Chapter 20 : Hortensia
"Anong Hortensia?" Tanong ko kay Jessica kaya napansin ko na napangiti siya sakin.
"Basta malalaman mo din kapag andun na tayo" masaya niyang sinagot sa tanong ko pero napaisip naman ako sandali.
"Kailan naman tayo pupunta dun?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napatingin ulit siya sakin.
"Kung gusto mo ngayon na?" Sabi niya sakin pero nagtaka siya ng natahimik ako.
" Bukas nalang tayo umalis" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa bintana sa isang sandali pero bumalik din yung tingin niya sakin.
" Magpahinga ka na muna, makakapag-antay naman ako hanggang bukas, baka kung mapano ka pa kapag ngayon na tayo umalis" napansin ko na napangiti si Jessica sa sinabi ko at medyo may naramdaman akong kakaiba ng naging malambing yung tingin niya sakin.
"Sige magpapahinga nako, salamat James" mahinahon niyang sinabi at napansin ko na humiga na siya sa kama niya.
"Bakit ka nagpapasalamat?" Pataka kong tanong sa kanya kaya tumingin ulit siya sakin.
"Salamat at nandyan ka lagi para sakin" napangiti naman ako sa sinabi niya at pagkatapos nun ay nagpaalam na ko sa kanya para makapagpahinga na din siya.
Bumalik ako sa kwarto ko at napahiga nalang ako ng hindi ko namamalayan at sabay napaisip ako sa isang sandali.
Bakit parang kakaiba yung naramdaman ko kanina nung nakatingin ako kay Jessica, hindi ko maintindihan pero kakaiba talaga kapag siya ang kasama ko.
Napatigil nalang ako sa pag-iisip tungkol sa bagay na yun ng bigla akong nakaramdam ng gutom kaya napag-pasyahan ko na rin na pumunta na muna sa Cafeteria.
Napansin ko naman na pagabi na rin nung mga oras na yun kaya naisip ko na baka nakain na din sila Nicole sa cafeteria.
Naglakad na ko papunta sa cafeteria pero napatigil din ako sa paglalakad ng nakasalubong ko si Enzo sa ground ng Academy.
"James, kamusta ka na? Matagal-tagal na din matapos ang huli nating pag-uusap" pangiti saking sinabi ni Enzo kaya nasiyahan naman ako.
"Oo nga eh, matapos ang lahat ng mga pangyayari, marami na din akong natuklasan dito sa mundo niyo" napaisip nalang sandali si Enzo nung sinabi ko yun kaya nagtaka ako.
"May problema ba? Enzo?" Tanong ko sa kanya kaya bumalik yung tingin niya sakin.
"Wala, may naalala lang ako dati" paseryoso niyang sinabi sakin kaya hindi na ulit ako nagtanong tungkol dun sa bagay na yun.
"Sige mauna na ako, sa susunod nalang ulit James" nung nagpaalam na siya sakin ay nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad dahil gutom na talaga ako.
Nung malapit na ko sa cafeteria ay bigla ko namang naalala na wala na nga pala si Andrew, pinatapon na pala siya sa Lost Dimension.
Bigla naman akong kinabahan ng naalala ko din na kalaban ko nga pala si Arjay, ang pinakamatalik kong kaibigan. Bakit ba ganito ang nangyayari? Sinasadya na ata ng tadhana ang lahat ng ito.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang may yumakap mula sa likuran ko pero nasiyahan ako ng nalaman ko na si Scarlet lang pala.
"Ba't ba ang kulit mo?" Pangiti kong tanong sa kanya kaya ngumiti siya sakin.
"Matagal na akong makulit, masanay ka na sakin, kuya James" sagot niya sakin at matapos ang lahat ay agad niya akong hinatak papunta sa loob ng cafeteria.
Hindi nga ako nagkamali, andun nga si Nicole pati na rin si Rainne at sabay na silang kumakain.
Sabay-sabay na kaming kumain nila Nicole maliban lang kay Scarlet, busog pa daw kasi siya tsaka mas gusto niya pang maglibot sa buong Academy, mabuti na nga lang at pinayagan siya ni Nicole.
"Pinapasabi nga pala ni Rebecca na kailangan niya daw ng kasama sa pagpunta sa Anatasia, dahil may kailangan pa daw siyang tapusin na mga problema dun, so sasama kayo?" Tanong samin ni Nicole kaya napansin ko na napangiti naman si Rainne kaya alam ko na may balak siyang sumama.
