Chapter 24 : Arrival

Bigla nalang naglaho si Ken at nagulat ako ng nasa harapan niya na agad ako makalipas ang isang segundo at bigla niya akong tinusok sa Tiyan ng patulis na aninong galing sa darkness element niya.

Hindi nako makagalaw ng maayos ng time na yun pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi pa ako patay.

Hindi pa nakuntento si Ken at tinusok niya pa ako ng isa gamit ang isa niya pang kamay kaya natumba nalang ako ng walang kaalam alam.

"Huwag mo siyang papatayin!" Bigla nalang tinamaan si Ken ng malakas na liwanag na galing pala kay Aleyah.

Pansin ko sa itsura ni aleyah na binuhos niya lahat ng lakas niya sa atake na yun pero parang wala lang yun kay Ken.

"Nice power" seryoso niyang sinabi at tumayo lang siya na parang walang nangyari.

Nag-summon na naman siya ng patulis na anino gaya nung ginamit niya kay Lucas nung mga nakaraan.

"Umalis ka na Aleyah!" Isinigaw ko nalang sa kanya kasi hindi na ako makagalaw sa pwesto ko.

Bago pa yun malaman ni Aleyah ay natamaan na siya nung na -summon ni Ken kaya natumba na siya at nawalan ng malay.

"Hmmm" naglakad nalang siya palapit sakin at sabay tinignan niya ako ng seryoso.

" Hindi pa ba sapat yun?" Tanong niya sakin at halos mamatay na ko sa sakit ng mga itinusok niya sakin kanina.

"Ano ba talagang gusto mo?!" Pagalit kong tinanong sa kanya pero natahimik lang siya ulit.

"That's not too bad, I won't kill you but next time you'll be dead" nawala nalang bigla si Ken matapos niyang sabihin yun at nawalan na din ako ng malay ng hindi ko inaasahan.

Gaya din ng mga nangyari nung mga nakaraan, hindi ko inaasahan na magigising pa pala ako at napansin ko na nasa bahay ako ni Raymond.

Napansin ko naman na wala pa ding malay sila Erika, habang ako naman ay hindi ko pa kayang maigalaw ng maayos yung katawan ko.

"Buti at nagising ka na, akala ko namatay na kayo nung natagpuan ko kayo" pag-aalala ni Jasmin at napansin ko naman na kasama niya si Kate.

"Kamusta na pala sila Aleyah?" Pag-aalala ko sa kanila pero kinabahan ako nung nakita kong naging malungkot yung itsura nila Kate.

"Ikinalungkot ko pero napatay na si Aleyah" nagulat nalang ako nung nalaman ko yun.

Bigla nalang akong napaiyak ng wala sa oras grabe hindi ako matigil sa pag-iyak nung time na yun.

Sobra na talaga yung mga nagagawa nila Ken sa mga kaibigan ko, hindi ko na kayang makakita pa ulit ng taong mawawala sa buhay ko.

Bigla ko namang naalala yung mga nangyari makalipas ang ilang araw kaya naisipan ko na tanungin sila Kate tungkol dun.

"Napansin ko bakit parang hindi ako pinapatay ni Ken? Diba ang kapangyarihan niya ay Instant Kill?" Napaisip nalang sila Kate kaya natahimik ako.

"Yun nga din ang ipinagtataka namin,  hindi ka nila pinapatay kahit na ikaw ang dahilan ng pagkatalo nila" paseryosong sinabi ni Kate kaya mas gumulo nalang yung isip ko.

"Parang may kakaibang binabalak ang mga kalaban at kailangan na nating malaman agad kung ano man yun" sabi naman samin ni Jasmin at sang-ayon naman ako sa sinabi niya.

"Sino naman ang magmamasid sa mga kalaban?" Pataka kong tinanong sa kanila kaya tumingin sila sakin.

"Siguro si Zero nalang, magaling naman siya sa pakikipaglaban eh" pangiting sinabi ni Jasmin kaya sumang-ayon nalang ako sa nais niya.

Napatigil nalang kami sa pag-uusap at bigla kong naalala sila Scarlet sa Academy, ano na kayang nangyari sa kanila? Kailangan makabalik na agad kami bago lumubog ang araw.

"May masasakyan ba dito pabalik sa Academy?" Pansin ko naman na nagkamalay na si Erika matapos kong tanungin si Jasmin.

