Chap.18: PUMASOK SA LIWANAG

Thanks for patiently waiting! Here's the latest update Enjoy!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑PUMASOK SA LIWANAG๑۩۞۩


++++NARRATOR'S POV++++++++++++++++++++++


Umiiyak si Regina Co. Patuloy ang pagpatak ng kanyang luha habang nakatingin sa malalim na bangin na nabuo nang maging isang labyrinth ang buong barangay Sta. Cruz dahil sa mga pagkahiwalay-hiwalay at pagtaas-baba ng mga bahay at daan.

"Hero!" kanyang sigaw sa kadiliman sa ilalim niya.

Nagsisi siya. Bakit ba kailangan pa niyang tumakbo papalayo? Sana nakinig na lang siya sa mga sasabihin ng kanyang nobyo. After all, what matters most ay trust nila sa isa't-isa. Hindi naman nasira ang tiwala niya kay Hero, na-dissappoint lang. Di lang niya inaasahan na di nagawang tumutol ni Hero sa kaguluhang pinasimuno ng Supremo. Sana may nagawa siya para pigilan ito. Pero wala na ngayon itong halaga dahil alam niyang nasa matinding panganib si Hero.

Tumakbo siyang umiiyak at dahil sa umaapaw na luha sa mga mata ay di niya napansin na nasa dead end na pala siya. Muntikan na siyang mahulog pero mabilis namang siyang hinila ni Hero pabalik. Kaya lang, dahil sa hila ng gravity at bilis ng pangyayari hindi niya natansya at na out-of-balance hanggang siya ang nahulog kaysa kay Regina.

Labis ngayon ang ang takot ni Regina dahil rinig na rinig niya ang mga ungol ng mga ligaw na kaluluwa sa ilalim ng bangin.

"Hero!" nakailang ulit na niyang tawag. Kahit nga sa isip ay hindi maramdaman ni Regina ang presensya ng mahal niya.

"Sorry. I promise I'll listen, just answer me, HHHEEEERRRROOOO!"

Ayaw isipin ni Regina ang posibilidad na... Baka... wala na si Hero! Sa lalim ng kanyang hinulugan at sinalubong pa siya ng mga kaluluwang humihigop ng lakas at nagdadala ng matinding bangungot, mabubuhay pa kaya si Hero?

"No. THAT can't be! He is stronger than that. He is alive!" sambit ni Regina na parang may kausap at nakikipagtalo. Pilit niyang ipinaiintindi na buhay pa si Hero, na okay lang siya, na muli pa silang magkikita. Pero ang totoo ito ay pilit niyang pinapaintindi sa sarili. Humihina na kasi ang kanyang loob at nawawalan ng pag-asa.

It's true na may small chance si Hero na makaligtas. Ayaw lang ito isipin ni Regina.

Napatakan ng luha niya ang diamond ring na bigay ni Hero sa kanya. May matinding kurot na naramdaman si Regina sa puso.

She does not deserve the ring. Hero does not deserve sa nangyari sa kanya. THIS is her fault!

Kung di lang siya nagpaka-arte at nagpaka-selfish. How can she expect more kay Hero, kung siya mismo ay hindi perpekto? Kasalanan niya lahat!

Now, she has to do something. May kailangan siyang gawin para kay Hero. Kung hindi niya maligtas si Hero, kahit man lang maging magkasama sila...

She made up her mind. She'll follow him. Hero is her second chance and she blew it! Wala nang ibang lalaki para sa kanya, si Hero lang.

She's crazy in love with him. Mahal na mahal niya ang kanyang prinsipeng dalaketnon.

Pinunasan ni Regina ang kanyang mga pisngi na basang-basa dahil sa luha na animo'y ilog na patuloy na dumadaloy mula sa mga namamaga na niyang singkit na mga mata.

"I love you, Hero..." bulong ni Regina. Tumayo siya at handa nang tumalon sa bangin.

"REGINA!" sigaw ni Clarissa Gutang na mabilis sumugod gamit ang mga pakpak ng paru-paru sa kanyang likod. Hinila niya ang kaibigan pabalik sa patag na lupa. "Anong iniisip mo?!"