"Ako sasama ako, ikaw James?" Tanong sakin ni Rainne kaya napunta yung tingin ni Nicole sakin.
"Hindi na muna ako sasama, may mga gagawin pa kasi ako" mahinahon kong sinabi at hindi muna ako nag-isip ng mga bagay-bagay nung oras na yun para hindi malaman ni Nicole na pupunta kami ni Jessica sa Hortensia.
"Ahmm pwede bang sayo ko na muna iwan si Scarlet, delikado kasi kapag isasama ko pa siya" pakiusap sakin ni Nicole kaya pumayag naman ako dahil magkaibigan naman kami.
Hindi naman nagtagal ay tapos na din kaming kumain, sakto naman na dumating si Lucas sa Cafeteria at parang hinahanap niya ako.
"Andito ka lang pala James, kanina ka pa hinahanap ni Isabel" nagtaka ako sa sinabi sakin ni Lucas kaya naisipan ko na tanungin siya.
"Bakit niya naman ako hinahanap?" Tanong ko kay Lucas habang sila Rainne naman ay dumiretso na papunta sa Weapon Area sa may Building B.
"Hindi ko din alam, basta aantayin ka daw niya sa Library" dagdag ni Lucas kaya wala na akong sinabi pang iba at dumiretso na agad ako sa Library.
Nung nakarating na ko sa Library ay nakasalubong ko na agad si Isabel at napansin ko na napangiti siya.
"Bakit mo pala ako hinahanap Isabel?" Tanong ko kaagad sa kanya kaya medyo natuwa siya.
"Wala naman akong itatanong, gusto ko lang na malaman mo na kasama ako sa pag-alis niyo bukas" pangiti niyang sinabi kaya nagtaka naman ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Napatingin nalang siya sa paligid ng tinanong ko yun at nung napansin niya na wala masyadong tao sa paligid ay agad siyang lumapit sakin.
"Diba nga pupunta kayo ni Jessica sa Hortensia bukas ng umaga" bulong niya sakin kaya nalinawagan naman ako sa gusto niyang palabasin pero nagtaka pa din ako.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko ulit sa kanya kaya bumalik yung tingin niya sakin.
"sa totoo lang, si Jessica talaga ang nagsabi sakin, gusto niya kasi na may kasama pang iba para mas makasigurado tayo na ligtas ang isa't-isa." Napaisip nalang ako sa sinabi niya.
"Sinu-sino pa ba ang mga kasama?" Tanong ko sa kanya kaya naging mahinahon yung itsura niya.
"Tayong tatlo lang siguro" sagot sakin ni Isabel kaya pagkatapos nun ay bigla nalang kaming natahimik.
Bigla ko namang naisipan na bumalik na sa kwarto kasi malalim na rin pala ang gabi kaya agad nakong nagpaalam kay Isabel.
Makalipas ang halos sampung minuto ay nakabalik na ako sa kwarto ko at sabay nung napahiga na ko sa kama ay bigla nalang akong napaisip.
Napansin ko na bakit parang hindi ko na nakikita si Henry, ano na kayang nangyari sa kanya, parang may plano sila kaya hindi na muna sila nagpapakita, siguro naman tama ang hinala ko.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at nung nagising na ako kina-umagahan bumangon na agad ako at naghilamos.
Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko at napansin ko na mga 6:20 palang ng umaga pero napag-pasyahan ko ng dumiretso kay Jessica para tingnan kung okay na ba siya.
Kumatok na muna ako bago ako pumasok at napansin ko naman na nag-aayos na ng mga gamit si Jessica.
"Tulungan na kita dyan" sabi ko sa kanya kaya napangiti naman si Jessica at nagpasalamat.
"Ito na ba yung mga dadalhin natin?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin ulit sakin si Jessica.
Bigla na naman akong nakaramdam ng parang kakaiba nung time na tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata ko, hindi ko mapaliwanag pero kakaiba talaga ang pakiramdam ko.
"Oo yan yung mga dadalhin natin mamaya, tara na baka inaantay na tayo ni Isabel sa ibaba" mahinahon niyang sinagot sakin at pagkatapos nun ay binuhat ko na agad yung Bag na pinaglagyan ng mga gamit namin.
