Chap.25: Pangitain
๑۩۞۩๑ Pangitain ๑۩۞۩๑
(Clarissa Gutang's POV)
Days after ng quiz bee.
Nakakapanibago pero parang mas marami ang nakakapansin sa akin. May mga bigla na lang bumabati at nagwi-wish ng good luck. May ilan ding guys na nagco-compliment sa akin. Ang ganda-ganda ko daw!
Dati parang nahihiya ako pero ngayon, I'm getting used to it at na-eenjoy ko na.
"Be confident but stay humble." paalala ni Kikay.
"Oo, naman." sang-ayon ko.
"Don't be like Regina na dahil maganda't mayaman ay pwede nang mang-api ng iba dito sa campus." komento ni Kikay.
"Siguro dati iyon. Ngayon kasi pansin ko na medyo tahimik na siya, may pagka-snobbish pa rin pero di na siya nanglalait at rude." puna ko.
Sa totoo lang galit ako sa kanya dahil sa pagtrato niya sa bestfriend kong si Katherine Dela Rosa pero di ko naman maiwasan isipin ang side ni Regina. Siguro may pinagdadaanan siya o may something kaya ganun na lang ang ugali niya. Kahit masungit at mahilig mag-power trip, may pagkagalante naman siya kasi pansin ko na lagi na lang may kung ano siya para kina Jessa Lopez at Katherine. Alam ko ang reason kung bakit laging sumasama si katherine sa kanya, di ko lang alam ang dahilan ng kay Jessa.
"GET OUT OF MY WAY!" utos ni Regina sa mga gradeschool students na nakaharang sa dadaanan niya.
"Sungit nyo naman po, ate." sabi ng isa sa mga bata.
"Whatever!" sagot ni Regina.
"May sinasabi ka, Clarissa? Eh wala namang nagbago sa kanya. Tingnan mo nga, pati bata inaaway." umiling si Kikay.
Napansin ako ni Regina. Masama ang kanyang tingin. Di ko mapigilang kabahan nang naglakad na siya papalapit s akin.
"Hi, Regina." bati ko.
"Can you, tell that friend of yours, GINO IVAN LAZARO that I won't accept rejection! I'll make him MINE" sabi niya, sabay walk-out.
Nagulat naman ako.
"Haha, sa tingin ko na-busted siya ni Gino!" sambit ni Kikay "Iba na talaga ang kaibigan mo! Maganda na nga si Regina at mayaman pa... yun lang pangit ang ugali kaya siguro ayaw ni Gino sa kanya."
"Ang di ko lang maintindihan, kung bakit pinipilit niya ang sarili kahit alam niya na ayaw sa kanya ni Gino."
Natawa nang may pang-aasar si Kikay. "Oh, look who's speaking? Pareho lang naman kayo di ba? Tama ba ako, Clarissa?"
"Hah? H-Hindi, noh!" pagtanggi ko. Alam kong namumula na ako sa hiya.
"Bakit patay na patay ka kay Ren?!"
"Hindi! Tanggap ko na na ayaw niya."
"Weehhhh, di nga. Kilalang-kilala kita, Clarissa, elementong-kaisa mo nga ako di ba?"
"Kikay, change topic!" sabi ko.
"Why don't you try getting closer kay Romnick Andrada. Okay na okay siya sa akin!"
"Kikay, wala pa sa aking isip ang mga bagay na ganyan. I need to focus sa studies ko."
"Di ba mas gaganahan kang mag-aral kung mayroon kang inspirasyon?"
Di na ako sumagot. Minsan masyadong makulit si Kikay! Di kasi ako kumportable kung ang topic ay about Ren. Tama naman siya, di ko maintindihan pero gustong-gusto ko talaga si Ren.
Si Ren-Ren.
Napangiti ako. Naalala ko na naman noong dating magkaibigan pa kami. Ang bait-bait niya at ang sweet-sweet niya sa akin.
