Chapter 7 : Betrayal
"Kilala ko na kung sino ang pumatay doon sa babae" paseryoso ko namang sinabi kay Jessica kaya nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Talaga?! Sino?!" Pagulat naman na tinanong ni Jessica sakin habang ako naman ay napaisip lang.
"Bukas ko na sasabihin sa inyo, bumalik na tayo sa kwarto mo" paseryoso ko namang sinabi kay Jessica kaya sumang-ayon nalang siya.
Umalis na kami ng Basement at agad naman kaming nakarating sa loob ng kwarto ni Jessica.
"Sige matulog ka na, babalik na ako sa kwarto ko" pangiti ko namang sinabi sa kanya kaya ngumiti din siya sakin at sabay humiga na kaagad siya.
Bumalik na kaagad ako sa kwarto ko sabay napahiga na din ako sa kama habang iniisip ko pa din ang tungkol dun sa mga nangyari.
Hindi naman nagtagal ay nakatulog na din ako sa wakas at makalipas ang ilang oras ay umaga na, kaya nagising naman kaagad ako.
Napalingon nalang ako sa orasan sa kwarto ko at nakita ko naman na 7:00 palang ng umaga.
Grabe lagi na akong gumigising ng maaga hindi katulad nung andun palang ako sa mundo namin.
Bigla ko namang naisipan na puntahan si Enzo dun sa may Library sa Building A. Kaya inayos ko na kaagad yung hinigaan ko tapos naghilamos na din ako.
Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na ang bawat kwarto ng mga estudyante ay may palikuran na kaya hindi na kailangan pang lumabas ng building kung sakaling gagamit kami ng palikuran.
Agad na akong dumiretso sa may Library dahil alam ko na laging andun si Enzo.
Napansin ko naman na kakaunti palang ang mga estudyante na nasa labas pero bumalik naman agad yung tingin ko sa Building A.
Nung nakarating na ako sa may Entrance ng Building A ay sakto naman na lumabas si Enzo kaya nagkasalubong kami sa may labas.
"Oh ikaw pala James, bakit parang nagmamadali ka?" Pagtataka naman na tanong ni Enzo sakin habang ako naman ay naging seryoso.
"Gusto ko sanang magpulong mamaya dun sa loob ng Building D, at gusto ko po na papuntahin niyo po lahat ng mga well-trained na elementalist dahil may importante po akong sasabihin sa inyong lahat" paseryoso ko namang sinabi kay Enzo kaya naging seryoso na din yung expressions niya.
"Sige, magkakaroon tayo ng pagpupulong mamayang 12:00 ng hapon, pero sigurado ka ba sa mga sasabihin mo samin?" Tanong naman kaagad ni Enzo sakin kaya napangiti naman ako sa kanya.
"Sigurado po ako sa mga sasabihin ko mamaya, hindi po ako mapapahiya sa harap niyong lahat" pangiti kong sinabi sa kanya kaya sumang-ayon naman siya at agad na siyang umalis.
Naisipan ko naman na kumain na ng umagahan sa may Cafeteria kasi medyo nagugutom na din ako.
Nung nakarating na ako sa Cafeteria ay agad ko namang nakasalubong si Nicole na kakain palang.
"Napansin ko, bakit parang lagi tayong sabay na napunta dito sa Cafeteria para kumain?"pangiti niya namang tinanong sakin habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
" Alam ko na, siguro may gusto ka sakin?" Pasigaw niyang tinanong sakin kaya nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ah" mabilis kong sagot sa kanya sabay napangiti ulit siya.
"Biro lang, ikaw naman hindi ka mabiro, Loyal ako kay baby Max ko," pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay walang imik.
Napag-isipan naman namin ni Nicole na magsabay nalang kumain ng umagahan kaya pumasok na agad kami sa Cafeteria.
Nung kumakain na kami ay bigla naman kaming natahimik ni Nicole. Pero nawala naman agad yun ng magtanong si Nicole.
