Chap.13: Sadako
๑۩۞۩๑ Sadako ๑۩۞۩๑
(Gino Ivan Lazaro's POV)
Napaupo ako sa pagod.
Pawisan at ang dungis-dungis ko. Paano ko ito ma-eexplain kay Lola Esme? Sobrang ginabi na ako, sa tingin ko halos pass 11 na ng gabi. Lagot din ako kay Jun-Jun; ang damit na pinahiram niya sa akin ay punit-punit na.
Haaaayyyy..Lagot na lagot....
Grabe din ang gulong ginawa ng kapre sa kagubatan, maraming mga puno ang nabuntal at natumba. Ano kaya ang iisipin ng mga taong makakakita?
Pero sobrang pagod na pagod na ako. Marami na ang nangyari. So totoo lang, gulat na gulat pa rin ako sa mga nalaman ko at mga rebelasyon. Ayaw ko pa munang mag-isip pa ng kung ano-ano. Kung ikwekewnto ko man ito, alam kong iisiping nababaliw na ako.
"Bata...Ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na!" biglang sabi ni Dahongo na ikinagulat ko. Napapikit na kasi ako. "Gusto mong matulog dito?!"
"Hindi...pero anong sasabihin ko sa Lola ko?"
"Ang totoo." ang sabi ni Itim.
Natawa ako bigla. "Ang totoo? Ano, so ang sasabihin ko...Lola, pasensya na po. Ako ay ginabi kasi hinabol lang naman po ako ng mga aswang, mga kaka-ibang aninong itim at kapre. At gulat po kayo kasi may engkanto na rin akong santelmo...Ganun ba?"
"Kailan malaman lahat ng lola mo. Seryoso na ito, Gino. Alam kong di titigil ang mga alagad ni Gunaw na kunin ka. Paano kung biglang may magpakita sa bahay ninyo? Magiging handa kaya ang lola mo? Masasama ang budhi ng mga engkantong itim, paano kung saktan nila ang lola mo."
"Subukan nila, ako ang makakalaban nila!" galit kong sambit. Mahal na mahal ko ang lola ko. Ayaw ko siyang mapasama.
"Kailan na nating magmadali na maka-uwi sa inyo, may nararamdaman akong masama..." sabi ni Itim. "Dahongo, ang lagusan!"
Masama ang tingin ni Dahongo. " Walang nag-uutos kay Dahongo!" reklamo niya pero sumunod din nanaman.
"Lupa,Lupa
Ako ay iyong alagad, iyong sugo.
Ako ay sumasamo.
Buksan ang lagusan kung saan kami tutungo"
"Lola!" tawag ko at nagmamadaling tumakbo patungo sa pintuan. May napansin akong tricycle ng barangay tanod sa may harapan ng bahay namin.
"Apo! Mahal kong apo!" nagagalak na bungad ni Lola Esme. Alalang-ala ito. "Gino, saan ka ba nanggaling? Bakit ang dumi-dumi mo? Huwag mo na 'tong uulitin! Mamatay ako sa pag-aalala. Naku, bakit kasi di mo ginagamit ang cellphone na binigay ng Tita Dorina mo?. Oh.. Apo...Wag na wag mo na itong gagawin ulit!"
Umiiyak na pinaghahalikan ako ng aking lola.
"Sorry po, Lola. Di na ito mauulit." sagot ko na naluluha na rin. Damang-dama ko ang pagmamahal ng aking Lola Esme.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa 'yo?"
"Okay lang ako, lola." sabi ko na natatawa na dahil tinuturing naman ako ni lola na parang bata.
"Siya na ba si Gino?" tanong ng isang lalaki.
Napalingon ako. May ibang tao sa bahay namin. Dalawang lalaki na di ko kilala.
"Sino sila, lola?" tanong ko.
"Mga tanod, anak. Nag-alala ako kaya napatawag ako sa barangay. Sila ang pinapunta nila dito. Hahanapin ka nila sana."
"Pwede na po kayong umalis. Nandito na po ako." sabi ko. Parang di ako komportable sa presensya ng dalawang lalaki. Nakakaduda din ang isa na naka-bonnet at naka-shades pa. Sino ba ang nag-sheshades sa gabi?
