Chapter 2 : Meet Jessica

Hindi naman nagtagal ay natapos na din sa wakas ang klase namin ngayong araw at grabe nakakapagod din palang umupo maghapon haha.

Nung pauwi na kami ay bigla naman akong napalingon sa paligid ko at tsaka ko lang na realize na nauna na pala ng uwi si Arjay sakin

Uuwi na sana ako ng mag-isa ng bigla na lang may humatak sakin paglingon ko ay si Jessica pala.

"Wala kang kasabay?" Pangiti niyang tanong sakin kaya nagtaka naman ako sa expressions niya.

"Wala eh, tinakasan kasi ako ng kaibigan ko, hindi man lang siya nagsabi na mauuna na siya" sagot ko naman agad sa kanya sabay napangiti ulit siya sakin.

"Sabay nalang tayo, tutal wala din naman akong kasabay" sabi niya sakin at wala naman akong nagawa kundi sumabay nalang sa kanya, pangit kasi kapag walang kasabay umuwi. Sobrang boring.

Nung nakalabas na kami ng school gate ay agad naman kaming dumiretso sa daan papunta sa bahay ko at hindi naman nagtagal ay may nadaanan kaming nagbebenta ng Fish ball kaya napatigil kami ni Jessica.

Nagtaka naman ako ng nakita ko si Jessica na nakatingin sa mga kumakain ng Fish ball sabay bigla naman siyang napatingin sa mga niluluto palang sabay ngumiti.

Ano bang meron sa babae na 'to at para bang first time niya palang makakita ng fish ball kaya napag isip-isip ko naman na ilibre si Jessica ng Fish ball.

"Jessica gusto mo ba kumain niyan?" Tanong ko naman sa kanya habang nagbabayad ako sa nag bebenta nung Fish ball..

"Sige ba.." Pangiting sagot ni Jessica na para bang excited na siyang makakain nun.

Agad naman akong kumuha ng Fish ball at binigay ko kay Jessica yung para sa kanya at agad ko namang kinagat yung akin habang naglalakad kami paalis.

Halos maubos ko na yung sakin samantalang yung kay Jessica ay wala pa ding bawas, at ang nakakapagtaka ay nakatingin lang siya sakin na para bang pinapanood niya ako kung papano kainin yung Fish ball, bigla nalang tuloy akong napalingon sa kanya at napangiti na din ako.

"Anong meron?" Patawa kong tanong sa kanya sabay bigla nalang nawala yung tingin niya sakin.

"Wala" sagot niya naman kaagad habang nakatingin sa daan.

"Ano pang inaantay mo? Kainin mo na yang sayo." Sabi ko naman sa kanya habang nakaturo ako sa Fish ball na hawak niya kaya napalingon na din siya sakin at sa hawak niya.

Agad niya namang kinain yung isa at nung nalunok niya na yung una niyang Fish ball ay mabilis niyang kinain yung mga natira na para bang sarap na sarap siya sa nakain niya na yun.

"Ang sarap pala nun, kain ulit tayo nun bukas" pangiti niyang sinabi sakin habang nakatingin lang ako sa kanya.

"First time mo lang ba makakain nun?" Tanong ko sa kanya sabay napalingon na ako sa may daan.

"Honestly..Yes first time ko palang makakain nun, hindi kasi yun uso sa lugar namin" sagot niya naman kaagad sakin sabay napalingon na din siya sa daan.

Matapos ang mga usapan namin ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay ko kaya nagpaalam naman kaagad ako kay Jessica pero nagulat naman ako ng bigla niya akong tinawag.

"Ahmm. James. Pwede ba na diyan muna ako matulog sa inyo?" Pabulong niyang tanong sakin kaya nagulat naman ako sa sinabi niya.

Ano?! Gusto niyang matulog sa bahay namin, alam ko naman na masama para sa mga magulang ang makitulog ang isang babae sa bahay ng kaibigan niyang lalaki kasi alam mo naman. Mahirap na.

Kaya kinabahan nalang ako sa mga susunod na mangyayari kung magkakatotoo nga na makikitulog siya samin. Tsaka kilala ko si mama grabe yun mang hinala sakin lalo na si papa, buti nga at wala si papa ngayon, pang gabi nga pala siya.

