Chap.10: Ang Engkantong Manliligaw

 ๑۩۞۩๑ Ang Engkantong Manliligaw ๑۩۞۩๑

                 (Clarissa Gutang's POV)

Tahimik kong pinagmamasdan ang malawak na kalangitan na puno ng mga bituwin. Malamig ang dampi ng hangin at ang naririnig  ko lang ay ang ingay ng mga kuliglig. Pass 11 pm na pero di pa ako naaantok. Alam ko na kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

Nakahalumbaba ako sa may bintana, nakatitig sa kawalan. Nag-iisip ng kung ano-ano pero laging nasasagi sa aking isipan ang dalawang lalaki sa school ko, si Gino at... si Ren.

Marami akong itatanong kay Gino bukas, pagpasok ko.

At bigla ko na naman maiisip si Ren.. 

Haaaaayyyyy.... He's the reason for my sleepless nights! 

Grabe, super gusto ka talaga siya kahit masungit sa akin!

Di rin naman matagal ang pag-uusap nina tatay Jose at ginang Violy, kaya di rin ganun katagal ang pagpapantasya - este pagtitig ko sa naka-pikit na mukha ni Ren. Pero sa totoo lang, alam ko na ayaw niya makipag-usap sa akin kaya siya naka-earphones at nakikinig ng music.

Ouch.

Nakakalungkot talaga. Sa totoo lang, pinipilit ko ang sarili na isipin na okay lang ang lahat,  na di ako nasaktan noong putulin nina Ren at Katherine ang pagkakaibigan namin. Iniisip ko na di sila kawalan at magkakaroon din ako ng iba pang kaibigan. 

Pero wala na akong naging kaibigan na iba. 

Siguro dahil di ako palakaibigan at mas ginugusto ko na nasa isang tabi lang. Siguro nga ako din ang may kasalanan.

Tumayo na ako sa upuan. Isasara ko na sana ang bintana nang...

Psssssssssssssiitttttttttt!

Huh? Ano iyon? May nag-pssisit ba sa akin?

 Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagtaasan ang balahibo ko sa katawan.

May presensya?!

Sa pagkaka-alam ko kasi pag may nagpssit ng isang beses at di na naulit, isang engkanto iyon na nagpapapansin.

Di na bago sa akin ang mga multo at mga engkanto. Bata pa lang ako, nakakakita na ako. Alam ko din naman na may mga kaibigang engkanto ang tatay ko. Di lang sila malimit magpakita sa akin kasi pinaki-usapan sila ng tatay ko na huwag magpakita sa akin ng basta-basta kasi baka daw magulat o matakot ako. Iyon ang dahilan kaya pinapasuot ako ng tatay ko nang mga purselas at singsing na may dasal niya.

Papansinin ko ba o hindi?

Nagdadalawang isip ako. Suot ko naman ang mga alahas kong pangproteksyon, sigurado akong di ako magagawan ng masama ng kung sino mang engkanto.

Hindi ko pinansin at sinarado ko na ng tuluyan ang bintana.

 "Anak, bakit gising ka pa?" tanong ng tatay Jose ko nung lumabas ako sa kwarto ko.

Siya ay nasa may sala namin. Kapansin-pansin ang mga makakapal at naglulumaang aklat sa may lamesa.

"Maghihilamos lang po, tay." sagot ko. 

"Sige. Matulog ka na agad, ha?"

"Opo...Anong binabasa nyo? Parang may research work kayo."

"Ah, wala ito, iha. Huwag mo na akong pansinin."

"Basta, matulog na rin kayo, tay." paalala ko.

"Sandali na lang ito, matutulog na rin ako."

Bago ako naghilamos, hinubad ko muna ang mga bracelets at singsing na suot-suot ko.

Busy ako paghuhugas ng kamay nang may marinig akong kaluskos sa may halamanan sa labas ng banyo. Di ko na pinag-isipan ng kung ano at inisip na lang na may ligaw na hayop lang sa labas.

Ang tatay Jose ko ay nasa may sala pa rin, seryosong-seryo sa pagbabasa.

"Tay, tulog na po." paalala ko.

"Sige, anak."

Bumalik na ako sa kwarto ko at nagbihis na ng paborito kong damit pantulog, isang puting duster na may mga ruffles at ribbons sa laylayan na kulay purple.

Favorite ko nga pala ang kulay purple!

Humiga na ako at di rin nagtagal ay nakatulog na ako.

"...Halika..."

"huh? Sino yan?" nagising ako bigla.

"...Halika..." anyaya ng isang boses ng lalaki.

"Sino ka?" tanong ko. Medyo wala pa sa sarili kasi naaantok pa rin.

