Chapter 19 : Second Training pt.2
Napaisip nung mga oras na yun, tsaka ko lang na-realize na parang ginagamit pala ng mga taga-Fallen si Scarlet para mapabagsak ang Academy.
"James gamitin mo yung kapangyarihan mo para masira yung Golem" sabi sakin ni Max habang napansin ko naman na hindi pinapayagan ni Enzo yung mga Elementalist na lumabas ng Academy.
"Mas mabuti siguro kung malapit tayo sa Golem para magamit natin ang mga elements natin" napatingin kaming lahat kay Jessica ng sinabi niya yun at sumang-ayon naman si Jonathan kaya agad na kaming lumabas ng Academy para puntahan yung Golem.
Nung medyo malapit na kami ay bigla ko nalang na-realize na nasira na pala yung pader na ginawa ni Jonathan kanina kaya patuloy na sa paglalakad si Zillah.
Hindi naman nagtagal ay napahinto na kami sa paglalakad ng nakaharap na namin yung Golem at kagaya ng dati ay nakapatong sa balikat niya si Scarlet.
"Never expect to see you again James" pangiti saking sinabi ni Scarlet kaya medyo nilakasan ko na yung loob ko.
"Did you really think you can beat me again?" Paseryoso niyang sinabi kaya natahimik kami nila Nicole.
Nung pagkatapos sabihin ni Scarlet yun ay nagulat nalang ako ng bigla nalang nag-summon si Nicole at si Rainne ng tubig na siya namang tumama sa mga balikat ng golem.
"Ikaw na ang bahala Jessica" seryosong sinabi ni Nicole kaya sumang-ayon si Jessica.
Pinaapoy ni Jessica yung balikat ng Golem at namangha ako kasi dahil sa tubig na gawa nila Rainne at sa apoy ni Jessica ay parang tumigas na yung balikat ng Golem kaya hindi na siya makagalaw.
Napansin ko naman na nawala pala si Scarlet sa balikat ni Zillah, nasaan na kaya yung babae na yun.
Bigla namang gumawa si Jonathan ng parang border sa palibot ng golem para hindi ito makagalaw sa kinatatayuan niya.
Habang si Max naman ay kumontrol ng isa na namang malaking bato na siyang pinatama sa mukha ng Golem.
"Pagkakataon mo na yan James, nawala na sa sarili yung Golem" sabi sakin ni Jonathan kaya mas lalo akong naging kampante na gamitin yung kapangyarihan ko.
Hinarap ako agad yung palad ko dun sa harapan ng Golem at sabay hindi nga ako nagkamali, umilaw yung palad ko ng Light Yellow at bigla nalang itong naglabas ng isang diretsong liwanag na siyang tumagos sa katawan ng Golem.
Nung nangyari yun ay alam ko na ang susunod na kaganapan, sumabog nga yung buong katawan ng Golem dahil dun sa kapangyarihan ko at halos hindi na namin makita yung buong pangyayari dahil sa buhangin na kumalat sa buong lugar.
Natuwa naman kami nila Max dahil dun sa pangyayari pero makalipas ang ilang minuto ay bigla kaming natahimik.
Nung nawala na lahat ng buhangin ay tumumbad samin ang Golem na buhay pa din, at napansin ko na nagkulay pula na din yung mata nito.
"Bakit.. Buhay pa siya?!" Pakabang sinabi ni Nicole habang kami nila Jessica ay hindi na makapagsalita.
"Did you really think that I am not aware of that kind of power of yours?" Pangiting sinabi ni Scarlet na nasa ibaba lang ng golem.
Napansin ko naman na parang seryoso lang si Jonathan ng mga oras na yun habang nakatingin siya kay Scarlet.
" I know that Zillah is way more powerful right now, but his sensitivity decreased because of your Soul" halos hindi ko naman maintindihan yung sinabi ni Jonathan.
Matapos ang lahat ay aatakihin na sana kami ng Golem ni Scarlet ng bigla nalang nagkalat ng buhangin si Jonathan para hindi kami makita ng Golem.
Pero nagulat nalang kami ng nalaman namin na kaya pa din kaming makita ng Golem kahit ganun ang paligid.
Napaatras naman kami ng sumuntok yung Golem sa lupa na siyang gumawa ng lindol.
