Chap.11: Mga Tinik at Bulaklak

 ๑۩۞۩๑ Mga Tinik at Bulaklak  ๑۩۞۩๑

            (Clarissa Gutang's POV)

"Pakawalan mo ako, halimaw ka!' sigaw ko.

Tumawa lang ng malakas ang engkanto.

Pinulupot ng baging ang buong katawan ko na parang isang cocoon at mukha ko na lang ang di natatakloban. Pinutol ni Malanti-Aw ang dulo ng baging at hinila ako papunta sa lagusang bumukas sa puno ng mangga.

Ano na ang mangyayari sa akin?! Ayaw ko maging reyna ng isang lamang-lupa! 

"Tulong! Tulong!" pilit kong pumilgas mula sa pagkakapulupot ng mga baging pero di ko kaya.

Umiiyak na ako sa galit, takot at inis dahil hinayaan kong makuha ako nga isang engkanto. Di ako nag-ingat. Di ko lubos akalain na ang pagkagusto ko kay Ren ang naging dahilan upang mapunta ako sa ganitong sitwasyon.

Sandaling nasilaw ako nang tuluyan na akong mahila sa loob ng lagusan.

Nag-iba ang aking pakiramdam. Lumuwag bigla ang aking paghinga. Laking gulat ko at nawala na ang baging nakapulupot sa akin. 

Sa isang iglap, naka-upo ako sa isang napakagarang upuan na may gintong hawakan. Napanganga ako sa pagkamangha dahil nasa loob ako ng isang napakasosyal na living room gaya sa mga mansion ng bansang England. Ang sahig ay may carpet na kulay maroon, ang pader ay puno ng mga portrait ng mga taong mukhang foreigner na budbod ng alahas, may mga columns na mag detalyadong carvings at ang kisame ay pa-dome, yung malimit makita sa mga simbahan. 

"Maligayang pagbati sa inyo, mahal na reyna..." sabi ng isang napaka-cute na batang lalaki na may kulot at blonde na buhok. Mukha siyang batang kerubin. 

"Huh!" gulat kong sambit. Di ko napansin ang batang lalaking ito kanina.

"Hinihintay na po kayo ng hari."

"Hari?" tulala kong sagot. Di ko alam pero para bang naantok ako na hindi naman, para bang may kung ano na nagpapalito sa aking isipan; Di ako makapag-isip ng matino. Para bang nanaginip lang ako.

"Opo, si Haring Ren."

"R-Ren?" nalito ako bigla. Nahilo. Hindi hari si Ren at lalong di ako isang reyna!

Napatayo ako sa upuan. 

"H-Hindi...ito totoo..." sabi ko na pakiramdam ko na hinang-hina ako. 

"Reyna Clarissa, ano pong pinagsasabi ninyo? Totoo po itong lahat. Pinapatawag na po kayo ng hari." 

Laking gulat ko nang hawakan ng batang lalaki ang aking kamay at hinila papunta sa pintuan sa di kalayuan. 

Teka...bakit may puting gloves ako? Napansin ko na lang na naka-gown pala ako, yung puting gown na may mga glitters.

Ayaw kong sumunod pero ang aking mga paa ay kusang naglakad at sumunod sa bata.

May mali...pero bakit di ko mawari kung ano...Bakit may masama akong kutob?

May dapat akong maalala... Mali, basta maling-mali!

"Clarissa..." may munting bulong akong narinig. Lumingon ako at may nakita akong halaman sa may bintana ng kwarto, yung bogambilya! 

"Bilisan nyo na po..." nagmamadaling sambit ng bata at tuluyan na akong hinila sa ibang kwarto.

Bakit parang pamilyar sa akin ang halaman na yun? 

Lalo akong naguluhan.

"Oh, nandyan na pala ang aking napakagandang reyna!" pagbati ng isang lalaking nakaupo sa isang magarbong upuan na pang-hari. May isa pang upuan na bakante sa tabi niya na pang-reyna.

Ang kwarto ay pahaba at kagaya din ng pinanggalingan kong kwarto, napakasosyal. May mga nagtataasang bintana na may makakapal na kulay maroon na kurtina, ang sahig ay gawa sa marmol at may matingkad na pulang carpet patungo sa kinatatayuan ni Ren.