"Sinasabi ko na nga! Tama-tama na yan, Clarissa!"
"Bakit ba, Kikay?"
"Kinikilig ka naman. Alam ko ang pangiti-ngiti mo dyan at pagbilis ng tibok ng puso mo, siya na naman ang iniisip mo!" saway ng diwata.
"Hi-Hindi, ah!"
"Bakit hindi si Rominick? Hindi ka ba kinilig when he bought you cupcakes? He's way nicer than Ren!"
Okay naman si Romnick. Sa tingin ko mabait at thoughtful naman siya. Pero I can't help it. Tumatak kasi sa akin ang sinabi ni Ren na lumalandi ako. Di ako ganun. Mali siya!
Sumimangot ko. Naalala ko naman ang mga sinabi ni Ren sa akin sa may mini park ng O.A.
"Ano ka ba, Clarissa! Malungkot ka naman and I bet its because of the same person!" naiinis na sambit ni Kikay. "STOP THINKING OF HIM!"
"I can't help it. Di ko mapigilan..." pag-amin ko.
"Hopeless!" napaface-palm si Kikay. Tumingala siya at ngumiti siya. "Napaka-good timing talaga niya!"
"Clarissa, kamusta na?" tanong ni Romnick.
Di ko napansin na nasa likuran ko na pala siya. Nagulat ako.
"Romnick!?"
"Ah, sorry, nagulat ba kita?"
"Hindi. Okay lang." sabi ko, di ako makatingin ng diretsyo kasi alam kong nakatitig siya sa akin. Itong si Romnick lagi na lang intense kung tumingin!
"Masaya ako at sumali ka rin sa Mr. and Ms. O.A. student of the year."
"Ang galing-galing mo talaga. Mataas ang nakuha mo dun sa quiz bee. Congratulations!" puri ko. "So malaki ang chance mo makuha ang title this year!"
"Sana nga. Sana ako ang Mr. O.A. Student of the year. Pero mas masaya ako kung ikaw ang magiging partner ko, ang Ms. O.A. Student of the year. Galingan mo din.You have more chances na makakuha ng mas maraming points." sabi ni Romnick.
Napaka-expressive na naman niyang tumingin. Bumilis ang tibok ng puso ko at alam kong namumula na ako.
Ngumiti siya. Napakaputi ng mga ngipin niya.
"Oh, nakatitig ka naman sa akin! Feeling ko gusto mo akong i-kiss! Haha." biro niya.
Natauhan ako. "Ikaw talaga ang yabang-yabang mo!"
Tumawa siya. "Clarissa, can you hang out with me after school?" biglang tanong niya.
"Sa-Saan naman tayo pupunta?"
"Diyan lang sa malapit na fast-food sa school. Kain lang naman tayo tapus usap-usap."
Is he asking me for a date?!
"YESSSSSSSSSSS! AAAYYYEEEEEEEEIIIIIIIi!" sobrang kinikilig si Kikay.
Nakakahiya si Kikay, mabuti na lang di siya naririnig at nakikita ni Romnick.
"Um... Di ko alam. After school? M-May gagawin pa kasi ako sa bahay." sabi ko.
"ANO KA BA, CLARISSA?" di pangsang-ayon ni Kikay.
"Ganun ba? Sayang naman." sandaling nalungkot si Romnick pero biglang ngumiti ulit, "Alam ko na dito na lang tayo sa campus mag-usap. Tara!" alok niya sabay hila ng aking kamay. Papunta kami sa pinakamalapit na bench along sa pathway leading sa highschool building nang makasalubong namin si Ren!
Nagtitigan sila ni Romnick ng masama, para bang may silent war na nagaganap sa dalawa. Di rin nagtagal, napansin ni Ren na hawak-hawak ni Romnick ng kamay ko. Tumingin siya sa akin. Dali-dali kong hinila ang kamay ko.