"Dapat ka munang sumama sa barangay para tanungin." sabi ng isa. Lumapit ito sa akin. Malaking lalaki ito naka t-shirt at maong.
"Tanungin? Bakit?" nagtataka kong sambit.
"Mga iho, maraming salamat sa agarang pagpunta ninyo dito sa aming bahay pero nandito na ang aking apo. Ang serbisyo nyo ay di na kailangan." marahang sabi ni Lola Esme.
"Hindi. Kailangan niyang sumama sa amin." mariing sinabi ng lalaki at hinawakan niya ako bigla sa braso.
"Huh?! Bitawan mo ako." pumiglas ako at lumayo sa lalaki pero may humarang sa may likuran ko, ang lalaking naka-bonnet.
"Sumama ka sa amin, bata." sabi ng lalaking naka-bonnet. Ngumiti ito at tinanggal ang shades niya.
Naalarma ako at pilit na lumayo sa lalaki pero nahawakan niya ng aking mga balikat.
Siya ang mangkukulam na janitor sa school!
"Kamusta ka na, Gino? Ako nga pala si Romano. Natatandaan mo pa ba ako?"
Tumulong ang lalaking naka t-shirt at maong at hinila nila ako papalabas ng bahay.
"Bitawan nyo ako!" sigaw ko habang pumupumiglas.
"Anong nangyayari?!" nag-aalalang tanong ng lola ko, "Bakit kailangang sumama ng apo ko?" sumunod siya papalabas.
"Wala kang kinalaman dito tanda!" sambit ni Romano at biglang nagsalita ng espanyol.
"I es Apelando
I es Indulge
Solicitud I
Hindi Movimiento el Gente que!"
(Ako ay sumasamo,
ako ay pagbigyan,
Hiling ko
Hindi makagalaw ang taong ito!)
Laking pagtataka ni Lola Esme, di na siya makagalaw! "Anong ginawa mo!? Bakit di na ako makagalaw?"
"Simpleng orasyon lang para di ka makasunod sa amin, tanda!" sagot ni Romano. "Ngayon, ang mga aninong-ligaw na ang bahala sa'yo!"
Ang kanyang dasal, "Ir Usted
La Criaturas de Oscuro
Sombra Usted
Siembra de Gloom"
(Humayo kayo
Mga nilalang ng dilim
Anino ninyo
Maghasik ng lagim!)
Mula sa kadiliman, ang mga anino ay naghugis tao na para bang nais kumawala sa dilim, umuungol. Ang mga aninong-ligaw.
Napasigaw si Lola Esme sa takot. "Ano ang mga iyan?! Mga halimaw!"
"Haha..Alam kong gusto na ninyong kumain ng lakas, sige...pagpiyestahan ninyo ang matandang iyan!" utoa ni Romano.
"Hindi...Huwag! Lola!" sigaw ko.
Ang mga aninong-ligaw ay pinalibutan si Lola Esme. Kitang-kita ko na parang ahas na pinuluputan nila ang lola ko. Unti-unti siyang nanghina. Nawala na ang bisa ng orasyon ni Romano at napaupo ang lola ko sa sahig.
"A-Apo...." hinang-hina niyan sambit. Nasa mga mata niya ang takot at pagkalito sa mga nangyayari.
Umiyak na ako. Hindi ako makakapayag na mamatay lang ng ganito ang lola ko. Nawalan na ako ng tatay na akala ko ay babalik pa pero nakita ko mismo ang kalansay niya. Sobrang sakit. Di ko na kaya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.
"Gino..." bumulong si Popoy.
"Santelmo, aking tapat na elementong-kaisa
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Mainit, maliwanag, nakakapaso,
Apoy!"
Lumiwanag ang aking agimat.
"Agggrh!" Nabitawan ako nina Romano dahil napaso sila sa init ng aking katawan.
"May elementong-kaisa ang bata!" nag-aalalang sabi ng lalaking naka-maong.
"Ganun ba?" nakangiting sambit Romano. "Ikaw ba, Toto baka gusto mo akong tulungan. Papakainin kita ng kahit sinong taong gusto mo pagnakuha natin ang bata."
