Chap.25: SA LOOB NG TORE

Grabe ang tagal ng update! Tsk! 

Anyway, mayroon na! Read this chapter and enjoy! Thanks!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑SA LOOB NG TORE๑۩۞۩

++++NARRATOR'S POV++++++++++++++++++++++


Ang mga kabataan ay humarap sa pintuan ng lagim. Lahat ay hindi sigurado sa kung anong naghihintay sa loob ng Tore ng Patay pero buo ang kanilang loob at handa sa kahit anong pwedeng mangyari.

Lumapit si Gino Lazaro sa pintuan na kung susukatin ay abot hanggang second floor ng isang building. Malapad din ito na animo'y mas lumalawak pa habang nakaharap siya dito. Humanga siya sa desenyo nito na para bang sinadya at puno ng detalye; kung sana hindi ito gawa sa mga kalansay at bungo ng tao!

Hindi nagdalawang-isip si Gino na hawakan ang isang maliit na bungo ng tao na nagsilbing handle ng pintuan. Ayaw man niyang isipin, ito ay marahil bungo ng isang sanggol.

"I honestly feel more disgusted than scared." komento ni Regina Co. "Good thing I have hand gloves made of snow." hindi niya lubos maisip na hahawak siya sa kahit ano mang parte ng patay. Nangingilabot siya.

Nakasakay siya sa makisig na likod ni Hero na nasa anyo pa ring bilang hayop, isang puting saber-toothed tiger.

Huwag kang mag-alala, mahal na reyna. Hindi ko hahayaan na makahawak ka o makatapak man sa kahit anong di kaaya-aya para sa iyo. pangako ni Hero Salvanera gamit ang pakikipag-usap sa isipan.

Natuwa si Regina at hinaplos ang likudan nito.

Inikot ni Gino ang bungo. Nanginig ang pintuan. Buti na lang ay mabilis na inilayo niya ang kanyang kamay dahil biglang ngumanga ang bungo at sumigaw. Hindi ito nag-iisa; lahat ng bungo sa pintuan ay nagsisigaw.

Tinakpan nina Clarissa Gutang ang kani-kanilang mga teynga dahil sa nakakarinding sigaw.

"Saan naman nanggaling ang boses ng mga bungo na 'to!" reklamo ni Ren Dela Rosa.

Ngunit hindi na ito bago para kay Junior Sta. Maria. Sa araw-araw ba namang may multong nanggugulo sa kanya!

Sa wakas ay unti-unti nang bumukas ang pintuan ng tore.

Naghanda ang lahat. Ang inaasahan nila ay may mga susugod sa kanilang ligaw na kaluluwa o mga aswang at tiyanak pero wala! Bumukas lang ang pintuan papasok sa walang hanggang kadiliman.

Nanginig si Abigail Roque sa malamig na hangin na nagmula sa loob ng tore. Lamig na nanunuot at naghahatid ng kaba at katakutan.

Napaisip siya bigla kung paanong napasama siya sa ganitong kaguluhan. Pero hindi siya nagsisisi. Lumingon siya sa kaliwa't kana, tiningnan niya ang mga mukha ng kanyang mga kaibigan...

Pangiti si Abigail. Kay sarap sa pakiramdam ng may mga kaibigan.

Desisyon niya ito at ginusto. Magkakasama sila hanggang sa mailigtas nila ang buong baranggay ng Santa Cruz!

Pansin niya na lahat sila ay tuluyan nang ganap na nakiisa sa kani-kanilang mga elementong-kaisa. Siya na nga lang ang mukhang normal na tao bukod kay Gino na marami na ngayong tattoo sa katawan, kumpara sa mga anyo nila. Pero alam niya na hindi naman siya magpapahuli sa kapangyarihan ng elemento dahil nasa kanya na mismo ang kapangyarihan ng tubig, siya ay isang sirena. Naisin man niyang gamitin ang tunay niyang anyo, hindi siya malayang makakagalaw dahil nasa patag na kalupaan sila. Ngunit di din niya makakaila na lubos niyang magagamit ang kanyang elemento kapag na sa tunay siyang anyo.

