Chap.3: ESPIRITUNG-GABAY
Magandang Araw!
Here's my latest update!
And YES, sa wakas, may POV na si Katherine!
Read this chapter and Enjoy! Thanks!
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
๑۩۞۩๑ESPIRITUNG-GABAY๑۩۞۩๑
++++KATHERINE DELA ROSA'S POV++++++++++++++++++++++
I am restless. Mabilis ang pintig ng puso ko. Maybe sa sobrang stress.
There are alot of things happening sa mga nakalipas na mga araw. Hindi pa umuuwi si Kuya Ren. Sinabayan pa when suddenly, Gino's mom went missing. Jun-Jun even joined in searching! Grabe, ang gulo-gulo na! And worst, Clarissa's dad is in the hospital.
Is there no end with problems?
"Oh Dear Lord, sana po patnubayan Nyo kami." mahina kong dasal. Napapikit ako sa marahang haplos ng hangin sa aking pisngi. I felt peace. Biglang nawala ang aking pagkabahala. Tumingin ako sa langit and smiled.
"Thank you po, Lord."
It's nakakapanibago. Hindi naman ako madasalin dati but ever since I was possessed noong first year ako, nilapit ko na ang sarili sa Diyos. It was a nightmare na makapunta sa Purgatoryo, sa mundo ng di matahimk na mga kaluluwa. Ayaw ko na itong maulit muli.
I really am worried for Jun-Jun. As far as I know, a spirit took Gino's mother into Purgatoryo. And Jun-Jun joined! Sometimes... No, most of the time, boys think impulsively! Yet, alam ko naman na kaya nila. May elementong-kaisa si Jun-Jun.
Bumaba na ako sa tricycle na sinakyan ko patungo sa Simbahan ng San Nicolas. Magdadasal muna ako before going to the hospital to visit Clarissa's dad.
Unang hakbang ko pa lang may white dove na dumapo sa aking shoulder then quickly flew away towards the nearest tree. It took my attention. Hinabol ko siya ng tingin. I felt like the bird is staring back at me. Marahil gusto nito na sundan ko siya. Lumipad sita at dumapo sa isang pangh puno at sabay harap sa akin, waiting.
I guess, there's nothing wrong If I follow the dove. Just for fun perhaps. I walked going near it.
And I was right, pinapasunod nga ako ng ibon. I followed it hanggang sa dumapo ito sa isang nakabukas na gate.
I stopped. Ito ay gate papasok sa Semeteryo ng San Nicolas!
++++CLARISSA GUTANG'S POV++++++++++++++++++++++
Nakakagulat. Si Romnick ang totoong may sala sa pagkaaksidente ng Tay Jose ko!
Mabilis akong humakbang patungo sa kanya at binigyan siya ng malakas na sampal. Hindi ko din napigilang siya ay pagpapaluin.
"IKAW PALA ROMNICK!! BAKIT?! BAKIT MO NAGAWA ITO SA TATAY KO?!!"
"Wait lang Clarissa!" hindi na sindak si Rimnick at hinawakan niya ng mahigpit ang akong mga bisig para pigilan ako sa pananakit sa kanya.
"Bitawan mo ako!" utos ko. Umiiyak na ako sa galit. "Ang sama-sama mo!"
"Clarissa, let me explain."
"HINDI!" buong lakas ko siyang tinulak . Lumayo ako ng ilang hakbang. Gusto ko talaga siyang sugudin at pagpapaluin. Hindi niya alam kung gaano ako nag-alala para sa ama ko. Hanggang ngayon nanginginig ako sa takot na baka mawala sa akin ang Tay Jose ko!
Pero pinilit kong pinakalma ang sarili ko.
"Clarissa..." sinubukang lumapit ni Romnick.
"TIGIL!" sogaw ng elementong-kaisa kong si Kikay. "NAKU, NAKU NAKU! Ikaw pala!" humarang siya sa harap ni Romnick. Nakapameywang siya at nakasimangot sa ere. "Sabi ko na nga ba INOSENTE si ni Ren! Tara Clarissa, isumbong na natin si Romnick sa pulis!"
"Kikay, umalis ka sa harapan ko. I need to talk to Clarissa."
