Chap.11: KIDLAT
And Updated na!
WOOT! WOOT! It's Ren's time to shine!
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
๑۩۞۩๑KIDLAT๑۩۞۩๑
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Tahimik akong nagmamasid. Nakikisabay... Nakikibagay.
Pinupwesto ko ang aking sarili sa likuran ng grupo. Basta hindi nila ako napapansin, mas mainam.
Kailangan kong makapag-isip ng paraan para makaalis sa lugar na ito at sa lalong madaling panahon.
Pero pano?
Huminga ako ng malalim pero nagsisi bigla. Nahirapan akong huminga. Marahil sa nipis ng hangin dito sa Purgatoryo at hindi mawala-wala ang singaw ng animo'y nabubulok na karne... o bangkay ng tao.
Well, what to expect. Mundo nga naman ito ng mga patay.
Hinabol ko ng tingin si Hero Salvanera na kabilang sa mga dalaketnong kasama ng Supremo.
Kasali siya dito. Isa siyang kalaban. Iyan ang malinaw sa akin.
Kagaya niya sina Ryan Jacinto na walang pakialam sa lagim na kinakaharap ng mga taong buhay.
Kahit malayo, kapansin-pansin ang bughaw na mga mata ni Hero pero walang itong emosyon, kasing lamig ng kanyang elementong yelo. Hindi man lang siya nagsasalita habang kinakausap siya nina Ryan, Ulysses Cedeño at Zyren Vijandre.
Tama marahil ang iniisip ko na ginagamit lang nila ang mga walang kamalay-malay na kabataan. Kasangkapan lang sila sa mga itim na mithiin ng Supremo at ng mga dalaketnon.
Naaawa ako sa kanila... Subalit ginusto naman nila ito. Nabulag sila sa nakaw na kapangyarihan!
So what now? Bilis, kailangan ko nang makaalis dito!
Dumako naman ang paningin ko sa isa pang tore na nabuo bigla. Malayo ito sa kampo pero nakakasilaw pa rin ang liwanag na nagmumula dito.
Ang Tore ng Buhay.
Iyan ang narinig ko na tawag ng mga lamang-lupa na saglit na natakot at nagkagulo sa pagkakabuo ng tore.
May isang tagasunod ng Supremo lang ang nagpakalma sa lahat na walang magagawa ang tore dahil pinabagal lang naman nito ang paglaganap ng Purgatoryo sa mundo ng mga tao. Higit pa rin daw na mas makapangyarihan ang Supremo at hindi nito mapipigilan ang kanilang pinaplano. Mabilis namang naniwala ang mga lamang-lupa at ang ibang mga itim na engkanto at diwata.
Matindi ang kanilang debosyon sa Supremo.
Pero malaki ang pasasalamat ko sa tore. Nabuhayan ako bigla ng loob; Alam kong may pag-asa pa.
Malakas din ang aking kutob na may mga kakampi ako doon. Si Clarissa kaya? Di ko makakaila ang pananabik na muling makita ang aking mahal.
Oo, bata pa kami pero sure ako na siya na talaga ang para sa akin. Si Clarissa lang!
Medyo nalihis man ang aking pakay na hanapin si Buhano, ang elementong-kaisa ni Mang Jose na tatay ni Clarissa para mapatunayan ko na wala akong kasalanan sa aksidente, buo ang aking loob na tapusin muna ang obligasyon ko para sa kabutihan ng lahat.
Napangiti ako.
Wow, hah. This is not me. TOTALLY NOT ME.
Kailan pa ako naging selfless? Di ko alam....
Marahil sa pagmamahal ko kay Clarissa, na kahit halos ipagtabuyan na niya ako, di pa rin ako tumitigil para mapatunayan ang aking nararamdaman para sa kanya.
Clarissa, maghintay ka lamang, ako ay darating...
Naputol bigla ang pagliwaliw ng aking isipan ng magsidatingan na ang naunang grupo ng mga taong naka-itim na hood na nakita ko papasok ng kampo. Isa dito ang mangkukulam na si Romano.
Tumuloy ang lahat sa hagdanang kalansay pataas ng Tore ng Patay. Siguro sasamahan nila ang Supremo na dasalin ang orasyong mas magpapabilis ang paglaganap ng kadiliman na dulot ng Purgatoryo.
