Chapter 15 : Athanasius Village
Nung bumitaw na mula sa pagka-kayakap si Scarlet ay napatingin siya sakin at sabay ngumiti.
"Nice meeting you, James" pagtapos niyang sabihin yun ay bigla nalang dumilim ang paligid at ang napansin ko nalang ay nakabalik na ko dun sa Athanasius at nakayakap na ko kay Jessica.
"Anong meron? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong sakin ni Jessica kaya napalingon nalang ako sa kanya.
"Wala, may naalala lang ako" pangiti kong sinabi sa kanya kaya nagtaka naman siya.
"Nga pala, saan ba tayo makikituloy dito sa Athanasius?" Tanong ko naman sa kanya kaya napatingin siya sa paligid at sabay bumalik ulit yung tingin niya sakin.
"Ahmm.. Hindi ko din alam eh" sabi niya sakin kaya pagkatapos nun ay naisipan na muna naming magpatuloy nalang sa paglalakad.
Hindi ko naman mapigilang mapaisip tungkol dun sa bagay na sinasabi ni Scarlet na "The Soul Of The Monster"
At according sa pagkakatanda ko, sinabi niya na nasa loob ko daw yung tinutukoy niya na yun, pero bakit naman kaya.
Mas mabuti na siguro kung hindi ko muna iisipin ang tungkol sa mga bagay na yun, ang mas importante sa ngayon ay makapag-enjoy kami ni Jessica dito sa Athanasius.
Andami din naming napuntahang lugar dun sa Athanasius, pero di naman nagtagal ay nakaramdam na kami ng gutom kaya napag-pasyahan namin na hanapin na sila Nicole.
"Saan na kaya sila nakarating?" Pangiting sinabi ni Jessica habang naglalakad kami.
Nagulat nalang ako ng nakasalubong namin si Raymond dun sa Athanasius kaya natahimik nalang ako.
"Ikaw pala James, kamusta ka na? At sino yang kasama mo?" Tanong sakin ni Raymond kaya napangiti naman si Jessica saming dalawa.
Bigla ko namang naalala na hindi nga pala pwedeng malaman ni Jessica ang tungkol kay Raymond lalo na bilang Tatay niya.
"Okay lang naman, hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito" pangiti kong sagot sa kanya kaya napangiti din si Raymond.
"Ako po pala si Jessica, ano pong pangalan niyo?" Kinabahan nalang ako ng tinanong siya ni Jessica.
"Hindi mo na ako kailangang makilala pa, Jessica" seryosong sinabi ni Raymond kaya nagtaka naman si Jessica habang napansin ko na dumadami na yung mga tao sa paligid.
"Sige mauna na ako sa inyo, alagaan niyo ang sarili niyo" pangiting sinabi ni Raymond at pagtapos nun ay umalis na din siya agad.
"James, bakit ayaw niyang magpakilala sakin? Ano bang meron sa kanya?" Napalingon nalang ako kay Jessica ng sinabi niya sakin yun.
"Ganun talaga siya, kahit nga ako hindi ko pa alam ang pangalan niya" patawa kong sinabi sa kanya kaya nagtaka nalang siya.
Hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari kung sakaling magtanong ulit si Jessica sakin, mabuti nalang at dumating na sila Nicole kaya nabago na yung usapan namin.
" Andito lang pala kayong dalawa, tara na't kumain na tayo, gutom na gutom na kasi ako" pangiting sinabi ni Max kaya napansin ko naman na medyo naiinis si Nicole sa kanya.
Napansin ko naman na hindi nila kasama sila Sci at Erika kaya naisipan ko na din na tanungin sila.
"Nasaan sila Erika?" Napatingin nalang si Nicole sakin habang nagsimula na kami sa paglalakad.
"Hindi ko alam eh, pero ang sabi nila may pupuntahan lang daw sila saglit" bumalik na yung tingin namin sa daan pagtapos nun at napansin ko naman na parang natatawa si Max.
"Saan pala kayo pumunta kanina?" Tanong ko sa kanila kaya bumalik yung tingin nila sakin.