Tumawa ng parang nababaliw ang lalaking naka-maong na ang pangalan ay Toto. "Haha, yan ang gusto ko sa iyo, boss eh!"
Sumigaw si Toto. Namula ang kanyang buong katawan at para bang hirap na hirap siya. Di rin nagtagal kumapal at nangitim ang kanyang balat, humaba at tumalas ang kanyang mga kuko, Namula at nanlisik ang kanyang mga mata, humaba din ang kanyang mga pangil at ang huli...may Lumabas na naglalakihang pakpak ng paniki sa may likuran niya. Isa siyang aswang!
Umungol ang aswang.
Namangha ako kasi di ko lubos maisip na makikita ko kung paanong mag-transform ang isang aswang. Pero di na ako nag-aksiya pa ng panahon.
"Hindi, hindi ninyo ako makukuha!" pinagpatong ko ang aking dalawang palad at pinagdikit ang mga daliri para makagawa ng isang baril at pinatamaan ko ng mga balang apoy ang aswang.
Napasugod sa galit ang aswang sa akin, handang sugatan ako gamit ang kanyang mga matatalas na kuko.
"Lupa, Lupa...
Ako ay iyong alagad, iyong sugo.
Ako ay sumasamo.
Ulan ng mga Bato!" dasal ni Dahongo. At pinagtatama ng mga bato ang aswang.
"Dahongo, san ka ba nanggaling!" tanong ko.
"Magpasalamat ko muna bata, bago magtanong!" sagot ni Dahongo.
"Gino, ang lola mo!" paalala ni Itim.
"Sige na bata, ako na ang bahala sa aswang na 'to." sabi ng duwende.
"Maraming salamat!"
Tumakbo ako patungo sa Lola Esme ko. Nakita ako ng aswang at susundan sana ako.
"Teka, teka... Minamaliit mo sa Dahongo?!" inis na sambit ng duwende.
"Lupa,Lupa
Ako ay iyong alagad, iyong sugo.
Ako ay sumasamo.
Taong Bato!"
Sumugod ang taong-bato ni Dahongo sa aswang. Nahila nito ang halimaw papuntang lupa at pinagtatabunan ng mga naglalakihang bato. Pilit man pumiglas ng aswang pero sadyang mabibigat ang mga bato. "Haha.. Huwag na huwag maliitin si Dahongo!"
"Gino, saan ka pupunta?" hinarangan ni Romano ang aking daraanan.
"Umalis ka sa harapan ko!" utos ko at buong pagbabantang gumawa ng bolang apoy sa aking kanang palad.
Tumawa ang mangkukulam. "Di mo ako masisindak, bata. Tamang-tama, magagamit ko na ang orasyong tinuro ni Supremo..." tumingin siya kay Dahongo. "Hmmm... Sa tingin ko pwede na ang duwendeng iyon..."
At nagsimula na siyang sambitin ang kanyang orasyon.
"Usted, Espíritus de Naturaleza
I Ahora el su Señor
El su Potencia es la Me
Seguido Usted I Esclavo"
(Ikaw, espiritu ng kalikasan
Ako ngayon ang iyong panginoon
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Sumunod ka aking alipin)
"Isa iyong orasyon ng pagmamanipula ng mga engkanto!" sigaw ni Itim "Dahongo, umalis ka na dito!"
Pero huli na.
"Dahongo, aking aliping engkanto, tulungan mo akong makuha ang batang ito." utos ni Romano.
"Opo." wala sa sariling sagot ng duwende.
"Dahongo, huwag lang pagpapatalo sa mangkukulam! Huwag kang sumunod!" aking sambit pero binging humarap sa akin si Dahongo at inutusan niya ang kanyang taong-bato na pakawalan ang aswang na si Toto.
"Ano na ang gagawin natin Popoy?!" natataranta kong tanong sa aking santelmo.
"Wala tayong magagawa kundi kalabanin si Dahongo."
Di ko lubos maisip na kakalabanin ko ang duwende. Pero mas nag-aalala talaga ako sa lola ko.
Kinuha ko ang pagkakatong wala sa akin ang atensyon ni Romano. Pinatamaan ko siya ng balang apoy at tumakbo patungo sa Lola Esme ko.