Paano kaya?

Papasok na sana si Gino sa loob ng pinigilan siya ni Clarissa.

"Teka, huwag tayong magpadalos-dalos. Hindi natin alam ang naghihintay sa loob ng tore." sambit niya.

"Tama. First, you need the blessings of God!"

"Katherine!" masayang bungad ni Junior. Nais niya sanang yakapin ito pero nakatingin si Ren sa kanya.

"Paano kang nakatakas kay mommy?" tanong ni Ren. Halatang hindi nasiyahan dahil sumunod ang kapatid.

"Kuya naman! Of course, pinayagan ako ni Mommy Violy. Tsaka, kaya ko na ang sarili ko!" paliwanag ni Katherine.

"Makakatulong siya sa atin! Sugo siya ng liwanag. Ang makakatalo sa dilim ay liwanag." giit ni Junior.

"Hindi ko tinatanong opinyon m-"

"Masaya ako at nakahabol ka, Katherine!" sambit ni Clarissa. Lumingon siya kay Ren. "Sang-ayon ako sa sinabi ni Jun-Jun."

Natigilan si Ren. Huminga ng malalim. "Okay, okay." sagot niya. Ayaw niyang magkaroon pa sila ni Clarissa ng di pagkakaunawaan.

Humarap si Katherine sa kuya niya.

"Big bro. Don't worry. Promise, di ko hahayaang mapahamak ang sarili ko. And besides, nandito si Jun-Jun... um..." sumimangot si Ren. "Ah, I mean, hindi naman natin hahayaan na mapasama ang isa't-isa. Kasama natin ang mga kaibigan natin. We fight and protect each other."

Tumango si Ren.

"Thanks, kuya. You're the best!" niyakap ni Katherine ang nakakatandang kapatid.

Tama naman si Katherine. Nakikita ni Ren na kayang-kaya na ng kapatid ang sarili. Punong-puno si Katherine ng biyaya ng Diyos. Nakakakalma ang presenya niya at kitang-kita ang liwanag na nagmumula sa kanya.

"So before na pumasok tayo, let's pray for our safety and ask for the guidance from God." pumikit si Katherine at mataimtim na nagdasal. 

"Ayon sa Aklat ni SAMUEL,

Ang Diyos, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: 

Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin;

Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan. 

Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway!" 

Nabalutan ng liwanag ang lahat. Lubos ang kanilang pasasalamat.

"Sang-ayon ako na di dapat tayo magpadalos-dalos." nagsalita si Gino pagkatapos ng ilang minuto. "Salamat, Clarissa sa paalala."

"Kailangan nating pagplanuhan ang gagawin natin." dagdag ni Clarissa.

"Tama! Parang pagpaplano bago lumaban sa giyera!" di maitago ni Ren ang pagka-excite. Pinangarap niyang dating maging sundalo.

"May formation na ba kayong naisip?" tanong ni Junior.

"Oo, formation!" sagot ni Ren pero nawala ang ngiti nang makitang si Junior pala ang nagsalita.

Hindi alam ni Junior kung magtatago ba siya dahil masama ang tingin ni Ren sa kanya.

Wala namang galit si Ren sa kanya. Batid niyang gusto ni Katherine si Junior pero hindi niya gagawing madali para kaya Junior ang makuha ang kanyang kaisa-isang kapatid!

Tumango sina Gino at Clarissa.

"Oo, may naisip na kami, Jun-Jun. " sagot ni Gino. Pansin niya ang tensyon sa pagitan nina Ren at Junior pero hindi siya nababahala bagkus, natatawa pa.

"Simple lang naman, hahatiin natin sa dalawang grupo ang papasok sa tore." sambit ni Clarissa. "Grupo ko at grupo ni Gino."