Pumunta na agad kami sa Ground at tama nga si Jessica, inaantay na kami ni Isabel sa may ibaba at may karwahe na rin malapit sa kinatatayuan niya.
"Sumakay na kayo Guys, aalis na agad tayo bago sumikat ang araw" napatingin nalang ako sa may harapan ng karwahe ng nagsalita si Lucas.
"Kasama ka pala Lucas?" Pangiti kong tinanong sa kanya habang sila Jessica naman ay nakatingin lang sakin.
"Syempre naman, ako na ang bahalang magpaandar ng karwahe" masaya niyang sinagot kaya pagkatapos ng usapan namin ay pumasok na kaming tatlo nila Isabel sa loob ng karwahe kaya hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang paglalakbay namin.
"Hindi ako makapaniwala na makikita ko na ang Hortensia" masayang sinabi ni Isabel kaya napangiti nalang si Jessica.
"Gaano ba kalayo yung pupuntahan natin, Jessica?" Napalingon nalang silang dalawa sakin kaya naging seryoso yung itsura ko.
"Hindi naman yun ganun kalayo, siguro mga kalahating oras lang ang biyahe" napaisip nalang ako matapos niyang sabihin yun.
Grabe sobrang dami na din pala ng nangyari sakin dito sa mundo nila, pero bigla ko naman naalala yung tungkol dun sa nagawa ko kay Erika.
Ano kaya ang nangyari at papano ko kaya nagawa yung bagay na yun, grabe sobrang mysterious talaga.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla ko nalang na-realize na hindi ko pala dala yung maliit na libro na napulot ko sa Excelsior Cave.
"Buti pinayagan tayo ni Enzo na umalis ngayon sa Academy kahit na bawal dapat." Pangiti nalang na sinabi ni Jessica habang nakatingin siya sa labas.
Napansin ko naman na napatingin sakin bigla si Isabel tapos kakaiba yung pagtingin niya kaya alam kong tungkol na naman yun kay Jessica.
"Alam mo ba lagi ka kaya binibisita ni James nung wala kang malay" napatingin nalang samin si Jessica ng sinabi yun bigla ni Isabel.
"James, maraming salamat talaga sa lahat ng mga bagay na nagawa mo para samin, alam kong hindi ka dapat damay dito sa mga problema namin pero mas pinili mo pa din na tulungan kami" natahimik nalang ako bigla nung sinabi sakin yun ni Jessica.
Grabe nakakataba sa puso yung mga sinasabi sakin ni Jessica pati na nila Max, na-imagine ko tuloy kung ano pa ang maaaring mangyari sa mga susunod na araw.
"Anyare sayo? Ba't natahimik ka?" Patawang sinabi ni Isabel kaya napalingon ako sa kanya sabay napangiti nalang ako.
"Wala nasisiyahan lang ako kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala kayong lahat" seryoso kong sinabi sa kanila kaya ngumiti naman sila Jessica.
Pagkatapos ang lahat ng yun ay natahimik na kami habang nag-aantay lang kami na makarating dun sa pupuntahan namin.
Halos makatulog na nga ako habang nasa biyahe kami, buti nalang at nakarating na kami agad kaya nagising na yung diwa ko.
"Andito na tayo guys, magsilabas na kayo" sabi samin ni Lucas kaya ganun na nga ang ginawa namin, lumabas na kami at napansin ko naman na parang nasa gitna kami ng gubat.
"Pasensya na, hindi na kasi makadaan yung karwahe sa dami ng puno, kaya maglalakad na tayo simula dito" pangiting sinabi ni Lucas habang nagkakamot siya ng ulo niya.
Nung nagsimula na kaming maglakad ay napansin ko na parang natahimik nalang kaming apat kaya wala na akong ibang ginawa kundi tumingin sa paligid namin.
Bigla nalang akong kinabahan ng naalala ko na sakin nga pala iiwan ni Nicole si Scarlet, papano na kaya 'to? Sino kaya ang magbabantay dun.
"Saan kayo papunta?" Napalingon nalang kami sa likuran namin ng narinig namin yung boses ni Jasmin.
"Ikaw pala Jasmin, kamusta ka na? Balak kasi namin pumunta sa Hortensia" pangiting sinabi ni Jessica at halata sa kanya na sobrang saya niya dahil nakita niya ulit si Jasmin.
