Chap.29: Isang Red Lady (Part 1)

 ๑۩۞۩๑ Isang Red Lady ๑۩۞۩๑

 (Junior "Jun-Jun" Sta. Maria's POV)

Damang-dama ko ang pagkatama ng baril. Nakakabaliw sa sobrang sakit!

"Ibarra!" umiiyak na sambit ni Maria Katerina Dela Rosa at niyakap ang aking duguang katawan.

"Ma-Maria Katerina." nanginginig ang aking boses. "Kailangan makaalis na tayo dito." hinang-hina na ako at lumalabo na ang aking paningin pero hindi dapat ako magpapatalo, kailangan kong kayanin para sa ikaliligtas ng aking mahal.

Tinulungan akong tumayo ni Maria Katerina at kahit paika-ika ay binuhos namin ang natitirang lakas para makalabas sa bulwagan.

"N-NAKKKKAAAKAAALIMUTANNN NYO YATA AKKKKKOOOO!" sambit ni Don Paquito La Quintanillas

BANG!

Isa pang bala...

Ang isang bala na tuluyang nagwasak ng aking pangarap para sa aming dalawa ni Maria Katerina. 

Kinapa ko ang aking dibdib.

Dugo.

Pilit ko mang pigilan ang pagsirit, hindi ko kaya. Imposible. Ang bala ng baril ay nag-iwan ng isang butas na animo'y isang bukal ng dugo na tuloy-tuloy ang pagdaloy papalabas sa akin. Unting-unting inuubos ang aking buhay.

Umubo ako ng dugo. Nanlabo ang paningin at napaluhod.

Oo, katapusan ko na. Ito na ang wakas ng aking buhay.

Matutumba na ako papunta sa sahig nang sinalo ako ng aking pinakamamahal sa buhay. 

"IBARAAAA!" namaos na si Maria Katerina. Malakas ang hagulgol.

"Pa-Patawarin mo ako..." luha ay walang sawang dumaloy. "Hi-Hindi na ki-kita makakasa-ma... ughh Hindi mannn la-lang kita na protekktahhhan..."

"Hindi. Huwag Ibarra! Lumaban ka!" pagmamakaawa niya. "Huwag mo akong iwan!"

"LLagi mo..mong tandaan, mahal na mmmaaahhhaal ki-kitaaa... " 

At na lagutan na ako ng hiniga...

"Ughhh!" 

"Jun-Jun okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Clarissa Gutang.

Huminga ako ng malalim. Para bang di ako huminga ng isang saglit at kinulang bigla ang hanging dumadaloy sa aking baga.

Hindi ako agad na nakapagsalita. Napahawak ako sa aking dibdib.

Feeling ko namatay na ako.

"WALA KANG AWA! WALA KANG PUSO! MAMAMATAY TAO KA! HALIMAW KA!" galit na sambit ni Katherine habang pinagpapalo at pinagsasampal niya si Don Paquito. 

"Haha! Ngayon, akin ka lang Maria Katerina. Wala nang sagabal sa ating pagmamahalan!"

"Walang sino mang magmamahal sa'yo!" tinulak niya ito papalayo at tumakbo palabas ng bulwagan.

"BUMALIK KA DITO! DI MO AKO MATATAKASAN!" hinabol siya ni Don Paquito.

Tulala pa rin ako at di agad nagproseso ang utak ko sa mga nangyayari. 

Di ko maintindihan. Naguguluhan ako.

Ano bang nangyari kanina? Bigla na lang naramdaman ko at naranasan ang pagkamatay ni Ibarra. 

"Jun-Jun..." may tumawag sa aking pangalan.

Laking gulat nina Gino Lazaro at Clarissa nang tumayo bigla ang patay na katawan ni Ibarra. Duguan at kitang-kita ang butas sa may dibdib na syang kumitil ng kanyang buhay.

"Ipagpatawad mo kung pinaranas ko sa'yo ang aking pagkamatay." panimula niya. "Gusto ko lang namang maintindihan mo ang pagkabigo ko para protektahan ang aking mahal. Kung sana... kung sana di nalang ako namatay..."natigilan ang multo ng ilang saglit."... hindi sana... magpapakamatay si Maria Katerina."

"Magpapakamatay si Maria Katerina?! Hindi kaya... " gulat kong sambit. Nangamba ako bigla. 

"Oo, tama ang iyong iniisip. Nasa panganib ang kaibigan mo. Kung di mo siya mapipigilan, maaari niyang kahinatnan ang naging wakas ng buhay ng aking mahal. Si Maria Katerina ngayon ang gumagamit ng katawan ni Katherine." pagbunyag ni Ibarra.

"HINDI!" di na ako nag-aksaya ng panahon at tumakbo upang sundan si Katherine.

"Hintayin mo kami, Jun-Jun!" sabi ni Gino.

"Bilisan natin!" sagot ko.

Tumakbo kami pababa ng hagdanan. May mga patay na bisita rin sa labas. Mukhang walang iniwang buhay si Don Paquito.

Nasa labas na sila ng lumang mansyon.

