhay ang binata.

"Salamat." sambit ni Clarissa. "Malaki ang utang na loob ko sa iyo... sa inyo." lumingon din siya kay kikay na nakaupo naman sa tabi ni Ren. Nasa normal na anyo din si Clarissa. "Kung wala kayo, wala na din kami ni Ren. Salamat!"

"Hay, certified, drama queen ka din eh! Daig mo pa si Regina!" komento ni Kikay. Natawa ang dalawa. "Pero, bakit di pa nagigising si Ren?"

"Ren." lumapit si Clarissa at inihiga niya ang ulo nito sa kanyang hita. Marahang niyang hinaplos ang mukha nito.

THUG! THUG! THUG!

"Oh, bakit napapangiti ka dyan?" tanong ni Kikay. "Aminin mo, kinikilig ka, noh!"

Tumango si Clarissa.

"Naku, lagot! Patay na patay ka naman kay Ren!"

"Ren, gising na." malambing na tawag ni Clarissa.

Oo, di na niya pinagkakaila. Bumalik na ang dating pagtatangi niya dito. Ang kanyang pagmamahal!

"Hoy, Ren, WAKE NA!" sigaw ni Kikay.

"Siguro may nais siyang marinig." seryosong mungkahi ni Kidlaon.

"Hmmm..." tiningnan ni Kikay ang Sentauro. Bihira lang kasi itong magsalita sa kanyang pagkakakilala. "Totoo ba?"

Hindi pinansin ni Kidlaon ang diwata.

"Ano bang gusto mong marinig?" tanong ni Clarissa. Nahalata na niya na nagtutulog-tulugan na lang si Ren.

"Naku, baka gusto niyang marinig na gwapo sya o ang hot niya. Malaki din ego nyan eh!" sabi ni Kikay.

"Alam ko naman kung ano ang gusto niyang marinig." nilapit ni Clarissa ang mukha niya at hinalikan ang noo ni Ren. "I love you..."

Minulat ni Ren ang kanyang mga mata at umupo sa harap ni Clarissa.

"Sabi ko na nga ba, nagtutulog-tulugan ka lang!" reklamo ni Kikay.

"Tumahimik ka muna!" sagot naman ni Kidlaon. Hinawakan ang maliit na beywang ng diwata at inihagis papalayo!

"WAAHHHHHH!"

"Sa wakas at narinig ko na rin ang pinapangarap kong marinig mula sa iyo, Clarissa..." saglit na inayos ni Ren ang isang hibla ng buhok sa noo nito. "I love you too." nilapit niya ang kanyang mukha at hinalikan ito sa labi.

Ang kanilang first kiss.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 08/08/2016

OMG! Finally at okay na sina Ren at Clarissa. Okay Alright! Sige na. End na po ang story. WALA NANG KASUNOD! 

Hahahha! Joke lang po. Syempre mayroon pa! And we only got 2 chapters na lang! Abangan!

Salamat sa pagbasa.

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top