"Okay naman ako, pero teka? Pupunta rin pala kayo sa Hortensia?" Patakang tinanong ni Jasmin kaya napaisip sila Isabel.
"Ganito kasi yun, gusto kasing malaman ni James kung saan nanggaling ang Bracelet na kayang magpagaling ng anumang sugat" nalinawagan naman si Jasmin sa sinagot sa kanya ni Jessica kaya matapos yun ay sabay-sabay na kaming naglakad.
Naalala ko nalang bigla si Kevin habang naglalakad kami, ano na kayang nangyari sa kanya? Ano kaya ang itsura ng Lost Dimension? Nakaka curious kaso hindi ko pwedeng malaman kung ano ang nasa loob nung sinasabi nilang Lost Dimension.
Hindi ko naman namalayan na malapit na pala kami sa pupuntahan namin, nakarating kami sa isang patag na lugar at kung titingnan mo ay para siyang hardin na napakaganda.
Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang bahay sa gitna ng hardin, dito na kaya namin makikita ang Hortensia.
Nung kumatok na kami sa bahay ay hindi naman nagtagal at binuksan ito ng babae na kulay Pink ang buhok.
"Ano po ang maitutulong ko sainyo?" Tanong samin ng babae kaya napangiti naman si Jessica habang si Lucas naman ay gandang-ganda sa hardin na nakapalibot sa bahay ng babae na kumausap samin.
"May gusto po sana kaming tanungin sa inyo, kung okay lang po sa inyo" pangiting pinaki-usapan ni Jessica.
Pumayag naman yung babae kaya pagkatapos nun ay pinapasok niya na kami sa bahay niya.
"Ano po palang pangalan niyo?" Tanong ko sa babae kaya napatingin nalang siya sakin at sabay ngumiti.
"Ako pala si Aleyah, ang kinikilalang Hortensia ng Elemental Academy" nalinawagan nalang ako sa sinabi niya, siya pala yung Hortensia, hindi na ko makapag-antay na tanungin siya tungkol sa lahat ng mga nagulo sa isipan ko.
"Ako ang nangangalaga sa lahat ng mga halaman na may iba't-ibang uri ng kakayahan" dagdag niya pa kaya namangha naman ako.
"Aleyah, naaalala niyo pa ba yung ginawa niyong bracelet ni Rebecca na kayang makapag-pagaling ng anumang sugat?" Napaisip si Aleyah ng tinanong ko siya.
"Oo naaalala ko pa yun, bakit?" Napaisip nalang ako bigla habang sila Jessica naman ay nananahimik lang sa may upuan.
"May alam po ba kayo kung bakit itinigil ni Rebecca ang paggawa ng mga bagay na yun?" Straight to the point na agad ako kaya napaisip naman si Aleyah.
"Ganito kasi yan, mahigpit kasi na ipinapagbawal ang paggamit ng mga kasangkapan na galing dito sa lugar ko, lalo na kapag may kinalaman ang Academy sa pag-gagamitan nito." So yun pala ang dahilan kung bakit tumigil na si Rebecca sa paggawa nung bracelet na dilaw.
"Pherea Flower ang ginamit dun sa Bracelet para magkaroon yun ng kakayahan na makapag-pagaling ng anumang sugat" dagdag pa ni Aleyah kaya medyo naguluhan ako.
"Aleyah, diba may halaman kayo na kayang makapag-palakas ng isang elementalist?" Pangiting tinanong ni Isabel kaya medyo na curious naman ako sa kanya, bakit niya naman natanong yung bagay na yun?
"Oo meron, Amsile Flower ang tawag ko dun, pero ano ba talaga ang kailangan niyo at bakit kayo naparito?" Medyo kinabahan ako nung naging serious mode na si Aleyah.
Para kasi siyang pumapatay ng tao kapag seryoso ang mga tinginan niya kaya speechless ako kapag seryoso na siya.
"Wala naman po talaga kaming kailangan, gusto ka lang po namin makamusta at para malinawagan na din si James sa mga tanong niya" napangiti nalang si Aleyah after niyang marinig yun kay Jessica kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Kung pwede lang po sainyo, dito po muna kami makikituloy hanggang bukas ng umaga" dagdag ni Jessica at pumayag naman si Aleyah.