Napatanong naman agad ako kay Jessica tungkol dun sa sinabi niya na pagtulog samin.

"Pero bakit gusto mong makitulog dito sa bahay, may problema ka ba sa inyo?" Tanong ko naman agad sa kanya sabay napangiti siya sakin.

"Wala akong problema, at tsaka alam naman ng parents ko na makikitulog muna ako sa bahay niyo" sagot niya naman agad sakin

"Pero parang kanina lang tayo nagkakilala diba? Hindi ka ba na aaware na baka may gawin ako sayo, Jessica?" Paseryoso kong tanong sa kanya sabay napalingon siya sa malayo sabay tumawa ng pasikreto sakin..

"Hindi naman ganun ang tingin ko sayo, basta ang alam ko, hindi mo magagawa sakin yun" pangiti niyang sinabi sakin at bigla nalang akong nagulat ng bumukas yung pinto ng bahay namin at nakita ko si mama na nakatingin saming dalawa ni Jessica.

" andito ka na pala anak, sino yang kasama mo? Gf mo ba siya?" tanong naman kaagad ni mama habang ako naman ay halos hindi na makapag salita sa sobrang kaba.

"Ano po yung GF?" Tanong naman ni Jessica sa mama ko.

"Girlfriend yung ibigsabihin nun" sagot naman kaagad ng mama ko sabay napangiti nalang si Jessica sabay tumingin samin si mama.

"Ay Opo. Girl friend niya po ako" pangiting sinabi ni Jessica kay mama habang si mama naman ay napangiti na din habang ako naman ay nagulat sa sinabi ni Jessica.

"Hindi yun totoo mama, kakakilala ko lang sa---" naputol nalang yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si mama saming dalawa.

"Huwag ka ng tumanggi, may patunay ako" patawang sinabi ni mama sakin habang si Jessica naman ay nakatingin lang sa loob ng bahay at para bang excited na siyang pumasok sa loob.

Wala na akong nasabi kasi grabe si mama, hindi naman nagtagal ay pinapasok na kami ni mama sa loob at sabay-sabay na din kaming kumain.

"Nga pala.. Bakit ka nga pala andito? Hindi ka pa ba hinahanap ng magulang mo?" Tanong naman ni mama kay Jessica kaya napatingin naman si Jessica sa kanya.

"Nakalimutan ko po palang magpaalam sa inyo na dito po pala ako matutulog kung papayagan niyo po ako" diretsong sagot ni Jessica sabay kinabahan naman ako ng biglang napalingon si mama sakin sabay ngumiti.

"Sige pinapayagan kita, pero huwag kayong gagawa ng kahit anong ikakagalit ko ah" pangiting sinabi ni mama samin at halata sa mukha ni Jessica na masaya siya at pinayagan siya ni mama, nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni mama.

"Ano palang pangalan mo ?" Tanong naman ni mama kay Jessica habang ako naman ay diretso lang sa pagkain.

"Jessica po" sagot ni Jessica habang kumukuha siya ng ulam.

"Ah. Jessica huwag mong aakitin yung anak ko ah, kilala ko yung ugali niyan" pabulong na sinabi ni Mama kay Jessica pero rinig ko naman, anong klaseng bulong kaya yun hahaha.

"Grabe naman kayo sakin mama, hindi ako ganun!" Sabi ko naman kay mama kaya natawa silang dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko namang hinugasan yung lahat ng pinggan habang si Jessica naman ay pinapunta ko na sa kwarto sa may taas para makapag bihis ng dala niyang damit.

Nung nakatapos nakong maghugas ay agad naman akong dumiretso sa may kwarto ko at nakita ko naman si Jessica na nagliligpit ng bag niya para bukas.

pagkatapos niyang magbasa ay umupo kaming dalawa sa may kama at bigla nalang akong nakaramdam ng katahimikan.

Hindi kami nag-uusap ni Jessica, at andun lang kami nakatingin sa malayo, ayoko naman ng matahimik kaya hindi ko na napilitang magtanong sa kanya tungkol sa lahat ng tanong sa isipan ko.

"Jessica, may tanong ako, pano mo nalaman yung pangalan ko kanina, First time palang naman natin magkita?" Tanong ko naman kaagad sa kanya kaya napalingon siya sakin at ngumiti.

