Chapter One: Air

Kaislon Kyle Kaden , isang highschool student na may pagkatalino rin. Magaling sa math at english. May minamahal pero mukha'y kulang sa kapal.

Si Kyle ngayon ay naglalakad papunta sa bahay niya. Kasama niya ang tropa niyang nagtatawanan dahil siya nalang ang walang girlfriend sa group nila kasi napakatorpe niya.

"Grabe naman kayo! Da'l nalang di ko makausap-usap si Nick wala na akong pag-asa! Mga walang hiya." Inis na sinabi ni Kyle na kunwaring sinusuntok mga kasama niya.

"Kasi naman Kyle!" Akbay ng isang kasama niya. "Wala ka ba kasing lakas ng loob diyan ha? At madami namang ibang babar jan na nagaabang sayo. Napakaplay boy mo pero ang torpe mo sa isa. Haha" Biro ng umakbay sakanya.

Nagsitawa nanaman ang mga kaibigan niya kaya tuluyang nainis si Kyle.
Sakto naman na nakarating na sila sa harap gate ng bahay niya .
Walang imik si Kyle na lumakad papunta sa gate at nung sakto na nadun siya biglang sigaw ng tropa niya -

"TOOORPE!!!"

Napahawak si Kyle sa gate ng mahigpit at biglang humangin ng malakas at naitulak pa ng hangin ang sumigaw sa kaniya.

Pumasok si Kyle sa bahay nila at hindi niya napansin ang lakas na ihip ng hangin kanina kaya hindi siya nagtaka.

"La! Pa! Ma! Dito na po ako!" Paalam ni Kyle na nakauwi na siya.

Papasok na sana Kyle sa kwarto niya pero biglang nanghina siya at lumamig ang pakiramdam niya.
Parang lasing siya na maglakad papunta kama niya dahil nahihilo na ang pagtingin niya. Tinawag niya ang mama niya para magpatulong.

"Anak!? Bakit!? Anong nangyayari?" Kinakabahang tanong na sigaw ng mama ni Kurt papunta sa kwarto niya.

"Ma! Nahihilo ako ma...sobra! Ang lamig pa ma... ganito nanaman nangyari last week. Ma? Ano ba nangyayari saken?" Nanghihinang tanong ni Kurt.

Sumunod na pumasok ang papa at lola ni Kyle sa kwarto niya.
Lumapit ang lola niya at lumaki ang mata niya.

"La! Nanghihilo nanaman si Kyle ... linalamig din daw ma. Ma? Nagmana rin ba siya sa akin?" Kinakabahang tanong ng mama niya.

"Apo, kailangan kong tignan ang likod mo." Mahinhin na utos ng lola niya.

Tinulungan siya ng papa niya na umupo at itaas ang damit niya. Pinakita ni Kyle ang likod niya at nagtataka kung bakit.
Hinahanap ng lola niya ang balat niya pero wala na ito.

"Sarah, saan ba ulit nakatatak ang balat mo?" Tanong ng lola.

"Sa kanang braso ma" sagot ng mama ni Kyle.

Agad tinaas ni lola ang kamay ng tshirt ni Kyle at doon niya na nakita na may bughaw na marka siya.

"Sarah, nagmana nga sayo ang anak natin." Nakangiting sinabi ng papa niya.

"Ma? Pa? La? What do you mean? May sakit ako na namana ko kay mama?" Curious na tanong ni Kyle.

"Sino magsasabi?" Tanong ni papa niya.

"Ano po bang nangyayari? Naguguluhan na ako."

"Sarah , oras na para ikaw na rin ang magkuwento anak." Nakangiting sinabi ng lola

Umalis na ang lola at papa ni Kyle  sa kwarto ng nakangiti. Takang taka na si Kyle kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

Kyle' s POV

"Ma?" tanong ko kay mama ng kinakabahan kong bakit may kakaibang tatak na bughaw sa braso.

"Anak pangako mo sa akin na hindi ka masyadong ngingiti ,magugulat o magagalit siguro sa sasabihin ko." sabi ni mama na napakakalma. Bakit ganun? Hindi ba dapat na kinakabahan na si mama? Kasi ako sobra! Ano to? Nahihilo ako tapos linalamig.

"Ngingiti? Ma? Ngingiti?" sabi ko ng ninenervous

"Anak, pagmasdan mo gagawin ko ...humiga ka muna."

Tumayo si mama at binukas ang bintana. Humarap siya sa mga gamit ko at pumalikod kunti. Nakatalikod siya kunti sa akin at matigas niyang binubukas ang mga kamay niya. Tinaas niya ang isang kamay niya.
Habang tinataas niya ang kamay niya ay BIGLANG TUMAAS ANG CABINET KO!

"Ma!? Ano yan!? Ma!?" sunod sunod na tanong ko.

Napatayo ako at nakita ko ang mukha ni mama! Umiilaw ang mga mata niya! Bughaw ito!
Ang kurtina! Nahulog! Ang lakas ng pumapasok na hangin! Anong nangyayari?
Mas nahilo ako kasi kinakabahan na ako at biglang na natumba. Ang BAKLA! Bakit ang hina ko?

"Anak!" sigaw ni mama.
Akala ko ay babagsak na ako sa sahig. Pero biglang? Naramdaman ko na parang binuhat ako ni mama sa likod. Naramdaman ko ang yakap niya sa likod ko. Pero nangpagkadilat ko. Nakita ko si mama.
Hangin? Ang sumalo sa akin?
Tinaas ni mama ang mga kamay niya at sabay rin na tumaas ang boung katawan ko. Nang lumakad siya papunta sa kama ko pati rin ako.
Nang unti unti niyang binababa ang mga kamay niya..gayon din ang boung katawan ko.

