Chap.27: Ang Lumang Mansyon (Part 1)

 ๑۩۞۩๑ Ang Lumang Mansyon ๑۩۞۩๑

      (Junior "Jun-Jun" Sta. Maria's POV)

"Katherine, nasaan ka na?" 

Sobra akong kinakabahan, natatakot at nag-aalala. Nasaan na si Katherine? 

Siya ang huling dumating galing sa cycling, halos nangalahati na sina Clarissa sa running. 

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

Di siya sumagot, tumingin ng blangko at wala sa sariling tumungo.

Napalingon lang ako saglit dahil si Clarissa na pala ang nanalo pero pagtingin ko muli kay Katherine na nasa harapan ko, bigla na lang siyang nawala ng parang bula!

Imposible na tumakbo siya agad at nagtago nang tumingin ako sa direksyon ni Clarissa kasi segundo lang ang lingon ko! At kung tumakbo man siya, dapat makikita ko siya agad dahil sobrang layo pa ng mga bleachers na upuan mula sa running track ng open field!

Malakas ang kutob ko na kagagawan ito ng itim na usok na nais makasakit kay Katherine. Di ko pa rin makalimutan ang babala sa akin ni Ibarra, ang guwardiyang multo. Ang sabi niya, nasa panganib daw si Katherine. Di naman ako nakapagtanong ng maigi kais bigla na lang siyang nawala. Akala namain nang itapon ni Katherine ang brooch na hugis paru-paru, okay na ang lahat. Hindi pala.

Lalo pa akong nag-alala dahil sa pangitain ni Clarissa.

Kasalanan ko nanaman ba ito? 

Ano na naman ang nagawa ko? Bakit napaka-guilty na naman ang feeling ko?

Naisip ko bigla ang aking mga magulang. Oo, ayaw ko man aminin pero ako ang may kasalanan kung  bakit wala na sila sa mundong ito.

Dahil matigas ang ulo....

Dahil makasarili ako... 

Pero di ko pa rin matanggap na kasalanan ko lahat. Para saan pa ang pagsisi kung huli na ang lahat?

Dapat ba sinabi ko na agad ito from the start kina Clarissa at Gino? Bakit ko nga ba pinigilan na sabihin ni Clarissa kay Gino ang nangyayari?

Buo kasi ang  tiwala ko sa aking sarili. Naniniwala ako na kaya ko at di ko kailangan ang tulong nila. Mali na naman ba ako? Sana ba pumayag ako sa sinabi ni Clarissa na humingi ng tulong kay Gino o kung kanino man? 

Hindi naman ako nakinig.

"...Buksan ang iyong pandinig. Buksan ang iyong puso..." naririnig ko ang mahinang tinig ni Magayon sa aking isipan.

"Anong kalokohan ang pinagsasabi mo! GAGO KA!" galit na sigaw ni Ren Dela Rosa.  Isang malakas na suntok ang binigay niya sa akin. Tumalsik ang aking salamin.

"Mr. Dela Rosa! Violence is not allowed in school!" saway ni Sir Gilliam Zaide, ang highschool principal. 

Nasa principal office ako, pinatawag kasi para tanungin kung may nalalaman ako. Sinabi ko lang naman ang totoo.

"Ren, No need to hurt, Jun-Jun!" sabi ni Sir Daniel Solis. Inabot niya sa akin ang aking salamin at tinulungan niya akong tumayo.

Nagpipigil ako. Gustong-gusto ko na siyang gantihan. Di ko pa rin nakakalimutan ang paggugulpi ng kanyang mga kaibigan sa akin. Gamitin ko kaya ang aking elementong hangin?

Kung di lang siya kuya ni Katherine!

"Tama na yan, anak!" pagpigil ni Ginang Violy, ang nanay nina Ren at Katherine. Napasugod agad siya nang malaman na nawawala ang kanyang bunsong anak. "Hind ngayon ang oras ng pag-aaway! Naku, Nasaan na ang aking anak." Umiiyak na siya sa pag-alala. 