Natumba na kaming lahat at napansin namin na hinarap ni Scatlet yung palad niya sa harapan namin kaya alam ko na ang susunod na mangyayari.
Nag-released si Scarlet ng napakalakas na kapangyarihan ng Void Element ng hindi namin nakikita kaya tumilapon kami sa hangin.
Nung pagbagsak namin sa lupa ay halos hindi ko na alam ang nangyayari na parang nawawalan na ako ng malay.
"Scarlet, itigil mo na ang lahat ng 'to!" Sigaw ni Nicole kaya napatigil si Scarlet sa binabalak niyang gawin pati na rin yung Golem.
Napatingin naman ako sa likuran ni Scarlet at tsaka ko lang na-realize na andun pala si Melissa.
"And why should I stop?" Seryosong tanong ni Scarlet kaya napatingin si Nicole sa kanya at pinilit niya pang tumayo kahit ang sakit na ng buong katawan niya.
"Scarlet, alam kong nasa loob mo si Zillah pero alam ko ding may natitira pang pagmamahal dyan sa puso mo" mahinahon na sinabi ni Nicole kaya napunta yung tingin nila Scarlet kay Nicole.
"Patawad kung hindi kita inalagaan makalipas ang ilang taon, sana naririnig mo ako Scarlet" dagdag pa ni Nicole at napansin ko na naging mahinahon yung itsura ni Scarlet kaya napatingin si Melissa sa kanya.
"Kaya sana bumalik ka na sa dati bilang kapatid ko" seryosong sinabi ni Nicole kaya nagulat naman ako sa sinabi niya.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay nawalan na siya ng malay kaya bumagsak na siya sa lupa at napansin ko na parang nagising na sa katotohanan si Scarlet.
"Ate Nicole!!" Sigaw niya at agad siyang lumapit papunta kay Nicole.
Napansin ko na takot na takot si Scarlet tungkol dun sa mga pangyayari na para bang iniisip niya na baka mamatay si Nicole.
"Sorry na Ate Nicole gumising ka na" mahinahon na sinabi ni Scarlet habang nakayakap siya kay Nicole.
Hindi ko naman inaasahan na bigla nalang sinaksak ni Melissa si Scarlet sa may likuran.
Sinubukan kong gumamit ng kapangyarihan ng mga oras na yun pero hindi ko nagawa dahil hindi na ako makagalaw sa sobrang sakit ng katawan ko.
"Tapos na ang layunin mo samin Scarlet" sabi ni Melissa kay Scarlet at agad niyang hinugot yung isinaksak niya kaya napansin ko na natumba nalang si Scarlet sa tabi ni Nicole.
Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba ng nalaman ko na yung ginamit pala ni Melissa ay yung Blade of Zillah, kaya pala biglang naglaho yung Golem yun ay dahil nasa loob na ng blade si Zillah.
"Sigurado akong matutuwa ang aking pinuno kapag nalaman niyang nasakin na si Zillah" pangiti saking sinabi ni Melissa at agad siyang naglaho.
Pinilit kong bumangon pero hindi ko talaga kaya, at matapos ang lahat ay nawalan nalang ako ng malay.
At makalipas ang ilang araw ay hindi ko naman inaasahan na magigising pa ako.
"Mabuti naman at nagising ka na" napatingin nalang ako kay Isabel at pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga pero medyo masakit pa din ang katawan ko.
"Wag mo pilitin yung sarili mo, magpahinga ka muna dito" paalala sakin ni Isabel kaya napaupo nalang ako sa kama.
"Kamusta na pala sila Jessica?" Bigla nalang natahimik si Isabel ng tinanong ko yun sa kanya.
"Okay na silang lahat, pero ikinalulungkot ko kasi wala pa ding malay si Jessica hanggang ngayon" kinabahan nalang ako sa sinabi sakin ni Isabel.
"Mukhang malala yung nangyari sa kanya" dagdag pa ni Isabel kaya medyo natakot ako sa pwedeng mangyari kay Jessica.
"Pero bakit hindi nalang kaya nila gamitan si Jessica ng Dilaw na Bracelet?" Tanong ko naman kay Isabel kaya nagtaka naman siya.
"Anong sinasabi mo? Matagal ng tumigil sa pag-iimbento si Rebecca ng mga ganun na bracelet" nagtaka nalang ako sa sinabi niya.
