Chap.1: Unang Araw sa Bagong Eskwelahan (Part 2)
๑۩۞۩๑ Unang Araw sa Bagong Eskwelahan ๑۩۞۩๑
Hinanap ko ang pangalan ko sa listahan ng mga first year sa may bulletin board sa tabi lang ng entrance ng school.
Napansin ko lang na halos mgkakakilala na ang mga estudyante dito. Malamang dito na sila nag-elementary at dito na rin maghigh-highshool.
Tsk. Sabi ko na nga ba Out of Place ako eh...
Nakita ko ang pangalan ko sa section 1, Waling-Waling. Yung mga sections sa first year ay nakapangalan sa bulaklak ng Pilipinas.
Palihim kong sinundan yung mga ibang first year na gaya ko. Sobrang pamilyar na sila sa school na 'to. Pumasok ako dun sa classroom na may sign na Waling-Waling. Dun ako umupo sa hulihang upuan sa malapit sa may bintana.
Gaya ng inaasahan, mga spoiled at payabangan ang mga magkakaklase.
"I spent my summer in the US, it was fun there."
"Well, Me and my family went to boracay."
Tsk. May pa-english english pa ang mga baby, bulong ko sa sarili ko.
Di ko na lang pinansin ang daldalan nila. Tumingin ako sa may bintana, bored.
Napansin ko yung dalawang babae na tinawan ako kanina sa van ay mga kaklase ko din pala.
Kung minamalas ka nga naman.
Yung dalawa ay nandun sa circle of friends nila na panay ang tingin sa akin. Alam ko na ako yung pinaguusapan nila. Nagbuntong-hininga na lang ako.
Tsk. Ang tagal naman magsimula ng klase, reklamo ko sa isip ko.
Ang classroom namin ay malawak. Ang pader ay kulay cream na bagay lang sa maroon na sahig. May 30 na arm chairs na naka-ayos at nakaharap sa isang pahabang white board. Napangiti ako, siguradong mami-miss ko ang chalk dusts.
"Hi, I am Regina Co," pakilala ng isa sa babaeng kasabay ko sa van. "Sorry dun sa kanina." Matangkad sya at may mahaba at tuwid na buhok.
"Yes, we are really sorry," dagdag nung isa pang babae na naka-pony tails. "You got the wrong message. We actually LOVE your Jose Rizal hair," tumawa sya. "Oh by the way, ang pangalan ko ay Katherine Dela Rosa."
Pinilit kong ngumiti.
"Apparently, ikaw lang ang bago sa aming klase. Magkakaklase na kami since elementary. We all have good grades so we are still the top section for first year. Me and my girlfriends are dying to know your name. Please tell us your name, please..?" sabi ni Regina at nag-beautifiul eyes pa ang kanyang singkit na mata. Pacute.
Tsk. Ang drama queen.
Lumapit ang dalawa at mukhang interesadong-interesado. Nagulat na lang ako na lahat na nasa classroom ay nakatingin na sa akin.
"Gino Ivan Lazaro. Gino na lang ang tawag nyo sa akin." sagot ko.
Kala ko okay na. Lulubayan na nila ako pero hindi, dun na nila ako tinadtad ng tanong. Parang nasa interrogation. Mga simpleng tanong lang naman gaya ng kung saan ako nag-aral dati, saan ako nakatira at gulat ko lang may nagtatanong din ng favorite color ko at likes at dislikes. Ano 'to slum book?
Mostly girls yung nagtatanong sa akin at napansin ko na rin ang sama ng tingin ng mga boys sa akin. Naligtas lang ako sa mga classmates kong tanong ng tanong nang tinawag na kami ng isang babaeng maganda, titser ata at sinabing mag-assemble na daw kami sa school grounds para sa flag ceremony at school orientation.
Sa ceremony ko lang tuluyang nakita ang kabuoan ng Owkward Academy. Yung school ay may pitong 4 storey na building para sa elementary at highschool. May nakahiwalay din na building para sa chapel, gymnasium, canteen at library. Mayroon ding mini park sa tapat ng faculty room at registrar's office. Isama pa ang malawak na school grounds. Grabe napakalawak ng school na 'to!
Pagkatapus ng Lupang Hinirang, yung school director ay umakyat sa outdoor stage at kinuha ang aming attention. Siya ay si Mr. Carlos Mendoza. Kasama nya yung maganda nyang sekretaria na si Ms. Mariella Luna. Sinimulan ni Mr. Mendoza ang kanyang speech sa pag-welcome sa amin sa school. Ang sabi nya, he expected us to behave and study hard. Halatang kinakabahan si Mr. Mendoza, bukod sa nanginginig nyang boses, panay ang punas nya ng kanyang pawis. Di naman ganun kainit. Swerte nya at nandun si Ms. Luna na may handang tissue at binubulong sa kanya ang dapat sabihin.
