Chapter 6 : Who Killed Her?
Bigla nalang nabalot ng matinding takot ang buong Academy nung time na malaman nilang may binaril na isang babaeng elementalist dito mismo sa loob ng Academy.
Ini-imbestigahan na nila Rebecca ang tungkol sa pagkawala ng Sniper sa Weapon Area at kung sino ang gumamit nito para mapatay yung babae.
Habang kami namang apat nila Max ay nasa loob lang ng kwarto ko at matahimik lang kaming nag-iisip tungkol sa mga nangyari kanina.
"Natatakot ako yakapin mo ako Max, papano kapag tayo na ang susunod na biktima ng pumatay sa babae" malungkot na sabi samin ni Nicole habang nakayakap siya kay Max.
"Dapat mahanap na kaagad natin kung sino ang may gawa nito dahil kung hindi ay baka may mamatay na naman dito sa Academy" paseryoso namang sinabi ni Max samin habang kami naman ni Jessica ay nag-aantay lang ng iba pang impormasyon tungkol sa mga nangyari.
Bigla naman kaming natahimik sa isang iglap at makalipas ang ilang minuto ay may kumatok naman sa pinto ng kwarto ko kaya agad naman naming binuksan yun at nakita namin na si Lucas lang pala yun.
"Hindi na namin natagpuan ang pumatay sa babae pero sa tingin namin, ang pwesto ng pumatay ay naka pwesto sa may isang puno dun sa papuntang gubat. Pero wala naman kaming nahanap na sniper dun sa gubat. Hindi naman pwedeng dala-dala yun ng Pumatay kasi medyo mabigat yung sniper.
Bigla naman akong napaisip sa mga sinabi samin ni Lucas.
" Lucas samahan mo nga ako dun sa lugar sa gubat kung saan maaaring naka-pwesto yung namaril sa babae" paseryoso namang sinabi ni Jessica kay Lucas at sumang-ayon naman si Lucas na samahan siya.
Nagpaalam na kaagad si Jessica samin para sumama kay Lucas papunta doon sa may gubat kung saan maaaring naka pwesto yung pumatay.
Napatingin naman ako sa relo ko at mga 7:40 na din pala ng gabi at nakaka-sigurado ako na magiging mahaba ang gabi na ito dahil wala kaming ibang gagawin kundi maghanap ng impormasyon tungkol sa kung sino ang pumatay para makatulong naman kami para sa Academy.
Naisipan ko naman na pumunta sa may cafeteria kasi baka may mahanap ako na impormasyon dun.
Agad akong pumunta sa cafeteria at nakasalubong ko naman dun si Kevin na kasama niya si Isabel.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko naman sa kanilang dalawa kaya napatingin silang dalawa sakin.
"Ah ikaw pala James, uutusan ko kasi si Isabel na linisin yung Building D ng bigla kang dumating," paseryoso namang sinabi ni Kevin sakin.
"Ah ganun ba, pwede ko bang tulungan si Isabel sa paglilinis ng Building D?" Tanong ko naman kay Kevin habang si Isabel naman ay medyo nahiya sakin.
"Hindi huwag na, kaya ko namang linisin yun ng mag-isa eh" sabi sakin ni Isabel habang si Kevin naman ay nakatingin lang samin.
"Pero malawak yung building na yun, hayaan mo nalang ako na tulungan ka" pakiusap ko naman sa kanya kaya pumayag na siya na tumulong ako sa kanya.
"Sige mauna na ako sa inyo, mag hahanap pa ako ng impormasyon tungkol dun sa pumatay" sabi naman samin ni Kevin sabay umalis na siya kaya umalis na din kami ni Isabel papunta sa Building D.
"Grabe nakakatakot yung nangyari kanina, hindi ko alam kung ano pang mga mangyayari na masama sa Academy" sabi sakin ni Isabel habang bakas sa mukha niya ang pagkatakot.
"Oo nga eh, grabe talaga hindi ko inaasahan na mangyayari yun kanina, kitang-kita ko ang mga nangyari kaya kung sakaling makikita ko yung pumatay dun sa babae, baka hindi ko mapigilang pahirapan yung pumatay dun." Sabi ko naman kay Isabel at halata sa mukha ko na galit ako sa pumatay sa babae.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa Building D at agad naman kaming pumasok sa may loob.