"Let go of me! I need to do this! I need to be with Hero!"

"Anong pinagsasabi mo?!" nagtatakang tanong ni Clarissa. Mabuti na lang talaga at nakatakas sila ni Ren mula sa heneral ng mga dalaketnong yelo na si Bidagulo. Gamit ang orasyong nagpapatigil, iniwan nila ang kalaban. Di na sila nag-aksya ng panahon at tumakbo sa direksyong tinungo ni Hero dahil sa sigaw ni Regina. Hindi na rin naman sila hinabol nito makalipas ang sampung minuto dahil alam niyang di nila kasama si Abby. Sinundan niya sina Katherine at Jun-Jun. Ang dasal lang ni Clarissa ay hindi matunton ng dalaketnon ang kanyang mga kaibigan.

"Buti na lang at dito naming naisipang sumunod, kung hindi, nakatalon ka na sa bangin!" sambit ni Ren Dela Rosa. Di niya maitago ang inis sa kaartehang ginagawa ni Regina, napaka-drama. 'Nababaliw na yata ito,' sa isip niya.

"No! No! It's Hero. He saved me from falling from the cliff, now I lost him forever!" hinagpis ni Regina.

"Si Hero ay nahulog sa bangin!?" gulat na sabi ni Clarissa.

Tumango si Regina.

Napalingon si Clarissa sa bangin. Kinabahan siya. Napakalalim nito.

Lumapit si Ren sa dulo ng bangin.

"Ren, mag-ingat ka!" paalala ni Clarissa.

Kumindat lang si Ren.

Napabuntong-hininga si Clarissa. Kanina pang nagpapasikat si Ren sa kanya.

Naging seryoso ang mukha ni Ren. Di sila close ni Hero at kalaban pa rin ang turing niya dito pero di niyang maiwasang maawa. "Bukod sa malalim, puno pa ng mga ligaw na kaluluwa ang ilalim. Obvious na pinag-fiestahan na siya ng mga ito."

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Regina.

"This is my FAULT! This is all because of me!" nagsisisigaw si Regina. Nagtangka muli itong lumapit sa bangin. "HERO! HERO!"

"Regina, sorry." sambit ni Clarissa bago niya bigyan ng malutong na sampal sa pisngi ang kaibigan para matauhan.

"ARAY KO NAMAN!" napatagalog ng di oras si Regina. "Why did you do that?!" galit na sigaw nito kay Clarissa.

Mahinang napatawa si Ren. 'Haha, kawawa ang drama queen.' bulong ni Ren sa sarili.

"Ren!" saway ni Kidlaon sa kanyang isipan.

Huminga ng malalim si Ren. Oo nga naman. Mali na pagtawanan niya ang pagsampal ni Clarissa kay Regina. Kailangan ito para mahimasmasan si Regina at huminahon. Nagbagong buhay na nga pala siya. Kailangan niyang maging mabait at mapagkalinga gaya ng pinakamamahal niyang si Clarissa. Hindi niya masisi si Regina sa ginagawang pagkabahala dahil aaminin niya, kahit siya, kung mangyari iyon kay Clarissa ay hindi niya alam ang gagawin baka mga mas matindi pa ang kanyang pagwawalang gagawin at di siya magdadalawang-isip na sundan din si Clarissa! Agad-agad siyang tatalon para sumunod dito!

"Sorry pero kailangan mo iyon para bumalim ka sa sarili mo. Hindi mo na alam ang iyong pinagsasabi." mahinahong sambit ni Clarissa at marahang minasahe ang balikat ng kaibigan.

Saglit na napapikit si Regina at dinama ang pagpapakalma ni Clarissa. Indeed, she is a true friend. Wala na siyang masabi dito. Muli niyang minulat ang mga mata at pilit na ngumiti. "Thanks."

Sinuklian din ni Clarissa ng ngiti ito. "Huwag ka nang mag-alala, ililigtas natin si Hero."

Taos-puso ang pasasalamat ni Regina.