Pagkatapus ng gradeschool principal, si Mr. Gilliam Zaide naman ang nagsalita. Siya ng highschool principal. Di gaya ni Mr. Mendoza, mas handa si Mr. Zaide. Tumigin sya sa lahat na may authority, yung tipong dapat talagang magpakabait ka sa kanya.
Habang pinapakilala na ni Mr. Zaide yung mga highschool teachers, di ko napigiling humikab. Naaantok na ako at nangangalay sa pagkatayo.
Naramdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalaking nasa late-thirties na nakatitig sa akin. Nakasuot sya ng damit ng janitor ng school. Di ko sya pinansin nung una pero malakas ang pakiramdam ko na nakatingin pa rin sya sa akin. Lumingon ako muli at oo, nakatingin pa rin. Naaasar ako. Ang ayaw ko sa lahat ay yung may nagmamasid sa akin. Tiningnan ko sya ng masama pero di sya natinag. Nagtitigan kami. Tapus na ang orientation at may mga estudyante nang napadaan sa harapan namin. Sa isang iglap na wala bigla yung janitor.
Balik sa classroom.
Si Mr. Daniel Solis ang aming class adviser. Siya ang physical education teacher. Mukha syang strikto dahil sa kanyang salamin pero ang gusto sa malamang ng mga girl students ay yung malapd nyang braso at matipunong katawan.
"I would like to say welcome again sa inyo. Tandaan na nasa highschool na kayo so I expect that you act maturer. At dahil kayo ang first section I also expect that you'll maintain high grades by showing excellence sa lahat ng subjects nyo."
Tsk. Unang araw pa lang pressure kaagad. Sana nasa lower section na lang ako para less stress.
"Class, I have already introduced myself to you. Now I would like to hear from you." sabi ni Mr. Solis.
Tinaas ni Regina yung kamay nya. "Sir, May I request for our new classmate to introduce himself first? Kilala na po namin ang isa'isa sa klase kasi we all studied gradeschool here. We would like to hear from him, please?"
E'to na naman ang pagpapacute nya.
"Sure, no problem. Sino sa inyo ang transferee?" tanong ni Mr. Solis.
Lahat ay tumingin sa akin. Ang nakakainis, tumatawa yung grupo ni Regina.
Pinilit kong ngumiti at pumunta sa harapan.
"Just tell something about yourself."
"Hello. I am Gino Ivan Lazaro. I live in Barangay Santo Cruz, San Nicolas, Batangas. I like to spend time alone listening to music and reading random books."
"Gino, how about your parents?" Tanong ni Mr. Solis.
Tsk. Pati ba naman yun. Personal na eh...
Nagdalawang isip ako pero nagsalita na rin para matapus na.
"My mother is in the mental hospital while my father has been missing for years. Di namin alam kung buhay pa sya o patay."
Gaya nang inaasahan, lahat at napanganga at speechless. Alam kong may mga susunod pang katanungan ang aking mga kaklase. Buti na lang napansin ni Mr. Solis na di ako kumportable.
"Thank you very much, Gino. Sinong sunod?"
Mabagal gumalaw oras. Sobrang bored na ako. Dahil first day pa lang ng school, petiks mode muna mga estudyante. Lahat ng titser ang ice breaker ay introduce yourself. Yung mga classmates ko, wala ni isa ang naglakas loob na tanungin ako tungkol sa pamilya ko. Okay lang sa akin. Ayaw ko na ng awa, para naman totoong they care. Sigurado ako na major gossip ang buhay ko sa classroom. Di na ako makakapagtaka kung makarating sa ibang section.
Lunch break na.
Puno ang canteen. Lahat ng table ay may nakaupo na bukod sa isang table na may isang babaeng estudyanteng mag-isang kumakain. Kilala ko sya. Kaklase ko, Clarissa Gutang ang pangalan nya.
"Pwedeng makihati ng lamesa?"
"Oo naman." sagot nya.
Tahimik lang kaming kumakain. Walang pansinan.
Tiningnan ko si Clarissa. Di gaya ng ibang estudyante sa school na pa sosyalan at nagsusot ng mamahaling alahas, kakaiba ang taste nya. Parang pang-tribal yung dating. May mahaba syang hikaw na may makukulay na pakpak. Mayroon din syang bracelet at kwintas na beads at mga singsing sa kamay na may semi-precious stones.
Mukhang syang manghuhula. Iyon siguro ang dahilan kaya walang tumatabi sa kanya.
"Clarissa, di ba?" simula ko para di awkward.
"Oo, Gino?"
Tumungo ako.
Tapus di ko inaasahan ang sunod na sinabi nya.
"Alam mo Gino, dapat relax ka lang"
"Huh?"
"Yung mga mata mo mukhang pagod. Wag mag-isip ng sobra sa mga bagay-bagay."
Tsk. Kung alam mo lang na lagi akong puyat gabi-gabi dahil sa bangungot.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Well, um mukha ka kasi laging galit. Yung kilay mo laging magkasalubong. And I think, you're short-tempered. Alam mo, it's bad to your health pag laging galitin."