"Ah.. Ano kasi.. Bago kasi ako mag transfer sa school niyo, binigyan na ako ni maam Liza ng kopya ng seating arrangement natin, nakasulat dun lahat ng pangalan niyo kaya hindi malayo na makilala kaagad kita" sagot niya naman sakin kaya gumaan nalang yung isip ko kasi nasagot na yung katanungan ko.

"May tanong pa ako, nanaginip ka ba kagabi? Nanaginip kasi ako at nakita kita doon, sabay sinabi mo pa sakin na hindi magtatagal ay magkikita din tayo at totoo nga" sabi ko naman sa kanya sabay napatingin nalang siya sa may bag niya sabay bumalik ulit yung tingin niya sakin.

"Oo nanaginip ako tungkol sayo, ako din yung kumausap sayo sa panaginip, bakit mo naman natanong sakin yun?" Tanong sakin ni Jessica kaya napaisip naman ako habang nakatingin sa kanya.

"So totoo nga na nagkita tayo sa iisang panaginip, pero diba bihira lang mangyari yun" sabi ko naman sa kanya kaya napangiti siya.

"Siguro nagkataon lang yun" pangiti niyang sinabi sakin sabay humiga na siya sa may kama ko.

Bigla naman akong napaisip na siguro nakakahinala kung tabi kaming matutulog sa iisang kama kaya napag-isipan ko na maglatag nalang ng banig na galing pa sa lola ko sa batangas, at dun nalang matulog sa may lapag.

Pahiga na sana ako ng bigla naman akong tinawag ni Jessica at nung paglingon ko ay nakatingin siya sakin na para bang nagtataka.

"Bakit dyan ka matutulog? Pwede namang tabi nalang tayo" sabi sakin ni Jessica kaya napaisip ako.

"Huwag na, dito nalang ako" sagot ko naman agad sa kanya habang siya naman ay napaupo sa kama at tumingin sakin.

"Wala namang masama kung magkatabi tayo eh, ang masama ay kung may iniisip ka na mangyayari satin" sabi sakin ni Jessica at para bang nagtampo siya kaya napag isipan ko na tumabi nalang sa kanya para wala kaming problema.

Ngumiti naman siya at nagpasalamat sakin kasi tumabi na ako sa kanya. Tumalikod naman agad ako sa kanya at nakaramdam na ako ng antok ng biglang kinalabit ulit ako ni Jessica kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"Pwede bang payakap ako sayo? Hindi kasi ako sanay na walang kayakap" paawang tanong ni Jessica sakin habang ako naman ay kumuha ng unan at binigay ko sa kanya.

"Ayoko ng unan, gusto ko ikaw ang yakapin ko" pangiti namang sinabi ni Jessica sakin at wala na akong nagawa kundi sundin ang utos ni madam haha, at tsaka para matahimik na siya at para makatulog na din ako.

Nakatulog naman ako ng mahimbing at nung pagkagising ko ng umaga ay agad naman akong napabangon at lumingon sa may orasan at mga 7:45 palang, grabe ang aga kong gumising ngayon ah.

Napalingon naman ako kay Jessica at nakita ko na natutulog pa din siya habang yakap yung unan na binigay ko kagabi. Bigla naman akong napaisip na ipagluto sila mama ng umagahan para sumaya naman sila para sakin.

Agad naman akong bumaba at nagluto ng umagahan at naabutan ako ni mama na nagluluto.

"Oh anak bakit ikaw ang nagluluto ng umagahan, siguro nagpapraktis ka ng mamuhay sa isang bahay kasama si Jessica?" Pangiting sinabi ni mama sakin habang ako naman ay asar na asar na.

Sakto nung nahain ko na lahat sa lamesa ay bumangon na din si papa at napatingin sakin.

Sakto naman na pagbangon ni papa ay bumaba na si Jessica at ngumiti sakin.

"Good morning" pangiting sinabi ni Jessica sa parents ko kaya nakaramdam na naman ako ng kaba tungkol sa sasabihin ni papa.

"Oh, gising na pala yung Gf mo anak, sabay-sabay na tayong kumain" patawang sabi ni papa sakin habang si mama naman ay may pahabol pa na tawa habang nakatingin kay Jessica.

