Chap.16: HINDI MAKAPAGDESISYON

And we have an update!
Ginn's POV ito! 
This chapter will show you the glimpse ng Elemento Part Three: 

ELEMENTO: ANG MUNDO NG EL KANTADIA  

Wahaha! Exciting, di ba? 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑HINDI MAKAPAGDESISYON๑۩۞۩



++++GINO 'GINN' LAZARO'S POV++++++++++++++++++++++ 

Nagulat ako.

"Abby!" tawag ko pero animo'y wala siyang naririnig, tulala pa rin sa kawalan.

Di ko rin mawari kung bakit basang-basa siya.

"Anong ginawa ninyo kay Abby!" galit kong sambit. Mabilis na nag-init ang aking mga kamao, handang tumawag ng apoy.

"W-Wait lang bata. Mas-Masyado kang mainitin!" pagpigil ng naka-hood na nauutal sa pagsasalita. "We-We are NOT here to fight. Inuulit ko na may-may nais lang kami sa'yo... Ang... Ang iyong partipasyon."

"Tumahik ka! Kung ANO MAN IYAN, di ako papayag!" sagot ko.

Malakas na nagbuntong-hininga ang lalaki, halatang naiinis na rin.

Hinawakan naman ng isa pang naka-hood ang balikat niya at pilit na kinalma.

Napansin ko na mga kamay ito ng isang babae.

Sino ang dalawang ito?

Tsk. Wala akong pake!

"Makinig ka, bata!" sigaw ng lalaki pero mabilis naman na naging mahinahon ang boses niya. Nagpipigil. "Ang... Ang pakiusap ko ay makinig ka muna. S-Sandali lang ito. Huwag kang mag-alala kay Abby, di namin siya sa-sasaktan..."

Mukha namang di nagsisinungaling ang lalaki. Halatang desperado ito.

Di ako sumagot at malakas din na nagbuntong-hininga.

Napansin naman ng lalaki na handa na akong makinig.

"Nakakapagtaka man na-na hindi nagtagumpay si G-Gunaw na tuluyang ma-control ang katauhan mo, alam kong ang alaala ng datu ay m-malinaw na nasa isipan mo , Gino?... G-Ginn ang tawag mo ngayon sa sarili mo di-di ba?"

Di ako sumagot pero tama siya. Di man lahat ngunit nakahalo sa aking isipan ang ilang memorya ni Gunaw na minsan ay nakakaapekto sa akin, gaya na lang ng matinding pagkagalit sa dyosa na si Sibol. Ito ang nag-udyok sa akin na saktan si Abby!

Tsk. Kailangan kong mag-ingat. Baka di ko mamalayan na ang mga nais na ni Gunaw ang ginagawa ko. Hindi ko hahayaang mangyari iyon!

Napangiwi ako saglit. Nagsimula namang sumakit ang ulo ko. Alam ko na ito ay diwa ni Gunaw na nagpupumiglas sa aking katauhan. Pero hindi ko ito pinahalata sa dalawang naka-hood sa aking harapan.

Hindi pinansin ng lalaki ang di ko pagsagot. Tinuloy niya ang pagsasalita.

"M-Marahil malinaw sa iyong isipan ang da-daan patungo sa P-Puso ng Kalikasan..."

Puso ng Kalikasan?

Napaisip ako pero di rin nagtagal ay naging malinaw sa aking isipan ang tinutukoy niya.

Ang Puso ng Kalikasan ay isang napakalaking puno sa El Kantadia. Sakop nito ang buong espirituwal na dimensyon kung saan malayang nakatira ang mga engkanto at diwata. Ito ay nasa gitna ng mga kontinente ng mga elementong apoy, hangin, tubig, lupa, yelo at kidlat.

Napangiti ang lalaki kasi napansin niya na malalim ang iniisip ko.

"... Ikaw ang nag-iisang taong nakapasok dito, tama?" tanong niya muli pero hindi na niya ako hinintay na sumagot at nagpatuloy. " Nais ko ay ituro mo sa akin ang patungo dito."

