Chapter 23 : The Guardian
Naglakbay na kami ng oras na yun at halos tumagal din ng humigit tatlong oras yung pag-akyat namin sa kabundukan ng Macheus.
Nung hindi pa rin kami makarating sa pinakataas ng bundok ay napag-pasyahan na muna naming magpahinga saglit kasi pagabi na din ng time na yun, grabe ang bilis ng oras pero ano na kayang nangyari sa Academy. Sana okay lang silang lahat dun at sana makaabot kami.
"Buti nalang dinala ko yung mga pagkain sa bahay kanina, kung hindi wala sana tayong makakain dito"
Pangiti saming sinabi ni Bryan kaya napatingin kami sa kanya at nasiyahan kami ng inilabas niya yung mga pagkain mula sa supot na dala niya.
"Matagal pa ba ang lalakbayin natin?"
Natahimik nalang ako ng nagtanong si Aleyah kay Bryan at napansin ko na napaisip sa isang sandali si Bryan pero bumalik din ulit yung tingin niya kay Aleyah.
"Siguro mga dalawang oras nalang, napakataas kasi ng kabundukan ng Macheus" paseryosong sinabi ni Bryan at sang-ayon naman ako kasi kung titingnan mo palang mula sa ibaba ay alam na nating matagal talaga bago makarating sa pinakataas nito.
Nung habang kumakain kami ay hindi ko naman inaasahan na bigla ko nalang maiisip si Jessica.
Ano na kayang nangyari sa kanya, sana walang masamang mangyari sa kanya, pero gaya nga ng sinabi nila Aleyah, sigurado na habang mas matagal na may epekto ng love potion sa kanila ay mas lalo silang lumalapit sa kamatayan. Natakot nalang ako nung naalala ko lahat ng yun.
"Ba't parang sobrang lalim ng iniisip mo James?" Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng kinausap ako bigla ni Aleyah.
"Naalala ko lang yung tungkol sa problema ngayon sa Academy, nag-aalala na ko para sa kanilang lahat."
Nung sinabi ko sa kanila yun ay bumakas din sa itsura nila ang lungkot kasi naalala nila yung tungkol dun.
"Aalis na muna ako, maghahanap lang ako ng mga bagay na pwede nating magamit" paalam samin ni Bryan at pumayag naman kami sa nais niya.
Bumalik nalang yung tingin namin sa kawalan nung nakaalis na si Bryan pero matapos yun ay napansin ko naman na napatingin sakin si Aleyah.
"Diba ikaw yung Chosen One at kinikilalang elementalist na makakaligtas sa lahat ng tao dito sa mundo namin?" Napatanong nalang si Aleyah kaya nagtaka ako.
"Oo, ako nga yung sinasabi nilang Chosen One, hindi ko nga din alam kung bakit ako ang napili eh." Patawa ko nalang na sinagot sa kanya pero nagtaka ulit ako ng napansin ko na napaisip siya.
"Hindi naman sila nagkamali sa pagpili sayo, isa ka sa mga pinakamabuting tao na nakilala ko dito" pangiting sinabi ni Aleyah.
"Salamat Aleyah, pero teka? Ano na kayang nangyari kay Isabel?" Tanong ko naman sa kanya pero hindi siya sumagot.
"Hindi natin masasagot ang tanong na yan, medyo kinakabahan nga ako kasi hanggang ngayon ay wala pa ding balita sila Jasmin tungkol sa kanya eh"
Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Aleyah.
"Kahit sila Zero ay wala pang nakakarating na balita" dagdag ko pa sa sinabi niya.
Natahimik nalang kami ng bigla nalang kaming nakaramdam ng kakaiba sa paligid namin.
"Alam kong may nagmamasid samin dyan, magpakita ka samin!" Pasigaw na sinabi ni Aleyah habang ako naman ay naghahanda lang sa mga pwedeng mangyari.
"It's been a long time" napalingon nalang kami sa likuran at nakita namin si Henry na nakatingin ng diretso saming dalawa.