Bakit kaya ganun ang mga magulang, makakita lang sila ng babae na kasama ng anak nilang lalaki, pagkakamalan na agad na magkasintahan, hindi ba pwedeng magkaibigan lang kami,
Pero alam mo naman ang mga magulang, grabe makabiro sa mga anak nila pero seryoso pagdating sa problema lalo na kapag tungkol sa problema ng anak nila.
Mabuhay sa lahat ng magulang <3

"May gusto po pala akong ipaalam sa inyo" paseryosong sabi ni Jessica kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Ano po kasi --" napatigil nalang si Jessica ng biglang tumayo si papa

"Hindi pwede, buntis ka?! Anak ko ang ama?!" Pasigaw na sinabi ni papa samin kaya napatawa naman si mama.

"Wala ka pa ding pinagbago, OA ka pa din hanggang ngayon" patawang sinabi ni mama kay papa kaya umupo na ulit si papa at nakinig na kami ulit kay Jessica.

"Ganito po kasi, sabi kasi ng parents ko na medyo busy sila at wala pong magbabantay sakin sa bahay kaya napag-isipan ko po na dito muna tumuloy habang busy pa po ang parents ko, pwede po ba?" Tanong naman ni Jessica kina mama at napasang-ayon niya naman silang dalawa.

Pagkatapos naman naming kumain ay agad ko namang hinugasan yung mga pinggan habang si papa naman ay natulog na ulit kasi puyat siya kagabi sa trabaho habang si mama naman ay naglilinis ng bahay.

Nung nakatapos nako ng paghuhugas ay napansin ko naman na naliligo na si Jessica kaya dumiretso ako sa kwarto para ayusin yung mga gamit ko.

Nung pagkatapos ni Jessica maligo ay sumunod na ako at pagkatapos nun ay agad naman akong nagbihis habang si Jessica naman ay nag-aantay sa may labas namin.

Nung nakaalis na kami ng bahay para pumasok ay agad naman akong napalingon sa may relo ko at mga 9:50 palang ng umaga kaya imposible na malate kami ngayong araw na 'to.

Dinaanan muna namin si Arjay sa bahay nila para sabay-sabag na rin kaming pumasok.

Nung nakarating na kami sa bahay nila ay nakita agad namin si Arjay na nag-aantay na sa may labas nila kaya hindi din kami nagtagal sa kanila at nagpatuloy na kamk ng paglalakad.

Nung habang nasa kalagitnaan kamk ng paglalakad ay nauuna si Jessica samin kaya kaming dalawa lang ni Arjay ang magkasabay na naglalakad sa daan.

"Par ang suwerte mo kay Jessica, ang ganda niya, at sa dinami rami ng lalaki ikaw pa ang napili niya" pabulong na sabi sakin ni Arjay at ngumiti siya kaya napaisip naman ako tungkol dun.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya kaya napayuko siya habang nakangiti.

"Hindi mo ba ma-gets? May gusto sayo yan, halata na sa pag-trato niya palang sayo" paseryosong sinabi ni Arjay sakin.

"Ewan ko sayo, wala pa sa isip ko yang mga bagay na yan" sagot ko naman sa kanya habang siya naman ay napatawa nalang sa sinabi ko sa kanya.

"Sus.. Torpe ka lang hahaha" sabay tumawa siya, may sasabihin pa sana ako sa kanya kaso naputol na yung usapan namin ng bigla nalang sumulpot sa harap namin si Jessica at ngumiti samin.

Masaya naman yung naging usapan namin sa daan at nagulat nalang ako ng bigla akong hinila ni Jessica papunta sa bilihan nung Fish ball ulit.

"Bili ka ulit ng Fish ball please" makaawa naman sakin ni Jessica kaya hindi ko napilitan na bilhan siya sabay si Arjay naman ay nakatingin lang sakin habang nakangiti.

"Paborito niya ba yung Fish ball?" Tanong naman kaagad ni Arjay sakin kaya napalingon ako sa kanya.

"Ewan ko lang, pero sa tingin ko Oo"
Sagot ko naman agad kay Arjay habang si Jessica naman ay busy sa pagkain ng mga Fish ball.