"Pwede bang maiwan niyo muna kami ng Hortensia sa isang sandali" napatingin nalang kami kay Jasmin ng nakiusap siya samin, kaya pagkatapos nun ay lumabas na kaming apat nila Isabel.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa, may nabasa kasi ako sa libro na isang halaman dito na talagang napakaganda" umalis na agad si Isabel at napansin ko na sumama sa kanya si Lucas kaya obviously kaming dalawa nalang ni Jessica ang natira.
Bigla na naman akong nakaramdam ng kakaiba na hindi ko naman ma-explain kung ano ba talaga ang ipinapahiwatig nung pakiramdam ko.
Para bang nahiya nalang ako bigla kay Jessica na para bang may gusto ako sa kanya, ewan ko ba basta ang gulo.
"Okay ka lang ba James, parang ang lalim ng iniisip mo" natahimik nalang yung utak ko ng kinausap niya ako
Natawa nalang ako at sabay sabi sa kanya na wala lang yun.
Napag-pasyahan naman namin na maglakad-lakad muna sa paligid para malibang namin yung mga sarili namin kahit papano.
"Alam mo sa totoo lang, sobrang saya ko talaga na nakilala kita at nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka" napatigil kami sa paglalakad ng sinabi niya sakin yun.
"Ayokong mawala ka na sa piling ko" bigla nalang nag-iba ang way ng feelings ko ng sinabi niya yun ng hindi siya nakatingin sakin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya kaya napaharap na siya sakin.
"Ikaw lang kasi ang nakilala ko na sobrang pinapahalagahan ako at alam kong hindi ako pababayaan" mahinahon niyang sinabi habang nakatungo lang siya.
"Jessica..." Mahina kong sinabi habang nakatingin ako sa maamo niyang mukha. Grabe yung nararamdaman ko nung time na yun, aakalain mong bomba yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
Napansin ko naman na napaiyak nalang si Jessica kaya napayakap nalang ako sa kanya pero nagtaka naman ako kasi bakit naman siya umiyak.
"Hayaan mo, Andito lang ako lagi para sayo Jessica" pangiti kong sinabi sa kanya pagkatapos ko siyang yakapin.
"Alam naman natin na may mangyayaring labanan sa susunod na panahon, sa tuwing naiisip ko yun ay
Natatakot ako na baka mawala ako sa piling mo" paluha na sinabi ni Jessica kaya nalinawagan na ako.
"Walang mangyayaring masama, magtiwala ka lang" nalakasan nalang siya ng loob ng sinabi ko yun.
Bigla ko nalang naalala si Scarlet, ano na kayang nangyari dun, nako siguradong lagot ako nito kay Nicole.
Parang tinakasan ko kasi siya, basta siguro naman ay maiintindihan niya ang dahilan ko.
"Mukhang may namumuo dito ah" napatingin nalang kami kaagad kay Isabel ng bigla nalang siyang sumulpot sa harapan namin.
Hindi ko ba alam kung papano niya nagagawa yun , basta bigla nalang siyang nagpapakita kaya ilang beses na din akong nagulat sa kanya.
"Ano ka ba naman, wala yun Isabel" sabi ni Jessica habang hindi mapakali yung mga mata niya.
"Sus tinatanggi niyo pa" patawa nalang na sinabi ni Isabel.
Sa totoo lang, medyo natawa din ako sa kanya kasi ngayon ko lang siya nakasama ng ganun siya kasaya.
Bigla nalang may pumasok sa isip ko tungkol kay Jessica, may posibilidad kaya na may gusto siya sakin? Nakaka curious pero nahihiya talaga akong tanungin siya. Siguro nga torpe ako kagaya ng sinabi ni Arjay hahaha.
Matapos ang lahat ay napatingin nalang kaming tatlo sa paligid at napansin namin na hapon na pala.
Bumalik na kami sa bahay ni Aleyah para tingnan kung tapos na ba silang mag-usap ni Jasmin.
Nung nakarating na kami ay tama nga ang hinala ko, tapos na silang mag-usap at napansin ko na paalis na din si Jasmin dala-dala ang isang maliit na supot.
"Mag-ingat kayo sa pag-uwi niyo bukas ah" paalam samin ni Jasmin at sabay agad na siyang naglakad palayo.
"Hayss grabe wala akong magawa" maantok na sinabi ni Lucas kaya natawa nalang sila Isabel sa kanya.
