Chapter 5 : First Training pt.2
Hindi naman nagtagal ay nakatulog na din ako ng mahimbing.
Makalipas ang ilang oras ay gumising na ako kaagad sabay napalingon ako sa orasan sa kwarto ko at mga 7:24 palang ng umaga, grabe ang aga kong nagising ngayon ah.
Agad naman akong dumiretso sa may cafeteria para mag-umagahan at nung paglabas ko ng building ay napansin ko naman na kakaunti palang ang mga nasa labas.
Nung nakarating na ako sa cafeteria ay agad naman akong bumili na fried rice at scrambled egg na may kasamang Kape at agad naman akong kumain.
Nung pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng Cafeteria at sabay nakasalubong ko naman si Nicole na papunta palang dun para kumain na din ng umagahan.
"Oh..James.. Ang aga mong kumain ng almusal ah" pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay napangiti nalang din sa kanya.
"May training kasi ako ngayon eh kaya mas minabuti ko na gumising ngayon ng umaga para makapag-sanay pa kahit konti" sabi ko kay Nicole at sabay natawa siya.
"Hindi ka naman siguro excited sa lagay na yan ah, mamayang hapon pa kaya ang training. Siguro mga 1:30 pa naman" nagulat naman ako sa sinabi niya, matagal pa naman pala yung training ko eh.
"Ah ganun ba, sige mauna nako" sagot ko naman kay Nicole kaya nagpatuloy na si Nicole sa pagpasok sa cafeteria para kumain.
Agad naman akong dumiretso sa may Weapon area kasi gusto ko pang malaman ang lahat ng naimbento ni Rebecca.
Dumiretso na kaagad ako sa Building B at nung nakapasok na ko ay agad ko namang nilagpasan ang Training Area para makarating sa Weapon Area at dun ko naman nakasalubong si Rebecca at si Lucas.
"Good morning Rebecca" pangiti ko namang sinabi sa kanya kaya napangiti na din siya sakin habang si Lucas naman ay busy sa pagtingin ng mga weapons.
"Anong meron? Bakit ka napadalaw dito?" Tanong naman kaagad ni Rebecca sakin habang ako naman ay nagtaka sa tanong niya.
"Wala lang gusto lang kitang bisitahin habang naisipan ko na ring tumingin ng mga weapons, bakit ayaw mo bang dumalaw ako sayo?" Tanong ko naman agad sa kanya at sabay napangiti siya.
"Ano ka ba James. Ang bilis mong magtampo" sabay medyo natawa siya habang hinahampas niya ko sa may likod.
"Sige pumasok ka na, salamat nga pala sa pagbisita mo sakin" sabay ngumiti siya habang ako naman ay pumasok na kaagad sa loob ng weapon Area.
Nung nakapasok nako ay agad ko namang napansin yung parang pistol dun sa may gilid ng entrance kaya napatanong na agad ako.
"Anong nagagawa nito?" Tanong ko kay Rebecca kaya agad naman siyang lumapit sakin.
"Ah ito.. Kagaya lang siya ng isang pistol sa mundo niyo,kaso ang pinagkaiba lang nito ay hindi ito lumilikha ng kahit anong ingay sa tuwing gagamitin mo siya at ang maganda pa dito, umaabot ng 1.5 km ang pag-travel ng bala nito horizontally." Namangha naman ako sa sinabi niya kaya napangiti ulit si Rebecca sakin.
"Ang galing naman nun" pangiti kong sinabi sa kanya sabay bigla ko namang napansin yung knife na nasa tabi ng pistol.
"Ito.. Ano namang nagagawa nito" tanong ko kay Rebecca habang nakaturo ako sa may knife.
"Ah yan.. Matatawag mo yan na pinakadeadly sa lahat ng kutsilyo na makikita mo. Bukod sa matalim na dulo niyan ay may lason ang bawat atoms niyan kaya kapag nahiwa mo yung kaaway mo gamit niyan, sigurado na patay na yun dahil sa poison ng kutsilyo na yan" napangiti nalang ako sa sinabi niya, grabe ang angas naman nito. Pero kung meron nito sa mundo namin, sigurado ako na laganap na ang pagpatay samin.