Naiwan si Romano at itinipon niya ang mga bisitang dalaketnon ng Supremo at saglit na kinausap. Di rin nagtagal ay isa-isang nagsibalikan sa lagusang lupa ang mga ito.
Bago makapasok si Hero ay bigla siyang napalingon sa aking direksyon. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at para bang may nais sabihin sa akin. Pinigilan lang siya ng isang engkantong yelo at pilit na pinasok sa lagusan.
Ano kayo yun?
Pero kahit ano man ang nais niyang sabihin, nakatatak na sa aking memorya na isa siyang masamang dalaketnon. Isa siyang kalaban!
"Lumapit kayo mga bata!" tawag ng mangkukulam.
Dali-dali namang tumabi si Ryan kay Romano, taas ang noo at nagmamayabang.
Halata namang siya ay feeling close kay Romano at self-proclaimed na lider.
Hmp. Sipsip.
"Kayo ang mga masusuwerteng bata na kaanib ng Supremo. Tiyak ang inyong kaligtasan sa bagong mundong sinisimulan ng ating Supremo. Ang mundong pinag-isang mga dimensyon ng mortal, patay ang espiritung-pangkalikasan! Ito din ang daan para mabuksan din ang dimensyon ng mga dyos at dyosa! Maghintay... Manalig... Maging tapat lang kayo sa Supremo, kayo ay bibiyayaan ng mas higit na kapangyarihan! Ipagbunyi natin ang tagumpay ng Supremo!"
Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga bata.
Ayaw ko man, napilitan akong pumalakpak. Ang totoo, nanlulumo ako.
Mga hangal! Tiyak na kapahamakan lang ang kanilang makakamit!
Tinanggal ni Romano ang kanyang hood. Wala pa sa kanyang edad pero mukha na siyang matanda dahil sa mga namumuting mahahabang buhok nito at malalalim na wrinkles sa mukha. Itsura ng sobrang pagod, puyat at stress na stress. Pero di makakaila sa kanyang itim na mga mata ang kasamaan at kasakiman. Siya ay mapanganib na tao.
"Bata, ang alam ko may mga bago kang naenganyong sumapi sa atin?"
Tumango si Ryan at itinuro niya ang dalawa kong kasama sa pagpunta dito. Kung una ay takot na takot sila at halos naisin nang umalis ngayon, akala mo kung sinong mga matatapang ay buong lakas loob na humakbang paharap.
"May isa pa..." dagdag ni Ulysses.
Di ko napansin na nasa likuran ko na pala siya. Bigla niya akong tinulak papunta sa unahan.
Tinitigan ako ni Romano.
"May kakaiba sa iyo, bata ka." Kanyang sambit. "Anong pangalan mo?"
Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ang pangalan ko.
"Siya si Ren Dela Rosa." sabat ni Ryan.
Hmp! Pasikat talaga.
"Ren, mukhang may kapangyarihan nang nagmumula sa iyo..."
Patay! Alam na kaya niyang may elementong-kaisa na ako?!
"Paano mo nasabi." sagot ko. Seryoso ang aking mukha at di ko pinahalata na kinakabahan na ako.
Di sumagot si Romano. Di niya ako pinansin.
"Sige, pumili na kayong tatlo ng nais ninyong kapangyarihan! Hilingin nyo at kayo ay pagbibigyan!"
Mabilis na nakapili ang dalawa. Ang una ay lupa at ang isa ay hangin.
"At ikaw?" tanong ng mangkukulam.
Natigilan ako bigla. Pinagpawisan.
Naku, basang-basa na ng pawis ang buhok ko. Baka mawala na ang gel!
"Sila muna, nag-iisip pa ako." sagot ko.
Tinitigan ako ni Romano. Tinitigan ko din siya.
Bigla siyang ngumiti at tumalikod sa akin.
Mas lalo akong kinabahan.
Naglakad kami patungo sa mga nakakulong na mga engkanto't diwata.
Nilapitan ni Romano ang isang nakakulong na duwende na gawa sa malalapad na dahon ang kasuotan.
"Heto. Ang duwendeng ito ay gamit ang elementong lupa na gaya ng gusto mo. Handa ka na bang magkaroon ng kapangyarihan?"