"Pero saan pala nang-galing yung nakuha ni Jessica dun?" Napansin ko na napaisip si Isabel sandali at sabay tumingin ulit siya sakin.
"Ilang beses nakong naglilinis ng Weapon Area pero wala na naman akong nakikitang ganun" napaisip nalang ako ng sinabi yun ni Isabel.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na rin siyang nagpaalam sakin dahil marami pa siyang kailangang gawin sa Academy.
Bumalik na ako sa pagkakahiga habang nakatingin ako sa kawalan.
Bakit ganun? Kung matagal ng hindi nag-iimbento si Rebecca ng mga ganung bracelet, papano magiging possible na makakuha pa si Jessica nun, at bakit kaya tumigil si Rebecca sa paggawa nun? Siguro naman ay may dahilan siya kung bakit.
Bigla ko namang naalala na nakuha na pala ni Melissa yung Blade at nasa kanya na rin si Zillah.
Ano ng gagawin ko, pero nung time na yun ay tsaka ko lang na-realize na kasama din pala si Jonathan sa mga nawalan ng malay, ibigsabihin ba nun ay ganun kalakas si Scarlet?!
Pero ano na nga palang nangyari kay Scarlet? Nung huli ko siyang nakita ay
Sinaksak siya ni Melissa, hindi kaya namatay na siya.
Nagulat naman ako ng may nagbukas nalang bigla ng kwarto ko at nagulat ako sa nakita ko.
"Hello kuya James, halika samahan mo ko, hindi ko kasi makita si Ate" nagtaka nalang ako ng makita ko si Scarlet at mukhang tuwang-tuwa siya ng makita niya ako.
Magsasalita palang sana ako ay bigla niya nalang akong hinila at grabe ang bilis niyang maglakad, mabuti na nga lang at medyo magaling na yung mga sugat ko kaya hindi na ganun kasakit.
Nung nasa may ground na kami ng Academy ay bigla naman napatigil sa paglalakad si Scarlet at sabay lumingon siya sa paligid na para bang may hinahanap siya.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya napatingin siya sakin at sabay ngumiti.
"Saan ba napunta si Ate Nicole?" Napangiti naman ako sa sinabi niya pero napaisip ako nung mga oras na yun.
Kapatid nga ba siya ni Nicole? Pero sa pagkakatanda ko ay may nabanggit nga si Nicole na kapatid niya si Scarlet nung mga oras na halos mamatay na kami kay Zillah.
Napatigil na ako sa pag-iisip ng napansin ko na papalapit samin si Jonathan na mukhang okay na din yung pakiramdam niya.
"Mabuti naman at okay ka na James, at ikinagagalak ko din na makita ka Scarlet" napangiti nalang si Scarlet nung sinabi yun ni Jonathan.
Pero naguguluhan ako, anong nangyari kay Scarlet, bakit parang bumalik na siya sa dati, at parang mas makulit siya ipagkumpara nung mga nakaraang araw na lagi siyang seryoso.
"Sa totoo lang, kaya siya naging ganun yun ay dahil kay Zillah, kinontrol kasi siya nito kaya naging ganun ang ugali niya, pero ang nakakapagtaka ay bakit yun ginawa ni Zillah" nalinawagan nalang ako sa sinabi ni Jonathan pero naguluhan pa din ako.
"Pero papano pa siya nabuhay?" Nagtaka nalang si Scarlet ng tinanong ko yun kay Jonathan.
"Mga Void Elementalist lang naman ang nagagawang patayin ng blade na yun, at tsaka isa pa kung sakaling Void elementalist si Scarlet, hindi naman tatalab sa kanya yung pagsaksak ni Melissa kasi wala pa naman si Zillah sa loob ng Blade ng mga oras na yun" nagtaka nalang ako sa sinabi niya habang si Scarlet ay hinahanap na ulit si Nicole sa paligid.
"Nasaksihan mo din pala yun?" Tanong ko sa kanya at napansin ko naman na napangiti si Jonathan.
"Hindi, sadyang kaya ko lang makabasa ng isipan ng tao, ang dami mo kasing iniisip ngayon" natawa nalang ako sa sinabi ni Jonathan.
"Sige mauna nako sa inyo" paalam niya samin at umalis na rin siya kaagad.
Napalingon naman ako sa may likuran ko ng may narinig ako na tumatawag sa pangalan ko.
