Chapter 27 : Scarlet's Secret

Hindi ako makapaniwala na nagawa nilang kumbinsihin si Scarlet na umanib sa kanila, pero alam kong may sapat silang dahilan kung papano nila nagawa yun.

"Scarlet itigil mo na lahat ng ito!" Pasigaw na sinabi ni Nicole pero parang wala lang yun kay Scarlet.

"K-ken--" pakabang sinabi ni Malyn kaya napangiti si Ken sa kanya at napansin ko na parang may koneksyon sila sa isa't-isa.

Sumugod na agad yung sampung alagad na ginawa ni Scarlet, buti na nga lang at tinatablan yun ng kahit anong bagay.

Binaril ni Nicole yung dalawa at naglaho naman kaagad ang mga anino na tinamaan niya kaya naisipan ko na ding sumugod habang hawak ang espada ko.

Pinapanood lang kami nila Scarlet na nakikipaglaban sa mga alagad nilang anino at nung naubos na namin yung sampu ay napatigil kami sa pwesto namin at tumingin kami kila Scarlet.

Napansin ko na nagkulay pula na naman yung mata ni Scarlet at umilaw yung mga palad niya ng kukay gray kaya alam kong wala na kaming takas kasi wala kaming magagawa para pigilan ang gagawin niya.

Nagulat nalang kami ng bigla nalang nagkulay light-blue yung lupa na kinatatayuan ni Scarlet at sabay parang sumabog ito kaya napalayo yung tingin naming lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita naming sugatan na si Scarlet at hindi siya makagalaw ng maayos kaya sinubukan ulit ni Nicole na barilin si Scarlet kaso humarang si Ken kaya siya ang tinamaan.

Binalewala lang ni Ken ang tama sa kanyang balat at hindi nagtagal ay naglaho na sila ni Scarlet na para bang tumakas sila mula samin.

"Sorry, kung hindi agad ako nakarating" napatingin nalang kami sa likuran namin at nakita namin si Raymond kaya napangiti nalang din ako.

"Nakapag-pasya ka na ba na umamin na sa kanila?" Seryoso kong tinanong kay Raymond kaya nagtaka sila Max.

"Handa na akong ibunyag ang katotohanan tungkol sakin" mas lalo silang na curious nung sumagot sakin si Raymond.

"Teka? Ano ba yung pinag-uusapan niyo? At sino po ba talaga kayo?" Tanong ni Max kay Raymond kaya ngumiti nalang siya.

Natahimik kaming lahat kaya nagsalita na si Raymond ng mahinahon sa harapan namin.

"Ako si Raymond, ang dati niyong pinuno sa Academy, hindi naman talaga ako namatay sa dating labanan"
Nagulat nalang sila Max na halos hindi sila makapaniwala sa nalaman nila ngayong araw.

"Alam kong malaking kasalanan ang ginawa ko dahil sa dinami-rami ng mga naging problema niyo ay hindi man lang ako nakatulong" humingi ng tawad si Raymond sa kanila at napansin ko na napangiti sila Max.

"Okay lang po yun, huwag niyo na alalahanin, ang mahalaga sa ngayon ay nagbalik na kayo samin" pangiting sinabi ni Jessica kaya natuwa si Raymond.

Hindi pa pala alam ni Jessica na si Raymond ang tatay niya pero hinayaan ko nalang na si Raymond na ang magsabi balang araw kapag handa na siya.

"Pero bakit niyo po ba naisipan na palabasin na namatay na kayo at hindi na kayo nagpakita samin?" Patakang tinanong ni Nicole kaya napaisip sila Rainne.

"Gusto ko lang kasi na ipaubaya sa inyo ang karapatan na iligtas ang Academy, na tumayo sainyong mga sarili sa gitna ng mga problema" napatingin kami lahat kay Raymond ng sinabi niya ang bagay na yun.

"Pero ano na pong gagawin natin ngayong namatay na ang mga Elite Elementalist?" Pakabang tinanong ni Malyn kaya nalungkot si Raymond dahil naalala niya ulit yung ginawa ni Scarlet.

"Pero may posibilidad po ba na makabalik pa si Scarlet sa normal?" Tanong naman ni Nicole na halos nag-aalala na sa kalagayan ni Scarlet.

