Chapter 3 : Welcome
Bigla nalang akong natahimik sa loob ng kwarto kung saan ako napunta habang yung babae naman na kumausap sakin ay nakatitig lang siya sakin.
"Nakalimutan ko palang magpakilala, ako nga pala si Rebecca at gusto kong malaman mo na inaantay ka na ni Jessica sa may labas" bigla naman akong ginanahan sa sinabi ng babae.
"Si Jessica? kasama ko siya sa pagpunta dito?" Patanong ko naman kay Rebecca.
"Oo, bakit hindi mo pa ba alam kung bakit ka andito?" Tanong naman sakin ni Rebecca kaya napatungo nalang ako at tumayo na din ako mula sa pagkakahiga.
Hinatid naman ako kaagad ni Rebecca palabas at nung nakalabas na ko ng kwarto ay namangha naman ako sa nakita ko.
Grabe ang laki ng bahay na 'to, parang nasa mansion ako, kung iisipin natin ay parang nasa isang academy nga talaga ako gaya ng sinabi ni Rebecca kanina lang.
Namangha naman ako sa lahat ng bagay na nakikita ko habang naglalakad kami sa hallway at marami din akong nakitang mga estudyante doon na nag-uusap.
At nung nakarating na kami sa parang center ng building na yun ay agad ko namang nakita si Jessica na nakatingin sakin sabay ngumiti siya kaya agad ko siyang pinuntahan.
"Kamusta na yung pakiramdam mo"
Tanong niya sakin at alam niya na sobrang nagulat ako sa lahat ng mga nangyari.
"Okay lang ako, asan ba talaga tayo?" Tanong ko naman sa kanya kaya napangiti nalang siya sakin.
"Andito tayo sa Elemental Academy kung saan dito nag-aaral ang mga estudyante na may kakayahang kumontrol ng ibat-ibang elemento, at kung iisipin mo, wala tayo sa mundo kung saan ka naninirahan."
Sabay bigla nalang akong nagulat sa mga sinabi niya sakin.
Wala kami sa mundo ko, teka?! Ibigsabihin ako lang yung wala sa mundo ko at si Jessica ay tagadito din, kaya pala parang naninibago siya sa mga pagkain sa mundo namin eh. Pero bakit? Bakit ako nandito sa mundo na 'to?
"Sa totoo lang, ako yung napili ni Enzo na sumundo sayo sa mundo niyo kasi ikaw ang napiling chosen one," pangiti naman niyang sinabi sakin habang ako naman ay gulung-gulo na sa lahat ng nangyayari.
"Pasensya na kung biglaan ang pagdating natin dito, hindi ko man lang na kwento sayo ang lahat, kasi kapag ginawa ko yun ay baka malaman ng kalaban na ikaw pala ang chosen one" dagdag pa ni Jessica kaya napalingon ako sa kanya at napaisip ako.
"Dapat sinabi mo na sakin nung una tayong nagkita para nakapag paalam man lang ako sa pamilya ko" sabi ko kay Jessica.
"Hindi pwedeng mangyari ang sinasabi mo kasi kapag nagpaalam ka sa pamilya mo ay baka malaman nila ang existence ng mga kagaya natin" nalinawan naman ako sa sinabi niya, pero..?
Ano yung sinabi niya? Ang existence namin, teka kalahi ko ba sila, may kakayahan din ba akong kumontrol ng elemento, ang cool.!
"Hayaan mong ikwento ko sayo ang lahat ng dahilan kung bakit ka nandito" pangiti saking sinabi ni Jessica at naglakad kami palabas ng building na yun.
"Alam mo kasi. May kalaban kami dito sa mundo namin na napakasama, kung ipapagkumpara mo sila sa mga killer sa inyo ay mas matindi pa sila dun dahil wala silang awa, at buti nalang at hindi pa nila alam ang location ng academy natin" sabi sakin ni Jessica kaya napaisip naman ako sa mga sinabi niya.
"Pero alam ba natin yung location nila?" Tanong ko naman kaagad sa kanya habang naglalakad kami.