Di ko alam kung bakit pero hiyang-hiya ako sa kanya. Walang emosyon ang mukha ni Ren pero para bang ang laki ng kasalanan ko na sumasama ako kay Romnick. I got the urge to explain sa kanya. Kailangna kong magpaliwanag na mag-uusap lang kami ni Romnick... na makikipagkaibigan lang ako... na siya lang ang gusto ko...
"Clarissa, upo tayo dun." biglang nagsalita si Romnick.
"Si-sige." sabi ko. Nang lumingon ako, malayo nang naglalakad si Ren.
"Oh, bakit ka ba natahimik?" puna ni Romnick.
"Wala lang."
"Okay. Well... I would like to know you better."
"Bakit ba interesadong-interesado ka sa akin?" bigla kong natanong.
Ngumiti si Romnick. "Because I find you interesting. There's something about you that intrigues me. Gusto kitang makilala ng lubusan."
Natahimik lang ako. Ano kaya ang interesting sa akin?!
"To start, let me tell you something about me." panimula niya. "My full name is Romeriko Andrada pero dahil masyadong pangmatanda ang true name ko kaya mas gusto ko ang nickname kong Romnick.
"Haha! Ang cute-cute kaya ng Romeriko!" natatawa kong komento.
"Oh, tingnan mo nga, pinagtatawanan mo na ako, eh."
"Hindi, ah, sorry."
"I have two older sisters. Ako ang bunso."
"Wow, may mga ate ka pala. Ako, naman nag-iisang anak. Gusto ko sana may ate din ako."
"Yung eldest namin ay may asawa na while yung second naman ay fourth year dito sa Owkward Academy. Gusto mo ipakilala ko siya sa'yo?"
"Ah, umm.. Sige."
"Great! Medyo mahirap siyang hagilapin dito sa school kasi marami siyang ginawa. Kung gusto mo, you can actually come sa bahay at ipapakilala ko siya sa'yo. Ipapakilala ko na rin sa'yo sina mom and dad."
"OH MY GULAY! 'Meet the parents' na ba ito?! Ang bilis-bilis naman ni Romnick. Clarissa, seryoso na 'to!!!" sigaw ni Kikay sa kilig. Ang ingay-ingay niya.
"Clarissa, okay ka lang? Sino ang tinitingnan mo?" tanong ni Romnick nang mapansin niya na may tinititigan ako sa likod niya. Si Kikay talaga, pahamak!
"Ah, wala..."
"So gusto mong pumunta sa amin? Malapit lang dito sa school."
Di ako makadecide. Bakit ba parang ang bilis ng pangyayari?
"Sige, tell me na lang kung kailan mo gusto." sabi ni Romnick nang di ako agad nakasagot. "How about you, tell me about your family?"
"Um, Namatay ang nanay ko nang pinapanganak pa lang niya ako..."
"Oh, so sorry to hear that."
"Okay lang. Okay lang ako. Pinalaki ako mag-isa ng tatay Jose ko."
"That must be hard for your growing up without a mom. Mahirap din siguro ang magpalaki ng anak nang nag-iisa. Bilib ako sa tatay mo."
"Salamat. Mabait talaga si tatay. Mahal na mahal ko siya."
"Siguro masarap ang feeling nang mahalin mo..."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Romnick. Napaka-out of the blue! Napanganga ako.
Tumawa siya. "Ang cute ng reaksyon mo!" sabi niya.
"Hmp!"
"Okay, seryoso na. Sorry. Anong work nang tatay mo?"
Natigilan ako. Sasabihin ko ba?
Ayaw ko ng ganitong feeling. Mali ito. Mali ang ikahiya ang trabaho ng tatay ko. Ano kaya ang reaksyon niya kung malaman niya na albularyo lang ang tatay ko? Magiging kapareho kaya niya si Ren na minamaliit ang tatay ko?!
Hindi. I'm proud sa aking tatay di ko siya dapat ikahiya.
