Chapter 17 : The Weapon

Hindi ko na nalaman ang mga sumunod na nangyari nung time na yun. At nung nagising na ako ay tsaka ko lang naalala na nasa gubat pa din pala ako.

Nasaan na ba ako? Pero ang mas gumugulo sa isip ko ay bakit niya kinuha si Scarlet, pero depende sa sinabi ni Melissa ay yun ang weapon na kayang makatalo ng Void, so it means, si Zillah ay naka possesed kay Scarlet, kaya pala kinuha siya ni Melissa, pero bakit kaya? Hindi kaya takot si Melissa na baka mapatay siya gamit si Zillah. Pero nakakapagtaka kasi papano naman gagawing weapon si Zillah para makatalo ng Void.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip dahil napansin ko na pasikat na yung araw kaya napag-isipan ko naman na maglakad-lakad na.

Hindi ko alam kung saang part ng gubat ako napunta pero mas mabuti na kung sisimulan ko ng maglakad.

Sa kakaisip ko ng kung ano-ano habang naglalakad ay hindi ko naman napansin na may nakabangga na pala akong tao, pero nasiyahan naman ako nung mga oras na yun dahil inisip ko na baka alam niya ang pabalik dun sa Village.

"Ahmm miss?, pasensya na po, alam niyo ba kung saan ang pabalik sa Anatasia?" Napalingon siya sakin at napansin ko na light-blue ang kulay ng buhok niya na siya namang bumabagay sa maganda niyang ngiti.

"Ahmm, hindi ko po alam eh" pangiting sinabi ng babae sakin kaya nagtaka nalang ako.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tumayo kaya napalingon ulit siya sakin at ngumiti.

"My name's Rainne" nasiyahan naman ako ng nakilala ko siya pero pagkatapos nun ay natahimik ako sa isang iglap ng lumamig ang simoy ng hangin na para bang may nakatingin samin.

"Teka lang, parang may nagmamasid satin ngayon" kinabahan naman si Rainne sa sinabi ko kaya napalingon siya sa paligid namin.

Napansin ko naman na nagkulay asul yung palad niya at kuminang ito ng maliwanag.

"Let's go James" napakapit siya sa kamay ko at bigla nalang kaming naglaho sa isang sandali.

Napansin ko naman na napunta kami sa isang bahay sa gubat, nagtaka nalang ako ng ngumiti ulit siya na parang walang nangyari.

"Anyare? Ba't mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin.

"Ahmm, wala lang gusto ko lang" pangiti niyang sinabi kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

Ano bang meron dito sa babae na 'to, niloloko niya ba ako, ang gulo basta hindi ko mapaliwanag, naisipan ko naman na tanungin nalang si Rainne.

"Ano nga kasi, bakit mo nga ako sinama dito?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napalingon na naman siya sakin.

"Malamang, patutuluyin muna kita dito sa bahay ko, alam kong wala kang matutulugan at tsaka alam kong gutom ka na kaya wag ka ng magsalita at pumasok ka nalang dito sa bahay" patawa niyang sinabi kaya nalinawagan nalang ako kung bakit isinama niya ako, tama nga naman siya, gutom na talaga ako.

Pagkatapos nung usapan namin ay sabay na kaming pumasok sa loob, pinaupo agad ako ni Rainne at mabilis siyang naghain ng mga pagkain kaya nasiyahan naman ako.

"Parang napakasaya mo ngayon ah" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napatingin siya sakin ng diretso.

"Natural lang sakin ang maging ganito, at tsaka ngayon lang ulit ako nagkaroon ng bisita sa buong buhay ko" nagtaka nalang ako sa sinabi niya sakin kaya napatigil ako sa pagkain.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang napansin ko naman na sumabay na siya sa pagkain.

"Masyado kasing liblib ang bahay ko, kaya bibihira lang ang mga bisita" nalinawagan naman ako sa sinabi niya pero nagtaka na naman ako kaya tinanong ko ulit siya.