Tumahimik sya ng ilang saglit tapos tumitig sya sa akin, parang pilit binabasa yung iniisp ko.
Nagsalita sya ng may seryosong tono.
"Laging mag-ingat, dapat laging handa...Nararamdaman ko na may negatibong presensya ang nais lumapit sa'yo. Mag-ingat! Maghanda! May masamang mangyayari..."
Parang ibang tao na si Clarissa.
"...Mag-ingat! Maghanda! Nakikita ko ang kadiliman."
Kinilabutan ako. Parang totoo. Nakakatakot naman pala itong si Clarissa. Sa isang iglap bumalik sya sa normal.
"Clarissa, ano ang ibig mong sabihin na dapat akong mag-ingat at maghanda?"
"Hmm? Di ko alam. May sinabi ba akong ganun sa'yo?"
"Gino?" may nagsalita sa may likoran ko. Si Regina ang nagsalita kasama nya si Katherine at isa pang friend nila na si Jessa Lopez.
"And why are you eating with the...freak?" tanong nya, pointing at Clarissa na balik sa normal.
Di ko sya pinansin at tinapos na lang ang kinakain ko. Si Clarissa naman ay napabuntong hininga lang at di rin pinansin si Regina.
Si Regina kaya ang sinasabi nyang kadiliman? Mukha nga. Napangiti ako, gusto kong tumawa.
"No wait. is there something going on between you two?" tanong ni Regina, suspiciously.
"Oo." sagot ko. Nagulat si Regina at yung bestfriends nya. Pati nga si Clarissa nagulat din.
Trip-trip lang. Hehe
"No, you're kidding!"
"Oo, there's something going on with us..." Di ko mapigilang ngumiti, "We are currently eating together. Bakit masama bang kumain ng sabay?" Tumawa ako. Si Clarissa napangiti na rin.
E'tong si Regina kasi kumakain lang kala magrelasyon na. OA nga.
"You are so bad!" sabi ni Regina na parang bata. Nag-walk out sya, sumunod yung dalawa nang friends.
"Sorry Clarissa, ha. Nadamay ka pa." sabi ko.
"Okay lang yun. Buti nga sa kanya. Lagi nya kasi akong inaaway, eh."
"Magaling naman at hindi mo sineseryo yung tawag nya sa'yo."
"Ay, yung freak ba? naku may mas worst pa nga dun gaya ng loser, witch, autistic at kung minsan Madam Auring!"
"Siguro dahil sa taste mo sa mga accessories."
"Eto ba, maganda di ba? Ako lang gumawa nang mga nito."
"Wow. Pwede mong gawing business yan!" sabi ko.
"Oo pero I'm sure di bibili si Regina dun!" Tumawa si Clarissa.
After lunch, sabay kami ni Clarissa bumalik sa classroom. Nakita ko si Regina na galit nakatitig sa akin.
Naku, simula ngayon kailangan ko na syang iwasan! Kailangan mag-ingat at maghanda sabi nga ni Clarissa!
Uwian na. Nagpaalam na si Clarissa. Walking distance lang daw bahay nya from school. Ako naman kailangan pang mag-wait sa school service ko.
Nung dumating na si Mang Leo, doon ako ulit umupo sa tabi ng driver's seat. Napansin ko si Regina sa rear view mirror na nakatitig sa akin pero I never dared to look straight back. medyo di traffic kaya mabilis lang ang byahe. Nung pababa na ako, nilabas ni Regina ang ulo nya sa tangkang tingnan kung saan ako nakatira. Naisipan ko naman pagtripan etong si Regina kaya lumihis ako ng daan. Dun ako dumaan sa mapunong bakanteng lote na katabi lang ng front yard ng ancestral house ni Lola Esme.
Haha, Ano kaya reaksyon nya kung akala nya sa puno ako nakatira?
Tahimik akong dumaan sa nagtataasang puno ng mangga. Hapon na din at pagabi na kaya medyo dumidilim na. Bubuksan ko na yung pintuan ng bahay namin nang may marinig akong kumakaluskos sa mga halamanan ni Lola Esme. Di ko na lang pinansin, thinking na pusa lang yun. Pero pakiramdam ko kailangan ko syang tingnan. Bumalik nanaman ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin. Tiningnan ko nang maigi at napansin ko na may mga matang nakatingin sa pagitang ng mga halaman.
Mapupulang mata!
Bumigat naman ang pakiramdam ko at bigla akong nanginig sa lamig. Pakiramdam ko, ako'y magkakasakit.
"Iho, nandito ka na pala? Ayos ka lang ba?"
Ako ay naghy-hyperventilating. "O-opo Lola, ayos lang ako."
"Kamusta naman ang unang araw mo sa bagong eskelahan? "
"Uh...O-Okay naman po." Lakas ng tibok ng puso ko. "...Lola, gutom na ako."
________________________________________________
So How's the story so far?
Oi vote na!
Salamat! Salamat!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top