Chap.23: Quiz Bee

 ๑۩۞۩๑ Quiz Bee ๑۩۞۩๑

   (Gino Ivan Lazaro's POV)

Tumatakbo ako sa isang madilim at masikip na daan.

Di ko alam kung nasaan ako pero para bang tumakbo ako papalayo sa kung ano, kung anong nakakatakot...

Teka parang pamilyar 'to...

Nadapa ako at napasubsob sa magaspang na sahig. Masakit, di ko na kayang tumakbo.

At naramdama ko na.

Madilim, wala akong makita pero alam ko na yung kung anong humahabol sa akin ay tuluyan na akong naabutan. Nararamdaman ko ang kanyang presensya. Nakakapangilabot...

Nasa likod ko na sya. Naalarma ako at pinilit kong tumayo pero sobrang nanghihina na ako at para bang may mga di nakikitang kamay na humihila sa akin pabalik sa sahig...

Lumingon ako pero napapikit sa sobrang lamig...

Nakaramdam ako ng kadenang hinihila. Binuksan ko ang aking mga mata at napagtanto ko na nasa ibang lugar na ako. Sa sementeryo!

Teka nga... Alam ko ito! Ito ay parang sa panaginip ko dati. Matagal ko na itong di napapanaginipan. Pero bakit, bakit ito na naman ang panaginip ko?!

Nandyan na siya... Ang lalaki...

Tumatawa siya...

At sa isang iglap nasa harapan ko na siya!

Nakita ko na naman ang mukhang pilit kong kinakalimutan. Nakita ko na naman ang mukhang bangkay na may namumulang mga mata at matatalas na pangil.

Ngumiti siya.

"Gino." sambit niya sa tonong nakakapangilabot. "Ako si Gunaw." Tapus pinalibot niya ang kanyang mala-butong mga kamay sa aking leeg at sinakal ako.

Pinilit kong gumalaw pero wala na akong lakas. Feeling ko e'to na aking katapusan....

Oo, alam ko na panaginip lang ito. Gusto ko nang gumising pero di ko magawa, animo'y isang realidad na ang bangungot na ito. Parang totoo ang nangyayari. Nauubusan na ako ng hininga. Paralisado ang aking mga kamay at paa. Wala akong magawa!

"Ako ay Ikaw..." pagpapatuloy niya. 

Laking gulat ko nang makita ko ang aking sarili!

Ang dating mukhang bangkay na lalaki ay naging kamukha ko na! Di ako makapaniwala! Natatakot na ako.

Ang sabi ni Itim ang aking pagkatao ang gustong kunin ni Gunaw para angkinin. Paano kung magtagumpay siya? Paano kung makuha na niya ang aking pagkatao?! 

Hindi! Hindi maaari! Hindi ko hahayaan na mapasakanya ako.

Tumawa si Gunaw. 

"Hindi mo mapipigilan ang aking pagbabalik dito sa mundo." sabi niya sa aking boses.

HHHIIIIIINNNNDDDDEEEEEEE!

Minulat ko aking mga mata. Nakaharap ako sa salamin sa aking banyo. Nakikita ko aking sarili na nag-aayos para sa school pero ang nakapagtataka, iba ang ginagawa ko sa iniisip ko.

"Gino! Nandyan na ng school service mo!" tawag ni Lola Esmeralda 'Esme.'

Ngumiti ako. Kakaibang ngiti. Ngiting may halong malisya.

"Ito na ang huling araw mo, tanda..." sabi ko. 

Teka.. hindi ako ang nagsasalita?! Hindi kailan man ko tatawagaing 'tanda' si Lola Esme!

Tumalikod ang katawan ko at naglakad patungo sa pintuan palabas ng kwarto.

Huh?! Pero bakit nakikita ko pa rin ang aking sarili na nakaharap sa salamin? 

Dalawa ako?!

Biglang lumingon ang isang Gino at tumingin sa akin. Nakangiti pa rin na para bang may gagawing masama na ikinatutuwa niya.