"Nakadepende yun sa katawan ni Scarlet kung gugustuhin niya pang bumalik sa dati" seryosong sinabi ni Raymond kaya nalungkot si Nicole habang sila Tricia ay nananahimik lang sa gilid namin.

"Pero ano na pong gagawin natin? Ngayong nasa panig na ng mga Fallen
Elementalist si Scarlet?" Napaisip din ako tungkol dun kasi kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.

"Wala pa akong sapat na plano para sa mga susunod na mangyayari at ang maaari lang nating gawin ay maghanda sa lahat ng oras" sabi samin ni Raymond at napansin ko na parang lumakas yung hangin sa paligid na para bang may nagmamasid samin.

"Mas mabuti ng nasa kamay si Scarlet ng mga taga-Fallen para maging limitado ang pagpatay niya" napaisip kami nila Nicole sa sinabi ni Raymond at nakita ko namang sang-ayon si Tricia.

"Tama yung sinabi ni Raymond, di hamak na magiging limitado ang pagpatay ni Scarlet kapag nasa kamay siya ng taga-Fallen." Pangiting sinabi ni Tricia at pagkatapos ng lahat ng yun ay naisipan na naming maglakad.

"Maglakbay tayo papunta sa Athanasius Village, may kailangan akong kausapin dun" seryosong sinabi ni Raymond kaya dumiretso na kami sa daan papuntang Excelsior Cave.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa loob ng Excelsior Cave at hindi ko mapigilan na maalala ang lahat ng nangyari sakin dun.

Doon ko nakita yung maliit na libro at tsaka nakilala si Scarlet at may nakita din akong tatlong parang chamber na may butas sa bawat isa.

"Hindi ko inaasahan na dadaan ulit tayo dito sa lugar na ito" paseryosong sinabi ni Max kaya napatingin ako sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko ay merong Library dun sa lugar ng Athanasius, nasubukan niyo na bang mapuntahan yun?" Nagtaka nalang kami ng nasabi sakin yun ni Malyn at medyo na curious ako na malaman kung meron nga ba talaga.

"Dinga? Pwede bang samahan mo ako na makapunta dun?" Masaya kong tinanong kay Malyn kaya pumayag naman siya sa gusto ko.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Athanasius at bigla kong naalala ulit si Scarlet pati na si Jamela nung nakita ko ulit ang village na yun.

"Maiwan ko na muna kayo saglit, libangin niyo muna ang sarili niyo dito sa Village habang wala ako" paalam samin ni Raymond at umalis na din siya kaagad.

"Hmm. Ano naman kayang pwedeng gawin ngayon?" Tanong samin ni Nicole at pansin ko na parang natatawa si Max.

"Sa tingin ko hindi ko malilibang ang sarili ko dahil sa mga nangyari nung nakaraang araw" malungkot namang sinabi ni Rainne habang si Tricia ay parang may iniisip.

"Ay nga pala Malyn, samahan mo na ako dun sa sinasabi mong Library dito sa Athanasius" napalingon sakin si Malyn pati si Jessica at ngumiti sakin si Malyn.

"Pwede bang sumama ako sa inyo?" Tanong samin ni Jessica at pumayag naman kami ni Malyn kaya natuwa siya.

Paalis na sana kami ng tinawag naman kami ni Bryan at sa tingin ko ay gusto niya ding sumama samin kasi mahilig siyang maghanap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa.

Sumama na samin si Bryan habang sila Rainne naman ay naisipan na tumingin ng ibang lugar na pwede puntahan at sa tingin ko ay gustong kumain ni Max sandali kaya sigurado ako na pupunta siya sa bilihan ng pagkain.

Napaisip nalang ako sa isang sandali, totoo kaya yung sinabi ni Nicole nung nakaraan na may pinagsamahan dati si Ken at si Malyn. Pero kung mapapansin mo sa mukha ni Malyn nung nagkita sila kanina ay parang bigla siyang kinabahan.

Nagulat nalang ako ng napansin ko na kasama pala si Tricia samin at nakangiti siya sakin na para bang alam niya yung iniisip ko kanina pa.