"Isang albularyo ang tatay ko pero sumasideline siya bilang isang construction worker."
"Albularyo? You mean, one who heals using prayers at mga halamang gamot?"
Tumungo ako. Nakatitig ng maigi kay Romnick, hinihintay ang sasabihin niya.
"You are really interesting! Gusto kong makilala ang tatay mo." sabi niya.
Huh?!
"HE'S THE ONE!" Kikay insisted. "Perfect! Kita mo, iba ang reaksyon niya! Gusto pa niyang makilala ang tatay mo! Clarissa, huwag mo na siyang pakawalan!!!" halos di na mapigilan ni Kikay ang sarili sa tuwa, umiikot-ikot na siya habang lumilipad sa ere.
Di ako makapaniwala. Bumilis lalo ang pintig ng puso ko. Parang too good to be true, itong si Romnick.
Siya ang lahat na hindi si Ren.
Nagpaalam na si Romnick kasi nag-bell na. Tapus na ang lunch break niya.
Ako naman, wala sa sariling naglalakad pabalik sa classroom. Di pa rin makapaniwala. Possible bang mas gustuhin ko si Romnick kaysa kay Ren?
Sobra-sobra ang nararamdaman ko kay Ren, siya lang ang naging crush ko buong gradeschool days ko. Pero nagbago na siya at siya na rin ang nagsabi na di niya ako gusto. Masakit sa akin noong nalaman ko na nililigawan niya si Regina pero aaminin ko na nagkaroon ako ng kaunting pag-asa nang malaman ko kay Katherine na nililigawan lang niya si Regina dahil sa pera. Siguro may iba siyang mahal...siguro... sana ako... Pero nakaka-dissappoint siya, mas gusto niya ang pera kaysa sa puso.
Siguro tama nga si Kikay. Bakit di ko bigyang pansin si Romnick? Sa totoo lang ang dami na niyang plus points sa akin while si Ren ay running negative.
Ang utak ko ay sinasabing si Romnick pero iba ang sinasabi ng puso.
Napakahirap. Napakakumplikado.
On the way , nakita ko si Katherine. Kausap niya si Jun-Jun Sta. Maria.
Hmmmm... Mukhang super close ang dalawa.
"Katherine!" tawag ko.
Nakita niya ako. Ngumiti at nagsenyas na lumapit ako sa kanila ni Jun-Jun.
"Huwag tayo dito, dun tayo sa may locker room." sabi ni Katherine.
Ang locker room ay isang pa-square na additional building sa tapat ng higschool building para lang sa mga lockers ng estudyante kung saan nila tinatago ang mga ekstrang gamit na di kasya sa bag.
"Pasensya ka na, Clarissa. Alam mo naman ang situasyon ko kay Regina."
Tumungo ako. Kami nga pala ay sekretong magbestfriends.
"Eh kayo... Hmmm?" tanong ko na may halong malisya. Tiningnan ko si Jun-Jun.
"Ah?!" napakamot sa ulo si Jun-Jun habang si Katherine naman ay namumula.
"Oyyyyyy... Kayo ha! Kailan pa?" tanong ko.
"Ano ka pa, Clarissa! Ano bang iniisip mo? Friends lang kami ni Jun-Jun."
Tumatawa ako nang bigla akong nablangko.
Naging blurred ang aking paningin at para bang umiikot ang aking kapaligiran. May saglit naliwanag at laking gulat ko nang makita kong nasa open field na ako ng O.A.
May sumisigaw na babae.
Si Katherine!
Pero bakit kakaiba ang kanyang kasuotan, Nakaputing gown siya? Nakapangkasal?!
May humahabol sa kanya. Isang lalaking nasa kasuotang pangkastilla at may hawak na baril!
"Bumalik ka dito, Maria Katerina!" galit na galit na sigaw ng lalaki.
Nasa panganib si Katherine!
"Clarissa!"
May tumatawag sa akin.
"Clarissa!" tawag ni Katherine na nag-aalala.