"Aba wait a minute, kapeng mainit! Paano mo ako nakilala?" tanong ni Kikay.
Kahit ako man ay nagulat.
"Ah... Kasi..."
"NAKU!" hindi siya pinatapos ni Kikay. "Clarissa, nakikita na pala niya ako dati pa. Ibig sabihin noon nagsisinungaling na siya! Huwag kang maniwala sa mga sasabihin niya! He's a liar!"
Hindi siya pinansin ni Romnick at nagtangka pa ring humakbang papalapit sa akin.
"ABA! ABA! ABA! Sa tingin mo, ganun na lang kita kadaling ipapalapit kay Clarissa? OVER MY CUTE BODY! Siguro naman alam mo ang pwede kong gawin." banta ng diwata.
"OO ALAM KO!" naiinis na sagot ni Romnick. "Sarap mong tirisin!"
"Anong sabi mo?" galit na sagot ni Kikay.
"WALA!" huminga siya ng malalim. "Pakinggan mo pa rin ako, Clarissa..."
Ayaw ko man makinig, gusto ko rin malaman ang dahilan niya.
"Gaya mo, galing ako sa pamilya ng mga albularyo. Ang totoo ay napag-utusan lang ako ng aking lola at ate. Gusto nilang makuha ang 'Aklat ng mga dasal.' Hindi ko intensyong saktan si Mang Jose... Kung hindi lang nangialam si Ren, okay na sana." halatang sa tono ng kanyang boses ang pagkairita kay Ren. "Clarissa, maniwala ka na hinding-hindi ko sasaktan ang tatay mo..."
"BLA! BLA! BLA! Sinong niloko mo!" sabat ni Kikay. "Huwag kang makinig dito, Clarissa! Sinadya niya ang aksidente para mapasama si Ren at siya ang masisis. Di ba sabi ni Ren may nagco-control daw sa kanya? Si Romnick yun, siya ang nagmanipula sa galaw ni Ren! BAD KA! DI KAYO BAGAY NI CLARISSA!"
Hindi na nakapagtimpi si Romnick.
"Tumahimik kang MALIGNO ka!
Este ser mi Preferencia.
La mi Solicitud ser Demonstrar.
Ako ser Proteger
Fuerza nucleo de Fuerza!"
(Ito ay aking kagustuhan.
Ang aking hiling'y ipamalas
Ako ay protektahan,
Pwersang ubod ng lakas!)
Nagulat si Kikay. Hindi siya handa nang biglang may malakas na pwersang nagpatalsik sa kanya patungo sa pader!
"Aaarrgggghhh!" nahilo ang diwata. nakaramdam din siya ng sakit sa naipit niyang mga paru-parung pakpak.
"IKAW!" galit na sigaw ni Kikay!
"ROMNICK!" gulat na sigaw ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"Lupa, lupa
Ako ay iyong alagad, iyong sugo.
Ako ay sumasamo
Kadena De Amor!" mula sa labas, sa may bintana pilit pumasok ang mga baging gumagapang na may maliit na bulaklak. Mabilis itong kumalat sa kwarto ng ospital at humaba patungo kay Romnick. Mahigpit na pumulupot ito sa leeg niya.
"KIKAY!" sigaw ko.
Pinipilit ni Romnick na makawala pero wala siyang magawa. Unti-unti na siyang nanghihina at nauubusan ng hininga.
"KIKAY TAMA NA!"
Umiling si Kikay pero alam niya na mali ang ginagawa niya. Napabuntong-hininga ang diwata. Nakasimangot niyang pinakawalan si Romnick.
"UUrggghhhh! HAAAAHHHHH...Ahhh... Ahhh..." desperadong huminga ng malalim si Romnick at pinuno ng hangin ang kanyang mga baga.
"Okay ka lang, Romnick?" di ko mapigilang mag-alala.
"Ugghh.. O-Okay , okay ako, Clarisssa... Sa-Salamat... Iba ka talaga. Napakabait mo." hinahabol pa rin niya ang kanyang hininga.
Tumingin ako kay Kikay. Nagpa-cute lang diwata at nag-bbeautiful eyes pa. "Masisisi mo ba ako? Siya ang nauna! Masyado ako baby face at adorable para tawaging MALIGNO! I HATE HIM!"