Animo'y ako ay naglalakad sa aisle patungo sa altar. Naghiyawan at nagpalakpakan ang napakaraming mga bata na halos kamukha ng unang batang tumawag sa akin.

Malakas ang pintig ng aking puso, hindi sa tuwa kundi sa kaba. 

"Ngayong gabi, ikaw ay magiging opisyal na reyna sa aking kaharian pang habang-buhay." buong ngiting sinabi ni Ren. Kinuha niya ang isang koronang ginto na puno ng dyamante na nakapatong sa upuan ng pang-reyna. "Pag-sinuot mo itong korana, akin ka na, Clarissa..."

Nagsigawan sa tuwa ang mga batang nanuuod.

Hindi ito tama...

Mali...

"A-Ayaw ko..." ang sabi ko, "Hindi ito totoo..." lumayo ako kay Ren at akmang tatakbo na ako papalis pero hinarangan ng mga bata ang dadaanan ko.

"Hindi ka makakatanggi, Clarissa! Nandito ka na sa mundo ko!" sigaw ni Ren at hinarap ako sa kanya.

"Hindi ikaw si Ren! Lumayo ka sa akin!" tinulak ko siya papalayo sa akin. 

Bumalik na ang aking tamang pag-iisip. Sa tingin ko, paghinayaan kong wala ako sa sarili naging reyna na ako ng mga halimaw ng di oras!

"Kahit ayaw mo, wala ka nang kawala!" tumawa si Ren. "Hinding-hindi ka makakaalis dito!" 

At sa isang iglap nagbago ang lahat.

Wala na ang magandang kwarto, isang malawak na kweba na lang. 

Wala na ang mga cute na bata, mga tiyanak na lang!

Napasigaw ako sa takot. 

Lahat ng mga tiyanak ay hubad na bata na itim na itim ang balat, may matatalas na pangil at namumulang mga mata. Halatang naglalaway sila sa gutom.

Tumawa muli si Ren...

Hindi pala...Siya si Malanti-Aw, ang engkanto.

"Gagawin kitang reyna at magsasama tayo magpakailanman!

Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Baging ay humayo"

May mga baging na nagsibulan mula sa lupa at nagsimula na namang pumulupot sa akin. 

"Ayaw ko! Paki-usap pakawalan mo ako!" natataranta kong sambit. Wala na akong mapupuntahan, hinaharangan ng mga tiyanak ang dadaanan ko.

Tuluyan nang napuluputan ng aking baywang. Ginamit ko ang aking buong lakas para makawala sa baging pero sadyang wala akong kakayahan.

Lumapit sa akin si Malanti-Aw. Kitang-kita ko sa close-up ang nakakatakot niyang mukha. Hinawakan niya ang aking baba.

"Isang halik, akin ka na..." sabi niya.

"Huwag! Hindi! Ayaw ko!" takot na takot kong sigaw at paki-usap.

Hindi ito ang gusto ko sa First kiss ko! No! No! No!

"Seriously? Kadiri, Eeewwwww!" sambit ng isang maliit na boses. "Isang bangongot kung mahahalikan ka ng napakapangit na engkanto!"

Naagaw nito ang pansin ni Malanti-Aw.

"Sino ka?! Paaano ka nakapasok sa kweba ko?!"

"Hello?!, syempre nagbukas ka ng lagusan so I got the liberty to get in." sambit ng isang batang babae na may edad na 3 years old. Napaka-cute niya dahil sa mahaba at wavy nitong buhok na kulay ginto na naka-pigtails sa dalawang tagiliran gamit ang kulay purple na ribbon. Malaki at kulay violet ang kanyang mga mata. Kulay purple ang kanyang damit na para bang pang-ballet at may matching purple shoes din. Ang higit na nakakapansin ay ang kanyang pakpak na gaya ng isang paru-paro.

"Lumayas ka dito! Mga tiyanak, patayin ang pakilamerang diwatang yan!" utos ni Malanti-Aw.

Diwata? Isang diwatang bata ang magliligtas sa akin?! Di ako makapaniwala pero lubos-lubos ang pasasalamat ko.