"Ikaw lang pala Rainne" pangiti kong sinabi sa kanya at halata sa itsura ni Rainne na pagod na pagod siya sa kakatakbo papunta samin.
"Akala ko kung ano ng nangyari sayo, buti magaling ka na" pag-aalala niya sakin habang nagpapahinga siya sandali.
"Hi Ate Rainne" napangiti nalang si Rainne ng kinausap siya ni Scarlet.
"Hello Scarlet, hinahanap mo na naman ba si Nicole?" Pangiting sinabi ni Rainne kaya napaisip ako.
"Opo, alam niyo ba kung nasaan na siya?" Pangiting tinanong ni Scarlet at napansin ko naman na napaturo si Rainne sa may Cafeteria.
"Kakapasok niya palang sa may Cafeteria, siguro kakain na siya ng Tanghalian" pangiting sinabi ni Rainne kaya natuwa si Scarlet.
Nagulat nalang ako ng hinila niya na naman ako papunta sa Cafeteria, grabe sobrang kulit ni Scarlet. Ganito ba talaga siya?
Makalipas naman ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Cafeteria at dali-dali akong hinila ni Scarlet papasok sa loob.
Hindi nagtagal ay nakita na namin si Nicole na kasama si Max at si Erika na handa ng kumain.
"Anong ginagawa mo dito James, diba dapat nagpapahinga ka pa?" Tanong sakin ni Nicole at sabay napatingin nalang siya kay Scarlet.
"Ikaw talaga Scarlet, bakit mo binigla si James sa pagpunta dito?" Seryosong tanong ni Nicole kay Scarlet kaya napatingin si Scarlet sa may ibaba.
"Hindi okay lang yun, medyo magaling na naman yung mga sugat ko" pangiti kong sinabi sa kanila kaya nalinawagan si Nicole.
"Sige sumabay na kayo samin sa pagkain" hikayat samin ni Erika kaya umupo na agad si Scarlet habang ako naman ang kumuha na ng makakain namin.
Sabay-sabay na kaming kumain at napansin ko na ang tahimik naming lahat nung mga oras na yun.
"Nag-aalala ako para kay Jessica, sana maging okay na siya" napalingon nalang ako kay Nicole habang nakain kami.
Bigla naman akong napaisip sa isang sandali, totoo kayang isang Void si Scarlet, hindi ko rin masabi pero sa tingin ko parang may tinatago talaga siya.
Napatigil ako sa pag-iisip tungkol sa bagay na yun ng napatingin sakin si Nicole na para bang nabasa niya yung iniisip ko.
"Ate Nicole, samahan mo ako mamaya dun sa Library, may gusto kasi akong basahin dun" hikayat ni Scarlet sa kanya kaya napangiti si Nicole.
"Naaalala niyo pa yung nangyari nung nakaraang dalawang araw? Grabe hindi ako makapaniwala na napabagsak niya tayong lahat nung time na yun" seryosong sinabi ni Max at napansin ko na hindi niya binanggit yung pangalan para hindi na rin malaman ni Scarlet.
"Napakalakas niya, pero sa tingin ko dahil lang naman kay Zillah yun" pangiting sinabi ni Erika kaya napatingin kami sa kanya habang si Scarlet ay busy lang sa pagkain.
"Ayon sa nabasa kong libro, hindi naman ganun kalakas si Zillah, hindi kaya may tinatago siyang kapangyarihan?" Napaisip kaming lahat nung sinabi yun ni Nicole.
"Nga pala, Magkapatid ba kayo ni Scarlet?" Napangiti nalang sakin si Nicole ng tinanong ko siya.
"Oo, akala ko hindi ko na siya ulit makikita, pero nung nakita ko yung suot niya na singsing, tsaka ko lang nalaman na siya pala yung kapatid ko" nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Anong singsing ba yun?" Tanong ko kay Nicole at napansin ko na pinakita ni Scarlet yung singsing na suot niya.
Kulay Pula ito na may pagka-blue sa gitna, tapos may symbol siya na medyo komplikado kung titingnan.
"Nakatanggap din ako ng ganyan na singsing kay Zero, si Zero ang nagsabi sakin na matagal na sa kanyang pinapatago ni Raymond yung mga singsing na yun, galing daw yun sa nag-iisa kong Ama" nalungkot naman si Nicole sa pagsabi nun kaya medyo napaisip nalang ako.