"Sorry, Clarissa..." bulong sa akin ni Romnick. Hindi ko namalayan na niyakap niya ako mula sa likuran. Mahigpit niyang diniin ang sarili sa akin. Hindi ko magalaw ang aking mga bisig. Di ako makapalag.
"Romnick ANO KA BA?! Tama na ito!" sambit ko.
"CLARISSA!"
"Subukan mo, Kikay! BAKA GUSTO MONG MASAKTAN SI CLARISSA?!" banta ni Romnick.
"Masama kang tao, Romnick! Mapanglinlang ka!" giit ni Kikay. Hindi niya magawang sumugod. Takot siya na baka nga saktan ako ni Romnick.
"Clarissa, ibigay mo na kasi ang 'Aklat ng mga Dasal' para matapos na tayo dito. Ayaw kitang saktan..."
Hindi ko na maitago ang aking pagkamuhi sa kanya. "HINDI! Tama nga si Tay Jose. Albularyo man o Mangkukulam, marami ang may interes sa aklat. Sa tingin mo ba, Romnick sa ginagawa mo ngayon, ibibigay ko sa'yo ang kalat ?!"]
"Clarissa, please. Ayaw ko na nagkakaganito tayo. Alam mo naman na gustong-gusto kita. Gusto kong magkasundo tayo. Ganito na lang... Pumayag ka sa nais ko..."
Naramdaman ko ang kanyang paghalik sa batok ko at pag-amoy sa buhok ko. Nandiri ako.
"Clarissa, bakit hindi na lang magtulungan tayo? pareho naman tayo galing sa pamilya ng mga albularyo, bakit hindi natin paghatian ang kapangyarihan ng 'Aklat ng mga Dasal?' Mas bagay tayo. Hindi karapat-dapat si Ren sa'yo."
"ANO KA SINUSWERTE?! TEAM REN PO AKO!" pagtutol ni Kikay. Hindi inaasahan ni Romnick na may baging na palang pumulupot sa kanyang mga kamay.
Mabilis akong nakawala sa mga bisig ni Romnick. Sinampal ko siya ng malakas na halos nagmarka na sa kanyang mukha.
"CLARISSA!" galit na sigaw ni Romnick sa akin.
Inunahan ko na siya.
"I es Apelando
I es Indulge
Solicitud I
Hindi Movimiento el Gente que!"
"Ako ay sumasamo
Ako ay pagbigyan,
Hiling ko,
Hindi makagalaw ang taong ito!" tumigil si Romnick sa pagpalag at nanatiling hindi gumagalaw.
++++KATHERINE DELA ROSA'S POV++++++++++++++++++++++
I'am hesitant. Nagdadalawang-isip ako kung magpatuloy ako sa pagsunod sa dove. Lumipad ito at dumapo sa pinakamalapit na nitso.
Susunod ba ako? Kinakabahan ako but para bang may nagsasabi sa akin na kailangan kong sundan ang ibon and I NEED to do it!
"Oh Lord, please guide me..." mahina kong dasal.
I walked straight papasok sa sementeryo. Breathe in... Breathe out... Nilibot ko ng tingin ang kapaligiran. It seems okay naman. Tahimik ang sementeryo sa tanghaling-tapat. Tirik na tirik ang araw at napakaliwanag, bakit ako matatakot?
Patuloy ang pagsunod ko sa dove habang patuloy din itong palipat-lipat ng dinadapuan. Sa wakas, dumapo ito sa nag-iisang nitso na nalalayo sa ibang libingan. Kataka-takang puno ito ng deep marks na parang galing sa isang wild animal claws.
I got a heavy feeling about this. Sa tingin ko may something na nangyari dito. I can't tell but uts something unnatural... Paranormal perhaps.
Lumipad ang dove sa ilalim ng blangkong lapida ng libingan at may shiny na bagay itong tinutuka, pilit na inaalis sa pagkakapulupot sa mga grasses.
Curious, ako na mismo ang lumapit at pinulot ang bagay. Isa itong kwintas na may cross na pendant.
This necklace seems familiar.
Iniisip ko pa kung saan ko nakitra ang kwintas ng biglang lumamig ang simoy ng hangin. I shivered. Bakit ba manipis na white dress ang sinuot ko today!