Napatigil naman ako sa pagtingin ng mga weapons at bigla nalang pumasok sa isip ko na kailangan ko ng umalis para makabalik sa kwarto ko.
Umalis kaagad ako ng building B at dumiretso na ako kaagad sa building kung saan matatagpuan ang kwarto ko.
Nung nakarating na ako sa hallway kung saan malapit na ang kwarto ko ay bigla ko namang nakasalubong si Max na may dala-dalang lampara at napangiti siya ng nakita niya ako
"Ikaw pala James, tara samahan mo ako sa Basement" pakiusap ni Max sakin at bigla naman akong ginanahan na sumama sa kanya kasi hindi ko pa napupuntahan yung lugar na yun.
"Sige ba, gaano ba kalayo yung basement dito?" Tanong ko naman kaagad sa kanya.
"Malapit lang, matatagpuan din yung basement dito sa building na 'to kaya hindi na natin kailangang lumabas ng building" sagot niya naman kaagad sakin sabay hinila niya na din ako pababa sa ground floor ng building.
Nung nakarating na kami sa basement ay tsaka ko lang nalaman na wala palang ilaw sa basement kaya pala may dalang lampara si Max.
"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko naman sa kanya kaya napatigil kami sa paglalakad.
"Pinapakuha kasi ni Lucas yung shovel na kadalasang ginagamit sa panghukay ng lupa dito sa Academy.
Si Rebecca kasi ang nag-imbento nun at sabi nila na kaya nitong pagaanin ang mga lupa na hinuhukay mo kaya siguradong hindi ka mapapagod kapag gamit mo yun" namangha na naman ako sa mga sinabi ni Max.
Hindi naman nagtagal ay nakita na namin ang mga shovel na nakalagay sa pinakasulok ng basement.
"Wow marami palang ginawa na shovel si Miss Rebecca" sabi ko naman kay Max habang nakatingin ako sa mga ito.
Napansin ko naman na nakaayos sa isang lagayan ang lahat ng shovel at ang lahat ng ito ay malinis at wala man lang bakas ng lupa kaya parang brand new palang ang mga shovel na yun pero ang totoo ay matagal na palang ginagamit 'tong mga shovel.
"Syempre naman, hindi naman pwedeng isa lang ang pang hukay sa Academy na ito, paano namin mapapabilis ang mga trabaho" pangiti niyang sinabi saakin habang kumukuha siya ng isang shovel.
"Tara na pabalik sa may labasan ng building, inaantay na din kasi ako ni Lucas sa may Cafeteria eh." Sumang-ayon nalang ako sa kanya kaya agad kaming bumalik sa may entrance ng building
Nung nakarating na kami sa may Entrance ng building ay agad namang nagpaalam si Max sakin para mabigay na niya kay Lucas yung shovel.
Bigla naman akong napalingon sa may relo ko at mga 9:00 na din pala ng umaga. Naisipan ko na ulit na bumalik sa kwarto ko para kunin yung espada ko at tsaka para maayos ko na din yung mga gamit ko na nasa kama.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa kwarto ko at nung papasok na ako ay napansin ko naman si Jessica na pumasok dun sa may pangatlong kwarto na halos katapat lang ng kwarto ko.
Dun kaya yung kwarto ni Jessica, hindi ko namalayan na magkalapit lang pala kami ng kwarto.
Matapos yun ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at dumiretso na ako sa loob ng kwarto para kunin yung espada ko at para maayos ko na din yung mga gamit ko.
Bigla ko namang napansin yung binigay ni Jessica sakin na bracelet habang nagliligpit ako ng lamesa ko.
Bigla naman akong napaisip, bakit kaya binigay sakin ni Jessica yung bracelet na yun na pwede kong gamitin para makabalik sa mundo ko.
Hindi ba siya natatakot na baka umalis ako ng lugar nila at bumalik ako sa totoong mundo ko.
Ang dami kong tanong sa isip ko nung mga oras na yun kaya naisipan ko na puntahan si Jessica sa may kwarto niya para matanong ko kung bakit niya binigay sakin yun.
Pumunta na agad ako sa kwarto niya at sabay kumatok ako. At makalipas ang ilang segundo ay pumasok na ako kaya napalingon si Jessica sakin.