"Ihahatid ko nalang kayo, para masiguro ko na ding hindi na kayo mahaharang pa" pangiti niyang sinabi kaya nakahinga ako ng magaan ng mga oras na yun.

Pero hindi ko talaga matanggap na ganun lang kadaling pinatay ni Ken si Aleyah, grabe na talaga andaming ng nawawala kaya dapat matigil na agad ito bago pa may madagdag na mamamatay.

Napatingin naman ako kay Erika kaya nilapitan ko na siya habang si Jasmin naman ay lumabas na muna ng kwarto.

Mabuti nalang at nawala na agad yung sakit ng katawan ko kaya nakakilos na ulit ako ng maayos.

"Kamusta na pakiramdam mo Erika?" Mahinahon lang yung mukha niya at dahan dahan siyang lumingon sakin.

"Maayos na naman, Teka? Nasan si Aleyah?" Nalungkot ako ng tinanong niya ulit ako kaya nahalata niya yun.

"Sabihin mo sakin! Anong nangyari sa kanya!" Naiyak na si Erika pero nanatili lang akong tahimik.

"Wala na siya, sorry pero wala akong nagawa" sinisi ko nalang yung sarili ko dahil sa nangyari.

"Ayoko na! Bakit kasi ganito! Nakakinis talaga yun si Ken" halata sa itsura ni Erika na buo na yung galit niya dahil kay Ken.

"Gusto kong mapaghiganti lahat lahat, gusto ko patayin si Ken" pasigaw na sinabi ni Erika kaya natahimik ako sa kanya.

"Hindi pagpatay ang sagot sa ibang bagay Erika" mahinahon ko sa kanyang sinabi kaya napatingin siya sakin.

"Sa tingin mo ba ay may magandang mangyayari kapag pinatay mo si Ken?" Napaisip si Erika at pansin ko na nainis siya.

"Eh ano palang gagawin natin?! Hayaan nalang si Ken at ang mga kasama niya na ubusin tayong lahat?" Pagalit niya saking sinabi pero kumalma siya ng nakita niyang napaluha na ako.

"Hindi naman sa ganun, basta balang araw darating din yung nararapat nating gawin" kumalma nalang yung itsura ni Erika kaya napaupo nalang kaming dalawa.

"Sorry kung nasigawan kita, Hindi ko lang talaga matanggap yung mga nangyayari" paiyak na sinabi ni Erika kaya napaisip nalang ako.

"Lahat naman siguro tayo ay hindi tanggap ang mga nangyayari" paseryoso ko sa kanyang sinabi.

"Nga pala nasaan si Bryan?" Tanong ko kay Kate kaya nakuha ko yung atensyon niya.

"Andun siya sa labas nagpapahangin" pangiting sinabi ni Kate kaya nagtaka naman ako.

"Pero napansin ko kanina lang na parang ang lungkot ng itsura niya" mahinahon saming sinabi ni Kate kaya naisipan ko na munang lumabas ng bahay para hanapin si Bryan.

Sinalubong na kaagad ako ng malakas na simoy ng hangin at napansin ko naman na nakaupo lang si Bryan sa may gilid ng isang puno na hindi naman ganun kalayo.

"Buti naman at magaling ka na, akala ko nawala ka na katulad ng nangyari kay Aleyah" pangiti niyang sinabi pero bakas pa din sa mukha niya ang matinding lungkot kaya tinabihan ko siya sa pagkakaupo.

"Kamusta naman pakiramdam mo? Okay lang ba sayo?" Tanong ko sa kanya at pansin ko naman na alam niya ang tinutukoy ko kaya napatingin nalang siya sa malayo.

"Hindi ko matanggap na wala na siya"
Pabulong niyang sinabi sakin kaya alam kong si Aleyah ang tinutukoy niya.

"Hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko para sa kanya, ang sakit sa kalooban ko" painis niyang sinabi kaya napatingin ako ng diretso sa kanya.

"May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na mangyayari, gaya nalang nung biglaang pakikipaglaban kay Ken" paseryoso ko sa kanyang sinabi kaya tumingin na naman siya sakin ng seryoso.

"Balang araw darating din ang paghihiganti ko sa mga taga-fallen" pagalit niyang sinabi at mukhang nabuhayan na siya ulit ng lakas ng loob.