"Hindi pa namin alam" malungkot na pagkasabi ni Jessica sakin.
"Pero kung sakali man na malaman natin ang location nila pati na rin ang location natin, hindi malayo na magkakaroon ulit ng digmaan dito sa mundo namin" dagdag ni Jessica kaya medyo kinabahan naman ako, magkakaroon ng digmaan at isa ako sa mga lalaban?!
"Pero alam ko na mananalo tayo kung sakaling mangyari yun kasi nahanap ka na namin" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Teka.. Ako.. Hindi nga ako marunong lumaban eh" sagot ko naman kaagad sa kanya kaya napangiti siya.
"Hindi pa sa ngayon pero matututo ka din, bakit ka pa pinili na chosen one kung hindi mo kaya diba" pangiti niyang sinabi sakin.
Sabagay may point nga naman si Jessica, bakit nga naman ako pipiliin na chosen one kung hindi ko naman kaya yung lahat ng yun.
Nung nasa may parang ground na kami ng Academy ay bigla namang may sumalubong samin na isang lalaki na parang mas bata pa sakin.
"Jessica sino yang kasama mo?" Tanong nung lalaki kay Jessica kaya napatigil naman kami sa paglalakad at lumingon kami sa lalaki.
"Ah.. Siya?. Siya si James, yung sinasabi ko sayo" agad naman na natuwa yung lalaki ng marinig niya ang sinabi ni Jessica sa kanya at agad naman siyang tumingin sakin.
"Nice to meet you, ako si Maxwell or you can also call me as Max for short" sabay nakipagkamay siya sakin sabay ngumiti siya kaya ngumiti na din ako sa kanya.
"Ahmm.. Max ipasyal mo nga muna si James sa buong lugar, may gagawin pa kasi ako" pakiusap naman ni Jessica kay Max kaya agad namang pumayag si Max sabay hinila niya na ako palayo kay Jessica.
"Sorry kung medyo maliksi yung kilos ko ngayon ah, nakaka-excite lang kasi na makasama ka" sabi sakin ni Max habang sabay kaming naglalakad papunta sa may isang building.
"Ang lawak pala dito sa Academy" sabi ko kay Max habang manghang mangha ako sa lahat ng nakikita ko
"Teka.. May tanong ako sayo, sino ba ang mga kaaway natin at bakit niyo ba sila naging kaaway?" Tanong ko naman agad kay Max kaya nagulat si Max at napalingon siya sakin ng paseryoso.
"Yung totoo kasi, hindi naman talaga dapat magkaaway ang Elemental Academy at ang Fallen Academy, pero nung nag-away yung dalawang magkapatid na si Raymond na pinuno ng Academy natin at si Henry na pinuno ng isa pang academy na mas kilala na ngayon bilang Fallen" napatingin nalang siya sa daan matapos niya saking sabihin yun habang ako naman ay napaisip sa mga sinabi niya.
"Pero bakit ba sila nag-away?" Tanong ko naman kay Max kaya napalingon siya ulit sakin.
"Hindi nga rin ako masyadong sigurado kung bakit sila nag-away pero nagsimula ang lahat ng kaguluhan ng bigla nalang sinaksak ni Henry si Raymond sa kalagitnaan ng isang pagpupulong kaya dun na nagsimula ang kaguluhan dito sa mundo namin." Malungkot na sabi sakin ni Max habang ako naman ay nakaramdam din ng pagkalungkot.
Wala na pala silang pinuno pero sino na kaya ang pumalit, gusto ko sanang itanong kay Max ang tungkol dun kaso medyo nahiya nakong itanong yun kaya hindi ko nalaman ang sagot sa katanungan ko na yun.
Matapos naman ang lahat ng pinag-usapan namin ay nakarating na kami sa may loob ng isang building na pupuntahan namin.
Namangha nalang ako bigla sa mga nakita ko, isa lang siyang malawak na building pero wala pala siyang laman sa loob kaya para siyang nagmukhang arena.