Napansin naman namin na sobrang dilim sa may loob ng building kaya napatanong ako kay Isabel.
"Wala ba talagang ilaw sa building na ito?" Tanong ko kay Isabel kaya napatingin siya sakin.
"Meron kaso magagawa lang nating buksan ang ilaw ng building kung may Verify Card tayo" sagot naman ni Isabel sakin kaya napaisip ako.
"Saan naman natin makukuha yang verify card na sinasabi mo?" Tanong ko naman kay Isabel habang nakatingin lang kami sa loob ng building.
"Tanging mga professionals lang ang mayroon nun, pero sigurado naman ako na pahihiramin tayo ni Rebecca nung Card niya." Pangiti niya namang sinabi sakin.
"Sige ako nalang ang pupunta kay Rebecca para hiramin yung Card niya, antayin mo nalang ako dito para hindi ka na mapagod" sabi ko naman sa kanya sabay pagkatapos nun ay agad naman akong tumakbo papunta sa weapon area kung saan naroroon si Rebecca.
Nung nakarating na ako sa may Weapon Area ay agad ko namang nakasalubong si Rebecca at si Kevin na naghahanap ng impormasyon tungkol dun sa nangyari kanina.
"Rebecca pwede ko bang mahiram yung verify card mo para dun sa Building D, lilinisin kasi namin ni Isabel yung loob ng building na yun"
Tanong ko naman kaagad kay Rebecca kaya napatingin siya sakin at sabay ngumiti siya.
"Pwede, kunin mo nalang dun sa may drawer malapit sa may lagayan ng mga bala na para sa mga weapons."
Pangiti niyang sinabi sakin habang nakaturo ang kamay niya dun sa may drawer na sinasabi niya.
Nagpasalamat naman ako kay Rebecca at dali-dali kong pinuntahan yung drawer na sinasabi ni Rebecca.
Binuksan ko kaagad ito at sabay kinuha ko na yung card na sinasabi ni Isabel na pangbukas ng system ng building D.
"Wala akong mahanap na impormasyon dito sa Weapon Area, siguro mas marami akong mahahanap dun sa may ground ng Academy." Napalingon nalang ako kay Kevin ng sinabi niya yun at pagkatapos nun ay agad naman siyang umalis habang ako naman ay nakatingin lang kay Rebecca.
Bigla naman akong napaisip ng malalim, papano kaya nakapasok yung namaril dito at papano niya kaya nakuha yung Sniper ni Rebecca.
Naisipan ko naman na itanong kay Rebecca yung tungkol sa mga naisip ko.
"Rebecca, sa tingin mo taga dito kaya sa loob ng Academy ang pumatay sa babae kanina lang?" Tanong ko naman sa kanya kaya naging seryoso ang expression niya habang nakatingin sakin.
"Siguro, pero sa tingin ko tama ka, maaaring taga dito nga sa Academy ang pumatay dun sa babae, kasi kung tagalabas yung pumatay ay dapat hindi niya alam ang tungkol sa Area na ito dahil tanging mga Elementalist lang ang nakakaalam ng mga lokasyon ng lugar dito sa Academy. Nakakapagtaka din kasi wala man lang nakakita sa kanya na para bang alam niya kung kailan walang tao dito sa Building B kasi nagawa niyang kunin ang Sniper ng walang nakakakita sa kanya." Sabi naman sakin ni Rebecca sabay napaisip siya ng malalim.
"Ah sige mauna na ko, inaantay pa ako ni Isabel sa Building D" paalam ko naman kay Rebecca sabay umalis na kaagad ako para makabalik sa Building D.
Pagkarating ko naman sa Building D ay wala na si Isabel dun at nakita ko naman si Lucas na nasa loob ng building.
"Nakita mo ba si Isabel?" Tanong ko naman sa kanya kaya napalingon siya sakin at ngumiti.
"Ay! umalis na siya kanina lang, pinapasabi niya pala sayo na maglilinis muna siya ng mga kwarto ng estudyante at bukas niyo nalang daw lilinisin itong Building D." Sabi niya sakin sabay napalingon na ulit siya sa paligid ng building.
