Chapter 4 : First Training pt.1
Pagkatapos namang makaalis ni Zero sa building B ay agad na rin akong umalis dun sabay napatingin nalang ako sa relo ko at mga 11:38 na ng gabi, grabe tumagal ako ng ilang oras dun sa pagsasanay namin ni Zero.
Matapos kong malaman ang oras ay nakaramdam na ako ng antok kaya mabilis naman akong bumalik sa kwarto ko, buti nalang at hindi uso ang curfew dito sa mundo nila.
Matapos ang humigit na sampung minuto ay sa wakas nakarating na din ako sa kwarto ko kaya nakahiga na ako sa kama ko.
Matutulog na sana ako ng bigla kong naalala yung matandang lalaki na nakita ko sa bahay namin.
Sabay naalala ko na din yung gemstone na binigay sakin ng lalaki na yun nung isang gabi.
Di kaya isa rin siya sa mga taga dito sa academy. Hindi naman natin masasabi yun kung wala tayong patunay na tagadito nga siya sa Elemental Academy.
Buti nalang at dala ko yung gemstone na binigay sakin, baka kasi kailanganin yun dito sa lugar na 'to, baka sakaling tagadito nga yung tinutukoy ko na nagbigay nung gemstone.
Itinago ko nalang sa may ilalim ng kama yung gemstone para walang makakita at tsaka ako humiga sa kama at hindi naman nagtagal ay nakatulog na din ako.
Makalipas ang ilang oras ay bigla nalang akong nagising ng madaling araw kaya napalingon naman ako sa relo ko at mga 4:30 palang naman ng umaga pero mas minabuti ko ng hindi na bumalik sa kama para matulog kasi baka kung anong oras na ko magising kapag natulog ulit ako.
Naisipan ko naman bigla na sumilip sa may bintana ng kwarto ko at magpahangin na din kahit papano.sabay nakita ko naman si Jessica sa labas ng Building at nakaupo lang siya sa may isang puno na tanaw naman mula sa kwarto ko kaya naisipan ko na din na pumunta kay Jessica para makausap ko naman siya.
Pagkalabas ko palang ng building ay agad na akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin.
Ang tahimik nung mga oras na yun kaya halos dahan-dahan lang akong naglalakad sa labas.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako kay Jessica at nakita ko na nakatingin lang siya sa mga bituin sa langit kaya naisipan ko na tanungin siya.
"Madaling araw palang ah, bakit gising ka na Jessica?" Tanong ko naman kaagad sa kanya kaya napalingon siya sakin.
"Wala lang, hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko na tumambay muna dito" sagot naman agad ni Jessica sakin kaya napaupo nalang ako sa tabi niya.
Bigla naman akong inubo sa sobrang lamig at napansin ni Jessica yun kaya tinanong niya ako.
"Bakit pa kasi kailangan mo akong samahan dito eh, inuubo ka na tuloy" pag-aalala sakin ni Jessica habang ako naman ay inuubo na.
Bigla niya naman akong niyakap at sabay nakaramdam nalang ako ng init mula sa katawan ni Jessica, kaya napagaan nalang yung pakiramdam ko nung pagkatapos niya akong yakapin.
"Anong ginawa mo? Pano--?" Naputol nalang yung mga katanungan ko ng pinatahimik niya ako at sabay bigla siyang tumayo kaya napatayo na din ako.
"Dahil Apoy ang elemento na kaya kong kontrolin kaya nagawa kong painitin ang sarili ko para mabigyan kita ng init para mawala na yang lamig sa katawan mo" namangha nalang ako sa sinabi niya, buti pa siya kaya niya ng kumontrol ng isang elemento samantalang ako ay wala pa kahit isa.
"Gusto mo bang sumama sakin sa library?" Tanong ko naman kaagad sa kanya at pumayag siya kaya mabilis kaming dumiretso doon.
Pagtapos naming mag-usap ni Jessica ay sabay kaming naglakad papunta sa building A kung saan matatagpuan ang Library ng Academy.