"Ikaw pala James, bakit ka naparito?" Tanong naman kaagad ni Jessica sakin sabay ngumiti siya habang ako naman ay lumapit sa kanya at umupo na din ako sa tabi niya sa may kama.
"Bakit mo sakin binigay 'tong bracelet mo?" Paseryoso kong tanong sa kanya habang siya naman ay napatingin sa may bracelet na pinakita ko sa kanya.
"Gusto ko lang kasi na malaman mo na malaya kang makakapili ng desisyon mo, hindi ka naman namin pinipilit na makipag sapalaran samin, kaya kung sakaling ayaw mo, okay lang naman na umalis ka na pabalik sa mundo niyo at mamuhay na ulit ng mapayapa, tatanggapin naman namin kahit ano man ang desisyon mo" paseryosong sagot ni Jessica sakin habang na halata ko naman sa mukha niya na parang naging malungkot siya.
"Kung iniisip mo na ayaw ko sa lugar na ito, nagkakamali ka. Hindi ako babalik sa mundo namin hanggat hindi ko nasisigurado na ligtas kayo, ayokong maraming mapahamak dito sa mundo niyo dahil sakin kaya kajit gaano pa kahirap ang kalaban natin ay hindi ako susuko para na din sa kapakanan ng mga tao dito sa Academy" sabi ko naman sa kanya habang nakahawak ako sa balikat niya kaya napalingon siya sakin at tumulo nalang bigla ang luha niya.
"Salamat James, isa kang mabuting tao tunay nga na hindi kami nagkamali sa pagpili sayo" sabi niya sakin habang umiiyak siya at bigla nalang siyang napayakap sakin.
"Huwag ka ng umiyak Jessica, dapat masaya lang tayo" bulong ko naman sa kanya kaya ngumiti siya sakin.
"Alam mo.. Sobrang saya ko kasi nakilala kita" pangiting sinabi ni Jessica sakin.
Bigla namang naputol yung usapan namin ng biglang sumulpot si Nicole sa kwarto ni Jessica at sabay ngumiti ito saming dalawa.
"Ay! sorry kung nagambala ko kayo James,pero pinapatawag ka ni Enzo sa may building B sa training area" mahinahon na sinabi ni Nicole sakin kaya tumayo nakaagad ako at sabay nag paalam na din ako kay Jessica para sumama kay Nicole.
Nung habang naglalakad kami ni Nicole papunta sa building B ay bigla naman akong na curious kay Nicole kasi nakangiti lang siya sakin habang nasa daan.
"Bakit ka nakangiti sakin?" Tanong ko kay Nicole kaya napalingon siya sakin at sabay ngumiti ulit.
"Kailangan pa bang tanungin yan? Halata naman na may namumuo sa inyong dalawa ni Jessica eh" pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay nagulat sa sinabi niya.
"Walang namumuo saming dalawa" sagot ko naman agad sa kanya sabay bigla naman siyang natawa.
"Sus,alam ko na yang mga ganyang ugali ng lalaki kaya huwag mo ng itago pa sakin" pangiti niyang sinabi sakin habang nakatingin siya sa daan.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya nung mga oras na yun, pero buti nalang at nakarating na kami sa may building B at sabay nakasalubong na agad namin si Enzo kaya dun na natigil yung usapan namin ni Nicole.
"Andyan ka na pala James, nakakain ka na ba ng tanghalian?" Tanong naman agad ni Enzo sakin habang si Nicole naman ay umalis na agad papunta sa Building A kung nasaan yung Library.
"Hindi pa" sagot ko naman kay Enzo kaya niyaya niya na din akong kumain bago magsimula ang Training ko sa Building B.
Pumunta na kami ni Enzo sa may cafeteria at umupo na din kami sa may isang table habang inaantay namin yung pagkain namin.
Medyo matahimik nung time na yun kaya naisipan ko na magtanong kay Enzo tungkol sa lahat ng nabasa ko sa library.
"Enzo totoo ba na wala pang nakakagawa na ma-master ang lahat ng elemento?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.
"Oo wala pa , maski yung pinuno namin na namatay na ay hindi niya pa kumpleto ang mga elemento" sagot naman kaagad ni Enzo sakin kaya napaisip naman ako.
Bigla namang dumating yung mga pagkain namin kaya tumigil na kami sa pag-uusap at sinimulan na naming kumain.