"Alam mo, kung sakaling magkatuluyan kayo ni Jessica, perfect pair kayong dalawa" patawa namang sinabi ni Nicole sakin kaya hindi ko naman malaman kung seryoso ba siya sa sinabi niya o kaya naman ay nagbibiro lang siya.
"Ano ka ba James, seryoso ako sa mga sinasabi ko" pangiti niyang sinabi sakin tsaka ko lang naalala ulit na nakakapagbasa nga pala siya ng isip.
Bakit ba lagi ko nalang nakakalimutan yung skill ni Nicole hahaha.
Pagkatapos naman nun ay bigla nalang akong nabulunan at tsaka ko lang nalaman na wala na pala akong tubig na maiinom dahil naubos ko na.
"Saan ka pupunta? Kukuha ka ng tubig, huwag ka ng pumunta doon, magpapagod ka lang" sabay kinuha niya yung baso ko at nagulat naman ako ng may lumabas na tubig sa palad niya na siyang sumalin sa baso ko ng tubig.
Nung napuno na yung baso ko ay agad niya namang inabot sakin yun para may mainom ako, napatingin naman ako kay Nicole habang hindi ako makapag-salita dahil hindi na ako makahinga.
"Ano pang tinitingin-tingin mo dyan? Inumin mo na yan, malinis yan, hindi imbes na lumabas yan sa palad ko ay madumi yan, malinis ang mga tubig na kaya kong i-produced" pangiti niya namang sinabi sakin kaya ininom ko na agad yung tubig kasi wala na akong choice.
Pero namangha naman ako kay Nicole, tubig pala ang elemento na kaya niyang kontrolin, bale kaya niya palang talunin si Jessica sa laban.
Pero napansin ko naman kanina na nagkulay orange yung palad ni Nicole, ibigsabihin nun nasa pangalawang stage palang siya ng pag-master ng element niya.
"Mali yang iniisip mo James, sa totoo lang ay natalo na ako ni Jessica sa isang training namin nung nakaraang isang buwan, hindi lang naman nakadepende sa kahinaan ng bawat elemento ang pagkapanalo eh, naka depende din ito sa paniniwala mo sa lakas ng nagagawa ng elemento mo." Pangiti niya namang sinabi sakin habang ako naman ay napahanga sa mga sinabi niya.
"Ang dami niyo ng experience dito sa Academy, Hindi katulad ko na halos walang kaalam-alam sa mga elemento" paseryoso ko namang sinabi kay Nicole kaya nagulat siya.
"Huwag mo sabihin yan, dumaan kaming lahat sa sitwasyon mo pero matututo ka din kapag nagtagal ka na dito ng ilang taon" pangiti niyang sinabi sakin kaya napangiti nalang din ako.
Napalingon naman ako sa relo ko pagkatapos naming mag-usap at kumain sabay napansin ko na mga 8:54 na din pala ng umaga.
Agad naman akong nagpaalam kay Nicole at sabay dumiretso ako papunta sa may ground.
Nakita ko naman sa may Ground si Rebecca na may kasamang kabayo at may dala-dala itong mga gamit.
Naisipan ko namang puntahan si Rebecca at tanungin kung saan siya pupunta.
"Saan ka pupunta Rebecca?" Paseryoso kong tanong sa kanya kaya napalingon siya sakin habang nakasakay na siya sa kabayo niya.
"Pupunta ako sa Anatasia Village, kakamustahin ko yung kapatid ko dun na lalaki" natuwa naman ako sa sinabi niya sakin.
May kapatid pala na lalaki si Rebecca, sigurado ako na magaling din gumawa ng mga weapons yung kapatid niya.
Pagkatapos naman naming mag-usap ni Rebecca ay agad na siyang nagpaalam sakin at tsaka siya umalis.
Nung naglakad naman ako papunta dun sa Building kung nasaan ang kwarto ko ay may nakasalubong ako na isang babae na nakasuot din ng pang-maid.