Sa isip ko ay parang isang sanggol ako na binubuhat ako ni mama.
Wag na kayo magtaka kong bakit ganito ako. May mga emotion ang lalaki. Mahal na mahal ko si mama. Pero ano ang nangyayari?

Wala akong imik dahil sa mga nangyari na hindi kapakapaniwala. Nakatayo lahat ng balahibo ko at sobrang puti ko dahil sa mga nakita ko at nakadilat ako ng sobra.
Lumapit si mama at umupo sa tabi ko.

"Anak, tayo ay hindi lamang mga ordinaryong tao. Mga holders tayo. Elemental holders. Alam ko na hindi kapakapaniwala kasi pinalaki kita sa mundo ng mga tao kasi ang akala ko noon ay hindi ka magmamana sa akin. Pero masaya ako anak na maipapasa ko rin sayo ito. Tayo ay mga Air Holders. May kapangyarihan ka na kumuntrol ng hangin. Kaya mo rin na gumawa ng nyebe at iba pa basta malapit sa kapangyarihan mo anak. Sana anak ...patawarin mo ako na tinago ko sayo ito ng matagal na panahon."

"Ma... ang astig niyo po. Opo ma ... hindi niyo po kailangan na humingi ng tawad. Masayang masaya po ako. Hindi po ako makapaniwala!" Dahan dahan kong sinabi dahil inaantok na ako. Pero hindi ako makabilib sa araw na ito... isa bang panaginip?

"Anak, may sasabihin ako. Sa ayaw man o gusto mo ... pupunta ka sa Blue Academy..." may sinasabi pa si mama pero unti unting pumipikit ang mga mata ko at nawala nalang ang gulo sa isip ko.

"Opo ma, gusto ko po" nawawalang sinabi ko.

"ANAK! GISING NA! MALALATE KA NA!" Paggising ni mama sa akin.

"Ma maaga pa!" Kasi mga 2:40 pa eih.

"ANAK! BUMABA KA NA RITO OH AKO PUPUNTA DIYAN!" Luh grabe si mama.
Ang weird ng dream ko kagabi.
Haha... masiyado naman yun.

Bumababa na ako kasi wala akong choice. Maaga naman pa naman talaga eih. Kumakanta nanaman si mama sa kusina .. haha rinig hanggang doon sa taas. Takang taka talaga ako doon sa dr-...

"Ma!? Bakit dress ka?" Tanong ko na nagtataka.

"Anak? Di mo ba matandaan? Pupunta tayo sa Blue Academy! Sa bagong school mo! Didn't we talked about this last night son? That you are going to practice your elemental power?"

Uhm what now?

Lumapit si mama kasi kitang kita niya na gulat ako. Totoo ba yung dream ko? ... hindi ba panaginip lahat ng yun? Sino ako? Nasaan ako? Di ko n-

"Aray!" Nasigaw ako sa gulat

"Ano bang nangyayari sayo? Diba pinagusapan na natin to?" Sabi ni mama... huhu pinalo ba naman kasi ng tsinelas ng bigla bigla.

"Ma? Seryoso?"

"Ay hindi ata anak noh? Ha-ha. Nakaempake na ang mga underwear at importante gamit mo sa maleta anak."

"What ma? Saan ba yang Blue Academy? Do I really need to go there?" Tanong ko kau mama na super curious

"Oo. Diba? Kagabi? Ibang dimension tayo pupunta Kurt? Cant you remember?"

"Woah! ... uhm Di ako makabilib ma." Pa upo ako na na hindi makapikit pikit.

"Kain ka na anak."

Andito kami lahat ngayon sa kotse. Si papa ang nagdrdrive. Si grandma ang nasa front sit at dalawa kami ni mama sa likod.
Si lola ata ang magtuturo ng dadaanan. Mga puno nalang nakikita ko. I really cant believe until now. Kasi? Basta. Hindi ako makabilib na may kapangyarihan ako.

*a little flashback*

"Sige anak itry mong ihulog sa kamau ko tong mansanas gamit ng isip at kamay mo na hindi ako lalapitan." Ano yun? Paano ko ba to magagawa? Kanina pa si mama?

"Ma? Ilang ulit na ba natin to? Ang aga-aga pa naman I think makakapaghintay pa naman yang Academy diba?" Nakita ko ang galit ni mama. Yung mga mata niya. Huhu naiinis na.

"ANAK! SAAAABII-" nagulat ako kay mama at biglang nataas ko kamay ko at biglang umihip ang malakas na hangin sa bintana at nahulog nga ang mansanas sa kamay ni mama!

"What?" Tinignan ko kamay ko.

"Ayan! Halina anak! Okay na! Punta na tayo."

*end*

"Anak! Dito na tayo" paggising ni lola sa akin.

May malaking puno. Parang mga sinaunang puno.

Lumakad si lola pupunta malapit sa puno at lumuhod.

Nang tumayo si mama biglang may bumukas na parang portal sa puno. Nagulat nanaman ako dito.

"Anak, halina... ihahatid na kita." Kinakabahan ako kasi hinding hindi ito usual sa buhay ko. Kung ikaw ba naman kasi?

"Anak mag iingat ka. Hihintayin ka namin dito." Paalam ni papa.

"Mag iingat ka anak" sabi ni lola

"Opo pa at la" sagot ko ...at nag yakapan kami.

"Halina anak?" Inalok ni mama ang kamay niya.

Inabot ko kamay ko at pumasok na kami sa portal.

Bleng bleng bleng

*chapter one*

_______________________________
Kaiden's look

Angelic face
Brown Eyes (From birth then started to change since twelve years old)
Sky blue eyes (Recent)
Hazel brown hair with white strands (Since Birth)
Seventeen years old

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top