Lumingon si Clarissa kay Ren. Nahuli niya iyong nakatitig sa kanya, puno ng pagtatangi ang mga mata.

"Kung may award lang ng ulirang kaibigan, ibibigay ko na sa'yo." komento nito.

Nahiya naman bigla si Clarissa at namula. 'Si Ren talaga ang kulit-kulit!' sa isip niya.

"Uyyyy... Kinikilig!" pang-aasar ni Kikay sa kanyang isipan.

Hindi ito pinansin ni Clarissa.

"Ren, tulungan mo ako. Gamit ang iyong kidlat, liwanagan mo ang ilalim ng bangin para makita natin si Hero."

"Yes po, boss ng buhay ko!" sambit ni Ren na gaya sa isang sundalo.

Sasawayin sana ni Clarissa ito pero di na niya tinuloy nang mabilis namang sinunod ni Ren ang sinabi niya.

Tumawag ito ng ilang kidlat at inihagis sa bangin.

Mabilis naman nagsilayuan ang mga kaluluwang maiitim na gaya sa mga anino pero may naiwan pa ring grupo ng mga ito na may pinapalibutan na katawan.

Si Hero Salvanera!

"Kadena de Amor!" tawag ni Clarissa at mula sa kanyang mga palad ay may mga baging na tumubo at humaba. Nagsilbi itong tali at kusang gumapang patungo sa ilalim ng bangin, pinuluputan si Hero at dahan-dahang inangat.

"Ulan ng mga Kidlat!" sigaw ni Ren at isa-isang pinatamaan ng kidlat ang mga kaluluwang-ligaw na ayaw pakawalan si Hero.

Sa wakas ay tuluyan na nilang naiangat ang katawan ni Hero.

"Hero!" salubong ni Regina pero nawala muli ang saya nang makita niyang putlang-putla ito. Sadya nang maputla ang balat ni Hero pero ang pagkaputla niya ngayon ay halos puting-puti na! Grabe din ang panginginig ng katawan nito. "Hero, say something!" naluluha na muli si Regina. Sinubukan niyang yakapin ang nakahigang katawan nito pero ang lamig ay di pangkaraniwan! Hindi ito ang lamig ni Hero na may init ng pagmamahal. "What's wrong with him?!"

"Epekto ito ng mga kaluluwang-ligaw." sambit ni Clarissa.

"Ughh... Reggg... Ughh iiiiinnnaaa... Ughh..." sambit ni Hero mula sa nanginginig niyang mga labi.

"Hero, yes. I'm here." sagot ni Regina. "can you see me?"

Kahit mulat ang mga asul na mga mata ni Hero, nakatitig ito sa kawalan.

"Binabangungot siya ng gising." dagdag ni Clarissa.

"OMG! We got to do something!" nagpapanic na giit ni Regina.

Di makasagot si Clarissa. Hindi niya alam ang gagawin para tulungan si Hero.

"Ah, Clarissa, Regina, sa tingin ko kailangan na nating umalis dito." sabi ni Ren nang mapansing isa-isa nang nagsisi-akyatan ang mga kaluluwang-ligaw.

"Di ko alam ang gagawin para maibalik sa dati si Hero pero makakaasa kang hihingi tayo ng tulong. Kailangan lang muna na umalis tayo dito." sambit ni Clarissa.

Binuhat ni Ren si Hero. Muntikan na siyang magreklamo nang malakas. Mas double kasi ang bigat ni Hero kaysa sa kanya.

Napansin naman ito ni Clarissa at ginamit ang orasyong nagpapalutang. Biglang gumaan si Hero at inalalayan na lang ni Ren ito para di tuluyang lumutang papalayo.

"Loves mo talaga, ako. Salamat."

Di siya sinagot ni Clarissa.

"I will never forgive you!" galit na sambit ni Regina nang may ilan-ilan nang nakaakyat sa taas.


Sa inis ay itinaas ang kanyang scepter na gawa sa yelo at nyebe at malakas na sinambit, "TIDAL FREEZE!" sa isang iglap ay nagkaroon ng animo'y malaking alon ng yelo at pinatigas ang mga kaluluwang-ligaw. "HMMP!" mataray na tumalikod si Regina at sumunod kina Clarissa at Ren.