"Abby, sa akin ka." mabilis na dagdag ni Gino.

Namula si Abigail.

"Ah, ang ibig kong sabihin ay sa grupo kita sasama." nahihiyang pahabol ni Gino.

Nagtawanan ang lahat.

Tumango si Abigail at tahimik na pumunta sa likod ni Gino.

"Syempre, sa'yong – sa'yo ako, Clarissa!" pagpapacute ni Ren sabay kindat.

Di siya pinansin ni Clarissa.

"Katherine, dito ka sa amin!" biglang seryosong sambit ng kuya niya.

"Okay, pero Jun-Jun will be in our team!" giit ni Katherine.

"Do I have a choice?" sagot ni Ren. Pagkakataon din niyang mabantayan si Junior.

"So I guess, I'll be in Gino's team." sabi ni Regina. "No problem with me as long I have Hero."

"Pero panandalian lang ito. Mas malakas pa rin tayo kung magkakasama tayo bilang isang grupo." paliwanag ni Clarissa. "Para lang ito sa pagpasok sa loob. Grupo nina Gino muna ang unang papasok. Kung okay ang lahat, susunod ang pangalawang grupo."

"At kung sakali man na may nasa panganib o may nangangailangan ng tulong, ihagis nyo ito sa ere." nilahad ni Gino ang maliit na bato na may pulang mga marka na animo'y dinaanan ng kumukulong lava mula sa isang bulkan. "Puputok ito at lilikha ng isang malakas na pagsabog para makuha ang atensyon nating lahat."

Akala ni Abigail ay mapapaso siya nang nilagay ni Gino ang isang bato sa kanyang palad. Napapikit siya sa inaasahang init.

"Huwag mag-alala, normal na bato lang yan. Hindi yan gagana hangga't di mo ihahagis sa ere." sambit ni Gino.

"Wow! Ang galing naman nito, Gino!" puri ni Junior.

Malaki ang pasasalamat ni Gino. Galing ito sa alaala ni Gunaw sa kanyang isipan. Natatandaan niya na ginamit ito ni Gunaw dati sa kanyang paglalakbay sa El Kantadia.

Ngayong isa na sila ni Gunaw, punong-puno ang kanyang isipan ng mga alalala nito, ang mga hinain at ang mga sama ng loob nito. Malungkot ang naging buhay ng Datu. Nararamdaman niya ang lubos na galit nito.

Lalo na kay...

Lumingon siya kay Abigail na tahimik na pinagmamasdan ang batong ibinigay niya.

Isa siyang taksil!

Hinding-hindi ko siya mapapatawad!

Pinipigilan lang ni Gino ang sarili. Alam niya na walang kasalanan si Abigail. Nagkataon lang siguro na kamukhang-kamukha niya ang dyosang si Sibol.

Pero... nagkataon nga lang ba?

Si Abigail ay ang hinirang ng dyosa si Sibol!

Ramdam niya ang lakas na dumadaloy na nagmumula dito. Ito ang simula pa man ay labis na nagpapaakit sa kanya... nagpapatakam.

Hindi pa rin mawala kay Gino ang pagkauhaw sa malakas na kapangyarihan. Sa totoo lang nalulunod siya sa masasarap na amoy ng mga elementong kapangyarihan ng mga kaibigan. Kung gugustuhin niya, maari niyang nakawin ang mga elemento ng mga ito!

Umiling si Gino.

Mali. Hindi niya kailan man magagawang saktan ang kanyang mga kaibigan!

Bumalik ang tingin ni Gino kay Abigail. Nagkatinginan sila. Ngumiti ang dalaga.

Kahit si Abigail na lang. Ang kapangyarihan niya...

Napalunok na lang si Gino dahil nalanghap na naman niya ang matamis na halimuyak ni Abigail. Nakakaadik. Nakakabaliw.

