Chapter 22 : Love Potion
"Ano nga ba ang mangyayari kapag naapektuhan ka ng Love Potion?" Tanong ko kay Aleyah kaya naging seryoso naman siya.
"Sa totoo lang, ang naaapektuhan lang ng Love Potion ay ang mga kababaihan lang." Sabi sakin ni Aleyah habang ako naman ay tahimik lang.
"Ang epekto nun ay kung sino man ang lalaking makikita nila ay magugustuhan agad nila" kinabahan nalang ako sa sinabi ni Aleyah.
"At kung sakali, maaari ding gumawa sila ng mga kilos na dapat ay mag-asawa lang ang gumagawa" kinilabutan nalang ako sa sinabi ni Aleyah kaya napaisip nalang ako habang nakatingin kay Jessica.
Sino naman kaya ang gumawa ng Love Potion na yun at papano niya kaya yun napakalat dito sa Academy.
Sa tingin ko may chance na taga-Academy ang gumawa nito at hindi tagalabas.
"Papano mo pala nalaman ang tungkol sa Love Potion na yun?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti naman siya.
"Ang bulaklak kasi na ginamit dun ay galing din sa kabundukan ng Maccheus" sagot niya sakin.
"Mamaya nalang natin pag-usapan ang tungkol dun, sabihan muna natin ang iba tungkol dito." Seryosong sinabi ni Aleyah kaya pagkatapos nun ay lumabas na siya sa kwarto ni Jessica.
Tsaka ko lang naalala na wala nga pala sila Zero dito sa Academy ngayon dahil mag-iimbestiga sila kung saan napunta si Isabel.
So that means, mga Student Elementalist lang ang nandito sa Academy.
Lumabas na agad ako at sinabihan ko ang mga kapwa ko lalaki na pumunta sa Building D at huwag itong bubuksan hangga't hindi sila sigurado na ako yun.
Natipon ko na lahat ng mga lalaki at matapos yun ay sinunod ko na din ang mga babae, pinapunta ko sila sa building B. Syempre nagpatulong ako sa mga lalaki na nag-boluntaryong tumulong.
Naisipan ko naman na pumunta na sa Cafeteria para puntahan dun si Emily, buti nalang at naalala ko na andun pala siya.
Nung pumunta na ko dun ay napansin ko naman na nakaupo lang si Rainne sa may damuhan sa ground kaya naisipan ko na din na puntahan siya.
"Tara na Rainne, sumama ka sakin, may masamang nangyayari dito sa Academy" sabi ko sa kanya pero wala siyang imik kaya nagtaka nalang ako.
"Rainne?" Tawag ko ulit sa pangalan niya kaya dahan-dahan siyang napalingon sakin at sabay ngumiti.
Bigla nalang akong napaatras ng nakita ko na naging maamo yung mukha niya, maaaring naapektuhan na din siya ng nagkakalat na Love Potion.
"Bakit parang takot na takot ka sakin, ayaw mo ba akong makita?" Tanong ni Rainne at sabay tumayo na siya mula sa pagkakaupo.
"Lumapit ka sakin, yakapin mo ako" maamong sinabi ni Rainne kaya kinabahan naman ako.
"Rainne, gumising ka, huwag kang magpapadala sa epekto ng Love Potion" sabi ko at napansin ko na wala lang siyang imik.
Hahalikan niya na sana ako pero napatigil siya bigla at sabay natawa siya.
"Huh?" Halos hindi ko na alam ang nangyayari habang si Rainne naman ay tawang-tawa sakin.
"Gusto mo talagang magpahalik" patawa niyang sinabi kaya medyo nainis naman ako.
"Hindi ako kasama sa mga naapektuhan ng Love Potion ano ka ba naman, James" pangiting sinabi ni Rainne kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Pwede ka ng kuning artista" patawa kong sinabi sa kanya kaya natawa ulit
Siya sakin.
"Nababaliw ka na ata Rainne" sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya sakin.