"Oo naman!" sagot ng nauna sa dalawa.
"Akin na ang palad mo." utos ni Romano.
Di na nagdalawang-isip ang bata at inilahad ang kanyang kanang palad.
Pero laking gulat niya na marahas na hinawakan ni Romano ito at gamit ang isang kutsilyo na mabilis niyang dinukot mula sa kanyang damit, hiniwa niya ang palad!
"AAAAHHHHRRRRAAAAAYYYYY!" sigaw nito.
Natawa lang ang ibang bata. May nagkumento pa nga na ang O. A. daw nito.
Sabay sa pag-iyak sa sakit ng bata, dumaloy ang pulang dugo.
Nagsimulang mag-orasyon si Romano.
"Lo la sacrificio que sangre,
Ina extracto de vida de en persona lo.
Complacer la su desear,
Poder element ser quitar
De en criaturas contiene su
A reclamación totalmente
De mortal la poder lo.
Yo ser complacer, lo ser mi comandos!"
(Ito ang alay na dugo,
Isang katas ng buhay mula sa taong ito.
Pagbigyan ang kanyang ninanais
Kapangyarihang elemento ay ialis
Mula sa nilalang nagtataglay nito
Upang maangking lubos
Ng mortal ang kapangyarihang ito.
Ako ay pagbigyan, ito ay aking inuutos!)
Ang unang patak ng dugo sa lupa ay kuminang at patuloy na dumaloy paikot sa kulungan ng duwende na walang magawa kundi ang sumigaw at humingi ng tulong sa loob.
Patuloy ang pagkalat ng dugo na animo'y gumuguhit sa lupa ng isang di pamilyar na simbolong pagkadiliman. Tumagos ito sa mahiwagang kulungan.
Nakakagimbal ang ungol ng duwendeng hirap na hirap at unti-unting nanghihina. Di rin nagtagal ay tumirik ang mga mata nito at padapang natumba sa simbolong gawa sa kumikinang na dugo.
Maya-maya pa ay unti-unting naglaho ang duwende at tanging isang berdeng dyamante ang naiwan. Ang buhay at ganda ng dyamante ay unti-unti namang natunaw at dumaloy sa simbolong dugo mula sa loob ng kulungan, palabas at patungo sa palad ng nasugatang bata.
Hindi na sumisigaw sa sakit ang bata. Abot langit na ang kanyang ngiti habang dinadama ang kapangyarihang dumadaloy na sa kanya.
Nawala na ang hiwa sa kanyang palad. Gumaling na ito. Sa isang iglap din ay may namuong marka sa braso niya. Isang tattoo na hugis hayop na usa na may sungay.
"WHOA! ASTIG!" masayang sambit ng bata.
Nagpalakpakan ang ibang mga kabataan.
"Ako naman!" nananabik na sambit ng pangalang bata.
Natawa sj Romano. "Hahahah. Tama, hindi masamang maging sakim sa kapangyarihan!"
Naglakad naman sila patungo sa diwatang kinausap ko kanina. Ang asul na diwata na kamukha ng elementong-kaisa ni Clarissa na si Kikay!
"H-HINDEEEE!" di ko napigilang tumakbo at humarang sa dadaanan nila.
"Oh. Bakit Ren? Gusto mo ikaw ang mauna?" tanong ng mangkukulam.
"HINDI! TIGILAN NYO NA 'TO!" inis na inis na ako. Di ko maatim na kakakita na naman ng kalupitan sa mga walang kalaban-laban na mga engkanto at diwata. "Tama na, tama na ang kasamaang ito! Di ba kayo naaawa sa kanila? Hindi nila tayo sinasaktan, bakit kailangang gawin ninyo ito?!"
"Ren, anong pinagsasabi mo?!" gulat na tanong ni Ryan.
"Kayo, kayong lahat ay mga WALANG ALAM! Mga MAKASARILI! Mali ang kunin ang kapangyarihan na hindi para sa inyo! Kusa itong binibigay. Dapat nyo lang na patunayan na karapat-dapat kayo! Mali itong ginagawa ninyo. Maawa kayo sa kanila."
Tumawa ng malakas si Romano.