"Ahmm. Galing kami sa Excelsior Cave" na curious nalang ako sa sinagot sakin ni Max kaya hindi ko napigilang magtanong sa kanila.
"Ano yung Excelsior Cave?" Nasiyahan naman si Nicole sakin ng napansin niya na gusto ko talagang malaman ang tungkol dun.
"Andaming misteryo ang nakabalot dun sa Excelsior Cave, sinasabi din nila na dun daw nakukuha ang maraming kaalaman tungkol sa pagmaster ng elemento" namangha ako sa mga sinabi niya kaya na curious na naman ako tungkol dun.
"Wait lang, pwede bang kumain na muna tayo bago tayo magpatuloy sa kwentuhan, hindi ko na talaga kaya" patawang sinabi ni Max samin kaya sumang-ayon naman kaming tatlo sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at bigla naman akong napaisip nung mga oras na yun.
"Nicole may tanong ako sayo" tanong ko sa kanya kaya napalingon naman siya sakin habang naglalakad kami.
"Ano yun?" Tanong niya sakin habang sila Jessica at Max naman ay nasa unahan namin.
"Diba sabi mo kapag bumalik na ako dun sa mundo namin ay makakalimutan ko na ang lahat ng tungkol dito? Pero bakit si Jessica ay alam pa din niya ang tungkol sa lugar na ito kahit na pumunta na siya sa mundo ko?" Napangiti nalang si Nicole sakin kaya nagtaka naman ako.
"Hindi naman talaga ganun yun, ang ibig kong sabihin ay kung lilisan ka na sa mundo namin, kailangan muna naming burahin ang lahat ng memories mo dito" nalinawagan naman ako sa sinabi niya.
"At tsaka isinasagawa lang namin yun kapag ang tao na aalis dito sa mundo namin ay hindi na babalik pa, para na din sa kaligtasan ng existence ng mundo namin" dagdag niya sa mga sinabi niya kaya napangiti nalang ako sa kanya habang hindi ko namalayan na ang tagal na pala naming naglalakad.
Napatigil naman kami sa paglalakad ng bigla nalang naming nakasalubong si Erika.
"Sa wakas nahanap ko na kayo, sumama kayo sakin, andun na si Sci sa karwahe at may mga pagkain na dun" nasiyahan naman si Max sa narinig niya kay Erika kaya agad na kaming sumama kay Erika pabalik sa Karwahe namin.
Nung habang naglalakad na ulit kami ay napaisip naman ako tungkol dun sa babaeng may pangalan na Jamela, at according kay Sci ay galing din siya sa mundo ko, ano na kayang nangyari sa kanya, sana makita ko siya at makausap.
Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang nandun na pala kami sa karwahe namin sa may palabas ng Athanasius village.
Nung nakarating na kami dun ay inabot na agad ni Sci yung mga pagkain namin kaya sabay-sabay na din kaming kumain.
"Guys, siguro matatagalan pa bago tayo makabalik sa Academy, depende na yun kung may makikilala tayo na alam ang pabalik dun." Napalingon nalang kaming lahat kay Sci ng sinabi niya yun habang nakain kami.
"So ang dapat pala nating gawin ay magtanong-tanong na kung sino ang nakakaalam ng pabalik sa Elemental Academy" seryosong sinabi ni Nicole at sumang-ayon naman kami sa naisip niyang plano.
"Bukas nalang natin simulan yung pagtatanong, palubog na din kasi yung araw ngayon" napalingon naman kami kay Max ng sinabi niya yun at sabagay tama nga naman si Max, mas mabuti siguro kung bukas nalang namin sisimulan.
Nung tapos na kaming kumain ay nagpahinga muna kami sandali habang napansin ko naman na pumunta na si Nicole at si Jessica dun sa loob ng karwahe para matulog.
"James, diba gusto mong pumunta dun sa Excelsior Cave dito sa Village? Tara samahan na kita ngayong gabi"
Nagulat naman ako ng bigla niya nalang akong tinanong tungkol dun kaya natawa naman siya.
