Chapter Seven

Maria's POV

Hay! Buti tapos ko na rin magligpit ng mga damit ko.

Ang weird kanina doon sa room ng principal. Kaninang... nag eyes to eyes kami ni Jacob. Parang tumigil ang oras at di kami makagalaw...... HEH! WAG MUNA YAN! NAKO!

Makamusta nalang nga si Ellan.

"Kamusta na diyan Ellan?" Tanong ko sakanya habang nagliligpit siya na nakatalikod sakin.

"Ah ito ate , malapit na matapos." Na pansin ko yung tono ng boses boses niya. Umiiyak ata.

"Ellan? Umiiyak ka ba? Bakit?" Tanong ko
Di siya umimik kaya linapitan ko siya.

"Oh? Ano problema?"

"Wala ate. Basta nalang. Maliligo muna ako." Sabi niya at tumayo na at deretsyo sa banyo.

Ano kaya meron doon?

---------- 

Hhaay! Para akong patay na nagising lang! Ganto ba talaga basta kakagising mo sa nap?

"Ate! Magpalit ka na! Nandito na si Grace! Mag uniform ka na rin pala!" Sigaw ni Ellan sa labas ng kwarto ko! HALLA!

Deretsyo banyo! Buhos! Buhos!
Nginginig kamay lagay ng toothpaste! AY! SOBRA! NAKO OKAY NA YAN!

(After 10 minutes)

Ho! Pinakamabilis na ligo ko na yun ah!

Wow... black nga talaga kulay ng uniform.

"WOH! NAGING BROWN! LIGHT BROWN!" Ang cute..parang chocolate yung kulay haha. Punta nalang nga.

"Dito na ako! Salamat sa pag-" di ko pa natatapos magsalita ay tineleport na kami ni Grace sa room ng principal.

"Hahahaha" tawa ni Ellan at Kyle.
Batukan ko tong dalawang ito eih.

"Anak!" Tawag ni mama saken nasa pinto siya kasama yung ibang parents at si Mrs. Teleporta.
Lumapit ako.

"Ma! Punta na kayo?"

"Oo anak basta tandaan mo ha! Mag-iingat ka kasi mahal na mahal ka namin ng tatay mo. Alagaan mo sarili mo at ito ang isa sa pinakatatandaan mo... one seed is bigger than you think." Sabi ni mama.

"Mahal na mahal ko rin kayo ma! Mag-iingat rin po kayo." Tapos yinakap ko siya. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Nagyakapan rin yung iba pero except kay Jacob at sa tatay niya.

"Sige na pupunta na sila." Sabi ni Mrs. Teleporta.

"Punta na kami." Tapos hinalikan ni mama ang noo ko.

"Bye ma."

Yun na huling words ko at nagteleport na sila.

----
Kyle's POV

"Okay! So sit down kids and Im going to explain how Blue Academy works."

Umupo kami lahat at lumabas si Grace.

"The mission of Blue Academy is to control each special power of each person for good only. Understood?"

"Yes maam!" Sagot naming lahat.

"Ito ang magiging schedule niyong apat. Grade one kayong lahat. Same schedules. If you want  to practice more about your elements go to the covered court to prevent hurting others so as yourselves. Then this will be the map of Blue Academy. You can attend the afternoon class. Si Grace na bahalang maghatid sainyo. Is that clear?"

"Yes maam." Sagot naming lahat.

**LISSHWAG!**

Nateleport na kami sa cafe? Nakaupo na kaming lahat. Halla paano ito eih wala kaming pera na para sa gantong place.

"O! Nandiyan na pala kayo! Nag order kasi ako ng food para sainyo. Wait lang natin kunti." Si Grace

"Uhm? .. magkano bayad namin Grace?" Tanong ni Ate Maria.

"Anong bayad? Haha ...free lahat dito,pero meron yung iba na trades at dapat iniipunan ng something pero hindi pera. Tapos nasa level mo yan. Example ay grade one pa kayo, yung pinakasimpleng donut muna then grade two may choclate flavored na. Di gaya doon sa mundo niyong lahat eih may bayad." Explain niya habang umupo sa harap ko.

"Wow ang cool naman dito, anong class mo na ba Grace?" Tanong ko

"Ako? Wala.. graduate na ako sa lahat ng class. Pero sasamahan ko nalang kayo kasi wala naman ako masyadong ginagawa... Enough about me. Ano mga elements niyo at explain niyo nga kung paano niyo na discover? Kaw una Kyle."

"Uhm, air daw ang element ko. Na discover ko ito noong nahihilo ako pero di na cocontrol noon. Si mama nag explain at may nagpakita sa balikat ko na parang tatak na blue. Napaka unbelievable noong nag explain si mama at ang akala ko lahat ng yun ay panaginip lang noong pagkagising ko ...pero hindi eih." Kwento ko

"Ah! So, pinakita muna ni mama mo?" Tanong ni Ate Maria

"Oo ate, ginamit niya hangin para mag pataas ng kung ano anong bagay. Tapos nacontrol ko din noong kaumagahan na bago kami pumunta dito sa Blue Academy." Explain ko

"Wow ..interesting. Ikaw naman Ellan. " sabi ni Grace habang ngumunguya ng cake.

"Fire. Nakikipag away ako noon. Tapos pagkatapos ng away biglang umapoy paa ko noong pa exit na ako. Napansin ng mga yaya ko at mukhang alam naman nila na talagang magkakapowers ako kaya di sila na shocked. Pero ako medyo ninervous. Tapos deretsyo kami sa bahay...well bumili muna kami ng meryenda para daw mapakalma ako. Tapos noong nakauwi na ako nagreport ako kay daddy agad about sa nangyari at nagdemonstrate siya. Para siyang demonyo noong pinakita niya kung paano niya kontrolin ang fire powers niya. Then, inexplain niya na pupunta ako sa mga ganto."

"Pansin naman talaga na nakikipag away ka." Bulong ko sa sarili ko

"Ik! Ano sinabi mo!?" Galit na tanong ni Ellan kakainom niya ng coffee.

"Tama na yan. Nako ..maliit na bagay" saway ni Grace..huhu salamat may mga taong mababait sa paligid.

"Ikaw naman Maria?"

"Ah ..noong bata pa ako actually . Nadapa kasi ako at tinawanan ako ng mga classmates ko. Ayon na iyak ako at biglang nag earthquake." Kunti lang explain niya at tumango si Grace at nagtanong ulit siya kay Jacob.

"Ikaw naman Jac-" tatanong sana si Grace pero sumagot agad si Jacob.

"Water. Yun lang. Anong oras na? Ano first subject?" Tanong niya

"Ah! Oo nga no! Fusion ang first subject. Ready na?"

"Oo ready na" sagot namin. Tumayo si Grace at sumunod kami tapos nag teleport na.

**SHOWG**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top