Nung papasok na kami sa Library ay bigla ko namang naalala yung tungkol sa mga kulay tungkol sa pagma-master ng isang element kaya hindi ko naman napilitang itanong yun kay Jessica.
"Jessica, alam mo ba kung saan makikita ang mga simbolo ng mga kulay tungkol sa pagkokontrol ng mga elemento?" Napalingon naman agad sakin si Jessica ng tanungin ko siya at sabay ngumiti naman siya kaya alam ko na may alam siya tungkol dun sa tinatanong ko.
"Oo, makikita mo yun sa may palad ng isang elementalist at lumalabas yun sa tuwing ginagamit nila yung elemento nila o kaya naman ay kung gusto lang nila ipakita" pangiti niyang sinabi sakin habang pinakita niya yung palad niya.
Nagulat naman ako at nagkulay green yung sa kanya sabay nagkaroon nalang bigla ng apoy mula sa kamay niya kaya namangha na naman ako.
"Ganun pala yun, pero ang galing kasi nasa pangatlong stage ka na ng pagma-master ng elemento mo kaya binabati kita" natuwa naman si Jessica sa sinabi ko at pagkatapos nun ay napalingon na kaming dalawa sa may daan.
Nung nakarating na kami sa may library ay agad naman akong kumuha ng isang libro na gusto kong basahin habang si Jessica naman ay kumuha na rin ng sa kanya.
Habang nagbabasa ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa library at nagulat naman ako ng nagising na ako sa kwarto ko at nakita ko naman si Jessica na natutulog sa may lamesa ko.
Napatingin naman ako sa relo ko at mga 10:20 na ng tanghali at sabay may bigla nalang pumasok sa kwarto ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Good morning, ako nga pala yung naghatid sa inyo dito nung nakatulog na kayo sa library, isa kasi ako sa mga nagbabantay sa library eh kaya napansin ko kaagad kayo." Sabi niya sakin sabay napatayo na ako mula sa pagkakahiga at sabay nag-ayos ng hinigaan ko.
"Salamat nga pala at hinatid mo kami dito sa kwarto ah, pero pano mo nagawa na ihatid kaming dalawa?" Tanong ko naman agad sa kanya sabay napangiti nalang yung lalaki sakin.
"Ay nakalimutan ko palang sabihin sayo na kaya kong kumontrol ng hangin, inutusan ko nalang yung hangin na buhatin kayo kasi nakakapagod naman kung bubuhatin ko pa kayo hahaha" natawa naman siya sa sinabi niya sakin habang ako naman ay namangha sa sinabi niya.
"Nakaya kami ng hangin?" Tanong ko ulit sa kanya kaya napatingin siya sakin ulit.
"Nothings Impossible if you just believed in your power" sabi niya sakin sabay bigla nalang nagising si Jessica kaya naputol na yung usapan namin pero bago siya umalis ay may tinanong pa ako sa kanya.
"Ano palang pangalan mo?" Napatigil naman sa pag-alis yung lalaki ng marinig niya ako.
"Ako pala si Lucas, nice to meet you James" sabay dumiretso na siya ng alis pagkatapos niyang sabihin yun.
Nakita ko naman na nagkulay Green yung palad ni Lucas kaya mas lalo naman akong humanga sa kanya.
"Anong oras na pala, gusto mong kumain sa cafeteria?" Napalingon naman ako kay Jessica ng tinanong niya ako.
"Sige ba, gusto ko na din kasing makaranas kumain dun" sagot ko naman kay Jessica kaya agad naman kaming nag-ayos at sabay umalis na kami ng kwarto ko.
Agad naman kaming dumiretso sa Building C kung saan matatagpuan ang cafeteria at agad naman kaming umupo sa may isang table malapit sa may pinto palabas.
Napalingon naman kaming dalawa ni Jessica ng biglang may tumawag sa pangalan ko at nakita ko naman si Nicole na palapit na samin.