Nung nasa kalagitnaan na kami ng kain ay napatingin naman ako sa relo ko at mga 12:36 na din pala ng hapon.
Bigla nalang akong kinabahan nung nalaman ko yung oras, malapit na pala kaming maglaban ni Zero.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami ni Enzo tsaka naglakad na kami papunta sa Building B kung nasaan yung training area.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong sakin ni Enzo habang nasa daan kami papuntang Building B.
"Medyo" sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa may daan.
"Huwag kang kabahan, hindi ka naman namin paparusahan kung sakaling magkamali ka eh, normal lang sa isang tao ang magkamali, kaya kung magkakamali ka man sa laban ay tutulungan ka lang namin na mabago sa pagkakamali mo. Kaya kami nag papatraining ay para malaman namin kung saan ka mahusay at kung saan ka mahina at tutulungan ka namin na i enhance pa yung skills mo."nasiyahan naman ako dun sa sinabi sakin ni Enzo kaya medyo nawala na yung kaba ko.
Nung nakarating na kami sa may Training Area ay bumalik na naman yung kaba ko dahil sa dami ni estudyante na manonood sakin.
Pumunta na kami sa pinakagitna ng Area at kitang-kita ko na pinag-uusapan ako ng mga estudyante nung mga oras na yun.
Bigla naman akong napalingon sa may harap ng Training Area at dun ko nakita sila Rebecca at si Enzo, may kasama pa silang isang lalaki at babae na hindi ko pa nakikilala kaya kinabahan na naman ako.
" are you ready, James?" Bigla naman akong napalingon sa may kanan ko nung narinig ko yung boses na yun at dun ko nakita si Zero na handa na palang makipaglaban sakin.
Huminga muna ako ng malalim at sabay tumingin ako ng paseryoso kay Zero kaya bigla nalang siyang ngumiti.
"Oo handa na ako Zero" paseryoso kong sinagot sa tanong niya kaya tumahimik na ang lahat ng estudyante. Makalipas ang halos isang minuto na tinginan namin ay bigla na lang sumugod si Zero sakin at nakita ko na nasa harap niya lang yung espada niya kaya hindi ko alam kung saang direksyon siya aatake.
Minabuti ko nalang na itaas ang espada ko para masalag ko yun kasi parang sa upper part siya aatake.
Nung medyo malapit na siya sakin ay bigla nalang siyang nagpadulas sa may lupa at tsaka tinisod niya ako gamit ang isa niyang paa kaya natumba ako.
Agad naman akong bumangon sabay tumingin agad ako sa kanya at nakita ko na papalapit na siya sakin.
Umatake siya sa may kaliwang bahagi ng katawan ko pero nasalag ko ito gamit ang espada ko.
Bigla niya naman akong sinipa sa tagiliran kaya tumilapon na naman ako sa hangin at sabay bumagsak sa sahig.
Grabe ang mga ikinikilos ngayon ni Zero, nagagawa niyang matamaan yung gusto niyang patamaan na part ng hindi man lang tumitingin.
Nung pagbangon ko naman ay nakita ko si Zero na nakatayo lang sa may harap ko at inaantay niya ang pagsugod ko sa kanya.
Nung nakatayo na ako ay bigla ko nalang naramdaman yung mga sakit ng tama ni Zero sa katawan ko.
Gusto kong bumawi sa kanya kaso hindi ko alam kung papano ko gagawin yun.
Agad naman akong sumugod kay Zero at nakita ko na naging seryoso na yung mukha niya.
Nung medyo malapit na ko sa kanya ay nagpakawala na agad ako ng isang atake gamit ang espada ko.
Nasalag naman agad ni Zero yung atake ko at sabay nagpakawala siya ng isang suntok sa mukha ko na siya namang nagpatalsik ulit sakin.
Halos hindi na ako makabangon nung mga oras na yun, nakita ko naman si Zero na nakatingin lang sakin habang narinig ko naman si Enzo na nagsasalita.
"Siguro dito na nagtatapos ang pagsasanay natin, maaari ka ng--" napatigil naman si Enzo sa pagsasalita ng marinig niya ang sigaw ko.
"Hindi pa tapos ang pagsasanay na 'to" pasigaw kong sinabi kaya natahimik naman ang lahat.
