Chapter 16 : Zillah

Andami ng gumugulo sa isipan ko nung mga oras na yun kaya hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko.

Bigla naman akong tinulak ni Max palayo at tsaka ko lang napansin na sumuntok pala yung golem sa kinatatayuan ko kanina.

Nagpakawala naman si Jessica ng apoy na siya namang sumunog sa kamay nito, pero parang wala lang sa Golem ni Scarlet ang mga apoy.

"It will take more than that to stop me" pangiting sinabi ni Scarlet.

"Yun ang akala mo" seryoso namang sinabi ni Nicole sa kanya kaya nagtaka nalang si Scarlet.

Napansin ko naman na hinaluan ni Nicole ng water element yung part ng kamay ng golem na nasunog at namangha nalang ako ng bigla nalang nawasak yung kamay nito.

Pero matapos ang ilang minuto ay nawala agad yung kasiyahan namin ng napansin namin na nabubuo ulit yung kamay ng Golem.

"Papano natin siya tatalunin kung nabubuo naman yung golem niya?" Tanong samin ni Max Kaya napaisip naman kami.

Bigla nalang akong may naalala, diba ang Golem ay nasa control ni Scarlet? Ba't di kaya namin subukan na mapabagsak si Scarlet para mawala yung Golem niya.?

"Magandang plano yang naisip mo James, ako ng bahala" paseryosong sinabi ni Nicole na para bang binasa niya yung isipan ko.

Agad siyang pumunta palapit sa Golem at tumingin ng seryoso kay Scarlet.

"How Dare you? You abandoned me, and by now you will take my vengeance." Paseryosong sinabi ni Scarlet kaya nagtaka naman kami nila Jessica.

Nagulat naman ako ng bigla nalang umulan habang kumikidlat, hindi ko alam kung likha ba yun ni Scarlet o hindi pero sa tingin ko ay Oo.

Nagpakawala nalang bigla si Nicole ng isang paalon na water element na siya namang tumama sa mga paa ng Golem kaya natumba ito panandalian.

Napansin ko naman na pinaapoy ni Jessica yung dalawang kamay ng Golem na sinabayan na din ng element ni Nicole kaya agad na itong nawasak.

"Max tamaan mo ng Earth element yung mukha ng Golem" pasigaw na sinabi ni Nicole habang napansin ko naman na parang nahuhulog na si Scarlet sa balikat ng Golem niya.

Agad naman na kumuha si Max ng isang malaking bitak ng bato mula sa lupa at itinapon niya ito papunta sa harapan ng Golem na siya namang nagpatumba ulit dito.

Napansin ko naman na nawasak yung mukha ng Golem kaya natuwa naman sila Nicole dahil dun.

"How is this even possible?!" Patakang sinabi ni Scarlet na para bang natatalo na siya.

"I dont deserve being beaten by a bunch of weaklings!" Isinigaw nalang yun ni Scarlet at napansin ko naman na umilaw ulit yung mata niya na nagkulay Pula habang yung palad niya naman ay nagkulay Violet.

Tumilapon nalang kami sa isang iglap, nawalan kami ng malay panandalian ng mga oras at nung nagising na ako ay napansin ko naman na wala pa ding malay sila Jessica.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba nung nalaman ko na andun pa din pala si Scarlet sa harapan namin kasama ang Golem niya na buo na ulit.

"You all deserve death" seryosong sinabi ni Scarlet habang napansin ko naman na naglakad yung Golem niya na para bang aapakan si Jessica.

Gusto kong iligtas si Jessica nung mga oras na yun kaso hindi ko na maigalaw ang mga binti ko dahil dun sa nangyari kanina kaya kinabahan ako lalo.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang tumigil sa paglalakad yung Golem at tsaka ko lang napansin na binaril pala ni Sci yung binti ni Scarlet.

"How dare you ?! " pagalit na sinabi ni Scarlet habang halata sa mukha niya na nasaktan siya dun sa bala ng pistol na ginamit ni Sci.

Dala-dala pala ni Sci yung pistol na ginawa ni Rebecca. Nung mga oras na yun ay napansin ko na nagkamalay na din si Nicole pero gaya ng nangyari sakin ay hindi din niya maigalaw ang katawan niya.