"Tara ipapasyal ko muna kayo sa Hardin ko" nasiyahan naman si Lucas ng sinabi yun ni Aleyah kaya bumangon na agad siya.
Nung habang naglalakad na kami ay hindi ko naman napigilang hindi mapatigil dahil sa nakita kong mga bulaklak.
Grabe sobrang ganda ng hugis ng mga bulaklak na yun at nakinang pa na parang ginto.
"Ang ganda diba?" Sabi sakin ni Aleyah habang nakatitig lang kami sa bulaklak na yun.
"Ayan yung Pherea Flower," namangha nalang ako nung sinabi niya yun, grabe kakaiba talaga yung itsura nung bulaklak na Pherea.
Parang gusto ko ng dalhin pauwi yung isa kaso bawal nga pala yun sa Academy.
"Yang medyo dark blue naman ay ang Amsile Flower" sabi sakin ni Aleyah sabay turo sa may bandang kanan namin.
Natawa nalang ako bigla ng nakita ko si Lucas na gustong-gusto kumuha ng kahit isang Amsile Flower.
"Pwede bang mag-uwi nito kahit isa?" Patawang sinabi ni Lucas kaya napatingin sa kanya si Aleyah.
"Pwede naman kaso dapat hindi mo ito gagamitin sa masama" paalala samin ni Aleyah, wait? So that means? Pwede pala kaming mag-uwi kahit isang uri ng bulaklak.? How great!
Pumitas na agad si Lucas ng isang Amsile habang ako naman ay pumitas na din ng isang Pherea Flower.
Bigla naman akong napaisip tungkol sa isang bagay.
"Ano pala yung laman ng supot na dala ni Jasmin kanina?" Tanong ko kay Aleyah kaya natahimik nalang siya.
"Muswie Flower ang laman nun" sagot ni Aleyah sakin at napansin ko naman na nagulat si Jessica.
"Muswie Flower? Diba yun yung pinakamahirap na mahanap dito?" Napatingin nalang ako kay Jessica.
Pero ano nga ba yung Muswie na sinasabi ni Aleyah? Well tatanungin ko nalang siguro si Aleyah tungkol dun.
"Ano bang nagawa nun?"tanong ko.
"Ganito kasi yun, kaya nung ipaliwanag ang bawat nakaraan kung sino man ang iihip nito." Natahimik naman ako kasi hindi ko talaga magets yung sinabi ni Aleyah.
"Kapag may umihip na ng bulaklak na yun ay pwede niya itong ibigay kanino man para makita ng tao na yun ang nakaraan ng taong umihip nito" natulala nalang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya, grabe nakaka mind-blowing yung bagay na yun.
"Pwede ba akong kumuha ng isang ganun?" Tanong naman ni Jessica.
"Hindi ganun kadali ang pagkuha nun, tatlo nalang kasi ang natitira at binigay ko na kay Jasmin ang isa." Napatungo nalang ako habang nag-iisip sa isang bagay.
"Nagiging maingat na ako sa pagbigay ng bagay na yun at ako lang ang may karapatan na makaalam kung saan ito matatagpuan" seryosong sinabi ni Aleyah at agree naman kami sa kanya.
"James, samahan mo ako pabalik sa Karwahe natin, hindi ko pa kasi napapainom yung mga kabayo kanina" pumayag naman ako kay Lucas.
Sumama na din samin si Jessica habang si Isabel naman ay nanatili sa tabi ni Aleyah.
Binilisan na namin ang paglalakad at matapos ang ilang minuto ay bigla nalang akong nakaramdam ng kaba.
Para bang may nagmamasid samin pero hindi ko alam kung imahinasyon ko lang yun.
Binalewala ko nalang yung naramdaman ko kanina at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
Nung nakarating na kami ay agad ng pinainom ni Lucas yung mga kabayo na talagang uhaw na uhaw na.
Napaupo nalang muna ako sa may gilid ng karwahe at tumabi naman sakin si Jessica makalipas ang ilang segundo.
"Namimiss ko na si papa," bulong sakin ni Jessica habang nakatitig siya sa malayo.
Ay oo nga pala! Hindi niya nga pala alam na buhay pa ang tatay niya, pero bakit nga ba ayaw ipaalam yun ni Raymond, pero according sa opinyon ni Raymond ay gusto niya lang ingatan si Jessica pero sapat nga ba na dahilan yun para ilihim kay Jessica na buhay pa talaga siya?.