"Sige ba, pero sigurado ka ba na hindi mapanganib dun?" Tanong ko naman sa kanya kaya napaisip siya at sabay ngumiti.
"Hindi naman siguro, tara na" umalis na agad kami papunta dun sa sinasabi niyang Excelsior Cave.
Makalipas ang sampung minutong paglalakad ay nakarating na kami dun sa cave, napansin ko naman na nasa pinakadulong part ng Athanasius yung lugar na yun.
"Andito na pala tayo, pumasok na tayo sa loob, wala naman akong na sesense na panganib sa loob" nakahinga naman ako ng maluwag ng sinabi yun sakin ni Max kaya agad na kaming pumasok.
Nung pumasok na kami sa loob ay napansin ko naman na hindi naman ganun kadilim kaya hindi na ko kinabahan.
"James, mas mabuti siguro kung maghihiwalay tayo ng daan, para mas marami tayong matuklasan" nagulat naman ako sa plano ni Max, nababaliw na ba siya?
"Balitaan mo nalang ako kung ano ang mga bagay na natuklasan mo sa daan papunta dun" sabi niya sakin habang nakaturo siya sa kanang daanan ng kuweba.
Pagkatapos nun ay ganun na nga ang nangyari, naghiwalay na kami ng pinuntahan na daan ni Max, ako sa kanan at si Max naman ang sa kaliwa.
Halos limang minuto nakong naglalakad sa loob ng daan na yun at wala naman akong napapansin na kakaiba kundi isang normal na kuweba lang kagaya ng nasa mundo namin.
Pero nagulat nalang ako ng may naapakan ako na isang maliit na libro na mukhang matagal ng nakatago dun sa loob ng Excelsior Cave.
Hindi ko naman napigilan na hindi basahin yun kasi na curious ako kaya agad ko itong pinulot at binuksan.
Ito naman ang mga nabasa ko sa maliit na libro na napulot ko:
Someday, the True power shall exist by the soul of the chosen One, Indeed this power will be his guide through the day until the end of each night that come, and shall grant the choice of its desire.
The manipulation of its Power shall never last for long, may his soul grant his true purpose of living.
Take the Gemstone my Chosen One.
Nagtaka naman ako ng nabasa ko yun, para may pinapahayag na importante yung nakasulat sa libro na toh.
Pero teka may napansin naman akong nakaipit na papel sa likuran nito.
Sadly, I may have failed to know my real purpose in this world but surely someone will replaced me, the One who will be much more powerful than me.
I've tried to manipulate all the Elements and thought that death is on my side, but luckily I lived. And then suddenly realized that it was the worst thing that I had made as the Chosen One.
Anyway I'm so sorry of leaving you behind my love, It's a pleasure knowing all of you.
~Jamela
Napaisip naman ako ng nabasa ko yung liham na nakaipit sa likuran ng libro at nagulat nalang ako ng may pangalan na Jamela sa dulo. Teka?! Ibig sabihin ba nun ay si Jamela ang pinakaunang chosen One?.
Siguro nga ay tama ang naisip ko, binanggit kasi sa liham niya na hindi na siya nakabalik sa mahal niya na sa pagkakaalam ko ay si Sci ang tinutukoy ni Jamela.
Tapos ano nga yung sinabi ni Jamela, hindi siya namatay sa pag manipulate ng lahat ng elemento?! Ibigsabihin nun ay ipinalabas lang na namatay siya para makalimutan na siya ng lahat.
Pero ang mas nakakapagtaka pa dun ay bakit sinabi niya na yun ang pinakamasama niyang nagawa bilang isang Chosen One? Diba mas maganda kung kompleto mo na ang lahat ng elemento para mas mapadali nalang ang pagtalo dun sa mga kalaban.?
Ewan ko ba basta ang gulo ng mga nalaman ko ngayon.
Tsaka ano nga yung nabanggit dun sa libro? Real purpose? Ganun ba talaga ang mga chosen One? Pero ano nga ba ang katotohanan? Bakit nga ba may mga chosen One? Andami ng gumugulo sa isip ko pero mas minabuti ko ng huwag muna isipin ang mga bagay na yun para hindi na ako mag-alala.