Di man malinaw pero, oo, nakapunta na ako dito. Isang mapanganib na paglalakbay na tatahakin ang anim na elementong kontinente. Isa-isang nagsibalikan ang mga karanasan ko na parang kahapon lang nangyari.

"Ano ang gusto mong makamit?" tanong ko.

"Di ko alam kung pamilyar ka dito pero matatagpuan sa loob ng Puso ng Kalikasan ang Bukal ng Buhay."

Ang Bukal ng Buhay?

Ito ay bukal ng sagradong tubig na nakapagpagaling ng kahit anong sakit at may mga usapan na makainom ka lang nito ay manunumbalik ang iyong kabataan.

Tsk. Personal na kagustuhan lang pala ang nais ng lalaking ito.

"Sa Puso ng Kalikasan nakatira ang mga dyos at dyosa. Hindi nila hahayaang makapasok ka dito." paalala ko. "Lalo na ang makalapit sa Bukal ng Buhay."

"K-Kaya bu-bukod sa ituturo mo sa akin ang daan, n-nais ko din na magsilbi kitang bantay laban sa kanila."

Tumawa ako ng malakas.

Nag-jojoke ata si kuya!

"Sino naman ang nagbigay sa iyo ng ideya na makikipagtulungan ako sa iyo?! HAHAHAHA. Nagkakamali ka, Wala akong pakialam sa iyo!"

Nagtimpi ang lalaki.

"Na-Naisip ko na ang g-ganyan mong r-reaksyonn. Kaya nandito si Abby."

Tumigil ako sa pagtawa. Muling nag-init ang kamao ko, handang sumugod.

"Anong kinalaman dito ni Abby?! PAKAWALAN nyo siya! O baka gusto nyong masaktan!" banta ko.

Hindi na sindak ang lalaki.

"Hu-Huwag ka nang m-magpanggap, iho. A-Alam ko na alam mo kung ba-bakit may kinalaman dito sssi Abby. Kung na-nasa iyong pagkatao na sssi Gunaw, ma-maiintindihan mo ang ibig kong s-sabihin."

Natigilan ako.

Sinong nagpapanggap?! Anong pinagsasabi ng gagong ito. Tsk!!

"Di ko alam ang sinasabi mo!" giit ko.

Ang lalaki naman ang natawa.

"Kahanga-hanga. Tu-Tuluyan na ba na-nawala ang impluwensya ni Gunaw sa iyo? Di li-lingid sa aming kaalaman na si Abby ay ang hinirang ng d-dyosang si Sibol. Kataka-katakang hi-hindi man lang sumagi sa isip mo na a-angkinin ang kapangyarihang ito. Sakim si G-Gunaw. Nais niyang ma-maging makapangyarihan."

Tsk. Tsk! Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito!

Nagsimula nang magliyab ang aking mga kamao, ang galit ay di maitago.

Kinuha ng kasama niyang babae ang banga na hawak-hawak ni Abby.

Hinila naman ng lalaki si Abby na parang manika lang na nakatayo at simpleng tinagilid ang ulo nito.

Mas kitang-kita na ngayon ang makinis na leeg ni Abby.

Malisyong ngumiti ang lalaki.

"Matinding p-pagpipigil sssa sarili ang ginagawa mo nga-gayon. Hi-Hindi ba, gustong-gusto m-mong lumakas? Di ba, na-nauuhaw ka sa k-kapangyarihan? Ba-Bakit ba pinipigilan mo ang iyong sssarili? H-He'to na ang nais mo, wa-walang kahirap-hirap na n-nakahain ngayon ssaa iyo..."

"AAAAHHHHHHGGGGGRRRRR!" sumigaw ako. Nawala ako sasarili. saglit akong nablangko.

Natauhan na lang ako nang makaramdam ako ng matinding sakit sa katawan. Nakahiga ako sa lupa.

Malakas ang tawa ng lalaki.