Marami naman akong nakitang mga estudyante na nag-aaral gumamit ng mga weapon na parang kakaiba ipagkumpara mo sa weapons sa mundo namin.
"Welcome sa Building B, training Area, dito isinasagawa ang lahat ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban gamit ang ibat-ibang kagamitan. At alam kong nagtatanong ka kung bakit pa sila gumagamit ng mga weapons imbes na yung kapangyarihan nalang nila, just to let you know na halos 80% ng mga estudyante dito sa Academy ay hindi pa marunong kung papano kokontrolin yung kapangyarihan nila kaya inimbento ni Zero ang ganitong paraan para kung sakaling magkaroon ng labanan ay magagawa nilang mailigtas ang sarili nila kahit hindi pa sila marunong kumontrol ng kapangyarihan nila." Sabi sakin ni Max at natawa nalang ako kasi halos hingalin na siya sa haba ng sinabi niya, at dagdagan mo pa ng pagod sa paglalakad.
Nung naglakad kami sa loob ng Training Area ay medyo nakaramdam naman ako ng pagkagulat kasi napatigil sa pagsasanay ang lahat ng nakakita sakin at parang pinag-uusapan nila ako, hindi naman nagtagal ay nakalagpas na kami sa Lugar na yun at napunta naman kami sa isang area na puro weapons lang ang makikita mo.
Para siyang bilihan ng baril kung ipapagkumpara mo sa mundo ng mga tao pero mas maangas dito kasi kakaiba yung mga weapons nila lalo na yung nakita ko na Sniper.
"Andito na tayo sa weapon Area, dito ka pwedeng pumili ng weapon na pwede mong gamitin habang hindi ka pa marunong kumontrol ng elemento at kahit ano pwede mong gamitin" pangiti saking sinabi ni Max habang ako naman ay nakatitig lang sa sniper na nakita ko.
"Gusto mo yang sniper?" Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa may likod ko at ng palingon ko sa likod ay si rebecca lang pala.
"Gusto ko sana kaso hindi ako marunong tumutok sa sniper, baka sala ang lahat ng bala na gagamitin ko" sagot ko naman kay Rebecca kaya napangiti naman siya at sabay humawak siya sa balikat ko.
"Hindi mo na kailangang alalahanin yun kasi kapag gamit mo 'tong sniper na 'to, kung sino ang target mo na patamaan ng bala nito ay automatic na tatama sa target kasi yung bala nito ay target talaga, ibigsabihin nun kahit umilag yung target mo ay agad naman itong hahabulin ng bala na ginamit mo at hindi titigil yung bala sa pag travel hangga't hindi niya natatamaan ang specific target maliban nalang kung may haharang sa target." Namangha naman ako sa mga sinabi sakin ni Rebecca sabay nakaramdam din ako ng takot kasi kung meron kami nito ay sigurado na meron ding ganito ang kalaban namin, nakakatakot naman yung sniper na yun.
"Para sa dagdag kaalaman mo James, si Rebecca pala ang professional sa pag-iimbento ng ibat-ibang weapons dito sa Academy at humigit 10 years na siyang nag-iimbento ng mga kagamitan dito." mas namangha naman ako sa sinabi ni Max kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo at napatingin ako kay Rebecca.
" totoo ba yun?" Tanong ko naman kaagad kay Rebecca at ngumiti nalang siya sakin kaya alam ko na ang sagot niya.
"Oo, totoo yun James" sabay ngumiti siya sabay nagulat nalang siya ng bigla ko siyang niyakap at sabay bulong sa kanya ng--
"Salamat at nagagawa mong mag sakripisyo para sa kaligtasan ng mga tao dito, kung wala ka dito, wala din silang panglaban sa mga kaaway" pasasalamat ko kay Rebecca sabay bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at nakita ko siya na nakangiti at parang papaluha na siya pero pinipigilan niya.