Agad naman akong napalingon sa relo ko at mga 10:40 na din pala. Malapit na naman kami sa school kaya kahit matagalan na kami sa paglalakad.

Ng nakarating na kami sa may gate ng school ay agad naman akong napalingon sa relo ko at mga 11:20 na din pala ng tanghali.

Dumiretso na kaming tatlo sa may room para makapagpahinga at para makapag review pa kami sa mga lessons namin.

Hindi naman nagtagal ay dumating na din sa wakas si ma'am Liza kaya sabay-sabay naman kaming nag greet sa kanya at agad naman kaming pinaupo ni maam sabay nagtanong na kaagad si maam tungkol sa assignment kahapon.

Buti nalang at naisipan ko na ayusin yung mga gamit ko kasi kung hindi, hindi ko magagawa yung assignment na pinapagawa ni maam Liza samin.

Agad namang nag-lesson si maam pagkatapos naming mag-check ng mga assignments at grabe ang galing pala ni Jessica sa math, halos siya lang palagi ang nakakasagot ng mga tanong ni maam at grabe ang bilis niya ding mag-isip. Nakakapag solve siya ng gamit lang ang isip niya ng mabilisan, hindi ko nga alam kung papano niya nagagawa yun eh.

Matapos naman ang humigit na anim na oras, natapos na din yung klase namin kaya sabay-sabay naman kaming lumabas nila Jessica at Arjay.

Nung pauwi na kami ay bigla nalang akong tinawag ni Arjay at parang may sasabihin siya sakin na importante.

"Par mauna na kayo, may dadaanan pa kasi ako bago ako umuwi" paseryoso namang sinabi ni Arjay samin ni Jessica.

"Ah sige par, sabay nalang tayo bukas ulit" pasang-ayon ko naman na sabi sa kanya.

"Huwag muna tayong magsabay bukas par, hindi kasi ako papasok bukas kasi magbabakasyon kami sa Probinsya" dagdag naman ni Arjay samin kaya wala na akong nasabi pang iba kundi sundin nalang ang mga sinabi niya at agad naman kaming umalis ni Jessica palabas ng school gate.

Nung nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ay niyaya naman ako ni Jessica na kumain sa may karinderya kasi medyo nagugutom na daw siya kaya pumayag naman ako sa kahilingan niya.

Nung nakabili na ako ng kakainin namin ay nagulat naman ako kasi ang bilis niyang kumain na para bang ilang araw siyang hindi nakakain.

Napatingin naman ako sa kanya habang kumakain siya hanggang sa maubos niya na yung sakanya.
Napalingon naman siya sakin nung malapit niya ng maubos yung kinakain niya.

"Bakit ka nakatingin sakin?" Tanong ni Jessica na tumingin sakin at napatigil sa pagkain.

"Wala, natutuwa lang ako sayo" pangiti ko namang sagot sa kanya kaya ngumiti din siya at sabay ipinagpatuloy niya na yung pagkain niya habang ako naman ay nagsimula ng kumain.

"Matanong ko lang, saan ka pala nakatira? Hindi ko pa kasi alam kung saan yung bahay mo eh" tanong ko naman sa kanya kaya napatigil ulit siya sa pagkain.

"Basta" pangiting sabi ni Jessica kaya natahimik naman ako at nagpatuloy nalang sa pagkain kasi medyo nakaramdam na din ako ng gutom ng mga oras na yun.

Nung habang kumakain ako ay napansin ko naman na tapos na palang kumain si Jessica at nakatingin nalang siya sakin.

Medyo na curious naman ako kaya hindi ko napigilan na magtanong sa kanya kung anong meron.

"Bakit ka nakangiti sakin, ang pangit ko ba kumain?" Patawa kong tanong sakanya kaya medyo natawa siya at napahawak siya sa balikat ko.

"Hindi ah, ano kasi... ahm... Masaya lang ako kasi nakita na din kita sa wakas, akala ko hindi na tayo magkikita" pangiti niya namang sinabi sakin kaya napatingin ako sa kanya at nagtaka ako.

"Anong ibig mong sabihin? Matagal mo na akong kilala?" Tanong ko naman kaagad sa kanya at halata sa mukha niya na medyo nagulat siya sa mga sinabi niya.