Pagkatapos naman naming mag-usap ay umalis na kaagad ako at naisipan ko na pumunta nalang muna sa may Ground ng Academy.
Nung nakarating na ako sa ground ay nakasalubong ko naman si Jessica dun sa may center ng ground.
"Kamusta yung paghahanap niyo ni Lucas dun sa Gubat?" Tanong ko naman sa kanya.
"Wala kami masyadong nahanap na impormasyon pero isa lang ang napansin ko na kakaiba doon." Paseryoso niya namang sinabi sakin.
"Nung pumunta kami dun sa sinasabing posisyon ng namaril nung mga oras na binaril niya yung babae ay agad ko namang napansin na parang ang lambot ng lupa na para bang hinukay kanina lang." Napaisip naman ako sa mga sinabi niya sakin.
Bigla ko namang naisipan na pumunta sa may Library para tingnan kung may mahahanap ako na impormasyon dun.
Nung nakarating na ako sa may loob ng Library ay nakita ko naman si Enzo at si Kevin na naghahanap din ng impormasyon.
"Kevin nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sayo kahapon?" Tanong naman ni Enzo kay Kevin habang naghahanap sila sa mga bookshelf.
"Hindi pa pero gagawin ko na" sagot naman agad ni Kevin kay Enzo.
Naisipan ko naman na itanong kay Kevin kung anong gagawin niya.
"Anong pinapagawa sayo ni Enzo?" Tanong ko kaagad kay Kevin habang may dala dala siyang supot na naglalaman ng mga lumang libro.
"Pinapatago kasi ni Enzo yung mga lumang libro na 'to sa basement kaysa naman nagkakalat lang dito sa Library" sang-ayon naman ako sa sinabi ni Kevin.
Matapos naming mag-usap ni Kevin ay agad na akong dumiretso sa may Basement ng Building kung saan matatagpuan ang mga kwarto namin.
Nung pagkarating ko naman sa may basement ay agad ko namang nakasalubong si Lucas na may dala dalang lampara.
"Oh James anong ginagawa mo dito?" Tanong naman agad ni Lucas sakin.
"Naghahanap ako ng impormasyon tungkol dun sa pumatay" paseryoso ko namang sinabi sa kanya kaya napangiti siya.
"Parehas pala tayo, kaya ako andito ay dahil sa na kwento sakin ni Jessica ang tungkol dun sa may malambot na lupa dun sa may gubat kaya naisipan ko na tingnan ang mga shovels dito." Sabi naman ni Lucas sakin sabay natahimik na kaming dalawa at naghanap nalang kami ng impormasyon.
Napansin ko naman sa may lagayan ng mga shovel na malinis pa din ang lahat ng nakalagay dun na panghukay.
Bigla ko namang naalala na ginamit nga pala ni Lucas yung isa sa mga ito kanina lang.
"Lucas diba ginamit mo yung isang shovel dito, nasaan na yung ginamit mo?" Tanong ko naman agad sa kanya kaya nagtaka siya.
"Hindi ako ang gumamit nun, ang totoo ay pinakuha lang din sakin ni Kevin yun kasi kakailanganin daw ni Isabel yun para makapag-tanim ng mga halaman sa may likod ng Academy, kaya ko lang inutos yun kay Max ay dahil marami akong ginagawa nung mga oras na yun." Napaisip naman ako sa mga sinabi niya habang siya naman ay bumalik na sa paghahanap ng impormasyon.
Pagkatapos nun ay napalingon nalang ako sa may relo ko at mga 10:04 na din pala ng gabi, nakaramdam na ako ng antok pero pinilit ko pa din na hindi makatulog dahil kailangan ko pang maghanap ng impormasyon tungkol dun sa pumatay sa babae.
Bigla ko namang naisipan na puntahan si Isabel para makausap ko naman siya tungkol sa mga nangyari kanina bago mamatay ang babae.
Hinanap ko siya at nakita ko naman siya sa may labas ng Building kung nasaan kami ni Lucas kaya agad ko naman siyang tinawag at napalingon siya sakin.
"Isabel, nagtanim ka ba ng mga halaman kanina?" Tanong ko naman kaagad sa kanya sabay napangiti siya.
"Oo, bakit mo naman natanong?" Pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay napaisip ng malalim.