"Bakit ka nakangiti sakin?" Pataka kong tanong sa kanya kaya medyo natawa naman siya habang sila Jessica ay diretso lang ang tingin sa daan.

"Wala lang nakakatuwa kasi yung mukha mo kapag ang lalim ng iniisip mo" masayang sinabi ni Tricia kaya medyo nailang ako sa kanya.

"Hmmm.. Halika nga dito saglit magpahuli tayo ng paglalakad" pangiting sinabi ni Tricia at sabay hinila niya ako palayo kila Malyn.

"Ano ba yun?" Tanong ko sa kanya at kinabahan ako sa mga ngitian niya na parang alam niya lahat ng tungkol sakin.

"May gusto ka kay Jessica noh?" Nagulat nalang ako sa tinanong niya sakin kasi papano niya nalaman na may gusto nga ako.

"Silence means yes. Pero sa tingin ko may gusto sayo si Jessica" patawang sinabi ni Tricia kaya parang na weirduhan ako sa kanya.

"Papano mo naman nasabi?" Seryoso kong tanong sa kanya at sabay napatingin siya sa itsura ni Jessica.

"Halata kasi sa itsura niya kapag magkalapit kayo tsaka pansin ko na naiilang siyang tumingin sayo kapag nakatingin ka sa kanya" pangiti niyang sinabi at may punto din naman si Tricia pero hanga din ako sa kanya kasi pansin niya agad ang mga kilos namin.

"Andito na tayo, sino gustong unang pumasok?" Mahinahon saming sinabi ni Malyn kaya napatigil kami sa paglalakad at pagtingin ko naman ay isa siyang malaking bahay.

Nauna ng pumasok si Bryan kasi gusto niya na talagang magbasa at pagkatapos niya ay kami naman ang sumunod na pumasok.

Hindi nagtagal ay nakahanap na si Malyn ng babasahin niya pati na din sila Tricia at Bryan pero nagtaka ako ng napansin ko na nakatingin lang sakin si Jessica at parang inaantay niya ako na makahanap ng libro na babasahin ko.

"Ahmm hindi ka pa nakakahanap ng babasahin mo?" Tanong sakin ni Jessica kaya natawa ako sa sarili ko kasi hindi pa nga ako nakakahanap ng gusto kong basahin.

"Wala pa eh, hindi kasi ako makapag-pasya kung ano yung babasahin ko"
Pangiti kong sinabi sa kanya at napansin ko na nailang siya sakin at umiwas ng tingin.

"Hmm. May problema ba?" Pag-aalala ko kay Jessica kaya nagulat siya sakin at sabay ngumiti.

"Nahihiya kasi ako sayo, nahihiya na ako kapag pinapakita mong masaya ka kahit na ang dami ng problema" pabulong na sinabi sakin ni Jessica.

"Hindi ko na kasi masyadong iniisip ang problema kasi maapektuhan lang tayo lalo nito, stay positive lang" pangiti kong sinabi kaya medyo napangiti ko rin si Jessica.

"Baliw ka talaga, pero alam mo hindi ko talaga maintindihan, bakit kaya habang tumatagal nag-iiba ang pakiramdam ng isang tao" napaisip ako ng malalim sa sinabi niya at mas na curious ako ng nakita kong pumatak yung isang luha ni Jessica.

Naputol na yung usapan namin ng lumapit samin si Tricia na may dalang libro at mukhang may gusto siyang pag-usapan.

"Hello guys, sorry to bother you. Pero may gusto akong pag-usapan" pangiting sinabi ni Tricia at hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla dahil dun.

"Napansin ko, according kasi sa nabasa ko tungkol sa Genocide Act ay parang hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari kay Scarlet" na curious kami ni Jessica ng nabanggit yun ni Tricia at sabay naging mahinahon yung mukha niya.

"Diba Void Elementalist si Scarlet? Ayon sa nabasa ko ay imposibleng maging Genocide Act ang isang Void Elementalist dahil hindi ito katanggap-tanggap ng katawan ng isang Void tsaka ayon sa nabalitaan ko nung nakaraan ay nasa katawan niya dati si Zillah, hindi ba?" Mas lalo kaming napaisip tungkol dun ng binanggit yun samin ni Tricia pero hanga ako sa kanya kasi ang galing niyang maghanap ng impormasyon.

