AUTHOR'S NOTE
Dear Readers,
Hello sa inyong lahat!
Sa mga readers ko since the very start ng ELEMENTO, sa mga bago at sa mga patuloy na nagbabasa,
MARAMING SALAMAT!
Honestly, nahihiya na ako sa mga humihiling ng update, sa mga naghihintay ng napakatagal, sa mga hindi napanghinaan ng loob at laging umaasang may update na...
Sorry talaga. Last year I always find time na makapag-update every week kaya lahat ng readers ay inaabangan talaga at syempre umaabot ng higit 1k ang mga views ko per chapter pero this year, dahil sa bago kong work na on call at walang permanent na off, sobrang nahihirapan na akong mag-update. Gustuhin ko man, hindi kaya.
End result... SOBRANG tagal ng update at nawawala ng momentum ng story na kahit ako kailangang i-review ulit ang previous chapters para maipagpatuloy ko...
Naghihinayang kasi ako sa plot... ang dami pang dapat mangyari... ang dami pang twists...
Well anyway, baka you're wondering bakit di na lang ako nag-update at nagdrama pa... (hehehe)
I confess, dahil sa sobrang dami na gusto kong mangyari sa ELEMENTO, medyo nahihirapan na ako ayusin ang flow ng story. So ang nangyayari, ako mismo di ko malaman kung ano ang next na dapat mangyari. Kaya din siguro natatagalan akong mag-update.
At lahat ng characters ko ay may kanya-kanyang climax kaya mas mahirap sa akin pag-isahin ang kani-kanilang story lines. I know, individually interesting naman sila basta ma-focus ko lang ang flow.
For ELEMENTO PART TWO, medyo sabog siya... pansin nyo ba? (Ako pa talaga nagsabi... ako yung writer?!)
Ang dami pang pending kasi eh...
Sino-sino ang mga batang nanggugulo sa bayan ng San Nicholas? At ano ang kanilang layunin?
Paano mapapatunayan ni Ren na wala siyang kasalanan sa nangyari kay Mang Jose? At Sino ba ang nag-control sa kanya?
Kailan kaya mapapatawad ni Clarissa si Ren? At bakit ba bigla na lang nawala ang pagtingin ni Clarissa para dito?
Bakit may mga engkantong nais makuha si Abby?
Matapos na tanggapin ni Regina si Hero bilang kanyang elementong-kaisa, ano na ang nangyari?
At nasaan na si GUNAW????????
Ang daming tanong na kailangan ng kasagutan...
Naisip ko din, mas maganda ang story at mas madaling isulat kung malinis ang plot. Actually dapat matagal ko na itong ginawa.
Thus, ang gagawin ko... magstart ako ng bagong book. Teka.. Teka... Huwag munang mag-react... It's a new book but totally not new... (Ano daw?!)
What I mean is, gagawan ko ng separate books ang ELEMENTO PART TWO, tapos continues na ito... instead na ELEMENTO PART THREE at ELEMENTO PART FOUR, gagawin ko per PLOT or per STORYLINE. Para specific at clear ang story at mas madaling sundan. Para na din, hindi pa iba-iba ang nangyayari sa kada chapter. Halimbawa, isang chapter ay storyline ni Gino then biglang kay Ren tapos bigla kay Jun-Jun... Di ba ang gulo?! Heheheh... (Ako din naguguluhan!)
Itong ELEMENTO PART TWO, actually napakahaba, kung tuloy-tuloy akong nagsusulat, mas mahaba pa sa PART ONE.
Sana suportahan nyo ako sa gagawin ko. Umaasa akong mas ma-aapreciate nyo yung story: ELEMENTO!
Huwag mag-alala... Tuloy lang ang flow ng story kung saan nag-end sa CHAPTER 30: Sanib.
Ito na ang mga naka-line up na New Books:
ELEMENTO: SA LOOB NG PURGATORYO (Ito dapat ang title ng ELEMENTO PART TWO)
ELEMENTO: ANG MUNDO NG EL KANTADIA
ELEMENTO: SI SIBOL AT SI GUNAW
Di ba mas clear at mas exciting since may idea na kayo ng mga future books ng ELEMENTO!
Again, hindi ko ma-propromise na weekly ang update... PERO I'LL TRY! (I pag-pray nyo din ako na makakita ako ng work na mas stable ang schedule... at syempre MAS MALAKI SWELDO! Hehehe!)
Ang dami kong ideas... ang dami kong kwento na nasa isip ko lang.. sayang naman kung di ko ma-share. Kahit nga yung story ko na "THE STORY NEVER TOLD" napaka-ganda ng iniisip ko dun, originally childrens' story yun pero gawin ko nang pang-teen para mas maraming maka-relate. Syempre kailangan magrevise at mag-update!!!
So abangan nyo ang ELEMENTO: SA LOOB NG PURGATORYO!
Like I said, tuloy pa rin ang story flow from CHAPTER 30: SANIB. Medyo bilisan ko na ng phasing ng story para Action scenes kaagad!
Currently, I'm working on the new cover nya, since di pa ako nakakapagdrawing at wala akong photoshop sa laptop, kukuha na lang ako ng pic sa internet.
MARAMING SALAMAT SA PAGBASA!
Sana kasama ko kayo until the end nito...
Again and again... THANK YOU! THANK YOU!
- GL Landicho
++++++++++++++++++++++++++++
What's your reaction??
Please comment below.
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top