Bigla nalang akong nakaramdam ng galit ng nakita ko na sinuntok ng Golem yung kinatatayuan ni Sci at alam ko na natamaan siya nito.

Grabe ang nangyari kay Sci, halos madurog na yung buong katawan niya at nung mga oras na yun ay lubos na ang pagkagalit ko kay Scarlet.

Nagtaka nalang ako ng gumaan yung pakiramdam ko kaya agad na akong nakabangon at diretso kong tiningnan si Scarlet kaya napatingin din siya sakin.

Napansin ko naman na umilaw yung palad ko at gaya nung nakaraan ay nagkulay puti lang ito.

Hinarap ko yung palad ko sa Golem ni Scarlet at napansin ko naman na parang kinakabahan si Scarlet nung mga oras na yun.

"Wala kang karapatan na saktan ang mga kaibigan ko!" Pasigaw kong sinabi sa kanya at sabay nagpakawala ako ng isang liwanag na tumagos sa katawan ng Golem.

Bigla nalang sumabog yung Golem matapos ang ilang segundo at napansin ko naman na nahulog si Scarlet at nawalan na siya ng malay.

Hahayaan ko na sana siyang mamatay pero nagulat nalang ako dahil may sumalo na tubig kay Scarlet, tsaka ko lang na-realize na iniligtas pala siya ni Nicole.

"Bakit mo pa siya niligtas?! Pinatay niya na nga si Sci!" Pasigaw kong sinabi kay Nicole kaya napatingin siya sakin habang mahinahon lang yung mukha niya.

"Hindi pagpatay ang makakasagot sa mga problema James" nalinawagan naman ako sa sinabi ni Nicole kaya wala na akong sinabi nung mga oras na yun at tinulungan ko siyang makabangon mula sa pagkakahiga sa lupa.

"Papano mo ginawa yun?" Mahinahon niyang tinanong sakin kaya napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami papunta kila Max.

"Yung ano?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napangiti siya kahit na bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya sa katawan.

"Lumiwanag yung palad mo at nagkulay Puti, tapos lumikha ka ng isang napakalakas na kapangyarihan gamit ang liwanag na dumaloy sa katawan ng Golem." Nalinagawan naman ako tungkol dun sa sinasabi ni Nicole.

"Hindi ko nga alam kung papano ko nagawa yun" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napaisip siya.

Bigla nalang naputol yung usapan namin nung nakarating na kami kay Max at dali-dali namang kinuha ni Nicole yung Bracelet na dilaw ni Jessica na kayang mag recover ng mga sugat.

Isinuot niya agad ito sa kamay nila Jessica kaya hindi naman nagtagal ay gumaling na kaagad sila.

Na-realize ko naman na isa nalang pala ang kayang pagalingin ng Bracelet ni Jessica dahil tatlo nalang ang natira nung nakaraan at ginamit na namin ang dalawa ngayon kila Max at Jessica.

Napansin ko na medyo nanghihina si Nicole kaya naisipan ko naman na tanungin kung okay lang siya.

"Okay ka lang ba? Gamitin mo na yang bracelet para hindi ka na mahirapan, huwag mo tiisin ang sakit ng katawan mo." Napalingon nalang si Nicole sakin nung sinabi ko yun at ngumiti naman siya.

"Ano ka ba naman, okay lang ako, wala 'to huwag ka ng mag-alala" pangiti niya saking sinabi kaya sumang-ayon nalang ako sa kanya.

Napansin ko naman na nagkamalay na sila Max kaya bumalik na yung tingin namin sa kanilang dalawa.

"Anong nangyari? Asan na si Scarlet?" Tanong kaagad ni Jessica kaya napangiti naman kami sa kaniya.

"Ahmm si Scarlet ba? Nawalan na siya ng malay, salamat kay James" nagtaka naman sila Max ng sinabi sa kanila yun ni Nicole.

"Teka lang? Seryoso? Natalo ni James si Scarlet? Pero papano?" Pataka namang tinanong ni Max samin kaya tumingin kami sa kanya.

"Hindi nga ako ganun ka sigurado, basta umilaw nalang yung palad niya tapos bigla nalang siyang nagkaroon ng napakalakas na kapangyarihan" napaisip nalang sila Jessica nung sinabi sa kanila yun ni Nicole.