"Pero James hindi mo na makakaya pang lumaban sa lagay na yan" pag aalala sakin ni Rebecca habang ako naman ay nakatayo na at napatingin ako kay Zero.
"Kaya ko pa, ipagpatuloy na natin ang pagsasanay Zero" paseryoso kong sinabi sa kanila habang naging seryoso ang tingin ko kay Zero na may halong pagkagalit.
"Lets go" sagot naman ni Zero sakin sabay bigla na siyang sumugod palapit sakin kaya naghanda na ako.
Pano ko magagawang basahin kong anong nasa isip niya, kung ako siya mas pipiliin ko na umatake ng espada pakaliwa dahil sa posisyon ko ngayon.
Bigla naman akong umilag pa kanan at nagulat ako ng sa kaliwa nga umatake si Zero at sabay napatingin siya sa mata ko.
Agad naman siyang umatake ng espada sa upper body ko kaya mabilis kong sinalag yun.
Kung ako siya ano ang gagawin ko para matamaan ko ang posisyon ko ngayon, magpapakawala ako ng isang sipa sa tagiliran at sabay patutumbahin ko ang kalaban.
Bigla namang nagpakawala ng isang malakas na sipa si Zero at madali ko lang na nailagan yun.
Bigla namang nagulat ang expressions ni Zero habang nakatingin siya sakin.
Nung nawala na siya sa posisyon ng pag defensa niya ay agad akong nagpakawala ng isang malakas na sipa sa tuhod niya na siyang nagpadapa kay Zero at mabilis ko siyang sinipa sa tagiliran niya kaya natumba si Zero sa sahig.
Bigla naman akong napatingin sa mga estudyante na humahanga sakin nung napatumba ko si Zero.
Agad namang bumangon si Zero at sabay ngumiti siya sakin.
"Your strong James , I didn't expect that you can do that" pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay seryoso pa ding nakatingin sa kanya.
"Okay, dito na nagtatapos ang pagsasanay na ito, magaling ang ipinakita niyong dalawa" pangiting sinabi ni Enzo saming dalawa kaya nag uwian na ang ibang estudyante na nanonood samin.
Nakahinga na ako ng maluwag nung nalaman ko na tapos na yung training ko kahit na masakit pa din yung katawan ko.
Agad namang lumapit si Zero sakin at humawak siya sa balikat ko habang nakangiti siya kahit na nasaktan ko siya kanina.
"You know, Your the only person here who can knock me down in a duel, I'm so thankful that I've met a brave person like you." Pangiti niya saking sinabi kaya napangiti na din ako.
"Salamat nga pala at tinuruan mo ako kung papaano lumaban, hindi ko magagawang makipag-sabayan sayo kung hindi mo ako tinuruan" pangiti kong sinabi sa kanya habang siya naman ay tumalikod na sakin para umalis na sa building.
"Sandali lang, may tanong ako sayo, galing ka din ba sa mundo ko?" Napatigil naman siya sa sinabi ko.
"Oo , humigit apat na taon na bago ko nalaman ang tungkol sa lugar na ito, pero galing din ako sa mundo ng mga tao, hindi na dapat ako babalik dun sa mundo natin kaso kinailangan ka naming bantayan ni Jessica yun yung dahilan kung bakit mo ako nakita doon sa may kainan" pangiti niyang sinabi sakin sabay nagpatuloy na siya ulit sa paglalakad habang ako naman ay nasiyahan sa nalaman ko.
Bigla naman akong tinawag ni Jessica kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko na tumatakbo siya papunta sakin.
"Ang galing ng ginawa mo kanina ah, nagawa mong pabagsakin yung pinakamahusay sa paggamit ng weapons dito sa Academy"nagulat naman ako sa mga sinabi niya.
Teka lang, ibigsabihin si Zero yung pinakamahusay na gumamit ng mga kagamitan dito, at nagawa ko siyang pabagsakin.grabe hindi ako makapaniwala sa nagawa ko.
Bigla ko naman ulit naramdaman yung sakit ng katawan ko at napansin yun ni Jessica kaya inalalayan niya ako sa paglalakad.
" malubha na yang mga pasa mo, halika at ihahatid na kita sa kwarto mo para makapag-pahinga ka na" pag aalala ni Jessica sakin.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa building kung saan matatagpuan ang kwarto ko.