" Bakit mas pinipili mo pang manirahan dito?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagkain.

"Nangako kasi ako sa mga magulang ko na kahit anong mangyari ay hindi ko iiwan ang tirahan namin" nasiyahan naman ako sa sinabi niya pero medyo nalungkot ako dahil naalala ko sila Mama at Papa.

Nakakamiss na sila, gusto ko silang yakapin kaso hindi ko yun magagawa dahil andito pa ako sa mundo nila.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong sakin ni Rainne kaya napatigil ako sa pag-iisip ng bagay na yun.

"Wala yun, tara na't kumain na tayo" pangiti kong sinabi sa kanya kaya pagkatapos nun ay ipinagpatuloy na namin ang pagkain at nung nakatapos na kami ay natahimik kaming dalawa habang nakaupo lang sa upuan.

"Sigurado ka ba talaga na hindi ka aalis sa lugar na 'to kahit anong mangyari?" Tanong ko naman sa kanya kaya napatingin siya sakin.

" Ahmm, depende rin, kaso imposibleng mangyari yun" seryoso niya saking sinabi kaya napaisip nalang ako.

Bigla ko namang naalala na isa din pala siyang Elementalist dahil nagawa niyang maglaho.

"Ano pala ang elemento na kaya mong kontrolin?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti nalang si Rainne.

"Darkness and water, pero mas malawak ang kaalaman ko sa water" namangha naman ako sa sinabi niya.

Pero nagtaka naman ako, papano niya kaya nakuha ang mga elemento na yun, posible kaya na namana niya yun sa mga magulang niya? Ewan ko ba pero hindi ko naman naisipan na itanong kay Rainne yun.

"Galing ka din ba sa Academy?" Tanong ko sa kanya kaya napaisip siya sandali pero napansin ko naman na ngumiti siya.

"Opo, kaso umalis din agad ako" mahinahon niyang sinabi sakin kaya na curious ako sa pagkatao niya.

"Sino ang mga natatandaan mong tao dun?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya nagtaka siya.

"Ang naaalala ko lang na kasama ko dun ay ang kapatid ko, si Enzo" nagulat nalang ako sa nalaman ko kay Rainne.

Kapatid siya ni Enzo? Kaya pala malakas din ang mga elemento niya, yun ay dahil iisa lang ang magulang nila ni Enzo.

"Kailan mo siya huling nakita?" Pangiti kong sinabi sa kanya kaya napatayo siya mula sa pagkakaupo.

"Ahmm matagal na panahon na yun, tara samahan mo ako sa gubat, maghahanap ako ng tanim na pwedeng kainin mamaya" sumang-ayon naman agad ako sa sinabi niya kaya agad na kaming umalis.

Nung nasa daan na kami ay bigla ko namang naalala si Jamela, ang pinakaunang Chosen One dito sa mundo nila na hindi nagtagumpay, ano na kayang nangyari sa kanya?

Bigla ko namang naalala yung mga nangyari nung mga nakaraang araw, grabe ang dami ng namatay na mga inosenteng tao, at wala man lang akong magawa para mailigtas sila.

Hindi ko na kayang manood ng mga namamatay na tao kaya sana matigil na ang labanan na ito sa pagitan ng dalawang Academy.

Lubos na ang pagkagalit ko nung time na yun at napansin ko naman na nagkulay white na naman yung palad ko, sobrang liwanag. Nagulat nalang si Rainne ng nakita niya yun.

"Totoo ba yang nakikita ko? Ikaw ang Chosen One?!" Pagulat niya saking tinanong na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Pataka kong tinanong sa kanya habang siya naman ay hinawakan ang kamay ko kung saan umiilaw ang aking palad.

"Ikaw nga, napakasaya ko at nakilala kita, bagong Chosen One" masaya saking sinabi ni Rainne habang ako naman ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon.