"Saan ba matatagpuan yung mga halaman na tinanim mo kanina, pwede bang dalhin mo ako doon" pakiusap ko naman sa kanya kaya pumayag siya na samahan ako.
Nung habang naglalakad kami papunta sa may likod ng Academy ay agad ko namang napansin na kakaunti nalang pala ang mga estudyante na nasa labas ngayon.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami at nakita ko naman ang hardin na sinasabi sakin ni Isabel na matagal na nilang inaalagaan.
Agad ko namang hinanap yung shovel na ginamit ni Isabel at hindi ko ito nakita kaya naisipan kong tanungin si Isabel tungkol dun.
"Diba may ginamit ka na Panghukay kanina?, saan mo nilagay yun pagkatapos mong gamitin?" Paseryoso ko namang tinanong sa kanya kaya nagtaka siya at napalingon siya sa may hardin.
"Wala ba doon sa may gilid ng hardin, iniwan ko yun kanina dun para mahugasan pero nakalimutan ko na palang hugasan yun dahil sa kaganapan kanina." Pataka niya namang sagot saakin.
Bigla naman akong napaisip ng malalim habang nakatingin kami ni Isabel sa may Hardin.
Pagkatapos nun ay napalingon nalang ako sa may likod ko ng may tumawag sa pangalan ko at nakita ko naman si Nicole.
"James, ano pang ginagawa niyo dito, pinapabalik na ni Enzo ang lahat ng mga estudyante sa mga kwarto nila dahil malalim na ang gabi kaya napag-isipan nila na ipagpabukas nalang ang paghahanap." Paseryoso niya namang sinabi saamin kaya agad naman kaming bumalik sa Building kung saan matatagpuan ang mga kwarto namin.
Nung nakarating na ako sa loob ng kwarto ko ay napahiga naman kaagad ako at napaisip ulit ako ng malalim.
Nagulat naman ako ng bigla nalang pumasok si Jessica sa kwarto ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Pwede ba na dito muna ako matulog, natatakot kasi ako na baka may pumatay nalang bigla sakin sa kwarto" pakiusap niya naman sakin habang nakatingin lang siya sa may sahig.
"Pwede naman, matulog ka na dito, alam kong pagod na pagod ka na sa mga nangyari kanina" napangiti naman si Jessica ng marinig niya na pumayag ako at sabay humiga na siya sa may tabi ko.
Hindi naman nagtagal ay nakatulog na kaagad siya habang ako naman ay malalim pa din ang iniisip tungkol dun sa nangyari kanina.
Hindi ako makapaniwala na ngayon mangyayari 'tong ikinakatakot ko.
Hindi ko kayang makita na may namamatay dito sa Academy kaya dapat malaman ko na kaagad kung sino ang pumatay sa babae para mapagbayaran niya ang ginawa niya.
Hindi naman nagtagal ay nakatulog na din ako sa wakas at makalipas ang ilang oras ay nagising na kaagad ako.
Mabilis naman akong bumangon at sabay napatingin ako sa may relo ko at napansin ko naman na 6:30 palang ng umaga.
Napalingon naman ako sa kama at nakita ko na masarap pa din ang tulog ni Jessica kaya minabuti ko na hindi muna siya gisingin.
Bigla ko namang naalala na maglilinis nga pala kami ni Isabel ng Building D kaya agad ko naman siyang hinanap.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko siya sa may Training Area na nagpupunas ng mga bintana kaya lumapit agad ako sa kanya.
"Good morning" nagulat nalang bigla si Isabel at sabay napalingon siya sakin sabay napangiti siya.
"Ikaw lang pala James, ginulat mo ko, bakit parang ang aga mo namang gumising, anong meron?" Pangiti niya namang tinanong sakin habang ako naman ay napangiti din.
"Wala lang, maglilinis pa tayo ng Building D diba?" Pangiti ko namang sinabi kay Isabel kaya medyo nahalata ko sa mukha niya na medyo nahiya siya sakin.
"Hindi mo na ako kailangang tulungan, nakakahiya para sayo na tulungan ako" sabi naman sakin ni Isabel habang nakatingin siya sa sahig.
"Hindi imbes na ako ang Chosen One ay pagsisilbihan niyo ako dito, ayoko sa lahat ang pinagsisilbihan ako kaya gusto kong makatulong kahit sa mga simpleng bagay lang." Pangiti ko namang sinabi sa kanya kaya napangiti din siya sakin.