Si Gunaw!

Siya si Gunaw! Gamit na niya ang aking katawan!

Nasa panganib si Lola Esme! 

Tumawa si Gunaw.

"Hindi! Tumigil ka! Wag mong sasaktan ang lola ko!" sigaw ko. Tumakbo ako papunta kay Gunaw pero may kung anong matigas na pader ang pumigil at nangharang ng aking dadaanan.

Isang Salamin.  

Nakakulong ako sa isang salamin?! Hindi ako makalabas! 

"LOLA ESME! LOLA ESME!" sigaw ko. Umiiyak na ako habang naririnig ko ang pagtawa ni Gunaw at paghingi ng tulong ang aking lola! "TAMA NA! TAMA NA!"

May kumakatok ng aking pintuan.

"Gino iho, okay ka lang?" 

Si Lola Esme.

Napaupo ako sa aking kama, hingal na hingal at basang-basa ng pawis. 

Panaginip lang pala. Salamat!

"O-Okay lang po ako, lola!" sagot ko.

"Bumangon ka na at maligo. Baka dumating na ang school service mo." sabi niya.

Dali-dali akong tumayo sa kama, lumabas ng kwarto at niyakap si Lola Esme.

"Oh, Gino?" gulat na sambit ng lola ko. 

"Wala lang, Lola. Good morning!." sabi ko na ngiting-ngiti.

"Ikaw talagang bata ka!" tumawa  siya. "Good morning din, aking mahal na apo. O, sya sya.. maligo ka na!"

"Sige po."

Sa school.

Kinuwento ko kay Clarissa ang napanaginipan ko.

"Alam na ba ito ni Itim?" tanong niya na nag-aalala.

Tumungo ako. "Sinabi ko na.  Sabi niya, ito daw ay sinyales na dapat laging handa at listo kasi kahit anong oras maaaring umatake ang mga alagad ni Gunaw para kunin ako."

"Naku Gino, natatakot ako para sa iyo. Kung ako lang, hinding-hindi na ako lalabas ng bahay!" sabi niya.

"Okay lang ako. Hindi ako natatakot sa kanila. Hindi-hindi ko sila uurungan lalo't pa na may elementong-kaisa ako na si Popoy."

"Tama. Ang galing nga! Kahit di mo sila kita, alam nila ang nangyayari sa 'yo at kung oras na ng panganib, di mo man sila tawagin ay nandyan na agad sila."

"But of course!" biglang sabat ni Kikay na kani-kanina lang ay di namin kasama. Sa isang iglap nasa tabi na siya ni Clarissa. "From the word itself na 'kaisa', kaisa nyo kami sa lahat ng oras. Malalaman namin agad  kung nasa panganib kayo sa pamamagitan ng nararamdaman ninyo. Naramdaman ko na biglang nangamba at natakot si Clarissa kaya nandito ako ngayon."

"Curious lang ako, di ba nababasa ninyo ang aming iniisip?" tanong ko.

Umuling si Kikay. "Hindi sa lahat ng pagkakataon. Actually the right phrase for that ay 'kung naririnig namin ang inyong iniisip.' Pag nag-iisip kasi kayo at ang manner ng pag-iisip ninyo ay parang may kinakausap o may tinatanong, iyon ang naririnig namin."

"Ah, kaya pala noong nagtanong ako sa sarili ko one time, biglang sumagot si Popoy sa katanungan ko."

"Exactly!" pagsang-ayon ni Kikay. "Or.. pwede din naman na lagi na lang kami sa tabi ninyo, naka-invisible nga lang!" 

"Kaya pala! Kaya pala ang bilis mong lumitaw kasi kanina ka pa nandito at nakikinig sa pinag-uusapan namin! May pagkachismosa ka rin naman Kikay." sabi ko.

"Of course NOT! Hmp!" pagtanggi ng diwata na naka-pout pa ang lips. Nagmukha tuloy siyang batang nagdadabog. "Binabantayan ko lang ng maigi si Clarissa."