Then suddenly from no where I heard dogs howling. Kinilabutan ako. Tapos biglang dumulim. Napatingin ako sa langit. Large and thick black clouds covered the sky. In just a snap, parang gumabi agad. Dumilim ang buong sementeryo at animo'y it's night time already!
Natatakot na ako. I am frightened.
AAAAHHHHHHWWOOOOOOOAAHHHHH... GRRRRRR....
Napuno ng nakakakilabot na mga unggol ang kapaligiran and out of the shadows may mga faceless na hugis tao ang gumapang papalabas!
I screamed! It was so scary!
They crawled towards me. Sa kanilang paglapit bigla akong nanghina and sleepy. I was alarmed. Malakas ang kutob ko na hindi ako dapat maantok. Alam ko pagpikit ko, sususgudin nila ako and who knows what they'll do to me! Eat me alive?!
"Our Father who are in heaven..." I started to pray. Oh Lord, please protect me!
May isang itim na kamay ang biglang lumabas mula sa lupa at tinangkang hilain ang aking paa!
Then for some reason, biglng tumalsik ito kasama ang buong katawan nito na lumabas galing sa lupa.
I was shocked. Nakaramdam ako ng mainit na bagay sa aking mga palad. It was the necklace! I felt safe like a touch from a mother. Naalala ko bigla si Mommy Violy. I was reminded of my mother's love.
"Gino..." I heard a woman's soft voice.
Si Gino? Kay Gino kaya ang kwintas na ito? I then concluded that the necklace was from Gino's mother. Ang nanay ni Gino na ngayon ay nawawala at hinahanap nila ni Jun-Jun.
GGGRRRRRRRRR!
May galit na hayop ang biglang sumulpot mula sa lupa! Isa itong malaking aso na may makapal at maitim na balahibo, malaki ang pangil at pulang-pula ang mga nanlilisik nitong mga mata.
I moved a couple of steps back. Buti na lang hindi na makalapit sa akin ang mga aninong gumagapang. They were somehow afraid of the necklace. Sinuot ko ito which made it shine brighter.
But not the beast. Parang lalong nagalit ito sa pagsuot ko ng kwintas.
GGGRRRRRRRRR!
naghanda na itong sumugod. Kitang-kita ko ang kanyang pointy claws, ready to slice me!
Is this my end?!
"Oh Lord!" I should have ran pero dead end! Sa kakamove backward ko, di ko napansin na sa may pader ako napaatras! I am a dead meat!
I closed my eyes not wanting to see my killer.
1... 2... 3...
The beast jumped on top of me, mought wide open and eager to bite my head off!
BBOOOOOOMMMMM!
May malakas na impact!
I was amazed. I'm still alive? I opened my eyes. I gasped. Di ko inaasahan, isa itong pambihirang pangyayari!
Sa harapan ko ay ang dove na unti-unting nag-aanyong tao!
May mahaba siyang buhok na medyo blonde at matipunong katawan. Ang damit niya ay sparkling white.
"Nasa maayos ka bang kalagayan?" tanong niya. Malambing ang kanyang boses. Nakita ko din ang kanyang napakagwapong face!
I speechlessly nodded. I can't stop myself na kiligin!
Ngumiti siya. Then using his sword, hinati niya sa dalawa ang halimaw! Sa isang iglap nawala ito na parang bula.
And as if on cue, sabay namang bumalik sa dati ang lahat. Sa muling pagliwanag, the sun rays made him shine majestically. Naaninag ko din ang pagbuo ng maputing pakpak sa likuran niya.
OMG! I was saved by an ANGEL!!!
"Kamusta ka na, Katherine?" simula niya. "Matagal na kitang binabantayan. At sa wakas nakita mo na ako..."
I don't know. It took me awhile to response and let everything sink in!
Ngumiti muli siya. "Ako si Micaelo, sugo ng Diyos ang iyong espiritung-gabay..."
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 01/11/2016
OH ayan! How was it?
Wow, si Katherine ay may espiritung-gabay na!
Ano kaya ang magiging role ni Katherine sa kwento?
Abangan!
Oo nga pala, paki-comment ng inyong thoughts about this chapter at Please Vote na din!
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top