Niyaya na din namin siyang kumain kaya tumabi na siya samin at nung nakaupo na siya ay napatingin siya sakin sabay kay Jessica at ngumiti si Nicole kay Jessica na para bang nababasa niya yung iniisip namin.
"Ikaw Jessica ah, kaya pala " pangiting sinabi ni Nicole kay Jessica kaya medyo kinabahan yung naging expressions niya.
"Huwag ngayon Nicole" sabi ni Jessica kay Nicole at halata sa mukha ni Jessica na parang naiinis siya kay Nicole.
"Ay sorry po, hayaan mo akong bahala" pangiting sinabi ni Nicole kay Jessica sabay napalingon siya sakin kaya minabuti ko na huwag munang mag-isip ng kung ano-anong bagay.
"Look, kahit na nakakabasa ako ng mga isip niyo ay mapagka-katiwalaan niyo naman ako na hindi ko yun ipapagkalat" pangiti saking sinabi ni Nicole sabay dumating na yung mga order namin kaya natahimik na kami at sabay kaming kumain tatlo.
Nung nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay nagsimula na ulit ng usapan si Nicole.
"Tigilan mo na nga si Jessica, kanina kapa sabi ng sabi ng cute sa kanya!" Patawa naman sabi ni Nicole kaya nagulat ako kasi nababasa niya nga pala yung iniisip ko.
Napangiti naman si Jessica sakin kaya medyo nahiya naman ako sa kanila kasi nakatingin lang sila sakin habang nakangiti.
"Bakit masama bang pumuri ng kapwa?" Tanong ko sa kanila sabay natawa nalang si Nicole sakin habang si Jessica naman ay nagpatuloy lang sa pagkain habang may palihim na pag-ngiti.
Nung nakatapos na kaming kumain ay agad namang dumating si Max sa loob ng cafeteria at halatang pagod na pagod siya.
"Andito ka lang pala, tara na James, hindi pa ko tapos sa paglilibot sayo dito sa Academy" pangiti niyang sinabi sakin sabay napalingon siya kay Nicole at sabay ngumiti siya kay Nicole.
"Ikaw Max ah, hindi ka talaga nagbabago, baliw ka pa din" pagalit na sinabi ni Nicole kay Max kaya nagulat naman si Max.
"Bakit masama bang isipin na nagki-kiss tayo hahaha" napatawa nalang bigla si Max sa sinabi niya pero napalitan naman kaagad yun ng sakit ng bigla siyang piningot ni Nicole.
"Sinasadya mo talaga na isipin yun eh, sapat na sakin ang malaman ko na may gusto ka sakin pero kung puro ganun nalang ang iisipin mo araw-araw ay huwag ka ng umasa na magkakatuluyan tayo" pagalit na sinabi ni Nicole kay Max habang palakas ng palakas ang pagpingot niya kay Max.
"Oo na sorry na babe" patawang sinabi ni Max kahit na halata sa expressions niya na sakit na sakit na siya.
"Huwag mo kong matawag na babe ah, tandaan mo magkaibigan lang tayo" sabi naman ni Nicole habang halata sa mukha niya na naaasar na siya kay Max.
"Sige na maiwan ko na muna kayong dalawa dyan, tuturuan ko muna ng leksyon 'tong baliw na 'to" mahinahon na sabi ni Nicole samin sabay lumabas na siya habang hinihila niya sa Max palabas.
Natawa naman kaming dalawa ni Jessica sa ginawa nilang dalawa.
Kahit na ganun ang pagtrato nila sa isat-isa ay nangingibabaw pa din ang tamis ng samahan nila.
Natahimik naman si Jessica kaya nanibago ako sa kanya.
"Bakit parang ang tahimik mo? May nangyari bang masama?" Tanong ko naman kaagad sa kanya kaya napalingon siya sakin.
"Wala, may naaalala lang ako" sabay tumayo siya at sabay tumingin sa relo niya at sabay nagpaalam siya sakin kasi may pupuntahan pa daw siya.