"Alam mo.. Sa lahat ng tao na gumamit ng weapons ko, ikaw lang ang isa sa mga naka apreciate ng mga gawa ko, tunay nga na ikaw ang Chosen One" sabay napaiyak siya at yumakap ulit siya sakin ng mahigpit kaya natuwa naman ako kasi napasaya ko siya.
"Anyway, ito na pala yung espada na ipinapabigay sayo ni Zero, ginawa talaga 'to para sayo at wala yang kagaya dito sa mga ibang espada dahil gusto ni Zero na unique yang sayo" pangiti niya saking sinabi habang nagpupunas siya ng mga luha sabay abot sakin ng Espada.
"Ito na rin pala yung lagayan niyang espada sa likod mo" dagdag ni Max habang inaabot niya sakin yung lagayan at dali ko namang sinabit sa likod ko sabay nilagay ko na din yung espada dun.
"Salamat sa espada Rebecca, sige aalis na muna kami" sabi ko naman kay Rebecca at kita sa expressions ni Rebecca na masayang-masaya siya sa pagbisita namin sa kanya.
Umalis na kami sa Building B at may nakasalubong naman kami na isang babae na mukhang makulit dahil sa mga kilos niya at agad naman siyang lumapit samin.
"Hi James, ako nga pala si Nicole, and I am so very glad na nahanap ka na ni Jessica" pangiting sabi ng babae sakin sabay napangiti nalang bigla si Max sa kanya.
Nagulat naman ako ng bigla nalang piningot ni Nicole si Max ng hindi ko naman malaman kung bakit niya ginawa yun kay Max.
"Tatawa ka pa sakin Max, maayos naman yung grammar ko ah" sabi naman ni Nicole kay Max habang pinipingot niya sa tenga.
"Aray! Oo na tama na yung grammar mo!" Sigaw naman ni Max kay Nicole sabay bigla nalang nilakasan ni Nicole yung paghila niya sa tenga ni Max kaya medyo natawa naman ako sa kanilang dalawa.
"Sinisigawan mo ba ako?!" Pagalit na sinabi ni Nicole kay Max at kita sa expressions ni Max na sakit na sakit na siya sa ginagawa ni Nicole sa kanya.
"Sorry na po madam hindi na po mauulit" sabay nakahinga na ng maluwag si Max ng binitawan na siya ni Nicole sabay napatingin naman si Nicole sakin at sabay ngumiti kaya nakaramdam naman ako ng pagkakaba na baka gawin niya rin sakin yun.
"Ano kaba James, bakit ko naman sayo gagawin yun" pangiti niyang sinabi sakin sabay naglakad na siya palayo, pero pano? Pano niya nalaman kung anong iniisip ko.
"Pagpasenyahan mo na yung si Nicole ah, nakalimutan ko palang sabihin sayo na nakakapag basa talaga siya ng isip ng lahat ng tao sa paligid niya, maliban nalang sa mga professionals dito sa Academy" sabi sakin ni Max habang hinahawakan niya yung part ng tenga niya kung saan siya piningot.
"Ah.. Kaya naman pala bigla ka nalang niyang piningot eh baka naman kasi may iniisip ka tungkol sa kanya" patawa kong sabi kay Max kaya parang na guilty siya.
"Tama ka nga, bakit ko pa kasi inisip na wrong grammar siya eh hahaha" natawa nalang siya sa sarili niya pagkatapos nun ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad papunta sa may isa pang Building.
Nung nakapasok na kami sa may isang building ay agad naman kaming sinalubong ng isang lalaki na medyo cool ang buhok.
"I didn't expect that we will meet James, by the way I'm Kevin and I am one of the students of this academy for 6 years" sabay nakipagkamay siya sakin at hindi ko naman napilitang mamangha sa nakita ko sa loob nung building na yun.
Nasa isa kaming malaking library at kung didiretso ka sa may kanang daan ay mapupunta ka sa mga classrooms ng mga students na nag-aaral ng mga tungkol sa pagkontrol ng elements.
"Alam ko ang nararamdaman mo James, nung first time ko palang din dito ay namangha talaga ako sa lahat ng nakita ko" nabuhayan naman ako sa sinabi ni Kevin, galing din kaya siya sa mundo namin.