"Mukhang naiintindihan ko yung gusto mong ipalabas, dahil kung isang Void si Scarlet, ibigsabihin ay dapat namatay siya nung time na pumasok sa kanya si Zillah kasi yun ang nag-iisang kahinaan ng mga Void Elementalist" mas humanga ako ng sinabi yun ni Jessica at napansin kong ngumiti sakin si Tricia.

"Exactly! Kaya sa tingin ko hindi lang basta-basta Genocide ang nangyayari sa kanya, ngayon lang ako nakatuklas ng ganito katinding pangyayari at mukhang nababalot si Scarlet ng napakalakas na kapangyarihan"
Napansin ko na parang natakot bigla si Jessica sa sinabi ni Tricia at napatingin siya sa palad niya na para bang sinusubukan niya ulit palabasin yung Fire element niya pero wala talagang nangyayari.

"Hmm. Ano kayang nangyayari sa kanya at bakit parang kakaiba ang mga nagaganap sa kanya" na curious ako lalo habang sinasabi ko yun.

"Sa tingin ko ay dahil sa matinding kawalan ni Scarlet or may matinding nangyari sa kanya na hindi niya matanggap, gaya nga ng sinabi ni Jamela dati ay nakadepende sa Pride mo ang kalakasan ng elemento mo" naging seryoso nalang ako nung nasabi niya yung pangalan ni Jamela, so ibig sabihin nagkita din sila dati.

"Meron ba sa inyong nakakaalam ng nakaraan na buhay ni Scarlet?" Pataka saming tinanong ni Tricia at isa lang ang masasagot ko sa kanya.

"Si Nicole, yung nag-iisang panganay na kapatid ni Scarlet, malamang alam niya ang mga nangyari dati" pakaba kong sinabi na para bang may pumipigil sakin na sabihin yun.

"Ay nga pala may tanong ako, may pinagsamahan ba dati si Ken at Malyn?" Nagulat nalang sakin si Tricia ng tinanong ko siya tungkol dun.

"Ba't ako tinatanong mo? That's none of my business, why don't you go ask her instead" pangiti niya saking sinabi kaya napalingon ako kay Malyn na busy sa pagbabasa ng isang libro.

Nagpaalam na muna ako kila Jessica bago ko tinabihan si Malyn kaya nakuha ko yung atensyon niya.

"May itatanong ako sayo Malyn, pero huwag ka magagalit ah" pangiti kong sinabi sa kanya kahit na naiilang akong itanong ang tungkol dun.

"Bakit? Saan ba tungkol yung itatanong mo?" Pataka niyang tinanong at naging mas curious siya ng natahimik ako sa isang sandali.

"Tungkol kay Ken" naging seryoso nalang yung expression niya nung nabanggit ko yung pangalan ni Ken.

"Anong itatanong mo tungkol sa kanya? James" tanong niya sakin na para bang ang lalim ng nasa isip niya.

"Totoo bang nagkaroon kayo ng nararamdaman sa isa't-isa?" Napatingin sakin si Malyn straight to my eyes kaya mas na curious ako sa maaari niyang sabihin.

"Ahmm.. Magkakilala na kami simula pa nung kabataan namin, at lagi kaming magkasama na hindi ko nga inasahan na magkakagusto ako sa kanya" patawang sinabi ni Malyn kaya napaisip ako sandali.

Which means totoo nga yung sinabi sakin ni Nicole nung nakaraan lang, pero ano nga ba ang nangyari, ayoko sanang itanong sa kanya kasi wala naman akong kinalaman dun.

"Ba't mo pala natanong? Gusto mo bang malaman ang nangyari?" Pangiting sinabi ni Malyn na sa tingin ko ay parang okay lang sa kanya na ikuwento sakin ang buong nangyari.

"Hmm. Kung payag ka lang pero okay lang naman kung ayaw mo" matahimik kong sinabi na medyo naiilang kaya natawa sakin si Malyn kasi halata sa mukha ko yun.

"Pero ano nga ba ang nangyari bakit naging kalaban siya?" Tanong ko kay Malyn at napansin ko na parang medyo na-annoyed yung mukha niya.