Makalipas naman ang ilang minuto pagkaalis ni Jessica ay agad naman bumalik si Max sa cafeteria kaya napalingon ako sa kanya.
"Tara na James, bago pa ako maabutan ni Nicole dito" pangiti niyang sabi sakin habang kita ko na halos mamatay na siya sa mga pasa niya dahil kay Nicole.
Agad naman kaming umalis sa cafeteria at dumiretso kami sa isang pang building sa may dulo ng Academy.
"Welcome sa pinaka-cool na building sa Academy, ang Building D, dito mo matatagpuan ang holographic stadium" pangiti saking sinabi ni Max habang papasok palang kami sa may loob nung sinasabi niyang building.
Isa namang malawak na loob ang aming nakita pagpasok namin at nakakapagtaka kasi wala man lang kahit isang gamit dun maliban nalang sa isang parang holographic keyboard na nasa center ng Building.
"As you can see, parang isang boring lang na building ito pero nagkakamali ka." Sabay may pinindot siya sa keyboard matapos niyang sabihin yun ay nagulat naman ako ng bigla nalang nagbago yung lugar na kinakatayuan namin.
Naging Snowfield yung lugar namin at grabe umuulan ng snow at nakapalibot ang mga snow sa paligid na siya namang dahilan ng sobrang lamig na klima.
"Kaya ng building na 'to na lumikha ng kahit anong climate na gusto mo using hologram, alam ko na hologram lang siya pero kakaiba siya sa mga totoong hologram kasi kahit hologram lang lahat ng 'to ay totoo naman ang lahat ng makikita mo dito sa lugar." Sabay kumuha siya ng kapirasong yebe at binato niya yun sakin, kaya natuwa naman ako kasi ngayon lang ako nakaranas ng snow climate sa buong buhay ko.
"Totoo ngang pinakacool ang building na 'to, pero saan naman ginagamit 'tong building na 'to" tanong ko sa kanya kaya napangiti nalang siya sakin at sabay lumapit siya sa harapan ko.
"Ginagamit ito upang ma-enhance ang kaalaman ng mga elementalist" paseryoso niyang sinabi sakin habang ako naman ay napaisip sa mga sinabi niya.
Pagkatapos naman ng lahat ng yun ay agad naman kaming lumabas ng Building na yun at nakasalubong namin si Kevin sa may labas.
"Oh ikaw pala kevin, kamusta ang araw mo?" Tanong ni Max sa kanya habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila.
"Eto, sobrang bored nako, lagi nalang ganito ang takbo ng buhay ko, wala bang kalaban" paseryosong sabi ni Kevin samin sabay napangiti nalang si Max sa kanya kaya biglang lumingon si Kevin kay Max.
"Gusto mong mag-training tayo" pangiting sinabi ni Max kay Kevin kaya napapayag naman siya.
At ganun na nga ang nangyari, nag training silang dalawa sa paraan ng pakikipaglaban sa bawat isa at grabe tumagal din yun ng ilang oras bago sila napagod.
Wala namang nanalo sa kanilang dalawa kasi kung titingnan mo palang ay pantay na pantay ang lakas nilang dalawa sa pakikipag-laban at nakita ko naman na nagkulay green ang palad ni Kevin habang mas napahanga naman ako kay Max ng nakita ko na yellow palang yung sa kanya pero kaya niya ng makipagsabayan kay kevin.
"Ano humanga ka na naman sa baby ko hahaha" nagulat naman ako ng may bumulong sa likod at agad ko namang nakita si Nicole na nakangiti na sakin.
"Seryoso... May gusto ka din ba kay Max" paseryoso kong tanong sa kanya at nabuking naman siya sa tanong ko.
"Ahmm... Honestly... Yes" sabay ngumiti nalang siya sakin at bigla nalang naputol ang usapan namin nung lumapit na samin si Max at si Kevin.
"Ohh! Grabe anong oras na pala, malapit ng gumabi" pagulat naman na sabi ni Max samin habang nakatingin siya sa relo niya.