Mabilis akong tumayo. Napansin ko bigla na humaba ang aking mga kuko at naging matalas. Pinunasan ko rin ang aking bunganga na basa ng laway.

Huh?! Naglaway ako! Tsk!

Nagulat ako nang makapa ng dila ko na may matatalas na akong pangil!

PANGIL!!!

Ano bang nangyari?!

"Si-Sinasabi ko na nga." nagsalita muli ang lalaki na tuwang-tuwa.

Nanlaki ang aking mga mata at namula ako sa hiya nang maalala ko na ang nangyari sa maiksing saglit na nawala ako sa sarili.

Nang makita ko ang leeg ni Abby. Sobrang naakit ako sa pagkakataong mapasa-akin ang kapangyarihang kanyang taglay. Naamoy ko na naman muli ang halimuyak niya na sadyang nakakapagpabaliw sa akin!

Nawala ako sa sarili at sumugod ako patungo kay Abby.

Mabilis naman akong pinigilan ng kasama ng lalaki. Sa kung anong kadahilanan ay may pwersang nagpatalsik sa akin papalayo kay Abby kaya ako nakahiga sa lupa.

"Isa sssi Abby sa a-aking offer sa iyo." panimula muli ng lalaki. "Hahayaan kong mapasaiyo ang kapangyarihan niya sa kundisyong gagawin mo ang nais ko."

"HINDI!" pagtutol ko. "Hindi bagay si Abby para gawin mong pamalit sa gusto mo! Kung tutuusin binihag nyo lang siya!"

Sumugod ako at nagpakawala ng mga bolang apoy.

Di naman nag-aksaya ng pagkakataon ang kasamang babae ng lalaki at sa kisap mata may di makitang pader ang siyang sumalo ng aking mga bolang apoy.

Ni isa, walang tumama!

Galit na galit na ako. Pinagkakatuwan lang ako ng dalawang naka-hood na ito!

"B-Buti na lang may isa pa k-kaming alas. Naisip din n-namin na baka nga t-tanggihan mo ang alok namin. Pero bago ang huling alas na iyon. Pakinggan mo ito... Hindi mo man kunin ang kapangyarihan ni Abby, may iba naman ang kukuha nito sa kanya. Di mo natatanong, nagplaplano ng pag-aaklas ang mga dalaketnon laban sa mga dyos at dyosa. Gumagawa na sila ng hakbang para matalo ang mga ito. Sila ay nagpapalakas na ng pwersa. Isa si Abby sa mga daan para sa nais nila. Magkakaroon ng malawakang digmaan sa El Kantadia... Ayaw mo ba silang unahan?..." paghikayat muli ng lalaki.

"WA-LA A-KONG PA-KI-A-LAM!" mariin kong sagot.

Itinaas ko ang aking kanang kamay. "Batong Kanyon!" tawag ko. Sa isang mabilis na saglit ay nagsidikitan ang mga bato mula sa aking kanang balikat, bisig at kamay at bumuo ng isang kanyon.

"Lumiliyab na Pagsabog!" sigaw ko at mula sa batong kanyon ay lumabas ang umaapoy na malaking bato.

"Mariella!" sigaw ng lalaki.

Parang isang napakagaan na bagay, naglakad... hindi, lumutang sa unahan ng lalaki ang kasama niyang babaeng naka-hood at sinalubong ang atake ko.

Sa kung anong kadahilanan, gaya ng sa una, may di makitang pader ang pumigil sa aking lumilyab na pagsabog. Sumabog ito sa ere at di man lang nagalusan ang lalaki.

"HAHAHA, M-Magaling!" puri ng lalaki.

"Makinig ka sa sinasabi niya, Gino." nagsalita ang babae na para bang nagmamakaawa na. "Sa pagtulong mo sa amin... baka mapigilan mo pa ang digmaan sa El Kantadia. Mapipigilan mo ang kasiraan nito mula sa mga mapagmataas na dalaketnon!"