"Maayos na ang lahat nung mga panahon na yun, alam kong mahal ako ni Ken pero parang mas importante sa kanya yung loyalty niya sa Fallen Academy kaya parang nawala na ang lahat sa isang iglap" paseryoso niyang sinabi kaya nalungkot ako para sa kanya kaya napatingin nalang ako sa malayo.

"Pati nga yung pagkakaibigan nila ni Zero ay kinalimutan niya para sa Fallen Academy, hindi ko alam kung bakit mas pinili niya pang maging ganun" painis na sinabi ni Malyn na parang may pagsisi kaya medyo kinabahan ako na parang guilty ako kasi ako ang dahilan kung bakit niya ulit naalala yun.

"At ang masama pa dun sinubukan niya pa kaming pataying tatlo nila Tricia nung nakaraang taon" dagdag niya kaya medyo napaisip ako tungkol sa mga time na yun.

Papano kaya nagawa ni Ken na ipagpaliban ang lahat ng mga masasayang nangyari sa kanya para lang sa loyalty niya sa Fallen Academy, ganun kaya siya ka determinado na gawing matagumpay ang digmaan ng Fallen sa Elemental Academy.

Bigla ko ulit naalala na nakuha pala ni Scarlet lahat nung elemento namin at tanging si Bryan lang ang hindi nakuhanan, pero patay na kaya si Kate? Nung napansin ko kasi ay hindi naman siya napaslang ni Scarlet kaya maaaring buhay pa siya.

Nagulat nalang kami ng biglang tumakbo si Tricia palapit samin na parang may sasabihin siyang importante tungkol siguro sa mga kaganapan ngayon.

At napansin ko na kasama niya si Nicole na napag-pasyahang humabol samin papunta dito sa Library.

"Mukhang alam ko na kung papano maibabalik si Scarlet sa normal" pasigaw na sinabi ni Tricia kaya mas nagulat ako sa kanya pero pansin ko na sobrang excited siya.

"Papano?" Na-curious kami ni Malyn ng malaman namin na may lunas pa pala ang nangyayari kay Scarlet.

"Maibabalik lang siya sa dati kapag naabot natin yung satisfaction niya" napaisip nalang ako sandali pero bigla nalang akong nakahanap ng idea.

"Ibig sabihin mo ba ay kailangan ma satisfied si Scarlet sa gusto niya para makabalik siya sa normal?" Pataka kong tanong at sumang-ayon si Tricia sa sinabi ko pero bigla nalang naging seryoso yung mukha ni Malyn.

"Pero isa lang naman ang gusto ni Scarlet diba? Ang mapatay tayong lahat? Kaya papano yun?" Pag-aalala na sinabi ni Malyn kaya bigla nalang akong naguluhan sa mga nangyayari.

"Hindi ganun ang ibigsabihin ko, kadalasan kasi sa mga nagkakaroon ng Genocide Act ay mga Elementalist na may pagkukulang sa buhay nila kaya sila nagkakaroon nun" nalinawagan na kami ni Malyn ng ipinaliwanag ni Tricia ang nais niyang sabihin.

Pero ano nga ba ang naging kulang sa kanya, hindi ko maisip kung ano yung bagay na yun pero na-curious ako ng bigla ng lumapit samin si Nicole at mukhang alam niya kung ano ang iniisip naming tatlo nila Tricia.

"Pagkukulang sa pag-aaruga ng magulang at kapatid.." Mahinahon na sinabi ni Nicole kaya napatingin kaming tatlo sa kanya ng may pag-aalala.

Natahimik kaming lahat na parang walang gustong magsalita dahil sa sinabi ni Nicole at napayuko nalang si Nicole samin na mukhang hiyang-hiya siya sa sarili niya.

"Bakit mo sinasabi yan?naging mabuti ka namang kapatid ni Scarlet" pangiti kong sinabi sa kanya pero nalungkot nalang ako bigla ng napatingin siya sakin ng umiiyak na.

"Hindi.. Napakasama kong kapatid para sa kanya, hindi ko man lang naisipang hanapin siya sa gitna ng kaguluhan dati, isang patunay na wala akong kwentang kapatid!" Pasigaw na sinabi sakin ni Nicole kaya mas natahimik ako at nakita ko na bumuhos yung luha niya kaya nag-alala na talaga sila Tricia, nakuha namin ang atensyon ng mga tao sa loob ng library.