Napalingon na rin ako sa relo ko at grabe 5:43 na din pala ng hapon, pagabi na nga at wala pa akong nagagawa dito sa Academy.
"Sige mauna na kami sa inyo James" sabay agad namang umalis si Nicole at si Max habang ako naman ay napalingon kay Kevin.
"James, gusto ka palang makita ni Zero mamayang 7:00, sige mauna na rin ako" sabay agad din namang umalis si Kevin pagkatapos niyang sabihin yun.
Napag-isipan ko naman na kumain muna ng hapunan bago ako dumiretso sa may Training Area sa may Building B.pero bago ako dumiretso sa cafeteria ay dumaan muna ako sa kwarto ko kasi ngayon ko lang na realize na kailangan ko na palang maligo.xD
Pagkatapos ko namang maligo ay agad na akong dumiretso sa Cafeteria nung nakahanda na ang lahat ng kailangan ko.
Habang tumatakbo ako papunta sa isang Building kung nasan ang cafeteria ay napatigil naman ako sa pagtakbo at napalingon ako sa may mapunong part dun sa may ground ng Academy namin at sigurado ako na papunta na yun sa gubat na nakakaligaw.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba na para bang may nakatingin sakin nung mga oras na yun pero wala naman akong makita na anino ng tao dun sa gubat.
Kaya nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo papunta sa cafeteria at nakasalubong ko naman si Lucas dun.
"Tara sabay na tayong kumain" pangiti niyang sinabi sakin at pumayag naman ako kanya.
Nung habang kumakain na kami ay hindi ko naman napigilang magtanong kay Lucas tungkol dun sa gubat sa labas ng Academy.
"Delikado talaga diyan sa gubat, at ayon sa pagkakaalam ko ay marami ng kalaban ang nakakaalam ng location natin pero hindi lang sila nagbabalak na sumugod kasi alam nila na mas marami ang bilang natin kaysa sa kanila" paseryosong sinabi ni Lucas sakin habang ako naman ay napaisip.
"Alam mo kanina nung nasa ground ako, parang may nakatingin sakin mula dun sa may gubat" pabulong ko naman sa kanya at kita naman sa mukha ni Lucas ang pagkagulat.
"Baka nga tama ang hinala ko na nalaman na ng kalaban ang lugar natin, pero huwag tayong gagawa ng kahit anong kilos kung hindi pa natin napapatunayan" pabulong ni Lucas sakin habang ako naman ay umiinom ng tubig.
"Pero malakas talaga ang kutob ko na may nagmamasid satin dito sa Academy, at papatunayan ko yun" paseryoso ko namang sabi sa kanya kaya napaisip siya.
Hindi naman nagtagal ay sa wakas nakatapos na rin akong kumain at nagpahinga lang ako ng sandali ay sabay dumiretso na kaagad ako sa training area.
Napalingon naman ako sa relo ko habang tumatakbo at nakita ko na 7:03 na pala, late na ko ng tatlong minuto sa pagkikita namin ni Zero.
Nung pagpasok ko sa may building B ay agad naman akong dumiretso sa may Training Area at dun ko na nakasalubong si Zero na nakatayo lang habang nag-aantay sakin.
"Not so bad, I didn't expect that you'll come tonight, I thought you were busy" pangiting sinabi ni Zero sakin habang ako naman ay nagpapahinga dahil sa sobrang pagod kakatakbo.
"Lets continue our last meeting, I will teach you how to Fight your enemies" paseryosong sinabi ni Zero sakin kaya naging seryoso naman ako.
"Most of our Enemies are very sensitive, they can hear all the things around them as well as your breathing" napahanga naman ako sa mga nagagawa ng kalaban namin.
"So you must act Fast before it's too late, try to attack me with your sword, but do not take it so seriously because you might kill me" patawang sabi ni Zero sakin habang ako naman ay bumunot na ng espada sa likuran ko at hinarap kay Zero.