"At paanong makakapigil ako sa isang digmaan? Sa pagtulong sa inyo? Eh, Makasarili din naman ang nais ninyo! Bukal ng Buhay? Sa malamang tuyo na iyo ngayon! Wala na!" pagmamatigas ko. "At buti nga sa mga dyos at dyosa... sila din mismo mga mapagmataas!"

May namumuong galit na naman sa aking kalooban. Nakaalala ako ng ilang dyos na nakasalamuha ko at ako ay minaliit at pinagtawanan.

Napatingin ako kay Abby. Naalala ko si Sibol...

Tsk! Di ko mapigilan ang poot na nararamdaman ko!

Tinanggal ko ang batong kanyon na nakadikit sa aking kanang kamay. Nahulog at nagkadurug-durog ang mga bato.

Pareho kong nilahad ang aking magkabilang kamay at tinawag ang apoy sa kanan, at lupa sa kaliwa.

"Sigaw ng Lumiliyab na Dragon!" malakas na sigaw ko. Binuhos ko na ang aking buong pwersa!

Mula sa aking bunganga ay may malakas na hangin ang lumabas. Humalo naman dito ang apoy at lupa mula sa aking mga kamay.

Pinagsama-sama ko ang akong tatlong elemento!

"Matigas ang ulo mo, bata!" dismayadong sambit ng lalaki. "N-No choice! Ipapatikim ko sa iyo ang aming huling alas upang pu-pumayag ka!"

Hawak na hawak na pala ng babae ang banga sa kanyang mga bisig at dahan-dahan na binuksan ito!

At sa isang iglap ay animo'y naging vacuum ang butas nito at hinigop ang aking malakas na atake.

Huh!?

Napansin ko nagumagalaw ako papalapit, hinihigop ako ng banga papasok sa butas nito!

"HINDEEEE!" nataranta na ako! Napakalakas ng pwersang humihila sa akin papasok ng banga!

"Kung una pa lang ay sana tinanggap mo na ang una kong alok!"

Hindi ko alam ang aking gagawin! Pinilit kong lumayo pero mas malakas ang banga sa akin!

Ang simpleng banga! Tsk!

Naiinis ako. Paanong dahil lang sa Isang banga, para ako naging isang maliit na bata na tumatakbo sa animo'y matindi nitong bangungot!

Takot ngayon ang namamayani sa isip ko. Alam ko kahit si Gunaw takot dito! Ang banga na nagkulong sa kanya sa loob ng libong taon! Sa loob nito na walang hanggang kadiliman at pagdurusa!

Tumatawa lang ang lalaki.

"HHHHIIIINNNNNNDDDDDEEEEEE!" ako naman ang desperadong sumisigaw. Umangat na ang aking mga paa at tanging mga bato lang sa lupa ang nakapitan ko pero mukhang di na rin magtatagal ang mga batong hawak ko! Unti-unti na silang nabubungkal!"

"Tama na, M-Mariella." utos ng lalaki.

Sinara naman ng babae ang banga at isang saglit lang ay naging panatag na ang kapaligiran.

Ayaw ko man aminin pero kahit ako napanatag at sinara na nila ang banga.

"Ito ang alas n-namin." pagmamayabang ng lalaki. "Kung hindi ka papayag sa nais ko. Simple lang, muli ka naming ikukulong sa banga mo!"

"GGGRRRRRRR!" galit akong tumayo. Gustong-gusto ko nang saktan... o mas mabuti kaya ay patayin ang lalaking ito!

"H-Hindi mo kami ma-masasaktan, bata." maingat siyang lumapit ng ilang hakbang sa akin at nilahad ang kanyang kamay. "Huwag nang magmatigas. A-Alam kong makikinabang ka din d-dito. Ka-Kapag tinulungan mo akooo, mag-iisip ako ng pa-paraan upang t-tuluyan nang m-masira ang banga. Pa-Pangako." naging seryoso ang tono ng boses nito. "K-Kapag ako ay nangako, hinding-hindi kooo ito b-babaliin."

Sa pananalita ng lalaki, pakiramdam ko na mayroon nga siyang isang salita.