"Baka yun na yung kapangyarihan ng pagiging Chosen One" pangiti namang sinabi ni Max samin kaya napaisip na din ako.

Parang may point si Max, hindi kaya yun na yung kapangyarihan ko? Pero hindi ko pa alam kung papano ko ito makokontrol.

"Asan na pala si Sci?" Bigla nalang kaming natahimik nung nagtanong si Jessica kaya nagtaka naman siya.

"Wala na siya, namatay na siya" nalungkot naman sila Jessica nung sinabi yun sa kanila ni Nicole.

Nung tumayo na sila Max mula sa pagkakaupo sa lupa ay agad na kaming pumunta kay Sci.

Hindi na namin halos makilala si Sci dahil sa matinding pagkamatay niya, halos matabunan na nga siya ng mga malalaking bato.

"Sorry, this wasn't supposed to happen" napalingon naman kami sa likuran namin at nakita namin si Zero na nalungkot dahil sa nangyari.

"Im so sorry, I couldn't help you in a time like this" malungkot samin na sinabi ni Zero kaya naging seryoso naman kaming tatlo.

"Huwag mo sisihin yung sarili mo, hindi mo naman kasalanan" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napatingin sakin ng diretso si Zero.

"Tama si James, hindi mo kasalanan, si Scarlet talaga ang may kasalanan" naging seryoso bigla yung itsura ni Zero ng sinabi sa kanya yun ni Nicole.

"Where is she? I need to take her" seryoso saming sinabi ni Zero kaya agad namang itinuro ni Nicole kung nasaan si Scarlet.

"Wala pa din palang malay si Scarlet, sabagay parang kanina lang siya nawalan ng malay" patawang sinabi ni Nicole habang napansin ko naman na binuhat ni Zero si Scarlet

Nagtaka naman ako kasi bakit kukunin niya si Scarlet, may kailangan ba si Zero sa kanya? Ewan ko ba pero naisipan ko na ding itanong kay Zero ang tungkol sa bagay na yun.

"Bakit mo pala kukunin si Scarlet?" Napalingon nalang si Zero sakin at sabay ngumiti habang buhat niya pa din si Scarlet.

"Leave this to me, I will make sure that she'll not make any trouble again" nalinawagan naman ako sa sinabi ni Zero kaya natahimik nalang ako sa isang sandali.

"I think you should go take your rest, the four of you, leave this to me." Napasang-ayon nalang kami kay Zero kaya pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na kaming pumunta sa bahay ni Sci.

Nung habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Sci ay napaisip naman ako bigla tungkol sa nangyari.

Grabe hindi ako makapaniwala na mawawala na si Sci sa samahan naming magka-kaibigan.

Pero ang mas nakakapagtaka ay bakit nagka-ganon si Scarlet, anong nangyari sa kanya? Sa pagkakaalam ko ay mabait naman siya nung mga nakaraang araw pero bakit bigla nalang siyang naging masama.

Nung nakarating na kami sa bahay ni Sci ay hindi namin mapigilang hindi malungkot dahil sa nangyari kay Sci.

Napansin ko naman na napaupo nalang si Nicole at halata sa mukha niya na sobrang sakit na ng mga nararamdaman niya dahil sa mga sugat niya sa katawan.

"Okay ka lang ba Nicole? Huwag ka mag-alala gagamutin kita" pangiting sinabi ni Max kay Nicole at napansin ko naman na imbes sumaya si Nicole ay nainis pa ito.

"Siguro mas mabuti kung si Jessica nalang ang gagamot sa mga sugat sa katawan ko" seryoso namang sinabi ni Nicole sa kanya kaya nagtaka si Max.

"Pero bakit?" Malungkot na sinabi ni Max habang napansin ko naman na medyo natawa si Jessica nung mga oras na yun.

"Niloloko mo ba ako, syempre babae ako, at ang mga sugat ko ay nasa katawan ko kaya mas mabuti sana kung kapwa ko babae ang gagamot sa mga sugat ko." Painis na sinabi ni Nicole kay Max kaya natawa naman si Max.

"Ay! Oo nga, may point ka" napakamot nalang sa ulo si Max habang kami naman ni Jessica ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.