"Tara na nga, James. Baka kung ano ng nangyari sa iba" hikayat niya sakin kaya pagkatapos nun ay pumasok na kami sa loob ng Cafeteria.
Napansin ko naman na parang ang lalim ng iniisip niya kaya napatigil nalang kami bigla.
"May tanong ako sayo James" mahinahon niyang sinabi habang nakatalikod pa din sakin.
"Ano yun?" Pakaba kong sinabi sa kanya kasi pakiramdam ko ay mahalaga ang itatanong niya sa way palang ng itsura niya.
"Ahmmm." Matahimik si Rainne kaya tinanong ko ulit siya kung ano talaga yun.
"Ano ba yung artista?" Seryosong tanong ni Rainne kaya nagtaka naman ako.
Yun lang pala ang itatanong niya, akala ko pa naman kung ano na, natawa nalang ako sa sarili ko kasi ang OA ko nung time na yun.
"Ba't parang natahimik ka?" Napatingin nalang ako sa kanya ng sinabi niya yun.
"Ang mga artista.. Sila yung mga--"
"Ano yun? Sabihin mo na kasi"
"Sila yung mga taong kilalang-kilala sa mundo, kung baga hinahangaan sila ng mga ito" pangiti kong sinabi kaya nalinawagan naman siya.
"How come na pwede pala ako maging ganun?" Pataka niyang sinabi.
"Alam mo mas mabuti siguro kung magpatuloy na tayo, baka kung ano ng nangyari sa iba" patawa kong sinabi kaya napangiti nalang siya.
Dumiretso kami sa kusina ng cafeteria at nakita naman namin dun si Emily na busy sa pagluluto.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagluluto.
"Hindi ako pwedeng umalis kasi walang kakainin ang mga Elementalist" pangiti niyang sinabi pero nagtaka naman siya nung nakita niyang seryoso lang kami ni Rainne.
"May nangyari ba?" Pataka niyang tanong.
"Hindi mo pa pala nababalitaan?" Seryosong tanong ni Rainne.
Napansin ko na wala palang kaalam-alam si Emily tungkol sa nangyayari ngayon.
"May nagkalat kasi na Love Potion dito sa Academy at hindi pa alam kung saan ito nanggaling" nalinawagan naman si Emily pero matapos yun ay napaisip siya.
"Kaya pala parang kakaiba yung pakiramdam ko kanina habang pinapanood ang iba na kumakain, Parang may napansin ako kanina" sabi ni Emily samin kaya hindi ko napigilang tanungin kung ano yung ibig niyang sabihin.
"Ano ba yung napansin mo kanina?"
"Nung habang kumakain kasi yung iba, yung mga babae dito kanina na kakatapos lang kumain ay bigla nalang nagsimulang maging kakaiba yung kilos" napaisip nalang din ako ng sinabi yun ni Emily.
"So ibigsabihin, nahalo yung love potion sa niluluto mo?" Tanong nalang ni Rainne sa kanya kaya nagulat naman si Emily.
"Siguro nga tama ka, pero sino naman ang maaaring gumawa nun, isang beses lang naman ako lumabas ng cafeteria" seryosong sinabi ni Emily kaya medyo naguluhan kami.
"Sigurado ako na may isang taga-dito na naglagay nun ng pasadya" napatingin nalang sila sakin matapos kong sabihin yun.
"May point si James" sabi naman ni Rainne kay Emily.
"Naisip ko lang, may posibilidad kaya na pwede pang mapasa ang epekto ng love potion by human to human?" Napatingin nalang ako sa ibaba ng sinabi yun ni Rainne.
Ayun din yung naisip ko kanina, posibleng mapasa pa ang epekto nito sa iba at kung tama nga ang hinala ko, tama lang pala na hiniwalay ko ang mga babae sa lalaki at itinago ko muna sila sa bawat building.
"Teka? Parang may naalala akong pumasok dito kanina sa cafeteria" na curious naman ako ng sinabi yun ni Emily.