Napatigil nalang kami sa pag-uusap ng nakita ko si Jasmin na palapit na samin at nakasakay siya sa karwahe niya.

Tumayo na kami mula sa pagkakaupo at napansin ko na lumabas na rin si Erika sa bahay ni Raymond at mabilis kaming sumakay ng karwahe.

Kinabahan nalang ako ng bigla kong naalala yung mga gamit namin.

"Teka! Nasaan na pala yung mga gamit na dala natin sa karwahe natin?" Pakaba kong sinabi pero lumuwag din agad ang pakiramdam ko ng nakita kong ngumiti si Jasmin.

"Honestly, itong karwahe na gamit ko ngayon ay ito yung ginamit niyo nila Bryan" natawa nalang sila Erika ng narinig nila yung sinabi ni Jasmin.

Pumasok na agad kami sa loob at pansin ko na andun pa din naman yung mga gamit namin.

Pero ang nakakapagtaka ay hindi kinuha ni Ken yung halaman na Rofine, bakit kaya? Siguro ay may natitira pa din naman siyang awa sa mga tao sa Academy. Hindi ko din masabi basta alam kong may dahilan siya kung bakit ganito ang mga nangyayari.

O kaya naman ay hindi niya lang talaga alam ang tungkol sa halaman ng Rofine kaya hindi niya naisipan na kunin yun.

Hindi ko naman namalayan na nagsimula na pala yung paglalakbay namin pabalik sa Academy pero nagtaka ako ng napansin ko na nagpaiwan na si Bryan sa bahay ni Raymond. At ang mas gumugulo sakin ay hindi man lang siya nagpaalam.

"Nga pala James, hindi na daw sasama si Bryan saatin sa Academy kasi mas marami pa siyang kailangang gawin sa Macheus" pangiting sinabi ni Erika kaya bigla nalang akong napaisip na para bang nabasa niya yung iniisip ko.

"Aantayin nalang daw ni Bryan na makabalik si Jasmin doon sa bahay ni Raymond para makabalik na din siya sa bahay niya sa Macheus" dagdag pa ni Erika kaya nalinawagan na ako sa mga nangyayari.

Matapos akong kausapin ni Erika ay bumalik na naman ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyari nung mga nakaraan.

Bigla kong naalala na nasa loob na pala ng blade si Zillah at nasa kamay ito ni Melissa, hindi ko pa masyado maisip kung ano ba talaga ang plano ng mga taga-Fallen pero sa tingin ko ay maaaring may paggamitan sila nito na isang bagay.

Nalungkot naman ako ng naalala ko na wala na rin pala si Aleyah, grabe gaano karami pa ba ang makikita kong mamamatay bago pa matigil ang kaguluhang ito sa mundo nila.

Nagulat nalang ako ng may nabuo nalang bigla sa isipan ko na mukhang sagot sa tanong ko. Napansin ko lang kasi na bakit kaya alam na alam ng nga kalaban kung ano ang mga ginagawa namin at kung ano ang mga pinupuntahan namin, parang may isang traydor sa Academy pero kung titingnan mo naman ay parang inosente naman ang lahat ng elementalist dun, kaya nakakapagtaka talaga na may isang taksil.

Sa kakaisip ko ng mga nangyari ay hindi ko na naman namalayan na nakarating na pala kami sa Academy at napansin ko na walang tao sa labas gaya nung nakaraang araw na pag-alis namin dito.

"Sige na mauna na ako sa inyo, inaantay na kasi ako ni Bryan" pangiting nagpaalam si Jasmin kaya pumasok na kami ni Erika sa pinaka-entrance ng academy.

Napalingon nalang ako sa kanan ko ng may narinig akong tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Max na tumatakbo palapit samin.

"Buti at nakarating na kayo, ano nakakuha ba kayo ng pampawala ng epekto ng love potion?" Paseryoso niyang tinanong habang pagod siya.

"Oo, isang piraso lang ng Rofine ang binigay saamin at kailangan lang natin itong ipaamoy sa kanila" namangha naman si Max ng sinabi ko yun sa kanya.

Dumiretso na muna kami sa Building B papunta sa Training Area at nakuha ko agad ang atensyon ng lahat nung pagpasok namin sa loob.

"Ano na pong nangyari? Nagtagumpay ba kayo?" Tanong nalang sakin ni Scarlet at halatang kinakabahan siya sa maaari kong isagot.