"Parang ngayon lang kita nakita dito simula nung dumating ako ah" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napangiti din siya.
"Ganun po ba, minsan lang po kasi ako lumabas dito sa Academy, isa po kasi ako sa mga tagaluto dito kaya maghapon lang akong nasa Cafeteria" napangiti naman ulit ako sa mga sinabi niya.
Bakit kaya likas na masisipag ang mga katulong dito, wala silang reklamo kahit na sobrang dami ng ginagawa nila at kahit na wala silang sahod ay ginagawa pa din nila yung mga tungkulin nila.
"Sige mauna na ko sayo" paalam niya sakin at tsaka siya umalis habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
Napatingin naman ako sa relo ko at mga 9:30 na din pala, grabe ang bilis naman ng oras.
Naisipan ko na pumunta kay Jessica para kamustahin siya, sana hindi na siya malungkot dahil sa mga nangyari kahapon na pangbibintang sa kanya.
Dumiretso na kaagad ako dun sa Building kung saan matatagpuan ang mga kwarto namin at dali-dali naman
Akong pumunta sa kwarto ni Jessica.
Kumatok muna ako sabay pumasok na din kaagad ako ng pinayagan ako ni Jessica na pumasok sa kwarto niya.
"Bakit ka naparito?" Pangiti namang tanong ni Jessica saakin kaya ngumiti din naman ako.
"Wala lang gusto lang kitang kamustahin, malungkot ka pa din ba dahil dun sa nangyari kagabi?" Paseryoso ko namang sinabi sa kanya kaya napangiti ulit siya.
"Hindi na ako malungkot, naiintindihan ko naman sila Kevin kagabi eh, gusto lang nila mabigyan ng katarungan yung pagpatay dun sa babae" pangiti niyang sinabi pero napalitan naman kaagad yun ng pagtataka ng makita niya sa mukha ko na nagalit ako.
"May mali ba sa sinabi ko?" Pag-aalala niyang tinanong sakin habang ako naman ay napatingin sa kanya ng seryoso.
"Isa lang ang sinabi mo na mali" paseryoso ko namang sinabi sa kanya kaya nagulat siya.
"Ano naman yung tinutukoy mo?" Pataka niyang tanong sakin habang ako naman ay napalingon sa bintana.
"Basta, mamaya ko na sasabihin" seryoso kong sinabi sa kanya kaya nagtaka na naman siya.
"May pagpupulong pala sa Building D mamayang 12:00, sabihan mo na din sila Nicole na pumunta sila" pumayag naman siya sa pakiusap ko sa kanya.
Pagkatapos naming mag-usap ay agad naman akong nagpaalam sa kanya tsaka ako umalis papunta sa Kwarto ko.
Nagulat nalang ako ng may nakita akong lalaki sa loob ng kwarto ko at parang naka jacket siya, teka?! Hindi maaari, siya yung --
"Hello James it's nice to see you here" kinabahan naman ako sa sinabi ng lalaki sakin at nakangiti lang siya na para bang wala siyang kinakatakutan.
Siya yung lalaki na nakalaban namin ni Max dun sa gubat at siya din yung dahilan kung bakit kami nawalan ng malay nung mga oras na yun.
"Don't take it so seriously James, it's your fault that's why I did that" pangiti niya namang sinabi sakin habang ako naman ay nagulat sa kanya.
Kaya niya din palang makapagbasa ng isip ng mga tao, grabe parang malakas siya, nagkulay pula nga pala yung palad niya nung nakaraan, ibigsabihin ba nun ay nasa pinakahuling stage na siya ng pagmamaster ng element.
"That's not true James, red is not the final stage of mastering your abilities, there are more stages that it's still not discovered yet, and I know that you will be the first one to reach that stage, so I can't wait to fight you when the day has come"pangiti niya namang sinabi sakin na para bang hindi ko siya kaaway dahil sa pagtrato niya sakin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi pa pala Red ang final stage, kundi meron pang-ibang mas mataas dun. Ang dami ko ng natutuklasan dito sa Mundo nila.