"Huwag mo sisihin ang sarili mo Nicole, hindi mo kasalanan" pag-aalala ni Malyn at nanatili lang tahimik si Nicole at halos hindi siya makatingin samin.

"Akala ko kasi namatay na siya katulad nila mama kasi simula nung nakita ko yung Village na tinitirhan namin ay halos abo na ang lahat, kaya sobrang sakit" malungkot na sinabi ni Nicole kaya nalungkot din ako ewan ko ba pero muntik na akong mapaluha nung mga oras na yun.

"Isipin mo yun, umalis ka ng bahay niyo ng nakangiti pa sila tapos nung pagbalik mo wala ka na palang babalikan" paiyak niyang sinabi kaya nadama ko yung pakiramdam niya.

Ayon sa pagkakatanda ko ay mga Elite Elementalist din ang mga magulang ni Nicole which means ang mga sumugod sa village nila ay maaaring mga malalakas na taga-Fallen kasi natalo silang lahat.

Pero ang gumugulo sakin ay papano nakaligtas si Scarlet? Parang ang misteryo ng pagkaligtas niya.

"Kaya simula nun inisip ko na wala na saking natira kundi ang sarili ko nalang, pero nung nalaman kong buhay pa si Scarlet, nabuhayan ako kaya sana nga maibalik natin siya sa normal kasi ayokong pati siya ay mawala" pagmamaka-awa samin ni Nicole kaya still speechless kami pero napaisip nalang ako.

Kaya pala napagpasyahan ni Nicole na pumunta sa Elemental Academy para mapaghiganti niya ang mga magulang niya, pero yung tungkol kay Scarlet, naguguluhan talaga ako kasi papano siya nakaligtas sa malawakang paglusob dun sa Village, kung iisipin mo wala halos natira ayon kay Nicole.

Gusto ko talagang malaman kung papano siya nakaligtas sa kalagitnaan ng digmaan sa village nila pero papano nga ba namin magagawa yun.

"Ang sama ko talagang kapatid, at bilang anak, wala man lang akong nagawa para ipaglaban silang lahat" pagsisisi na sinabi ni Nicole at napansin ko na niyakap siya ni Max na kakarating lang pala kasama sila Rainne.

"Pati ba naman sa mga oras na ganito naiisipan mong makagalaw sakin" napangiti nalang si Nicole at bumitiw na si Max sa pagkakayakap sa kanya.

"Naisip ko lang kasi na baka yakap ang kailangan mo para gumaan ng konti yung pakiramdam mo" pangiting sinabi ni Max habang sila Jessica naman ay kumakain lang ng  pagkain na mukhang binigay nila Max.

"Huwag kang mag-alala Nicole, maipapangako kong mababalik natin sa dati si Scarlet" nasiyahan si Nicole ng masaya yung sinabi ni Tricia kaya nabuhayan na ulit kaming lahat.

Bumalik na ulit sa dati ang atmosphere pero napaisip ako ng napansin ko na parang may gustong sabihin si Jessica pero naiilang siyang tumingin sakin ng matagal at nakita ko si Nicole na nakatingin saming dalawa.

"Guys pwede bang makapaglakad-lakad muna kaming apat nila James kahit sa isang sandali?" Pumayag naman sila Tricia matapos yung sabihin ni Nicole kaya agad na kaming umalis kasi hinili nila ako.

Napag-pasyahan namin na maglakad papunta sa Excelsior Cave at doon muna makapagpahinga ng sandali at habang nasa daan kami ay hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit nila ako isinama.

"Sabayan mo si Jessica ng paglalakad, wala siyang makausap oh" pabulong saking sinabi ni Nicole kaya nilapitan ko agad si Jessica na nauuna ng lakad samin.

"Kamusta yung pakiramdam mo kanina? Nabusog ka ba sa pagkain?" Hindi in-expect ni Jessica na bigla akong susulpot at kakausapin siya kaya napangiti siya na medyo naiilang.