"Ang linis ng puso mo James, sigurado ako na napaka-swerte ng mapapangasawa mo balang araw" pangiti niya namang sinabi sakin habang ako naman ay nagulat sa sinabi niya.
Pagkatapos naman naming mag-usap ay agad na kaming dumiretso sa may Building D, buti nalang at nasa akin pa din ang Card ni Rebecca.
Nung nasa loob na kami ng Building D ay agad ko namang binigay kay Isabel yung Verify Card na pagmamay-ari ni Rebecca.
Agad niya namang nilagay sa may keyboard yung card kaya bumukas na ang mga ilaw ng Building.
"Ang galing naman nitong building D" sabi ko naman kay Isabel kaya napangiti siya sakin.
Hindi naman nagtagal ay agad naman naming nilinis yung Building D, tumagal din kami ng ilang oras doon bago namin natapos yung paglilinis.
"Salamat James at tinulungan mo ako, hindi ko agad matatapos 'to kung wala ka" pangiti niya namang sinabi sakin.
"Teka wala ka bang kasama na naglilinis dito?" Natanong ko naman agad sa kanya.
"Alam mo kasi, ang bawat maid dito sa Academy ay may kanya-kanyang ginagampanan, at saakin naka pangalan ang pagpapanatili sa kalinisan ng Academy."nagtaka naman ako sa sinabi niya sakin.
"Ikaw lang ang tagalinis dito sa Academy?" Tanong ko kaagad sa kanya kaya nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Oo bakit?"pangiti niya namang sinabi sakin.
" Grabe ang sipag mo naman, pero ang galing kasi kahit hindi naka assign sayo ang paghahatid ng pagkain ay ginagawa mo pa din para sa mga estudyante sa Academy" napangiti naman siya sa sinabi ko sa kanya habang halata naman ang pagod sa mga ginawa naming paglilinis kanina.
Napatingin nalang ako bigla sa relo ko at mga 8:57 na pala ng umaga, ang tagal din naming nag stay dito sa loob ng Building D.
"Kailangan ko na palang isauli yung card kay Rebecca bago ako bumalik sa kwarto ko" paseryoso ko namang sinabi kay Isabel.
"Hindi na, ako nalang ang mag sasauli, may kukunin din kasi ako kay Rebecca kaya isasabay ko nalang" sabi naman sakin ni Isabel kaya hindi ko na kinuha yung card sa kanya at sabay nagpaalam na din ako sa kanya para makapunta na ko sa kwarto ko.
Makalipas naman ang ilang minuto ay nakarating na ako sa wakas sa kwarto ko at napansin ko naman na natutulog pa din si Jessica hanggang ngayon kaya minabuti ko na gisingin na siya.
"Gising na Jessica, ilang oras ka ng natutulog" pangiti ko namang sinabi kay Jessica habang tinatapik ko siya.
Agad naman na bumangon si Jessica pagkatapos ko siyang gisingin sabay napatingin siya sakin.
"Tara't kumain muna tayo ng umagahan" napangiti naman si Jessica ng niyaya ko siya na kumain.
"Sige ba, pero mauna ka na sa Cafeteria, aayusin ko muna yung sarili ko bago ako lumabas ng Building" sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Jessica kaya agad naman akong umalis papunta sa Cafeteria habang siya naman ay agad na dumiretso sa kwarto niya.
Nung papunta na ako sa may Cafeteria ay agad naman akong sinalubong ni Nicole at ni Max.
"James, buti naman at nakasalubong ka namin, tara sabay-sabay na tayong kumain, teka nasaan si Jessica? Tanong naman kaagad ni Max saakin habang si Nicole naman ay nakatingin lang sa mga Estudyante sa Ground.
" Susunod nalang daw si Jessica satin, tara dun na natin antayin si Jessica sa may Cafeteria" agad naman silang sumang-ayon sa sinabi ko sa kanilang dalawa.
Nung nakarating na kami sa may cafeteria ay agad naman kaming humanap ng mauupuan at tsaka namin inantay si Jessica.
Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Jessica kaya sinimulan na naming kumain ng umagahan.