"Ito, Ito ang tagpo sa aking pangitain!" namanghang sambit ni Clarissa. "Hinahabol ni Don Paquito si Katherine sa may Owkward Academy open field."

"Bumalik ka dito, Maria Katerina!" sigaw ni Don Paquito.

"Katherine!" tawag ko. Hinabol ko sila at naunahan ko kaagad ang paika-ikang si Don Paquito. Hinawakan ko si Katherine sa may balikat niya. Napatigil siya at tumingin sa akin.

"Katherine, tama na 'to! HINDI IKAW SI MARIA KATERINA!" sabi ko.

"Hindi... Hindi ikaw si Ibarra!" sagot niya nang mapansin ang suot kong damit na pang guwardiya. Tinulak niya ako at muling tumakbo. 

"Maria Katerina!" galit na tawag muli ni Don Paquito.

"HINDI SIYA SI MARIA KATERINA!" sigaw ko, sinalubong ito at hinarangan ang kanyang dadaanan.

"Sino ka?! Umalis ka sa harapan ko!"

Napakabilis ng pangyayari. Pumutok ang kanyang baril! Napapikit ako at biglang natumba.

Nabaril ba ako?

Dito na rin ba ako mamatay?

Nabigo ko si Ibarra... Nabigo ko si Katherine!

"Hoy!" nagsalita si Gino. "Okay ka lang?"

Minulat ko ang aking mata. Tinulak pala ako ni Gino. Iniligtas niya ako!?

"Jun-Jun, natulala ka diyan! Ayos ka lang ba?"

"Ayos sana kung umalis ka sa ibabaw ko! Ang bigat-bigat mo!!" reklamo ko.

Natawa si Gino. "Sorry naman!" Tinulungan niya akong tumayo.

Nahihiya mang sabihin. "Salamat."

"Weh! Mamaya na yan. Di pa natin naliligtas si Katherine!"

"BITIWAN MO AKO!" sigaw ni Katherine sa di kalayuan. Naabutan na siya ni Don Paquito.

"Maria Katerina, mahal na mahal kita. Una pa lang kitang nakita ay binihag mo na ang aking puso." Pilit niyang niyayakap si Katherine. 

Naiinis ako. Ayaw kong may ibang humahawak kay Katherine. Susugod na sana ako nang biglang pinigilan ako ni Gino.

"Teka lang Jun-Jun. Hintayin muna natin ang mangyayari." sabi niya.

"Ayaw ko sa'yo. Kailanman di kitang magagawang mahalin! Nasilaw lang sa kayamanan mo ang aking mga magulang pero ako... WALA, wala akong nararamdaman para sa'yo!"

"Wala ka nang kawala. Nakatali ka na sa akin! Akin ka lang!" giit ni Don Paquito at marahas na hinarap ang mukha ni Katherine at pilit na hinalikan!

GRRRRRRRRR! Di ko 'to kayang panuorin!

"LUMAYO KA SA AKIN!" kinagat ni Katherine ang labi ni Don Paquito.

"ARRRAAAYYYY! Walang hiya kang babae!"

Di nag-aksaya ng pagkakataon si Katherine, dali-daling kinuha niya ang baril at tinutok niya kay Don Paquito.

"Ma-Maria Katerina?! Ano ang gagawin mo? Hindi mo magagawan yan!"

Nanginginig man ang mga kamay, buo na ang loob ni Maria Katerina sa kanyang gagawin.

Galit na galit na inubos niya ang lahat ng bala. Pinatay niya si Don Paquito!

Nang wala nang balang ma-ibaril, dito pa lang natauhan si Katherine sa kanyang ginawa. 

Sumigaw siya. Nangingilabot at nandidiring pinagmasdan ang kanyang duguang kamay. Halos magwala siya sa kakahagulgol kasi ang dating puting-puting damit ay pulang-pula na sa dugo. Ang dating inosente at maganda ay naging imahe na ng kamatayan! 

Isang Red Lady.

"Katherine!" tawag ko at di nagdalawang isip na niyakap si Katherine.

"JJun-Jun?"

"Katherine nakikilala mo na ako?" 

Tumungo siya. "A-Ano ang nagawa ko? Na-Nakapatay ako ng t-tao?"

"Hindi! Hindi ikaw ang gumawa niyan, Si Maria Katerina."

"Si Maria Katerina! Nakakatandang kapatid siya ng kalola-lolahan namin noong panahon pa ng mga kastilla" natatakot na sambit ni Katherine. "Sa kanya ang brooch na butterfly. Bigay sa kanya ni Ibarra. Nagambala ko siya nang sinuot ko ang brooch niya... Si-Siya ang may kagagawan ng lahat ng ito!"

Umiyak muli siya. Tumingin sa aking mga mata. "Tulungan mo ako...." ang kanyang huling sinabi nang biglang tumirik ang kanyang mga mata at nanginig ang buong katawan.

"Katherine?! Katherine!"

"Hindi ako si Katherine, ako si MARIA KATERINA!" sagot niya. Tinulak niya ako at tumakbo muli papasok sa loob ng lumang mansyon.

_____________________________

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

WAIT FOR THE PART 2 OF CHAPTER 28: ISANG RED LADY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top