Napag-isipan ko naman na naiwanan nga pala namin si Erika sa Athanasius kaya kailangan merong bumalik samin doon.

"Babalikan ko muna si Erika dun sa Athanasius, dito nalang kayo para makapagpahinga na din kayo" seryoso kong sinabi sa kanila kaya sumang-ayon sila sa plano ko.

"Sasama na ko sayo" napatigil ako sa paglalakad ng sinabi yun sakin ni Max.

"Huwag na, maiwan ka na dito para may magbabantay kila Nicole" sabi ko sa kanya kaya napaisip siya sandali pero hindi naman nagtagal ay sumang-ayon din siya sa sinabi ko.

Pagkatapos nun ay agad na akong dumiretso papunta sa tunnel na dinaanan namin pabalik sa Excelsior Cave sa may Athanasius Village.

Matahimik akong naglalakad nun papunta sa gubat, at bigla nalang akong nakaramdam ng parang may nakatingin sakin sa may bandang kaliwa kaya agad naman akong lumingon sa direksyon na yun.

Bigla namang sumikip yung dibdib ko nung may nakita ako na isang nakahood na lalaki at lumapit ito sakin.

Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga kasama ni Andrew, pero siya kaya yung lalaki na ayaw kaming patayin. Sana nga siya yun para malaman ko na ang pangalan niya.

"Its not safe, James. Everything has changed when you arrived in this world." Napaisip naman ako sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang hindi siya tanungin.

"Sino ka po ba talaga?" Tanong ko sa kanya pero hindi naman sumagot yung lalaki.

"Its not important, what's important for now is you need to get back to your Academy before they arrive" nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Ibig sabihin ba nun ay may susugod sa Anatasia Village? Pero papano na yun, ano naman kaya ang gagawin namin para mailigtas ang Anatasia.

"Bakit mo ba sinasabi ang lahat ng 'to sakin ?" Tanong ko sa kanya kaya napansin ko naman na napangiti nalang siya.

"I might be an Enemy but I dont want to kill you, including your friends so I'm warning you" seryoso niyang sinabi sakin kaya nagtaka na naman ako sa kanya.

"Pero bakit? I mean bakit ayaw mo akong patayin?" Tanong ko sa kanya kaya natahimik siya sandali.

"You shouldn't have come in this world, this will be the end of your life" seryoso niyang sinabi sakin kaya natahimik na naman ako at bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Farewell, James" paalam niya sakin at pagkatapos nun ay bigla na siyang nawala kaya wala na akong nasabi pang iba.

Ang gulo talaga ng mga nangyayari dito sa mundo nila, bakit kaya ayaw akong patayin ng mga taga-Fallen, ano ba talagang plano nila.? Basta sobrang gulo pero sa tingin ko malalaman ko din naman yun balang araw.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at ipinag-paliban ko muna ang mga bagay na yun. Ang mas kailangan kong gawin sa ngayon ay sunduin si Erika para makapag-pahinga na din kami.

Napansin ko naman na palubog na ang araw nung time na yun kaya mas binilisan ko na ang pagpasok sa tunnel papunta sa Athanasius.

Nung nakarating na ako sa Athanasius ay agad na akong dumiretso sa lugar kung nasaan yung karwahe namin.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na din ako at agad naman akong sinalubong ni Erika na parang sobrang tagal ng nag-aantay samin.

"Ba't ang tagal mong bumalik? At nasaan na pala sila Jessica?" Seryosong tanong ni Erika kaya napangiti nalang ako.

"Sorry kung natagalan ako sa pagbalik dito pero nakatuklas na kami ng isang daan pabalik sa Anatasia, kaya iligpit na natin ang mga naiwang gamit diyan sa loob ng karwahe para makabalik na din agad tayo" nasiyahan naman si Erika sa nalaman niyang balita kaya agad na kaming pumunta sa loob ng karwahe para kunin ang mga natirang gamit, pati na ang mga armas ni Rebecca.

Mabilis naman kaming nakabalik ng Anatasia at nasiyahan sila Max ng makita nilang kasama ko na si Erika.

"Buti naman at nakabalik na tayo dito sa Anatasia, pero ano palang nangyari sa labas? Bakit sira sira ang mga bahay?" Patakang tinanong ni Erika samin kaya natahimik kami nila Max.