"A-Anong nangyari?" tanong ko. Feeling ko na blangko ako for a moment.
"Clarissa, alam mo ba kung anong panganib ang darating kay Katherine?" seryosong tanong ni Jun-Jun.
Bakas sa mukha ni Katherine ang pagkatakot. "Naku, kasalanan ko talaga ito. Kung bakit ba kasi pinakialaman ko ang brooch ni mama!" halos naiiyak na niyang sambit. "Jun-Jun ano na ang gagawin natin?"
"Huwag kang matakot, Katherine. Di ba sabi ko, nandito lang ako." pagpapakalma ni Jun-Jun.
Medyo na guguluhan pa ako. Ano ang pinagsasabi ng dalawang ito?!
"Teka, ano ba ang nangyayari?" tanong ko.
"Di mo ba matandaan ang sinabi mo kani-kanila lang?" sabi ni Jun-Jun. Umiling ako. "Ang sabi mo, kailangang mag-ingat si Katherine dahil may panganib na darating."
Sinabi ko yun? Pero bakit wala akong matandaan.
"May powers ka ba para makita ang hinaharap? Ano ang nakita mo? Ano ang mangyayari sa akin?" natatarantang tanong ni Katherine.
Napaisip ako. Paano ko naman makikita ang hinaharap?
"Pangitain." biglang bulong ni Kikay sa aking isipan. "Clarissa, nakakita ka kanina ng pangitain."
"Pangitain? Pero wala akong maalala." sagot ko.
"Di mo matandaan ang nakita mo at ang mga babalang sinabi mo kasi mahina pa at di pa lubos na nahahasa ang kakayahan mong makakita ng pangitain o ang maaaring hinaharap ng isang tao. Matanong ko lang, may pagkakataon bang bigla ka na lang nablablangko at pagkatapus gulat na gulat ang kausap mo?"
"Um... Oo, yung kay Gino dati noong una kaming nagkakilala."
"Sa malamang may nasabi ka kay Gino na di mo tanda na maaaring isang babala sa kanyang hinaharap. Mapalad ka, Clarissa kasi bibihira lang ang mga taong may ganyang kakayahan. Halos lahat kasi ay peke pero alam ko na totoo ang sa'yo dahil nakita ko rin ang nakita mo."
"Ano ba ang nakita mo, Kikay?"
"Pumikit ka." sabi ng diwata na ginawa ko naman.
At Oo, nakita ko na naman ang scene sa may open field ng O.A. at ang lalaking humahabol kay Katherine.
"Sino si Maria Katerina?" tanong ko kay Katherine.
"Hi-Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang pangalan na iyan." sagot niya.
Sinabi ko kay Katherine ang nakita ko. Laking pagkamangha naman ni Jun-Jun sa akin kasi nakikita ko raw ang hinaharap.
Di rin nagtagal nagkwento na ang dalawa tungkol sa multong si Ibarra na dati'y laging sumusunod kay Katherine at ang itim na usok na naghugis tao na nagnanais namakit kay Katherine.
"Seryoso na pala ito. Sabihin din natin ito kay Gino." sabi ko kay Jun-Jun.
"Sa tingin mo ba tutulungan niya kami?"
"Ano ka ba, Jun-Jun?! Oo naman, magkakaibigan tayo di ba?"
"Bakit kasama si Gino?" nagtatakang tanong ni Katherine.
"Katherine, di ba sinabi ko na sa'yo ang tungkol sa kapangyarihan kong elemento? Sina Clarissa at Gino..."
Nanlaki ang mga mata ni Katherine. "Si-Sila din? Mayroon ding elemento?!" lumingon siya sa akin puno ng katanungan sa mukha.
Ngumiti ako at tumungo.
"Oo, Katherine. Mayroon din kami ni Gino ng kakayahang tumawag ng elemento."
______________________________
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support!
WAIT FOR THE NEXT CHAPTER!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top