" Don't feel so Comfortable James, We're still enemies, I just want you to know that I'm just doing this kindness because of my Master. He didn't want me to kill you that's why I can't kill you even when I want to, because if I disobey my Master, my penalty will be death."pangiti niya namang sinabi sakin kaya natakot naman ako sa kanya.
"And by the way, thanks for handing over this piece of gemstone, we might need it" sabi niya naman sakin sabay tumawa siya, pipigilan ko pa sana siya pero agad naman siyang nawala sa isang iglap.
Kinuha niya yung gemstone pero bakit niya kaya kinuha yun, di kaya importante yung gemstone na yun kaya nila kinuha.
Naisipan ko naman na itanong kay Enzo ang tungkol sa elemento na kayang makapagpalaho kagaya ng ginawa nung lalaki na nakahood.
Napalingon naman ako sa relo ko at mga 10:20 na din pala ng tanghali. Kaya naisipan ko naman na tanggalin muna sa isip ko ang mga nangyari dito sa kwarto dahil kailangan ko pang mag-focus sa mga sasabihin ko mamaya sa pagpupulong namin.
Hindi naman nagtagal ay umalis na kaagad ako sa kwarto ko palabas ng building at dun ko naman nakasalubong si Max.
"James, nakita mo ba si Nicole?" Tanong niya naman sakin kaya nagtaka naman ako.
"Hindi pa kayo nagkikita, nasa cafeteria lang siya kaninang umaga eh" pataka ko namang sagot sa kanya kaya napalingon siya sa paligid na para bang hinahanap niya si Nicole.
"Bakit ayaw mong gamitin yang elemento mo para maramdaman mo kung nasaan siya" tanong ko naman sa kanya kaya napatingin siya sakin at sabay ngumiti siya.
"Oo nga pala, lupa nga pala ang elemento ko, salamat at pinaalala mo sakin" patawa niya nalang sinabi sakin kaya nagtaka naman ako sa kanya.
Agad namang nagkulay yellow yung palad niya kaya alam ko na pinapakiramdaman niya na kung nasaan si Nicole.
"Alam ko na kung nasaan siya, andun siya sa cafeteria at parang kasama niya si Jessica na kumakain." Pangiti niya namang sinabi sakin kaya naisipan ko naman na sumama na sa kanya para makakain na din ako ng tanghalian.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa Cafeteria at dun nga namin natagpuan sila Jessica na sabay ng kumakain.
"Bakit hindi mo ako niyayang kumain kasabay mo, siguro hindi mo na ako gusto" malungkot na sinabi ni Max kay Nicole kaya napatingin nalang si Nicole sa kanya at sabay ngumiti.
"Papano naman kita yayayain na kumain, eh tulog ka pa kanina, tulo pa nga yung laway mo eh" patawa namang sinabi ni Nicole samin kaya natawa na din ako.
"Hindi nakakatawa Nicole ah" sabi naman ni Max habang nagtatampo siya kay Nicole.
"Alam mo na ngayon ang pakiramdam kapag inaasar mo ako" patawang sinabi ni Nicole kay Max habang kami naman ni Jessica ay nakatingin lang sa kanila.
"Oo na, sorry at inaasar kita nung mga nakaraang araw ah" pangiti namang sinabi ni Max kay Nicole kaya ngumiti din naman si Nicole.
Ang kulit nilang tingnan, kahit na ganun ang pagtrato nila sa isa't isa ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman nila.
"Ikaw James ah, kung ano-anong iniisip mo saming dalawa" pangiti namang sinabi ni Nicole sakin kaya napalingon naman si Max.