Naguguluhan ako...

Papayag na kaya ako?

Isang sumpa para sa akin ang banga. Ito na marahil ang pinakakinakatakutan ko sa lahat! Ang masama pa ay, damay-damay na! Ang banga ay ginawa ni Sibol para ikulong si Gunaw pero ngayon, kahit ako... si Gino... makukulong na din sa walang hanggang paghihirap sa loob ng banga!

Nakakapanghina ang kahit isipin lang na babalik ako sa loob ng banga.

"Ginn, d-do we have a d-deal?" tanong ng lalaki. Mas itinaas niya ang kanyang kamay upang tanggapin ko ang kanyang alok.

Alam ko kapag hinawakan at kinamayan ko ito, ang ibig sabihin ay pumapayag na ako.

Tsk! Hindi ko alam!

Bumaling ang aking mga mata kay Abby na wala pa rin sa sarili at nakatayo lang, ang ulo ay nakatagilid pa rin.

Napalunok ako, titig na titig sa kanyang leeg.

Tama siya... Pabor sa akin ang lahat!

Di ko na magiging problema ang banga, mapapasa-akin pa ang kapangyarihan ni Abby!

Sasamahan ko lang naman sila patungo sa Puso ng Kalikasan! Di ako interesado sa Bukal ng Buhay. Ang magiging pakay ko ay makipaglaban sa mga mayayabang na dyos at dyosa! Papatunayan ko na mas malaks ako sa kanila... o bakit di kaya nakawin ko na rin ang mga kapangyarihan nilang lahat! Wala nang makakapigil sa aking pamununo sa El Kantadia! Hinding-hindi din ako matatalo ng mga dalaketnon! Ako ang kikilalanin nilang bagong dyos!"

"Mukhang nasisiyahan ka sa mga iniisip mo." puna ng lalaki nang may nakitang ngiti sa aking mukha. "Sa tingin ko magkakasundo na tayo."

"Argh!" makikipagkamay na sana ako nang bigla na namang sumakit ang ulo ko.

May tumututol!

Napabuntong-hininga ako.

Mali. Hindi ito tama!

Kung gagawin ko ito, parang sinunod ko ang kagustuhan ni Gunaw!

Pagkinuha ko ang kapangyarihan ni Abby, maaari niya itong ikamatay... o bigla na lang maglaho gaya ng nangyari kay Dahongo... Gaya na din sa isang pang hinirang ng dyos dati... Sa kanya ko nakuha ang elemento ng apoy na gamit ko ngayon... Kahit sariling elementong-kaisa ko na dragon, sakim kong inangkin ng tuluyan ang kapangyarihang hangin nito...

Napakasama ko!

Madadagdagan na naman ang aking kasalanan kung kunin ko ang kay Abby!

Napakagulo! Hindi ko alam ang aking gagawin!

"GINN!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Si Jun-Jun!

Lumipad ito pababa mula sa ere. Sumunod sa kanya si Katherine na hindi ko inaasahan na may pakpak din.

"Istorbo!" galit na bulong ng lalaki.

Saglit na nakuha nina Jun-Jun at Katherine ang aking atensyon. Nang muli akong humarap sa aking kausap, nawala na ito bigla!

Napansin ko na lang na nasa anino na ito papasok sa kadiliman ng Purgatoryo.

Lumingon siya at tinanggal ang hood na nakatakip sa kanyang mukha. Gumaya din ang kasama niya.

Nanlaki ang aking mga mata. Kilala ko pala ang dalawa!

"Ku-Kung nakapagdesisyon ka na, a-alam mo kung saan aako p-pupuntahan!" sabi ng school ditector na si Carlos Mendoza . Kasama niya ang kanyang secretary na ngayon ay isang adviser na din sa Owkward Academy na si Mariella Luna!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 05/04/2016

Wahahah! 

So medyo obvious na ang story line sa part 3 ng ELEMENTO!

Naku, so it means... patapus na ang ELEMENTO PART TWO??!!! WAHHHH! 

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top