Tumawa kami ni Clarissa.

"Tama... Binabantayan mo ang kanyang love life!" sabi ko.

"Gino?!" namula si Clarissa.

Nagmukhang guilty si Kikay at tumawa.

"Magaling pa si Popoy, 'mind your own business.' Haha!" sabi ko.

"Um.. nga pala, Gino..." nagsalita muli si Clarissa pero bakit parang nahihiya siya?

"Bakit?"

"Um...Pwede mo bang kausapin si Regina?"

Nagulat ako sa tanong niya. "Hah? Bakit naman?"

"Sorrry, Gino pero na-promise ko kasi sa kanya."

"Na promise mo sa kanya? Sineset-up mo ba ako sa kanya?" inis kong tanong. 

Tsk. Bakit naman ako iseset-up ni Clarissa kay Regina? Kailan pa sila naging close? 

"Hindi! Hindi!" pagtanggi ni Clarissa. Nahiya siyang tumingin sa akin ng diretsyo. Napalakas din ata boses ko, natataranta na siya."Hi-Hindi ganun, Gino."

Siguro obvious sa mukha ko ang pagkainis ko.

"Ang harsh mo naman, Gino!" komento ni Kikay na nakapawaywang. "Why so mean?!"

"Eh, bakit ka nagpromise kay Regina? Alam mo naman na ayaw ko sa kanya."

"Sorry talaga, Gino. Ang naisip ko kasi mas mabuti kung magmula sa iyo mismo kung ayaw mo sa kanya."

"Think about this, Clarissa actually did you a favor para di ka na guluhin ni Regina" sabi ni Kikay.

Napabuntong -hininga ako. 

Tama nga naman  si Clarissa, mas mabuti siguro na sabihin ko nang harap-harapan kay Regina na I don't like her. Hindi ba obvious yun sa kanya? Di ko nga siya pinapansin. And for some reason, galit sa akin yung second year na si Ren Dela Rosa. Tsk. Magsama sila!

Pero kung tutuusin pwede ko sana siyang maging kaibigan kung di lang siya masyadong maldita at papansin.

"San ba?" tanong ko.

"Siguro after ng quiz bee ng Mr. and Ms. O.A. Student of the year."

Nagulat ako. "Hah? Ngayon na yun?!" Lagot di ako nagreview! Hehe.

"Ano ka ba, Gino! Ngayon yun!"

Okay. Bahala na. Di naman ako interesado sa contest. Pinilit lang ako ni Sir Daniel Solis na sumali. Siya na mismo ang nagsulat ng name ko sa list. Si Elvin Manggubat lang kasi ang willing to join at wala nang iba. Ang gusto kasi ni sir maraming representatives ang first year.

 Naglakad na kami papunta sa school gymnasium kasama ng mga classmates namin.

"Good luck! Galingan nyo, ha!" sabi ng kaklase namin na si Diane Alonzo. Gulat naman ako sa kanya, di kasi siya namamansin dati. 

Maya-maya naglabasan na din ang mga ibang sections ng first year at nagcheer sila sa amin. 

"Go mga taga-first section! Galingan ninyo!"

"Matatalino naman kayo! Nakakahiya kung matalo kayo!" sabi ng isang estuyante na parang bitter. Di ko sila pinapansin habang si Regina feeling celebrity na kumakaway at nagpapacute. 

"Clarissa, kumaway ka din!" utos ni Kikay. Nahihiyang kumaway naman Clarissa.

Natatawa ako kay Kikay parang coach ni Clarissa. Pero buti na lang walang nakakakita sa maliit na diwata kasi kung mayroon, tiyak magkakagulo ang mga estudyante.

Nakita ko si Jun-Jun Sta. Maria. Tumungo siya. Tumungo din naman ako sa kanya. Di rin nagtagal binaling niya ang tingin kay Katherine Dela Rosa.

Tsk. Ako ba ang dapat magsorry kay Jun-Jun? Haaaaaayyyy... Sige, mamaya ko na lang siya kakausapin.