"Kilala mo ba sa pangalan?" Tanong ko agad at napansin ko naman na mukhang hindi siya sigurado sa isasagot niya sakin.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang yinakap ni Rainne at sabay hinalikan pa siya sa labi.
"Anong ginagawa m--?" Nakatulog nalang si Emily matapos siyang halikan ni Rainne at napansin ko na nakangiti lang siya kaya kinabahan ako.
Anong nangyayari?! Hindi ako makapaniwala na ganun pala kalala ang epekto ng nagkalat na Love Potion.
"Andito ka rin pala James, mabuti naman at naisipan mong mag-stay dito kasama ako" pangiting sinabi ni Rainne kaya napatayo nako mula sa pagkakaupo at sabay ikinulong ko agad siya sa kusina ng cafeteria bago pa siya makagawa ulit ng kakaiba.
Dumiretso na agad ako papunta sa Building B para tingnan kung okay na sila dun at para makausap ko na din si Aleyah.
Buti nalang at hindi ako nakita nila Nicole na apektado din ng Love Potion. Sa bagay hindi naman sila ganun kagalaw para makalabas agad ng Building.
Nung nakarating na ko sa Building B ay napansin ko naman na marami na din palang natipon si Aleyah kaya halos mapuno na yung Training Area.
"Anong nangyari?" Pag-aalala ni Aleyah kila Rainne pero nalungkot siya ng malaman niya na kasama na sila Rainne sa biktima ng Love Potion.
"Mas nagiging masama ang epekto ng Love Potion habang tumatagal kaya dapat maayos na agad natin ang gulo" pag-aalala ni Aleyah na may halong kaba.
Sinabi ko naman sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko kaya sinuri niya ng mabuti ang mga posibleng nangyari kung papano kumalat ang Love Potion at kung papano yun napunta sa mga niluluto ni Emily.
"Sa susunod na natin isipin kung sino ba talaga ang may gawa nito, ang mahalaga sa ngayon ay maayos na muna natin ang lahat ng kaganapan" sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Aleyah.
Nasiyahan naman ako ng makita kong kabilang pala si Scarlet sa mga hindi pa apektado ng Love Potion.
"Anong nangyayari? Tsaka nasaan si Ate Nicole?" Tanong niya sakin kaya napaisip nalang ako at umiwas ako ng tingin sandali.
"Mahabang kwento Scarlet pero hayaan mo, kahit anong mangyari magiging okay pa din ang Ate Nicole mo" nasiyahan si Scarlet sa sinabi ko sa kanya at pagkatapos nun ay bumalik na yung tingin ko kay Aleyah na hanggang ngayon ay nag-iisip pa din ng pwedeng gawin.
"May isang paraan lang para matapos ang lahat ng 'to, kailangan nating pumunta sa kabundukan ng Macheus" napaisip nalang ako ng narinig ko yung sinabi niya.
"Pero pano naman tayo makakapunta dun?" Pataka kong tinanong sa kanya
Kaya napatingin siya sakin.
"May alam akong paraan para mas mapabilis ang pagpunta natin dun" napaisip nalang ako ng sinabi niya sakin yun.
Bigla ko nalang naalala, ano na palang nangyari kay Erika, kasama din kaya siya sa mga naapektuhan ng Love potion.
Umalis na agad kaming dalawa ni Aleyah at wala lang kaming ibang ginawa kundi mag-isip habang naglalakad sa daan na sinasabi niya.
"Sa tingin mo ba may posibilidad na
Mapasa ang epekto ng Love potion sa pamamagitan ng halik?" Napatingin nalang sakin si Aleyah ng nagtanong ako.
"Oo, bakit mo naman natanong?" Pataka niyang sinabi kaya napatingin ako sa ibaba habang naglalakad.
"Nakita ko kasi na hinalikan nalang bigla ni Rainne si Emily" nagulat nalang si Aleyah sa sinabi ko.
"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Tinanong ni Aleyah kaya naging seryoso yung itsura ko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Natahimik nalang kami habang naglalakad at napansin ko na ang lalim ng iniisip ni Aleyah.