"Okay naman, ang sarap talaga ng pagkain dito sa Athanasius" pangiti niyang sinabi at mukhang malapit na kami sa palabas ng village na papunta naman sa Excelsior Cave.

"Mabuti naman, ahmm. May gusto ka bang sabihin sakin? Kanina ko pa kasi pansin na parang naiilang ka" pangiti kong tinanong kahit na nahihiya ako at nagulat sakin si Jessica kaya napaiwas siya ng tingin.

"A-ano kasi-- hmmm" paputol-putol yung pagsasalita ni Jessica at parang sobrang kinakabahan siya sa sasabihin niya pero napansin ko na natutuwa samin sila Nicole na nasa likuran lang namin ni Jessica.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Excelsior Cave kaya napaupo kami ni Jessica sa may gilid ng isang puno at napalingon nalang kami kila Max ng nagpaalam sila samin na may pupuntahan lang daw sila saglit.

"Hindi ako makapaniwala na hahantong ang lahat sa ganito kasamang mga pangyayari" malungkot kong sinabi kay Jessica ng naalala ko ang lahat ng mga nangyari.

"Nagsisisi ka ba na napunta ka dito sa mundo namin?" Pangiting sinabi ni Jessica pero halata pa din sa itsura niya ang bakas ng lungkot.

"Bakit naman ako magsisisi na pumunta dito, tsaka masaya ako kasi nakilala ko kayong lahat" masaya kong sinabi sa kanya at pansin ko na naluha siya habang nakangiti.

"Dapat pala hindi nalang kita sinundo sa mundo niyo, kung alam ko lang na magiging ganito katindi ang sakripisyo mo" malungkot na sinabi ni Jessica kaya nag-alala ako sa kanya.

"Kung alam ko lang talaga na mangyayari ang lahat ng ito, mas gugustuhin kong hindi ka nalang isama dito sa mundo namin kasi dinamay lang kita sa kapahamakan" nagulat nalang ako sa sinabi ni Jessica at naiyak na siya na halos pinagsisi-sihan niya yung mga ginawa niya.

"Ano bang sinasabi mo? Dapat lang na isinama mo ako dito kasi nga ako yung Chosen One diba." Natahimik si Jessica ng sinabi ko sa kanya yun at patuloy lang ang pagbuhos ng luha niya.

"Hindi mo kasi naiintindihan! Ayokong mapahamak ka, okay? Hindi ko na alam pero mas gugustuhin kong ako nalang ang mamatay kaysa sa madamay ka pa" paiyak niyang sinabi kaya halos hindi ko na maintindihan yung pakiramdam ko na para bang magkahalong lungkot at pagsisisi.

"Kaya kung alam ko lang talaga, mas pinili ko pa sanang iwanan ka nalang sa mundo niyo para ligtas ka" hindi ko namalayan na napayakap nalang siya sakin habang ako ay nakatulala na sa kawalan dahil sa mga sinasabi niya.

"Kung alam ko lang na magiging ganito katindi ang nararamdaman ko para sayo, James..." Pabulong niyang sinabi kaya halos nalinawagan na ako sa lahat-lahat na para bang sasabog na yung pakiramdam ko ano mang oras.

"Jessica...." Yinakap ko siya ng mahigpit at hindi ko inasahan na maiiyak ako.

Nung bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya ay nabigla ako ng bigla nalang sumulpot si Ken sa likuran ni Jessica at hinila niya si Jessica mula sa mga kamay ko.

"I felt so sorry for you James, but it all ends here..." Pangiting sinabi ni Ken at bigla siyang naglaho kasama si Jessica, sinubukan ko siyang hulihin para makasama ako sa paglaho kaso huli na ko.

"....." Natahimik na ako na parang kulang nalang ay mamatay na ako sa bigat ng naramdaman ko.

Napuno ako ng galit at hinagpis na gusto ko ng ilabas ang lahat ng nararamdaman ko dahil sa mga walang awang pagpatay nila sa mga inosenteng tao.

"Huwag niya lang subukang saktan si Jessica dahil kapag ginawa niya--" pagalit kong sinabi at halos uminit yung buong pakiramdam ko.

"You loved her" napalingon nalang ako ng marinig ko yung boses ng isang babae.

"Britney?"

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top