"Papano mo nalaman na papunta kami dito?!" Pagalit na tinanong ni Aleyah at napansin ko na umilaw na yung palad niya.
"It's not that complicated, eversince I can manipulate and control the power of Darkness" paseryosong sinabi ni Henry kaya mas nainis si Aleyah.
Nag-summon si Aleyah ng kulay puti na ilaw at tumama agad ito kay Henry, grabe ang bilis ng pangyayari, parang kumislap lang na liwanag.
Nagulat naman kami ng napansin namin na walang epekto kay Henry yun.
"It's impossible!" Pakabang sinabi ni Aleyah at pansin ko na nanginginig na yung mga kamay niya.
"Y-you have been granted by the power of--" hindi na mabigkas ni Aleyah yung gusto niya sabihin nung mga oras na yun kaya mas kinabahan ako.
"Indeed, I have been granted by the power of Void" pangiting sinabi ni Henry kaya medyo napaisip naman ako tungkol dun.
"Look, I'm not here for a fight, even If I had to, it's not the time to have a fight" paseryosong sinabi ni Henry kaya nagtaka naman si Aleyah.
"I know it's a shame of me as the leader of the fallen academy to not fight with you this time, but I just wanted to tell you that you won't succeed" sabi niya samin kaya napaisip na naman ako ng malalim habang nakatingin lang sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Patakang tinanong ni Aleyah kaya ngumiti ulit si Henry.
"You'll find out soon" sagot ni Henry kay Aleyah kaya medyo naguluhan siya.
"Anyway, I dont have much time to stay with you, but James. have fun with your fake purpose in this world" patawang sinabi ni Henry kaya bigla nalang akong nag-isip ng kung anu-ano tungkol sa mga sinabi niya.
Anong ibig niyang sabihin na Fake purpose? Nakakagulo sa isip ko, para bang may kakaiba nalang na nangyari sakin ng narinig ko sa kanya yun.
Naguguluhan nako pero hindi dapat ako magpapadala sa mga sinasabi ng mga kalaban namin, siguro ginugulo lang talaga nila ang isip ko para hindi ako makapag seryoso sa mga susunod na mangyayari.
"Anong ibig mong sabihin ?" Tanong ko kay Henry pero hindi siya sumagot at tumingin lang siya sa malayo.
Naglaho nalang bigla si Henry kaya medyo nawala na yung kaba namin, pero hindi pa din maalis sa isip ko yung tungkol sa sinasabi niyang Fake Purpose, posible kaya na totoo ang sinasabi niya o sadyang ginugulo niya lang ang isip ko.
"Huwag mo masyadong seryosohin yung mga sinasabi nila sayo" nanatili lang akong tahimik habang sinasabi niya sakin yun.
"Ginugulo lang nila ang isip ko" dagdag ko sa mga sinasabi niya.
Napaupo nalang kami sa gilid ng isang puno dun at makalipas ang ilang minuto ay napansin namin na papunta na pala samin si Bryan at mukhang pagod na pagod siya.
"Anong nangyari ? Ba't parang pagod na pagod ka?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya napatingin siya sakin habang naghihingalo.
"Hinarang kasi ako ng isang lalaki at may kapangyarihan siya ng Darkness Element, pero hindi lang yun basta basta darkness" napaisip naman ako nung sinabi samin yun ni Bryan.
"Papano ka nakatakas sa kanya?" Tanong ni Aleyah sa kanya kaya napahinga muna siya ng malalim.
"Nung una ko siyang makita, sinubukan ko siyang talunin kaso napakalakas talaga niya pero buti na nga lang at hindi niya ako pinatay, nagpakilala lang siya sakin at sinabi niya na wala daw tayong pag-asa na magtagumpay" natahimik kaming lahat matapos sabihin ni Bryan ang tungkol dun.
"Ano ang pangalan niya?" Seryoso kong tanong kaya napatingin sakin si Bryan at bakas sa mukha niya ang takot sa lalaki na yun.