Nung nagpatuloy na ako sa paglalakad ay napunta naman ako sa isang parang chamber na may tatlong statue ng hindi ko naman maiintindihan kung ano, pero parang chamber tombstone siya na may simbolo ng ibat-ibang guhit.
"Someone has unleashed Zillah" napalingon nalang ako sa likuran ko at nakita ko naman si Scarlet na nakatingin lang sakin.
Napansin ko naman na umilaw yung mata niya na red violet kaya kinabahan naman ako sa kanya.
"Please hold my hands and I will help you take out that monster of yours" nagulat naman ako sa sinabi niya, totoo kaya na may halimaw sa loob ng katawan ko?! Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari pero sinunod ko nalang si Scarlet.
Naghawak kami ng kamay at pumikit naman si Scarlet, napansin ko na umilaw yung palad niya at umilaw din yung akin.
"Thats weird, its not in your body, did you break its chains?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Scarlet.
"Anong ibig mong sabihin? Wala naman akong ginagawa" nung pagtapos kong sabihin yun ay bigla nalang humigpit yung kapit sakin ni Scarlet at napansin ko na parang nanghihina siya.
"What's happening?" Tanong ni Scarlet habang bakas sa mukha niya na parang ang sakit ng pinagdadaanan niya ngayon.
"Teka? Scarlet, ano ba talagang nangyayari?" Tanong ko sa kanya at kinabahan ako ng hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa ibaba.
"At last, thanks for giving me the greatest gift that I always wanted" nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya kaya napaligon siya sakin dahan-dahan at napansin ko na naging pula yung mga mata niya at umiilaw ito na para bang apoy.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinalikan at pagkatapos niyang gawin yun ay bigla nalang akong nanghina at hindi na ako makapag-isip ng maayos.
"Goodnight Darling" yun yung pinakahuli kong narinig sa bibig ni Scarlet bago ako mawalan ng malay.
Hindi naman nagtagal ay nagising na din ako sa wakas at napansin ko naman na andun na ako sa loob ng karwahe namin nila Jessica.
"Buti naman at nagising ka na James, ano bang nangyari sayo?" Pag-aalala sakin ni Jessica kaya napangiti naman ako.
"Ano bang nangyari sayo? Sabihin mo na samin James" napalingon naman ako kay Nicole ng tinanong niya ako.
"Hindi ko nga alam ehh, pero sa pagkakatanda ko ay hinalikan ako ng isang babae na ang pangalan ay Scarlet tapos nawalan nalang ako ng malay. Teka papano niyo ako natagpuan?" Tanong ko sa kaniya at napansin ko naman na napatingin siya kay Max at sabay bumalik yung tingin niya sakin.
"Kayo ah, kung saan-saan kayo napunta ng hindi nagpa-paalam samin,tuloy nag-aalala kami ni Jessica" pangiting sinabi ni Nicole sakin kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Scarlet? Parang pamilyar yung pangalan niya pero hindi ko na maalala" sabi samin ni Jessica kaya napaisip naman ako.
"Teka nasaan na ba si Sci?" Naisipan ko na tanungin yun para mabalitaan ko siya tungkol dun sa liham na nabasa ko tungkol kay Jamela.
"Ahmm.. Andun siya sa may labas, magpapahangin daw siya sandali sa gubat." Pangiti niyang sinabi sakin kaya agad naman akong tumayo at dali-dali na akong lumabas para hanapin si Sci.
Nakasalubong ko naman si Erika sa may labas at alam ko na alam niya kung saan pumunta si Sci kaya tinanong ko agad siya tungkol dun.
"Alam mo ba kung saang parte ng gubat pumunta si Sci?" Napangiti naman siya sakin nung mga oras na yun kaya alam ko na Oo ang isasagot niya.
"Oo alam ko, gusto mo ihatid na kita gamit ang ability ko?" Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya kaya pagtapos nun ay niyakap niya na ako para lang makasama ako sa paglaho niya.