"Ako na ang bahalang mag-kuwento sa kanya, tara at maglakad-lakad muna tayo sa labas" sabi samin ni Jessica at napansin ko na pumayag naman si Erika kaya agad na silang lumabas para makapaglakad.

"Kamusta na ang kalagayan ni Nicole?" Napatingin naman si Max sakin ng tinanong ko siya.

"Mahimbing na ang tulog niya, buti nga at mabilis maghilom ang mga sugat niya, isang ability din kasi ng water element yun, mabilis gumaling ang mga sugat kapag ang elemento mo ay Water." Nalinawagan naman ako sa sinabi ni Max. Kaya pala ayaw niya ng gamitin yung bracelet kanina.

"Mabuti naman kung ganun, dito na muna kayo, maglalakad-lakad lang muna ako sa labas" sabi ko naman kay Max at sumang-ayon siya kaya hindi naman nagtagal ay lumabas na din ako ng bahay ni Sci.

Nung naglalakad na ko sa may daan ay napaisip nalang ako tungkol sa nangyari kay Scarlet.

Ang weird talaga nung babae na yun, nung una sinabi niya na may halimaw daw sa loob ng katawan ko tapos nung pangalawang pagkikita namin ay sinabi niyang nawala na daw yun, pagtapos naman nun ay nagpapasalamat naman siya sa regalo na ibinigay ko daw, ang gulo talaga ng mga nangyayari, pero sa tingin ko naman ay nagsimula na lahat ng ito nung dumating ako dito.

Tsaka may naalala ako na binanggit ni Scarlet, sa pagkakatanda ko ay Zillah ang tawag niya dun.

Pero ano naman kaya yung Zillah na yun, sana malaman ko din yun balang araw.

Napatigil nalang ako sa isang sandali ng may tumawag sakin at paglingon ko naman sa kanan ko ay si Zero lang pala yun.

"James, I wanted you to have this" sabi niya sakin habang inaabot niya yung isang gemstone na katulad ng binigay sakin ni Raymond nung mga nakaraang araw.

"Para saan naman 'to?" Tanong ko sa kanya kaya naging seryoso yung tingin niya sakin.

"You'll figure it out soon," sabi niya naman sakin kaya napaisip nalang ako.

"Nga pala, nasaan na si Scarlet?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon ulit siya sakin.

"It's hard to believed, but she escaped" nagulat nalang ako sa sinabi ni Zero kaya napaisip na naman ako.

"Pero papano siya nakatakas?" Tanong ko kay Zero kaya natahimik siya habang nakatingin sa ibaba.

"Her power is unbreakable, something is inside her" mahinahon na sinabi ni Zero kaya nagtaka nalang ako sa isang sandali.

"I must go, take care of yourself James" paalam sakin ni Zero kaya pagkatapos nun ay agad na siyang umalis habang ako naman ay nakatingin lang sa kawalan.

Bigla ko namang naalala na isa din palang Void Elementalist si Scarlet kaso kung titingnan mo ay parang mas malakas pa siya kay Melissa.

Tsaka ko lang naalala yung lumang libro na napulot ko sa loob ng Excelsior Cave, baka may mabasa ako dun na makakasagot sa mga tanong ko.

Nagpatuloy na ko sa pagbabasa nung mga sumunod na pahina at hindi nga ako nagkamali, may nakasulat dun na mga mahahalagang bagay.

"ZILLAH"

It is known as the legendary monster in the village of Athanasius, many people believed that this creature protects Athanasius, although that village is the creature's home.

According to some Athanasians
Zillah agrees with humans as long as they respect him.

Zillah is a kind of monster who possesed humans to be able to expand its power, the younger its host, the powerful it become.

nagtaka naman ako sa mga nabasa ko, yung tinutukoy pala ni Scarlet na Zillah ay isang misteryosong halimaw.

Pero gaya nga ng sinabi dun ay mabait naman siya as long na may respeto ang mga tao sa kanya.

Nung pagkatapos kong basahin ang pahina na yun ay napaisip naman ako nung nakita ko na wala yung sumunod na pahina, may pilas yung pahina kaya nagtaka nalang ako.