Pumikit si Gino at kinalma ang sarili. Napaisip tuloy siya kung mas makakabuti kay Abigail na sa grupo na lang siya ni Clarissa sumama.

Hindi.

Dapat masanay siya sa presenya nito at matuto siyang pigilan ang sarili. Siya si Gino, siya ang masusunod at hindi ang impluwensya ni Gunaw!

"Ako muna, tapos sumunod ka Abby sa kin." sambit ni Gino. "Regina, Hero, kayong bahala sa likod. Kung may sumugod man sa hulian, handa kayo."

"Yup, we got your back, Papa Gino!" sagot ni Regina.

"Grrrr." Di pagsang-ayon ni Hero sa tawag ni Regina.

"Hahahah, Sorry. I'm just teasing you!" pagpapakalma ni Regina kay Hero.

"Abby, ikaw ang back-up ko." paalala ni Gino.

Tumango si Abigail. Hindi niya maitago ang kakaibang pananabik at excitement sa pakikipaglaban kasama ni Gino.

"Gagawin ko ang lahat para makatulong." sagot niya.

"Pagkatapos ng ilang minuto ay susunod kami sa inyo, Gino." sambit ni Clarissa

"Magaling. Guys, mag-ingat kayo at good luck sa atin!" sigaw ni Katherine.

Naunang pumasok si Gino sa kadiliman. Sumunod naman sina Abigail, Regina at Hero.

"Game, tayo naman!" sabi ni Ren. "Ako ang mauuna, Clarissa sumunod na lang kayo sa akin."

Hindi sang-ayon si Clarissa dahil gusto niyang nauna pero huli na at pumasok na sa loob si Ren.

"Pagpasensyahan mo na si kuya." giit ni Katherine.

Napabuntong-hininga na lang si Clarissa at sumunod na rin sa pagpasok.

"So, tayo na?" tanong ni Katherine.

"Hah?! TAYO na??!!" nakangiting sagot ni Junior.

Namula si Katherine. "Ano ba ang iniisip mo, Jun-Jun! Silly! Ang ibig kong sabihin, tayo na ang sunod na papasok! Swerte mo at wala na dito si Kuya Ren!"

Natawa si Junior. Hinawakan ang kamay ni Katherine.

"Oo, nga. Ibig kong sabihin ay TA-YO na! Hahahha!" sabay na pumasok ang dalawa.

Nawala ang pintuan sa likuran nila. Napanganga sina Junior at Katherine. Nagulat sila sa sobrang bilis ng pangyayari.

"JUN-JUN!" sigaw ni Katherine.

"O-Okay ka lang ba?" nahihirapang tanong ni Junior. May dugo ng tumutulo mula sa kanyang ulo. Malakas ang pagkakatama ng isang malaking bato sa kanyang likuran. Ginamit ni Junior ang sarili upang maprotektahan si Katherine sa paparating na batong eksaktong bumungad sa pagpasok nila. Hindi na niya nagamit ang kanyang elementong hangin.

"Jun-Jun!" umiiyak na si Katherine. Nasa ibabaw niya si Junior. Batid niya na kahit anong minuto kapag di na kaya ni Junior ang bigat ng bato ay pareho silang madudurog sa ilalim nito.

"KATHERINE!" nag-aalalang sigaw ni Ren.

"Kuya! Nandito kami sa ilalim ng bato!"

"Lo ser mi Oracion, Lo ser Escular.

La Desear mi ser flotador en Viento!"

(Ito ay aking dasal, ito ay dinggin.

Ang nais ko ay lumutang sa hangin!) dasal ni Clarissa.

Umangat ang batong tumama kay na Katherine at Junior. Mabilis na inalalayan ni Ren ang sugatan na si Junior.

"Salamat sa pagprotekta sa kapatid ko." sambit ni Ren.

Napangiti saglit si Junior bago nawalan ng malay.

"Salamat kuya! Salamat Clarissa! Pero si Jun-Jun?!"