Nung nag simula na kaming kumain ay bigla namang tumahimik kaya nag simula na si Nicole ng pag-uusapan namin.
"Ano palang nangyari sa pagtulog mo sa kwarto ni James ha, Jessica?" Pangiti niya namang tinanong kay Jessica kaya nagulat naman si Jessica sa sinabi niya.
"Kung ano man yang iniisip mo ngayon, hindi yan totoo" pangiti namang sinabi ni Jessica kay Nicole habang kami naman ni Max ay diretso lang sa pagkain.
Bigla namang napalingon si Nicole kay Max sabay naging galit ang expressions niya kaya alam ko na ang sunod na mangyayari.
"Ikaw talaga Max ah! Hindi mo ba ako titigilan sa mga kalokohan mo!" Pasigaw naman na sinabi ni Nicole kay Max habang pinipingot niya ito.
"Aray, nakakasakit ka na Nicole, bakit masama bang isipin ko na magkatabi tayong natutulog tapos--"naputol nalang bigla yung sasabihin ni Max ng bigla nalang siyang piningot ng malakas ni Nicole.
" Huwag mo ng ituloy yung sasabihin mo kung ayaw mong magalit ako sayo" tumigil naman kaagad si Max kaya tinigilan na siya ni Nicole.
Napansin ko naman na medyo natawa si Jessica sa kanilang dalawa pero hindi niya lang pinapahalata kay Nicole.
Bigla naman akong napaisip, Siguro ang hirap magkaroon ng asawa na katulad ni Nicole, kaya niya kasing basahin yung iniisip ng mga tao sa paligid niya.
"James, ano ka ba naman hindi naman ako madaling magalit, talagang ginagawa lang ni Max yung pinaka-ayoko sa lahat kaya nagagalit kaagad ako." Pangiti niyang sinabi sakin kaya nagulat naman ako.
Kaya niya nga palang basahin ang isip ko, mas makakabuti siguro kung hindi na muna ako mag-iisip ng kung ano-ano.
Bigla naman akong napatingin sa relo ko at mga 10:00 na din pala ng tanghali, grabe ang bilis ng oras.
Pagkatapos naman nun ay napatingin naman ako sa may malaking bintana ng Cafeteria na kitang-kita naman ang papunta sa gubat.
Bigla nalang akong kinabahan ng may nakita ako na isang anino ng tao dun sa may gubat at mukhang nakatingin siya sakin.
Pagkatapos kong makita yun ay agad namang lumabas si Max na para bang nakita niya din yung nakita ko sa gubat.
"Aalis lang ako sandali, huwag kayong susunod sakin Jessica" nagtaka naman si Jessica at si Nicole.
"Bakit?" Tanong naman ni Nicole sakin habang si Jessica naman ay nagtataka.
"Basta mamaya ko na ipapaliwanag" sabay agad naman akong tumakbo para habulin si Max pagkatapos ko silang kausapin.
Napansin ko naman na bigla nalang napatigil si Max habang nakatingin sa may Gubat kaya minabuti ko na kausapin siya.
"Nakita mo din ba yung Anino?" Tanong ko naman sa kanya habang siya naman ay parang kinakabahan.
"Hindi ko lang siya nakita, naramdaman ko din siya dahil sa elemento ko" tsaka ko naman naalala na lupa nga pala ang elemento ni Max, nalaman ko yun nung pinanood ko sila ni Kevin na maglaban.
"Tara sundan mo ako, tumatakas siya, kailangan natin siyang mahabol" sabay agad namang tumakbo si Max kaya sumunod naman kaagad ako sa kanya.
"Baka siya na yung hinahanap natin na pumatay dun sa babae kahapon" paseryoso ko namang sinabi kay Max habang natakbo kami.
Buti nalang at lagi kong dala-dala yung espada ko sa may likod sa lahat ng oras, baka magamit ko 'to kung sakaling kalaban ang hinahabol namin.
Makalipas naman ang halos 10 minuto na paghabol sa gubat ay bigla namang napatigil si Max kaya napatigil din ako at sabay bigla naman kaming napalingon sa paligid.
"Andito lang siya, pinapanood niya lang tayo" natakot naman ako dun sa sinabi ni Max sakin.