"Galing ka din ba sa mundo ng mga tao?" Tanong ko agad sa kanya habang si Max naman ay nakikipag-usap sa may isa pang lalaki sa loob ng library.
"Hindi, galing ako sa Anatasia Village, kinuha ako bilang isang student dito para magawa kong ipagtanggol ang lugar ko." Nalungkot naman ako sa sinabi niya, akala ko pa naman may karamay ako dito sa lugar na 'to.
"By the way, ito nga pala yung official Library ng Academy, dito mo mababasa ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sa pagiging isang elementalist at dito rin masasagot ang lahat ng katanungan mo" nasiyahan naman ako sa sinabi ni Kevin, pwede pala akong makapagbasa-basa dito para mas marami pa kong malaman tungkol sa lugar na 'to.
"Mauna na ko James, marami pa akong gagawin eh" umalis na kaagad si Kevin pagkasabi niya sakin nun at hindi ko naman napigilan na magbasa tungkol sa ibat-ibang elemento na pwedeng kontrolin.
At ito ang mga nabasa ko:
Primary Elements that any Elementalist could master.
Water
Fire
Earth
Wind
Electricity
Nature
Powerful Elements that only few elementalist know how to control it
Light
Darkness
-/^°~'=,~<
Napatigil naman ako sa pagbabasa ng nakita ko na parang faded na yung pinakahuli na powerful na element, para siyang nabasa ng tubig tapos nagkalat yung ink niya kaya hindi na maintindihan ang pagkakasulat.
Pero may nabasa pa ako sa next page nun at naging mas curious ako sa nakasulat dun.
Ito yung nakasulat:
You can only handle one kind of primary element if you are an ordinary student of this academy
You can only handle a powerful element once you've finally mastered all the primary Elements.
Noone could handle all the kinds of elements because it's very dangerous, the last person who tried mastering all the elements was the first Chosen One and she died because she didn't have the enough knowledge to experience the true power of each elements.~
Grabe ang angas pero teka?! Wala pang nakakagawa na kontrolin ang lahat ng elemento, maski yung pinuno nila ay hindi nabanggit. Ibig sabihin ganun kahirap yung pag master ng lahat ng elements.
Nagulat naman ako ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko ay si Max lang pala.
"Mukhang interested ka talaga sa pagiging elementalist ah, sige mauna na ako, alam mo na naman kung saan ang kwarto mo diba" sabay umalis na kaagad si Max at napatingin naman ako sa orasan sa library at sa relo ko, parehas silang 7:34 ng gabi, ibigsabihin ba nun ay parehas lang ang oras ng mundo namin sa mundo nila.
Nagpatuloy na ako sa pagbabasa at nasiyahan naman ako sa sumunod na page ng libro.
Ito ang nakasulat sa sumunod na page ng libro:
Yellow ( 10% mastery )
~you will encounter many failures in using your elements.
Orange ( 20% mastery )
~your elements depend on your surroundings.
Green ( 40% mastery )
~you can finally summon your own elements without depending on your surroundings.
Blue ( 80% mastery )
~you can finally control your elements by using only your mind.
Red ( 100% mastery )
~ you can finally unleashed all your elements using your mind.
Grabe may stages din pala ang pagiging isang elementalist hahaha pero san ko makikita ang mga kulay na binabanggit ng libro na 'to.
"You'll know it soon" napalingon nalang ako sa may likod ko at may lalaki na naglalakad palapit sakin at kung titingnan mo palang siya ay alam mo ng malakas siya.
"My name's Enzo and I am here just to let you know that you will have your Training in the next two days and we are there to observe your skills" nagulat naman ako sa sinabi niya.
Grabe training na kaagad, wala pa nga akong kaalam-alam sa mga labanan eh. Pano ko magagawang mag-training sa harap ng mga tao dito, baka mapahiya lang ako.