Mabilis na inihagis sa ere ni Clarissa ang batong ibinigay Gino sa kanila.

KABOOOOOM!

Parang isang paputok sa langit ang nangyari sa bato. Nagpakawala ito ng pulang pagsagbog.

"TAKBO!" sigaw ni Ren.

Nagsimula na naman ang pag-ulan ng mga naglalakihang mga bato. Ngayon lang nila nakita ng malapitan ang tumama kay Junior. Hindi pala bato, kundi isang tambuhalang buto ng tao!

Sunod-sunod ang pag-ulan ng mga pambihirang mga buto.

"Clarissa?!" tawag ni Abigail.

"Nandito kami, Abby." sagot ni Clarissa.

Nahihirapan silang makita ng maayos ang isa'isa dahil ang tanging liwanag lang ay nagmumula sa dalawang pulang bola na lumiliyab at nakalutang sa ere.

"Anong nangyari kay Jun-Jun!" gulat na tanong ni Abigail nang nakitang akay-akay ito ni Ren.

"Natamaan siya ng malaking buto!" umiiyak na sagot ni Katherine.

"Huwag lang mag-alala. Ako ang bahala." lumapit si Abigail at hinawakan ang noo ni Junior. Saglit siyang pumikit at mataimtim na hiniling ang paghilom ng mga sugat nito.

"S-Salamat, Abby!" nagising si Junior.

"Maraming salamat! You saved, Jun-Jun!" niyakap ni Katherine si Abigail.

"Sobrang lakas ng pagkakatama kay Jun-Jun. Isang himala at nakayanan niya ito." komento ni Abigail.

"Well, you can never be wrong kapag naniniwala ka sa pagpapala ng Diyos." saad ni Katherine.

"Nasaan sina Gino?" tanong ni Clarissa.

"Nasa gitna sila ng lugar na ito. Nakikipaglaban. Ako ang unang nakapansin nang ginamit ninyo ang bato."

"Nakikipaglaban?" pag-ulit ni Ren.

"MAY PAPARATING NA BUTO!" sigaw ni Katherine.

"IPO-IPO!" tawag ni Junior at pinalihis nito ang pagtama ng buto.

"Kaya mo na ba, Jun-Jun?" nag-aalalang tanong ni Katherine.

"I'm fine. Kaya ko na." giit ni Junior.

"Saan ba nanggagaling ang mga tambuhalang mga buto na ito?" tanong ni Katherine.

"Ito ay gawa ng kinakalaban nina Gino. Sumunod kayo sa akin. Tulungan natin sila!" sagot ni Abigail.

Mabilis siyang tumakbo. Sumunod ang iba.

GRRROOOOARRRRR!

Nakakabinging sigaw ng halimaw na sa wakas ay nakita nina Clarissa.

Isang tambuhalang kalansay!

Napakalaki at ang taas nito ay higit sa sampung palapag ng isang gusali! Ang dalawang pulang nagliliyab na bola na nagsisilbing ilaw sa madilim na kawalan na kinaroronan nila ay ang mga mata pala nito mismo!

"Pakpak ng Dragon!" tawag ni Gino. Sumigaw siya sa saglit na sakit ng pagtubo mula sa kanyang likod ng dalawang naglalakihang pakpak ng gaya sa isang malaking paniki. Ito ay galing sa dating elementong kaisa ni Gunaw na isang dragon. Hindi na niya kailangan pang humiram ng hangin na pakpak mula kay Junior.

Lumipad siya papalapit sa mukha ng kalansay.

"Lumiliyab na Pagsabog!" sigaw niya at pinatamaan niya ng mga bolang apoy ang tambuhalang kalansay pero walang epekto.