Agad naman akong sumugod at hinanda ko na ang espada ko para mapatama ito kay Zero pero agad niya naman itong nasalag.
Sabay nung nasalag niya na ay agad naman akong sumipa paibaba para mapatid si Zero kaso nakatalon naman kaagad siya kaya nagulat ako. Pano niya nalaman na sisipa ako mula sa baba.
"Try to not look from where you are supposed to attack, I see you looking at my foot so that gives me a signal that you will try to knock me down" namangha naman kaagad ako sa mga sinabi niya.
Nalaman niya na sisipain ko siya sa pamamagitan ng direksyon ng mata ko, wow ang angas talaga.
Bumalik naman kaagad ako sa pwesto ko at naghanda na ulit akong sumugod kay Zero.
Nung sumugod na ako kay Zero ay agad ko namang hinanda ulit yung espada ko sa kanya at agad din naman itong nasalag ni Zero.
Umikot naman ako kaagad para matulak ang espada niya ng espada ko at para mawala din ang tingin ni Zero sakin sabay nagpa-kawala naman ako ng isang sipa na siyang tumama sa tagiliran ni Zero kaya natumba siya at sabay tinutok ko sa kanya ang espada ko.
Agad niya naman akong tinisod kaya natumba din ako at ng paglingon ko sa kanya ay nakatayo na siya at nakatutok na din ang espada niya sakin.
"And another thing, Kill your enemy as quick as possible or else you'll end up dead" sabay tinulungan niya na akong bumangon mula sa pagkakatumba at napangiti siya sakin.
"Not bad James, you're getting the hang of it" pangiti niya namang sinabi sakin.
"Well thats all I can teach you for now, in the next time we meet, you are my opponent" nagulat naman ako sa sinabi niya, maglalaban kami sa training ko bukas?!.
"Think seriously tomorrow James, I'll be seeing you in your training" pangiti niyang sinabi sakin at agad naman siyang umalis habang ako naman ay napaisip lang sa mga sinabi niya.
Teka?! Kami ang magkalaban sa training ko, pero makakaya ko ba siya, eh siya nga ang nagturo lahat ng mga skills ko eh tapos siya pa ang napili na makakalaban ko.
"Magtiwala ka lang sa sarili mo James" napalingon naman ako sa nagsabi nun at nakita ko si Enzo na nakatingin sakin sabay ngumiti.
"Pinagdaanan naming lahat ang kalagayan mo at hindi naman kami nabigo, samakatuwid ay naging magagaling kami na elementalist" sabi sakin ni Enzo na para bang ini-inspired niya ko na magsikap sa pag-aaral kung pano maging isang tunay na elementalist.
"Pero inaasahan ko na mas malayo pa ang mararating mo kaysa samin Dahil ikaw ang chosen one" pangiti niya namang sinabi sakin na para bang pinapalakas niya yung loob ko.
Namangha naman ako nung pinakita niya yung palad niya at kulay blue yung kulay nun. Grabe nasa pang apat na siyang stage ng pagma-master ng elements.
"Ilan na po ang kaya mong kontrolin na elemento?" Tanong ko naman kaagad sa kanya habang siya naman ay naging seryoso.
"Sa totoo lang, tatlo lang ang kaya kong kontrolin na elemento, ang Fire, Wind, at ang Nature" pangiti niyang sinabi sakin at mas lalo naman akong namangha.
"Diba po mahirap makontrol ang mga powerful elements?" Tanong ko agad sa kanya at napangiti lang siya sakin.
"Oo, nakakalungkot nga kasi hindi ko kayang makontrol ang mga powerful elements" sabay nalungkot naman si Enzo habang ako naman ay napangiti.
"Anong pinagsasa-sabi mo? Buti ka pa nga eh, tatlo na ang kaya mong kontrolin, samantalang ako ay wala pa kahit isa" sabi ko naman kay Enzo habang siya naman ay nakasuporta lang sakin.