"Ahmm.. Ang ibig kong sabihin. Masaya ako at sa wakas nakakilala ako ng isang tao na katulad mo na mabait at maalagain." Pangiti niyang sinabi sakin kaya wala naman akong nagawa kundi ngumiti din sa kanya.

Pero nakakapagtaka pa din kasi parang may kakaiba sa mga nangyayari ngayon, at tsaka parang may nililihim sakin si Jessica at hindi ko alam kung bakit hindi niya man lang masabi sakin.

Nung nakatapos na kaming kumain ay agad na kaming nagpatuloy ng paglalakad at mabilis naman kaming nakarating sa bahay at sumalubong samin si mama nung pagpasok namin sa loob.

Ipinaalam naman namin kay mama na kumain na kami sa may labas kaya hindi na kami kakain sa bahay maliban nalang kung magugutom ulit kami ni Jessica.

Dumiretso na kami sa may kwarto at napatalon naman agad si Jessica sa kama ko na para bang feel at home siya. Pero nakakatuwa siyang tingnan kasi kahit na halata yung pagod sa mukha niya ay hindi pa rin kumukupas yung kagandahan niya.

Nung napaupo naman ako sa kama ay napaisip ako at sabay naalala ko ulit yung matandang lalaki na nagbigay sakin ng gemstone.

Gusto ko sanang tanungin si Jessica kasi baka kakilala niya yung lalaki na yun kaso ng paglingon ko kay Jessica ay mahimbing na yung tulog niya kaya napunta naman yung tingin ko sa may orasan at mga 8:40 na din ng gabi.

Napagpasyahan ko na matulog na din kasi ayoko ng magpuyat kasi baka anong oras ako magising bukas kaya minabuti ko na tumabi na kay Jessica at matulog na ng mahimbing.

Nung pagbangon ko naman ng umaga ay agad akong napatingin Sa orasan at mga 7:40 palang ng umaga, grabe ang aga ko ng gumising ng umaga, samantalang lagi akong nalalate ng gising nung mga nakaraang linggo pero ngayon parang nagbago na talaga ako.

Nagulat naman ako ng nakita ko na wala na si Jessica sa tabi ko at bigla ko nalang narinig yung boses niya galing sa baba kaya mabilis akong bumaba at nakita ko si Jessica na nagluluto habang si papa naman ay nakaupo sa may lamesa nagbabasa ng mga papeles sa trabaho niya.

"Good morning James" pangiting sinabi ni Jessica sakin habang si papa naman ay tumayo at lumapit sakin kaya medyo kinabahan nako sa sasabihin ni papa.

"Ayan ang gusto ko sayo anak, marunong kang pumili ng mapapangasawa mo, magaling magluto at mabait pa, sana magkatuluyan kayo ni Jessica" pangiting sabi ni papa sakin kaya medyo nagulat naman ako habang si Jessica ay walang imik habang nagluluto.

"Ano ba kayo Papa, masyado pa kaming bata para dyan, focus muna kami sa pag-aaral" sagot ko naman kay papa kaya napangiti siya ulit sakin.

"Yan din ang gusto ko sayo anak, hindi mo pinapabayaan yung pag-aaral mo, pero may plano ka pa din na pakasalan si Jessica?" Patawang tanong ni papa sakin pero buti nalang at dumating si mama at pinatigil si papa.

"Ikaw talaga, huwag mo ng turuan yang anak mo ng pagiging lover boy mo haha" patawang sinabi ni mama kay papa at grabe ang sweet talaga nilang dalawa.

Napalapit naman ako kay Jessica na busy sa pagluluto ng umagahan namin.

"Bakit ka nagluluto samin?, hindi mo na kailangang gawin yan" pabulong kong tanong kay Jessica at napangiti naman siya sabay tumingin siya sakin.

"Hayaan mo na ako James, ito lang yung paraan na kaya kong gawin para makabawi sa inyo ng mga magulang mo" sabay ngumiti siya ulit at bumalik na yung tingin niya sa niluluto niya.

Nung naluto na ni Jessica yung umagahan ay agad naman kaming kumain ng sabay-sabay at grabe ang galing din pala ni Jessica magluto ng mga pagkain, sigurado ako na masuwerte ang magiging asawa niya kasi nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ng mga kalalakihan na kagaya ko.