"Matagumpay yung paglalakbay namin, mababalik natin sila sa normal sa pamamagitan nitong halaman na Rofine" nasiyahan naman ang lahat ng elementalist na nasa loob ng Building B nung malaman nila ang tungkol dun.

Napaisip naman ako bigla nung habang nagkakatuwaan ang lahat at napansin naman yun nila Erika kaya tinanong agad nila ako.

"Anong iniisip mo James?" Napalingon nalang ako kay Erika na mukhang nag-aalala sa kung ano man ang iniisip ko.

"Naisip ko lang kasi, papano pala natin sila mapapaamoy ng Rofine kung sobrang aktibo ng katawan nila Jessica" napaisip na din sila Max nung tinanong ko sa kanila yun.

"Alam ko na! Ba't hindi kaya natin isagawa yun kapag hating-gabi na, sigurado akong mga tulog na yun sila" napangiti nalang ako sa naisip na plano ni Max kaya sumang-ayon na kaming lahat sa balak niya.

Naghintay muna kami sa loob ng Training Area hanggang maghating-gabi at tsaka namin isinagawa ang plano na napag-usapan.

Ipinaubaya ko na kay Max ang mga gagawin at nakakatuwa kasi may mga elementalist na nag-boluntaryong tumulong sa kanya.

Naisipan ko naman na bumalik na muna sa kwarto para tingnan yung mga gamit ko kaya hindi rin ako nagtagal sa loob ng Building B.

Tumagal din ng sampung minuto ang paglalakad pabalik sa kwarto ko sa loob ng EA building. At nung nakarating na ako sa loob ay naisipan ko nalang na iligpit ang lahat ng gamit ko na nakakalat hanggang sa napansin ko yung dalawang gemstone na meron ako.

"Para saan kaya to?" Tanong ko nalang sa sarili ko na parang nababaliw na ako sa dami ng tanong sa isip ko. Naalala ko nalang na nasa kalaban pala yung pinakauna kong gemstone pero bakit kaya nila kailangan yun? May posibilidad kaya na kunin din nila itong dalawang gemstone na meron ako ngayon.

May narinig naman ako na mga hakbang galing sa labas ng kwarto kaya agad kong tiningnan kung ano yun at natawa nalang ako ng sila Max lang pala yun.

"Anong balita?" Pangiti ko sa kanyang tinanong kaya ngumiti din siya sakin.

"Napaamoy na namin ang halos lahat ng Elementalist na naapektuhan ng love potion, sila Nicole nalang ata ang hindi pa" hanga naman ako kay Max kasi minsan ko lang siyang makitang ganito kasipag sa paggawa ng isang bagay.

"Buti na nga lang at kahit na may epekto sila ng Love potion ay hindi pa din nila nakakalimutan kung saan sila natutulog eh" dagdag pa ni Max kaya natawa naman ako pati na yung mga kasama ni Max.

"Gusto mong sumama papunta sa kwarto ni Jessica? Alam kong miss mo na din siya" ngumiti nalang si Max matapos niya yung sabihin kaya pumayag din naman ako sa kanya.

Dumiretso na kami sa kwarto ni Jessica at pansin ko na mahimbing ang tulog niya, hindi pa din nagbabago ang maamo niyang mukha kapag natutulog kaya naalala ko nalang yung time na binuhat ko siya sa Anatasia Village.

Pinaamoy na agad ni Max yung bango ng Rofine at dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto ni Jessica, ginawa din namin yun kay Nicole at matapos ang lahat ay napag-pasyahan na naming bumalik sa Building B.

Nung nakabalik na kami sa loob ng training area ay napansin naman namin na halos konti nalang ang gising na elementalist.

"Mahimbing na din pala ang tulog ni Scarlet" nasiyahan nalang ako ng sinabi ko yun habang nakatingin ako kay Scarlet.

"Napakakulit talaga ni Scarlet" patawang sinabi ni Erika at agree ako sa kanya, totoo naman talagang makulit si Scarlet.

"Magpahinga ka na muna James, hindi ka pa nakakapagpahinga simula nung nakarating ka dito sa Academy" seryoso saking sinabi ni Max kaya humiga na ako sa tabi ni Scarlet pati ni Erika habang si Max naman ay tumabi na rin samin.