۩۞۩๑______________۩۞۩  


Nang mawala na ng tuluyan si Director Carlos Mendoza at ang kanyang kasama na si Mariella Luna sa dilim, sa isang iglap ay biglang nanlambot si Abigail Roque sa pagkakatayo at aktong matutumba. Mabilis naman siyang sinalo ni Ginn Lazaro.

"Abby." tawag niya pero di ito sumagot, wala pa rin palang malay.

Di matingnan ng diretsyo ni Ginn ang dalaga dahil biglang naisip niya ang alok ng school director. Sana nga wala itong malay kanina at di niya na rinig ang usapan nila.

Nahihiya siya dito. Wala siyang karapatan na tanggapin si Abby at sa simula pa lang wala namang karapatan si Director Carlo na ialok si Abby kasi si Abby ay hindi bagay! Si Abby ay isang espesyal na nilalang na napakahalaga para sa kanya!

Nagsisimula na rin siyang magdalawang isip kung ano ang nararamdaman niya para dito, pagkagusto ba bilang siya si Abby o pagnanasa sa kapangyarihan tinataglay niya bilang hinirang ng dyosa. Naguguluhan siya.

Magulo naman talaga dahil may dalawang magkasalungat na diwa ang bumubuo sa pagkatao niya ngayon, si Gino at si Gunaw. Ang isa ay pagmamahal, ang isa ay kasakiman.

"Ginn!" lumapit ang matalik niyang kaibigan na si Junior Sta. Maria. Medyo naninibago pa rin si Ginn na makita itong walang salamin at puno ng matingkad na bughaw na pakpak.

"Okay lang ba si Abby?!" nag-aalalang tanong ni Katherine. "She's all wet and stinky!"

Mas lalo namang nanibago si Ginn kay Katherine. Napakaliwanag niya at napakaganda ng mapuputi nitong pakpak. Isa siyang sugo ng liwanag.

"Okay lang siya, nawalan lang siya ng malay."

"Sino ang kausap mo kanina?" tanong ni Jun-Jun.

Hindi agad nakasagot si Ginn. "Tagasunod ng Supremo pero tumakas na nang makita kayo."

"Pre, masaya ako at ligtas kayo ni Abby!" nakangiting sambit ni Jun-Jun.

Ngumiti lang si Ginn.

"Hahahah... Ang cute nyong tingnan!" biglang bungad ng isang nakakapangilabot at matinis na boses.

Lumingon si Jun-Jun. "Marian!" galit na tawag nito. Kilalang-kilala niya ang multo ng nagpakamatay na estudyante sa may CR ng girls. Hindi niya lubos maisip na ito pala ang nais ng multo.

"Huh? Sinong Marian? Ang Nanay Cindy ito ni Gino! Hahahha!" nilahad niya ang kanyang dalawang kamay. "Oh, anak ko, come to mama! Hahahhaha!"

Kumukulo na ang dugo ni Ginn sa multong sumapi sa kanyang ina. Nag-iinit na ang kanyang kamao pero di niyang magawang sumugod dahil katawan ng nanay niya ang gamit ni Marian. Hindi niya magawa itong saktan.

"Sa ngalan ng Diyos, umalis ka sa katawan ng nanay ng kaibigan namin!" sambit ni Katherine. Mas lalo pa siyang nagliwanag.

"Ahhhh! Ayaw ko!" sigaw ni Marian na biglang nasilaw sa liwanag ni Katherine.

"Matagal ka nang nanatili dito sa mundo. Panahon na upang magpahinga ka na." dagdag ni Jun-Jun.

Di maitago ni Jun-Jun ang saya dahil kasama na niya ngayon si Katherine na harapin ang mga kaluluwang di matahimik. Kung dati mag-isa lang siya pero ngayon may kasama na siya! Matagal na niyang tiniis ang mga pagpaparamdam ng mga multo sa kanyang paligid. Gustuhin man niya, di niya kayang lahat ay matulungan. Pero di na ngayon, si Katherine na ang kanyang katuwang. Nararamdaman niya ang koneksyon nila.