Nung pagkatapos naman naming kumain ay agad na dumiretso si Jessica sa CR para maligo habang ako naman ay nasa kwarto para iligpit yung mga gamit ko sa school

Nung naligpit ko na yung lahat ng gamit ko ay naisipan ko na ayusin din yung mga gamit ni Jessica para hindi na siya maabala mamaya at diretso na kami sa pag-alis.

Nagulat naman ako ng may nakita akong isang kakaibang bracelet sa loob ng bag ni Jessica, ngayon lang ako nakakita ng ganung uri ng bracelet, parang hindi gawa sa ordinaryong materyales yung bracelet na yun kaya nagtaka ako kung bakit meron nun si Jessica at bakit hindi niya sinusuot sa tuwing papasok siya sa school. Natatakot ba siya na baka manakaw ito.

Agad ko namang itinago yung bracelet na yun sa bag niya at inayos ko na din kaagad para pagkatapos ni Jessica ay wala na siyang problema sa mga gamit niya.

Sakto naman na tapos ng maligo si Jessica ng pagkatapos kong ayusin ang lahat ng mga gamit namin kaya agad naman akong dumiretso sa may CR para maligo na din.

Matapos ang halos isang oras ay nakaalis na din kami ng bahay at nung nasa daan na kami papuntang school ay agad naman akong napaisip tungkol dun sa bracelet ni Jessica.

"Jessica may tanong ako, kanino pala nang galing yung bracelet na nasa bag mo, yung may nakasulat na E.A?" Tanong ko naman kaagad sa kanya sabay agad niya naman akong hinila papunta sa may isang puno at para bang nakaramdam siya ng pagka-kaba.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinasagot at ngayon ko lang siya nakita na nag seryoso kaya medyo kinabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

"they can hear us" pabulong naman sakin ni Jessica sabay kinuha niya yung bracelet niya sa may bag niya at sabay sinuot niya kaagad ito.

Pero anong sabi niya, may nakakarinig samin pero sino? Eh wala namang tao sa paligid namin nung mga oras na yun kaya panong may nakakarinig samin.

Nagulat nalang ako ng biglang may lumiwanag sa may inaapakan namin at bigla nalang kaming hinigop nito pababa, napasigaw nalang ako sa mga sumunod na nangyari. Alam mo yung time na nahulog ka sa isang malalim na butas pero parang walang hangganan yung pagkakahulog mo

Wala na akong naisip na iba at grabe halos limang minuto akong nahuhulog at nagulat nalang ako ng bigla nalang akong bumagsak sa lupa at nawalan ako ng malay.

Medyo natakot naman ako nung nagising pa ako kasi sino ba naman ang hindi matatakot sa pagkahulog mula sa malalim na butas tapos buhay ka pa nung nakarating ka na sa dulo nung nilaglagan mo.

paglingon ko naman sa paligid ay nagulat ako dahil nasa isa akong kwarto ng pang-mayaman sabay nung pagbangon ko ay may isang babae na pumasok sa kwarto kung na saan ako at sabay ngumiti siya sakin kaya medyo kinabahan ako.

"Welcome James... Welcome to the Academy" pangiti niyang sinabi sakin kaya medyo napaisip ako, academy? Ano bang pinagsasasabi nito.

"Bakit ako andito.?" Tanong ko naman sa babae at napangiti naman siya.

"We need you James, that's why you're here" sagot naman sakin ng babae.

Teka?! Diba yun din yung sinabi ng matandang lalaki sakin nung time na pinapahanap niya yung Gemstone?! May kinalaman kaya siya kung nasan ako.

May kinalaman kaya si Jessica sa lahat ng nangyayari sakin ngayon pero asan ba talaga ako, parang kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na yun, parang nasa ibang mundo ako pero imposible yun.

Pero pano nangyari na nakarating ako dito at bakit parang umilaw kanina yung bracelet ni Jessica bago kami lamunin ng lupa.

Hindi kaya?! May kapangyarihan siya pero nakakapagtaka pa din kasi sobrang mysterious ng mga pangyayari ngayon.

At bakit parang may kinalaman ang matandang lalaki tungkol sa lahat ng nangyayari ngayon, at bakit nila ako kailangan dito?

Sino ba talaga ako??

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top