Ang mga tiyanak ay naghiyawan sa saya dahil sa wakas may makakain na sila. Nag-unahan silang abutin ang diwata pero nagkagulo lang dahil masyadong mataas ang lipad ng nito.

"Haha, mga losers!" 

Namangha ako dahil marunong mag-english ang diwata.

"Mga inutil, walang kwenta!" galit na sambit ng engkanto. 

Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Baging ay humayo"

Nagsisibulan muli ang mga banging at mabilis pinulupot ang isa sa mga hita ng diwata.

"Naku, hindi pwede, hinding-hindi mo ako mahuhuli!

Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Latigong tinik!"

May sibol na tumubo sa kanang palad ng diwata. Nagsimula ito sa isang kulay purple na bulaklak ng bogambilya,  humaba ng humaba hanggang sa maging isang buong sanga ng bogambilya na puno ng tinik at bulaklak.

Hinampas ng diwata ang kanyang latigong bogambilya. Sa bawat hampas, nagsisitanggalan ang mga bulaklak, tuloy, animo'y umuulan nga mga bulaklak. Isang saglit din nama'y tutubo muli ang mga ito.

"Hindi maari! Nagkalalat ka ng mga pangit mong bulaklak!" naaasar na sambit ng engkanto. 

"Wow, ha. Nagsalita ang gwapo! Pakawalan mo na si Clarissa kung ayaw mong masaktan!" pagbabanta ng diwata.

Natawa lang si Malanti-Aw. "Akin lang si Clarissa!"

Tuloy-tuloy pa rin ang pagsibol ng mga baging at di rin naman tumitigil ang diwata sa pagputol ng mga nito. 

Di napapansin ni Malanti-Aw na papalapit na ang diwata kung saan naroron ako at nang nasa distansyang na siyang di na kalayuan sa akin, simigaw siya...

Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Halik Bulaklak!"

Laking gulat ng engkanto na ang lahat ng bulaklak na nahulog sa lupa ay dumikit sa kanyang buong katawan. Napakarami nito at tuluyan na siyang natabunan. Di rin nakatakas ang mga tiyanak.

Nilatigo ng diwata ang mga baging na nakapulupot sa akin.

"Maraming salamat!" taus pusong sambit ko.

"Bilisan natin at di rin magtatagal ang dasal ko. Kailangan na natin makaalis dito."

"Paano? Sarado na ang lagusan?"

"Don't worry dear, eh di gawa lang tayo ng bago!"

Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Buksan ang lagusan kung saan kami tutungo"

May lagusang bumukas sa may pader ng kweba. Di na ako nagdalawang isip at sumunod ako sa diwata. Gusto ko nang makaalis at lumayo sa engkantong si Malanti-Aw.

Nasilaw ako ng saglit at nasa likod bahay na muli ako. 

"Okay ka lang ba?" Tanong ng diwata.

"Okay lang. Naku, di ko alam ko panaginip ba ito o isang bangungot pero maraming salamat sa pagligtas mo sa akin."

"Ako ay iyong tagapagbantay, Clarissa. Ako si Rosabilya, isang diwata. Pero mas gusto ko na tawagin mo akong Kikay!"

"Alam ko na may mga diwata pero di ko ine-expect na makakakita ako ng isa face to face at iniligtas pa ako sa isang halimaw!" 

"Tama ka dyan, masyado kang maganda para kay Malanti-Aw! kadiri yung pangit na iyon!" 

"Nakakatuwa kasi ang kikay-kikay mo at marunong pang mag-english!"

"Naman! Syempre, I like to be in! haha."

"Lahat ba kayong fairies ay mga bata pa? Napaka-cute mo kasi."

"Naku, hindi. Iba-iba ang aming hitsura. Mukha lang akong bata pero 100 years old na ako."

"Wow!"

"Di kami pare-pareho. May mga diwatang kasing tangkad ng mga tao, mayroon din naman mas maliit sa akin. And Of course, may mga engkanto namang hot at gwapo!" kinikilig na sambit ni Kikay.

"What if, nagtagumpay si Malanti-Aw at nakuha ako, anong mangyayari sa akin?" tanong ko bigla out of curiosity.