"Ito ang simbolo ng isang kapangyarihan ng Chosen One, komplikado siya pero kung titingnan mo ay yan na ang pinakamataas na stage sa pagmaster ng elemento" namangha nalang ako sa sinabi niya, kulay puti ang last stage? Wow grabe na talaga ang dami ko ng natutuklasan ngayon.

"At tanging mga Chosen One lang ang nakakarating sa stage na yan" bigla naman akong napaisip panandalian habang si Rainne ay tuwang-tuwa pa din hanggang ngayon.

"Teka, papano mo nalaman ang lahat ng yun?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Kakilala ko kaya si Jamela" nagulat nalang ako sa sinabi ni Rainne.

"Nakilala mo siya?" Naninigurado ako sa narinig ko kaya ko ulit siya tinanong.

"Siya ay isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan nung mga oras na yun, kaso umalis siya" natahimik nalang ako habang nakikinig kay Rainne.

Napatigil nalang kami sa paglalakad ng may natanaw kaming isang babae na nakahood pero sa tingin ko ay parang kilala ko siya.

"James.?" Nagtaka nalang ako sa kanya, ng binanggit niya yung pangalan ko at sabay tumakbo siya palayo samin.

Agad naman namin siyang hinabol pero hindi na namin siya naabutan.

"Sa tingin ko ay naglaho siya para hindi natin siya mahabol" napatingin nalang ako kay Rainne ng sinabi niya sakin yun.

"Sa tingin mo, sino kaya yung babae na yun?" Tanong ko sa kanya pero napansin ko na natahimik siya habang nag-iisip kaya alam kong wala siyang idea kung sino yun.

"Hindi ako sigurado" napaisip nalang ako matapos niya saking sabihin yun.

Sino kaya yun? Wala naman siyang kaboses dun sa mga nakilala ko simula nung dumating ako dito kaya sigurado ako na hindi ko siya kilala.

Matapos ang mga pangyayari ay napag-pasyahan na namin ni Rainne na hayaan nalang yung babae na yun.

"Pwede bang tulungan mo akong makabalik sa Anatasia?" Tanong ko kay Rainne habang naglalakad kami sa gubat para maghanap ng makakain.

"Pwede naman, pero ano palang matutulong ko sayo?" Tanong niya sakin kaya nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Ano ka ba naman, marami kang matutulong sakin, ano ba ang iniisip mo?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon nalang siya sa ibaba at napansin ko na napaluha siya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang dahan-dahan kong inangat yung mukha niya para makita ko yung itsura niya.

"Nung huli kasi na sinubukan kong tumulong sa isang kaibigan ko ay lagi nalang ako nakakagawa ng gulo" sabi niya sakin habang lumuluha pa din siya kaya nalungkot naman ako.

"Bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan?" Mahinahon kong sinabi sa kanya kaya napatingin siya ng diretso sa mga mata ko.

"Totoo naman kasi yun, napahamak si Jamela dahil sakin, isa akong walang kwentang kaibigan!" Pasigaw niyang sinabi at napansin ko na napaiyak na siya ng lubos kaya agad ko siyang niyakap.

"Wag mo sabihin sa sarili mo yan, para sakin ay isa ka sa mga pinakamahalagang kaibigan na pwede kong makilala" nung bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya ay napatingin siya ulit sakin at sabay nagpunas siya ng mga luha niya.

"Wala kang pinagkaiba kay Jamela" pangiti niyang sinabi habang pansin ko na naluluha pa din siya.

"Tara na't bumalik na tayo sa bahay mo, mas mabuti siguro kung  sasama ka sakin para mas marami kang makilalang kaibigan" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napangiti naman siya.

"Hindi naman sa ayoko na sinusunod mo yung pangako mo sa magulang mo, pero may karapatan ka din na kumilala sa mundo sa labas, kumilala ka ng maraming kaibigan." Pangiti kong sinabi sa kanya at napansin ko naman na sumang-ayon siya.

"Tara na, bumalik tayo sa bahay para maihanda ko na yung mga gamit ko" pangiti niyang sinabi kaya pagtapos nun ay mabilis na kaming bumalik sa bahay niya.