Ano kaya yung gampanin ni Zero dito sa Academy, kung iisipin mo ay marami na ding pinagdaanan si Zero dito sa mundo nila. Siguro meron siyang alam tungkol sa mga nakaraan na nangyari dito.
Hindi ko naman namalayan na tapos na pala kaming kumain at napansin ko na tumayo na si Nicole at si Scarlet para magpaalam samin dahil pupunta pa sila ng Library.
"Sasama nako sa inyo" napatigil sa paglalakad sila Scarlet ng sinabi yun ni Max.
"At ano namang gagawin mo dun?" Painis na tinanong ni Nicole habang si Scarlet naman ay nakakapit lang sa kamay niya.
"Baka makatulong din ako sa inyo, hayaan mo na akong sumama" makaawa ni Max at napansin ko na napangiti si Scarlet.
"Sige na Ate Nicole, isama mo na yung mahal mo" nagulat nalang si Nicole ng sinabi yun ni Scarlet at napansin ko din na napangiti si Max.
"Ano ka ba naman, wala akong gusto dyan sa aso na yan" painis na sinabi ni Nicole kaya medyo natawa ako.
"Sige na kasi Ate Nicole" makaawa din ni Scarlet kaya hindi na nakapagtiis si Nicole, pumayag na siya na isama si Max kaya kaming dalawa nalang ni Erika ang magkasama sa Cafeteria.
"James tara dalawin natin si Jessica" sumang-ayon ako kay Erika ng sinabi niya yun kasi sobrang nag-aalala na talaga ako para kay Jessica.
Naglakad na kami papunta sa Building kung saan makikita lahat ng rooms ng Elementalist.
Nung nakarating na kami ay kumatok kami sa kwarto ni Jessica at matapos ang ilang segundo ay binuksan na namin yung pinto.
Nakita ko naman na wala pa ding malay si Jessica hanggang ngayon kaya mas nag-alala ako.
"Sana gumaling ka na Jessica" mahinahon kong sinabi sa kanya at napahawak ako sa kamay niya ng hindi ko namamalayan.
"Pinapangako ko na kapag gumising ka ngayon, lagi na tayong magkasama sa lahat ng oras" malungkot kong sinabi sa kanya habang si Erika naman ay nakatingin lang kay Jessica.
Napatingin naman kami sa may pinto ng nakita namin si Isabel na may dalang pamunas para kay Jessica.
"Ahmm Erika pwede po bang iwan mo muna kami ni James dito" tanong ni Isabel sa kanya at sumang-ayon naman si Erika kaya pagkatapos nun ay lumabas na siya agad.
Tumayo na muna ako mula sa pagkakaupo para mapunasan ni Isabel si Jessica, at napansin ko na medyo tumahimik pero nagtaka ako ng bigla nalang akong kinabahan.
"Alam kong mahal mo si Jessica" pangiting sinabi ni Isabel sakin habang nakatingin pa din siya kay Jessica kaya medyo nagulat ako.
Halos hindi na ako makapag salita nung mga oras na yun kaya napangiti na naman si Isabel.
"Kahit hindi mo sabihin, alam ko naman na may gusto ka talaga sa kanya" napangiti nalang ako ng sinabi niya sakin yun.
Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung anong isasagot ko kay Isabel nung mga oras na yun, para bang ang gulo ng isipan ko tapos nalunok ko nalang yung mga sasabihin ko.
Pagkatapos niyang punasan si Jessica ay tumayo na din siya agad at sabay tumingin ulit siya sakin kaya nagtaka nalang ako.
"Sabi pala ni Jonathan magkita daw kayo sa Building D, magsasanay na daw kayo" pangiting sinabi ni Isabel at tsaka ko lang naalala na meron nga pala kaming pagsasanay ni Jonathan.
Nagpaalam na ako kay Isabel at hinayaan ko nalang siya na bantayan muna si Jessica.
Nung papunta na ko sa Building D ay hindi ko naman inaasahan na makakasalubong ko si Rainne na mukhang papunta rin dun.
"Papunta ka din sa Building D?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti naman si Rainne.
"Oo pinatawag kasi ako ni Sir Jonathan" sagot sakin ni Rainne kaya sabay na kaming naglakad papunta dun.
Nung nakarating na kami dun ay napansin ko naman na inaantay na kami ni Jonathan at kasama niya si Erika.