"Well, magiging engkanto ka na rin kagaya nya. Pero walang assurance na magtatagal buhay mo, mayroon kasing namamatay agad, mayroon din namang masusuwerte at nabubuhay ng kasing haba ng engkantong nagustuhan nila. But pleaase, kung may magki-kidnap man sa'yo na engkanto, huwag kagaya ni Malanti-Aw, kasi sa malamang magiging kamukha mo siya! Pangit! Ewwww!"

Napatawa ako kay Kikay. 

"Pero, seriously speaking, kailangan mo nang mag-inagt, Clarissa." nag-iba ang tono ng pananalita ni Kikay at  naging seryoso.

"Lumalakas na ang mga engkantong itim. Hindi na iligtas ang mga taong kagaya mo. Nag-aalala na rin ang tatay Jose mo, kaya kinausap niya ako kung pwedeng maging 'Taong-kaisa' kita."

"Ang tay Jose ko? Kilala ka nya?"

"Oo, actually dito lang kasi ako nakatira sa inyo, sa bogambilya nyo."

"Anong ibig mo sabihin sa taong-kaisa?"

"Kung papayag ka, ikaw ang aking magiging taong-kaisa at ako naman ang iyong elementong-kaisa. Magiging isa ang ating mithiin at magagamit mo na ang aking elementong lupa at ang aking kapangyarihan."

"Kagaya ng latigo mong bogambilya?"

"Tama. At di mo na kailangan pang mamoblema kung may ma-in love na naman sa iyong pangit na engkanto, mapapalayas natin sila agad!"

Di ako makapag-decide. Pero magiging cool yun kasi may powers na ako! Na-excite ako bigla.

"Pati ba si tay Jose mayroon din siyang elementong-kaisa?"

"Oo, si Buhano, isang duwende."

"Ay, oo." Bigla ko na alala.

Noong 5 years old lang ako, may nakita akong maliit na mama na kausap ng tatay ko, Buhano ang tawag niya dun. Minsan din kinakausap niya ako pero nang simula ko nang suotin ang mga  bracelets at singsing ko na anting-anting bibihira ko na lang siyang makita. Alam ko yung duwende ang katulong ni tatay ko sa kanyang panggagamot.

"Sige." sabi ko. "Gusto kitang maging elementong-kaisa, Kikay..."

Tumungo si Kikay at sa isang iglap ay naging isang liwanag na lang siya. Lumutang siya sa may kanang kong teynga at nawala bigla. Naramdam ko na lang na may mabigat na bagay na nakasabit sa aking teynga. 

Magaling na lang at di mataas ang binta ng kwarto ko. Pumatong ako sa kalapit na malaking bato upang makapasok muli. Alam ko kasi naka-lock na ang pintuan namin. 

Gising pa kaya si tatay? Di ba niya narinig ang mga kaganapan kanina?

Anyway, bukas ko na lang pag-iisipan ang mga tatanungin sa kanya.

Dumiretsyo ako sa malaking salamin na nakasabit sa may pader ng kwarto ko at laking tuwa ko nang makita kung ano ang nakasabit sa may teynga ko.

"Wow, ang ganda! Salamat Kikay." sabi ko.

Ang aking nasa kanang teynga ay isang "ear cuff" na gawa sa silver. Mayroon itong apat na Amethyst na dyamente. Makinang at napakasosyal tingnan!

At narinig ko na lang ang boses ni Kikay.

"Ako Si Rosabilya "Kikay," isang diwatang paru-paro. Ako ay isang diwatang puti sa elemento ng lupa. Ang aking kapangyarihan ay iyong kapangyarihan. Huwag mo sanang gamitin sa kasakiman o kasamaan ang kapangyarihang pinahiram sa atin ng kalikasan. Simula ngayon, may mabigat ka nang responsibilidad na gagampanan upang panatilihin ang kapayapaan sa mundo ng mga tao at espiritu..."

"Oo, huwag kang mag-alala, Kikay isasapuso ko iyon." pangako ko.

__________________________________________________

Pwede ninyong makita ang sample ng "ear cuff" ni Clarissa sa right corner ng page na'to.

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter!

Salamat! Salamat!

NEXT CHAPTER:                              

LIMANG SEGUNDONG TITIGAN (Clarissa Gutang's Point of View)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top