"Ang pangalan niya ay Ken" nagulat nalang ako ng nalaman ko na si Ken pala ang nakaharap ni Bryan.
"Hindi nakakapagtakang malakas nga ang nakaharap mo dahil si Ken ay isa sa mga kinikilalang Elite Fallen Elementalist" namangha naman si Bryan ng marinig niya yung sinabi ko.
Natahimik nalang kaming tatlo nung oras na yun at nag iisip lang kami ng kung anu-anong bagay.
Nung habang nag-iisip ako ay bigla ko namang naalala si Erika. Kaya tinanong ko agad si Bryan tungkol dito.
"Don't worry, inaalagaan siya ng isa sa mga kaibigan ko ngayon na nakikitira sa bahay" pangiting sinabi ni Bryan kaya nagtaka naman ako.
"Bakit parang wala naman akong napansin na ibang tao dun sa bahay mo kundi ikaw lang" pataka kong sinabi sa kanya kaya napangiti ulit sakin si Bryan pati na si Aleyah.
"Yun ay dahil Magical Spirit ang tinutukoy ko na nag-aalaga sa kanya"
Namangha nalang ako ng sinabi niya yun.
"Papano yun? Ano ang Magical Spirit?" Tanong ko sa kanila at nasiyahan naman sila sakin.
"Ang Magical Spirit ay yun yung mga parang guardian sa mga tao dito sa Maccheus, once na magpakita siya sayo, ibigsabihin nun ay pinagkakatiwalaan ka na niya" natuwa ako ng malaman ko na ganun pala silang mga Magical Spirit.
"Wow ang galing naman nun. Sana magkaroon din ako ng ganun" pangiti kong sinabi sa kanila.
Naging mahaba din ang mga pag-uusap namin nun at hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami.
Hindi ko naman inaasahan na magigising ako ng madaling araw at napansin ko na biglang lumakas yung hangin kaya napatayo nalang ako mula sa pagkakahiga sa lupa.
Hindi ko alam pero bigla ko nalang naisipan na maglakad lakad kahit na alam kong nasa paligid lang ang mga kalaban namin.
Nung halos sampung minuto na akong naglalakad ay bigla nalang lumakas ang hangin.
Napatigil nalang ako sa paglalakad ng may napansin akong lalaki sa gilid ko at alam kong si Ken yun.
"How great to see you again" pangiting sinabi ni Ken habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
"I know you've been studying hard just to know what exactly is happening in our world" seryosong sinabi ni Ken kaya medyo napaisip nalang ako.
"Still remember this book? That you've found inside the Excelsior Cave?" Nagulat nalang ako kasi nasa kanya yung maliit na libro na nakita ko sa Excelsior Cave dati.
"Papano mo nakuha yan? Iniwan ko yan sa Elemental Academy" pakaba kong tinanong sa kanya pero naging seryoso yung itsura ni Ken.
"Its not important, what's important is now you don't have a chance to witness our world" pangiting sinabi ni Ken kaya medyo kinabahan ako.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang sinunog yung maliit na book gamit ang kamay niya kaya bigla nalang akong nakaramdam ng galit.
"Bakit mo ginawa yun?!" Pagalit kong tinanong sa kanya pero mas nainis ako ng ngumiti lang siya.
"Have fun and I will see you soon" patawang sinabi ni Ken at sabay naglaho na siya kaya natahimik nalang ako habang may namumuong galit sa loob ko.
Gusto ko na talagang makapaghiganti sa mga kalaban dahil sa mga ginagawa nilang mga ganito.
Ano ba ang gusto nilang palabasin at bakit gusto nilang sirain ang mundo kung saan sobrang mapayapa.
Natulala nalang ako sa kawalan habang pinapakinggan yung mga dahon na hinahangin.
Naisipan ko nalang na bumalik habang ang lalim ng iniisip ko.
Ayun nalang kasi ang pinakahuling alala ko kay Jamela at sinira lang yun ni Ken kaya sobrang naiinis talaga ako.