"Kasama ka din pala Erika" masayang sinabi ni Rainne kaya mas lalo naman akong nagtaka.
"Pero bakit nga ba tayo nandito?" Tanong ko sa kanila kaya napatingin sakin si Jonathan.
"Ano pa nga ba? Edi sasanayin ka namin James, napag-usapan na namin ni Erika ang mga gagawin" seryoso niyang sinabi sakin kaya pagkatapos nun ay pumasok na kaming apat.
Nung pumasok na kami sa loob ng building ay ginamit na rin ni Jonathan yung verify Card niya kaya parang nag-On na yung building at namangha naman ako ng naging Anatasia Village yung lugar.
"Dito ko mas piniling mag-sanay para malaman ko kung gaano ka kaingat sa pakikipaglaban James" napaisip ako sa sinabi ni Jonathan.
Pumunta na ako sa may gitna ng lugar at nagulat naman ako ng kaharap ko si Erika na nakatingin ng seryoso sakin na para bang kami yung maglalaban.
"Handa ka na ba James?" Pangiting tanong ni Erika kaya medyo kinabahan naman ako.
Napansin ko naman na parang bigla nalang dumilim yung paligid at naghanda na agad ako ng napatingin ulit ako ng diretso kay Erika.
"Sige simulan na natin" paseryoso kong sinabi at matapos yun ay napansin ko na nagkulay pula na yung palad ni Erika kaya mas namangha ako na may halong kaba.
Hinarap niya agad sakin yung palad niya kaya hindi ko namalayan na naglabas na pala siya ng kapangyarihan ng Darkness element niya.
Natumba nalang ako habang napansin ko na andun pa din si Erika sa puwesto niya.
Umatake naman ako ng elemento ko pero nagulat ako ng bigla nalang nawala si Erika sa kinatatayuan niya at sabay may yumakap nalang sakin para hindi ako makagalaw.
Tsaka ko lang nalaman na si Erika pala yun, pero ano namang balak niyang gawin.
"Alam mo ba na kayang pahinain ng Darkness Element yung mga kapangyarihan ng isang elemento?" Pangiti niya saking sinabi habang ako naman ay pinipilit na makawala sa kanya.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinawakan sa dibdib tapos bigla nalang sumakit yung puso ko na para bang tinutusok ng kutsilyo.
Halos hindi na ako makagalaw nung time na yun ng binitawan ako ni Erika pinilit kong bumangon nung natumba ako pero hindi ko na talaga kaya.
"Kailangan mo pang magsanay" seryosong sinabi ni Erika at napansin ko na nakatapat sakin yung palad niya kaya bigla akong nakaisip ng plano.
Nung umilaw na yung palad ni Erika ay alam kong maglalabas na naman siya ng lakas niya kaya naisipan ko na itapat yung palad ko sa kanya at nagpakawala din ako ng kapangyarihan ko.
Nagulat nalang si Erika ng nagkulay Pula yung Palad ko at sabay parang gumaan yung pakiramdam ko pero nagtaka nalang ako ng bigla nalang napaluhod si Erika na para bang nanghihina siya.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at napansin ko na nawalan ng malay si Erika kaya mas nagtaka ako.
Napansin ko na parang gulat na gulat sila Rainne sa nakita nila, para bang hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari.
"Pano mo nagawa yun?" Tanong sakin ni Jonathan pero nanatili lang akong tahimik habang nag-iisip.
"Hindi ko nga rin alam kung anong nagawa ko" mahinahon kong sinabi habang nakatingin lang ako kay Erika na wala pa ding malay hanggang ngayon.
"Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, akala ko si Jamela lang ang nakakagawa nun" pangiting sinabi ni Rainne na para bang hangang-hanga siya sa nakita niya.
Napansin ko na biglang lumalim yung iniisip ni Jonathan kaya nagtaka nalang ako.
"Anong ibig mong sabihin Rainne?" Tanong ko sa kanya at napansin ko na napangiti na naman siya.
"Ginawa niya yun kay Vanessa nung nakaraang ilang taon, yun ang ginamit niya para matalo yun" napaisip nalang ako sa sinabi ni Rainne.
"James may nakalimutan pala akong gawin, mauna na ako sa inyo, dalhin niyo na si Erika sa kwarto niya" seryosong sinabi ni Jonathan kaya sinunod nalang namin siya.