"Misis, please be calm. Naghahanap na sa buong campus ang mga school guards at notified na rin ang lokal na polisya ng San Nicolas" pagbanggit ni Principal Gilliam. 

Di ko alam kung bakit pero para bang  may pakiramdam akong walang pakialam ang aming principal. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Tumingin siya ng masama. Napaligon tuloy ako sa ibang direksyon.

"Violy, makikita rin si Katherine."Sir Daniel assured. "Magdasal na lang tayo."

May malakas na katok sa pintuan.

Dali-daling pumasok si Nurse Ruby Javier. "Nakita na si Katherine!" bungad niya.

"Magaling naman! Saan nakita?"

"Nasaan ang anak ko?!" 

"Nasaan si Katherine?"

Magkakasabay natanong nina Sir Daniel, Ginang Violy at Ren.

"Nakita siya sa may mini park ng campus, walang malay."

"Ano ang nangyari sa anak ko?! Okay lang ba siya?!" halos magwala na sa takot si Ginang Violy.

Kahit ako man, nangangamba. Sana okay lang siya!

"Okay lang si Katherine. Nawalan lang ng malay, walang sugat or signs na may nanakit sa kanya, Violy."

"Gusto kong makita ang aking anak!" 

"Sumunod kayo, nasa school clinic siya."

Dali-daling pumunta kaming lahat sa may clinic na same building lang naman kung nasaan ang principal's office. Mas nauna ako sa kanila, tumakbo ako. Gustong-gusto ka nang makita si Katherine. 

May dalawang estudyanteng nag-aabang sa may labas ng clinic. Sina Gino Lazaro at Clarissa Gutang.

Pero bakit sila lang? Nasaan ang ibang classmates namin? Nasaan ang so called bestfriends niya na sina Regina at Jessa? Sa mga panahon na ganito malalaman talaga ang tunay na kaibigan.

"Jun-Jun!" nag-alalang tawag ni Clarissa. "Nagkatotoo na kaya ang pangitain ko?"

"Bakit di mo agad sinabi? Sana binantayan din namin si Katherine." sambit ni Gino na may pagka-inis. "Ano ba kasi ang iniisip mo?!"

"Ewan di ko alam. Di ko naman ito inaasahan." sagot ko. Naiinis na rin ako. Bakit ba may ganang magalit sa akin si Gino? Ang ayaw ko sa lahat may ibang taong sinisisi ako. Hindi ako guilty!

"Guys, tama na yan. Nagkakainitan na naman kayo. Pasalamat na lang tayo at nakita na si Katherine." sabi ni Clarissa na pumagitna sa amin.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ni Ren nang makita si Gino.

Nakasunod na ang mag-ina kasama sina Sir Daniel at Nurse Ruby. Di sumama si Principal Gilliam.

"R-Ren, friend namin si Katherine. Nag-aalala din kami." biglang nahihiyang sagot ni Clarissa.

"Salamat, Clarissa" sabi ni Ginang Violy. Gaya ni Ren, masama din ang tingin niya kay Gino at sinabing: "May kasamang kamalasan ang batang ito. Kung ako sa'yo Clarissa, di ako laging sumasama sa batang may kinalaman kay Gunaw."

Nakatitig din si Gino ng masama.

"Mom, sino si Gunaw?" biglang natanong ni Ren.

"Violy!" saway ni Sir Daniel. Umiling din si Nurse Ruby.

"Wala iyon, anak. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." sagot ng nanay ni Ren. "Katherine, anak!" biglang sambit at dali-daling pumasok sa loob ng clinic.

"Huwag kayong susunod!" babala ni Ren. Pumasok na rin sina Sir Daniel at Nurse Ruby. Naiwan kami sa labas.

"Ang yabang talaga ng Ren  na yan. Sampulan ko kaya at matauhan!" nasabi ko ng malakas.

Tumawa si Gino. "Dyan Jun-Jun tayo magkakasundo!"