Nung nakabalik na kami sa bahay niya ay naisipan ko naman na tulungan na siya sa pag-aayos ng mga gamit niya.

May napansin nalang ako bigla na isang Blade na napakatalim tapos ang dulo nito ay may simbolo na "Z".

"Para saan 'to?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin nalang sakin si Rainne.

"Ayan ba? Binigay sakin yan ng isang  lalaki nung matagal na panahon ng makalipas, bata pa ako nung time na yun" napaisip nalang ako sa sinabi niya.

"Papano niya nabigay sayo 'to?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napangiti nalang si Rainne.

"Naglalaro kasi ako sa may gubat nun, ng bigla ko nalang siyang nakasalubong, sugatan siya at may kasama siyang isang babae na magkaiba ang kulay ng mata" napaisip nalang ako bigla tungkol dun sa sinabi niya kaya medyo nagtaka si Rainne.

Hindi kaya si Jasmin at si Raymond ang tinutukoy niya, si Jasmin lang din kasi ang kakilala ko na may magkaibang kulay ng mata, at hindi naman ako magtataka na magkasama sila lagi ni Raymond maski hanggang ngayon.

"Nalaman mo ba yung pangalan nila?" Tanong ko kay Rainne habang nakatingin lang ako ng diretso sa kanya.

"Ahmm, hindi ko na tanda eh" pangiting sinabi ni Rainne habang napansin ko naman na nakaayos na pala lahat ng gamit.

"Ang sabi sakin ng lalaki, itago ko daw yung Blade na yan, dahil pwede daw yang gamitin para makapatay ng isang Void Elementalist, sa totoo lang ay hindi naman talaga namamatay ang mga Void Elementalist, ang tanging nakakapatay lang sa kanila ay ang Blade na yan" namangha nalang ako sa sinabi ni Rainne, grabe ang dami niya ng kaalaman tungkol dito.

"So ibig sabihin. Kapag ginamit ito sa pagpatay sa isang Void Elementalist ay siguradong mawawalan na ito ng buhay?" Tanong ko naman kay Rainne kaya napatingin ulit siya sakin.

"Kailangan mo munang ikulong sa loob ng Blade na yan si Zillah, para magkaroon yan ng napakalakas na kapangyarihan para makapatay ng Void Elementalist" nalinawagan nalang ako sa sinabi ni Rainne.

"Pwede bang akin nalang 'to?" Pangiti kong tanong sa kanya at pumayag naman siya.

Pagkatapos naming mag-usap ay agad na kaming tumayo para buhatin ang mga gamit na dadalhin namin sa paglalakbay at hindi naman nagtagal ay agad na rin kaming umalis.

Nung habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang mag-isip tungkol dun sa mga bagay na nalaman ko kanina lang.

Ikukulong si Zillah sa loob ng Blade? Pero papano naman kaya posible yun. Parang napaka komplikado naman nung sinasabi ni Rainne.

Bigla ko nalang naalala na nasa kamay pala ng taga-Fallen si Scarlet at sa pagkakatanda ko ay nasa kanya si Zillah kaya sigurado ako na mahihirapan kami sa pagbawi sa kanya.

Makalipas ang halos kalahating oras na paglalakad ay wala pa din kaming natatanaw na kahit anong village kaya naisipan na muna namin na magpahinga sandali.

"Grabe pagod na ko" sabi sakin ni Rainne habang nakasandal siya sa isang puno.

"Napakalawak ng gubat, parang wala tayong pagkakataon na makabalik" malungkot kong sinabi sa kanya habang ako ay napaupo na sa damuhan.

Nung habang nagpapahinga kami ay bigla ko namang naalala yung tungkol dun sa dalawang Gemstone na meron ako ngayon, dapat nga tatlo na yun kung hindi kinuha ni Henry yung isa.

Pero nakakapagtaka kasi ano bang meron sa mga gemstone na yun, at bakit kaya kinuha ni Henry yung isa kong Gemstone nung nakaraan.