"Sa ngalan ni Hesu Kristo! UMALIS KA SA KATAWAN NG NANAY NI GINO!" diin ni Katherine. Ang totoo kinakabahan siya. Alam niyang exorcism na ang ginagawa niya. Hindi pa sya trained dito. Tiwala at pananampalataya lang sa Diyos ang kanyang pinanghahawakan.

"HAHAHAHA!" tumawa lang ng malakas si Marian. Mas pumangit at halos di na makilala ni Ginn ang mukha ng kanyang ina. Nanlilisik ang mga mata nito!

Tinaas ni Marian ang mga kamay ng kanyang sinapian at gamit ang kanyang pwersang puno ng galit at inggit sa mga buhay na matagal na niyang kinikimkim sa haba ng panahon ng pananatili niya sa mundo, nagawa niyang galawin ang dalawang naglalakihang mga bato patungo kay Katherine.

Gamit ang hangin ay mabilis namang napigilan ni Jun-Jun ang pag-atake.

"HAHHAHAHAHA! Hindi nyo basta-bastang makukuha ang katawan na 'to. AKIN 'to!" giit ni Marian sabay takbo papalayo.

Hindi na hahayaan ni Ginn na makatas pang muli ang nagnakaw ng katawan ng kanyang ina. Gamit ang elemento ng lupa ay hinarangan ng nagtataasang mga batong pader ang dadaanan ni Marian.

"Umalis ka na sa katawan ng Nanay Cindy ko!" sigaw ni Ginn.

Hindi nasindak si Marian.

"Wala kang magagawa sa akin! Di mo ako kayang saktan! Hahahahha!"

"Gino..." tawag ni Katherine.

"Ginn." Pagtama ni Jun-Jun

"Huh? Okay, Okay. Ginn." lumapit si Katherine. "Ito ang makapagpapaalis sa kaluluwa ni Marian mula sa katawan ng nanay mo." pinakita niya sa kanyang palad ang kwintas na may cross pendant.

"Ang kwintas ko!" nagulat si Ginn. Matagal na niyang hinahanap ito. Akala niya ay tuluyan na niyang nawala ito.

"Ito ay puno mismo ng pagmamahal ng iyong ina para sa'yo. Ito ang makapagpapaalis at makapagpapabalik sa iyong tunay na ina." paliwanag ni Katherine.

"HINDEEEEE!" naalarma si Marian. Hindi niya alam kung bakit pero labis ang pangamba niya sa kwintas. Totoo kaya ang pinagsasabi ng batang ito? Gamit muli ang kanyang pwersa pinatalsik niya ang kwintas mula sa palad ni Katherine.

Mabilis namang sinalo ito ni Ginn.

"Walang magagawa sa akin ng simpleng kwintas lang! Hahhahaha!" giit ni Marian.

"Kung wala palang magagawa pero bakit parang nababahala ka sa SIMPLENG kwintas na 'to?" pagdiin ni Ginn. Sa unti-unti niyang paglapit kay Marian, balisang-balisa ito. Mukha nga na ito ang makakatulong sa kanila para mapalayas ang kaluluwa ni Marian!

"HIIIINNNNDDDDEEEEE.... GRRRRRRR!" lumalim ang boses ni Marian. Hindi nagbago ang anyo nito pero animo'y naging mabangis na hayop ito. Bigla-biglang tumalon at pinagkakalmot si Ginn.

Nagulat si Ginn sa di inaasahang ginawa ni Marian at natumba siya patalikod. Nasa ibabaw niya ngayon si Marian at parang hayop na nagsisigaw, pilit na inaagaw ang kwintas sa kanyang pagkakahawak.

"Ginn, isuot mo sa kanya ang kwintas!" sigaw ni Katherine.

Dali-daling lumapit si Jun-Jun, saglit na naging mga kamay ang kanyang mga pakpak at hinawakan si Marian. Kailangan niyang mapigilan sa paggalaw ito para maisuot ni Gino ang kwintas.