"Oh my gossshhh, feeling nervous? Why so silent?" pagpuna ni Regina kay Jenny Roque. "And you're into that get-up of yours again of wearing eyeglasses?! THAT would never make you win! AMBITIOUS FROG!"

Parang nagulat si Jenny for a second pero bumalik ang kanyang composure at nagflip ng hair sa harap ni Regina. "I have no time for you." medyo natigilan siya for a moment, "I'm - I'm concentrating to win the title! Get ready to lose this quiz bee! Its verrrryyy eazzzzy! Cockroach!" Nagflip ulit siya ng hair niya sa speechless na si Regina at nagmadaling naglakad ahead of her.

May ligaw na bato sa may cemented na pathway ng school at dahil sa bilis ng lakad niya, Jenny tripped and was about to fell to the ground pero dali-dali akong tumakbo and took her hand para itayo.

Tatawa na sana si Regina pero nag-make face nang makitang tinulungan ko si Jenny.

"Are you okay, Jenny?" tanong ko in english, alam ko kasi na medyo di pa siya magaling magtagalog.

"Hah? Okay lang ako. May bato kasing pakalat-kalat. Salamat." sagot niya.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Marunong na siyang mag-straight tagalog?!

Medyo nadulas sa ilong niya ang kanyang salamin. I saw a hint of a bluish glow sa iris niya.

Bumilis ang tibok ng aking puso.

Naalala ko na naman ang babaeng nakita ko sa may kamotehan nina Jun-Jun. Ang babaeng may maamong mukha at may kakaibang kinang sa kanyang mga mata. Alam ko namang si Jenny yun pero bakit ba parang di niya ako matandaan?

Humangin at hinaplos ng hangin ang kanyang buhok na mahaba na para bang waves ng dagat. Naamoy ko ang kanyang pabango. So sweet, masarap sa ilong. Ang bango-bango. Nakakaadik.

"G-Gino, okay ka lang?" tanong ni Jenny.

Titig na titig ako kay Jenny. Alam ko siya iyon. Siya ang misteryosong babae sa may kamotehan. I now realized na gustong-gusto ko siya. "Jenny..." seryoso ang aking tono. Itatanong ko na. Hindi ako mag-aaksaya ng pagkakataon, mahirap kasi siyang lapitan. "Jenny, nagkita na tayo dati di ba? Dun sa may kamotehan sa barangay Sto. Cruz?"

Nanlaki ang mga mata ni Jenny. Nag-quiver ang kanyang lips. Di siya makasagot.

"Jenny, bakit mo ba tinatanggi na nagkita na tayo? Nakipaghabulan ka pa nga sa akin, di ba?"

Di siya makatingin ng diretsyo.

"Excuse me!" biglang sabat ni Regina at sinadyang dumaan sa pagitan namin. "Can you move out of my way?!"

Nawala bigla sa aking paningin si Jenny. Napansin ko na lang na nagmamadali siyang naglakad papasok ng gym.

May mga chairs na magkakalayo sa gitna ng school gymnasium. Ang lahat ng mga estudyanteng di kasali sa quiz bee ay nakaupo sa mga bleachers na nakapalibot sa malawak na basketball court sa loob ng gym.

Kasali din pala si Ren. Masama ang tingin niya sa akin. Di ko siya pinansin.

Nagsiupuan na kami sa mga nakahandang chairs. Napansin ko na lima lang kaming representatives ng mga first years; sina Jenny, Clarissa at Regina sa girls at kami lang ni Elvin sa boys. Pero dun sa higher years eksaktong sampo, 5 girls at 5 boys.  Mukhang walang pag-asang manalo ang mga first years! Good luck!

May kumpulan ng mga first year faculty sa isang tabi.  Seryoso ang usapan. Maya-maya lumapit si Sir Daniel Solis sa school principal namin na Sir Gilliam Zaide, may sinabi at tumungo ito.  Nakangiting lumapit ang adviser namin sa ibang teachers, may sinabi at tumungo ang lahat.