Bigla kong naalala na wala na nga pala sila Jamela, grabe mukhang hindi ko na kakayaning isipin ang mga susunod pang mangyayari.
Nung nakabalik na ako ay naisipan ko nalang na bumalik ulit sa pagtulog at nakatulog na din ako ng mga oras na yun.
Makalipas naman ang ilang oras ay sumikat na yung araw kaya nagising na kaming tatlo nila Aleyah.
"Buti nalang at nakapagbaon ako ng mga tinapay na makakain natin ngayon" sabi samin ni Aleyah habang inaabot niya samin yung mga pagkain.
Kumain na muna kami at nagpahinga sandali at pagkatapos ng lahat ng yun ay umalis na kami agad dala-dala ang mga gamit namin.
"Kamusta na kaya sila Scarlet sa Elemental Academy?" Tumingin nalang sakin si Aleyah ng nagtanong ako sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko ay maayos pa naman siguro sila, maliban nalang kapag tumagal na ng limang araw ang epekto sa kanila ng Love potion." Kinabahan ako sa sinabi ni Aleyah habang si Bryan naman ay diretso lang ang tingin sa daan.
"Kailangan nating bilisan para maabutan pa natin silang buhay" paseryoso kong sinabi sa kanya.
Natahimik nalang kami matapos yun at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad .
Napansin ko naman na napatigil na si Bryan sa paglalakad kaya inaasahan kong nakarating na kami sa dapat naming puntahan.
"Nakarating na ba tayo?" Tanong ko kaagad kay Bryan at napansin ko na tahimik lang si Bryan habang nakatingin sa paligid namin.
"Nararamdaman niyo ba yun?" Pabulong saming tinanong ni Bryan pero wala naman akong nararandaman na kakaiba sa paligid.
"Parang wala naman akong nararamdaman" pangiting sinabi ni Aleyah pero naging seryoso lalo si Bryan matapos yun.
"Teka hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo" pangiti kong pinaalala sa kanya kaya napatingin sakin si Bryan at naging inosente yung mukha.
"Oo nakarating na tayo, ito na yung pinakamataas na part ng kabundukan" mahinahon niyang sinabi kaya nasiyahan naman ako.
Natahimik naman kami makalipas ang ilang minuto at napansin namin na may bigla nalang lumabas na isang higanteng gawa sa crystal ang nagpakita sa harapan namin.
"Ano ang kailangan niyo dito?"
Tanong samin ng higante at agad naman naming sinabi kung bakit kami andun.
Natahimik ang higante at nag-isip muna siya pero pansin naman namin na parang papayag siya.
"Ano palang pangalan niyo?" Tanong namin dun sa higante kaya napatingin yun samin ng diretso.
"Ako si Dernophe, ang tagapagbantay ng Macheus Village" pagalit niyang isinagot samin kaya kinabahan kami.
"Maaari po ba naming malaman kung payag ka na bigyan kami ng isang halaman na kaya makapag-pagaling ng mga taong naapektuhan ng Love Potion." Napaisip na naman si Dernophe nung sinabi ulit namin yun sa kanya.
"Pansin ko naman na kabutihan ang nais niyo kaya payag ako na bigyan kayo ng halaman ng Rofine" nasiyahan kami nung sinabi yun ni Dernophe.
Inabot na kaagad samin ni Dernophe yung isang piraso ng Rofine na halaman at nagpasalamat kami sa kanya.
Hindi naman nagtagal ay umalis na kami pabalik sa Macheus para tingnan kung okay na yung kalagayan ni Erika at para makabalik na din sa Elemental Academy.
"Nga pala, salamat Bryan sa pagsama saamin dito." Pasalamat ni Aleyah kay Bryan at pansin ko na napangiti si Bryan.
"Hindi niyo na kailangang magpasalamat sakin, basta ikaw Aleyah gagawin ko lahat" napangiti naman ako sa sinabi ni Bryan.
"Mukhang may nag-aaminan dito ah" patawa kong sinabi kaya natawa din naman si Bryan habang si Aleyah naman ay medyo nahihiya samin.