"AAAAGGGRRRRRGHHHRRR!" nagpakawala ng malakas na pwersa si Marian na nagpatumba din kay Jun-Jun.

"Napakalakas niya!" sambit ni Jun-Jun. Hindi niya maintindihan kung paanong naging sobrang lakas nito.

Kay Ginn naman, pakiramdam niya mga limang tao ang nakapatong sa kanya. Hindi siya makagalaw. Sobrang bigat ni Marian!

"GGGGRRRRRRRR!" galit na sinakal ni Marian ang leeg ni Ginn!

"Aahhhhuugghghhhhh!" buong lakas naman na pilit tinatanggal ni Ginn ang mga malabutong mga kamay na sumasakal sa kanya. Nauubusan na siya ng hininga. Nagsimula na rin na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kitang-kita niya ang dating magandang mukha ng kanyang ina na ngayon ay puno ng kalmot at pasa. Sobrang naaawa na siya. Masyado nang matagal na nagdurusa ang kanyang Nanay Cindy.

Nagsimulang magdasal si Katherine at binuhusan ng holy water si Marian. "GRRRRAAAHHHHHHHHH!" animo'y asido sa balat ni Marian ang bawat patak ng banal na tubig. Pero di pa rin lumuwag ang pagkakasakal niya kay Ginn.

"Ipagpatuloy mo lang yan, Katherine." sambit ni Jun-Jun at muling tinangkang tanggalin ang mga kamay ni Marian.

Natatakot na siya. Kailangan na niyang mapakawalan ang kaibigan sa pagkakasakal ni Marian dahil nangingitim na ang buong mukha ni Ginn at halos wala nang hanging nakakapasok sa kanyang katawan.

"Marian, tama na. Please." Paki-usap ni Jun-Jun.

Patuloy lang sa pagsigaw sa galit si Marian.

Biglang may mga batong lumutang at tumama sa mga ulo nina Jun-Jun at Katherine. Parehong nawalan ng malay ang dalawa sa lakas ng pagkakatama!

Tumawa si Marian.

Nanlaki ang mga mata ni Ginn. Kitang-kita niya ang nangyari sa kanyang mga kaibigan. Sumosobra na si Marian. Hindi na siya simpleng kaluluwa lang, isa na siyang sugo ng kasamaan!

"Iha, tama na. Pagod ka na." sambit ng isang marahang boses ng lalaki.

Di makapaniwala si Ginn sa nakikita niya! Nakatayo bilang isang tao si Itim, ang pusa. Nakatayo ngayon na parang buhay ang isa pang napakahalagang tao para kay Ginn, ang kanyang Tatay Alberto!

Kung may makakakita na ibang tao. Iisipn nilang ang isang ina ay sinasakal ang kanyang anak, habang nagmamakaawa ang ama na tigilan ito. Isang nakakagimbal na tagpo ng isang pamilya.

"Tama na." pag-ulit ng ama ni Ginn.

Hindi ito pinansin ni Marian, bagkus ay sinigawan lang ito.

"Halika, sumama ka na." alok ni Alberto.

"Hindi! Gusto ko pa dito! Gusto ko pang mabuhay!"

"Pero hindi ka na buhay. Baka nakakalimutan mong hindi mo katawan ang ginagamit mo ngayon."

"Wala kang paki-alam! Inggit ka lang!"

"Marian, sumama ka na. Pagod ka na. Ayaw mo bang matahimik?"

"Hindeee!"

"Naghihintay sa iyo ang katahimikan, ang kapanatagan... ang liwanag."

"Liwanag?! Hinding-hindi na ako makakapunta sa liwanag! Makasalanan ako! Wala na! Wala na!"

Napapansin ni Ginn na unti-unting lumuluwag na ang pagkakasakal ni Marian sa kanya. Muli na siyang nakakahinga! Dali-daling niyang isinuot ang kwintas na may cross pendant sa leeg nito.

Hindi ito napansin ni Marian, nakatuon ang kanyang atensyon sa tatay ni Ginn.