Makalipas ang ilang segundo ay napunta na kami sa liblib na parte sa gubat at napansin ko naman na nakaupo lang si Sci sa isang puno malapit samin kaya agad na kaming lumapit ni Erika sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman sa kanya kaya napalingon siya sakin at sabay naging seryoso yung mukha niya.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong naman ni Erika sa kanya kaya napansin ko naman na parang ang bigat ng pinagdadaanan ni Sci.
"Hindi ko makalimutan si Jamela, bakit kasi hindi na siya nagbalik"
Malungkot samin na sinabi ni Sci kaya nalinawagan naman ako at naalala ko na may dapat nga pala akong sabihin sa kanya.
"Alam mo ba, may nakita akong sulat ni Jamela para sayo, nakuha ko yun dun sa Excelsior Cave, humihingi siya ng tawad dahil hindi ka niya nabalikan" napalingon agad sakin si Sci at sabay nabuhayan siya ng loob ng pumunta dun agad kaya hindi naman nagtagal ay agad na kaming umalis dun sa gubat.
"Pero papano tayo makakabalik dun sa Athanasius Village? Hindi pa ako ganun kagaling sa elemento ko" napalingon nalang kami kay Erika ng sinabi niya yun.
"Wait anong ibig mong sabihin? Isa ka ding elementalist?" Tanong naman ni Sci sa kanya kaya napangiti ako.
"Kaya niyang kumontrol ng Darkness element, at kaya nitong mag teleport ng kahit ilan depende sa lakas ng Elementalist" nalinawagan naman si Sci sa mga sinabi ko.
"Okay lang yan, kaya naman nating lakarin eh, tsaka hindi naman ako nagmamadali" pangiting sinabi ni Sci samin kaya nasiyahan naman kami ni Erika kaya pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad pabalik sa Athanasius.
Bigla naman akong napaisip tungkol dun sa Darkness element, kung si Erika ay hanggang dalawa lang ang kaya niyang mapaglaho, sabihin na nating kasama siya sa bilang, at ang mastery niya ay asul na, ibigsabihin ba nun ay mas malakas ang darkness element nila Andrew kasi kaya nitong magpalaho ng tatlong tao. Siguro parang ganun na nga pero hindi natin masasabi hangga't walang patunay.
Makalipas naman ang ilang minuto ay nakabalik na din kami sa wakas sa Athanasius at napag-pasyahan naman namin ni Sci na kaming dalawa nalang ang pupunta dun sa Cave kaya nag-paiwan na si Erika dun sa may karwahe kasama nila Nicole.
Pagkatapos naman nun ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad papunta sa cave of Excelsior, at hindi ko naman napigilang hindi mag-isip ng kung ano-ano habang nasa daan.
Ano kaya ang nangyari kay Scarlet nung mga oras na yun, at ano nga yung sinabi niya? Salamat daw sa regalo? Ano bang pinagsa-sasabi nung babae na yun, at paano niya nagawang tanggalin yung malay ko sa pamamagitan ng halik? Sobrang mysterious ng mga bagay dito sa mundo nila.
Pero bakit niya nga ba ginawa yun? Ano bang binabalak ni Scarlet? Nakaka-curious yung mga bagay na yun.
Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay nung mga oras na yun nung nakarating na kami sa Cave kung saan ko nakita yung liham na nakaipit sa may likuran ng maliit na libro.
Agad na kaming pumasok dun sa mga dinaanan ko kagabi, buti nalang at andun pa din yung maliit na libro patin na yung liham.
Nung nakuha ko na yun ay agad kong binigay kay Sci yung Liham para mabasa niya yung nga huling sulat ni Jamela habang ako naman ay binuksan ko ulit yung maliit na libro.
Ito naman yung mga sumunod na nabasa ko sa lumang libro.
Void Element
~
A very Powerful element that may cause the destruction of ones world.
Its ability is to control any living forms' mind and way of action.
It can also be used to manipulate and create your own Mosnters like Golems and other creatures that is considered in darkness.
Void elementalist usually exist during wars, they are considered as the "hope" of the tribes.