"Halika dito..."

"Nasaan ka ba?"

"Buksan mo ang bintana mo..."

Sa di malamang kadahilanan, sumunod ako na di nag-iisip at binuksan ko ang aking bintana.

Isang malakas na daloy ng hangin ang sumalubong sa akin. Kinilabutan ako sa lamig.

Di ako makapaniwala sa taong nakita ko nang minulat ko ang aking mga mata.

"R-Ren?!" 

Ngumiti ang lalaki. "Kung iyan ang nais mong itawag sa akin. Oo, ako si Ren."

"Ren..." Naglalaban ang aking puso at isipan kung si Ren nga ba talaga ang nasa aking harapan. Patayo pa rin ang kanyang buhok at nandoon pa rin ang arogante niyang ngiti. Ang kakaiba lang ay ang suot niyang puting damit na may gintong butones na animo'y pang prinsipe.

"Matagal ko nang ninanais makasama ka, Clarissa...Halika..."

Iniabot niya ang kanyang palad. Walang pag-aalinlangan na hinawakan ko ang kanyang kamay. Napakalamig. Nanginig ang aking buong katawan sa pagkakahawak niya.

Tumawa siya.

Di ko alam kung paano pero nasa labas na agad ako ng aking kwarto, doon sa may likod bahay namin. At sa kamangha-manghang pagkakataon, biglang naging isang gown na puti ang suot ko. Kumikinang ito na para bang hinagisan ng napakaraming pinaghalong silver at purple na glitters! Napakaganda!  

Kakaiba din ang gabi. Sobrang liwanag ng buwan at may mga maliit na liwanag na pumapalibot sa buong kapaligiran. Di ako sigurado kung mga alitaptap ang mga iyon pero ang ganda sa paningin. Ang mga halaman ay animo'y kumikislap din. 

Feeling ko talaga, isa akong prinsesa sa isang fairytale.At Napaka-romantic pa! 

"Di mo alam pero matagal na akong may pagtingin sa iyo, Clarissa." panimula ni Ren.

OMG! Totoo ba ito?! May gusto din sa akin si Ren. Kung panaginip lang ito ayaw ko nang magising!

Tumawa muli si Ren at sumagot na para bang narinig niya ang aking iniisip. "Kung ayaw mo nang magising, sumama ka nalang sa akin..."

Nagulat ako. "Paano mo nalaman ang iniisip ko?"

"Huwag mo nang masyadong pag-isipan...Hindi ka ba masaya na kasama mo ako? Ako na si Ren?"

"Oo..m-masaya ako..."

"He'to para sa 'yo." pumitas siya ng mga bulaklak na di ako pamilyar at ginawa niya itong parang isang korona. "Gagawin kitang reyna ng aking kaharian..." 

Sobra talaga ang kilig ko nang pinatong niya ang koronangg bulaklak sa aking ulo. 

"Totoo ba ito? Oh, Ren salamat."

"Magiging totoo ito kung gugustuhin mo..."

"Oo, gustong-gusto ko."

"Sumama ka sa akin..."

"Saan tayo pupunta?"

"...Sa aking kaharian...tayong dalawa lang, ako at ikaw..."

Biglang may lagusang bumukas sa gitna ng puno ng mangga. Nasilaw ako sa liwanag.

"Halika, aking reyna..."

"R-Ren...Saan yan patungo?" Nag-aalinlangan kong tanong.

"Huwag kang mag-alala. Makakasama mo ako sa haba ng panahon...Magpakailanman..." mahinahon niyang sagot.

"Pero...pagsumama ako sa'yo, para na tayong nagtanan...P-Parang napakabilis nang pangyayari..."

"Clarissa, Di mo na kailangan pang problemahin ang oras, hawak natin ang oras...Halika ka...Sumama ka na..."

"H-Hindi..."

"Hindi!" galit na inulit ni Ren ang sinabi ko.

Nagulat ako. Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Sumama ka sa akin!" marahas niyang hinila ang aking kamay at hinila patungo sa lagusan.

"Ren, nasasaktan ako!" sigaw ko. 

Nagulat si Ren sa pagkakasigaw ko. Binitawan niya ako. "Patawarin mo ako, aking reyna, di ko nais na saktan ka..."

"Ren...Hindi ko alam...Nabibilisan ako sa mga pangyayari..." 

"Sige, hindi kita mamadaliin, Clarissa. Marahil gusto mo ng kaunting makakain?"

Sa isang iglap may lumabas sa harapan namin na isang lamesang pabilog na may mantel na pula at may mga kandila pa. Mayroon ding  mga pinggan at mga kubyertos na gawa sa ginto.