"Kamusta na pala yung pagsasama niyo ni Jessica?" Pangiti niya namang tinanong sakin kaya nagulat naman kami ni Jessica sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman kay Max habang si Jessica naman ay parang nahihiya sakin dahil sa sinabi ni Max.
"Ang ibig kong sabihin, kamusta na pala ang relasyon niyo ni Jessica" pangiti niyang sinabi sakin kaya nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ano?! Wala kaming relasyon ni Jessica, sino naman ang nagsabi sayo niyan" pataka ko namang sinabi kay Max kaya napalingon siya kay Nicole.
"Alam ko naman na may lihim kang pagtingin kay Jessica noh" napatingin naman si Jessica sakin dahil sa sinabi ni Nicole at napangiti naman siya.
"Tama na nga yan, huwag niyo ng pag-tripan si James, ang bait kaya niyan" pangiti namang sinabi ni Jessica sa kanilang dalawa kaya napalingon naman kaming tatlo sa kanya.
"Sus.. Pinapagtanggol mo lang si James kasi may gusto ka din sa kanya" nagulat naman si Jessica sa sinabi ni Nicole at sabay nahalata ko na parang medyo nahiya siya sakin.
"Tumigil na nga kayong dalawa, kumain nalang tayo, lumalamig na yung pagkain natin" paseryoso namang sinabi ni Jessica samin kaya sumunod nalang kami sa sinabi niya.
Pagkatapos naman naming kumain ay bigla naman akong napatingin sa relo ko at mga 11:40 na din pala ng tanghali, malapit ng magsimula yung pagpupulong.
"Nakalimutan ko palang sabihin sa inyong dalawa na may pagpupulong pala mamayang 12:00 sa building D, kaya sabay-sabay na tayong pumunta dun ngayon." Pangiti namang sinabi ni Jessica sa kanilang dalawa.
"Tungkol saan naman ang pagpupulong na yun?" Tanong naman ni Max samin kaya napatingin naman kami sa kanya.
"Baka nalaman na nila kung sino ang pumatay dun sa babae nung mga nakaraang araw" paseryoso namang sinabi ni Nicole samin.
Minabuti ko naman na hindi muna mag-isip ng kung ano-ano tungkol dun sa pagpupulong mamaya kasi baka mabasa na naman ni Nicole yung isip ko.
"Magpahinga muna tayo kahit sandali, kakatapos palang nating kumain" sabi samin ni Max kaya ganun na nga ang ginawa namin.
Agad naman kaming umalis ng cafeteria makalipas ang 10 minuto at dumiretso na kaagad kami dun sa Building D.
Sakto naman na pagdating namin doon ay magsisimula na ang pagpupulong at napansin ko naman na andun na sila Kevin at Enzo, at kasama nila yung isang babae tsaka lalaki, na kasama nila dati dun sa training ko.
Tsaka ko lang naalala na wala nga pala si Rebecca dito kasi pinuntahan niya yung kapatid niya sa Anatasia.
"Buti naman at andito ka na James, pwede na tayong makapag-simula, tara't pumasok na tayong lahat sa loob ng Building" hikayat naman samin ni Enzo kaya agad naman kaming pumasok.
Nung pagpasok namin sa loob ng building ay agad namang ginamit ni Enzo yung Verify Card niya para gumana yung mga ilaw ng building.
"Andito tayo dahil may gusto ipaalam si James saatin, James pumunta ka na dito sa harapan" sabi naman sakin ni Enzo kaya agad naman akong pumunta sa harapan nila at sabay bumalik na si Enzo sa pwesto niya.
Huminga muna ako ng malalim sabay dumiretso ang tingin ko kay Kevin kaya napansin ko na medyo kinabahan siya.
"Kilala ko na kung sino ang pumatay sa babae nung mga nakaraang araw, matagal ko na itong pinag-isipan kaya imposibleng magkamali ako sa kung sino ang pumatay" paseryoso ko namang sinabi sa kanilang lahat kaya nagulat naman sila.