Nung nakarating na kami sa kwarto ko ay agad naman akong humiga at nakaramdam na ako ng antok.
"Napahanga mo ako James, sa simula palang na nagkita tayo" pangiti niyang binulong sakin habang ako naman ay walang imik dahil sa sobrang pagod.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinalikan sa may pisngi kaya napatingin naman ako kanya at nakita ko siya na nakangiti lang sakin at sabay umalis na din siya kaagad.
Nung umalis na si Jessica ay agad naman akong nakatulog at makalipas ang ilang oras ay nagising na ako.
Pagbangon ko naman ay wala na akong nararamdaman na sakit ng katawan tsaka ko lang napansin na may nakapulupot na ng tela yung mga pasa at sugat ko.
Bigla naman akong napalingon sa may orasan at mga 4:20 palang pala ng hapon at ilang oras lang din pala ako natulog.
Nagulat namam ako ng may bumukas ng pinto ng kwarto ko at si Isabel lang pala yung papasok.
"Gising ka na pala, inaantay ka na ni Jessica sa may labas ng building, oo nga pala, gusto ko nga palang malaman mo na si Jessica ang naglinis ng mga sugat mo kanina" pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay napatingin sa mga sugat ko.
"Ang kulit nga ni Jessica eh, ako dapat ang maglilinis ng sugat mo kaso mapilit siya kaya hinayaan ko nalang siya na linisin yung sugat mo" patawang sinabi ni Isabel sakin habang ako naman ay napaisip.
Grabe sobrang maalagain ni Jessica, ngayon lang ako nagkaroon ng interesado sa isang babae. Iba kasi ang ugali niya ipagkumpara mo sa mga babae sa mundo ko.
"Ginawa niya yun para sakin" bulong ko naman sa sarili ko habang si Isabel naman ay umalis na ng kwarto.
Tumayo na agad ako at nagbihis na din ako ng damit na binigay sakin ni Jessica pagkatapos nun ay agad na akong bumaba papunta sa may ground ng Academy para makita si Jessica.
"James, tara na andun na si Jessica sa may cafeteria" napalingon naman ako sa may kanan ko ng narinig ko yun at nakita ko kaagad si Nicole at si Max.
Dumiretso na kaagad kami sa may cafeteria at nung nakaratimg na kami ay nakita ko naman si Jessica na nag-aantay na sakin.
"Jessica.. Andito na si James, gising na siya" pasigaw na sinabi ni Nicole kay Jessica kaya napalingon siya samin at ngumiti siya ng nakita na niya na maayos na yung pakiramdam ko.
Nung magkakasama na kami ay agad naman kaming pumasok sa Cafeteria para kumain.
Nung nakaupo na kami sa may isang lamesa ay agad namang kumuha ng pagkain si Max para samin.
Sabay sabay kaming kumain nung time na yun at nung nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay bigla namang nagsimula ng usapan si Max.
"Grabe yung training mo kanina James ah, napatumba mo si Zero" pangiti sinabi ni Max sakin at parang manghang-mangha siya.
"Pinagbigyan lang ako siguro ni Zero" sabi ko naman sa kanila habang patuloy kaming kumakain.
"Hindi naman ganun si Zero, seryoso siya sa pakikipag laban lalo na kapag sa pagsasanay, kasi ayaw niya na napapahiya siya" dagdag naman ni Nicole sa usapan namin.
"Sabagay tama ka nga Nicole" sang-ayon naman si Max sa sinabi ni Nicole.
Napansin ko naman na parang ang tahimik ni Jessica nung mga oras na yun kaya naisipan ko na kausapin siya.
"Salamat nga pala sa pagpapagaling ng sugat ko Jessica" napatigil naman sa pagkain si Jessica sabay tumingin siya sakin at tsaka ngumiti.
"Wala yun, huwag mo ng isipan yun" pangiti niyang sinabi sakin at nagpatuloy na ulit siya sa pagkain.
Nakita ko naman si Nicole na nakangiti lang siya saming dalawa ni Jessica.
Hindi naman nagtagal ay tapos na kaming kumain pero napag-usapan nila Nicole na tumambay muna dun hanggang mag gabi pero napag isipan ko na magpahangin muna sa may labas.
