Chap.1: Unang Araw sa Bagong Eskwelahan (Part 1)
๑۩۞۩๑ Unang Araw sa Bagong Eskwelahan ๑۩۞۩๑
Tumatakbo ako sa isang madilim at masikip na daan.
Di ko alam kung nasaan ako pero para bang tumakbo ako papalayo sa kung ano, kung anong nakakatakot.
Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa kaya ko, tinitiis ang sakit ng aking mga hita lalo na ang ilalim ng aking mga paa. Nakasuot lang ako ng manipis na tsinelas.
Kung sino man o kung ano mang humahabol sa akin ay papalapit na! Andyan na sya! Bumibilis ba sya o ako ang bumabagal? Kailangan kong bilisan. Kailangan kong makalayo!
Pero binigo ako ng aking mga binti. Di ko na kaya!
Nadapa ako at napasubsob sa magaspang na sahig. Masakit, di ko na kayang tumakbo.
At naramdama ko na.
Madilim, wala akong makita pero alam ko na yung kung anong humahabol sa akin ay tuluyan na akong naabutan. Nararamdaman ko ang kanyang presensya. Nakakapangilabot.
Sumama bigla ang aking pakiramdam. Ang hangin ay biglang bumigat at may kung anong mabahong amoy ang lumunod sa aking ilong. Pabango kaya nya? Pero ang baho, yung tipong may namatay na hayop na di nalibing. Amoy na bubulok!
Nasa likod ko na sya. Naalarma ako at pinilit kong tumayo pero sobrang nanghihina na ako at para bang may mga di nakikitang kamay na humihila sa akin pabalik sa sahig.
Pinagsisihan ko yung ginawa ko pero di ko napigilang lumingon sa aking likuran. Wala naman akong nakita dahil bigla akong napapikit sa sobrang lakas na hangin. Yung tipong humarap ka sa electric fan na naka-number 3!
Sobrang lamig nung hangin para bang binuhusan ka ng ice water na hangin nga lang di tubig. Ako ay nangatal at nanginig sa lamig. Yung lamig na para bang nanunuot sa balat hanggang sa buto! Sobra talaga!
Nakaramdam ako ng kadenang hinihila.
Binuksan ko ang aking mga mata at napagtanto na nasa iba na akong lugar. Gabi na pero di ko makita ang buwan at yung mga bituwin ay nagsipagtago na rin. Ako ay napapalibutan ng patay na puno at mga cross at estatwa. Nalaman ko na lang nasa libingan ako dahil sa nagsisitaasang apartment-style na libingan.
Teka, libingan? Nasa sementeryo ako!?
Ako ay nakahiga sa isa sa mga pa-rectangle na libingan. Pilit akong gumalaw pero may mahigpit at mabigat na kadena ang pumipigil sa akin. Nakakadena ako!
Muli kong naramdaman yung nakakapangilabot na presensya at muli ko din na amoy yung mabaho. Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala akong makita. Pero alam kong nasa tabi-tabi lang yung kung anong humabol sa akin kanina.
At naramdaman ko nanaman siya. Hinahawakan nya ako, para bang ahas na gumagapang at unting-unting pinapalibutan ang aking mga binti at kamay. Nakakapanghina, para bang hinihigop nya yung aking lakas. Ang lamig. Nanginig na naman ako. Unti-unti na akong nanghihina, naaantok. Gusto ko nang matulog.
Biglang may tumawa.
May lalaki na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Humingi ako ng tulong sa kanya pero walang boses na lumabas sa aking labi.
"Hoy manong, tulungan mo ako! Paki-tanggal naman po ng mga kadena!" pilit kong sigaw pero parang baby lang ako na na umuungol. Medyo na aasar na ako nung humahagikgik lang siya sa tawa.
Loko ata itong matandang 'to. Siya ata yung nagtali sa akin!
Sa wakas tumigin na siya sa akin.
At sa isang iglap nasa harapan ko na siya! Grabe! Sana nahimatay na lang ako nung makita ko siya nang malapitan pero hindi, nakipagtitigan pa ako sa kanya. Nakakatakot na nakakadiri!
Nakapanuod na ako ng mga pelikulang may mga zombie pero di ko na-imagine na makakaharapan ko ang isa sa personal! Ang pangit at isama mo pa ang napakabahong amoy nito!
Mayroon siyang namumulang mga mata na animo'y kahit anong oras ay pwedeng mahulog. At yung mukhang nyang bangkay na nabubulok!
Ang nakakatakot nang sobra ay ang kanyang tingin. If looks could kill napatay na niya ako. Galit na galit siyang nakatitig sa akin.
Ang nakakaloko at nakakakilabot, bigla siyang ngumiti!
Kitang-kita ko yung ngipin nyang naninilaw at yung mga pangil nya, ang haba!
Ano 'to Vampire-Zombie?! Oh Help me God!
Tapus pinalibot nya yung kanyang mala-butong kamay sa aking leeg. Sinasakal nya ako! Pilit akong gumalaw pero wala na akong lakas. Ganito na lang ba ako mamatay?
Sa wakas, nagising na ako. Panaginip lang pala.
Napabuntong-hininga na lang ako. Lagi na lang bang ganito gabi-gabi?
3:00 am
Sabi nila pagnagising ka ng 3 am may multo dyan sa tabi-tabi na gusto kang saniban. Di naman ako naniniwala dun. Body clock ko lang yun para umihi. Pero ngayon di ako na-iihi.
"Tsk. Di na ako makakatulog ne'to." ang sabi ko sa inis. "Asar yung panaginip na yun."