Dinner by candle light?! Di ko akalain na napaka-romantic ni Ren. 

Tumawa si Ren. "Nagustuhan mo ba, Clarissa?"

Tumungo ako.

Kagaya sa mga napapanuod kong pelikula, pina-upo muna ako ni Ren. Pagka-upo niya, biglang nagkapag-kain ang mga pinggan namin. Mukhang masarap at mukhang sosyal talaga.

"Kain ka na, Clarissa..." anyaya ni Ren, habang may binubuhos siyang pulang likido sa baso ko pero napakalapot nito para maging Champagne.

"Huwag..."

May mahinang boses akong naririnig sa may teynga ko.

"Huwag kang uminom o kumain ng pagkaing inaalok niya...Magiging kagaya ka niya...Hindi ka na makakatakas sa kanya...Huwag kang sumama sa kanya..."

"Huh?" gulat kong sambit. Napalingon ako sa direksyon kung saan ako nakakarinig ng bulong. Ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko pala ang halamang bogambilya (bougainvillea) ni tay Jose na hitik na hitik sa purple na bulaklak.

"Saan nanggaling ang  pangit na halaman na iyan!" inis na sambit ni Ren nang mapansin niya na di ko ginalaw ang pagkain at nakatingin ako sa halaman sa tabihan ko..

Tumayo siya at pinagpuputol ang halaman.

"Ren? Anong ginagawa mo?! Huwag mong sirain ang halaman ng tatay ko!" saway ko.

"Arrrgghh!" sigaw ni Ren. Nasugatan siya sa mga tinik ng halaman.

"Naku, nasugatan ka?" tumayo ako sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay na may sugat ni Ren.

Laking gulat ko, itim na dugo ang lumalabas sa sugat niya!

"Ren, bakit itim na dugo ang lumalabas sa'yo?!"

"Wala kang nakita, Clarissa." mabilis na nilayo ni Ren ang kanyang kamay.

"O-Okay ka lang ba?" tanong ko.

Natatakot na ako.

Kakaiba ang Ren na nasa harapan ko ngayon. May mga gasgas din kasi ng tinik ang mga braso niya at ang nakakapagtaka, para bang nabalatan siya at lumabas ang kulay berdeng balat niya.

"H-Hindi ikaw si Ren!"  

"Clarissa..." Nagbuntong-hininga siya. "Oo, hindi ako si Ren na taong kilala mo..."

Sa isang iglap nag-iba ang anyo niya!

Nawala na ang itim niyang buhok at naging mayabong at buhol-buhol na pulang buhok. Ang kanyang mga mata ay naging matingkad na dilaw at kagaya ng mga mata ng mga ahas. Ang kanyang balat ay kulay berde. Nag-iba na rin ang damit niya, naging kulay lupa na gawa sa mga pinagtagpi-tagping dahon. 

Bumalik na din sa dati ang kapaligiran. Nawala ang tingkad ng mga halaman at nawala na rin ang mga alitaptap. Bumalik na rin sa dati ang pantulog ko.

"Sino ka!" gulat at takot kong sigaw. Tuluyan na rin akong nagising sa inakala kong isang panaginip lamang.

"Ako si Malanti-Aw."

"Anong Kailan mo sa akin?"

"Clarissa, matagal na akong nagmamasid sa iyo. Hindi lang ako makalapit dahil sa mga anting-anting na sinusuot mo..."

Nagulat ako at napansin na di ko nga suot-suot ang mga binigay sa akin ng tatay Jose ko. 

"Nang makalimutan mong suotin ang mga anting-anting mo, di na ako nag-aksaya ng panahon...Kukunin na kita upang dahil sa aking mundo..."

"Hindi! Hindi ako sasama sa iyo!"

"Wala ka nang takas...

Lupa,Lupa

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo.

Baging ay humayo"

May mga sibol ng baging na biglang tumubo sa lupa. Tumakbo ako papalayo pero mabilis at parang ahas na pumulupot sa aking mga paa at hita ang halaman. 

Buong lakas kong pinilit na tanggalin at putulin ang mga ito pero sadyang makakapal at matigas.

"Huwag! Ayaw ko! Tatay Jose! Tatay Jose, tulungan ninyo ako!"

Umiiyak na ako sa takot.

Nasaan na ang tatay ko? Sino ang tutulong sa akin? 

"Hahahhaa...Akin ka lang, Clarissa... Aking Reyna!"

__________________________________________________

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter!

Salamat! Salamat!

NEXT CHAPTER:                              

MGA TINIK AT BULAKLAK (Clarissa Gutang's Point of View)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top