Bigla ko namang naalala sila mama at papa, kamusta na kaya sila, matagal na rin akong hindi nakakauwi at baka nag-aalala na sila sakin.
Nalungkot nalang ako ng bigla kong na realize na papano pala kapag tapos na ang lahat, handa nga ba akong iwan sila para makabalik sa totoo kong mundo.
Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay ng napansin ko na pagabi na pala.
"Tara na bumalik na tayo sa bahay ni Aleyah" sabi ko sa kanila kaya dali-dali na kaming naglakad pabalik.
Bigla nalang tumaas ang atmosphere ng may narinig kami na pagsigaw ni Isabel kaya tinakbo na namin yung daan pabalik.
Nung nakarating na kami ay napansin naman namin na may isang lalaking nakahood na naman at sa tingin ko ay yun pa yung isang kasama ni Andrew nung nakaraan sa Anatasia.
"Bitiwan mo si Isabel!" Sigaw ni Lucas at sabay nag-summon siya ng isang malakas na hangin papunta dun sa lalaki pero agad itong nakaiwas.
Napansin ko naman na nagkulay black yung palad ng lalaki kaya kinabahan ako.
May lumabas nalang bigla na parang usok na papatulis yung hugis at sabay tumama ito kay Lucas ng sobrang bilis.
Hinarap ko agad yung palad ko para atakihin yung lalaki pero ng paglingon ko sa posisyon niya kanina ay wala na siya.
Grabe ang bilis ng mga pangyayari, siguro mga sampung segundo lang matapos maglaho ang lalaki kasama si Isabel.
Pero papano nangyari yun?! Nakuha ng lalaki na yun si Isabel pero ano kayang kailangan nun sa kanya tsaka kung hindi ako nagkakamali, kulay itim ang umilaw sa palad ng lalaki na yun? Grabe nakakatakot.
Agad naming nilapitan si Lucas na nakahiga na sa lupa simula nung tamaan siya ng kapangyarihan nung lalaki.
Sinubukan siyang pagalingin ni Aleyah gamit ang Pherea pero hindi ito tumalab kaya nagtaka nalang kami.
"It's imposible! Bakit walang epekto ang Pherea Flower?" Napaisip nalang kami habang nakatingin kay Lucas.
Napansin ko naman na napaluha si Jessica kaya tinanong ko siya.
"Bakit ka umiiyak?"
"Sagutin mo yung tanong ko?" Tanong ko sa kanya pero tahimik lang siya.
"Wala na siya" matahimik niya saming sinabi kaya bigla nalang akong nawala sa sarili.
Andami ng tumatakbo sa isipan ko grabe sobrang gulo na para bang hindi ako nauubusan ng tanong sa utak ko.
Pero hindi talaga ako makapaniwala na ganun kabilis mawawala si Lucas sa piling namin.
Hindi ko na kaya ang mga nangyayari, andami ng namamatay dahil sa mga kalaban na hindi pa namin masyado kilala.
"Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?" Pagalit na sinabi ni Jessica pero nangingibabaw naman ang pagkalungkot niya.
"Kaya pala hindi na tumalab ang Pherea yun ay dahil Instant Death ang skill na ginamit sa kanya" pakaba na sinabi ni Aleyah.
"Ibig mong sabihin?! Isa siya sa mga Elite na Fallen Assassins?" Napaisip nalang ako sa sinabi ni Jessica.
"Elite Fallen assassins?" Sabi ko.
"Oo, sila ang mga taga-Fallen na isa na din sa mga pinakamagagaling na pinapalabas para pumatay" tumaas lalo ang atmosphere ng sinabi niya yun.
"Pero hindi ko alam ang ginamit ng lalaki na yun na Instant Kill na kapangyarihan" napatingin naman ako kay Aleyah ng sinabi niya yun.
Grabe nakakabigla talaga ang lahat ng nangyari, hindi ko talaga matanggal sa isipan ko na wala na si Lucas.
Hindi man lang kami nakapag-bonding ng matagal.
Ipinapangako ko kay Lucas na ipapaghiganti ko siya dun sa kung sino man ang pumatay sa kanya.
At hindi ko siya mapapatawad kahit anong mangyari.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top