"KALOKOHAN! Walang kwenta ang pinagsasabi mo, bata." sagot niya. "Bakit pang kailangan patagalin kung pwede mo na mang kunin ng pwersahan? Ng mabilisan? Masyado ka pang mang-mang sa buhay. Kung ganyan ka, di ka magtatagal. Ikakamatay mo yan. Ang mga gaya mo ay walang puwang sa bagong mundo ng Supremo! Hahahahaha! Gusto mong magkabayani para sa mga engkanto at diwata? Sige, gawin martir ang baliw na ito!" lumingon siya sa grupo nina Ryan. "Kayo na bahala." tumalikod siya at tinawag ang iba pang kabataan na sundan siya paakyat ng Tore ng Patay. "Kailangan nating maghanda sa pagsalakay natin sa Tore ng Buhay."
Pumalibot sa akin sina Ryan, Zyren, Ulysses, Jessa Lopez at Diane Alonzo.
Si Jenny Roque na kakambal ni Abby ay nagbelat lang sa akin. Umupo siya sa di kalayuan para manuod.
"Pasensya ka na, Ren. Napag-utusan lang." sambit ni Ryan. "Walang personalan, trabaho lang." nakahanda na agad ang kanyang bolang apoy sa mga palad.
"FUEGO!"sigaw niya.
Mabilis ko naman nailagan ang dalawang bolang apoy na inihagis niya.
"AGUA!" tawag ni Zyren at mula sa kanyang mga palad ay may isang animo'y ahas na gawa sa tubig at dali-daling dumaloy at pumulupot sa aking paa at hita.
Hindi ako makahakbang!
"VOLTACIO!" sambit naman ni Ulysses at bumuo ng kuryenteng bola sa kanyang mga palad.
"Siguro kailangan mo muna ng kaunting kuryente sa katawan para matauhan ka." Natatawang sabi ni Ryan.
"Kidlaon, aking tapat na elementong-kaisa,
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin.
Nakakasilaw. Dumadaloy. Nakakakuryente.
Palasong kidlat!"
Sinalubong ko ng pana ang kuryenteng bola ni Ulysses. May malakas na pagsabog ang naganap.
Nakatakas ako sa tubig ni Zyren at tumakbo.
Ito na pang pagkakataon kong tumakas. Wala akong planong makipaglaban sa kanila.
"SUELO!"
THUD!
"Argh!" nauntog ako sa isang pader na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
"Ren, sorry. Sorry talaga." paghingi ng paumanhin ni Diane.
"Diane. Huwag kang mag-sorry sa supladong iyan! Akala mo kung sinong pogi!" giit ni Jessa.
"Siguro crush mo ako, Jessa?" pang-aasar ko.
Namula si Jessa at nagalit. "VIENTO!"
Naramdaman kong bigla na lang akong lumulutang.
"H-HOY! Ibaba mo ako!" sigaw ko.
"As you wish!"
Sa isang iglap ay nahulog ako sa matigas na lupa.
THUD!
Sa tingin ko nabalian na ako!
"Mayoon ka na palang kapangyarihan, di mo sinabi." sambit ni Ryan. Tinapakan niya ang dibdib kp para hindi ako makatayo.
"At bakit ko naman sasabihin sa'yo! Isa kang gago na sarili lang ang iniisip! KAYONG LAHAT! Hindi ninyo alam ang panganib na mangyayari sa mga taong walang kamalay-malay kung hahayaan ninyong magtagimpay ang Supremo!"
"Tumahimik ka. Madaldal ka pala!" sagot ni Ryan. Tumango siya kay Zyren at naramdaman ko na lang na may tubig nang pumupulupot sa aking leeg.
"Ginagamit lang niya kayo! Kanyang mga laruang pwede niyang itapon pagnakamit na niya ang kanyang gusto!" pilit kong isinigaw ang nais kong sabihin bago patuloy na humigpit ang tubig sa leeg ko.
Hindi ako makahinga!
Buti na lang malaya pang nakakagalaw ang aking mga kamay. Hinawakan ko ang hita ni Ryan at kinuryente ko siya.
Nagulat siya sa biglaang pagdaloy ng kuryente sa kanyang katawan. Nanginginig siyang natumba sa lupa.
Dali-dali akong tumayo at pinataman ko ng palasong kidlat si Zyren. Natumba din ito.
"Hahaha! Na-shock kayo nyo!"