"Magpapahangin lang ako sa labas, kung okay lang sa inyo" pakiusap ko naman sa kanila at pumayag naman sila.
"Gusto mo bang sumama sakin Jessica?" Tanong ko naman kay Jessica kaya parang nabuhayan siya at pumayag naman siya na sumama sakin.
Sabay na kaming lumabas ng cafeteria ni Jessica at umupo kami sa may pinakagitna ng ground sa labas ng Academy.
Nung nakaupo na kami ni Jessica ay bigla naman kaming natahimik at nakatingin lang kami sa mga estudyante na masayang naninirahan sa Academy.
Napalingon din ako sa araw na papalubog na, grabe napakagandang pagmasdan nung sunset mula sa pwesto namin.
"Ang gandang pagmasdan ng paglubog
ng araw mula dito" pangiti kong sinabi kay Jessica kaya lumingon siya sakin at sabay ngumiti.
"Ang ganda nga, pati na din yung mga estudyante dito sa Academy, hindi ko alam kung hanggang kailan nalang magiging ganito kapayapa sa Academy" malungkot na sabi ni Jessica sakin kaya napahawak naman ako sa balikat niya para suportahan siya.
"Huwag kang mag-alala kasi kahit anong mangyari mangingibabaw pa din ang kapayapaan ng Academy kahit gaano pa kalakas ang makakalaban natin." Pag papalakas ko ng loob kay Jessica kaya napayakap siya sakin.
"May gusto akong ipaalam sayo" pangiti niyang sinabi sakin kaya na curious naman ako sa sasabihin niya.
"Ano yung gusto mong ipaalam sakin?" Tanong ko naman kaagad sa kanya.
"Ano kasi, ang totoo kasi ay--" naputol nalang yung sasabihin niya ng may narinig kami na pagputok ng baril at may tumumba nalang bigla na isang babaeng elementalist.
Nabalot naman ng takot ang ibang elementalist kaya nagsi-takbuhan silang lahat habang yung iba naman ay lumapit dun sa may babae na tumumba.
"Anong nangyari?" Tanong naman ni Nicole samin habang halata sa mukha niya na natatakot siya.
"Hindi ko alam, tara lapitan natin yung babae" paseryoso ko namang sinabi sa kanila.
Nung lumapit kami dun sa may babae ay bigla nalang nabalot sa takot ang bawat isa saamin dahil sa nakita namin.
"P-patay na siya, may tama siya sa puso" sabi ko sa kanila na may halong kaba at takot habang sila Max naman ay walang imik dahil sa nakita nila.
Hindi naman nagtagal ay dumating na sila Rebecca para tingnan yung bangkay ng babae.
Matapos ang ilang oras na pag tingin nila sa bangkay ng babae ay nabalot naman ng takot ang mukha ni Rebecca habang dahan-dahan siyang tumayo sa harap namin.
"Ano pong nangyari sa kanya?" Tanong ko naman kay Rebecca ma halos mamutla na sa sobrang takot.
"Ang bala na tumama sa babae na ito ay--" napatigil nalang siya sa pagsasalita at sabay lumingon siya sa may babae.
"Ano po yung tumama sa kanya?" Tanong naman ni Nicole kay Rebecca.
"Ang bala na tumama sa kanya ay ang bala ng sniper na inimbento ko" nagulat naman kami sa sinabi niya na may halong takot.
Agad namang akong tumakbo papunta sa Building B at sumunod sakin sila Rebecca.
Pagpasok ko sa building B ay agad akong dumiretso sa Weapon Area para tingnan kung andun pa yung sniper na ginawa ni Rebeccca.
At nagulat naman kami sa nakita namin sa loob ng Weapon Area.
"W-wala na yung sniper dito" sabi ko sa kanila at bigla nalang akong nakaramdam ng matinding takot.
Ito na ba yung matagal ko ng iniisip na baka mangyari.
Totoo kayang natagpuan na ng mga kalaban ang lugar na ito.
Pero ang sabi ni Lucas ay hindi naman sila gagawa ng kahit anong kilos kung hindi nila kami kaya.
Pero bakit parang kumikilos na sila, isa lang ang ibigsabihin nito,
Isa na itong senyas na kaya na kami ng mga kalaban.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top