Ang nakakamangha ay, nag-iba ang itsura ni Marian, nagbalik ang dati nitong cute na mukha noong nabubuhay pa siya. Pulang-pula na parang bago ang kanyang salamin at matingkad ang kanyang maiksing buhok. Nakaschool uniform din siya.

"Hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa. Ang totoo wala namang palugid ang kapatawaran ng Diyos." sambit ni Alberto na nakangiti.

Nagsimulang umiyak si Marian. "Dati gusto ko pang mabuhay pero ang totoo gusto ko nang umalis dito. Gustuhin ko man, nakakulong ang kaluluwa ko sa mundo ng mga tao."

"Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. Sasamahan kita. Masyado na ding matagal ang pamamalagi ko sa mundong ito. Pagod na din ako. Halika sabay tayong pumunta sa liwanag." nilahad ni Alberto ang kanyang palad.

May lumabas na nakakasilaw na liwanag sa kanyang likuran. Iyon na kaya ang langit?

Tumayo na si Marian at nagsimulang maglakad ng ilang hakbang papunta sa liwanag.

Natigilan si Ginn. Napupuno siya ng emosyon ni Gino. Napahagulgol siya sa iyak.

"T-Teka, Tay. Teka lang tatay!" tawag ni Ginn at pinilit na tumayo. " Teka lang po!" di mapigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. "Aalis na kayo? Iiwan nyo na ako? Hindi pa tapos ang lahat. Nandito pa ang Supremo, di ko pa din tuluyang mapigilan ang pagkatao ni Gunaw sa akin! Kailangan pa kita, tatay!" pagmamakaawa ni Ginn.

Ngumiti si Alberto at sinubong ang pagyakap ng anak.

"Gino, anak." sambit nito at gaya noong bata pa si Gino ay hinaplos niya ang buhok nito. "Tandaan mo na mahal na mahal kita, anak. Binuwis ko ang aking buhay para sa kaligtasan mo. Hiniling ko na manatili sa mundong ito para sa iyo... Pero anak, di mo pa rin maikakaila na matagal na dapat tapos ang pamamalagi ko dito sa mundo. Patay na ako. Iyon ang katotohan."

"Pero, pano na ako? Mag-isa na lang ako?"

Natawa si Alberto. "Ano ka ba Gino? Nandyan pa ang Lola Esme mo, ang Tita Dorina mo at higit sa lahat, ang Nanay Cindy mo."

Tinuro ni Alberto ang kanyang asawa na nakahiga sa lupa. Gumalaw ito at nagsimulang umubo.

"Nanay!" tawag ni Ginn at mabilis na lumapit.

Minulat ni Cindy ang kanyang mga mata at laking saya niya ng makita ang mukha ng kanyang mahal na anak.

"G-Gino."

"Nanay! Nanay! Okay na po kayo!" mahigpit na niyakap ni Ginn ang kanyang ina.

"Cindy." tawag ni Alberto. "Ikaw na ang bahala sa anak natin."

Lumingon si Cindy, ngumiti at tumango.

Tumalikod na si Alberto at naglakad papalapit sa liwanag kung saan naghihintay si Marian.

"Oy, friend pasensya ka na! Pakisabi na rin kay Jun-Jun at Katherine, Sorry! Peace!" sabi ni Marian at nag-peace sign.

"Tatay!" sa huling pagkakataon ay niyakap ni Ginn ang ama.

"Ipangako mo sa akin, anak na hinding-hindi ka magpapatalo sa kasamaan; Protektahan mo ang mga mahalaga sa iyo; Punuin mo ng pagmamahal ang iyong puso't isipan..."

"Opo, tatay!" umiiyak na tumango si Ginn na parang maliit na bata.

Nagsimula na muling maglakad si Alberto. Tahimik na pinagmasdan ni Ginn ang dalawang kaluluwa na pumasok sa liwanag.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 05/19/2016

OH! How's this chapter?! 

May closure na din sina Ginn at ang Tatay Alberto niya. Buti na lang din okay na ang nanay niya!

Abangan ang Next Chapter!!

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top