Para saan kaya talaga yung mga gemstone na yun, ano kaya ang maitutulong nito samin?

Bigla naman akong nalinawagan, hindi pala magagamit nila Melissa si Scarlet kung wala yung mismong weapon, maliban nalang kung meron din silang Blade na kagaya ng nakuha ko kay Rainne.

"Magpatuloy na tayo sa paglalakad" napatingin nalang ako kay Rainne ng sinabi niya yun.

Ganun na nga ang nangyari, nagpatuloy na kami sa paglalakad at napansin ko nalang na parang tumahimik kaming dalawa ni Rainne.

"Parang ang dami mong iniisip ah" sabi ko kay Rainne kaya napalingon nalang siya.

"Naalala ko lang yung dati, ganito din ang nangyari samin ni Jamela, at hindi ko mapatawad yung sarili ko kasi ang laki ng kasalanan ko sa kanya" nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya naisipan ko na tanungin ang tungkol dun.

"Ano bang nagawa mo?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya napatingin si Rainne sakin ng seryoso.

"Ayoko ng ikwento yun, ayoko ng maalala pa ang nangyari dati" malungkot niyang sinabi kaya hindi ko na siya pinilit na sabihin pa ang tungkol dun.

"James, what are you doing here?" Napalingon nalang kami sa likuran namin at nakita naman namin si Zero na nakatingin sakin ng seryoso.

"Buti at nakita mo kami, naliligaw na kasi kami dito sa gubat at gusto naming makabalik" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napatingin siya kay Rainne.

"Let's go, I will take you to Anatasia" nasiyahan nalang kami ni Rainne ng sinabi yun ni Zero kaya pagkatapos nun ay sumunod na kami sa kanya.

"Zero, naka-possesed pala kay Scarlet si Zillah, diba yun yung pwedeng gamitin na pang-talo sa isang Void?" Tanong ko sa kanya kaya nagulat naman siya sa sinabi ko.

"But you need the Blade to be able to defeat a Void Elementalist" seryoso niyang sinabi sakin kaya agad ko namang pinakita yung Blade na galing kay Rainne.

"Mas mabuti siguro kung ikaw na ang magtatago ng Blade" inabot ka naman agad kay Zero yung Blade kaya sumang-ayon naman si Zero sa sinabi ko.

Pagkatapos nun ay bumalik na ang mga tingin namin sa daan habang matahimik kaming naglalakad.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na nga kami sa Anatasia kaya napansin ko naman na nasiyahan si Rainne sa mga nakita niya.

"Andito na tayo, salamat Zero pero kelan pala kami makakabalik sa Academy?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti naman sakin si Zero.

"Tomorrow Morning, I will be the one to guide you" seryoso niyang sinabi kaya napangiti nalang ako habang si Rainne naman ay excited ng libutin ang Anatasia.

" What's your name?" Napatingin nalang si Rainne ng tinanong siya ni Zero.

"Rainne po ang pangalan ko" pangiting sinabi ni Rainne at napansin ko naman na napaisip si Zero sa isang sandali.

"My name's Zero, Nice to meet you" seryosong sinabi ni Zero kaya napansin ko naman na nagtaka si Rainne.

Pagkatapos namang magpakilala ni Zero ay nagpaalam na din siya samin para umalis kaya naisipan na namin ni Rainne na pumunta sa bahay ni Sci.

Nung nakarating na kami kila Jessica ay nagtaka naman silang lahat ng nakita nila na may kasama ako.

"Sino siya James?" Tanong sakin ni Nicole kaya napangiti naman si Rainne.

"Ako po si Rainne, at masaya po ako na makita kayong lahat" pangiting sinabi ni Rainne kaya napatingin silang lahat sa kanya.

"Grabe naman" napakamot nalang sa ulo si Max kaya tumingin kami sa kanya.

"Ano na namang problema mo Max?" Painis na sinabi ni Nicole kaya napansin ko na natawa sila Erika.