Nakatulog na kaming lahat at hiniling nalang namin na sana ay maayos na ang lahat kinabukasan.

Lumipas ang ilang oras ay sumikat na ang araw kaya nagising na kaming lahat, bumangon na agad ako at napansin ko naman na wala na sa tabi ko si Scarlet.

Lumabas na kaming lahat at inaasahan namin na bumalik na ang lahat sa dati, natuwa nalang kami ng nakita namin sila Jessica na bumalik na maayos ng naglalakad sa labas.

"Ang sakit ng ulo ko pagkagising, ano bang nangyari?" Mahinahon na sinabi ni Jessica kaya napangiti ako sa kanya.

"Naapektuhan kasi kayo ng Love potion at medyo natagalan kami sa paghahanap ng lunas" paseryoso kong sinabi kaya nagulat naman siya.

"Hala! Seryoso ka ba? Sabihin mo sakin kung may nagawa ba akong hindi kanais-nais sayo?" Pakaba niya saking tinanong kaya napangiti nalang ako.

"Huwag kang mag-alala, walang nangyari sayo" napangiti nalang si Jessica ng malaman niya sakin yun.

Napansin ko naman si Nicole na tumatakbo palapit kay Max kaya nasiyahan si Max.

Handa ng yumakap si Max sa pagdating ni Nicole pero nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang piningot ni Nicole kaya natawa naman kami sa kanila.

"Aray ko! Ano bang nagawa ko sayo!" Pasigaw na sinabi ni Max habang si Nicole naman ay sobrang naiinis sa kanya.

"Bakit mo ako hinalikan?!" Painis na tinanong ni Nicole sa kanya pero tumanggi naman si Max kaya mas lalo siyang pinahirapan ni Nicole.

"Anong hinalikan?! Huwag kang assuming" patawang sinabi ni Max kaya mas lalo siyang piningot ni Nicole.

"Hindi mo ako maloloko! Sinabi sakin ni Scarlet na hinalikan mo ako nung nakaraan na may epekto pa ako ng love potion!" Napangiti nalang si Max kay Nicole na para bang totoo na hinalikan nga ni Max si Nicole.

"At hindi ka pa natuwa! Sa labi mo talaga ako hinalikan ah!" Painis na sabi ni Nicole at bigla niyang binasa si Max gamit ang water element niya kaya mas natawa naman kami.

"Pinakita mo pa talaga kay Scarlet na hinalikan mo ako!" Dagdag pa ni Nicole at pansin ko naman kay Max na sobrang sakit na ng pingot sa kanya ni Nicole.

Nakakatawa talaga silang dalawa, honestly hindi ko talaga alam kung maaawa ba ako kay Max o hindi eh, ang lakas din kasi ng tama minsan ni Max at tsaka parang ganun na talaga ang turing nila sa isa't-isa.

"Nakakatuwa silang panoorin" pangiti na sinabi ni Jessica sakin at sabay napakapit siya sa balikat ko kaya natahimik naman ako.

Nagtaka naman ako ng bigla nalang natawa si Jessica habang nakatingin sakin kaya tinanong ko agad siya.

"Bakit ka tumatawa?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya ngumiti siya sakin.

"Naalala ko lang kasi yung time na susunduin palang kita sa mundo niyo" napangiti nalang ako ng sinabi niya yun at bigla kong naalala na nasakin pala yung Bracelet na kayang magpabalik sakin sa mundo ko.

Ibinigay sakin yun ni Jessica para daw kapag nagbago ang isip ko ay maaari akong bumalik sa mundo ko.

Naisipan naman naming apat na kumain na muna sa Cafeteria at para makamusta ko na din ang kalagayan ni Emily.

Nakasalubong naman namin si Rainne at si Scarlet na magkasama kaya pinasabay na rin namin sila sa pagpunta sa Cafeteria para kumain.

Nung nakarating na kami sa Cafeteria ay naisipan ko naman na ako nalang ang kukuha ng mga pagkain namin at para makausap ko din si Emily.

"Ito na James, salamat nga pala at gumawa ka ng paraan para mapagaling kaming lahat" pangiting sinabi ni Emily at napansin ko na kakaiba yung ngiti niya ngayon.