"Ang pumatay sa babae, ay walang iba kundi si Kevin!" Sigaw ko naman sa kanila habang nakaturo ako kay Kevin kaya nagulat naman siya.
"Ako?! Teka lang hindi ko magagawa yun" paseryoso namang sinabi ni Kevin sakin.
"Yun nga din ang akala ko nung una, pero hindi ko inaasahan na ikaw pala ang may gawa ng lahat" paseryoso ko namang sinabi sa kanya kaya kinabahan siya.
"Alam ko na matagal mong pinag-isipan ang lahat ng bagay dito sa Academy kaya sigurado ako na napag-planuhan mo ng mabuti ang lahat" sabi ko naman sa kanya habang sila Enzo naman ay nakatingin lang sakin.
"Alam mo din na kakaunti palang ang nasa labas ng Academy tuwing 7:00 kaya pagkakataon mo yun para makuha yung Sniper, at agad mo naman itong nilagay sa likod ng isang puno sa gubat. Tapos na realize mo na baka may makakita nun kasi hapon mo pa gagamitin yung sniper kaya naisipan mo naman na utusan si Lucas na ipakuha sa kanya yung isang shovel sa kadahilanan na kailangan ito ni Isabel, alam mo din kasi na nagtatanim si Isabel ng mga halaman ng mga ganung oras kaya sinakto mo yung pagkakataon na yun para maitakas yung isang shovel." Paseryoso kong sinabi kay Kevin habang si Kevin naman ay walang imik.
"Pero ang totoo ay ikaw naman talaga ang naghahatid ng shovel kay Isabel tuwing umaga at tinutulungan mo pa nga siya minsan eh, kaya nung nakuha mo na yung shovel ay ipinagamit mo muna ito kay Isabel para mapalabas mo na kinailangan nga ni Isabel yun, pagkatapos namang gamitin ni Isabel yung shovel ay agad mo naman itong kinuha kaya nung binalikan namin ni Isabel yun ng nakaraang gabi ay wala na ito.
Gumawa ka naman ng isang hukay para doon mo itago yung sniper kung sakaling nabaril mo na yung babae at para makabalik ka kaagad dito na parang walang nangyari. Buti nalang at napansin ni Jessica na malambot yung lupa doon sa gubat, sigurado ako na hanggang ngayon ay andun pa din yung sniper na ginamit mo, hindi ba Kevin?" Paseryoso kong sinabi sa kanya kaya mas lalo namang kinabahan si Kevin.
"Nung nabaril mo na yung babae ay agad ka namang pumunta sa Building B para magkunwari na tumutulong ka samin na mahanap yung pumatay at para makakuha ka din ng isang bala galing sa weapon area na siyang gagamitin mo para mang bintang ng ibang tao. Tapos pagkatapos naman nun ay dali-dali ka namang pumunta sa Library para gawin na din yung pinapagawa sayo ni Enzo na dalhin yung supot ng mga libro papunta sa basement, ginawa mo na din itong pagkakataon para maibalik ang shovel na ginamit mo. Pero bago mo ginawa yun ay inutusan mo muna si Isabel na maglinis ng Building D dahil alam mong pwede ka niyang makita na papunta sa Gubat para kunin yung shovel dahil lagi siyang naglilinis ng bintana dun sa Cafeteria, at malapit ang cafeteria dun sa pwesto mo sa gubat kaya minabuti mo na utusan siya na maglinis ng Building D para walang makapansin sayo." Naging seryoso naman ang lahat habang nakikinig sila sakin.
"Tapos nung nakuha mo na yung shovel ay agad ka namang bumalik sa Library para matabunan ng mga lumang libro yung shovel sa supot kung sakaling may tumingin ng laman nito. Pagkatapos naman nun ay inantay mo muna na papasukin na ni Enzo ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang kwarto para maihatid mo sa basement yung dala mong supot na naglalaman naman ng mga lumang libro pati na din ang shovel na ginamit mo."matapos kong sabihin yun ay napansin ko naman na napatingin nalang sa baba si Kevin at para bang nagsi-sisi siya sa mga ginawa niya.