"Kidlat din ang kapangyarihan mo!" saad ni Ulysses na mukhang interesado. "Saan... Paano ka nakakapagtawag ng palasong gawa sa kuryente?"
"Elementong-armas, galing sa aking elementong-kaisa. Ito ay hinding-hindi mo makakamit dahil nakaw lang ang kapangyarihan mo!"
"Hindi nakaw ang kapangyarihan ko! Sa akin 'to! Binigay ni Romano ito!" galit na sigaw ni Ulysses. May pakalat-kalat na lumang tubo, pinulot niya ito. "Sinong nagsabi na hindi ako pwedeng magkaroon ng elementong-armas? Kung pwede naman ako na mismo ang gumawa! VOLTACIO!" pinuno niya ng kuryente ang tubong hawak-hawak niya.
Lagot. Mapanganib na!
"Magaling, Ulysses!"
Di ko inaasahan, isang malakas na pagsuntok ang aking natamo sa tigiliran ng aking tiyan! Ang malala, para bang sobrang init at napaso ang aking balat!
Napagtanto ko na lang na si Ryan pala iyon. Ang kanyang kamao ay nagliliyab.
Napaluhod ako sa sakit.
"Ito ang para sa iyo!" dagdag ni Ulysses at inihampas sa akin ang tubong may kuryente.
Mabilis kong nasalag ang tubo gamit ang aking mga bisig pero halos mamuti na ang aking paningin sa malakas na boltahe ng kuryenteng dumaloy sa akin!
"Hahaha, nasaan na ang yabang mo?" pangungutya ni Zyren sabay hampas ng tubig na animo'y isang latigo sa aking likuran!
"Huhu, kawawa naman. Buti nga sa iyo!" sambit ni Jessa at dalawang malulutong na sampal ang ibinigay niya. Ang nakapagtataka ay malayo siya sa akin. Kinampay lang niya ang kanyang kamay at hangin lang ang kanyang ginamit.
Mula sa kung saan ay may ilang malalaking bato ang biglang umulan sa akin. Natamaan ang aking ulo.
Nahilo ako at natumba paharap sa lupa mula sa pagkakaluhod.
"Sorry, Ren. Hihihi...." bulong ni Diane pero wala na ang tono ng awa o pagsisisi sa kanyang boses. Purong kasiyahan lang.
Sobrang sakit ng aking buong katawan. Nararamdaman ko din ang mainit na pagdaloy ng dugo sa aking mukha. May sugat ang aking ulo.
Mamamatay na ba ako? Di ko na kaya ang sakit!
"Susuko ka na ba?"
Si Kidlaon, ang aking elementong-kaisa. Nagsalita na siya muli sa aking isipan.
"Sa wakas! Bakit ang tagal mong magparamdam!"
"Ano pa ba ang pumipigil sa iyo? Alam mo naman na mas higit ang iyong kapangyarihan dahil hindi ito nakaw na gaya sa kanila?"
"Kasi...."
Minulat ko ang aking mga mata at halos igapang ko na ang aking sarili sa lupa upang makakuha ng suporta sa isang bato. Ginamit ko ito para kahit papano may masandalan ako habang hirap-hirap ako sa pag-upo.
"Kasi..."
Pinagmasdan ko ang limang kabataan na di nalalayo sa aking edad. Nakapalibot sila sa akin at tuwang-tuwa sa aking sitwasyon. Tiningnan ko ang kanilang mga mukha. Si Ryan, si Zyren, Si Ulysses, si Jessa at si Diane...
Halos mabaliw sila sa kakatawa at sa pagmumura sa akin.
"Hahahahha! Tingnan nyo, sobrang kawawa!"
"Yan ang nababagay sa iyo, mayabang ka kasi!"
"Matibay ka, hah. Kung tuluyan ka na namin?"
"Wakasan na natin ang paghihirap mo. Gusto mo nang mamatay?"
"Patayin na yan!"
Umiling ako sa sobrang pagkadismaya. Hindi ito ang nais kong sinasabi nila.
"Kasi..."
Iba na ang ekspresyon sa kani-kanilang mga mukha, nawala na ang bahid ng pagkatao sa kanila. Purong kasamaan na lang at ang intensyon ng pagpatay! Nakakakilabot ang kanilang mga tingin!