"Bakit ba puro babae ang nadadagdag satin, kaming dalawa lang ni James ang lalaki dito" pangiting sinabi ni Max at napansin ko naman na piningot siya ni Nicole.

"Maiwan ko na muna kayo, igagala ko lang 'tong aso ko" pangiting sinabi ni Nicole habang hinihila niya si Max palabas ng bahay kaya medyo natawa kami sa kanya.

"Ang sweet nilang dalawa" patawang sinabi ni Rainne habang napansin ko naman na parang ang daming iniisip ni Erika.

"Sinabi mo pa" pasang-ayon ni Jessica at napansin ko naman na masaya silang nag-uusap kaya naisipan ko na kausapin muna si Erika.

"Ano yung iniisip mo?" Tanong ko sa kanya kaya medyo nagulat naman siya sakin at sabay ngumiti siya.

"Wala yun, Naaala ko lang ulit si Sci" nagtaka naman ako ng sinabi niya yun.

"May nararamdaman ka para kay Sci?" Napatingin nalang ng diretso si Erika sakin kaya naging seryoso ako.

"Mauna na muna ako sa inyo, magpapahangin lang ako sa labas" paalam niya samin at dali-dali siyang umalis kaya naisipan ko na sundan siya.

"Ano nga kasi yun? Sabihin mo na? Wag ka mahiyang magsabi ng sikreto, huwag mo solohin yang sakit na nararamdaman mo" seryoso kong sinabi sa kanya kaya napayakap nalang siya at napansin ko na napaiyak na siya kaya natahimik ako.

"Okay lang yan, alam kong mahirap tanggapin na wala na siya" malungkot kong sinabi sa kanya habang si Erika naman ay mahigpit lang ang yakap sakin.

"Ba't ba kasi nangyari pa yun, lagi nalang nawawala ang mga mahal ko sa buhay" paiyak na sinabi ni Erika kaya sobrang nalungkot ako.

"Gusto kong ipag-higanti si Sci kay Scarlet, hinding-hindi ko siya mapapatawad" pagalit na sinabi ni Erika habang naiyak pa din siya.

"Hindi yun kasalanan ni Scarlet, naka possesed kasi si Zillah sa kanya kaya lang siya naging ganun" napatingin nalang si Erika sakin habang ako naman ay seryoso pa din.

"Si Zillah, sa pagkakaalam ko ay gawa-gawa lang yun ng mga tao sa Athanasius" patakang sinabi ni Erika habang nagpupunas siya ng mga luha.

"Totoo yun, siya nga yung weapon na tinutukoy ni Raymond na kayang makatalo ng isang Void" namangha nalang si Erika na may halong pagkagulat ng nalaman niya yun.

"Pero papaano naman yun?" Tanong niya sakin kaya napangiti naman ako sa kanya.

"Basta malalaman mo din sa susunod" pangiti kong sinabi kaya napaisip nalang bigla si Erika.

Napansin ko naman na padilim na kaya naisipan na namin na bumalik na agad sa bahay ni Sci.

Nung tumatakbo kami sa daan pabalik kila Jessica ay bigla naman akong nakaramdam ng kaba na parang may nagmamasid samin nung mga oras na yun.

Hindi ko naman inaasahan na makakasalubong pala namin sa daan sila Nicole at Max.

Napansin ko naman na may dalang pagkain si Max kaya nasiyahan naman ako kasi gutom na talaga ako nung time na yun.

Sabay-sabay na kaming naglakad pabalik at napansin ko na nawala na yung kaba ko kaya hindi na kami nagmadali sa pagbalik.

"Si Rainne, aaminin ko medyo Cute siya lalo na kapag ngumingiti" patawang sinabi ni Max at napansin ko naman na naasar si Nicole.

"Huwag ka ngang maingay Max" painis na sinabi ni Nicole kaya nagtaka naman kami nila Erika.

"Nagseselos ka ba Nicole?" Pangiting sinabi ni Erika kaya nagulat naman si Nicole at sabay napalingon siya samin.