Hindi ko inaasahan na ganun talaga ang mangyayari, pero ano ba talagang nangyari at bakit napabagsak ko agad si Erika.
Nung nahatid na namin si Erika sa kwarto niya ay napaupo muna kami sandali sa may loob ng kwarto ni Erika.
"Rainne alam mo bang ang tungkol dun sa kapangyarihan na nagawa ko kanina?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.
"Hindi ako sigurado kung ano talaga yun pero alam kong malakas ang kapangyarihan na taglay mo" pangiting sinabi ni Rainne kaya mas napaisip ako.
Bigla naman akong nag-alala para kay Erika, baka sumobra yung nagawa ko kanina at baka mapahamak siya.
"Sana maging okay lang si Erika, hindi ko naman sinasadya ang pangyayari" malungkot kong sinabi kay Rainne habang nakatingin ako kay Erika.
"Magiging okay yan si Erika wag ka mag-alala" pangiting sinabi ni Rainne at pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na kami sa kwarto naming dalawa.
Bigla ko namang naalala yung tungkol sa dilaw na bracelet na dinala ni Jessica, nakakapagtaka kasi ang sabi ni Rebecca ay matagal na siyang hindi nagawa ng ganung bracelet pero bakit nga ba siya tumigil, kung titingnan mo kasi ay napakahalaga nung naimbento niya na yun, ano namang dahilan para itigil niya ang paggawa ng bagay na yun.
Napahiga nalang ako sa kama ko nung mga oras na yun at naisipan ko na matulog nalang muna.
Hindi ko naman namalayan na napahaba na yung tulog ko kaya kinabukasan na ng tanghali ako nagising.
Naghilamos muna ako sandali bago ako lumabas ng kwarto ko at nung mga oras na yun ay naisipan ko naman na puntahan muna si Jessica para tingnan kung okay na ba siya.
Nung pumasok na ko sa loob ng kwarto ni Jessica ay napansin ko na gising na siya at pinapakain siya ni Isabel ng umagahan.
"Buti at nagising ka na Jessica" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napatingin sakin si Isabel pati na din siya.
"Medyo masakit pa yung binti ko pero kaya ko na namang maglakad" mahinahon na sinabi ni Jessica kaya medyo nagtaka naman ako.
Nung time na yun ay tsaka ko lang na realize na tapos na palang kumain si Jessica kaya tumayo na si Isabel at sabay napatingin siya sakin ng diretso.
Kakaiba yung pagtingin ni Isabel, para bang may sinasabi yung mga mata niya na kahit tingnan niya lang ako ay alam ko na yung ibigsabihin ng tinutukoy niya.
"Bantayan mo ng mabuti si Jessica" pangiting sinabi ni Isabel at wala na kong nasabi kasi agad na siyang umalis ng kwarto kaya kaming dalawa nalang ni Jessica ang naiwan.
Bigla naman akong napaisip sa isang sandali tungkol sa lahat ng nangyari nung mga nakaraang araw.
Ano kaya yung nagawa ko kay Erika at bakit napabagsak ko agad siya ng hindi ko namamalayan, at tsaka bakit kaya ayaw ng mag-imbento ni Rebecca nung Dilaw na bracelet na kung iisipin mo ay napakahalaga naman nun, kaya anong dahilan para itigil niya ang paggawa nun.
Naisipan ko nalang na itanong kay Jessica yung tungkol sa bagay na yun.
"Jessica saan mo pala nakuha yung dilaw na bracelet na sinasabi mong nakakapag-pagaling" nagtaka naman si Jessica sa sinabi ko kaya tumingin siya sakin ng seryoso.
"Ahmm hindi ko naman talaga nakuha yun dun sa Weapon Area, sadyang pinalabas ko lang na ganun para hindi kayo magtaka" napaisip naman ako sa sinabi niya kaya mas na curious ako na tanungin kung saan talaga nang-galing yun.
"Saan pala nang-galing yun at tsaka bakit tumigil na si Rebecca sa paggawa nung bagay na yun?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti naman siya bigla sakin.
" Ba't hindi mo tanungin ang Hortensia?" Nagtaka ako sa sinabi niya pero mas na-curious ako dahil dun sa salitang binanggit niya.
Hortensia? Ano yung tinutukoy niya na yun? Pero siguro naman masasagot nung Hortensia na yun yung katanungan ko.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top