Kahit nga si Jenny, panay ang sigaw na patayin na ako.
Paano sa sandaling panahon ay nawala bigla ang awa sa kanila? Parang kanina lang ay bukal sa loob ang pagso-sorry ni Diane sa akin. Ngayon, halos mapatay na niya ako sa mga batong itinama niya sa akin!
"Ano, Ren? Ano ang pumipigil sa iyo?"
"Kasi... mga bata lang sila... mga normal na tao na nabulag lang sa kapangyarihan... Umasa ako na magbabago pa ang kanilang isip at malinawagan sa tunay na mangyayari sa mundo.... At kasi... akala ko ay makokonsensya pa sila. Di ko akalain na magiging ganito silang kalupit.
"Lumalalim na ang impluwensya ng Supremo sa kanila. Kinakain na ng kani-kanilang mga pangsariling kahinaan ang kanilang matinong pag-iisip...." dagdag ni Kidlaon.
"Ano na ang dapat kong gawin? Hindi ko sila kayang saktan dahil mga tao pa rin sila. Hindi sila mga halimaw."
"Labis mo akong pinapahanga, Ren. Ang katwiran mo ay mula sa isang taong mapagmalasakit at mapagmahal. Mas naging matibay ang iyong pag-iisip at higit na marunong ka na kaysa sa una tayong nagkakilala... Naririnig mo iyon?"
"Alin?"
"Ang mga sigaw ng mga engkanto at diwatang nakakulong."
Napalingon ako sa asul na diwata na dapat sana'y mananakawan na ng kapangyarihang elemento.
"Bumangon ka! Huwag kang susuko!" sigaw nito.
Puro pagpapalakas ng loob ang sinisigaw mga engkanto at diwata. May tiwala at buo ang suporta nila para sa akin!
Nakadama ako ng kumpiyansa sa sarili na nagsilbing panibagong lakas para sa akin.
"Di ba gusto mo silang tulungan? Paano mo magagawa iyon kung patay ka na? Huwag kang sususko. Obligasyon mo ring mabuhay para sa mga pinapahalagahan mo." giit ni Kidlaon.
"Tama ka. Salamat."
Di ko mapigilang ngumiti.
"At may pangiti-ngiti ka pang nalalaman!? Nais mo nang mamatay?!" inis na sambit ni Ryan.
"Tuluyan na yan!" sabi ni Zyren.
Sumang-ayon ang lahat.
May malakas na pagsabog ng enerhiya. Tumilapon silang lahat.
Ikinagulat nila ang biglang pagpapakita ng isang nilalang na may makisig na mukha, may malakas at malapad na mga braso at dibdib ng isang lalaki pero may katawan at apat na paa ng isang kabayo! Isang Sentauro!
"Kidlaon, grabe ka. Hinayaan mo talaga muna akong mabugbog bago mo ako tulungan!" bungad ko at may pabirong tampo.
Tumawa ang engkanto. "Tumayo ka dyan, Ren. Ito na ang tamang panahon."
Di ko inalintana ang sakit ng aking buong katawan. Tumayo ako at lumapit sa aking elementong-kaisa.
Lumikha ng kuryenteng palaso si Kidlaon sa kanyang palad. Humarap siya sa langit at pinatamaan ang mga itim na ulap na nasa ibabaw namin. Di rin nagtagal ay nagsimula na itong kumulog at kumidlat na para bang may bagyo.
Humarap si Kidlaon sa akin at itinaas ang mga kamay. Sa isang iglap ay tinamaan siya ng kidlat at napuno ng kuryente ang katawan. Sobra siyang nagliwanag.
Tumango siya sa akin. Alam kong nais niya na gayahin ko din siya. Di na ako nagdalawang isip ay itinaas ko din ang aking mga kamay naabilis namang sinalubong ng kidlat.
Napapikit ako. Napakasarap ng pakiramdam. Di gaya ng kuryenteng galing kay Ulysses, ang kuryente na dumadaloy ngayon sa akin ay kuryenteng may sariling buhay na nabibigay lakas. Damang-dama ko din ang matinding enerhiya sa buong katawan ko.
"Ren, sabayan mo ang aking pagbigkas."
Tumango ako. Desidido. Di na ako makapaghintay sa mangyayari!