"Hindi ah" tanggi niya samin kahit na halata naman sa mukha niya na totoo yun.

"Pero syempre walang makakapantay sayo Nicole" pangiting sinabi ni Max sa kanya at napansin ko na medyo namula si Nicole at nainis din siya.

"Ako pa talaga binola mo" painis na sinabi ni Nicole kaya medyo natawa naman kami ni Erika.

Napatigil nalang kami sa pag-uusap ng nakarating na kami sa bahay ni Sci

Dali-dali na kaming pumasok sa may loob at napansin ko naman na andun pala si Zero.

"Take note that all of you shall be ready tomorrow morning, and I am the one that will take you back to the Academy" seryosong sinabi ni Zero kaya sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya.

"I should go, Bye for now" paalam ulit ni Zero kaya natahimik nalang kami sa isang sandali.

"Ganun ba talaga yung si kuya Zero?" Napalingon kami kay Rainne ng sinimulan niya yung usapan.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Jessica at napansin ko naman na pumasok na sila Nicole at Erika sa kwarto para matulog.

"Kung baga speechless siya" pangiting sinabi ni Rainne kaya natawa naman si Jessica sa sinabi niya.

"Masanay ka na sa kanya" pangiting sinabi ni Jessica at napansin ko naman na parang inaantay sila ni Max na makatapos sa pag-uusap.

"Tara kain na muna tayo, nakakagutom 'tong araw na 'to" pangiting sinabi ni Max, grabe ang hilig niya talagang kumain.

Ganun na nga ang nangyari, kumain na kami, bigla ko namang naalala sila Nicole kaya pumunta ako sa kwarto para yayain sila pero mahimbing na pala ang tulog nila kaya hindi ko na sila ginising.

Nung habang nakain kami ay bigla ko namang naalala yung tungkol dun sa misteryosong babae na nakita namin sa gubat, ang mas nakakapag taka pa dito ay kilala niya ako, sino kaya yun at bakit niya kami tinakbuhan kanina, sa pagkakaalam pa namin ay gumamit pa ata siya ng isang Darkness element para makatakas samin.

Itinigil ko na muna ang pag-iisip tungkol dun at nagpatuloy nalang ako sa pagkain at nung nakatapos na kami ay nagulat naman ako ng napansin ko na sinakop na ni Nicole yung buong kama ni Sci.

"Nicole, ayusin mo yung higa mo, para makahiga sila Jessica dyan" pangiting sinabi ni Max habang ginigising niya si Nicole.

"Ano ba gusto mo? Kiss? Lumapit ka dito hahalikan kita" pangiting sinabi ni Nicole na para bang nananaginip siya kaya napansin ko naman na natuwa bigla si Max.

Hahalikan na sana ni Max si Nicole pero nagulat ako ng napangiti bigla si Nicole at sabay piningot niya si Max sa tenga.

"Akala mo maiisahan mo ako, ikaw talaga Max" painis na sinabi ni Nicole habang napansin ko naman na napangiti nalang sila Jessica.

"Wag mo naman kasi ako lokohin ng ganun, akala ko totoo na eh" mas lalo naman siyang piningot ni Nicole matapos niyang sabihin yun.

"Oo na sorry na" sabi ni Max at halatang mamamatay na siya sa sobrang sakit nung ginagawa sa kanya ni Nicole.

"Sige na, Jessica mahiga na kayo dito sa tabi namin ni Erika" pangiting sinabi ni Nicole kila Rainne kaya agad naman silang tumabi at himala kasi nagkasya silang apat dun.

Napansin ko naman na napatingin si Rainne saming dalawa ni Max kaya nagtaka namin kami.

"Saan pala kayo matutulog?" Tanong samin ni Rainne habang napansin ko naman na nakatulog na sila Nicole.

"Dun nalang siguro kami sa may sala, kaya naman namin matulog dun" pangiting sinabi ni Max kaya napaisip nalang si Rainne.