Kinabahan naman ako sa nabasa ko, ganun pala kalakas ang isang Void Elementalist.
Pero ayon sa nabanggit ng libro, ang mga Void Elementalist ay isang malaking ambag sa isang digmaan, kaya na realize ko na magiging mahirap pala ang labanan dito sa mundo nila.
Napansin ko naman na napaluha si Sci ng matapos niyang basahin ang sulat ni Jamela, kaya napatigil naman ako sa pagbabasa nung libro.
"Bakit kasi kailangan niya pang umalis, ano bang ginagawa niya?" Tanong naman ni Sci sakin kaya napatingin nalang ako ng seryoso sa kanya nung mga oras na yun.
"Sigurado ako na may sapat siyang dahilan kung bakit niya nagawa ang lahat ng yun" seryoso kong sinabi sa kanya kaya nalakasan naman siya ng loob.
"Sana makita ko siya balang araw para matanong ko siya" sabi niya naman sakin kaya napangiti naman ako sa kanya.
Pagkatapos naman naming mag-usap ay bumalik na kami papunta sa labas ng Cave pero bago yun ay itinago ko muna yung libro para mabasa ko sa susunod yung ibang nilalaman nito.
Nung palabas na kami ng Excelsior ay napansin ko naman na may isa pang sikretong daan dun at naisipan naman namin ni Sci na pumunta dun para malaman namin kung saan papunta yun.
Pero bago kami dumaan dun ay napatigil naman kami ng may narinig kami na boses nila Jessica kaya napalingon nalang kami sa likuran namin.
"Saan kayo papunta? pwede bang sumama kami?" Tanong naman ni Nicole at napansin ko naman na wala si Erika kaya sigurado ako na siya yung naiwan dun sa karwahe para bantayan yung mga armas ni Rebecca.
"Pwede naman, tara sabay-sabay na tayong pumasok dito, para malaman natin kung saan papunta 'to" pangiti namang sinabi ni Sci sa kanila kaya pagkatapos nun ay matahimik na kaming pumasok dun sa isa pang daanan dun sa Excelsior.
Tumagal din siguro ng isang oras ang paglalakad namin dun sa loob ng kuweba pero nagulat nalang kami ng nakatanaw na kami ng liwanag at parang alam ko kung saan kami dadalhin nung labasan na yun.
"Totoo ba 'to?" Hindi makapaniwala si Nicole sa nakikita niya sa palabas ng Kuweba.
"Papuntang Anatasia yung daan na yun," pangiti ko namang sinabi sa kanila kaya nasiyahan silang lahat.
Nung nakalabas na kami dun sa Kuweba ay totoo nga ang inakala namin, andun na kami sa daan papuntang Anatasia.
" Wow ang galing naman ng gumawa ng tunnel na yun, nagawa niyang gumawa ng daan papunta sa pagitan ng dalawang village" pangiting sinabi ni Max samin habang kami naman ay nasisiyahan dahil sa natuklasan namin.
"Dapat pala isinama na natin si Erika, tsaka yung mga gamit natin sa karwahe" sabi naman samin ni Jessica kaya napaisip na din kami tungkol dun, may point nga naman si Jessica.
"Dumaan muna tayo sa bahay ko bago tayo bumalik, may kukunin lang ako sandali" pagkatapos saming sabihin ni Sci yun ay naglakad na kami papunta sa Anatasia Village.
Napansin ko naman na tumagal din kami ng anim na minuto bago namin narating yung Anatasia na tanaw namin kanina lang.
" sa wakas nakabalik na tayo dito sa Anatasia, masasabi na rin natin kila Zero ang tungkol sa nangyari satin" pangiting sinabi Nicole habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Sci.
Bigla naman akong napatigil sa paglalakad ng bigla nalang sumakit yung ulo ko, yung feeling na parang sinusunog yung utak ko, sobrang sakit.
Bigla nalang akong may naisip na isang bagay, at nung pagmulat ko ay nawala na yung sakit ng ulo ko pero nagulat naman ako ng napansin ko na nasa isang lugar ako na napakadilim.