Let's get it on!
" Kidlaon..."
"Ren..."
"Ako ang iyong taong-kaisa..."
"Ako ang iyong elementong-kaisa..."
"Ako ay Ikaw, Ikaw ay Ako. "
"Ako ay Ikaw, Ikaw ay Ako... "
"Isa itong pagsusumamo!"
"Isa itong pagsusumamo..."
"Ikaw at Ako ay maging isa!"
"Ikaw at Ako ay maging isa!"
Mula sa ulap ay sunod-sunod ang pagtama ng kidlat sa amin na halos di na kami makita sa sobrang liwanag. Kasabay din nito ang pagliwanag ng hugis kidlat ko na pendant na puno ng dilaw na mga dyamanteng Zircon. Saglit akong napapikit sa nakakasilaw na liwanag at sa muling pagmulat ko, wala na si Kidlaon sa aking harapan. Naging purong boltahe na lang siya ng kuryente na umikot sa aking katawan na syang unti-unting nagpabago dito. Mas humaba ang aking buhok pero hindi pa rin nawala ang spikes nito dahil sa gel. Mas naging maskulado at malaki ang aking buong katawan pero ang prominente ang mga hita at mga paa ko na naging katulad sa isang kabayo. Subalit dalawang pares lang.
"Alam kong may kaartehan ka din katawan mo. Alam kong di mo maisip na ikaw ay may apat na paa kaya dalawa na lang para sa 'yo." bulong ni Kidlaon sa aking isipan.
"Haha... You know me so well!"
"Pero may buntot ka pa rin ng kabayo!" dagdag nito.
Tumawa ako. "Sige lang!"
Nang mawala na ang mga kidlat, bumalik na sa dating kadiliman ang kapaligiran.
Nagustuhan ko naman ang mga reaksyon nina Ryan. Gulat at takot.
"H-Huwag tayong magpasindak! Kailangan natin siyang patayin!" sigaw ni Ryan.
Naman oh! Ang titigas ng ulo!
Itinaas ko ang aking palasong kuryente at sunod-sunod na nagpakawala ng mga kidlat na pana sa ere. Naipon ito at bumuo ng isang bolang boltahe ng kuryente.
"Ulan ng Kidlat!" sigaw ko at sunod-sunod na umulan ng mga kidlat. Nagtakbuhan sina Ryan papalayo. Kahit ang mga nanunuod na mga lamang lupa at itim na engkanto at diwata ay di nakatakas. May ilan ding natamaan.
GGGGGGRRRRRRRRRRRRRRR!
AAAAAAAARRRRRRGGGGHHH!
Nagalit ang mga ito at sabay-sabay na sumugod sa akin.
Patay!
Pero hindi ako natatakot.
Sige, come to papa!
Binalot ko ng malakas na boltahe ng kuryente ang aking sarili na para bang nagcha-charge. Inipon ko ang lakas hanggang sa hindi ko na kaya pang pigilan ang pagdaloy nito sa aking katawan.
"Wagas na Pagsabog!" sigaw ko at pinakawalan ang inipon kong enerhiya.
Sa isang iglap, lahat ay tumilapon papalayo, ang ibang di pinalad ay nakuryente ng malakas na boltahe.
Nakabuo ako ng isang malalim na butas sa lupa.
Ito na muli ang aking pagkakataon para tumakas.
Oo, pakiramdam ko na napakalakas ko na pero hindi ito sapat para sumugod sa Tore ng Patay mag-isa. Kailangan ko pa rin ng tulong.
Kailangan kong pumunta sa Tore ng Buhay para sabihan kung sinu-sino man ang nandoon na maghanda sa pagsalakay ng mga kabataang kabilang na sa mga taga-sunod ng Supremo!
"Babalikan ko kayo." pangako ko sa asul na diwata.
Tumango ito at ngumiti. "Maghihintay kami."
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 03/30/2016
Ang saya! Finally at ganap na ang pagiging isa nina Ren at Kidlaon! Lumelevel up na sila! Exciting, noh! Can't wait sa mga fight scenes!
Teka... Nasaan na nga ba si Clarissa?????!!!!! At kung... SANA! hehehe... Magkita na kaya sila ni Ren???!!!
ABANGAN!
Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top