"Tidal Freeze!" pinatigas ni Regina ang mga butong paa ng tambuhalang kalansay. "Snow spear!" dagdag niya at ang kanyang ice scepter ay nag-iba ng hugis. Nagkaroon ito ng matalas na patalim. Inahagis niya ito sa pinatigas niyang paa ng halimaw pero tumalsik lang ito at di nag-iwan na kahit galos man lang.

Wala ding epekto ang mga naglalakihang kuko ni Hero laban dito. Bumalik siya sa anyong tao at tinawag ang kanyang panakol na yelo at inihampas dito pero maliit na gasgas lang ang nagawa nito.

"Gino, tutulong kami!" sigaw ni Clarissa. "Tinik na Bulaklak!"

Napuno ng mga talulot ng bulaklak ang katawan ng tambuhalang kalansay at sa bawat pagbukas ng bulaklak ay bumaon ng malalim ang naglalakihang tinik na nagmula dito.

Ito ay bahagyang nagpatigil sa paggalaw ng kalansay.

"Ulan ng Kidlat!" sigaw ni Ren at pinaulanan niya ito ng napakaraming palasong kidlat.

"Hiyaw ng Hangin!" dagdag ni Junior.

May naging epekto din naman ang mga bagong pag-atake dahil mas malakas ang pagsigaw ng tambuhalang kalansay.

ROOOOOAAARRRRGGGRR!

Lubos na nagagalit na ang kalansay. Pinilit niyang itinaas ang kanyang mga butong braso at pinaghahampas ang mga nasa ere. Malakas ang pagkakasubsob sa matigas na sahig ang tinamo nina Gino, Clarissa at Junior.

Naalarma si Abigail. Hindi niya kayang tumakbo kaagad sa magkakaibang pinagbagsakan ng mga kaibigan pero nais niyang makatulong!

Pumikit si Abigail at mataimtim na sinambit, "Batis ng Buhay." Nilahad niya ang kanyang mga palad at mula dito ay may mga maliit na bula ang lumabas. Nang dumapi ang mga bulang ito sa kanyang mga kaibigan ay nakadama sila ng ginhawa at pagkawala ng sakit ng katawan.

"Salamat, Abby!" sigaw ni Gino.

Lubos ang kasiyahan ni Abigail at nakakatulong siya.

Sa wakas ay pumagitna si Katherine at hinarap ang tambuhalang kalansay.

"KATHERINE! UMALIS KA DYAN!" pagtutol ng kuya niya.

"Ayon sa Aklat ni JUAN!

Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ka sa kanya

Ay hindi na muling mauuhaw kailanman

Ang tubig na ibibigay ko ay magihing batis sa loob niya

At patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan!""

Ang dasal ni Katherine ay may malaking epekto sa kalansay dahil nagmula ito sa mga di matahimik na kaluluwa na naghahanap lang ng katahimikan.

Pero...

Mabilis namang inilayo ni Junior si Katherine nang bigla na lang sumugod muli ang kalansay.

"Wala na itong pag-asa! Ang dapat dito ay mawala na habang buhay!" lumipad si Gino na higit sa taas ng tambuhalang kalansay. Inipon niya ang kanyang buong lakas. "SIGAW NG NAGLILIYAB NA DRAGON!" sumigaw si Gino nang sobrang lakas. Pinaghalong pwersa ng hangin at apoy ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabayan pa niya ng pagsabog ng isang batong nagliliyab mula sa kanyang batong kanyon. Naghalo ang tatlong elemento ng apoy, hangin at lupa. Tumama ito sa katawan ng tambuhalang kalansay na siyang nagpasabog at nagpaabo dito.

"Magaling. Magaling. Magaling." puri ng isang boses mula sa isang pintunan na bumukas.

"Long time no see, Gino." bungad ni Ryan Jacinto. May hawak-hawak itong bolang apoy.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 07/10/2016

Yun oH, Medyo mahaba-haba na itong chapter na ito! 

Whu-What?! Bitin pa rin?! hahhaha! 

We are getting close na! Abangan ang mga susunod pang update!

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top