"Arrrgh! Walang hiya kang bata ka!" pagmumura ng mangkukulam.
"Lola!" sigaw ko. Nagsilayuan ang mga aninong-ligaw dahil sa kwintas na krus na suot-suot ko. Ang anting-anting na proteksyon galing sa nanay ko.
"A-Apo...a-anong nangyayari? Ano ang mga iyon? Nanghihina na ako... Di ko na kaya..."
"Huwag, Lola. Huwag kang bibigay!" pagsusumamo ko. Umiiyak na ako. Ayaw kong makitang ganito ang lola ko. "He'to. ibabalik ko na ang kwintas ng nanay Cindy ko, mas kailangan nyo ito." Hinubad ko ang kwintas at sinuot sa lola ko.
Biglang umulan ng mga bato. Ang taong-bato ni Dahongo ay papalapit na.
"Lola, umalis na tayo dito!" ginawa kong panangga ang aking sariling katawan para di mataaman ng mga bato ang lola ko.
Pero na puruhan ang ulo ko.
"Ughh!" napaluhod ako sa sakit.
"Apo ko! Apo ko!" natatarantang sigaw ng aking lola.
"Ugg..A-Ayos lang ako, lola." pilit kong sanabi sa gitna ng sobrang sakit na nadarama. Bigla akong nahilo. May kung anong mainit na dumadaloy sa may likod ng ulo ko. Hinawakan ko at laking panghihina ko nang may dugo akong nakita.
"G-Gino! May dugo! May sugat ka, apo! Nasaktan ka!" umiiyak na sambit ng lola ko.
"Tama na, Dahongo! Patigilin mo na ang iyong taong-bato!" desperadong sigaw ni Itim. Sinugod niya ang duwende. Pinagkakakalmot at pinagkakakagat niya ito.
"Aray! Ano ba, Itim. Masakit!" reklamo ni Dahongo. Tuluyan nang nawala ang orasyon ni Romano.
"Ano itong nagawa ko?!" laking gulat at pagsisising nasabi ni Dahongo nang makita niya ako na duguan.
"Hindi ito ang nais kong mangyari." iritableng sinabi ni Romano. "Hindi nais ng Supremo na may sugat ang batang-alay. Hindi matutuwa si Gunaw. Nabigo nanaman ako sa misyon ko ngayon." sa isang iglap nawala ang mga aninong-ligaw.
Hinanap niya ang alagad na aswang. "Toto, tayo na. Umalis na tayo." utos niya pero hindi niya makita ang aswang. Biglang may masama siyang kutob. Napalingon siya sa taas. At oo, nandun ang aswang na si Toto, naglalaway at takam na takam na nakatingin sa akin..
"Hindi! Huwag, Toto!" sigaw ni Romano.
"Waaaaah Whoooooooooooohhhhh!" hiyaw ng aswang sa sabik.
Ehhh Ehhh Waka Waka Ehhh Ehhh
Hik Hik Hik Ehek Hek Hek Hek
Ehhh Ehhh Waka Waka Ehhh Ehh
Matapus ang isang malakas na kampay ng mga pakpak na paniki ng aswang, sumugod ito sa nakikitang pagkain...
Ako.
Natatakot at natataranta ako. Pero gustuhin ko man, di na ako makagalaw. Ubos na ang adrenaline rush, buong gabi ko na itong nagamit. Wala na. Hinang-hina na ako. Sabayan pa naman ng sugat ko sa ulo. Magaling na lang napatigil ni Lola Esme ang padudugo gamit ang kanyang tuwalyang laging gamit.
"Gino, hindi kita papabayaan!" sambit ni Popoy. Nagpakita na ito.
"Apoy, Apoy
Ako ay iyong taga-sunod, iyong alipin,
Ako ay humihiling
Init at apoy ay pasabugin"
May limang maliit na bolang apoy na pumalibot kay Popoy. Isa-isa niya itong pinatama sa aswang. Sa sobrang sabik sa pagkain, animo'y bumilis ang aswang at nailagan niya ang mga bolang apoy bago sumabog. Kung natamaan man, hindi ito ininda ang aswang, basta makalapit lang sa akin.