"Ibigsabihin pala, masama na ang kalagayan nilang lahat" pasiguro niyang sinabi kaya napatungo nalang ako.
Napaisip nalang ako sa isang bagay nung mga oras na yun, according kasi sa pagkakasabi ni Aleyah nung nakaraan ay ang mga babae na apektado nun ay magkakagusto agad sa lalaking una nilang makikita.
So how come na hinalikan ni Rainne si Emily? Ganun ba talaga kalala ang nagagawa ng Love potion na yun?
"Andito na tayo" napalingon nalang ako sa paligid ng tumigil na siya sa paglalakad, pero wala naman akong nakikitang pwedeng sakyan.
"Anong gagawin natin dito?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napangiti nalang siya.
"Dito ko kasi pinapunta si Erika kanina, para maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kung sino man ang may dahilan ng lahat ng 'to" nasiyahan ako sa sinabi niya at makalipas ang ilang segundo ay nagpakita na si Erika samin.
"Mabuti at walang nangyaring masama sa inyo" pangiting sinabi ni Erika sabay napunta yung tingin niya sa Academy.
"Handa ka na ba ? Erika?" Seryosong tinanong ni Aleyah kaya napahinga nalang ng malalim si Erika.
Napansin ko na mukhang malalim yung iniisip ni Erika kaya nag-alala nalang ako sa kanya.
Huminga na siya ng maayos at sabay ngumiti siya saming dalawa ni Aleyah.
"Sige handa na ko" halos wala nakong idea kung ano talaga ang gagawin nila kaya naisipan ko nalang na tanungin si Aleyah tungkol dun.
"Ano ba yung gagawin niya? Bakit parang napaka-seryoso niyo?" Pataka kong tanong sa kanila kaya tumingin nalang sila sakin ng diretso.
"Bibigyan ko siya ng Amsile Flower para mas lumakas yung kakayahan niya na makapaglaho sa mas malayong lugar at para mas lumakas yung abilities niya." Nalinawagan naman ako ng sinabi niya yun pero kung tungkol lang naman dun yun, bakit naman sila ganun kaseryoso kanina.
May iba pa ba silang hindi sinasabi sakin, malakas talaga yung kutob ko na may nililihim pa sila sakin.
"Pero bakit parang alalang-alala kayo kung yun lang pala ang plano?" Napatingin nalang ulit sakin si Aleyah habang si Erika naman ay napatingin nalang sa ibaba.
"Ang totoo kasi niyan, kapag ginamit ng isang Elementalist ang Amsile Flower ay pwedeng malagay sa panganib yung buhay niya" napaisip nalang ako ng sinabi yun ni Aleyah.
"Just Imagine, pipilitin nun palakasin yung abilities ng isang elementalist which means pipilitin din ang katawan niya na i-handle ang lakas na yun kahit hindi naman talaga kaya." Pag-aalala ni Aleyah habang ako naman ay napatingin ng diretso sa kanya.
"So it means, maaaring hindi yun kayanin ng katawan niya at pwede siyang mamatay" bigla nalang akong kinabahan kaya napunta yung tingin ko kay Erika na matahimik pa din hanggang ngayon.
"Ba't mo naman pinipilit si Erika na gawin ang bagay na ikakapahamak niya" seryoso kong sinabi kay Aleyah kaya natahimik siya.
"Huwag mo siya sisihin James, ako naman talaga ang nakaisip ng bagay na yun" nawala nalang bigla lahat nung iniisip ko nung sinabi sakin yun ni Erika.
"Hindi mo namang kailangang ipahamak yung sarili mo dahil lang dun" pag-aalala kong sinabi sa kanya kaya napangiti nalang siya.
"Pero kung mawawala yung mga kaibigan ko, ano pang purpose ng buhay ko kung magiging mapag-isa lang din ako" natahimik nalang ako ng mahinahon yun na sinabi ni Erika sabay nagpakita siya ng maliit niyang ngiti.