"Listen.. Believed in yourself" sabi sakin ni Enzo na tila nababasa niya pala yung iniisip ko kaya minabuti ko na hindi muna mag-isip ng kung ano-ano.
Agad naman siyang umalis at napaisip naman ako habang nakaupo sa may lamesa sa may library, napatigil nalang ako sa pagbabasa ng libro at agad naman akong pumunta sa may building B para makapag training ako sa may training area pero bago yun ay agad naman akong pumunta sa kwarto ko kasi naalala ko na hindi ko pa pala naliligpit yung hinigaan ko kanina pati na din yung mga gamit ko.
Nakakahiya naman kung iba pa yung magliligpit nun at tsaka baka may makakita at sabihin pa nila na chosen one hindi marunong mag ligpit ng sariling gamit hahaha.
Agad naman akong pumunta sa may building A kung saan ako unang nanggaling kanina at umakyat agad ako kung saan ang location ng kwarto ko at nagulat nalang ako ng nakita ko na nakaayos na yung kwarto ko pati na din yung mga gamit ko ay nakalagay na sa drawer.
Nagulat ulit ako ng may biglang pumasok sa kwarto ko at may nakita ako na isang babae na nakasuot ng parang pang maid pero mas mayaman tingnan.
"Ay! Sorry po nagulat ko po ba kayo?" Tanong niya naman kaagad sakin habang ako naman ay ngumiti lang sa kanya para ipaalam ko sa kanya na okay lang ang lahat.
"Ako po pala si Isabel, at ako ang lubos na pinagkakatiwalaan dito sa academy, ako po ang tumutulong sa lahat ng gawain dito, ako din po ang naghahatid ng mga pagkain ng mga estudyante sa mga kwarto nila kung sakaling wala silang time para lumabas at kumain sa cafeteria ng academy." Pangiti niyang sinabi sakin habang inaabot niya yung tray na may pagkain sakin, agad naman akong nagpasalamat sa kanya sa paghahatid ng pagkain ko dito.
Nung napaupo na ako sa may kama ay agad ko namang tinawag si Isabel na huwag munang umalis kasi gusto ko din siyang makausap kahit sandali man lang.
Pumayag naman siya at mabilis siyang umupo sa tabi ko kaya nagsimula na akong magtanong sa kanya.
"Asan pala ang mga magulang mo?" Tanong ko naman kaagad sa kanya at bigla nalang siyang napaluha kaya nakaramdam naman ako ng pagka guilty sa nangyari.
"Wala na akong magulang, pinatay sila ng mga walang awang mga taga Fallen sa Anatasia Village" sabay umiyak na si Isabel at napayakap nalang siya bigla sakin.
"Sorry kung pinaalala ko sayo" humingi ako ng tawad sa kanya pero ngumiti lang siya na parang okay lang ang lahat para sa kanya.
"Okay lang yun" sabi niya sakin habang nagpupunas siya ng mga luha niya.
"Taga Anatasia pala kayo .Teka?!, nasalakay na yung Anatasia Village noon pa, pero pano ka nakaligtas?" Tanong ko naman agad sa kanya.
"Hindi na dapat ako buhay ngayon kung hindi ako niligtas ni Kevin mula sa pagkakasunog sa bahay namin, kami nga lang ata ni Kevin ang nakaligtas dun sa village eh, kaya nagkaroon ng lakas ng loob si Kevin na maging elementalist para kung sakaling salakayin ulit ang Anatasia village ay magagawa niya ng iligtas yun." Na inspired naman ako sa mga sinabi ni Isabel tungkol kay Kevin.
Matapang pala si Kevin at nagawa niyang gawin ang lahat ng yun para lang sa kaligtasan ng Village kung saan siya ipinanganak.
"Ganun pala kabuti si Kevin, I should know more about him" sabi ko naman kay Isabel kaya napangiti nalang siya at sabay umalis na siya ng kwarto ko.
Nabuhayan naman ako ng loob na magsanay ngayong gabi dahil sa mga na kuwento sakin ni Isabel tungkol kay Kevin.