"Ang tibay ng aswang na ito!" reklamo ni Dahongo. Nais man niyang tumulong, wala na rin siyang lakas.
"Aking tapat na elementong-kaisa,
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Malakas, mabilis, hindi makita,
Hangin!" may biglang nagsalita.
Si Jun-jun!
"Ipo-ipo!" sigaw niya. Lumiwanag ang mga dyamanteng kulay blue na Topaz sa bracelet niya. At biglang lumakas ang hangin sa kapaligiran. Unti-unting naipon ito at naging ipo-ipo. Hindi ito gaanong kalaki pero napakabilis ng pag-ikot.
Nahirapang lumipad ang aswang. Di rin nagtagal nahigop ng ipo-ipo ang aswang at umikot ng umikot hanggang sa mapunta ito sa lupa. Hindi ito makagalaw dahil pinipigilan ng hangin sa ibabaw nito.
"Espadang Hangin!" sambit ni Jun-jun. May hangin na naipon sa kanyang kanang palad at unting-unting nagkorteng espada. Sa unang tingin maiisip mong di makakasakit ang espadang gawa sa hangin pero buong lakas-loob na tumalon si Jun-Jun sa gitnang butas ng ipo-ipo at binaon ang espadang hawak.
"Argghhhhhhgggggg!" sigaw ng aswang. Sumirit ang itim na dugo nito at paikot na napasama sa hangin hanggang unti-unting nawala ang ipo-ipo. May pabilog na mantsa ng dugo na naiwan sa lupa at si Jun-Jun ang nasa gitna nito.
Wow, ang astig naman ni Jun-Jun!
Wala nang buhay ang aswang pero panay pa rin sa pagsaksak ni Jun-Jun. Medyo di na normal, animo'y nag-eenjoy siya sa pagsaksak.
"Mamatay ka! Mamatay ka!" sambit niya.
"Jun-Jun?" Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aking kaibigan. Di pa rin bumabalik ang lakas ko. "Tama na yan, patay na yan."
Sa isang iglap, biglang may nagpakitang babae. Nakaputing gown ito at may napakahabang buhok hanggang paanan, lumulutang din ito.
White Lady?
Hinawakan ng babae ang braso ni Jun-Jun at biglang nawala ang espadang hangin. Tiningnan ng masama ni Jun-Jun ang espiritong babae. Di rin nagtagal pumukit si Jun-Jun, nagbuntong-hininga at tumungin na sa akin.
"Gino, okay ka lang?" panimula niya.
Kaka-iba talaga itong si Jun-Jun.
"Okay na ako. Ang galing-galing mo! Salamat!" masaya kong sambit. "Isa ka rin palang taong-kaisa. paano mo nalaman na kailangan namin ng tulong mo?"
"May bumulong lang sa akin." sabi ni Jun-Jun.
"Siya ba?" tinuro ko ang babaeng lumulutang sa tabihan niya. "Siya ba ang elementong-kaisa mo? Hangin pala ang kapangyarihan mo."
Hindi sumagot si Jun-Jun.
"Maraming salamat, bata." nagsalita si Popoy.
"Si Popoy nga pala, ang elementong-kaisa ko. Isang santelmo."
"Isa ka bang diwata ng hangin?" tanong ni Dahongo sa babae. "Ang sa pagkaka-alam ko magaganda at kaaya-ayang tingnan ang mga gaya mo. Pwede bang makita ang mukha mo?"
Umiling lang ito. Nahaharangan kasi ng kanyang mahabang buhok ang buo niyang mukha. Sobrang putla pa ng balat niya at may mga mantsa pa ng dugo ang kanyang maputing gown.
"Jun-Jun, ano ang pangalan ng diwata?" tanong ko.
"Sadako." sagot ni Jun-Jun.
___________________________________________
I attached a picture ng bracelet ni Jun-Jun sa right corner ng page na 'to. Check it out. (Gusto ko rin ng ganyan!)
And yes... oo, may spanish words ang chapter na 'to! Para dun sa magagaling sa spanish, please correct me if I'm wrong sa paggamit ng words. Wala talaga akong alam eh...Just used my resources..
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support!
NEXT CHAPTER:
REUNION SA BUROL
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top