Grabe bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba, parang masaya na malungkot, naging speechless ako dahil sa sinabi niya.
"Seryoso ka na ba talaga?" Tanong ko sa kanya kaya tumingin sakin si Erika.
"Oo seryoso ako." Wala ng imik si Erika matapos niyang sabihin yun at kahit mahirap ay tinanggap niya pa din yung Amsile Flower na binigay sa kanya ni Aleyah.
"Sorry Erika" pag-aalala ni Aleyah habang si Erika naman ay nakatingin lang sa Amsile Flower.
"Ano ba kayo, masyado kayong nag-aalala sakin" pangiting sinabi ni Erika pero halata sa kanya na malungkot siya.
Nilagay ni Erika yung Amsile flower sa palad niya at sabay dinurog niya ito, napansin ko naman na pumasok yung bulaklak sa palad niya at bigla nalang itong umilaw ng napakaliwanag.
"Sa tingin ko, tumaas na yung kakayahan mo sa pag-kontrol ng Darkness Element" paseryosong sinabi ni Aleyah.
"Hahawakan ko na yung noo mo para mabasa ko na yung nasa isipan mo, at para malaman ko na din kung saan talaga tayo pupunta" mahinahon na sinabi ni Erika at sabay hinawakan niya na yung noo ni Aleyah habang nakapikit siya.
Wala naman akong imik ng mga oras na yun, tinitingnan ko lang silang dalawa habang nararamdaman ko yung pag-aalala kay Erika.
Napaisip naman ako sa isang bagay, pero nawala din kaagad ito ng bigla akong tinawag ni Aleyah.
"Hawakan mo na yung kamay ko James" pangiting sinabi ni Erika at napansin ko na magkahawak na sila ni Aleyah.
Nung hinawakan ko yung kamay niya, ang smooth ng palad niya, at nagtaka nalang ako kasi mainit yung kamay niya, dahil ba yun sa Amsile Flower?
Bigla nalang dumilim yung paligid at makalipas ang ilang segundo ay napansin ko naman na nasa ibang lugar na pala kami.
Napansin ko naman na bigla nalang nawalan ng malay si Erika kaya bumagsak yung katawan niya pero bago pa siya matumba ay sinalo ko na siya.
"Sorry Erika, ginawa mo to dahil samin,hindi ko kayang makitang ganyan ka," mahinahon kong binulong sa kanya kahit na alam kong wala na siyang malay.
"Halika, dalhin natin siya sa kakilala ko dito sa Macheus Village" binuhat ko na agad si Erika sa may likuran ko at sinundan ko na si Aleyah sa paglalakad.
Tumagal din ng halos sampung minuto yung paglalakad namin bago kami nakarating sa Macheus.
"Grabe ang layo pa pala natin" patawa kong sinabi kaya ngumiti sakin si Aleyah.
Nung nakarating na kami dun ay nagulat ako kasi napakarami ng tao dun, at para bang may pagdiriwang na nagaganap dun sa dami ng tao.
Para siyang probinsiya lang kasi nakatayo ang village na yun malapit sa isang kabundukan, na ayon sa kwento ni Aleyah ay yun ang pinuntahan niya para matagpuan ang mga bulaklak na inaalagaan niya ngayon.
Sa may hindi naman kalayuan ay dun pala ang bahay na pupuntahan namin ni Aleyah.
Kumatok na agad si Aleyah at halata naman ang pagod sa katawan namin, lalo na sakin na kanina pa buhat-buhat si Erika na wala pa ding malay hanggang ngayon.
May isang lalaki naman na nagbukas ng pinto ng bahay na pinuntahan namin at kung titingnan mo ay mukhang matahimik lang siya.
"Ikaw lang pala Aleyah, sino pala yang kasama mo?" Mahinahon na sinabi nung lalaki samin at sabay napatingin siya sakin.
"Ito nga pala si James, at yung buhat niya naman sa may likuran ay si Erika" napaisip naman saglit yung lalaki at sabay pinapasok niya na kami sa loob ng bahay niya.