Ilang araw na rin na paulit-ulit kong napapanaginipan yung tagpong iyon na may humahabol sa akin at yung lalaking bangkay. Di ko lubos maisip kung ano ang ibig sabihin nun.
Ilang minuto din akong nakatingin sa kisame hanggang sa makatulog ako.
Nag-alarm yung orasan. 4:30 am.
Nagising ako. Narinig ko na rin yung iilang manok sa malayo na tumitilaok. Grabe early birds talaga! Narinig ko rin ang Lola Esme ko na lumabas sa katabing kwarto at bumaba papuntang kusina para maghanda ng agahan at baon ko. Lakas ng pandinig ko, ah!
Tinatamad ako. Medyo na aantok pa ako pero kailangan bumangon na. Ngayon kasi ang unang araw ko sa bagong eskwelahan na papasukan ko sa Highschool.
Di ako excited.
Yung Tita Dorina ko kasi ang may pakana ng lahat. Okay na ako sa public highschool sa barangay namin, walking distance nga lang na kahit ma-late ako magising, okay. Yung private school naman nalilipatan ko ay sa bayan pa, na kailangan ko pang-gumising ng maaga kasi halos isang oras din ang byahe.
Buti na lang may sariling banyo yung kwarto ko. Para akong zombie na tumayo papuntang banyo pero nang maalala ko yung lalaking zombie sa panaginip ko ay bigla akong nagising nang tuluyan at nagmadaling maligo.
"Gino, gising ka na ba? Bumaba ka na at maya-maya darating na ng shool service mo." sigaw ng lola ko.
"Opo, pababa na po!" sagot ko at bumaba na din habang sinusot yung polo ng school uniform ko. Simpleng puting short-sleeved na polo na may school logo sa may kaliwang bulsa.
"Kain na iho." Anyaya ng Lola Esme ko. Ngumiti siya at ngumiti naman ako pabalik. Umupo na ako sa harap ng nakahaing pinggan. Pritong itlog at chicken nuggets ang ulam namin, ang paborito kong agahan.
Mahal na mahal ko ang Lola Emeralda ko na Lola Esme ang tawag ko. Napakamaalalahanin nya at mabait. Dating beauty queen ang lola ko sa bayan. Lutang pa rin ang kagandahan nya kahit medyo may edad na at may kulubot na ang kanyang mukha.
Patapos na akong kumain nang umupo ang lola ko sa nakaharap na upuan. Pinagmamasdan nya ako. Medyo di ako kumportable. Ayaw kong may nakatingin sa akin. Halos isang linngo na rin kasi na para bang may nanunuod ng bawat galaw ko.
"Di pa rin ako makapaniwala na binata na ang apo ko! Parang kailan lang na isa kang maliit na bata..." sambit ni Lola Esme na para bang paluha na.
"Tapus na po ako, ayusin ko lang po gamit ko sa school." bigla kong sinabi at tumayo.
Medyo bastos, no? Pero ayaw ko ng drama sa umaga. Alam ko naman kung saan papunta ang usapan namin, dun sa usapang naka-touch ng puso. Siguro next time na lng. Ayaw kong maluha at ayaw ko nang maging iyakin kasi first year highschool na ako."
Dumating na rin yung school service ko. Isang maroon na van.
"Handa ka na ba, apo?" sabi ni Lola Esme. Siya pa nga excited kaysa sa akin.
Tumango na lang ako at nagmano. "God bless you." sabi nya.
Papalabas na ako nang bigla akong hinila papasok ng lola ko.
"Teka lng, iho! Di ka man lang nagsuklay ng buhok?"
"Huh? okay na yan, lola."
"Hindi! Pano ka naman magugustuhan ng mga babae kung di ka marunong mag-ayos ng buhok?"
Hinarap ako ni Lola Esme sa salamin na nakadikit sa pader malapit sa pintuan. May suklay si lola sa bulsa nya. Hmmm.. laging ready? Sinuklay nya yung buhok ko. Medyo mahaba na pala, nakalimutan kong magpagupit.
"Alam mo ba yung kasing edad mo lang tatay mo, maraming nagkakagusto sa kanya? Pero syempre, aral ka muna bago mag-girlfriend. "
"Opo, lola..." medyo na aasar na ako, feeling ko 3 years lang ako.
"Oh, yun oh! Ang gwapo ang apo ko!" masayang sambit ni Lola Esme.
Tumingin ako sa salamin. Hinati nya buhok ko sa tabihan. Di naman ako kagwapuhan, tama lang. Basta mukhang tao, yun yun.
Tumabi ako sa driver ng school service ko. Ang tawag sa kanya ay si Mang Leo.
May dalawang babaeng naghahagik-gikan sa banda likod ko. Tumingin ako sa rear view mirror, tinuturo nila yung buhok ko.
"Ang gara ng buhok nun, oh."
"Oo, parang kay Jose Rizal."
Okay lang sana sa akin na kabuhok ko si Dr. Jose Rizal, eh yung pagtawa nila ay sadyang nakakainis! Ginulo ko yung buhok ko at lumingon sa dalawang babae, masama ang tingin.
Tumahimik sila at tumingin sa labas.
Medyo maliwanag na nung makarating na sa parking area ng school si Mang Leo. Kitang-kita ang nagtataasang gate ng Owkward Academy. Ang balita ko yung mayayaman at maimpluwensiya sa buong bayan ang pumapasok dito. Sa malamang mga OA ang mag tao dito. Di ko alam kung makakapag-adjust ako dito. Ngayon pa lang feeling awkward na ako...
___________________________
Here's the old covers of ELEMENTO that I personally made.
Cover made 2020:
Cover made 2016:
Cover made 2014:
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top