"Tapos nung kinabukasan, nung nabalitaan mo na may umatake samin na kalaban at nalaman mo din na binabantayan ako ni Jessica sa kwarto buong araw ay nagkaroon ka naman ng pagkakataon na ilagay yung bala dun sa kwarto ni Jessica para siya ang mapagkamalan na pumatay. Alam mo din kasi na naglilinis palagi si Isabel ng mga kwarto tuwing gabi kaya minabuti mo na malagay na kaagad yung bala dun sa drawer ni Jessica.
At pagkatapos mong gawin yun ay agad ka namang pumunta sa Basement dahil naisip mo na baka bilangin ni Rebecca yung shovels niya kaya nilabas mo naman kaagad ito sa supot na pinaglayan mo sa basement.
Napansin mo naman na madumi pa din yung Shovel pero wala ka ng pagkakataon na ilabas ulit ito para linisan kaya naisipan mo na punasan nalang ito ng lumang pahina ng mga libro pero hindi naman natanggal ang dumi nito. Dali-dali mo namang itinago sa loob ng supot yung mga pahina na ginamit mo kaya nung nakita ko yun nung pagpunta ko sa basement ay alam ko na agad na ikaw ang may gawa nun." Napahanga ko naman sila Enzo sa mga sinabi ko tungkol dun sa pagpatay ni Kevin.
"Sige na, aaminin ko na! Ako nga ang pumatay dun sa babae, niloko niya kasi ako, akala ko pa naman ay mahal niya ako pero niloko niya lang ako" malungkot naman na sinigaw ni Kevin samin kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Lumapit naman ako kay Kevin kaya napatingin siya sakin.
"Patawad Kevin, pero kailangan nating harapin ang katotohanan, hindi talaga ako makapaniwala na magagawa mo yun" malungkot kong sinabi sa kanya habang si Kevin naman ay ngumiti.
"Nagpapasalamat nga ako sayo James, ang tagal ko ng pinag-iisipan kung pano ko masasabi ang lahat ng nagawa ko at ginawa mo yun para sakin, lubos akong nagsi-sisi sa mga nagawa ko pero hindi ko na maibabalik ang nakaraan, kaya pagbabayaran ko nalang yun" pangiti niyang sinabi sakin kaya nalungkot naman ako dahil sa mga sinabi niya.
"Sana mapatawad niyo akong lahat balang araw" sigaw niya naman samin sabay napaluha nalang siya.
Agad naman na lumapit si Enzo kay Kevin at sabay hinawakan niya ito sa isang balikat.
"Mabuti naman at alam mo na nagkamali ka, patawad pero kailangan mong mapunta sa Lost Dimension" nagulat naman ako sa mga sinabi ni Enzo kaya hindi ko napilitang magtanong kay Max.
"Ano yung Lost Dimension?" Tanong ko kay Max kaya napalingon siya sakin ng seryoso.
"Dun dinadala yung mga nagta-traydor na elementalist dito sa Academy, kapag napunta ka na doon, hindi ka na makakalabas dun habang buhay" nagulat naman ako sa sinabi niya, bakit nila dadalhin si Kevin dun, pwede pa naman siyang magbago.
"Ganun talaga yun James, kahit na masakit isipin ay kailangan pa din naming sundin ang nakasanayan na batas dito sa Academy"malungkot naman na sinabi sakin ni Nicole kaya napalingon ako sa kanya.
Nabasa niya pala yung nasa isip ko.
Naawa tuloy ako kay Kevin, ng dahil sakin kaya siya napunta dun sa Lost Dimension, kasalanan ko ang lahat ng ito.