"Kaya mo yan, all you need is to wait until the day has come" pangiti niyang sabi sakin at sabay nagpaalam na ako sa kanya kasi na realize ko na 9:30 na pala ng gabi nung napalingon ako sa relo ko.
Agad naman akong dumiretso sa Kwarto ko at napahiga nalang ako sa sobrang pagod. Grabe bakit ba nararamdaman ko lang ang pagod kapag nasa kwarto na ko.
Bigla namang may kumatok sa kwarto ko at nakita ko na si Isabel lang pala.
"Ito pala yung pinapabigay ni Jessica sayo Sir." Sabay may inabot siya na bracelet sakin, tsaka ko lang na realize na yun pala yung bracelet na ginamit niya para makarating kami dito.
"Gusto ni Jessica na ikaw nalang ang gumamit niyan" pangiting sabi ni Isabel sakin habang ako naman ay nakatingin lang sa hawak ko na bracelet.
"Nga pala Sir, para saan po pala ang Gemstone na nasa ibaba ng kama niyo" nagulat naman ako sa sinabi niya, nakita niya na pala yung gemstone.
"Huwag kang maingay, kasi iniingatan ko yang gemstone na yan eh, pano mo pala nakita yung gemstone ko?" Tanong ko naman kaagad sa kanya at ngumiti lang siya sakin.
"Palagi po kasi ako naglilinis ng mga kwarto ng students kada 8:00 ng gabi kaya napansin ko na may gemstone pala sa may baba ng kama mo." Pangiting sinabi ni Isabel sakin habang ako naman ay nakatingin pa rin sa bracelet.
" ah ganun ba, hindi ko nga alam kung para san talaga 'tong gemstone na 'to eh" sabi ko naman kaagad sa kanya habang bigla naman akong napatayo.
"Sir wala na po ba kayong ipapautos sakin, aalis na po ako" agad naman na umalis si Isabel sa kwarto ko habang ako naman ay napalingon sa may Gemstone ko na nakapatong sa may lamesa at mabilis ko 'tong itinago sa may Ibaba ng drawer ko.
Pagkatapos naman nun ay bigla nalang akong napaisip kasi bakit ako binigyan ni Jessica ng Bracelet na pwedeng gamitin pabalik sa mundo namin, may special reason kaya siya kung bakit.
Nung napahiga na ako sa kama ay napalingon naman kaagad ako sa mag orasan sa kwarto ko at mga 10:01 na din ng gabi kaya napagisip-isip ko na matulog na.
Bigla naman akong kinabahan nung naalala ko na naman na kami pala ni Zero ang maglalaban bukas.
Papano ko kaya tatalunin si Zero, alam ko naman na hindi siya nagseryoso kanina sa training namin kaya nagawa ko siyang sipain sa tagiliran pero bukas ay inaasahan ko na magseseryoso talaga sa pakikipaglaban si Zero.
Sana nga at makapasa ako sa training ko bukas. Ako ang chosen one kaya dapat makaya ko si Zero.
Hindi na ako makapag-antay na makalaban ang tao na nagturo sakin kung papano lumaban.
Nakalimutan ko palang mag pasalamat kay Zero sa lahat ng tulong na ginawa niya sakin kahit alam niya na kami ang maglalaban at isa pa sa mga nakalimutan ko ang tanungin siya kung saan talaga siya nanggaling.
Bukas ko na nga lang iisipin ang lahat ng yun, kapag nakatulog na ako tsaka ko nalang iisipin ang lahat ng mga bagay-bagay.
Pero ang pinakamas-bumabagabag sakin ang pakiramdam ko sa ground kanina na para bang may nakatingin sakin.
Parang ang sama talaga ng pakiramdam ko nung time na yun kasi parang ang sama ng tingin nun sakin na para bang gustong-gusto niya akong patayin.
Sana nga gawa lang yun ng imahinasyon ko kasi kung hindi ay dapat ko na agad malaman kung sino yun.
Bago pa may mamatay samin....
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top