"So obviously, yang babae na may pangalan na Erika ay gumamit ng
Amsile Flower kaya siya nagkaganyan pero sa anong kadahilanan?" Namangha naman ako ng nalaman niya yun kahit na wala naman sa kanyang nagsasabi tungkol dun.
"May nagkalat kasi na Love Potion sa Academy at nasa panganib na ang buhay ng mga naapektuhan nito" nagtaka naman ako sa sinabi ni Aleyah.
"Papano mo nasabing nasa panganib ang buhay nila?" Tanong ko kaya napalingon sila sakin habang si Erika naman ay pinahiga ko muna sa may mahabang upuan.
"Ganito kasi yun, habang tumatagal sa katawan nila yung Love Potion ay mas nagiging mapanganib ito, lalo na kapag wala silang mahanap na mamahalin" napaisip nalang ako sa sinabi ni Aleyah.
"At kapag tuluyan ng nasakop ng Love potion ang katawan nila ay maaaring magpakamatay ang biktima nito dahil sa sobrang pagmamahal" kinilabutan nalang ako sa sinabi ni Aleyah habang yung lalaki naman ay walang imik sa may gilid.
"Kaya pala ganun ka-concern si Erika kanina na baka mawala ng matirang kaibigan sa kanya, at kaya pala nagawa niyang mag-sakripisyo para dun, ganun pala kalala ang epekto nun" paseryoso kong sinabi at napansin ko naman na walang sinabi sila Aleyah kaya alam kong tama ang mga sinabi ko.
"Mukhang mahihirapan kayo sa paglutas ng problema na yan" napatingin nalang kami sa lalaki habang bakas sa itsura niya na mukhang mahirap yung pagdadaanan namin para lang mabalik ang lahat sa dati.
"Pano mo naman nasabi? Bryan?"
Tanong ni Aleyah sa kanya, Bryan pala ang pangalan ng lalaki na yun, medyo magaling siya sa pag-iisip kung titingnan mo palang sa way ng pagkilos niya at pagsasalita pero sigurado din ako na may iba pang lihim si Bryan.
"So Bryan pala ang pangalan mo, nice to meet you" nasiyahan naman si Bryan ng kinausap ko siya nung mga oras na yun pero hindi rin nagtagal ay bumalik na ulit sa seryosong usapan.
"Isa lang ang solusyon para dyan, kailangan niyong kumuha ng isang uri ng halaman sa pinakataas ng kabundukan ng Macheus" napaisip nalang kami ng sinabi yun ni Bryan.
"Pero bago kayo makakuha ay haharangin kayo ng isang Guardian dun" napaisip nalang ako sa sinabi ni Bryan habang si Aleyah naman ay natulala sa isang lugar.
"At ano naman yung guardian na tinutukoy mo?" Tanong ko kay Bryan kaya tumingin siya sakin.
"Siya yung nagsisilbing tagapagbantay ng pinakataas na bahagi ng kabundukan ng Macheus" nalinawagan nalang ako sa sinabi niya kaya pagkatapos nun ay natahimik nalang kami sa loob ng bahay ni Bryan.
Makalipas naman ang ilang minuto ay bigla nalang nagsimula ng panibagong usapan si Aleyah.
"Pwede mo ba kaming samahan patungo dun?" Napaisip nalang si Bryan pero pumayag din naman siya.
"Ihanda niyo na yung mga dadalhin niyo, mahaba-haba din ang lalakbayin natin" pangiti saming sinabi ni Bryan kaya tumayo na kami mula sa pagkakaupo.
Nung handa na kami ay agad na din kaming umalis para simulan ang paglalakbay papunta sa kabundukan.
Ano kaya ang mga mangyayari samin
Tsaka sino yung sinasabi ni Bryan na Guardian sa kabundukan ng Macheus. Pero ang pinaka-inaalala ko talaga ay yung tungkol sa love potion.
Sana hindi kami mabigo sa gagawin namin para maibalik na namin sa dati ang lahat ng naapektuhan sa Academy.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top