Na curious naman ako kasi gusto kong mabasa kung ano yung napilas na pahina dun sa lumang libro. Pero sa tingin ko ay wala na kong pag-asa na mahahanap pa yun.

Pagkatapos kong basahin ang libro ay napalingon naman ako sa Gemstone na ibinigay ni Zero.

Napansin ko na kaparehas lang siya nung binigay ni Raymond kaso nag-iba lang yung symbol nito sa harapan.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng napansin ko na malalim na pala ang gabi kaya naisipan ko na ding bumalik na sa bahay ni Sci.

Nung nasa daan na ako pabalik ay nakasalubong ko naman sila Erika at napansin ko na may mga dala silang pagkain kaya naisipan ko nalang na tulungan sila sa pagbubuhat.

"Hindi pa din ako makapaniwala na wala na si Sci" malungkot na sinabi ni Erika at napansin ko na napaluha siya.

"Alam kong mahirap mawalan ng kaibigan, pero lakasan nalang natin ang loob natin kasi ganun talaga ang buhay, hindi sa lahat ng oras ay masaya" napalingon nalang sila sakin at sabay napaisip.

"Tama ka, James. Lakasan nalang natin ang loob natin" pasang-ayon ni Jessica kaya pagkatapos nun ay bumalik na ang tingin namin sa daan.

Hindi naman nagtagal ay nakabalik na din kami sa wakas kila Max, nasiyahan naman si Max ng makita niya na may dala kaming pagkain.

"Wow, sakto nagugutom na din ako" patawang sinabi ni Max habang inaabot ko sa kanya yung isa.

"Pero bago yun, ikaw muna ang kumain nito Nicole, mas mahalaga ka sakin" napatingin nalang si Nicole kay Max habang kami naman ay napangiti sa kanilang dalawa.

"Salamat Max, kahit na naiinis ako sayo. Ang bait mo pa din sakin" pangiting sinabi ni Nicole sa kanya.

Sabay-sabay na kaming kumain nila Jessica habang si Max naman ay pinapakain si Nicole.

"Andami na rin palang nangyari satin" mahinahon saming sinabi ni Jessica kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo nga eh, hindi nga ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari" nagtaka nalang si Jessica nung sinabi ko yun sa kanila.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sakin ni Jessica kaya napatingin ulit ako sa kanya habang sila Erika naman ay diretso lang sa pagkain.

"Hindi ako makapaniwala na nakakaya pa natin ang mga nakakaharap natin na mga kalaban" pangiti kong sinabi sa kanya kaya nalinawagan siya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain nung time na yun at nung nakatapos na kaming kumain ay napaisip naman ako sa isang bagay kaya agad akong lumabas ng bahay para makapag-isip ng matahimik.

Naalala ko na nakatakas nga pala si Scarlet, kaya sigurado ako na baka may balak na naman siyang sirain ang mga bahay dito sa Anatasia.

Bigla nalang tumaas ang atmosphere nung may natanaw ako na anino ng isang tao sa may itaas ng isang bahay.

Nakatingin lang ito sakin kaya kinabahan ako, at matapos ang ilang segundo ay agad itong naglaho.

Nagulat naman ako ng may yumakap bigla sa may likuran ko at tsaka ko lang na-realize na si Scarlet pala yun.

"James, come with me" sabi niya sakin at pagkatapos nun ay dinala niya ako sa gubat gamit ang kakayahan niyang maglaho.

"Ano ba talagang gusto mo? At bakit mo nagawang patayin ang kaibigan ko?" Tanong ko sa kanya kaya nalungkot naman siya habang napansin ko na nalamig na ang paligid.

Napansin ko naman na nilalamig si Scarlet kaya medyo naawa ako sa kanya.

"Your so funny James, you have a smooth and lovely heart, that's the best thing about you" nagtaka naman ako sa kanya kaya napangiti siya.

"Please forgive me, I'm so sorry for killing your friend" seryoso niya saking sinabi kaya medyo nainis naman ako.

"Sa tingin mo ba mababalik mo siya gamit ang sorry mo?" Pagalit kong sinabi sa kanya kaya napalingon nalang siya sa ibaba at may tumulo na luha sa mga mata niya.

"Why can't everyone understand me" pasigaw niyang sinabi at napansin ko na napaiyak na siya ng husto.