"Tigil-tigilan mo ko Bryan ah" pangiting sinabi ni Aleyah at pagkatapos nun ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
Hindi namin namalayan na nakarating na kami sa Macheus Village at dumiretso kaagad kami papunta sa bahay ni Bryan.
"Andito na pala kayo, saan kayo nanggaling?" Pangiti saming tinanong ni Erika at natuwa naman ako ng nakita kong magaling na si Erika.
"Galing kami sa kabundukan ng Macheus, binigyan na kami ni Dernophe ng halaman na magpapagaling kila Jessica" pangiti kong sinabi at sobrang natuwa si Erika ng malaman niya yun.
Napayakap nalang siya sakin ng hindi ko inaasahan pero bumitiw din siya kaagad at medyo nahiya.
"Sorry, sobrang saya ko lang kasi na nagtagumpay tayo ngayon" paseryosong sinabi ni Erika at pansin ko na busy sila Bryan at Aleyah sa pag-uusap sa isang bagay.
"Nga pala James, diba may gusto ka kay Jessica?" Pangiting tinanong ni Erika sakin kaya nabigla naman ako.
"Ba't mo naman naisipan na itanong sakin ang tungkol dun?" Patawa kong sinabi sa kanya pero napansin ko na nainis siya sakin.
"Sagutin mo nalang tanong ko" paseryoso niyang sinabi sakin kaya kinabahan ako sa kanya.
Ngayon ko lang nakitang ganun si Erika, baka gusto niya lang talagang malaman kung may gusto nga ba talaga ako kay Jessica.
Pero sa totoo lang nahihiya talaga akong sabihin na may nararandaman talaga ako para kay Jessica pero mukhang mapapagkatiwalaan ko naman si Erika tungkol dito.
"Wag mo ipapagkalat kung ano man ang sasabihin ko sayo ngayon ah" paseryoso ko sa kanyang sinabi at pansin ko na ngumiti siya.
"Oo nga, basta sagutin mo nalang tanong ko sayo" painis niyang sinabi kaya napaisip na naman ako sa isang sandali.
"Oo na, aaminin ko na" mahinahon kong sinabi kaya na curious nalang si Erika kung ano man ang sunod kong sasabihin sa kanya.
"Ano? May gusto ka nga kay Jessica?" Pangiti niya ulit na tinanong kaya medyo nailang ako.
" Oo matagal na akong may gusto sa kanya pero hindi ko pa alam ang gagawin ko eh" nasiyahan naman siya nung narinig niya yung sinabi ko.
"Halata naman sayo yun kahit hindi mo sabihin eh" patawang sinabi ni Erika sakin.
"Halata naman pala sakin eh, ba't naisipan mo pa akong tanungin?" Painis ko na sinabi kaya tinawanan niya ako.
"Para maka-siguro lang ako na totoo ang hinala ko sayo" pangiti niyang sinabi kaya natahimik nalang ako.
"Tama na muna yang pinag-uusapan niyo at bumalik na tayo sa Academy"
Napaisip ulit ako nung sinabi sakin yun ni Aleyah.
"Pero papano tayo makakabalik sa Academy? Gagawin ulit natin yung paraan kung papano tayo nakapunta dito?" Pataka kong tanong sa kanila pero napansin ko na napangiti si Bryan.
"Huwag kayong mag-alala pahihiramin ko kayo ng Karwahe at kung gusto niyo ay ako nalang ang maghatid sa inyo" natuwa naman kami sa sinabi ni Bryan kaya sumang-ayon kami sa nais niya.
Paalis na sana kami ng napansin namin na palubog na pala yung araw kaya ipinag-pabukas nalang namin ang pag-alis sa Macheus.
Tabi-tabi na kaming natulog nila Erika sa higaan ni Bryan, hanga nga ako kasi nagkasya kaming apat sa kama niya.
Hindi naman nagtagal ay nag-umaga na kaya nagising na din kaming apat at agad na kaming naghanda para sa pag-alis namin pabalik sa Academy.