"Guys?!" gulat na sambit ni Clarissa sa pangambang totohanin namin.

Di rin nagtagal at nagkagulo ang mga tao sa loob ng clinic. Narinig namin ang pagtawag nila kay Katherine.

Bakit kaya?

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Clarissa. Pumasok siya at lubas din na may masamang balita. "Nawawala ulit si Katherine!"

"Hah?!" 

Lumabas na din sina Ginang Violy at ang iba.

"Ruby, nasaan ang anak ko!"

"Hindi ko alam, Violy. Nagising siya kanina pero bilin ko sa kanya na huwag pumunta sa kung saan dahil tatawagin ko kayo." sagot ni Nusre Ruby.

"Pupuntahan ko si Principal Gilliam para sabihing nawawala muli si Katherine." sabi ni Sir Daniel. "Ren puntahan mo ang guard house, sabihin mo sa mga gurads na hanapin muli ang kapatid mo."

Di na nagsalita si Ren at sinunod na lang ang adviser. Sumama sa kanya si Ginang Violy.

"Anong gagawin natin!" natataranta na si Clarissa. "Naku, sana walang mangyaring masama sa kanya!"

"Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon, hanapin na natin si Katherine!" sabi ko. Di ko talaga alam ang aking gagawin kung may mangyaring masama sa kanya. 

"Teka teka... naguguluhan pa rin ako." biglang hinila ni Gino ang aking braso. "Ano ba ang dahilan kung bakit nawawala si Katherine?"

Bad trip naman itong si Gino!

"Bakit ba?! Bitawan mo nga ako!" sabi ko.

"Huminahon ka nga, Jun-Jun. Gusto ko lang malaman ang buong kwento, di rin kasi ma-explain ng mabuti ni Clarissa, eh."

"Ano ka ba! Kailangan na nating hanapin si Katherine!" galit kong sigaw, halos matulak ko na si Gino ng palayo.

Di naman nagpatalo si Gino at tinulak din niya ako. "Di ka rin naman nag-iisip, Jun-Jun, eh! Sige nga, saan mo hahanapin si Katherine? Sige nga?!" paghamon ni Gino.

"Tama si Gino, Jun-Jun. Huminahon ka muna at pag-isipan nating mabuti." pagsang-ayon ni Clarissa.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang aking sarili. Tama sila, saan ko nga naman hahanapin si Katherine?

"S-Sige." sabi ko. Kinuwento ko ang lahat sa dalawa pati na rin ang kakayanan kong makakita at makarinig ng mga multo. Ang sabi nina Gino at Clarissa ganun din daw sila dahil pawang nabuksan ang mga third-eye nila nang magkaroon sila ng kanya-kanyang elementong-kaisa. Ang naiiba lang sa akin, nakakausap ko ang mga multo, di gaya nila na hindi.

"Astig naman yon!" komento ni Gino.

"Naku, hindi ko ma-imagine na sa bahay mo, maraming multo! Nakakapangilabot!"

"So, sabi mo nagsimulang magpakita si Ibarra kay Katherine nang sinuot niya ang lumang brooch?" pag-confirm ni Gino. Tumungo ako. "Nasaan na yun?" pahabol niyang tanong.

"Tinapon na iyon ni Katherine somewhere sa gitna ng open field."

"I think, we need to find the brooch." sabi ni Clarissa.

Sumang-ayon si Gino. Umoo na lang ako kasi parang tama naman sila. At least my lead na kami kung saan maghahanap.

"Tutulong kami!" biglang sumulpot si Kikay sa kung saan kasama si Popoy.

"Magaling!" natutuwang sambit ni Clarissa.

Napalingon na lang ako sa tabihan ko at nakita ko si Magayon. Tumungo ako to acknowledge her presence. Syempre di ko makita ang mukha niya kasi mukhang Sadako pa rin siya.

"Girl, di ba ang sabi ko, you have to show your face!" puna ni Kikay kay Magayon.