Ngayon ko lang nakita na ganito ka seryoso si Max kaya sigurado ako na kalaban nga ang makakaharap namin ngayon.
Bigla nalang may tumawa sa may likod namin kaya napalingon kami ni Max at dun namin nakita yung isang lalaki na nakasuot ng parang Jacket na siya namang tumatakip sa mukha nitong lalaki.
"Anong kailangan mo?" Paseryoso namang sinigaw ni Max sa lalaki.
"I don't need anything, I just wanted to look at you, especially you James" mas lalo naman akong kinabahan nung narinig ko yung pangalan ko mula sa bibig niya.
Agad namang nagpalutang ng malaking bato si Max at sabay binato niya 'to sa lalaki kaso nakaiwas kaagad yung lalaki sabay ngumiti siya.
Grabe ang bilis kumilos nung lalaki, mas mabilis pa siya kay Zero kung ipapagkumpara mo.
Agad ko namang binunot yung espada ko at sabay hinarap ko 'to sa kanya kaya napalingon siya sakin at ngumiti.
"Did you really think you can beat me with that, James" nawalan naman ako ng lakas ng loob sa sinabi niya.
"Look.. I don't want to hurt the two of you so leave me alone" paseryoso namang sinabi ng lalaki samin sabay tumalikod siya at naglakad siya dahan-dahan palayo samin.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang napatigil yung lalaki at may nakita ako na dugo sa may balikat nito.
Tsaka ko lang nalaman na dala pala ni Max yung pistol na ginawa ni Rebecca, grabe totoo nga na hindi lumilikha ng kahit anong ingay ang pagputok nito.
Nakita ko naman na tumutulo na yung dugo ng lalaki mula sa balikat niya pero humarap siya samin at sabay ngumiti siya na para bang walang nangyari.
"You know if you really want to kill me, why did you shoot at my shoulder instead of shooting my heart." Nakaramdam naman ng takot si Max nung sinabi ng lalaki yun at sabay ngumiti yung lalaki.
"But don't worry I'll forgive you--" pangiting sinabi ng lalaki samin habang hinarap niya ang palad niya saming dalawa ni Max.
Nakita ko naman na nagkulay pula yung palad ng lalaki kaya mas lalo akong natakot sa kanya pati na din si Max.
"When you're dead!"sigaw ng lalaki sabay bigla nalang may tumama sakin na malakas na pwersa na para bang binangga ako ng isang sasakyan kaya napatalsik ako pati na din si Max.
Pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Makalipas ang ilang oras ay nagising na ako at agad ko namang nakita si Jessica na nasa kwarto ko pati na din si Rebecca at si Enzo.
Napalingon naman ako sa may orasan at mga 7:30 na din pala ng gabi, matagal din pala akong nakatulog pero teka papano ako napunta dito?
" Si Lucas ang dahilan kaya namin kayo nahanap sa gubat, naramdaman niya kasi ang hangin galing sa katawan niyo. Ang akala niya ay kalaban pero yun pala ay kayo lang dalawa ni Max.
"Ano ba kasing nangyari at bakit bigla nalang kayong nawalan ng malay ni Max sa gubat?" Pag-aalala naman ni Jessica sakin kaya napabangon ako at napansin ko naman na hindi na masakit ang katawan ko.
"May nakita kasi kaming anino sa may gubat kaya hinabol namin at dun namin nakaharap yung isang lalaki na parang naka jacket, hindi namin siya nakilala kasi natatakpan ang mukha niya." Nagulat naman si Enzo sa narinig niya sakin pati na din si Rebecca.
"Maaaring natagpuan na ng kalaban ang lokasyon ng Academy, kailangan malaman ito ni Kate at ni Jonathan" paseryoso niya namang sinabi samin.
Bigla nalang umalis si Rebecca at si Enzo kaya kaming dalawa nalang ni Jessica ang naiwan sa kwarto.
"Okay na ba si Max?" Tanong ko naman kay Jessica kaya napangiti siya.
"Oo okay na siya, kumakain na siya sa may Cafeteria ngayon at inaantay ka na niya"pangiti namang sinabi ni Jessica sakin kaya bumangon na kaagad ako at sabay dumiretso na ako papunta sa may Cafeteria.
Nakasalubong ko naman si Lucas na papalabas sa Building kaya napatigil kaming dalawa.