"Wala na ba tayong nakalimutan?" Tanong samin ni Bryan habang pinapasok namin nila Erika yung mga gamit na dala namin.
"Kumpleto na lahat ng gamit, simulan na natin yung paglalakbay pabalik sa Academy" pangiti kong sinabi at sumakay na kaming tatlo nila Erika habang si Bryan naman ay siyang mag-papaandar ng karwahe namin.
Natahimik naman kami nung habang nasa kalagitnaan ng paglalakbay at hindi ako sanay na matahimik lang kami.
"May napansin ako, bakit parang halos magkaparehas lang ang kulay ng Light element tsaka ng kapangyarihan ko bilang chosen One"
Napalingon nalang sakin si Aleyah habang si Erika naman ay parang inaantok na.
"Ang Light element kasi ay halos katumbas na ng Kapangyarihan ng isang Chosen One, kung baga konti lang ang pinagkaiba nila" napaisip nalang ako sa sinabi ni Aleyah.
"Sa sarili kong paniniwala, lahat ng mga naging chosen one ay nagsimula sa pag-manipulate ng Light element" medyo nalinawagan ako sa sinabi niya kaya may nabuo akong ideas.
"Which means, yung mga ginamit ko pala nung nakaraang laban ay light element?" Pataka kong tinanong sa kanya at bigla siyang ngumiti.
"Oo ang nagawa mo sa mga nakaraang labanan ay nagtataglay ng light element maliban lang dun sa isa"
Seryoso saking sinabi ni Aleyah habang si Erika naman ay nakatulog na pala sa gilid.
"Ano yung isa na nagawa ko na hindi kabilang sa Light element?" Seryoso kong tanong sa kanya kaya tumingin ulit siya sakin straight to the eye.
"Yung time na bigla mo nalang natalo si Erika sa isang labanan, parang may kakaiba kang nagawa" sabi sakin ni Aleyah kaya napaisip ako.
"Ngayon lang ako nakarinig ng ganun na kakayahan, hindi ko pa masabi pero alam kong ikaw palang ang nakakagawa nun" paseryoso niyang sinabi at napatingin siya sa labas.
"Papano mo pala nalaman ang lahat ng tungkol dun?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya bumalik yung tingin niya sakin.
"Lagi ako binabalitaan nila Zero at Jasmin tungkol sa nga nangyayari sainyo lalong-lalo na si Raymond" nalinawagan naman ako nung sinabi niya yun kaya matapos yun ay natahimik na ulit kaming dalawa.
Tumagal din ng apat na oras ang biyahe pero hindi pa din kami nakakarating sa Academy.
Tama nga si Aleyah, malayo nga talaga ang distansya ng Macheus mula sa Academy pero siguro naman ay makakaabot pa kami kila Jessica.
Nung umabot na sa limang oras ang biyahe ay napag-pasyahan na muna naming magpahinga sandali.
Bumababa na muna kami ng karwahe at kumain kami ng baon naming pagkain at maiinom na tubig.
Naisipan ko naman na ilabas ang halaman na Rofine, ang ganda niya tingnan kasi parang may mga part na nakintab sa dahon niya tsaka sobrang smooth kapag hinawakan.
"Naisip ko lang, papano natin to gagamitin para mapagaling ang halos lahat ng elementalist na naapektuhan ng Love potion kung ganito lang kaliit ang Rofine na binigay saatin?" Natawa nalang sakin si Aleyah kaya napaisip nalang ako kung may nasabi ba akong nakakatawa.
"Ang kailangan lang naman nating gawin para bumalik sila sa dati ay ipaamoy sa kanila ang bango niyang Rofine" namangha naman ako sa sinabi ni Aleyah.
Grabe ganun lang yun? Gagaling na sila kapag naamoy nila ang Rofine? Grabe sobrang effective ng halaman na yun, kahit malanghap mo lang yung amoy nun ay gagaling ka na agad.
Napansin naman nila na nasiyahan ako dun kaya natuwa sila sakin. Pero napansin ko naman na parang malungkot si Erika.