"Tara na!" tawag ni Gino na nagsimula nang maglakad pababa ng hagdanan kasama si Popoy na isang bolang apoy na lumulutang.

Sa totoo lang, I'm proud to say na mas astig ang aking elementong-kaisa na si Magayon kasi sobrang ganda niya at may malalaking pakpak pa siya sa kanyang tunay na anyo. Sana makita iyon nina Gino at Clarissa.

"Bakit ba kasi naging ganyan ang mukha mo Magayon?" tanong ko sa aking isipan habang naglalakad kami at nakatingin mismo sa kanya.

"Ikaw lang ang makakasagot ng tanong mo." ang sabi niya, kagaya ng kanyang sagot noong una ko siyang tinanong.

Napakamot tuloy ako ang di oras sa ulo. Di ko talaga maintindihan ang mga sagot niya.

"Jun-Jun, dali si Katherine!" sigaw ni Clarissa.

Tumakbo ako at tiningnan kung saan siya nakaturo. Nasa may fourth floor siya ng highschool building.

"Anong ginagawa niya doon?!" tanong ni Gino.

"Katherine, dyan ka lang!" sigaw ko. Nagmadali akong tumakbo papunta sa hagdanan pataas nang marinig kong sumigaw muli si Clarissa.

"HUWAG KATHERINE!" 

Napatingala ako at laking gulat ko nang biglang tumalon si Katherine from the fourth floor!

"KATHERINE, HIIIIINNNNNNDDDDDDEEEEEE!" natataranta kong sigaw.

Sina Magayon at Kikay ay sabay na lumipad para saluhin si Katherine.

Nakakabingi ang irit niya habang nahuhulog pero sa isang iglap nawala siya.

"Huh?! Ano yun?" nagtatakang tanong ni Gino.

"Anong nangyari?" di rin makapaniwala si Clarissa.

Nagtataka ding bumalik ang dalawang elementong-kaisa.

"Bigla na lang siyang naglaho." sabi ni Kikay.

For a moment kala ko talaga, nagpakamatay na si Katherine. Pero bakit? Bakit naman siya magpapakamatay?

"Tingnan nyo, si Katherine!" sambit ni Gino.

"Katherine!" tawag ko at tumakbo papunta sa kanya. Siya ay naglalakad papuntang O.A. open field. Pero nang hahawakan ko na siya, naglaho na naman siya at biglang sumulpot sa di kalayuan, naglalakad pa rin.

"Anong nangyayari?!" naguguluhan na ako. Tumakbo ako at pilit siyang hinabol pero bawat paghawak ko ay nawawala at makikita ko na lang na nauuna na siya sa akin.

Sinundan ko siya hanggang sa may open field pero napanganga na lang ako sa gulat at pagkamangha.

Doon kasi sa gitna ng open field, may isang napakalaking bahay. Isang lumang mansyong pangkastilla, gawa sa pinaghalong kahoy at semento. Tiled ang bubong at may sliding na bintana na gawa sa kapis shells. Kahit na lumang-luma ang itsura at halos matakluban na ng malalago at gumagapang na damo ang malaking bahagi, napakaganda pa rin nito.

Di ko din inaasahan, nag-iba bigla ang kasuotan ni Katherine at naging isang magandang gown na pangkasal!

Pumasok siya sa loob ng mansyon.

"Paanong...?!" gulat na sambit din ni Gino.

"Bakit may bahay dito?" tanong ni Clarissa.

"Ewan, basta nandyan sa loob si Katherine!"  susunod na sana ako kay Katherine ang hinarangan ni Magayon ang aking dadaanan.

"Huwag padalos-dalos, bata!" babala ni Popoy. "Wala na tayo sa school ninyo... nasa purgatoryo na tayo!"

______________________________

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

WAIT FOR THE NEXT CHAPTER!      

 ANG LUMANG MANSYON (Part 2) (Junior 'Jun-Jun' Sta. Maria's Point of View)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top