Tsaka ko lang naalala na parang yun yung lugar nung nakaraan na niyakap ako ni Scarlet.
"James..." Napalingon nalang ako sa likuran ko at nakita ko naman si Scarlet na nakatingin ng diretso sakin.
"Ano ba talagang kailangan mo at bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to?" Tanong ko naman sa kanya kaya ngumiti siya.
"Your Power is Hidden, but shall punished all of them when unleashed" pangiti niyang sinabi sakin kaya nagtaka naman ako sa kanya.
"Your power is terrifying, don't be so rude in using it." Seryoso niyang sinabi sakin kaya napaisip nalang ako sa mga sinabi niya.
"Your power depends on your pride, so don't let you pride down." Pangiti niyang sinabi sakin at napansin ko naman na lumapit siya sakin.
"Look.. Power is the greatest thing that you can have in this world, but too much of it might kill you" nalinawagan naman ako sa sinabi niya, tama nga naman ang sinabi niya.
Napansin ko naman na umilaw yung palad ko nung mga oras na yun at napansin ko na kulay Puti lang ito, napakaliwanag nung palad ko.
Napansin ko naman na pinagdikit ni Scarlet yung dalawang palad namin at umilaw din yung sa kanya na kulay violet.
"Take my pride before I lost myself" nagulat naman ako sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin? Mawawala siya? Ang gulo talaga ng mga nangyayari ngayon.
Nagulat nalang ako ng hinalikan niya ulit ako at napansin ko na nawalan ako ng malay.
Bigla nalang akong nagising at napansin ko naman na andun na ako sa kwarto ni Sci habang sila Jessica naman ay nakatingin lang sakin.
"Ano bang nangyayari sayo? Bigla ka nalang nawalan ng malay kahapon?" Sabi sakin ni Jessica at napansin ko na nag-aalala na siya ng husto sakin.
"Hindi nga ako sigurado eh, basta lagi ko nalang nakikita si Scarlet" napaisip naman sila Nicole nung pagkatapos kong sabihin yun.
"Hindi kaya multo yung si Scarlet?" Patawang sinabi ni Max samin kaya napalingon nalang si Nicole sa kanya habang si Jessica naman ay parang ang lalim ng iniisip niya.
Bigla naman kaming nakarinig ng pagsabog sa may labas kaya agad kaming lumabas ng bahay ni Sci.
Nagulat naman ako sa nakita ko, may isang malaking halimaw na gawa sa bato, o kaya naman ang kadalasang tawag dun ay "Golem".
Pero teka? Ayon sa mga nabasa ko sa lumang libro, kundi ako nagkakamali ay isang Void Elementalist lang ang may kakayahan na gumawa ng mga darkness Creatures.
" How you doing down there? I'm so happy to see you James" bigla nalang akong kinabahan nung mga oras na yun ng narinig ko yung boses ni Scarlet.
"Kilala mo siya?" Tanong naman sakin ni Max habang sila Nicole naman ay nakatingin lang dun sa babae na nasa itaas ng Golem.
Napansin ko naman na napatingin samin yung Golem at tumigil siya sa pagsisira ng mga Bahay dun sa Anatasia.
"Oo kilala ko siya" napalingon sila Max sakin habang ako naman ay halos hindi na makapag-salita.
"My Names is Scarlet and I am here to play with you all, until Death" kinabahan nalang sila Max nung sinabi niya yun samin.
"Siya si-- Scarlet..?" Sabi samin ni Jessica at halata sa kanya na kinakabahan siya.
Anong ginagawa ni Scarlet? Bakit niya sinisira ang mga bahay dito sa Anatasia, akala ko pa naman ay mabait siya.
Pero ang mas gumugulo sa isip ko ay pano siya nakagawa ng isang Golem, hindi kaya ay isa din siyang Void Elementalist, pero papano yun kung dalawa ang kalaban naming Void?
Sino ang gagamitan namin ng weapon na sinasabing nakakatalo ng Void Elementalist?!
Si Melissa o Scarlet??
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top