"Wala yun, tsaka hindi ko din yun magagawa kung wala ang tulong ng iba nating kasamahan" patawa kong sinabi pero mas nagtaka ako ng nakatingin lang siya sakin habang nakangiti.

"Ahmm. Anong meron sa mukha ko?" Pataka kong tinanong at napansin ko na mas lalong natuwa si Emily sa sinabi ko.

"Wala wala, ang swerte siguro ng makakatuluyan mo" patawang sinabi ni Emily kaya medyo na weirduhan nako sa kanya hahaha.

"Sige na baka inaantay na ako nila Jessica" natawa nalang ako habang sinasabi ko yun.

Napansin ko naman na masaya silang nag-uusap at mas natuwa sila nung makita nilang dala ko na yung mga pagkain.

"Ambait mo talaga James, hindi katulad nitong alaga kong napakakulit" pangiting sinabi ni Nicole sakin habang piningot niya ng isa si Max.

"Ako na naman, ba't lagi nalang akong damay" patakang tinanong ni Max kaya natawa sila Rainne.

"Jessica sakin nalang si James ah" paseryosong sinabi ni Nicole kay Jessica kaya nagulat nalang siya at medyo nailang sakin.

"Ano na namang trip mo?" Pangiting sinabi ni Jessica habang sila Scarlet naman ay hindi na makapag-antay na magsimulang kumain.

"Obvious naman kasi na may gusto ka kay James" painis na sinabi ni Nicole kaya natahimik si Jessica at pansin ko na parang namula siya.

"Kumain na nga lang tayo, Gutom na gutom na si Scarlet eh" naging maamo yung tingin ni Jessica samin habang sinasabi niya yun kaya naisipan na naming kumain na muna.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti habang nakain kami kasi ang saya nilang lahat, na para bang walang nangyaring masama nung mga nakaraang araw, grabe ang bilis nilang maka-move on haha.

O sadyang ayaw lang nila ng malungkot kaya ginagawa nilang masaya yung atmosphere.

Nagtaka nalang ako ng nakita kong ang tahimik ni Rainne habang nakain kami at parang may iniisip siya, pero mamaya ko nalang tatanungin kung bakit kasi baka mahiya siya.

"Nga pala guys, darating na yung Trinity Elementalist na grupo dito sa Academy bukas ng tanghali kaya inaasahan nila Enzo na lahat ng elemetalist ay makakasama sa pagtitipon." Napaisip nalang ako pati na sila Max kaya nagtaka na naman si Nicole.

"Ano yung Trinity Elementalist?" Tanong ko kay Nicole kaya napunta sakin yung tingin niya.

"Sila yung grupo na nag-aalaga sa lahat ng bagay dito sa mundo, at kalikasan ang pinakauna nilang binabantayan" namangha nalang ako sa sinabi ni Nicole kaya ngumiti siya sakin habang si Scarlet naman ay seryoso lang sa pagkain.

"Dahan-dahan lang naman sa pagkain Scarlet. Maawa ka naman " natawa nalang kami ng sinabi yun ni Rainne kay Scarlet.

"May tanong ako, sinu-sino naman yung mga kinikilalang Trinity Elementalist?" Tanong naman ni Jessica kay Nicole kaya napatingin kami sa kanya.

"Actually, Tatlo lang naman sila, at ang nakakalungkot dun ay hindi ko sila kilala" napakamot nalang si Max sa ulo niya nung sinabi yun ni Nicole.

Bigla nalang sinabunutan ni Nicole si Max at halos kulang nalang ay matanggal na yung ulo ni Max sa sobrang hila niya.

" anong magagawa ko hindi ko naman talaga alam yung pangalan nila eh" painis na sinabi ni Nicole kay Max kaya natawa nalang si Max habang sakit na sakit na siya.

Siguro may naisip na naman si Max na hindi nagustuhan ni Nicole, pero napansin ko na maraming alam si Nicole na mga detalye tungkol sa mga bagay-bagay kesa sa ibang elementalist na nandito sa Academy kaya hanga din ako sa kanya.

"Thank you James, buti ka pa na aappreciate ako, dapat talaga ako nalang si Jessica eh" patawang sinabi ni Nicole at napansin ko na nailang na naman Jessica. Habang ako naman ay hindi na nagtakang nalaman niya yun kasi gaya nga ng mga nakaraang araw ay nabasa na naman niya yung iniisip ko.