"Ano ba talaga?" Tanong ko sa kanya habang siya naman ay naiyak pa din.

"I don't know, just leave me alone" paiyak niyang sinabi at mabilis siyang tumakbo palayo pero hinabol ko siya.

Matapos ang ilang segundo ay napatigil na siya sa pagtakbo at sabay humarap sakin.

"Hindi mo kailangang magtago ng sikreto sakin, naiintindihan kita" napatingin nalang sakin si Scarlet ng pangiti kong sinabi yun.

"Noone understands me, I deserved to be alone" malungkot niyang sinabi kaya nagtaka na naman ako.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako ng diretso sa kanya.

"Someone is controlling me, The Soul of the Monster is in me" nalinawagan naman ako sa sinabi niya.

Teka lang, parang alam ko na ang nangyayari, iniligtas niya pala ako mula dun sa Soul ng Monster pero napunta ito sa kanya, kaya pala sinabi niya nung nakaraan na baka mawala siya sa sarili niya.

"Salamat sa pagligtas sakin" mahinahon kong sinabi sa kanya kaya napangiti siya at sabay yumakap sakin.

"Pero sino ba yung kumokontrol sayo?" Tanong ko sa kanya kaya napabitiw na siya sa pagkakayakap.

"Si Zillah, the Legendary Monster of Athanasius Village" nagulat nalang ako sa nalaman ko, naka-possesed pala siya kay Zillah, at ayon sa libro ay kapag mas bata ang host niya, mas malakas siya. At sa pagkakaalam ko ay mga 15 years old palang si Scarlet.

" pero bakit parang bumalik ka na sa normal?" Tanong ko sa kanya kaya napaisip siya.

"I dont know what is happening to me" sagot niya sakin kaya pagkatapos nun ay natahimik nalang kaming dalawa habang nag-iisip tungkol dun.

"Kailangan mong tanggalin yang si Zillah sa katawan mo" seryoso kong sinabi sa kanya kaya napatingin siya sa ibaba.

"There's nothing you can do to make him get out inside me."malungkot na sinabi ni Scarlet kaya naawa ako sa kanya.

"How sad, sorry but I need to take her" napalingon nalang kami ni Scarlet ng may narinig kami na boses at nakita naman namin si Melissa.

"Ikaw na naman Melissa" pagalit kong sinabi kaya napalingon si Scarlet kay Melissa.

"Why do you need to take me?" Seryosong tinanong ni Scarlet si Melissa kaya napangiti naman ito.

"Basically, you are a weapon" nagtaka nalang ako sa sinabi ni Melissa habang si Scarlet naman ay medyo natakot sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" Pasigaw kong sinabi kay Melissa kaya bumalik sakin yung tingin niya.

"Why can't you understand me?, She is a weapon, that thing inside her was Zillah, the weapon that can take over a Void Elementalist" pangiting sinabi ni Melissa kaya nagulat naman ako.

Si Zillah? Ang legendary Creature ng Athanasius, ay yun din ang tinatawag nilang weapon na makakatalo ng isang Void Elementalist.?

Grabe sobrang gulo, pero ano naman ang magagawa ni Zillah para magawa niyang talunin ang isang Void.

"Don't expect too much, James" seryosong sinabi ni Melissa at mabilis niyang hinarap yung palad niya samin at umilaw ito ng violet.

Hindi ko naman nagawang umilag kaya tinamaan ako ng Force na galing kay Melissa.

" Maybe someday you'll find out what is the purpose of the real Chosen One" pangiting sinabi ni Melissa habang napansin ko na buhat niya na si Scarlet na wala ng malay.

Hindi naman nagtagal ay nawalan na din ako ng malay nung mga oras na yun.

Ano ba yung mga sinasabi ni Melissa, totoong purpose ko? Ano nga ba yun? Nakakacurious, pero sa pagkakaalam ko ang purpose ko ay mailigtas sila sa kalaban, yun ba talaga ang totoo? Gusto kong malaman ang tungkol sa mga sinasabi ng kalaban.

Ang mas nakakapagtaka pa dun ay bakit hindi nila ako pinapatay, ano kaya ang plano ng mga Taga-fallen.

Sana balang araw ay matuklasan na namin yun bago pa mahuli ang lahat.

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top