Mabilis kong kinain yung hinatid ni Isabel na pagkain para sakin at agad naman akong dumiretso sa Building B kung nasaan ang Training Area.
Nung papasok na ako sa building na yun ay napalingon naman ako sa relo ko at mga 9:01 na din pala ng gabi at konti nalang ang mga student na nasa labas ng Academy.
Bumungad naman sakin ang Training area na walang katao-tao kaya mas ginanahan akong mag sanay dahil kahit magkamali ako ay wala namang makakakita nun.
Agad ko namang kinuha yung espada ko sa may likod ko at sinubukan ko itong ihampas sa hangin nakunwari ay may kalaban ko.
Nung nasa kalagitnaan na ako ng pagsasanay ay may bigla namang tumawag sakin na isang lalaki kaya napalingon ako sa paligid.
"That's not the proper way of treating your sword James" sabi sakin ng isang lalaki na nakasandal sa may sulok ng building at dahan-dahan siyang lumapit sakin.
"Let me teach you how to fight" sabay sabi sakin ng lalaki nung nakalapit na siya sakin habang ako naman ay mabilis na pumayag.
Nung una ay tinuruan niya ako ng proper way ng paghawak ng espada at sumunod ang pakikipaglaban.
"You should know the distance of your sword from your enemy, or else you'll die" paseryoso niya namang sabi sakin habang siya naman ay bumunot din ng espada at pumunta sa may harap ko na para bang maglalaban kami.
"Learn to analyze and predict your enemy's movement and speed" sabay mabilis siyang sumugod sakin pagkasabi niya nun at nagulat nalang ako ng bigla niya nalang akong tinisod kaya natumba ako at nang pagtingin ko sa kanya ay nakatutok na sakin ang espada niya.
"Let's do that again but this time, dodge my strikes against you" sabay inabot niya yung kamay ko para makabangon ako kaagad at pumwesto ulit siya sa harap ko at mabilis siyang tumakbo.
Nakita ko naman na hawak niya ang espada niya mula sa kanang katawan niya kaya kapag umatake siya ay sa kaliwa ang tama ng espada niya kaya minabuti ko na pumunta sa kanan bago siya umatake at na iwasan ko ang una niyang strike.
Napansin ko naman kaagad na tumingin siya sa binti ko ng paglingon niya sakin kaya agad naman akong tumalon para maiwasan ko yung pagtisod niya sakin at tama nga ang hinala ko, sinubukan niya akong patumbahin buti nalang at nakatalon ako.
"Not bad James, well lets head out in mastering your skills, your speed is so unique, and I'm sure that your sword is perfect for you" sabi sakin ng lalaki habang ako naman ay proud sa sarili ko at may nalaman na ako kahit papano sa pag-iwas sa kalaban.
"Well see you again tomorrow night James, I'm glad that your the chosen one" sabay tumalikod siya sakin at naglakad palayo pero napahinto siya ng tinawag ko siya at sabay lumingon siya sakin.
"Ano palang pangalan mo Sir?" Tanong ko naman agad sa kanya sabay tumahimik lang siya at tumalikod ulit siya sakin.
" Zero" sabay nagpatuloy na siya ulit sa paglalakad palabas habang ako naman ay nagulat sa sinabi niya, siya yung nagpagawa nung espada ko na 'to, at siya din ang nagturo sakin kung pano lumaban, ni-hindi man lang ako nakapag-pasalamat sa kanya.
Pero bakit parang sobrang interesado siya sakin? Dahil ba na ako yung Chosen One?
At bakit parang pamilyar siya sakin, para bang nakita ko na siya dati pero hindi ko maalala pero Teka?!?
Kung hindi ako nagkakamali?!
Siya yung lalaki na nakita ko na nakatingin saming dalawa ni Arjay dun sa may karinderya!!
Si Zero? Ay galing din sa mundo ng mga tao.
Akala ko pa naman ay ako lang ang nag-iisang student dito na galing sa mundo ng mga ordinaryong tao yun pala ay si Zero din pala.!
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top