"Tatabi nalang ako sa inyo" pangiting sinabi ni Rainne kaya nagulat naman ako nung time na yun.

"Dyan ka nalang matulog, para komportable ka, wag mo na kaming alalahanin" pangiti kong sinabi kaya nagtaka ulit si Rainne habang nakatingin lang sa kama.

"Sige na nga" patampo niyang sinabi samin kaya natawa naman kami ni Max.

Umalis na agad kami sa kwarto para makatulog na din kami sa may lapag sa sala.

"Grabe buti naman at wala ng masamang nangyayari dito sa Anatasia, at ang maganda pa dun ay napabagsak na nila Zero si Andrew" nagulat nalang ako sa binalita niya sakin kaya nagtaka naman siya.

"Ngayon mo palang nalaman?" Patakang sinabi ni Max kaya medyo natawa naman ako sa kanya.

"Oo, kakarating ko palang ulit dito" pangiti kong sinabi kaya nalinawagan si Max.

"Sige na, matulog na tayo dahil maaga tayong aalis bukas" mahinahon na sinabi ni Max at napansin ko na napahiga na siya sa lapag habang ako naman ay nakaupo lang.

Hindi ako makapaniwala na nahuli na pala nila si Andrew, ibigsabihin nun ay wala ng pipigil sa biyahe namin papuntang Academy.

Nung mga oras na yun ay bigla nalang akong kinabahan kaya napalingon ako sa paligid ko at may natanaw naman ako na anino sa bintana kaya agad akong lumabas para tingnan yun.

Napansin ko naman na parang yun yung nakahood na babaeng nakita namin ni Rainne sa gubat dahil sa kulay ng buhok niya.

Pero nagulat ako ng napansin ko na parang nanghihina na siya at may mga tumutulong dugo galing sa kanya kaya agad na akong lumapit sa kanya.

"Miss anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya at napansin ko na napatingin siya sakin at sabay natumba na siya sa lupa pero bago pa mangyari yun ay sinalo ko na siya.

"James.." Mahinahon niyang binulong sakin kaya nagtaka na naman ako habang nag-aalala ako sa kanya.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya at napansin ko na nanghihina na talaga siya dahil sa mga sugat niya.

"Ipangako mo sakin bilang kapalit ko na ililigtas mo ang mundong ito" bulong niya sakin kaya nagulat nalang ako sa sinabi niya.

"Jamela?" Tanong ko ulit sa kanya at napansin ko na napangiti siya kahit na halatang ang hirap ng pinagdadaanan niya ngayon.

"Wag mo ako bibiguin" pangiti niyang sinabi at napansin ko na tuluyan na siyang nawalan ng malay kaya naluha nalang ako.

"Pinapangako ko Jamela" seryoso kong sinabi sa kanya at napansin ko na binawian na siya ng buhay.

Napalingon nalang ako sa likuran ko at nakita ko naman si Scarlet na nakatingin lang sakin.

"Now your Next" pangiti niyang sinabi at napansin ko na umilaw yung mga mata niya ulit ng kulay pula.

Tsaka ko lang na-realize na siya pala ang may dahilan kung bakit namatay si Jamela kaya nagalit ako ng husto. Hindi ko na siya mapapatawad.

Matapos niyang patayin si Sci tapos sinunod niya talaga si Jamela, hindi ko talaga siya mapapatawad sa pagkakataon na 'to.

"Don't worry I will make sure that you'll suffer" pangiting sinabi ni Scarlet at napansin ko naman na kasama niya yung isang nakahood na lalaki na sa tingin ko ay yun yung ayaw akong patayin.

"I warned you James, but you didnt listen, well I'm so sorry but I have to do this even if I'm your friend" nagtaka ako sa sinabi niya at napansin ko na ibinaba niya na yung hood niya kaya nagulat nalang ako.

Hindi na ako makapagsalita nung mga oras na yun at bigla akong kinabahan ng husto na parang sasabog na yung puso ko.

"Arjay?"

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top