May kaguluhan bigla sa mga first year students. May mga nagpalakpakan at nagkantyawan. Pinayagan pala ni Sir Zaide na isali sa quiz bee ang nasa top 25 students sa buong first year. Di naman daw unfair sa ibang year levels kasi may kasali din naman sa kanilang na sa top 25 din.

Tsk. Grabe, nagrules pa sila, eh sila din naman ang bumabali! 

Aba, aba! Natuwa naman ako nang makita ko si Jun-Jun na pinipilit ng adviser niya na umupo sa isa sa mga chairs ng mga contestants. So may tatlong boys na sinama from other sections ng first year. Pahirapan naman sa girls, yung iba may hiya-hiya pang effect. Eventually may babaeng pumayag. Pero isa lang siya. Kulang pa ng isa.

"No! Katherine can't join!" pagdadabog ni Regina. "NO! NO!"

"Who are you to decide for Katherine?" tanong ni Sir Daniel. 

"She's my friend. I need her to support me."

"How selfish of you, Regina! If you are really Katherine's friend, you should motivate her to excel as well." sagot ng adviser namin. "This is an unlikely attitude from a first section student. Would you like me to send you right now to the guidance office for counselling?!"

"No!"

"Sir, okay lang ako. Ayaw ko po talagang sumali." sabi ni Katherine.

"No. You join Katherine. I know you can do this. Now take your seat near Clarissa."

So yun ang nangyari kaya kompleto na ang mga representatives ng first years. 

Naging intense naman ang labanan ng brains kahit A-B-C-D lang naman ang pagpipilian sa mga sagot para sa English at Science category. Sobrang dadali ng mga tanong. Basic na Basic. Halos maperfect namin ang mga questions, yun of course ay sa easy round pero ang hihirap din ng tanong pagdifficult round na. Sa Mathematics category nagkasukatan ng talino sa numbers, may computation kasi at dapat tama ang sagot mo. Maraming nahirapan kasi mix ang topics, lalo na kaming mga first years!

Pero hanga ako kay Jenny. Sobrang advance niya. Nakikipagsabayan siya sa mga higher levels. Kitang-kita ko ang pagkaasar ni Regina. Haha Buti nga!

In the end, si Jenny lang sa ang mga first years ang may nakuhang pinakamataas na total score sa quiz bee. Nasa third place siya.

Ang Mr. and Ms. O.A. Student of the year ay points system. The more points you have, the more chances of winning!

Halos lahat ng mga contestants ay may 80 to 90 points na. Isang senior ang nakakuha ng 98 na points na ang pinakamataas. Ang sumunod ay galing sa second year na si Romnick Andrada na may 97 points na. Si Jenny ay may 95 points.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang ibang contestants kasi may dalawa pang events na pwede silang makakuha ng mas maraming points. 

Tapus na ang quiz bee.

Nagkaroon ng early recess ang mga contestants.

"Gino, dun daw kayo magkita ni Regina sa may mini park ng school." paalala ni Clarissa.

Ah. Oo nga pala. Tsk. Ito talagang si Clarissa!

"Pasalamat ka, Clarissa." sabi ko.

"Sorry, talaga."

"Teka..." papunta kami ng school canteen nang mapadaan kami sa tindahan ng school supplies. May nakita akong makinang na bagay. Nilapitan ko. Isang hair clip na may maliit at pink na starfish na puno ng glitters. Naalala ko bigla si Jenny. Binili ko.

"Gino, naghahair clip ka?!" gulat na tanong ni Clarissa.

"Sira! Di ito para sa akin... para kay..."

"Kay Regina?"

"Tsk! Hindi ah!" naasar kong sagot.

"Okay. Sorry na po. Ang sungit-sungit mo talaga, Gino!" reklamo ni Clarissa.

_________________________________

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

WAIT FOR THE NEXT CHAPTER:

SI JENNY O SI REGINA?  (Gino Ivan Lazaro's Point of View)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top