"Pero syempre joke lang yun, alam mo namang mahal kita alaga ko" pangiting sinabi ni Nicole at sabay niyakap niya si Max.

"Tara tawa tayo guys" patawang sinabi ni Max kaya imbes na yakapin pa siya ni Nicole ay sinabunutan na ulit siya.

Grabe nakakakilabot minsan si Nicole. Hindi ko masabi pero basta kinakabahan ako lalo na kapag nakatingin siya sakin ng pagalit.

Natapos na kaming kumain at grabe hindi kami maubusan ng mga pinag-uusapan pero nagpaalam na din agad ako sa kanila para pumunta sa Library at sumama naman sakin si Scarlet.

"Buti okay na ulit ang lahat, akala ko kung ano nang mangyayari nun eh" pangiting sinabi ni Scarlet habang naglalakad kami papunta sa Building kung saan matatagpuan ang Library.

"Salamat pala Kuya James, ang galing mo talaga" dagdag niya pa kaya nasiyahan naman ako sa kanya.

Nung pagpasok namin sa Library ay hindi ko naman inaasahan na kami lang pala ang tao dun kaya matahimik kaming naglakad sa loob.

Napansin ko naman na nakaupo si Zero habang nagbabasa ng isang libro na medyo makapal kaya naisipan ko na paghanapin muna si Scarlet ng mababasa niya para makausap ko si Zero ng kaming dalawa lang.

Agad na naghanap si Scarlet ng libro kaya pinuntahan ko na agad si Zero at nakuha ko ang atensyon niya.

"Kamusta na pala yung paghahanap niyo ng impormasyon?" Naging seryoso nalang yung itsura niya habang nakatingin sakin pagkatapos kong sabihin yun.

"Wala pa rin kaming impormasyon kung saan itinago ng mga kalaban si Isabel maski sila Jonathan ay wala pa ding nahahanap" napaisip ako nung sinabi niya sakin yun.

"Nabalitaan ko na pala ang mga nangyari nung nakaraan, hindi ako makapaniwala na wala na din si Aleyah" dagdag niya pa sa mga sinabi niya at nalungkot ako ng naalala ko yun.

Bigla ko nalang naalala si Ken at may nabuo na katanungan sa isipan ko kaya hindi ko napigilang tanungin si Zero tungkol dun.

"Nga pala kilala mo ba si Ken? Napakalakas niya kasi" nagtaka nalang si Zero ng tinanong ko siya.

"Di hamak na malakas talaga yun si Ken, siya kasi ang kilala ko na pinaka mahusay sa pag-manipulate ng Darkness element at kung titingnan mo ay mas malakas pa siya kay Henry" kinabahan nalang ako ng malaman ko yun kay Zero.

"Ito lang ang masasabi ko sayo, kapag makakaharap niyo siya ay huwag niyo isasama si Erika" nagtaka nalang ako ng sinabi niya yung bagay na yun.

"Bakit naman?" Mas naging seryoso yung itsura ni Zero kaya alam kong ganun ka delikado ang maaaring mangyari.

"Kaya kasi ni Ken na kontrolin ang mga elementalist na kayang mag-manipulate ng Darkness element lalo na kapag mga baguhan palang katulad ni Erika" napaisip ako sa sinabi ni Zero kaya nagtanong ulit ako sa kanya.

"Pero diba kulay pula na ang lakas ni Erika sa pagkontrol ng Darkness?" Sang-ayon naman si Zero sa sinabi ko pero nagulat ako ng may pumasok nalang bigla sa isipan ko.

Ibig sabihin ba nun ay mahina palang yung kulay pula na level ng pag-master sa darkness element para kay Ken? Ganun ba talaga siya kalakas? Grabe naman naiimagine ko yung mga susunod na makakaharap namin siya.

"Pero bakit pala parang alam na alam mo ang lahat ng tungkol kay Ken?" Natahimik nalang si Zero ng tinanong ko siya.

"Kababata ko kasi siya at itinuring namin ang isa't-isa na magkapatid" bigla nalang akong naguluhan nung malaman ko yun.

Magkakilala pala sila at itinuring pa nila ang isa't-isa na magkapatid pero ano nga bang nangyari at bakit naging magkalaban na sila?

Ano kaya ang mangyayari kapag nagkaharap si Ken at Zero sa isang labanan.

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top