" Hindi mo kasalanan James, ginagawa mo lang ang mas makabubuti para sa Academy, kasalanan ito ni Kevin, kung hindi niya ginawa yun hindi sana siya mapupunta dun sa Lost Dimension" nagulat naman ako ng sinabi sakin yun ni Enzo habang kasama niya si Kevin.
Agad naman silang pumunta sa may center ng building at nakita ko naman na parang may pinindot si Enzo sa may Hologram na keyboard kaya bigla nalang may lumabas na malaking portal sa harap namin.
"Paalam na Kevin," sabi naman ni Enzo sa kanya kaya napatalikod na siya pero bago siya umalis ay napatingin siya sakin at sa mga kaibigan niya.
Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa portal na magdadala sa kanya sa Lost Dimension, hindi ko naman napilitang hindi umiyak pati na din sila Nicole.
"Paalam na Kevin," pabulong ko na sinabi sa sarili ko at pagkatapos kong sabihin yun ay wala na si Kevin.
Sinarado na kaagad ni Enzo yung portal pagkatapos pumasok ni Kevin at nakita ko naman na napaluha din siya sa nangyari.
Napansin ko naman na kasama din pala namin si Zero sa loob ng Building pero seryoso pa din siya na parang wala lang para sa kanya ang mga nangyayari.
"Bakit niya pa kasi nagawa yun eh, hindi sana siya mapupunta sa Dimension na yun kung hindi niya ginawa yun" malungkot na sinabi ni Max saamin.
Nagulat naman ako ng bigla akong nilapitan ng dalawang kasama ni Enzo nung nakaraang training ko.
"Your knowledge was impressive James, where did you learn that?" Pangiting sinabi ng babae sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"By the way James, you need to be strong James, mas marami pang mawawala sa buhay mo sa darating na labanan dito sa Academy" sabagay may point nga naman siya.
"My name is Kate, it's been a pleasure meeting with you" pangiting sinabi ng babae sakin.
"You impressed me Chosen One, keep it up" dagdag naman ni Kate sakin kaya napangiti naman ako.
Nakita ko naman sa palad niya na nagkulay Red kaya naniniwala ako na malakas siya.
"We've got work to do Kate, lets go" paseryoso namang sinabi ng lalaki kay Kate kaya napalingon kami sa kanya.
"Anyway. I'm Jonathan, nice to meet you" paseryoso namang sinabi ng lalaki sakin sabay agad naman silang nagpaalam para umalis.
Agad namang lumapit si Nicole sakin pagkatapos nilang umalis.
"Wow grabe, kinausap ka nila, ang swerte mo naman" nagulat naman ako sa sinabi ni Nicole sakin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kaagad sa kanya kaya napangiti siya.
"Bihira lang sila kumausap ng isang elementalist dito maliban kila Enzo, Zero, at Rebecca." Nagulat naman ako sa sinabi ni Nicole.
"Talaga?! Pero bakit naman sila ganun?" Tanong ko naman kaagad kay Nicole habang sila Max naman ay lumapit na din sakin.
"Ayaw kasi nilang nagsasayang ng oras sa pakikipag-usap sa mga tao dito maliban nalang kung importante ang tao na kakausapin nila, at tsaka marami silang ginagawa" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Jessica sakin.
"Alam mo ba na kasama sila sa pagpupulong kung saan pinatay ang pinuno namin at sila din ay kasali sa mga nakipaglaban para mailigtas ang Academy nung sumalakay ang humigit tatlong daan na Taga Fallen." Humanga naman ako sa sinabi ni Max.
"Kaya kinikilala sila dito sa Academy bilang mga Professionals o kaya naman ay kilala sila dito bilang elite elementalist" pangiti namang sinabi ni Jessica sakin kaya mas lalo akong namangha.
Gusto ko pang malaman ang tungkol sa lahat ng history ng Elemental Academy..
At kung papaano nila kinalaban ang lahat ng taga-Fallen na sumalakay dito.
Sana makausap ko ulit yung mga kinikilala na professional dito sa Academy.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top