" Buti naman at nagising ka na James, akala ko kung ano ng nangyari sainyo ni Max" pangiting sinabi ni Lucas kaya napangiti din ako.
"Ano na palang nangyari, nakilala na ba yung pumatay sa babae kahapon?" Paseryoso ko namang tanong kay Lucas.
"Hindi pa pero sigurado naman ako na mahahanap na siya" paseryoso namang sinabi ni Lucas sakin.
Bigla namang dumating si Max at si Nicole at para bang nagmamadali sila at parang importante ang sasabihin nila kaya naging seryoso naman ako.
"James, may natagpuan daw na Bala ng sniper doon sa Kwarto ni Jessica ayon kay Isabel" nagulat naman ako sa sinabi niya kaya agad naman kaming dumiretso pabalik sa kwarto ni Jessica.
Nung pagpasok namin sa kwarto ni Jessica ay nakita namin na nasa loob na pala si Enzo, at si Kevin pati na din si Isabel at si Jessica.
"Saan mo natagpuan yung bala Isabel?" Paseryoso namang tanong ni Enzo habang si Isabel naman ay umiiyak.
"Dun po sa may Drawer ni Jessica, nakita ko po yung bala nung naglinis ako ng mga kwarto nila" paiyak na sinabi ni Isabel habang si Jessica naman ay paluha na.
"Ikaw Jessica, papano mo nagawa 'to saamin!" Sigaw naman ni Kevin kay Jessica kaya napaiyak na din si Jessica.
"Hindi ako makapaniwala na magagawa mo 'to, magkaibigan pa naman tayo" malungkot na sinabi ni Nicole kay Jessica.
"Isa kang traydor, hindi ka nararapat dito sa Academy" sigaw naman ni Kevin kay Jessica kaya mas lalong umiyak si Jessica.
"Teka. Huwag niyong ganyanin si Jessica, hindi pa sapat ang patunay na siya nga ang pumatay dun sa babae" paseryoso ko namang sinabi sa kanila kaya napalingon sakin si Jessica habang lumuluha.
"Tama si James, hindi pa sapat na patunay ang bala na ito para mapatunayan na si Jessica nga ang pumatay"paseryoso namang sinabi ni Enzo samin kaya natahimik kami.
" Sige magpahinga muna tayong lahat, mag-sibalik na kayo sa mga kwarto niyo, ipagpabukas na natin ang paghahanap sa kung sino nga ang pumatay" sabi naman ni Enzo samin kaya agad naman silang umalis habang ako naman ay nasa tabi lang ni Jessica.
"Totoo ba na ikaw ang pumatay dun sa babae?" Tanong ko naman kay Jessica kaya napalingon siya sakin.
"Hindi ako ang pumatay sa kanya" paseryoso namang sagot ni Jessica.
"Kung ganun ay bakit hindi mo sinabi sa kanila na hindi ikaw ang may gawa nun" sabi ko naman sa kanya kaya napaiyak siya.
"Alam kong natatakot ka pero hindi ka dapat nagpapatalo sa takot mo" sabi ko naman sa kanya kaya ngumiti siya sakin.
"Buti ka pa nauunawaan mo ang kalagayan ko" pangiti niyang sinabi sakin habang lumuluha siya.
Bigla naman akong napaisip ng malalim tungkol sa mga nangyari, at bigla nalang akong nalinawagan sa kung sino ang maaring pumatay.
"Jessica pwede bang samahan mo ako sa Basement kahit sandali lang" pakiusap ko sa kanya at pumayag naman siya.
Agad kaming pumunta dun at nung nakarating na kami ay agad ko namang napansin yung mga lumang libro sa Basement pati na din yung lagayan ng shovel.
May napansin nalang ako bigla sa mga shovel na nagbigay sakin ng patunay sa kung sino talaga ang pumatay sa babae.
Akala ko pa naman ay mapagkakatiwalaan namin siya.
Yun pala ay isa siyang masamang tao dahil nagawa niyang pumatay ng isang estudyante dito sa Academy.
Pero hindi ako makapaniwala na nagawa niya 'to, matapos ang lahat ng pinagsamahan namin.
Patawad pero kailangan ng malaman ng lahat kung sino ka talaga--
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top