Nilapitan ko agad siya at napansin niya na nag-aalala ako kaya lumayo yung tingin niya sakin.
"Ba't parang ang tahimik mo ngayon?"
Tanong ko kay Erika kaya napatingin siya sakin at pansin ko na paiyak na siya.
"May naalala lang kasi ako" mahinahon niya saking sinabi kaya napaisip ako sa isang sandali.
"Hindi ko pa rin matanggap na wala na si Sci" paiyak niya na sinabi sakin kaya bigla ko siyang niyakap.
"Ba't kasi ganito ang nangyari? Sa dinami rami ng pwedeng mawala bakit siya pa?" Napaiyak na siya habang humigpit yung yakap niya sakin, randam ko ang lungkot at galit mula sa kanya.
"Lakasan mo nalang ang loob mo Erika, mas marami pang mangyayari" sabi ko nalang sa kanya sabay napatingin siya sakin ng seryoso.
"Maipapangako mo ba sakin na hindi mo ako iiwanan?" Napansin ko nalang na parang nagma-makaawa yung itsura ni Erika habang sinasabi niya yun kaya nagtaka nalang ako.
"Syempre naman maipapangako ko yan, bakit naman kita iiwan?" Pangiti kong sinabi sa kanya kaya nasiyahan siya dun.
"Alam mo isa ka sa mga pinakamahal kong kaibigan" pangiti niyang sinabi at bumitiw na siya sa pagkakayakap sakin.
Natigil na yung usapan namin ng tinawag na kami nila Bryan at Aleyah kaya agad na din kaming sumakay ng Karwahe.
Natahimik na naman kami sa loob ng karwahe ng halos isang oras pero bigla nalang kaming napatigil ng napansin namin na may lalaki na humarang sa daan namin.
Agad na kaming lumabas at nakilala ko na agad kung sino yung lalaki na humarang samin at yun ay walang iba kundi si--
"Ikaw na naman Ken" napangiti nalang si Ken ng sinabi ko yun.
"Did you really think it would be that easy to earn your desire?" Naging seryoso nalang yung mukha ni Ken matapos niyang sabihin yun at napansin ko na nagkulay itim na naman yung palad niya.
"Ano namang gagawin mo ngayon? Bakit ba gusto mong pigilan kami lagi?" Pagalit na sinabi ni Aleyah kaya ngumiti na naman si Ken at sabay tumalikod lang samin.
"You weaklings have no rights to judge my own desire" nagtaka nalang kami ng sinabi yun ni Ken sabay tinaas niya yung kamay niya palayo.
Napansin ko nalang na biglang nagkulay itim yung mga mata ni Erika at ang ikinagulat ko pa ay bigla niya nalang inatake si Bryan ng darkness element niya.
Mabilis naman na umilaw yung palad ko at agad kong inatake si Erika sa hita para matumba siya.
"How unwise?" Mahinahon na sinabi ni Ken kaya bumalik yung tingin ko sa kanya.
Halos ilang segundo kaming natinginan ni Ken habang pansin ko na nag-aalala si Aleyah para kay Bryan na wala ng malay, pati na rin si Erika ay wala ng malay ng mga oras na yun.
"Anong ginawa mo kay Erika?!" Sinigaw ko kay Ken pero nanatili lang siyang tahimik sakin.
"So you haven't noticed? I am known as One of the Elite Fallen Elementalist and I may considered myself as the God of darkness." namangha nalang ako sa sinabi niya kaya hinanda ko na yung sarili ko sa pwedeng mangyari.
"Did you think you had a chance?" Paseryoso niyang sinabi kaya nagalit na talaga ako dahil sa kanya.
Bigla nalang akong nakaramdam ng kakaibang lakas dahil sa sobrang galit ko ng mga oras na yun na para bang yung nangyari sakin nung nakaraang laban namin ni Henry at ni Melissa.
Pero sapat na kaya yun para matalo ko si Ken? Hindi ko masasabi.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top